Cipher:143-224

By ai_4you

78 0 0

Cipher:143-224 A sunki au wherein Eoin (Sunoo) finds sanctuary in Tadgh (Ni-ki). As a problematic student fin... More

Introduction 1
Introduction 2
Expectations vs Reality
Pentel Twist-Erase III Automatic Pencil.
Abstract Art
Pure Honey: Out of Stock
The Silverios

Uncanny Encounter

7 0 0
By ai_4you

(Eoin)

It is Sunday today and we are getting ready to go to church. We always went to the Church of Gesu in our university. It is the nearest church that we know kasi.

Dahil ambagal gumalaw ng mga kasama ko, nauna na akong umalis kasi may ipagdadasal pa ako.

Sumakay na lang ako ng cab papuntang Katipunan. Ang layo kasi ng unit ni Hayes, sa Ortigas pa. Kaya hindi ko pwedeng lakarin, unless magjo-jogging ka.

Pumasok na ako sa loob ng church. Hindi pa naman nagi-start yung mass, kaya I just arrived at the perfect time.

I closed my eyes and prayed. Pinag-pray ko na bigyan ni God ng protection yung mga loved ones ko, ilayo Niya sa mga sakit and accidents. I prayed to Him to always guide me, especially in the next few weeks for the Inter-campus debate. I also repented for the sins I've done. I also prayed na...- secret muna.

I checked the time and malapit na mag-start yung mass.

"Asan na ba yung dalawang yun?"

___________________________________________

___________________________________________

(Eoin)

"Beh!", boses na tumawag sakin na kahit hindi ko lingunin, alam ko na kung sino yon.

"Buti, nakaabot pa kayo. Tara na, magi-start na yung mass", pag-aaya ko.

___________________________________________

(Skip Time)

___________________________________________

(Eoin)

Natapos yung mass kaya nag-aya si Caoimhe na gumala muna since wala Sunday naman, and not just an ordinary day.

Every 3rd Sunday of the month, we really go out together. It was our Friendship Monthsary, the day we first met and became close to each other, the day of our registration for campus admission.

___________________________________________

___________________________________________

(Eoin)

Dahil mahilig kami ni Caoims sa skincare, we first went sa Watsons para bumili ng iba't ibang mga products. Actually, ito ang 2nd most visited place ni Caoimhe after ng Starbucks, kaya madalas kami dito. Followers na nga niya sa IG yung mga salesman dito eh. Naglibot lang kami ng konti, mabilis lang din yung oras kaya umuwi na din kami after.

Pagka-uwi sa unit ni Hayes, niligpit ko na mga gamit ko. Dun muna ako sa unit ko uuwi, marami rin kasi ako aayusin.

"Are you sure dun ka muna sa unit mo? Baka mamaya umiyak ka dun", sabi ni Hayes.

"Don't worry, babalik naman ako dito kung hindi ako comfortable dun eh. Welcome pa naman siguro ako dito noh?", I said.

"Always beh", sabi niya habang niyayakap niya ako. "Take care, Eoin", dagdag pa niya.

Paglabas ko ng building, naghintay ako ng taxi kasi wala ng sasakyan. Mag-iisang oras na pero wala pa ring napapadaang taxi kaya binuksan ko muna yung phone ko.

May game nga pala si Kuya bukas. Sana lang maabutan ko pa, may meeting din kasi kami ng debate team. This Tuesday na kasi dadating yung mga senior namin galing DLSU, syempre ayaw naman naming ipahiya ang ADMU kaya rehearse-rehearse din kami.

Nilalamok na ako dito kaya I checked my phone again. Pagtingin ko ng time, OMG! It's nearly 10 pm na pala! Hopeless na ako sa oras na yun. Naisip ko kung maglakad na lang kaya ako. What if bumalik na lang ako sa unit ni Hayes, kaso nakakahiya kaya naghintay pa ako.

