Refugee of Love (2nd Game)

By Risinglow

228 43 0

They say 'no one can predict the future, no one knows what will happen the day after tomorrow.' No one, excep... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 4

11 2 0
By Risinglow

Sa unang araw ng Unit Meet agad sinimulan ang sports. Maraming pakalat kalat na mga estudyante pero ako nanatili lang sa tabi ni Ma'am Lottie. Madalas inuutusan niya ako maghatid ng tubig sa mga manlalaro namin na naglalaro sa iba't ibang sports. Kapag nagkaroon naman ng bakanteng oras pinapa-ensayo ako ni Ma'am Lottie, pero hindi lang ganun kalakas ang boses ko baka daw kasi marinig ng iba.

Minsan pagkatapos ng ensayo namin ni Ma'am, lumalabas ako ng classroom at tumingin tingin sa ibang rooms. Minsan napapadaan ako sa may nag e-ensayo ng sayaw, kanta at speech choir. Ang galing nga nila, sayang wala kaming ganun. 

Naging mabilis ang araw na hindi ko na mamalayan dahil sa dami nang ginagawa. Hangang sa dumating ang araw ng literary competition.

Maunang magperform ang ibang speech competition tulad ng speech choir, declamation, at panghuli ang oration. 

"Good luck Divina, tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo." paalala ni Ma'am Lottie habang inaayusan ako. 

Tinirintas niya ang makapal at kulot kong buhok, tapos may nilagay siyang kung ano anong kulorete sa mata at pisngi ko. Panghuling nilagay niya ay ang lipstick. 

"Wow ang ganda naman ni Dedeth!" puri ng mga kasama ko sa classroom. 

Napaismid ako dahil hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila o binubola lang nila ako. Wala pa akong hawak na salamin dahil inaayos pa ni Ma'am Lottie ang damit ko sa likod. Ipinasok niya ang sobrang damit sa loob ng pambaba ko. 

Kulay puti na may manggas na abot hangang siko ang pang-itaas ko at ang pang-ibaba ko naman ay isang itim na palda at  hapit sa binti ko. Tapos pinaharap ako ni Ma'am sa kanya at pinasuotan niya ako ng kulay itim na parang jacket pero bukas sa harap. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito sa suot ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang itim at makinis na sapatos na may takong na kunti. Pinasuot niya sa'kin at natuwa ako ng saktong sakto sa paa ko ang sapatos. 

"Ayan, perfect!" 

Napangiti ako, humarap ako sa mga kaklase ko pati na sa ibang guro. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nakapagsalita. 

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin Divina." at inabot niya sa'kin ang salamin.

Napanganga ako dahil halos hindi ko na kilala ang sarili ko. Ang ganda ko!

"Ang ganda mo pala Divina kapag inayusan ka. Para kang professional sa suot mo." rinig kong sabi ni Ma'am Fatima. 

"Oo nga. Kung araw araw ka mag-ayos Divina tiyak magmumukha ka ng Kristyano." sigunda ni Ma'am Rose. 

"Divina, tandaan mo lahat ng tinuro ko sayo. Kapag may nakalimutan kang linya hayaan mo lang huwag mo na balikan." palala ni Ma'am Lottie. Tumango ako at nilapag ang salamin sa mesa. 

Nasa stage na kaming lahat naka-upo. Nagbunotan kami ng number kanina at number four ang nabunot ko kaya pang-apat ako na magperform mamaya. Hindi ko alam pero hindi ako kinakabahan pero hindi rin ako kampante. Napalingon ako sa katabi ko, ngumiti ako sa kanya kahit nakapirme ang tingin sa harap.

Siya yung tiningnan ko 'nung unang araw ng Unit Meet, ilang beses ko siyang nakitang palakad lakad kasama mga kaibigan niya. 

Hinintay ko na lingunin niya ako pero hindi man lang siya lumingon. Kaya sa katabi ko sa kanan ang tiningnan ko, ganun din siya nasa harap lang ang tingin.

Kaya napatingin na lang ako sa harap. Maraming nanunuod, kaya nakakalula rin ang mga tao sa harap. Lalo na yung mga hurado ang se-seryoso ng mga mukha. 

Napatingin ako sa nag p-perform ngayon. Ang galing niya napakalinaw ng salitang lumalabas sa bibig nya at ang tapang ng boses niya. Kinabahan ako ng huminto siya bigla.

Napatingin ako sa harap nakita ko yung isang guro na napatayo. Lumikha ng ingay ang pananahimik ng unang nag perform.

Maya maya ay nagsalita siya ulit ngunit hindi na ganun katapang ang boses niya. Tapos mas mabilis na ang mga salitang lumalabas sa bibig nya.

Pagkatapos sabihin ang huling salita ay bumalik sya sa upuan.

