You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 05

165 2 0
By gytearah

CHAPTER 05 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Kausapin mo ang mga pamangkin mo Mahal." Sambit ni Tita Alpa pagkarating na pagkarating pa lang ni Tito Drammy.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Tito Drammy at iniabot ang mga pinamili kay Tita Alpa.

"Ikaw na lang ang magtanong sa kanila, pupuntahan ko lang ang anak natin." Sabi ni Tita Alpa at pilit na ngumiti, nababakas sa mata niya ang pag aalala. 

"Bakit? Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Tito, tumayo ako at nagtungo sa kusina, ipinagtimpla ko ng kape si Tito.

"Kumusta po ang lakad mo?" Tanong ko at iniabot ang kape.

"Salamat." Sambit ni Tito bago nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.

"Ayos naman, healthy ang mga puno ng mangga, nagsisimula ng mamulaklak." Sagot ni Tito pero sa kape nakatingin.

"Eh 'yong isang pinuntahan niyo po Tito? Kumusta?"

Napalunok si Tito. "H-Ha? Sa manggahan lang ako nagpunta." Sabi ni Tito bago napahingang malalim. 

"Tito, h'wag na po kayong magsinungaling sa amin. May alam na po na kayo kung nasaan si Rumel?"

Nabitawan ni Tito ang hawak niyang mug at agad na tumingin kay Gwy. "Tsk, Alpa.."

"H'wag po kayong magagalit kay Tita Alpa, wala po siyang sinasabi sa amin, sadyang alam po namin ang nangyayari." Sagot ko habang pinupulot ang bubog sa sahig.

"Kayong dalawa, masyado niyo naman akong ginugulat, matanda na ako, baka hindi na kayanin ng puso ko. Ano ba talagang sadya niyo dito maliban sa makilala kaming pamilya niyo?"

"Gusto po naming tumulong." Sagot ni Gwy

"Tito, alam po naming nakatakas si Rumel, at alam pi namin kung sino ang tumulong sa kanya."

Napaayos ng upo si Tito. "S-Sino?"

Tumingin ako kay Gwy bago sumagot. "Si Nay Shielo po."

"Ano?! Bakit naman gagawin ni Sheilo 'yon? Alam niyang may hindi pagkakaintindihan ang pamilya natin at sila Rumel." Umiiling-iling na sambit ni Tito.

"Pag-ibig." Bulong ni Gwy

"May . . . May namamagitan sa kanilang dalawa, kabet ni Nay Shielo si Rumel." 

"Sigurado kayo? Paano niyo nalaman? Hindi ba kayo nagsumbong sa otoridad? Sa asawa ni Shielo."

"Hindi po 'yon gano'n kadali Tito, ayos lang po kay Itay na may lalake si Nay Shielo as long as binibigyan po siya ng maraming pera, pansugal." Sagot ko

"At hindi lang po 'yon Tito, kinukulong po kami at hindi pinapakain, narinig din po namin na ibebenta kami sa mga dayuhan para naman daw po may pakinabang kami." Sabi ni Gwy

Nilapitan kami ni Tito at niyakap. "Anak nga talaga kayo ni Bunso. Magpapalit lang ako ng damit tapos mag-uusap ulit tayo mamaya." Sabi ni Tito at pumasok sa kwartong pinasukan ni Tita Alpa.

"Oh, bakit nakataas na naman ang kilay mo d'yan?" Tanong ko

"Wala lang, gusto ko lang." Pabalang na sagot sa akin ni Gwy, hindi ko na lang siya pinansin, tinotopak na naman siguro siya, kumuha ako ng basahan at pinunasan ang kapeng natapon.

"Natapos mo na ba 'yong libro?" Tanong ko kay Gwy pero parang wala siyang naririnig, nakatitig siya sa malaking picture frame sa sala na may mukha ni Mama Arah.

"Alam ko na kung saan si Nay Shielo." Bulong ni Gwy na ikina-kunot noo ko.

"Gwy, h'wag mong sabihing–"

"Sshhh! Walang dapat maka-alam nun 'di ba? Nasa lahi na yata natin 'yon o sadyang tinutulungan lang tayo ni Mama." Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Gwy, agad ko siyang nilapitan at niyakap, hindi siya ganito, never ko siyang nakitang umiyak, sa aming dalawa siya 'yong  palaban at walang inuurungan, siya 'yong walang kinatatakutan.

"Gwy.."

"Ayos lang ako Ate." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nagtungo sa kusina.

May mali talaga, hindi normal ang pinapakita ni Gwy. Sa aming dalawa ay para siyang si Kaley at ako naman ay parang si Lyra. 

Hindi pa lumalabas ng kwarto sila Tita Alpa kaya ako na lang ang naghiwa ng mga ingredients sa lulutuin naming ulam sa pananghalian, sinigang na baboy paborito daw ni Tito Drammy.

"Tyra?"

"Yes po Tito?"