And while waiting, napansin kong ang ganda pala dito sa gabi, anlamig. Ang sarap ng dampi nung hangin sa mukha ko. Ang perfect dito kaso biglang may sumigaw sa gilid ko. Syempre nagulat ako kaya nilingon ko, tapos may hawak siyang bakal na panghataw.

Nung una akala ko, cosplayer siya or something, pero bigla siyang lumapit sakin habang sumisigaw. Mygasss, baliw pala siya!

I ran as fast as I could never imagine kasi ang laki nung bakal na hawak niya. Automatic akong madededs kung naabutan niya ako. Literal na run for your heart, run for your life.

While running as fast as the speed of light, hindi ko napansing may bato pala sa daan, kaya in short, opo, nadapa po ako. First time ko madapa in my life kaya imbes na maiyak ako sa sakit, naiiyak ako sa kakatawa. Ini-imagine ko pa lang ang itsura ko, natatawa na ako sa sarili ko. Ako na yata yung nababaliw.

Syempre, agad-agad din akong bumangon kasi mamamatay talaga ako kung hindi. Eh syempre, nadapa nga ako, maaabutan na ako nung mama.

Biglang may humatak sakin sa gilid, nahulog yung puso ko sa gulat. Akala ko yung baliw na yun, hindi pala. Hindi ko siya kilala pero parang familiar siya. Nakatalikod ako sa pader habang tinatakpan niya ako, ang lapit pa ng mukha niya, yung tipong maghahalikan na.

Ewan ko wala naman akong arthritis, pero biglang nanlambot yung mga binti ko.

"Lord, I'm not your strongest warrior."

Sumenyas siya sakin na wag daw ako maingay na tinanguan ko naman. Dumaan na sa tapat namin yung baliw kaya lumakas yung kabog ng dibdib ko. Pero mas lumakas yun nung mas nilapit niya yung mukha niya sakin. Kahit nakatakip yung mukha niya, halata mo sa mata pa lang na gwapo siya. Aaminin ko, kinilig naman ako, mejo slight.

Sinisilip niya kung andun pa ba yung nanghahabol sakin pero mukhang wala naman na kaya bumaling na siya ng tingin sakin at nagtanggal siya ng mask. At dahil manghang-mangha ako sa mukha niya, nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya lumayo na din siya. Mejo awkward nga eh kasi hindi ko naman alam kung saan siya nanggaling tapos ganun pa ginawa niya.

Lumabas na kami sa eskinitang yun sa pag-aakalang wala na si kuyang baliw. Pero yun ang pinakamaling desisyong ginawa namin kasi nag-aabang pala siya sa kanto, so takbo ulit kami ni kuyang pogi.

"Bilisan mo."

"Saglit lang, Kuya", paiyak na sabi ko.

Ang bilis niyang tumakbo. Halatang nagma-marathon 'to o baka naman habulin lang ng pulis. Chariz! Pero infairness, ang gwapo niya habang tumatakbo.

Umakyat na lang kami sa rooftop. Buti na lang hindi na kami naabutan nung baliw.

"Uhm, K-kuya?"

"Are you okay?"

"Ah, yes, I'm fine. Thank you pala ha."

"Maliit na bagay."

(A moment of silence)

Bigla kaming nagkatitigan. Nakita naming hingal na hingal at pawisan kaming dalawa. Nagtawanan kami sa mga hitsura namin.

"You're so fast kanina", sabi ko.

"Eh, ikaw nga sobrang bagal mo!", tugon niya.

"Nagma-marathon ka ba? O sanay ka lang ng may humahabol sayo?"

"Uhm, sabihin na lang nating lagi akong late sa klase ko."

"Ah, hahahaha, alam ko na."

"Tinatalon ko pa nga yung pader ng campus namin eh", pagyayabang pa niya.

My god! Ito yung mga type ko, mejo badboy.

Dzaiii, magkakajowa na akits!

"Familiar ka."

"Oh, talaga ba?

"Oo, nagkita na ba tayo dati?"

Napahawak siya sa camera niya saka nagsalita.

