The Substitute Bride

By Ludlyn

3.8K 90 15

So, before that happened, I got up from squatting in front of him and went near my working table and... "Now... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas

Kabanata 12

48 1 0
By Ludlyn

Kabanata 12

So, si Kim 'tong nagsasalita? Boses niya yang malambing na boses? Sunod sunod na tanong ko sa isip ko. Sinong kausap niya, si Travis? Sounds thankful pa naman siya at the same time sa tono ng boses niya. Mas lalo tuloy yon curiosity na nafe-feel ko, gusto kung maconfirm kung si Travis ba yong kausap niya o hindi!

Kabadong kabado ako sa gagawin kung pagsilip pero kailangan kung makita kung sino yong kausap niya! Kapag nahuli ako ni Kim o nang kasama niya na sumisilip, pwede ko namang ipalusot sa kanya sobrang idol ko siya kaya hinanap ko siya at magpapakilala akong anak ni Kristen Martinez!

Pagsilip ko naman una kung nakita yong sobrang daming flowers, may red and white roses tapos may iba't ibang klase din ng flowers like sunflower and so in, halos mapuno na yong room sa dami ng flowers. Well, super model kasi siya kaya hindi na ako nagtaka.

Sunod kung napansin is yong babae'ng nakaupo sa may harapan ng salamin. Kahit na nakaupo siya sure na sure akong matangkad siyang babae, may suot suot siyang madaming silver na necklace na ang design is parang chocker hindi ko masyadong makita yong design ng gown na suot niya kasi nakaupo nga siya pero katerno ng suot niyang chocker yong silver niyang gown na ang design is pa-scoop na strap. Nakatali din ng mataas yong itim na itim niyang buhok.

Sino kaya yong kausap niya? Nasan yong kausap niya?

Si Kim lang kasi yong nakikita ko, hanggang sa tinaas niya yong left hand niya at nakita kung may suot suot din siyang bangles.

Wala naman sana akong pakialam sa suot suot niyang bangles kaso lang may isang bangle doon na hindi kakulay ng suot niyang mga chocker.

Lima yong suot niyang bangles, dalawa sa baba at dalawa sa taas is silver na bangle na sure akong Cartier din yong brand base sa design niya. Yong nasa gitna at pangatlong Cartier na suot niya yon, yong naiiba at habang nakafocus yong tingin ko doon kahit na medyo malayo sure akong same ng design yong suot niya sa suot ko na bigay ni Travis.

Masyado siyang kapansin pansin kasi yon lang yong nag iisang gold na kulay sa katawan niya.

Akala ko ba limited edition yong bangle na bigay sakin ni Travis at saka sobrang mahal nyan! Bakit parehas kami? Bakit meron din siya? San niya nakuha yong kanya? Binili niya? O binilhan din siya? Kung binilhan siya, sinong bumli? Sinong nangbigay?

May idea ako pero ayuko, ayukong ivoice out kasi sure ako na titibok nang mabilis yong puso ko sa masakit na paraan! Iiyakan ko lang 'to mamaya bago matulog kung totoo man ang hinala ko!

Kulang nalang lumabas na sa rib cage ko yong puso ko sa sobrang bilis ng tibok!

"I just hope you don't have a sudden business meeting so I can be with you all day." At saka siya mahinhin na tumawa.

Tumayo si Kim sa kinauupuan niya at mabuti nalang talaga hindi pa niya ako napapansin, nakita ko tuloy yong suot niyang gown, yong nasa left leg na part ang haba ng tela na medyo sumasayad na sa floor pero sa may right leg ang ikli na masyhado ng tela, na parang once inch lang yong haba ng tela!

Sobrang sexy niya, glass hour talaga yong figure ng katawan niya pero hindi ko na-appreciate at all! Isa siyang karibal! Kaagaw!  

Yong suot din niyang pumps is ang taas masyado at kakulay din ng silver niyang gown. Mula naman sa dressing table niya napanuod ko yong mga kilos niya sa loob ng room,

naglakad papunta doon sa may wall at doon ko lang napansin yong lalake'ng matanda at kahit na nakasuot na ng high heels si Kim hanggang sa may ilong lang nung lalake'ng kasama niya yong taas ni Kim. Ganyan katangkad si Travis.

Pigil na pigil ko na naman yong paghinga ko habang pinapanuod yong mga susunod na gagawin nila.