"Paano nga pala kayo nakapunta dito? Nagpaalam ba kayo sa asawa ni Shielo?"

"Nagpaalam po ako pero ang sabi ko'y pupuntahan ko ang foreigner na sinasabi niya kaya pinayagan niya naman po ako kaagad."

"Eh bakit hindi kayo sabay ng kakambal mo?" 

"Eh kasi po Tito hindi ko po siya malapitan that time, kinulong po kasi siya sa kwarto kasi sumasagot-sagot siya kay Itay."

"At paano siya nakapunta dito?"

Napatingin ako kay Gwy na kakalabas lang ng kwarto ni Mama. "Simple lang Tito, sumakay po ako ng barko, charrss!" Masiglang sambit ni Gwy, ano ba'ng nangyayari sa kanya? Kanina lang tahimik siya tapos ngayon bumalik na naman sa pagiging hyper.

"Tinawag ko ang Itay at sinabi kong susundin ko na ang iniuutos niya pero lasing pala siya at wala sa sarili, may hawak siyang patalim at binalak akong saksakin kaso nakaiwas ako kaya daplis lang," Kwento ni Gwy at itinuro ang sugat niya sa balikat. "Inagaw ko ang patalim at isinaksak sa kamay niya."

Nagulat si Tito.

"Pero binuhusan ko naman ng alcohol 'yong patalim, wala naman sigurong nakikitang finger print dun." Sabi pa ni Gwy

"Eh bakit mo nagawa 'yon? Paano kung napatay mo siya? Paano kapag nakulong ka?"

"Eh pa'no kung ako ang napatay niya? Paggising nun wala ng maaalala 'yon, matanda na siya at iba at epekto ng alak sa kanya, nakakalimot. Sigurado akong hindi siya paniniwalaan ng mga Pulis kung sakaling magsumbong siya." Tama naman ang mga sinabi ni Gwy pero mabuti na 'yong nag-iingat.

"Pagpaplanuhan natin ng mabuti 'yan pero atin-atin lang muna 'to, hindi pwedeng makalabas ng bahay na 'to, hindi pwedeng malaman ng mga Tito niyo at ng mga pamilya nila."

"Pero Tito Drammy, paano po si Kaley? Pa'no kung mapanaginipan niya?" Tanong ko

"Matagal ng hindi nananaginip si Kaley, matagal ng tahimik ang buhay namin, akala ko nga e tuloy-tuloy na although naisip na rin namin na posibleng may mangyaring ganito."

Inilagay ni Tito ang karne sa kaldero at inilagay sa apoy para lumambot. "Pero ang balita namin ay mabait na siya sa loob, hindi ko akalaing may pinaplano pala sila."

"Tito, mayro'n po kaming mga ebidensya pero naiwan po namin sa Buenavista." Sabi ko at napatingin kay Gwy, titig na titig na naman siya sa frame na nakasabit sa wall.

"Gwy.."

"Ssshhhh.." Saway niya sa akin.

"Ano ba'ng nangyayari d'yan sa kakambal mo? Ayos lang ba siya? Kahapon ko pa napapansin na lagi siyang nakatitig sa malaking picture frame ng Mama niyo."

Sasabihin ko ba kay Tito?

H'wag na muna siguro, ayokong guluhin ang isip niya lalo na't marami siyang iniisip, hindi pa siguro ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo.

"Ayos lang po 'yan si Gwy, normal na po sa kanya ang tumitig sa isang bagay, siguro po ay gusto niya lang matandaan ng maayos ang mukha ni Mama, wala po kasing ganyan sa dati naming bahay."

"Kaya pala. S'ya sige, maiwan muna kita at may kukunin lang ako sa likod-bahay. Pinapatulog pa ng Tita mo si Clarry kaya hindi pa lumalabas."

"Sige po Tito, ako na lang po ang magluluto nito, marunong naman po ako magluto ng sinigang, nagsaing na rin po ako sa rice cooker."

Pagkalabas ni Tito ay nilapitan ko si Gwy. "Ano na naman ba 'yan? Gwy, itigil mo na 'yan."

"Ssshhhh.." Sabi niya itinulak ako, hinayaan ko na lang siya at bumalik na sa kusina, inumpisahan ko ng lutuin ang ulam sa pananghalian, inilagay ko lahat ng gulay kasabay ng pampa-asim.

"Gwy, halika nga dito, sabihin mo sa akin kung ano pa ang kulang sa lasa." Hindi siya lumapit kaya ako na lang ang lumapit sa kanya dala-dala ang sandok na may konting sabaw.

"Tikman mo nga kung tama lang ang asim." Sabi ko at bigla siyang lumingon.

"Sino ka??"

* End of Chapter 05 *

A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading rockerzz!! Don't forget to vote and comment, keep rockin' 🤘

  >🎸

Continue Reading

You'll Also Like

460K 686 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
345K 12.8K 44
Rival Series 1 -Completed-
73.4K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...