The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

30.7K 3.1K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

Chapter 23

286 36 13
By breakerdreamer

Lunes ng umaga abalang abala na agad ang lahat sa paghahanda, paghahanda para sa preliminaries na gaganapin na ngayong araw. Ang araw na magkakaharap harap ang buong koponan ng kanagawa prefectures.

"Bakit wala parin si sakuragi? Anong oras na oh?" Aligagang saad ni captain tetsu na tinatanong ang kasamahan din nitong kakarating lang din.

"Cap, baka tulog pa. Ikaw ba naman pagpractisin ng magdamay kahapon sino ba namang hindi mapapagod." Pagpaparinig ni shintaro na sinamaan naman ni captain tetsu.

"Tss. Hindi ko naman sinabi sakanyang mag damag e. Alam niya namang may laro tayo tapos malelate siya." Saad ulit captain tetsu.

"Teka tetsu, himinahon ka nga. Hindi naman natin pag lalaruin si sakuragi ng first half diba? Sa second na." Pag singit ni coach sa mga players

"Kahit na coach. Ito rin kasi iyong araw na pinakahihintay niya e. Ang laban sa pagitan nila ng shohoku." Bulong na saad ni tetsu

"naiintindihan ko. Mag tiwala ka nalang kay sakuragi, makakarating iyon bago mag second half."

Si aki naman ay hindi narin mapakali sa biglaang nangyari, wala naman kasing sinabi sakanya si sakuragi na malelate ito. Basta Inihatid nalang siya nito sa bahay..

"Nandito naman si rukawa ah? Hayaan niyong si rukawa ang lumampaso sa mga iyon. Reserba na lang natin si sakuragi." Saad ni kiyo dahilan para mabatukan siya ni takasugi sa ulo.

"Gago. Wag mong mamaliitin ang mga kalaban, shohoku ang unang kakalabanin natin ngayon." Saad ni takasugi na kinanguso naman ni kiyo habang hinihimas ang ulong binatukan.



"Pupuntahan ko nalang si sakuragi sa bahay nila, hintayin niyo nalang ako doon pag dadausan ng laro." Saad ni aki



"Sasamahan ko na siya." Presentang saad ni rukawa na kinalaki ng mata ng mga ito.

pinigilan ito ni captain tetsu habang naiiling.



"Aatakehin ako sainyo sa takot e. Wala na nga si sakuragi tapos susunod ka pa, wag niyo naman pasakitin ang ulo ko." Naistress na saad ni captain tetsu. Wala namang emosyong tinignan ni rukawa si aki bago tumango.




Tumango rin si aki bago dali daling tumakbo palabas ng kanilang gym. Una nitong pupuntahan ay ang bahay ni sakuragi, medyo malayo iyon rito pero kaya niya namang takbuhin.


habang binabaybay ang kalsada, inililibot niya rin ang kanyang paningin baka sakaling makita niya na si sakuragia.



-Meanwhile


Maagang nagising si sakuragi para mag asikaso ng dadalhin niya para sa laban, dalawang oras lang ang naitulog niya dala ng excitement na nararamdaman niya. Hindi siya mapakali habang inilalagay ang gamit sa bag niya, nagluto na rin siya ng light meal pang umagahan niya.


ilang saglit lang ay natapos rin siya at naligo na, wala pang kalahating minuto ay natapos na siya sa lahat at aalis na lang.


"ngayon ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw na mag tutuos kami ng mga dati kong kateammates." Saad ni sakuragi sa sarili.


Napabuntong hininga siya at sinarado niya na ang pintuan at gate ng bahay niya.

Matapos non ay naglakad na siya patungo sa direksyon ng tindahan, bibilhin niya ng makakain si aki kaya tumungo siya sa convenient store. Binili niya lang ang paborito nitong club sandwich at inumin na rin.


nang makabili na si sakuragi ay muli siyang naglakad patungo na sa direksyon ng okaido. Walang siyang kaexpre-expression habang may nakakasabayan siyang ibang player ng basketball, nakapamulsa pa nga ito.


Maya maya pa ay madadaanan niya ang isang iskinita, doon niya sana balak dumaan kaso baka malayo siya. Kaya deneretso nalang ng biglang..



nakarinig siya ng mga may sumisipol at iyon na rin ang minutong pinalibutan na siya ng mga tambay. Doon rin nakita ni sakuragi ang kasamahan ng gunggong na si kyoushi na nilabanan niya sa open court.



'tss. Lagot ako nito kay captain e.'

Saad ni sakuragi sa kanyang isipan bago masamang tinignan ang mga lalaking nasa harapan niya. Bakit ngayon pa na may laban akong pinag hahandaan.



"Anong kailangan niyo?" Tanong ni sakuragi sa mga lokong nakangisi lang sakanya.



"Ikaw. Hindi ka pwedeng mag laro ngayon." Sagot ng isang kasamahan ni kyoushi.