Kaharap na kasi ngayon ni Kim si Travis, tinaas pa nga niya yong dalawa niyang kamay at pinatong sa magkabilang balikat ni Travis.

Ano hahalikan ba niya si Travis?

Wala man lang ginawa si Travis, para ngang di siya affected sa ginawa ni Kim. Sobrang lapit nila sa isa't isa! Yong bilog na bilog na b oobs ni Kim nakadikit na sa dibdib ni Travis pero para bang wala namang pakialam si Travis. Literal na nakasadal lang siya doon sa pader habang nakatayo at mukhang naghihintay sa mga susunod na gagawin ni Kim.

Hindi man lang ba niya iyayakap yong mga kamay niya sa magkabilang bewang ni Kim?

Tanong ko pa sa sarili ko, pero pano kung gawin niya yon? Baka hanggang bukas ng lunch wala ako sa mood, walang gana kumain! Hindi ko masikmura na makita si Travis na may ibang babae na gusto. My stomach feels sick!

"I miss you." Dagdag pa ni Kim at sa pagkakataong 'to nagtip toe pa siya at mas nilapit yong mukha niya sa mukha ni Travis.

That's it! Hindi ko na papanuorin ang susunod na mangyayari kasi may idea naman na ako!

Ang balak ko sana tatakbo ako palayo pero dahil na din siguro sa anxiety na nararamdaman ko, hindi na ako makapag focus sa kung ano bang dapat kung gawin yong pagtakbo na gagawin ko sana, eh failed! Natapilok ako sa kinatatayuan ko, kaya ang ending napahawak ako doon sa may pinto nag open tuloy ng maluwag yong door at nakita ko ulit sila Travis at Kim pero magkalayo na sila sa pagkakataong 'to.

Hindi na nakasandal si Travis sa kinatatayuan niya kanina, nakatayo na siya ng straight habang nakapamulsa yong dalawa niyang kamay sa magkabilang side ng pants niya.

"Kourtney?" Nagtatakang tawag sakin ni Kim. Hindi na din ako nagtaka kung bakit kilala niya ako habang si Travis naman mukhang hindi nagulat kahit na biglang out of the blue sumolpot ako sa harapan nilang dalawa ng fiancée niya!

"What are you doing here?" Si Kim ulit.

"Are you okay?" At saka lumapit sakin si Kourtney, doon ko lang naalala na nakasalampak pa pala ako sa sahig. Shuta! Nakakahiya. Agad naman akong umayos sa pagkakatumba ko sa sahig.

Naupo ako at kaya ko naman pero masyadong mabait - I mean epal si Kim, lumapit pa din kasi siya at walang pag-aalinlanggan na hinawakan yong dalawa kung kamay at saka niya ako inalalayan na makatayo.

Nag-init tuloy yong magkabilang pisngi ko sa hiya. Inalalayan niya ako at sa tulong na din ni Kim, sinama niya akong pumasok sa loob ng room niya, pinaupo sa vanity chair niya.

"Are you sure you're, okay? Gusto mo bang magpatawag ako ng medical team para macheck ka?" Ang OA naman sa part na kailangan pa ng medical team!

Urgh! Kung hindi lang nakabantay sa mga kilos ko si Travis na parang eagle na isang maling galaw lang mahuhuli na niya ako, gusto ko na talagang umirap.

Magkakasunod akong umiling.

"Okay lang ako!" At saka ako awkward na nakangiti. May inabot naman sa may gilid ko si Kim at saka niya binigay sakin yong mineral water.

"Uhhm, thanks."

"What brings you here?" Tanong agad sakin ni Kim after kung makainom ng water.

Para i-check ka at si Travis! At tama nga ang hinala ko! Magkasama kayo! Mga taksil! Sigaw ko sa isip ko.

Binuka ko naman yong bibig ko para sana sagutin yong tanong niya pero ni-isang salita walang lumabas sa bibig ko. Muli na naman niyang tinaas yong left hand niya kaya doon na na naman nafocus yong tingin ko sa bangles na suot niya, yong pang gitna na bangle na same na design sa bigay sakin ni Travis. Hinawakan ko naman yong dulo ng suot-suot kung jacket para maitago yong bangle na suot ko, to make sure na hindi makikita ni Kim na may parehas kaming bracelet.

At dahil mukhang nag hihintay siya nang sagot ko, nawalan tuloy ako ng choice kung hindi magpaliwanag.

