It Takes One Kiss [One Shots...

By misstiaradoll

9.8K 247 9

It takes ONE KISS to.. *♡* ignite a fire in the heart *♡* realize unspoken words *♡* make a make-bel... More

It Takes One Kiss
1 ♡ PROLOGUE
Kiss ♡ 1
Kiss ♡ 3
2 ▶ PROLOGUE
Kiss ▶ 1
Kiss ▶ 2
3 ¤ PROLOGUE
Kiss ¤ 1
Kiss ¤ 2
Kiss ¤ 3
4 ❤ PROLOGUE
Kiss ❤ 1
Kiss ❤ 2
Kiss ❤ 3
Kiss ❤ 4
5 🔹 PROLOGUE
Kiss 🔹 1
6 ☼ PROLOGUE
7 • PROLOGUE

Kiss ♡ 2

765 25 1
By misstiaradoll

     "Good morning everyone! Welcome to this year's three day community service and outreach sponsored by the Athletics Department in cooperation with the Basketball Varsity and Luciana Foundation. We are all---" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Sir Ayo kasi parang may tumitingin sakin. Hindi ako mapakali kaya naman napalingon ako sa bandang kanan ko at true enough, nakatingin si Blaine sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

      Why is he looking at me?

     You're buddies, you dummy. Sagot naman ng subconscious ko.

     Huminga ako ng malalim at sinubukan na lang na makinig kay Sir. Whooh. You can do it Jia. Just don't mind him.

     "---so each pair will be given an assigned home. But two pairs will be joined together for sleeping purposes. The girls will be sleeping separately from the boys. But before that, we will be going to the town's Home for the Aged. Each guy from the pair will have to carry one sack of goods to be brought to the place. So we have to team up now. If you're still not with your buddy, go and look for them now. Chop chop!" Napalunok ako. Hay, eto na nga ba ang sinasabi ko.

     Whooh, kalma Jia. Remember what Steph told you..

Don't show him you're nervous or tensed. Relax, just think about your work as a distraction. Wag pakitang kinikilig. Haha.

     Okay, so I'll scratch the last part. Bakit naman ako kikiligin? Eh nahihiya lang naman ako kasi nahalikan ko siya. Pero may possibility namang nakalimutan niya na ako di ba? Besides, it's been three days already and it was just an accident. Stay possitive lang.

     Nagulat na lang ako ng nasa tabi ko na siya. Si Spike naman ay nakita kong kasama na yung isa pang second year na kadepartment ko.

     "Jia, right?" Oh my, how come he sounds so..angelic? Napalingon ako sa kanya. Oh my, ang gwapo niya talaga. I smiled a little. Sana naman hindi nagmukhang pilit.

     "Uh, yes. You're Blaine I believe?" Ano pa ba? Tss. Wala kasi akong masabi. I feel speechless...at his handsome face. Bakit ang gwapo ng isang 'to? No wonder crush siya ni Steph.

     "Yup, that's me. Nice to meet you...again." Sabi niya at inilahad ang kamay niya to shake hands with me and smiled as well. Oh gosh, he looked even more handsome with that smile of his. I bit my lower lip.

     Again? What? Ibig sabihin.. Natatandaan niya ako? Shet! Paano na ako ngayon?

     I tried to keep a straight face at nakipagkamay na sa kanya. Ngumiti din ako para di ako mahalatang kinakabahan the moment our hands met. What is that electricity-like feeling? And what is this feeling inside my tummy? Gutom na ba ako?

     Agad kong inalis yung kamay ko kasi mukhang wala pa siyang balak alisin yung kamay niya. Now what? One word.. Awkward.

     Tiningnan niya lang ako na para bang sinusuri. I tried to cover my feelings with a straight face at nagsalita na.

     "Uhm, tara na. Papunta na sila sa community center." Umalis na ako ng di siya hinihintay. Di ko kasi talaga kayang makita pa siya ng malapitan kasi nahihiya ako. Naaalala pa niya kasi ako. Kung pwede lang kalimutan yung nangyari. Sana pala hindi na pang ako dumaan sa gym kasi late rin lang naman ako. Tingnan mo ang nangyari ngayon. Ugh.