"Oo, sa museum."

"Ha?!", gulat na gulat kong tanong.

My god! Siya ba yung "stalker" ko?
Hindi ako makapaniwala.

"Ang galing noh? Nagkita ulit tayo", sabi niya ng may mapang-asar na ngiti.

Mejo nahiya tuloy ako sa nalaman ko dahil sa ginawa ko sa kanya sa museum.

Tinanong niya ako kung kumain na ba ako. Syempre, kahit marupok ako, sinabi ko na busog pa ako. Kaso hindi marunong makisama yung tiyan ko, biglang umalulong.

"Tara!", he said while grabbing my wrist.

"H-ha?"

"May utang ka pa sakin."

Dinala niya ako sa isang restaurant na may magandang nightview. Nag-order na siya ng pagkain namin kasi sabi ko siya na bahala pumili ng pagkain basta yung walang lason, pero kung siya naman ang lalason sakin, why not, 'di ba?

At dahil makapal ang mukha ko, habang hinihintay yung order namin, nagpa-picture ako.

"Pwede pa-picture, sayang kasi yung view."

"Sure."

"Thank you..?"

"Tadgh, I'm Tadgh", sabi niya habang naka-ngiting nag-ooffer ng handshake.

Ang ganda naman ng name niya. Irish origin din tulad nung akin.

"Storyteller?", sabi ko.

"Huh?"

"Ha? Wala, nevermind."

"Haha, you're so cute", sabi niya habang nakangiti.

Jusko po, ang gwapo niya lalo. Gusto ko ng tumalon dito.

"And you're?"

"Saoirse."

"Freedom", sabi niya. "Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita kita, you're my freedom."

Shet! Ano daw? You're my freedom?!

Pwede niyo na po akong kunin, Lord!

After naming kumain, sinamahan niya akong maghintay ng masasakyan ko, mejo matagal na din kaming naghihintay.

"Saoirse", tawag niya sakin habang kumukuha ng stolen shots ko.

First time na may tumawag sakin ng Saoirse kasi nga hate ko yung name ko na yun.

"Hoy!", sabi ko habang tinatakpan yung mukha ko.

"Come here, take a look."

"Wow! Ang ganda ng mga kuha mo ah."

"Hindi ah, sadyang maganda lang talaga yung kinukuhanan ko."

Ano ba, Tadgh! Wueueueueueu

"Kuhanan din kita."

"Naks, pogi mo po Mr. Tadgh."

"Uy, may taxi na oh!"

Pinuntahan ni Tadgh yung taxi, ewan ko ba kung ano pang pinag-usapan nila pero antagal. Maya-maya, lumapit na siya sakin at pinasakay na ako sa taxi. Binuksan niya yung pinto sa passenger seat at naka-alalay yung kamay niya sa ulo ko.

Apaka-gentleman naman neto.

Bago umandar yung taxi, kumaway at ngumiti siya sakin.

"Bye!", pahabol kong sambit.

___________________________________________

Teachtaireacht an Lae
(Message of the Day)

"And before I knew it, before I was even aware of it, I was falling in love with you."

___________________________________________

Disclaimer: This story is purely fiction and only from the author's imagination. Any of the characters, places and events are purely coincidental, and is only for entertainment purposes. Please do not associate the portrayers and characters in real life.

___________________________________________

Author's Note:

Hi! Thank you for reading my story. Please consider any mistakes, misspellings or wrong grammar ahead. Kindly leave a comment for your opinions and suggestions. I would gladly love to hear from you. Good day!♥️

Continue Reading

You'll Also Like

344K 12.5K 60
π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire is the first female f1 driver in π——π—˜π—–π—”π——π—˜π—¦ OR π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire and charle...
643K 23.4K 98
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! πŸ˜‚πŸ’œ my first fanfic...
968K 59.8K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
243K 15.7K 20
"you might not be my lover, but you still belong to me" "crazy, you don't even love me but you want to claim me as yours? have you lost your mind jeo...