"I... I wanted to see you." Oh, hindi ako nagsinungaling dyan ha! Yan naman talaga yong reason ko.

"Aww! That's so sweet of you!" Nagulat pa ako ng bigla akong niyakap ni Kim. Mukhang tuwang tuwa siya sa naging sagot ko.

"I wanted to see you too, Kourtney." Plastic ba siya o eto talaga yong normal attitude niya? Super sweet and always acting super nice?  

"You know what, since I was young, I am a super fan of your mom, I love all her magazine covers na meron akong collection sa bahay, siya din yong inspiration ko kaya ako pumasok sa modeling industry. I also wanted to see her in person but she no longer attends social events. I don't know anything about business so I got no reason to attend at business parties, pero hindi naman din kasi ako naiinvite sa mga ganung events."

Wala akong pakialam! Ang gusto kung malaman bakit magkasama sila ni Travis. Pero hindi na ako yong batang Kourtney noon na kapag curious hindi magdadalawang isip at magtatanong nalang, ni-walang pakialam sa consequence. Iba na kasi ngayon. Dalaga na ako, dapat na akong mag-ingat sa kilos at sasabihin ko.

Ang dami nang nakwento ni Kim about sa modeling carrier niya at kung gaano niya ka-idol si mom pero si Travis tahimik pa din doon sa isang sulok. Hindi ko alam kung may sarili na ba siyang mundo or nakamasid lang siya samin ni Kim o baka sakin lang. Asa ka Kourtney! Sigaw naman agad ng isip ko.

Okay fine! I mean, for sure yong galaw lang ni Kim yong binabantayan niya. Bakit nagwo worry ba siya na isip bata pa din ako? Gagawa ako ng ikakasakit ng fiancée niya? Tulad nang mga nangyayari noon sa beach house nila sa mga babae niya kapag dumarating ako para magbakasyon doon. Don't worry Travis, nagmature na ako!

Hindi gumagalaw, parang may sariling mundo. Nakasandal lang siya doon sa pader, habang nakapamulsa yong mga kamay niya sa magkabilang bulsa. 

Pero kahit na anong pigil ko sa sarili ko, actions speaks louder than words nga naman talaga, napansin din agad ni Kim yong madalas na pagtingin tingin ko sa left hand niya kung nasan yong suot niyang bangle.

Nagka-eye to eye tuloy kaming dalawa. Ngumiti siya sakin pagkaraan ng ilang sandali at saka nagtanong kung,

"Are you into jewelries too?" Even though I'm not sure about that part, because I don't think about it that often and I only wear one bangle most of the time, tumango pa din ako sa tanong niya.

Ang totoo nyan iisang bangle lang talaga yong suot ko madalas, yong bigay ni Travis.

"How cute! We have the same thing that we want. I noticed that you were looking at my bangles I was wearing." I bit my lower lip in shame. Sa sobrang pagkagusto kung malaman kung san niya nakuha yong parehong bangle na suot niya hindi ko napansin na tingin na pala ako ng tingin doon. Shuta! Nakakahiya!

Tapos ay bigla siyang lumingon kay Travis kaya pati ako ay napatingin.N Napaiwas nga lang ako agad ng tingin kasi guilty ako, feeling ko alam ni Travis yong reason ko kung bakit ako nandito. Kaya din tahimik siya, sa huli napa-pout nalang ako kasabay nang pag-iwas ko ng tingin kay Travis.  

Napansin ko naman yong biglang pagtamis ng tingin ni Kim habang nakatingin kay Travis, habang si Travis naman wala pa din'g emosyon yong mukha niya.

Napansin ko naman kung paano niya marahang hinawakan yong pangatlong bangle na suot niya at saka niya sinabing,

"Travis gave it to me on our birthday." She said happily as if it happened just yesterday.

"Maybe you don't know... but we got the same birth date."

Sabi ko na nga ba.

Pakiramdam ko biglang nagdry yong throat ko. Naging speechless din ako. Akala ko yon, na yon pero...

"I also heard that you are a family friend of the Forgers, right? So, I assume you know that Travis and I are promise to each other?" 

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 640K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
227K 17.2K 24
"ما هِي رَغباتُك المُظلمة ..دكتور جيُون؟" "لَدي غَرائز تايهيُونغ ..لا رَغبات، وَ هُناك فَرق" آدت أفكار تايهيُونغ وَ فضوله حَول رَغبات الأنسان المُظلم...
5.4M 484K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...