     "Wait!" Sigaw niya at hinabol ang paglalakad ko. Naabutan naman niya ako kasi nga naglalakad ako while he is running. Tumabi siya sakin kaya napatingin ako sa kanya. He's so tall! Tumingala pa akong todo para makita ang mukha niya. I'm not that small pero he's just incredibly tall. More than six feet ata siya while I'm only 5'6". I'm only average. Well, basketball player kasi siya eh.

     Tumingin din siya sakin ng nakangiti. At dahil hindi ako kumportable, umiwas ako ng tingin. Mukha tuloy ang sama ko. Hay, bahala nalang nga.

     Naglakad na kami papunta sa center na isang kilometro pa ang layo. Bababa pa kami ng bundok para lang marating iyon at hindi pwede ang bus doon kasi matarik na ang daan. May jeep naman na nirentahan para sa sakayan ng mga goods na aming dadalhin mamaya. I saw Spike na nauuna na tapos hinahabol ng kabuddy niya. Pasaway talaga. Iwan daw ba ang babae.

     Walang nagsalita saamin ni Blaine during the first half kilometer. Pero si Blaine din ang nagbasag ng katahimikan.

     "Hindi ka ba talaga palasalita?"

     Kinakausap ka niya Jia, kausapin mo rin!

     Tiningnan ko siya at umiling. "Hindi naman masyado." Sagot ko. Hindi naman ako yung tipong tahimik talaga kaso...iba ang kaso niya eh. At first time niyang magsalita ng tagalog ah. His voice sounds so angelic still--what?!

     Tumingin ako ulit sa daanan dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Medyo pababa na kami sa bundok, pababa yung daan kaya naman ingat na ingat ako. Mahirap na kasing madulas at gumulong-gulong.

     "So, isang tanong, isang sagot pala tayo?" He chuckled. "Okay then. Ako na lang ang magtatanong kung ayos lang sa'yo." Sabi niya.

      Seryoso ba siya? Ako ba talaga ang kinakausap niya?

     Unless may ibang tao kang katabi ngayon na pwede niyang kausap di ba Jia? Wah! Wala naman sana.

     "Uhm, ikaw ang bahala." I shrugged, not looking at him.

     "Cool. So... anong course mo?" Tumingin ako sa kanya ng mabilis at agad na binalik ang tingin ko sa daan.

     "Uhm..Accountancy." I saw him nod from the corner of my eyes. Business din kasi ang college niya like Steph eh.

     "Nice. Atleast we're just one building away. Age?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya but I shrugged it off.

     "18." Kakadebut ko lang tatlong buwan na ang nakakaraan. Tumango na naman siya.

     "I'm 18 too. Becoming 19 next month though." Sabi niya. Tumango naman ako. So magkaedad lang pala kami halos. I bet third year na rin siya. Pero hindi ako magtatanong. Quiet lang Jia.

     "Single?" I tried to keep my face straight before I answered.

     "Yup."

     "Am I your first kiss?"

     Bigla akong naoutbalance at kamuntik pang magpagulong-gulong pababa ng bundok kung di lang ako nasalo ni Blaine. Nanlaki ang mga mata ko ng napakapit ako sa leeg niya at ang mga kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko, breaking my fall.

     My heartbeat got faster I can almost feel like it's about to get out of my rib cage. There is also this weird feeling again in my tummy lalo na ng magtama ang mga mata namin. His eyes is so gorgeous. Parang abo ang kulay at talagang nakakabighani---OMG! What am I thinking?!

     Mabilis akong tumayo at umiwas ng tingin.

     What the heck was that? At bakit niya yun natanong? Jeez! Siya kaya ang first kiss ko! I can't possibly say that to him! No way! Ugh.

     "Uhm, s-salamat. T-Tara na. Napag-iiwanan na tayo." Sabi ko ng di siya tinitingnan. Mabuti nalang talaga at wala ng tao sa likod namin kundi naku! Dyahe yun. Nakakahiya!

     Naglakad na ako at hindi ko na siya muli pang tinapunan ng tingin. Kasi naman, halos mamula na naman ang pisngi ko sa hiya. Naalala ko na naman kasi yung...nangyari sa labas ng gym.

     Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na niya ako kinausap pa on the way. Buti naman kasi nakakahiya talaga. Ako kasi ang may kasalanan kung bakit kami nagkabanggaan. Aish. Nakakainis naman kasi eh.

