The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

Chapter 26

301 33 12
By breakerdreamer

Makalipas ang isa't kalahating oras, nakatipon na ang lahat ng team na mag lalaro ngayon araw ng hapon. Kompleto ang bawat koponan sa magkabilaang side ngunit wala doon ang coach ng shohoku na si coach anzai na lalong kinalungkot ni sakuragi. Nakita iyon ni aki kaya nginitian niya ito ng makahulugan, tumango si sakuragi at muling nag concentrate sa pag wawarm up.


"ayos ka lang ba sakuragi?" Tanong ni rukawa sa kaibigan ng tulala ito habang nag wawarm up.



"Naaalala ko lang si coach. Gusto ko siyang puntahan ngayon." Saad ni sakuragi na kinailing naman ni rukawa.



"Mamaya na, sasabay din ako sayo mamaya. Ilang minuto nalang ang natitira at mag sisimula na ang laro." Saad ni rukawa.



lumapit naman si sakuragi kay coach nila at pinakiusapan ito.




"Coach, papasok na po ako. Ayaw ko na pong mag hintay na mamaya pa ako, wag po kayong mag alala malakas po ang resistensya ko, kaya hindi po agad ako mapapagod." Pag makakaawang saad ni sakuragi




ilang saglit na natahimik si coach kotaro. Bumuntong hininga naman ito ng malalim sa walang magawa bago tumango sa gusto ni sakuragi.



"Kazuko, maupo ka muna. Si sakuragi ang mag lalaro sa first half." Saad ni coach kotaro na kinatuwa naman ni kazuko.




"sa wakas makikita na rin kitang mag laro sakuragi." Masayang saad ni kazuko.



"ginagawa mo ba ito para makaalis kana agad?" Maliit ang matang tanong ni takasugi kay sakuragi.




Hindi naman siya sinagot ni sakuragi bagkus ay nag warm up nalang ito ng tahimik. Pinuntahan naman ni aki ang ama para tanungin kong bakit nag bago ang plano.




"walang nagbago sa plano aki, pinadali lang natin ang lahat." saad ni coach kotaro na lalong kinasimangot ni aki, hindi kasi siya sang ayon sa gusto ng ama. .




baka kasi mailabas agad ni sakuragi lahat ng pinag aralan niya. Dapat mga third quarter nalang ito pinapasok e.





ilang saglit pa ay nag salita na ang MC para sa pag papakilala ng buong koponan. Like as usual wala na namang makakatalo sa hiyawan kay rukawa, samantalang kay sakuragi ay madami rin naman ngunit kilala nila itong walang kaalam alam sa pag lalaro.



Tinawag ng referee ang lahat para sa jump ball, ang tatalon ay si sakuragi at akagi na bahagya pang nagulat sa reaksyon ni sakuragi. Malungkot kasi ang  nakabalot sa buong mukha nito.



"Goodluck satin sakuragi." Saad ni akagi, nang tumango si sakuragi dito ay kasabay rin ng pag tapon sa ere ng bola.



Naunang tumalon si akagi na kinagulat ng lahat, maging ang manunuod ay nag taka dahil hindi parin tumatalon si sakuragi. Hanggang sa mataas itong tumalon at wala nang sinayang pa na pagkakataon na tamaan ang bola patungo sa direksyon ni rukawa.



katulad din ni sakuragi ay napaka seryoso din ng mukha nito. Hindi iyon mabasa ng nagbabantay sakanya ngayon na si shin.



Maya maya pa ay mabilis na umatake si rukawa sa pag dedepensa ni shin, nagulat si shin ngunit mabilis din nitong nabantayan pabalik si rukawa. Hanggang sa hindi nila inaasahan ang ginawa ni rukawa na backward step sabay release sa bola mula sa malayuang distansya ng tres.



"Ang layo non? Hindi yan papasok, napaka imposible." Saad ng mga manunuod sa ginawa ni rukawa.


Pero laking dismaya ng lahat ng saktong sakto itong pumasok sa loob ng ring nila. Napapalakpak at napahiyaw ang mga kakampi nila rukawa sa nangyari dahil isang minuto palang ang nakakalipas ay naka three point na agad sila.




"RUKAWA!"



"RUKAWA!"




"RUKAWA!"



sigawan ng mga kakampi nito. Samantalang sa kabilang dako naman kung saan hindi makaconcentrate si sakuragi dahil sa ala ala ng dati nitong coach. Ang nagbabantay dito ngayon ay si mitsui na nakangisi ng malawak.