"What a great performance Banali Elementary School. Please I want to remind everyone na kapag huminto ang ating mga Orator ay sana panatilihin natin ang katahimikan. Maraming salamat. Ngayon naman palakpakan natin mula sa Sewod Elementary School!"

Sinundan ko ng tingin ang unang nagperform hangang sa nakabalik siya sa upuan. Bigla akong naawa dahil nagpupunas siya ng luha. Kinabahan din ako dahil baka mangyari sa'kin ang nangyari sa kanya. Lalo na ito ang unang pagkakataon na sumali ako sa ganitong contest.

"Now let us proceed to our next performer from Poblacion Elementary School!" tawag ng emcee.

Tumayo ang lalaking katabi ko. Napakalakas ng palakpakan sa kanya. Bigla akong nanliit dahil lakad pa lang hatala na magaling na.

Mas dumuble ang kaba ko ng magsimula siyang magsalita. Parang sanay na sanay na siya sa entablado dahil wala man lang bakas ng kaba o nginig sa boses niya.

Napakagaling niya magsalita. Lahat ng nasa loob ng gym ay nakikinig sa kanya. Mula boses hangang sa kumpas ng kamay. Parang isang kasalanan kung hindi ka makikinig sa kanya.

Mas naging triple ang kaba ko ng matapos siya at malakas na hiyawan ang sumalubong sa kanya. Pati mga hurado hangang hanga sa kanya. Parang gusto ko na lang bumaba sa stage nang makita ko ang lalaki na pabalik na sa kanyang upuan. Nginisihan nya lang ako at mayabang siyang umupo.

"Grabe yun Poblacion Elementary School wala pa ring pinagbago. Parang kada taon lalong gumagaling ang inyong representative." tumawa ang emcee habang ako naman para ng nasusuka sa kaba. "And now let us hear from Karikitan Elementary School!"

Hindi na ako nagulat na wala masyadong pumalakpak.

Dahan dahan akong lumayo at pinigilan ang panginginig ng binti. Napakagat labi ako at iginala ang tingin. Nakita ko si Ma'am Lottie, Ma'am Fatima at Ma'am Rose. Lahat sila nakangiti at itinaas nila ang kamao na tila sinasabi na kaya ko.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa mikropono.

Taas noo akong tiningnan sila lahat. Inaalala ko lahat ng mga sinabi ni Ma'am Lottie.

Walang ngiting ngiti sinimulan ko ang pagsasalita.

Kinumpas ang kamay. Baling sa kaliwa, kanan at harap. Pinipa-intindi ko sa kanila ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. Hindi ko rin kinalimutan ang makipagtitigan sa mga hurado.

Hindi ko alam na sa isang banda wala akong kabang naramdaman.

"FEED your DREAMS.
If you can suffer through setbacks, through pain, RISE up with resilience once again, and again, and again!
ONE DAY THIS WORLD WILL TAP YOU ON THE SHOULDER & say. "This is your time to shine"
YOU CAN HAVE BE AND DO ANYTHING YOU WANT
You just have to believe."

Pagkatapos ko sabihin ang huling stanza ay hiningal ako. Napatingin ako sa mga tao sa baba. Napalunok ako bigla at napawi ang ngiti ko ng wala akong makitang na pumapalakpak.

Napatingin ako kila Ma'am Lottie pati sila hindi gumagalaw. Nakanganga lang sila. Bigla akong kinabahan dahil sa mga reaksyon nila. Hindi ko ba ginalingan. Ang pangit ba ang performance ko.

Nag-uulap na ang mga mata ko pero wala man lang akong narinig. Tiningnan ko ulit si Ma'am Lottie at nagulat ako ng bigla siyang pumalakpak. Hangang sa sunod sunod na palakpakan ang narinig ko. Mas lalo akong nagulat nang tumayo ang mga hurado habang pumapalakpak.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at bumalik ako sa upuan.

Nakasalubong ko pa ang tingin ng lalaking katabi ko. Tiningnan niya lang ako habang yung ibang kasama ko naman ay ngumiti lang sa'kin.

"Wow! Just, Wow! Hindi ko inexpect ang ganung performance ang bibigay ng Karikitan Elementary School! At standing ovation pa!"

Napayuko ako nang maka-upo ako sa upuan.

Buong minuto na nasa entablado kami blanko ang isip ko.

Basta sa sarili ko alam kong masaya ako sa ginawa ko. Manalo man o matalo.

Pagkatapos ng huling nagperform sabay sabay kaming bumaba sa entablado. Nang pababa na kami nagulat ako ng may bumangga sa'kin paglingon ko nakasalubong ko ang nakakalunod na tingin ng lalaki.

"Bilisan mo maglakad." reklamo nya.