     Malaki yung center nila. From there, we will proceed to the Home for the Aged. Ihahandamuna namin yung goods dito at ilalagay sa sako. The guys will then carry the sacks at maglalakad na naman kami ng kalahating kilometro. I bet sanay na naman na sa ganitong workout ang mga basketball players. Eh ako? Kumusta naman? Eh volleyball nga lang ang sport ko at kulang pa ako ngayon sa practice. Hay di bale, worthit naman ang cause. Makakatulong naman kami at para din sa grade ko. Ngayon pa ba ako susuko?

     "Kaya mo ba yan? Ayaw mo ba talaga ng tulong?" Tanong ko sa kanya ng makita siyang buhat-buhat na yung sako na puno ng pagkain at damit na aming ibibigay sa Home for the Aged. Isinantabi ko na muna ang hiyang nararamdaman ko sa kanya dahil walang mangyayari saamin nito sa gawain kung magiging ganito lang kami. Sana nga lang wag na niyang ungkatin pa yung tungkol doon.

     Umiling siya at nginitian ako. Palangiti talaga siya at ang ganda pa ng ngiti niya. I bet may girlfriend na siya. Mukha rin siyang mabait at sociable eh. I really think so. Ang swerte naman kung sino man yun.

     "I can manage." Tumango ako.

     "But if you want any help, I'm just here." Sabi ko. Nakita ko siyang napangiti ng malapad. Yun bang parang nanalo sa jackpot.

     "I'm glad to hear that. But no worries." Hindi na lang ako nagsalita. Halata naman kasi sa muscles niyang kaya niya. Lahat naman sila ng varsitarians ay ganyang kalalaki ang mga braso. Kaya naman hinayaan ko na lang siya.

     Hindi na naman kami nagkausap on our way to our next destination. Naramdaman na rin siya sigurong ayaw kong makipag-usap. Pero bakit gusto kong marinig ang boses niya? Bakit parang gusto ko siyang kausapin? Kung anu-anong pumapasok sa utak ko at di ko namalayang nasa Home for the Aged na pala kami. Ang bilis naman ng oras. Pero buti nalang at nakarating na kami. The silence is killing me.

     Ibinaba na ni Blaine ang sako sa may loob ng center at sabay naming tinungo ang hall kung saan gaganapin ang feeding program. Ang raming mga matatanda na nakaupo na sa mga upuan. Napangiti ako ng maalala ko ang lola ko. Super close ako kay Lola Belen ko na lola ko sa mother side. Bagets yun kaya Lola B ang tawag ko dun. Namiss ko tuloy siya bigla. Sabi nila, sa kanya ko raw nakuha ang hilig ko sa pagguhit.

     Yes I draw.. Sketch.. Etc. Basta makahawak lang ako ng lapis o pangkulay, I can draw almost anything. Pero mga tao ang favorite subject ko. Nakakagaan kasi ng loob lalo na kung masasaya ang naiguguhit ko.

     Naassign kami sa mag-asawang Lolo Fabian at Lola Ising. Pinakain muna namin sila at pagkatapos ay may sharing activity kami kaya pumunta kami sa may garden para mag-usap.

     "Ay nako! Kay gaganda't gagwapo naman ninyo mga hijo hija!" Sabi bigla ni lola ng makaupo na kami sa labas. Nasa wheelchair si lola habang inalalayan naman ni Blaine si lolo.

      "Ah hehe lola, nagkakilala na po tayo sa loob. Ako po si Jia at siya naman po si Blaine." Sabi ko dito habang nakangiti. May pagkamalimutin na kasi si lola. Kanina nga habang kumakain sila, kung anu-ano ang sinasabi. 

Akala ko narinig niya ang sinabi ko. Pero mukhang di niya ako napakinggan.

     "Alam niyo, ganyan din kami noong mga bata pa kami nitong si Fabian ko. Palagi pa ako niyang binibigyan ng gumamela at nilalagay sa tenga ko. Pero ngayong matatatanda na kami, naku!" Tumingin siya kay lolo. "Ganun pa rin siya!" Sabi niya sabay tawa ng mahina.

