Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]

By FinnLoveVenn

3.7K 285 206

Nagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang... More

🌻N O T E🌻
🌻PROLOGUE🌻
🌻CHAPTER 1🌻
🌻CHAPTER 2🌻
🌻CHAPTER 3🌻
🌻CHAPTER 4🌻
🌻CHAPTER 5🌻
🌻CHAPTER 6🌻
🌻CHAPTER 7🌻
🌻CHAPTER 8🌻
🌻CHAPTER 9🌻
🌻CHAPTER 10🌻
🌻CHAPTER 11🌻
🌻CHAPTER 12🌻
🌻CHAPTER 13🌻
🌻CHAPTER 14🌻
🌻CHAPTER 15🌻
🌻CHAPTER 16🌻
🌻CHAPTER 17🌻
🌻CHAPTER 18🌻
🌻CHAPTER 19🌻
🌻CHAPTER 20🌻
🌻CHAPTER 21🌻
🌻CHAPTER 22🌻
🌻CHAPTER 24🌻
🌻CHAPTER 25🌻
🌻CHAPTER 26🌻
🌻CHAPTER 27🌻
🌻CHAPTER 28🌻
🌻CHAPTER 29🌻
🌻CHAPTER 30🌻
🌻EPILOGUE🌻

🌻CHAPTER 23🌻

56 5 2
By FinnLoveVenn

DARREL

*✧♡*♡✧*

Ilang araw na ba ang lumipas simula nung magtapat ako sa kaniya at makita niya ang mukha ng lalaking iyon?

Ilang araw na ba siyang hindi nagpaparamdam at nagpapakita sa akin?

Dalawa?

Tatlo?

Hindi ko na alam, patuloy lang na naglalayag ang isip ko habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan, nagbabadya na naman ata ang ulan ngunit sabi naman sa balita ay walang ano mang namumuong bagyo.

Mukhang nakikisabay lang sa kalungkutan ko ang panahon.

Simula nung gabing makita ni Kristal ang lalaking kausap ni Dillan ay iyon na rin ang huling araw na nagpakita siya sa akin, hindi na siya bumalik o nagparamdam man lang sa akin katulad ng mga nakaraang ginagawa niya, na aalis sandali at babalik din kaagad.

Ngayon ay iba, pakiramdam ko tuloy iniwan niya na ko mag-isa.

"Sino ba ang lalaking iyon?" Walang gana kong tanong sa aking sarili. Iniisip ko kung sino siya para kay Kristal at kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang makita niya ang lalaking iyon.

Sa kakaisip ay ilang araw na akong walang ganang kumain at panay tulog lang ang ginagawa ko, ni hindi na rin ako umaalis ng bahay at hindi rin magawang makipag-usap sa ibang tao.

Sinubukan akong kausapin ni Dillan pero hindi na ko umiimik, hindi rin naman niya sasabihin sa akin ang mga sagot sa tanong ko kaya ano pang silbi ng pag-uusap naming dalawa?

Parang paikot-ikot lang naman ang lahat at walang papatunguhan, itatago lang naman nila sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman.

Ilang beses na rin ako inaaya ni Kaylie at Estelle na lumabas o gumala pero wala akong gana. Na pagtanto ko na masyado na kong matanda para makipaglaro sa kanilang dalawa, o palusot ko lang iyon dahil wala na talaga akong ganang mabuhay dahil wala siya?

Nalulungkot ako, madalas na rin akong dinadalaw ng anxiety at depression ko. Sinusumpong ng panic attack at nawawalan na naman ng gana mabuhay.

"Bakit? Bakit ayaw mo na magpakita sa akin? Dahil ba sa sinabi ko sa 'yo nung gabing 'yun?" Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit niya ko iniwan.

Hindi naman kaya sumama na siya sa lalaking iyon? Hindi kaya noong makita niya ang lalaking iyon ay nahanap niya na ang sagot sa mga katanungan niya at bumalik na ulit ang mga memorya niya?

Ang daming tumatakbong tanong sa utak ko pero kahit anong gawing isip ko ay wala akong mahanap na sagot.

Na sapo ko ang aking noo, napayuko at hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.

Hindi ko kasi makalimutan ang reaksyon na pinakita niya nang makita niya ang lalaking iyon, may idea na ko kung sino siya pero masyado akong makasarili at ayokong isipin na siya ang lalaki sa memorya at mga kwento ni Kristal.

Ayokong isipin na ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit wala siya ngayon sa piling ko.

Ayoko na masaktan, nagsasawa na ko sa pakiramdam na 'to kaya kahit na mag-intay pa ako rito at magmaang-maangan na babalik din siya, uuwi sa bahay kung saan kami nakatira ay gagawin ko— magbubulag-bulagan ako sa pwedeng kahinatnan ko.