Tumango ako at binilisan ang pagbaba. Pagbaba namin binangga niya ulit ako sa balikat.

"Ang bagal mo." singhal niya pa.

Ano problema 'nun?

Padabog siyang naglakad. Hindi ko naman kasalanan na mabagal ang sinusundan ko. Isa pa may takong ang suot ko paano kung madulas ako. 

"Divina!"

Bigla akong niyakap ni Ma'am Lottie. "I'm so proud of you." bulong niya.

"Salamat po sa lahat Ma'am." sabi ko ng kumalas na siya ng yakap. 

"You're welcome Divina." nakangiting sambit niya. "Halika na." 

Sabay kaming bumalik ng classroom para magbihis. Hindi pa kasi ngayon malalaman kung sino ang nanalo. Sabi ni Ma'am Lottie sa huling araw ng Unit Meet malalaman kung sino sino ang mga nanalo. Pagdating namin sa classroom na tinutuluyan namin, agad kinuha ni Ma'am Lottie ang camera niya at nag-picture kami kasama ang ibang mga guro. 

Panay papuri ang naririnig ko sa kanila. Kaya hindi ko rin maituwid ang labi ko sa kakangiti. 


"Sa susunod na taon, ikaw naman ang nandyan Divina."

Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am Lottie habang nanunuod kami ng 'Search for Ms. Unit Meet'.

Napatingin ako sa mga batang rumarampa sa entablado. Lahat sila ay tila sanay at magaling rumampa. Na-iisip ko kung ako nandyan sa entablado tapos rarampa pakiramdam ko mangisay na ako sa kaba. Oration pa nga lang nasusuka na ako. Ano pa kaya kapag ayan na. Labanan ng ganda at talino.

Napa-iling ako.

"Ma'am hindi ko po kaya yan." sagot ko sa gitna ng pag-iling.

"Kaya mo. Basta ako bahala sayo." sabi niya lang.

Tingin ko hindi naman seseryosohin ni Ma'am sinabi niya. Kaya inalis ko sa isip ko na balang araw rarampa ako sa entablado.

Hindi ako maputi, makapal ang labi ko, kulot at buhaghag ang buhok ko. Higit sa lahat hindi ako marunong sumagot kapag tinanong ako sa ingles.

Sa huling araw ng Unit Meet lahat kami ay nagtipon-tipon para sa pagtatapos. Ngayong araw malalaman kung sino sino ang mga nanalo sa lahat ng sports at contest.

Nakapila kami ng maayos, kami rin ang may pinakamaikling bilang sa pila. Kami rin ang pinakatahimik.

"And now let us proceed to the awarding of oration contest."

Kinabahan ako ng marinig ang sinabi ng host. Pinagpapawisan ang palad ko at nangangatog ako sa kaba.

"For the 3rd place goes to..."

3rd place agad! Ibig sabihin tatlo lang ang tatawagin! E walo kaming nagperform. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na hindi ako matawag. Lumingon ako kay Ma'am Lottie pero nasa harap ang tingin niya tila hinihintay rin ang sasabihin ng emcee.

"Buenaflores Elementary School!"

Tumalon sa tuwa ang kabilang pila. Sila pala ang taga Buenaflores Elementary School. Napapikit ako at lihim na nagdarasal na sana ay palarin kahit hindi sigurado.

Nakita kong umakyat yung nakalaban ko at sinabitan siya ng medalya.

"Second place goes to...Kiadsam Elementary School!"

Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Isa na lang ang tawagin at sigurado na ako na hindi ako yun.

Hindi na ako umasa pa. Napatingin ako sa paligid at nakita ko 'yung taga Poblacion na nakalaban ko. Nakatingin siya sa'kin at nag arko ng isang linya ang kanyang kilay.

Sigurado ako na siya ang manalo. Magaling siya, walang duda.

"For the first place of course no other than Poblacion Elementary School!"

Tumalon sa tuwa ang mga taga Poblacion.

Habang ako para akong tinakasan ng lakas. Nanghihina ako.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Sana nakinig ako sa iba na walang pag-asa. Na hindi ako para dito.

Kahit kailan impossible na manalo ang isang tulad ko na isang Dulangan. Tila nabingi ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko. Ayoko igala ang tingin ko lalo na kay Ma'am Lottie. Siguro nagsisisi siya na ako ang kinuha niya. Natatakot ako na tingnan siya dahil baka galit siya sa'kin.

"And for the Champion, goes to..."

Sana simula pa lang hindi na ako pumayag. Sana yung araw na nilaan ko sa pag-ensayo tumulong na lang ako kay Ina. Edi sana hindi ko napahiya ang eskwelahan ko at si Ma'am Lottie.

"Dedeth!"