     Nagkatinginan kami ni Blaine at sabay na nag-iwas ng tingin. Pinagkamalan ba niya kaming magboyfriend? Oh gahd. Muntik ko ng mabitawan tong 'tong cellphone na hawak ko. Pero naisip ko yung sinabi ni lola.

     "Ang sweet naman po ninyo lola." Sabi ko sabay ngiti sa kanila. Hawak ko ang wheelchair ni lola habang si Blaine naman ay nasa tabi ni lolo. Tahimik lang siyang nagmamasid saamin pero nagsalita na rin siya.

     "Ilang taon na po ba kayong mag-asawa?"

     "Ano kamo?" Tanong ni lolo. Hindi ata kami narinig. Mahina na rin kasi ang pandinig nila.

     "Lumapit ka sa tenga niya." Sabi ko kay Blaine. Tumango siya at lumapit na nga.

     "Ilang taon na po ba kayong mag-asawa?" Ulit ni Blaine.

     "Ahh. Mahigit kwarentang taon na kami hijo. Mahirap magbilang sa edad kong ito kaya hindi ko na alam kung ilan ang eksakto." Sabay tawa ni lolo. Natawa din kami ni Blaine.

     "Marami kaming pinagdaanang hirap mga anak. Pero tingnan mo at nandito pa rin kami at kasama ang isa't isa kahit iniwan na kami ng mga anak namin. Pero di bale. Alam naman naming magiging pabigat lang kami. Ang mahalaga ay maayos sila. Maayos din naman kami dito at magkasama pa." Sabi ni lolo sabay tingin kay lola at humawak sa kamay nito.

     Kinikilig ako. Imagine, they have each other for that long! Despite all the struggles, they remain together. How I wish na maging ganyan din kami ng future ko. Asan na kaya siya ngayon? Nakita ko na kaya siya?

     "Kaya kayong dalawa, alagaan niyo ang isa't isa. Maging matatag kayo at mahalin niyo ang isa't isa na walang alinlangan. Ang sabi nga.. Treasure who you love the most." Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako kay Blaine at nagulat ng makita siyang napatingin din saakin. What's shocking is that no one of us dared to look away. It's like there's a magnet locking our gaze to each other.

     "Jia! Blaine! Pasok na raw tayo!" Sigaw ni Delli na kasamahan namin. That made me broke my gaze at him.

     "A-Ah sige papasok na kami." I shouted back. "Tara pasok na tayo." Sabi ko ng mahina kay Blaine at agad na umiwas ng tingin. Sa tingin ko nga ay namula ang pisngi ko sa hiya. Shocks!

     Itinulak ko na si lola na panay ang tanong kung sino ba ako. Natatawa ako dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi. Kesyo yung baboy niya raw ay kakatayin na bukas, yung pinaplantsa niya raw baka masunog, yung utang niya raw ang taas na ng interes. Haha. Nakakatawa na nakakaawa si lola. Kasi naman naalala ko yung kinwento nilang iniwan na sila ng mga anak nila. If I were them, I will not just left my parents in such place. No, I love them so much for me to do that.

     "I will miss them." Sabi saakin ni Blaine ng makaalis na kami doon.

     After the sharing activity, gumawa kami ng remembrance para kina lolo't lola. Surprisingly, ginawan din nila kami. Tapos binigay na rin namin yung goods at mga damit sa kanila. Hindi ko makakalimutan yung mga ngiti nila. Nakakataba ng puso.

     "Yeah, ang cute pa naman nilang dalawa. Imagine, kahit matanda na sila, parang teengers pa rin sa sobrang sweet." Sabi ko ng nakangiti habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

     Nandito na kami sa may center. Nasa labas kami actully. Dito bale ang headquarters namin. Malapit dito yung bayan na tutulugan namin. Sila rin ang makakasama namin in the next upcoming days. Babalik lang kami dito kapag may ibang gagawin na nasa matrix. Ang sarap ng hangin sa probinsya. Sa Batangas ang probinsya namin at halos dalawang taon na akong di nakakauwi doon kaya ang makapunta sa ganitong kapresko at kapayapang lugar ay sadyang ang sarap sa pakiramdam.

     "I never imagine leaving my parents one day. Kahit ba sabihing may pamilya na ako, I will not leave them under the care of someone without my supervision." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakatingin sa langit din. Bigla naman siyang napatingin sakin.

