CTBC: Carrying The Billionair...

By Summer_Alli

3.4M 77K 4.4K

Siya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturi... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
CTBC: Prologo
CTBC: Kabanata 1
CTBC: Kabanata 2
CTBC: Kabanata 3
CTBC: Kabanata 4
CTBC: Kabanata 5
CTBC: Kabanata 6
CTBC: Kabanata 7
CTBC: Kabanata 8
CTBC: Kabanata 9
CTBC: Kabanata 10
CTBC: Kabanata 11
CTBC: Kabanata 12
CTBC: Kabanata 13
CTBC: Kabanata 14
CTBC: Kabanata 15
CTBC: Kabanata 16
CTBC: Kabanata 17
CTBC: Kabanata 18
CTBC: Kabanata 19
CTBC: Kabanata 20
CTBC: Kabanata 21
CTBC: Kabanata 22
CTBC: Kabanata 23
CTBC: Kabanata 24
CTBC: Kabanata 25
CTBC: Kabanata 26
CTBC: Kabanata 27
CTBC: Kabanata 28
CTBC: Kabanata 29
CTBC: Kabanata 30
CTBC: Kabanata 31
CTBC: Kabanata 32
CTBC: Kabanata 33
CTBC: Kabanata 34
CTBC: Kabanata 35
CTBC: Kabanata 36
CTBC: Kabanata 37
CTBC: Kabanata 38
CTBC: Kabanata 39
CTBC: Kabanata 40
CTBC: Kabanata 42
CTBC: Kabanata 43
CTBC: Kabanata 44
CTBC: Huling Kabanata
CTBC: Epilogo
PASASALAMAT!

CTBC: Kabanata 41

52.6K 1.2K 15
By Summer_Alli


HINDI ko maiwasang mailang dahil sa tensiyon na bumabalot sa loob ng sasakyan. Simula no'ng makita ni Dior ang daddy nito ay nawalan na ito ng imik at parang nawala na ito sa mood. Napabuntong-hininga nalang ako.

"We're here" walang emosiyon na wika nito no'ng makarating kami sa tapat ng bahay. Bumaba na rin ito ng kotse ng hindi manlang ako tinitingnan. Mukang may malalim itong iniisip.

Wala akong nagawa kundi kusang bumaba nalang ng kotse at sumunod dito papasok ng bahay.

"G-galit ka ba sa akin?" Hindi na nakatiis na tanong ko dito. Hindi ako mapakali sa ikinikilos nito ngayon, hindi ako sanay.

"I-I'm just tired. I'll go upstairs first" sagot nito habang patungo sa hagdan. Hindi manlang ako nito nilingon.

Malungkot na nasundan ko nalang ito ng tingin. At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong napabuntong-hininga.

"Nag-away ba kayo, anak?" Pukaw sa akin ni inay Besilda na noon ko lang napansin na nasa likod ko pala.

Napapabuntong-hininga no'ng humarap ako dito. Umiling-iling pa ako sa tanong nito. "Hindi po, inay"

"Kung gano'n, bakit parang masama ang timpla ni señorito?"

"Hindi ko rin po alam, inay. Naging ganyan lang naman si Dior no'ng makita niya po ang daddy niya" Malungkot na sagot ko.

Nagpakawala naman ng isang malalim na hininga si inay Besilda na nagpakunot sa aking noo. "Kaya pala"

"Po?"

Makahulugang tumingin sa akin si inay at malungkot na ngumiti. "Galit kasi siya sa daddy niya, iha---at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito napapatawad"

"Huh? B-bakit po? A-ano po bang nangyari?" Usisa ko dahil sa kagustuhang malaman ang dahilan ng pagkakagano'n ni Dior.

Bahagya namang ngumiti sa akin si inay Besilda. "Sa tingin ko ay wala akong karapatang magkwento ng mga nangyari, anak. Si señorito nalang tanungin mo, iha" wika nito na tinapik pa ng mahina ang aking balikat bago ako nilampasan.

Bagsak ang mga balikat na napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Nagpakawala muna ulit ako ng isang malalim na hininga bago ko naisipan na pumunta ng kusina para kumuha roon ng strawberry ice cream. "Sana maging ayos na ulit ang mood ng daddy mo, anak" Usal ko habang nakangiti at hawak-hawak ang ice cream.

Pagkarating sa tapat ng kwarto ni Dior ay kumuha muna ako ng lakas ng loob bago kumatok sa pinto. Nang wala akong makuhang anumang reaksiyon mula sa loob ay kusa na akong pumasok roon. Hindi naman siguro ako sisigawan ni Dior.

Nang makapasok ako sa loob ay agad na natuon ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa may terrace habang nagsisigarilyo. Sa paraan palang ng pagtayo nito ay mahahalata mo na na mayroon itong malalim na iniisip.