"Ito ba ang pinag mamalaki mong pagbabago sakuragi? Mukhang dati ka parin namang walang silbi e." Pang aasar na saad ni mitsui. Sabay salo nito sa bolang ipinasa ni miyagi sa kanya, nag alala naman si miyagi habang nakatingin ito kay sakuragi.




'Marahil naapektuhan siya sa binalita ko tungkol kay coach anzai kaya wala siyang kagana gana ngayon?' Saad ni miyagi sa kanyang sarili.



Nang mag dribble si mitsui ay agad naman siyang binantayan ni sakuragi, kung saan tutungo si mitsui para makalusot ay nasusundan iyon ni sakuragi. Hanggang sa mabilis din itong fake jump shot dahilan para mapasunod nito si sakuragi sa pagtalon.



Napangisi si mitsui bago mabilis na umatake sa pag babantay ni sakuragi, napa atungal naman ang lahat sa nangyari dahil gaya nga ng sabi ng iba ay wala paring pag babago kay sakuragi.



Sa bench naman kung saan nakaupo at seryosong nanunuod ang mag ama, hindi nakatakas kay aki ang lungkot dahil mukhang dinaramdam talaga nito ang nangyari. Ngunit wag naman sana nitong pabayaan ang paglalaro.



"Dad, hindi kaya.. palabasin na muna natin si sakuragi, mukhang wala siya sa hulog ngayon e." Nag aalalang saad ni aki na nakatingin parin kay sakuragi.



"Mag tiwala ka lang kay sakuragi anak, kilala ko yan. Hindi yan basta basta nalulusutan lang." Buong kompyansang paniniwala ni coach kotaro kay sakuragi.




Sa loob ng court, malaya ngang nakalagpas si mitsui mula sa pagkakabantay ni sakuragi kaya sobrang lawak ng pagkakangiti nito. Pero ang hindi niya alam...



Agad siyang hinarangan ni rukawa para bantayan na kinatigil niya sa pag takbo, walang nagawa si mitsui kundi tumigil. Sa isang pag dribble pa ay napahiyaw ang lahat sa biglaang pag danggil ni sakuragi ng bola mula sa likod ni mitsui. Sabay kuha nito doon at dribble ng mabilis.



"Bilisan niyo." Sigaw ni aki na kinatakbo naman ng lahat pababa para bantayan ang mga kalaban.



Nang malapit na si sakuragi sa free throw line ay agad siyang tumalon doon ng mataas, si akagi naman ay bahagyang nagulat ngunit tumalon parin siya para sana isupalpal ang tira ni sakuragi ngunit mabilis na iniiwas ni sakuragi ang kamay niya at tumira.



"isang hook shot?" Saad ni mitsui na namangha pa sa tagal ni sakuragi sa ere bago pumasok ang bola sa loob ng ring.




naghiyawan naman ang mga kakampi ni sakuragi dahil sa ginawa ni sakuragi. Ang mga taong hindi naniniwala kay sakuragi ay hindi makapaniwala sa ginawa nitong tira. Samo't saring reaksyon ang nakikita sa mukha ng manunuod habang pinag uusapan si sakuragi.




"Hook shot? Paano niya nagawang ilagan ang gagawin ni akagi sakanya na block kung iyong posisyon ng kamay niya ay pang dunk. That's what he often does when he dunks, so how did he manage to change his shot to a hook shot?" Gulat paring saad ng mga manunuod sa ginawa ni sakuragi. Dini demonstrate pa nila kung paano ito nagawa ng walang kahirap hirap.




Iyong tira kasi ni sakuragi na iisipin mo talagang pang dunk, pero hindi naman pala.



"Nice one sakuragi." Sigaw ni aki na pumapalakpak pa sa tuwa.




Inis na naman ang expression ni mitsui dala ng kahihiyan na nangyari dahil naagawan siya ng ganon kababaw na taktika.





"Nakachamba ka lang sakuragi, imposibleng magagawa mo ang isang bagay na iyon ng ganon kadali. Isa ka lang walang kwentang baguhan." Saad ni mitsui na talagang ipinamumukha pa kay sakuragi. Narinig iyon ni rukawa at sisitahin na sana ng harangan siya ni sakuragi.




"Gawin mo nalang sa laro, wag kang puros salita. Nakakairita ka." Saad ni rukawa na hindi na talaga makapag pigil sa inis.