Kasi masyado nang masakit, masyado na kong na saasktan sa mga nangyayari sa akin at ito na lang ang paraan ko para tumakas sa katotohanan na mag-isa na lang ulit ako ngayon.

Alam ko naman na may pamilya at kaibigan pa rin ako, pero hindi ko alam bakit hindi ko maramdaman ang pangangailangan ko sa kanila. Siguro dahil sila ang pumipigil sa akin na makilala ang sarili ko? Siguro dahil hindi pa rin nila sinasabi sa akin ang mga sagot sa tanong ko?

O siguro dahil kay Kristal ko nahanap lahat ng mga bagay na hinahanap ko sa pamilya ko? Si Kristal ang tumulong sa akin makabangon sa kalungkutan ko, siya ang nagturo sa akin ngumiti ulit at magbigay kulay sa blangko kong mundo.

Kaya ngayon na wala siya ay parang guguho na rin ang mundong mayroon ako.

Isang palatandaan na sobrang laki ng parte ni Kristal sa pagkatao ko ngayon.

Muli akong napatingin sa labas ng bahay at nakita ang maitim na ulap sa kalangitan, tumayo ako sa pagkakaupo at sinarado ang sliding door sa kusina saka naglakad papunta sa likod bahay para kunin ang bike ko.

Sinakyan ko ito at mabilis na pinatakbo pababa ng burol, patungo sa dagat na tinatawag ako.

Binaybay ko ang daan ng ako lang mag-isa at kada titingin ako sa aking harapan ay tila bumabalik ang iilang memorya galing sa pangyayari nung araw na iyon, nung na aksidente ako at nawalan ng memorya.

Madilim din ang kapaligiran, pababa ako ng burol at sobrang lakas ng ulan.

Mailap na nagpakita sa akin ang mga senaryo na iyon habang nakatingin ako sa daan, kaya dinaretsyo ko na lang ang tingin ko sa dagat.

Napapailing ako dahil sumasakit ang aking ulo tuwing may mga memoryang bumabalik sa isip ko, na tila pati sarili ko ay hindi gustong maalala ang pangyayaring 'yun.

Napalunok ako at mas binilisan pa ang pagpepedal, sinalubong ng malamig at preskong hangin ang mukha ko at hinayaan kong malunod ang sarili ko sa kaba ng mabilis na pagpapatakbo ko.

Hanggang sa hindi ko na mamalayan na nasa harapan ko na pala ang malawak at asul na karagatan. Nakita ko ang malalaking alon na ginagawa ng malakas na hangin na siyang humahampas sa baybayin.

Mukhang tama ang punta ko ngayon sa dagat dahil ito ang mas magandang pagkakataon para mag surfing na siyang tutulong sa akin na makalimot kahit papano sa mga iniisip ko.

Pinarada ko ang bike sa gilid ng daan kung saan may mga lumang bakod na gawa sa kawayan, naglakad ako sa buhanginan habang pinag mamasdan ang galit na dagat na nakikipaglaro sa malakas na hangin.

Nagtungo ako sa bahay ni mang Joe ngunit nakita kong sarado ito at tila walang tao.

"Mang Joe?" Tawag ko sa kaniya pero walang sumasagot kaya umikot ako sa likod bahay niya at nakita roon ang ilang mga surfing board na pinapatuyo ng matanda.

"Pano matutuyo 'to kung mukhang uulan?" Tanong ko habang tinitignan ang paligid, isa-isa kong inalis sa pagkabilad ang mga surfing board at inilagay ang mga ito sa silong ng bahay niya.

Nilingat ko pa ang buong paligid pero wala talaga si mang Joe kaya kinuha ko na lang ang isa sa mga surfing board at nagtungo sa baybayin.

Tinatangay nang malakas na hangin ang mahaba kong buhok, nakatingin sa malalakas na alon na siyang nagbibigay ng kaba at excitement sa akin.

Ito na lang ang takas ko sa magulo kong mundo.

Tinali ko ang leash sa paa ko at nagsimula nang lumusong sa dagat habang hawak ang malaking surfing board. Nang lumalalim na ang tubig ay sinakyan ko na ito at nag paddle para salubungin ang malalakas na alon.

Kada kampay ko palayo sa pangpang ay pakiramdam ko palayo rin ako nang palayo sa mga problem ko, kada makikita ko ang malalaking alon na sumasalubong sa akin ay tila napapalitan ng excitement ang lungkot ko.

Pero nung sumakay na ako sa surfing board at sumabay sa alon, mabilis na pumasok sa utak ko ang idea na pano kung magpatangay na lang ako sa mga alon na 'to at hayaan ang sarili kong lamunin ng dagat?