Nagsimula akong lumapit dito. "D-Dior?" Agaw-pansin ko dito.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lihim na pagpunas nito sa mga mata nito gamit ang kamay. Umiiyak ba ito?

"B-bakit?" Garalgal ang boses na tanong nito. Bahagya pang kumirot ang puso ko dahil sa malamig nitong pakikitungo sa akin.

Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. Pilit rin akong naglagay ng ngiti sa labi. "Dinalhan kita ng strawberry ice cream. Gusto ko sana----"

"I don't want it" Putol nito sa iba ko pang sasabihin kaya napakagat-labi nalang ako.

"---gusto ko sana na sabay tayong kumain habang nanonood ng mga bituin" Pagpapatuloy ko sa gusto ko sanang sabihin. "Ok. A-ano bang gusto mo? Ikukuha kita sa kusina" wika ko nalang habang pinipigilan ang sarili na mapaluha. Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo nito sa akin. Nasasaktan ako.

Narinig ko ang malalim nitong paghinga. "Just take your rest" Malamig at hindi tumitingin na sagot nito.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mapaluha. Humigpit rin ang pagkakahawak ko sa cup ng ice cream. "A-ano ba kasing problema? M-may nagawa ba akong m-mali? B-bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa akin? A-ayaw mo na ba sa akin?" Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibo.

Ilang segundo rin ang pinalipas ko para hintayin ang sagot nito pero bigo akong marinig ang sagot nito. Mas lalo pa akong nasaktan dahil doon. "S-sige, p-pasensiya na" Garalgal ang boses na wika ko bago bagsak ang balikat na sinimulan ko na itong talikuran.

Malapit na ako sa may pintuan no'ng bigla naman akong matigilan dahil sa mga braso na yumakap sa aking baywang mula sa likuran. Naramdaman ko rin ang pagsubsob ng mukha nito sa balikat ko.

"I-I'm sorry, sweetheart" Usal nito sa pagitan ng mga hikbi. Sunod-sunod ring tumulo ang mga luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil nararamdaman ko rin ngayon ang sakit ng nararamdaman nito o dahil sa mga yakap nito na parati ko nang hinahanap. "I-I'm sorry" Muling usal nito na mas isinubsob pa ang mukha sa aking balikat. Nararamdaman ko ang pamamasa ng aking damit dahil sa mga luha nito.

Ylecander Dior

Damn! Hindi ko dapat idinadamay sa problema ko si Gem. "I-I'm sorry" Muling usal ko na mas niyakap pa ito ng mahigpit. Mas isinubsob ko rin ang mukha ko sa balikat nito upang pigilan sana ang pagtulo ng aking mga luha. Fucking gay!

Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng hininga ni Gem kung kaya't alam ko na nagpapakawala ito ng malalim na hininga.

Humarap ito sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi. Sinubukan ko pang iiwas ang tingin dito para hindi nito makita ang mga luha ko pero naging mapilit ito. Sa huli ay nagkasalubong ang mga mata namin.

"Damn!" I exclaimed when I saw her tears. I immediately grab her face to wipe those fucking tears that I caused. "I-I'm very sorry, sweetheart" I kissed her forehead.

Umiling-iling ito. Inalis nito ang pagkakahawak ko sa pisngi nito. Hindi naman nito binitiwan ang mga kamay ko na nilaro-laro pa nito.

I tried to calm myself.

"A-ayos lang ako, Dior. Pwede bang----" Kinagat nito ang pang-ibabang labi. Yumuko rin ito na nagpakunot sa aking noo. Damn cute! "---p-pwede ko bang malaman kung b-bakit galit ka kay tito Dion?" Pagpapatuloy nito.

Natigilan ako bigla. No'ng mag-angat ito ng tingin sa akin ay iniiwas ko ang tingin ko dito. Hindi ko alam kung handa na ba akong ikwento ang madilim na bahagi na iyon ng aking buhay.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Naramdaman ko rin ang pagpisil nito sa aking kamay. "S-sige, h-hindi kita pipiliting magkwento kung hindi ka pa handa. Basta tandaan mo na parati lang akong----" Hinigit ko ang kamay nito no'ng maramdaman ko na bibitaw na ito sa akin.

"I-I'll tell you" Bahala na!

Inalalayan ko itong maglakad palapit sa gilid ng kama. Nang makaupo kami roon ay hinawakan ko ang mga kamay nito. Napayuko ako.

"D-Dad cheated on mom. No, we----we cheated on her, me and my dad" I can't control my fucking tears.

Bumitaw ang isang kamay ni Gem sa pagkakahawak ko para punasan ang aking luha. Napangiti ako sa simpleng presensiya nito. I love her.

"Nakikinig ako" wika nito bago ko muling hinuli ang kamay nito para ikulong iyon sa mga palad ko.