Nagulat ako ng niyugyug ni Sadam ang balikat ko.

"Bakit?" naiinis kong tanong.

"Again any representative from Karikitan Elementary School?"

"Kanina ka pa tinatawag! Ikaw ang nanalo sa Oration."

"Ha?"

Tinulak niya ako. "Pumunta ka na ng stage!"

Tila umurong ang luha ko na nagbabadyang tumulo. Lahat ng tingin na sa'kin. Lutang akong pumunta ng entablado at nagulat ako ng sinabitan ako ng medalya.

"Again our Champion in Oration goes to  Congratulation Karikitan Elementary School! And congratulations to all!"

Doon lang nag proseso ang lahat.

Nanalo ako! Hindi ako makapaniwala dahil paano?

Akala ko tapos na.

Isang malakas na palakpak ang binigay sa'min. Nakita ko si Ma'am Lottie sa dulo ng pila namin na nagpapahid ng luha.

Itinaas ko ang medalya ko.

Para sa'yo 'to Ma'am.

"Sinwerte ka lang." rinig ko sa katabi ko.

Napalingon ako sa kanya. Ngumingiti siya pero alam kong hindi siya natutuwa.

"C-congrats." bati ko.

"Tss." sagot niya at tumalikod na.

Bumaba na kami ng entablado. Nakita ko ang lalaki na hinubad niya agad ang medalya nya at tinago sa bulsa.

Maraming bumati sa kanya pero ni isa wala siyang sinagot.

Sinundan ko siya ng tingin.

"Sus, sinwerte lang yung champion palibhasa tribu kasi kaya pinaboran. Kung ako papipiliin yung taga Poblacion dapat ang manalo. Kitang kita naman diba."

Nawala ang tuwa na naramdaman ko ng marinig ang dalawang guro na nag-uusap. Alam ko naman na kahit walang pangalan ay ako ang tinutukoy nila.

"Sinabi mo pa. Tingnan mo pagsumali yan sa sunod matatalo na yan."

Dumiretso ako ng lakad at hindi na sila pinakinggan pa. Totoo kaya yun na pinaboran lang ako ng mga hurado. Ibig sabihin hindi ako magaling at hindi para sa'kin ang medalya na'to?

Maraming bumati habang naglalakad ako papunta sa pila namin pero hindi ko sinagot kasi sabi 'nung isang guro pinaboran lang ako. Hindi naman ako ang tunay na nanalo.

"Congrats Divina! Sabi sa'yo ikaw manalo e. Wala ka kasing tiwala." sabi ni Ma'am Lottie at niyakap ako.

Nang kumalas ako ng yakap hindi ko nagawang ngumiti. Iniisip ko pa rin yung sinabi ng guro.

"Congrats Divina!" sila Ma'am Fatima at Ma'am Rose.

Binati rin ako ng mga kasama namin sa pila.

***

"May problema ba Divina? Kanina pa kita nakikitang malungkot." komprunta ni Ma'am Lottie ng makabalik kami ng classroom para kumuha ng mga gamit at madala na sa sasakyan dahil uuwi na kami.

"Ma'am, totoo po ba na pinanalo lang ako ng hurado dahil isa akong tribu at naawa sila sa'kin?"

"Ha? Sino nagsabi?"

"Narinig ko po kasi."

"Kanino?"

"Hindi ko po kilala pero guro rin po sila."

Pinantayan ako ni Ma'am Lottie at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Pabor sa'yo ang hurado dahil magaling ka. Hindi dahil kung anong lahi o tribu ang meron ka. Tandaan mo, sa kompetisyon walang tribu tribu, lahat kayo pantay pantay. Kung nanalo, nanalo ka. Hindi naman lahi ang batayan dito. Oration ang sinalihan mo, anong kinalaman ng pagiging tribu mo dun?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Ma'am Lottie. Tama siya walang kinalaman kung saan ako nagmula sa kung ano ang sinalihan ko.

"Tandaan mo Divina. Sumali ka hindi para e- empress ang mga taong ayaw sayo, sumali ka dahil magaling ka, matalino ka at kaya mo. Diba sabi mo sa speech mo—'Believe in yourself'—marami ka pang marinig na hindi kaaya-ayang salita pero tandaan mo...take it as constructive criticism."

Tumango ako.

"Ngumiti ka na. Mamaya bago tayo umuwi bibili tayo ng pasalubong mo sa pamilya mo."

Ngumiti ako at niyakap si Ma'am Lottie.

"Salamat Ma'am." bulong ko.

Pakiramdam ko nabawasan ng mabigat na bagay sa dibdib ko. Gumaan ang pakiramdam ko. Buti na lang nandyan si Ma'am Lottie.

©risinglow

Continue Reading

You'll Also Like

8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...