     "That's also what I'm thinking. I love my parents or even my granny to even think of leaving them behind. Kahit na maging busy ako, I will never leave them. I can't bear to be away from them. I can't bare to hurt them." Sabi ko naman. Naalala ko yung mga lungkot sa mga mata nina lolo kanina. I don't want my parents to feel like that.

"Kaya nga ang sarap sa feeling kanina na kahit papano ay napasaya natin sila. Na kahit papano, nakalimutan nila yung lungkot na nararamdaman nila. I really hate seeing people sad. Para bang nararamdaman ko rin ang kalungkutan na yun."

"You really are someone special. A one of a kind." Sabi niya. But it was too low for me to hear.

"Ha?"

"Nothing. I just said.. You are amazing." Sabi niya ng may ngiti sa mga labi. I smiled sheepishly at umiwas na ng tingin. Alam mo yung nakakatunaw yung tingin niya? Nag-iinit na naman tuloy ang mga pisngi ko! Sana hindi niya napansin---

"Are you blushing?" He asked in amazement.

"H-Huh? Hindi noh." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan at nilagay ang mga kamay ko sa pisngi. Pwedeng tumakbo? As in now na?

I heard him chuckled. Ano bang nakakatawa? Pinagtatawanan niya ba ako?

"You're really cute when you blush." Sabi niya kaya napatayo ako.

"A-Ah, tinatawag na tayo. Narinig mo ba yun? Ano.. Pasok na tayo." Sabi ko na lang at naglakad n papunta sa loob ng center kahit wala pa namang tumatawag saamin.

Arrgg. Why does our conversation always end up like this? Why am I that affected by his words? Why am I affected by his mere presence?

Why?! Nasaan ang hustisya?!

I was startled when someone poked me. I turned around to see Spike grinning at me. Tumingin ako sa paligid at ng makita ko silang busy sa paghahanda ng hapunan namin, nakahinga ako ng maluwag.

"Spike! Tara sa may likod." Sabi ko sa kanya at tumango siya. Nilagay niya ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya habang naglalakad kami. Mabuti nalang at medyo behave siya ngayon. Medyo lang kasi kanina, kinakawawa niya yung buddy niya dahil palaging iniiwan at pinagtritripan. Poor Jenny.

Nakarating na kami sa my likod ng center kung saan may concrete bench malapit sa may puno. Umupo kami doon at nagkwentuhan na. Halos limang minuto kami doon kasi hindi mubusan ng kwento si Spike from our trip. Nakakatawa nga eh. Puro kasi mga kalokohan niya ang pinagkwekwento pati na rin yung sa school. Hindi talaga boring kausap si Spike pero makukunsyumi ka naman sa mga pinaggagagawa.

"Can you at least be a bit nice to her? Di ka ba naaawa 'dun? Eh babae kaya 'yun! Kung itrato mo naman parang one of the boys." Sabi ko sa kanya. I was referring to Jenny, his buddy.

"Couz my dear, you don't know her. Looks can be deceiving. I'm telling you because I care." Sabay tawa niya.

Tiningnan ko siya na para bang alien language yung pagsasasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Napansin ata niyang puno ng question mark ang utak ko kaya nagsalita na rin siya ulit.

"Hay. Ganito para malinaw." Tiningnan niya ako sa mata. Medyo nagseryoso ang mukha niya. "Jenny is my ex." Nanlaki ang mga mata ko. Ex?!  "She was far from what she ought to look like. Taekwando black belter yun, magaling makipaglaban at well, takot nga lang sa ipis." Sabay tawa niya. "You should've seen her face when I pranked her awhile ago. Nagdala kasi ako ng fake ipis at saktong siya pa ang partner ko kaya.." Pinigil niya ang tawa niya. "Ayun at tumakbo papunta sakin at kumapit na parang tuko." And he burst out laughing.

Natulala ako, buffering like my best friend at natawa na rin pagkatapos. Oh my, how come..

"Ex? Bakit di ko kayo nakikitang magkasama sa school?! I mean, hello? Magkadepartment kami nun at classmates pa sa ibang subjects! You didn't even told me!" Reklamo ko.