"Hayaan mo nalang siya rukawa." Saad ni sakuragi bago tumingin kay mitsui ng matalim.




5-0 na ang score at lamang ng limang puntos ang okaido.



Hawak na ng team shohoku ang bola at ipinapasok ito ni miyagi, nakataas ang hintuturo nito habang may isinisigaw.



"Tayo naman ang pupuntos team." Sigaw ni miyagi sabay mabilis na ipinasa ito kay shin na binabantayan ni rukawa.


magkasing tangkad lang ang dalawa at magkasing katawan.



Nang mahirapan si shin sa pag atake sa depensa ni rukawa ay agad nitong ipinasa kay kyoushi ang bola. Binabantayan ito ni kiyo na seryosong pinag mamasdan ang bawat kilos ng kalaban.



'Ito iyong kyoushi na mayabang diba? Tignan natin kung makakatakas ka sa pag babantay na gagawin ko.' Saad ni kiyo sa kanyang isipan bago mabilis na iginalaw galaw ang kamay para sana isteal ang bola.



"Aggresive ha?" Nakangising saad ni kyoushi ngunit hindi siya pinansin ni kiyo. Hanggang sa mabilis na ipinasa ni kyoushi ang bola patungo kay akagi, nang makuha ni akagi ang bola ay agad nitong idinunk.



Naishoot nga bola kaya 2-5 ang score, tatlong puntos nalang ang lamang ng okaido.



nang hawak na ng okaido ang bola, nagulat sila ng si sakuragi ang nag papasok nito. Natawa naman ang lahat sa ginagawa  niya, pero wala namang karea reaksyon ang mga kakampi ni sakuragi dahil alam nilang kaya rin nitong maging point guard kahit napakalaki nitong tao.



Habang dinidribble ni sakuragi ang bola ay mabilis siya umatake sa pag babantay ni mitsui na agad din namang nakalusot ito. Napakabilis nitong nawala sa paningin ni mitsui na halos hindi man lang siya naka umang para sana bantayan ito, basta nalang itong nakalusot.


Nang subukan rin na bantayan ito ni ryu ay mabilis din silang naiwasan ni sakuragi na parang wala lang sakanya ang binabantayan. Nang malapit na sa ring ay agad  siyang dinouble team ni akagi at mitsui na nakahabol pala kay sakuragi.


Nang tumalon si sakuragi para sa dunk na tira, ay ganon din ang ginawa ng dalawa halos sabay din silang dalawa. Naka umang ang mga kamay nila para sa pag bablock sa gagawin ni sakuragi na dunk, ngunit mas magaling na ngayon si sakuragi dahil alam niyang mangyayari ang inaasahan niya. Ang bola na hawak hawak niya ay agad niyang hinawakan ng isang kamay lang, inibang direksyon niya rin ito dahilan para ang bola na ititira niya sana ay naipasa na patungo sa direksyon ni rukawa na libreng libre sa three point.



napahiyaw ang lahat sa ginawang pag pasa ni sakuragi, ang tandem ng dalawa ay muli nilang masasaksihan ng harapan.




"Ang galing ng pasa na yon sakuragi. Nakaka bilib ka." Sigaw ng kung sino sa mga manunuod. Napangisi si sakuragi samantalang si rukawa naman ay umirap kay sakuragi.




"Ako ang nakapagpa shoot, pero sayo parin ang bati." Saad ni rukawa na kinatawa naman ni kiyo, takasugi at captain tetsu.




"Gaya nga ng inaasahan namin sainyong dalawa, napaka galing niyo talagang dalawa." Saad ni captain tetsu



"Wag na muna kayong mag saya, nag sisimula palang naman ang laban." Saad ni mitsui na pumagitna pa sa kanila.



"Bastos talaga ang ugali." Saad ni takasugi sabay iling nito paalis.




"Goodluck kung ganon." Saad ni rukawa na ngumisi pa.



8-2 ang score. Napaka higpit na agad ng laban sa magkabilaang koponan.



*******
(A/n: 😭😭 sorry for the lame update guys. Wala akong idea kung tama pa ba ang isinusulat ko na laro. Dito ako nahihirapan talaga kumpara sa romance e. Sana magustuhan niyo parin, later nalang ulit ang update ha? Manunuod pa ako ng laban sa basketball. Kukuha po ko ng idea doon.)

sana magampanan ko ng maayos 🥺🥺

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"