"Trust me, son. I'll do everything to make things right, j-just believe me. P-please help me to keep this secret, son" Pakiusap sa akin ni dad no'ng makita kong hinalikan ito ng babaeng ipinakilala nito sa akin no'ng isang araw, si tita Linda.

"Dad? D-diba po masama ang magsinungaling? Bad po 'yun. Dapat ko pong sabihin kay mom na may k-kapatid pa po kaming iba. Diba po, masayang magkaroon ng maraming kapatid? Matutuwa po no'n si mom" Inosenteng wika ko pa noong maalala ko na sinabi ni tita Linda na may anak ito at si dad.

Nakita ko sa mga mata ni dad ang pagkagulat. "No!" Sigaw ni dad na nagpapitlag sa akin. Agad rin namang bumalik ang maamong ekpresiyon sa mukha nito. Pinisil pa nito ang aking kamay. "I-I'm sorry, son. J-just please trust me, son. Keep this secret, ok? Don't tell anything to your mom" Pakiusap pa nito kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango.

"At my young age, I don't know what my dad talking about. I go with the flow, trust in him and lie to my mom. I become blind from truth" I said between my sobs.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Gem na siyang nakatulong sa akin para kumalma ng bahagya. "W-wala kang kasalanan, Dior. M-masyado mo lang mahal ang dad mo at nagtiwala ka sa kanya ng sobra. B-bata ka pa no'ng mga panahon na iyon, hindi mo pa alam ang gagawin"

"Yeah. I love my dad that much. I'm young, yes. But----- but I should do something back then. Is it my fault to know nothing? I-I think yes. I don't understand anything that time, I just thought that having sibling is fun until----until mom commit suicide, the time where I realize my dad's fault and I" Hindi ko maiwasan ang humikbi sa ala-ala kung saan kitang-kita ng mga mata kung paano nahulog si mom sa mataas na gusali na iyon. Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang kamay na dumantay sa palad ko. Kung sana malakas ako, kung sana dumating sa tamang oras si dad, sana nailigtas namin si mom.

"Suicide?"

Tumango-tango ako. Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa aking likod. "S-sorry" wika pa nito sa akin habang nakasubsob ang mukha sa aking balikat. Alam ko na nakikiramay ito sa akin.

"Nah. You have no fault---- It's your fake mom who used you to ruin us" wika ko na ibinulong nalang ang mga huling salita. "And I'm the one to blamed. When mom died, I realize that dad cheated on her and I tolerate him. I caused more heartache to mom" Dagdag ko habang dumadaloy ang mga luha. Mas isinubsob ko pa ang aking mukha sa balikat ni Gem para kumuha doon ng lakas.

Katahimikan ang sunod na namayani sa amin.

"D-Dior?" Basag ni Gem sa katahimikan. Mahihimigan sa boses nito ang kaba at takot. Mas niyakap ko ito ng mahigpit.

"Hmm?"

"P-paano--- paano kung mag-usap kayo ng dad mo?"

Hindi makapaniwala na tumingin ako dito. Nagbibiro ba ito? Seryoso ang mukha nito kaya alam ko na hindi ito nagbibiro.

"I can't. I'm still mad with him. I can't-----"

"Diba ang sabi mo, huwag nating hayaang sirain ng ibang tao ang kaligayahan natin? A-alam ko na galit ka sa dad mo, a-alam ko na nasaktan ka sa nangyari. P-pero sa tingin mo ba, masaya ang mom mo sa relasyon niyo ngayon ng dad mo? Ang gusto ko lang kasi sana ay huwag mong hayaang sirain ng nakaraan ang nararamdaman mong kasiyahan sa kasalukuyan. Magiging dad ka na rin, kaya sana bigyan mo ng pagkakataon ang dad mo. G-gusto ko lang na maging masaya ka at walang kinikimkim na galit sa dibdib" wika nito bago yumuko para itago ang kaba.

Napatingin ako sa maumbok nitong tiyan. Pagkatapos kong ibahagi ang kwento ko dito ay bahagyang gumaan ang aking pakiramdam. Sa tingin ko ay kailangan ko na ring pakawalan ang nakaraan para maging tunay na masaya kasama ito.

🌞 May mga bagay sa chapter na ito na hindi ko ma-express ng ayos pero sana nagets niyo 'yung thoughts, ang hirap mag-explain at magkwento kaya sana respect every writers, cause they face hardship just to complete their stories😁 Btw, Maraming salamat sa mga nagbigay ng baby names, hindi ko man sila magamit ngayon, sisiguraduhin ko na gagamitin ko sila sa mga next stories ko. 😊 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

926K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
645 110 15
PROLOGUE #Plagiarism is a crime They said, promises are meant to be broken. Is it? Or just because I'm still hoping for you to fulfill that vow even...