"At sino ka naman para sabihin yan sakin?" Malamig ang boses na saad ni sakuragi



"heh, ako lang naman ang lulumpo sayo ngayon. Tutal, hindi ka makakalaban samin dahil sa violation iyon sa basketball.", doon lang natauhan si sakuragi ng maalala niyang bawal ngang makipag rambulan.



'bwesit. Bakit ngayon pa nangyari ito sakin.' Inis na bulong ni sakuragi.



"Pwede, mamaya niyo na ako kausapin, may laro pa ako ngayon." Nagtawanan naman ang mga lalaki sa sinabi ni sakuragi.




"Siraulo ka ba? Kaya nga kami nandito kasi ayaw namin na palaruin ka." Saad naman ng isa pang kasamahan kyoushi.




"inutos ba ito ng amo mong duwag at takot. Pakisabi mag tutuos kami pagkatapos ng laban sa shohoku." Saad ni sakuragi na nagtitimpi na talaga sa galit.




"Heh, asa ka. Sige, lumpuhin niyo na ang isang yan." Sabay sabay na sumugod ang mga lalaki kay sakuragi dahilan para mabitawan niya biniling pagkain para kay aki.




"wag niyong tatapakan."sigaw ni sakuragi ngunit sadyang hindi nakinig ang mga kaibigan nung kyoushi at agad na tinapakan ang pagkain.




inis na tumayo si sakuragi at kwinelyuhan ang lalaking susuntukin sana siya. Nang biglang....





"Lapitin ka talaga ng gulo, hanamichi sakuragi." Napatingin sila sa pinang galingan ng boses na iyon. At doon lang nakita muli ni sakuragi ang dati niyang mga kaibigan na sila mito, takamiya, noma at ohkusu.



"At sino ka naman? Umalis ka nalang kung ayaw niyong madamay sa gulo." Saad ng lalaking kaibigan ni kyoushi.



palalim naman syang tinignan ni mito bago ngumisi ng malamig dito. Humakbang ito papalapit sa lalaki bago walang anu ano'y sinuntok niya ito sa sikmura.



"dami mong satsat." Saad ni mito na sinipa pa ang lalaki sa mukha.


humarap naman si mito sa mga nakapalibot kay sakuragi bago muling ngumisi. Tumingin siya sa mga kakampi kaya lumapit ang mga ito sa pwesto ni mito.




"Kampi ang pankat ni hanamichi sakuragi, sa twing may laban darating kami para... tulungan siya." Saad ni mito na tumingin pa kay sakuragi na walang emosyon.




hindi mawari na sakuragi ang samo't saring emosyong namumuo sa kanyang kaloob looban. Nandito ngayon sa harapan niya ang dati niyang mga kaibigan.


Mga lintanyang matagal niya ng gustong marinig ngunit, nung mga panahong kailangan ko sila ay sila pa ang unang nawala.



"Pangkat ni sakuragi. Kayo ang kilala noon na freshmen palang na basagulero." Sabay turo ng lalaki sa kanila habang nanlalaki ang mata.



"ahuh. Kami nga at lider namin iyang kinakanti niyo. Kung hindi lang iyang sumali sa basketball, kahit mag isa lang siya dito kayang kaya niya kayong ubusin." Saad ni mito na kinatango tango naman ng tatlo.



"Hmm hmm. Tama tama." Sabay sabay na saad nila noma, takamiya at ohkusu.



hindi na napigilang ni sakuragi na maging emosyonal dahil sa mga sinabi ng kanyang mga kaibigan..




"Sakuragi. Umalis kana, kami na ang bahala dito.. pagkatapos ng laban niyo.. pwede ka ba naming makausap?" Mahinang boses na pakiusap ni mito sa kaibigan.



Yumuko si sakuragi para kunin ang bag na nasa sahig, maging ang pagkain na gutay gutay na.



"Bakit pa? Tinapos niyo na ang pagkakaibigan sakin noon diba? Nang wala man lang sinasabo sakin." Nakatalikod na saad ni sakuragi ngunit hindi nakatakas sa kaliwang mata niya ang paglandas ng luha.



'namiss ko ang mga kaibigan ko.' Bulong na saad sakuragi sakanyang sarili.



"kaya nga babawi kami at magpapaliwanag din sayo. Ay basta mag usap tayo pagkatapos ng laban niyo." Saad ni mito na hindi naman sinagot ni sakuragi.




'mga gago kayo, humanda kayo sakin mamaya.' Saad muli ni sakuragi bago naglakad palayo. Pero hindi rin nakatakas ang pag ngisi sa kanyang labi dahil sa biglaang sigla rin ng mood niya.







*****
(a/n: sorry po ngayon lang nakapag update. Maikli lang po ito, sana magustuhan niyo parin. Later nalang po ang update ko. Salamat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 7.5K 10
Denise Monica Vega is COLD. HEARTLESS. BITCH. Lahat nalang na masamang katangian, nasa kanya na. They don't know that behind those bad traits of hers...
3.6K 241 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
78.2K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
74.5K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...