Pano kung hindi na ko makatayo at lumubong na lamang sa dagat at dito magpahinga?

Matatapos ba ang mga problema ko? Makukuha ko na ba 'yung mga kapahingahan na hinahanap ko? Matatahimik na ba ang utak ko sa pag-iisip?

Mahahanap ko na ba ang sarili ko at magiging malaya sa nakaraan na nawala sa akin?

Pano kung mamatay na lang ako? Makakasama ko ba si Kristal ngayon?

Mapupuntahan ko na ba siya kung na saan siya ngayon?

Iyan ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko habang sinasabayan ko ang malalaking alon na hindi man lang nagdulot ng takot sa dibdib ko. Paulit-ulit akong bumabagsak sa tubig at paulit-ulit din akong tumatayo para muli lang din bumagsak at kainin ng alon.

Hindi ako maka-perfect ng matagal na pagtayo sa board, hindi ko magawang sabayan ng matagal ang mga alon. Naiinis ako, gusto ko na lang mawala at maglaho sa dagat na 'to.

"Isa pa, bakit hindi ko magawa!" Inis kong sabi at muling nag paddle pasalubong sa malakas na alon.

Napatingala ako nang maramdaman ko ang pagtapak ng ambon na sinundan nang malakas na pagbuhos ng ulan. Lumabo ang paningin ko, dahil sa ginagawang hamog ng pagtama ng ulan sa dagat, hindi ko ganong makita ang pangpang sa likuran ko at pansin kong lalong nagalit ang dagat dahil sa malalakas na hangin.

Pero hindi ito naging dahilan para tumigil ako, patuloy lang ako pumunta sa malalim at humanda na sa susunod na malakas na alon na aking sasabayan.

Tumalikod ako at mabilis na tumayo sa surfing board habang nasa ibabaw ng laon, huminga nang malalim at dinama ang pakiramdam na kanina ko pa hinahanap, ang pakiramdam na tila malaya ako at lumilipad.

"Sa wakas na gawa ko rin," saad ko nang matagumpay kong nagawa ang pagtayo nang matagal sa ibabaw ng surfing board.

Dahil doon ay gusto ko pang umilit, gusto ko ulit maramdaman ang pakiradmam na iyon dahil doon ko lang nararamdaman na malaya ako at wala akong iniisip. Pero this time ay mas lumalim pa ako ng punta sa dagat dahil sa nakikita kong malalaking alon, gusto kong mas matagal ang pagsakay ko sa mga ito kaya humanap pa ko ng mas magandang alon na sasakyan.

Nag paddle ako sa mas malalim na parte ng dagat, aminado ako na sobrang hirap kalabanin ang malalakas na alon papunta sa pangpang at mas lumalakas pa ang ulan pero hindi nito napigilan ang kagustuhan kong makawala sa mga isipin ko.

Nakakita ako nang sobrang laking alon at na sabi ko sa sarili ko na ito na ang iniintay ko.

"Okay, masasakyan kita."

Agad kong sinalubong ito at mabilis ding tumalikod dito saka ako tumayo at tumingin sa pangpang, binend ko ang isang tuhod ko at susubok ng isang flip pero biglang na hagip ng mga mata ko ang isang imahe sa pangpang.

Isang babaeng nakaputi at may itim na buhok na hanggang balikat.

"Kristal?" Tanong ko at kinusot ang mga mata ko, pagtingin ko ulit sa direksyon na iyon ay wala na siya sa pangpang kaya mabilis na namang tumibok ang puso ko at tila naninikip na naman ito.

Napaluhod ako sa board at nawala sa balanse habang hawak-hawak ang naninikip kong dibdib. Nahulog ako sa dagat at malakas na tinangay ng alon, pakiramdam ko ay hinihila ako ng board pataas pero dahil sa malakas na impact ay na tanggal ang leash sa paa ko at patuloy akong hinila ng current pababa.

Sinubukan ko pang lumangoy at hanapin ang leash para maka-angat ako sa dagat pero malakas akong hinihila pababa ng tubig.

Napatingin ako sa ibabaw ng tubig, malabo ito at hindi ko makita ang langit. Unti-unti akong nawawalan ng malay at nagdidilim na rin ang aking paningin.

Ah... baka ito na rin ang kahihinatnan ko tutal ito rin naman ang pumapasok sa isip ko kanina. Baka sakali kung mamatay ako ngayon ay makita ko na siya.

Sa kakaunting liwanag na naaninag ko, hindi ko alam kung panaginip ba 'to o talagang nakikita kita sa harapan ko, lumalangoy at pilit na inaabot ang kamay ko.

Sabihin mo Kristal, andito ka na ba para sunduin ako?

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

695K 12.2K 28
(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng Th...
104K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
57.4K 3K 60
[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana m...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...