"Ooh, chill couz. Masyado kang hot. It was supposed to be a secret kasi. She doesn't like labels and all the attention from the girls. Alam mo naman ang mga fans ko di ba?" Umirap ako.

"Yabang! Fans talaga?" He laughed. Hindi ba siya nauubusan ng hininga?

"But seriously, she was the one who told me to keep it a secret. Ayaw ko nga sana eh kaso anong magagawa ko? Baka gawin akong pork chop! Get it? Taekwando.. Pork-chop!" At tumawa na naman siya sa sariling joke.

Napangiti ako sabay umiling-iling.

"Fine. Reason accepted. Pero di pa rin ako makapaniwala. How? When? I mean, you two are really opposites! Well except sa strength niyo. Pero.. How?!" Tahimik kasi si Jenny at palaaral. Kagaya ko, she doesn't like being in trouble and hate the lime light. Type niya pala pinsan ko? At type ni insan ang ganun? Errr..

"Well ganyan talaga. We actually met in the most unexpected way. Napulot ko kasi yung diary niya na may nakalagay na Jenny's property. Back off! Natawa nga ako pagkabasa ko eh. Pero kilala mo naman ako. Kapag bawal, lalo akong natetempt na gawin kaya binasa ko. Di ko pa naman siya kilala nun. Then she saw me reading her diary one day at pinataob ako gamit lang ang isang kamay niya. Akalain mo yun! And the rest is history." Nakangiti niyang sabi. From the way he narrated their past, I can feel the joy he feels. Kumikinang din ang mga mata niya. OMG, di kaya?

"OMG. You still love her." Sabi ko ng may pagkamangha. Kumunot ang noo niya.

"What?! Of course not---"

"It's not a question, dummy. It is a statement." Sabi ko. Natahimik siya ng ilang segundo habang nakatingin sakin bago bumuntong hininga.

"Am I that transparent?" He asked. I chuckled.

"Neh. But as your pretty cousin, I know." Sabi ko ng nakangiti. Umiling-iling siya habang nakangiti.

"Conceited much?"

"Mana lang sa'yo." Sabi ko at natawa na naman kami. Bigla naman siyng natahimik at bumuntong hininga.

"Lalim nun ah."

"Hay. Eh kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Should I face it or just ignore my feelings? I don't know kasi kung may nararamdaman pa siya sakin. I was a big jerk back then kasi. Tsk." Inis niyang sinabunutan ang sarili niya. "I hurt her couz. I'm a jerk."

"You were the one who broke up with her?"

"Yeah. Hindi pa kasi ako seryoso noon eh. Akala ko naglalaro lang ako. Kakaiba kasi si Jenny. She looks so weak but she's really not. She's tough inside and out. I thought it was just all because of that at walang feelings involve, just pure infatuation kaya ako nakipagbreak. Kaso.. It was beyond all that pala. I... You know!" Natawa ako. He can't say the magic word huh?

"Para kang sira. Oh scratch that.. Sira ka pala talaga para pakawalan ang taong mahal mo! Don't worry though. I'll help you win her back." Napatingin siya sakin at mukhang di inaasahan ang sinabi ko. Ngumiti ako at tinaas baba ang kilay ko.

Lumaki ang mga mata niya at bigla akong niyakap at hinalikan pa sa pisngi sa sobrang tuwa.

"Eww! Spike naman eh! Hug lang sana. Eww ka talaga. Pasalamat ka mahal kitang mokong ka." Tawa lang siya ng tawa habang pinapahid ko ang pisngi ko. Yuck talaga. Haha.

***

Tiningnan ko siya ng palihim at agad na binalik ang tingin ko sa may bonfire. It was already our second night here. Bukas ng hapon aalis na kami. Nandito kami ngayon sa labas ng center kasi nagdecide na magset-up ng bonfire kasi hindi na namin magagawa ito bukas.

Kumunot ang noo ko ng makitang mukhang malalim ang iniisp niya. Kanina niya pa ako hindi pinapansin. I mean isang tanong, isang sagot lang kami. Parang ako lang noong unang araw. Hay, ano bang problema niya? Hindi naman siya usually ganito eh. Siya nga ang nag-iinitiate ng usapan. Pero buong araw na niya akong di kinakausap!

May sakit kaya siya? May problema? O di kaya namimiss niya na ang pamilya niya? Hay nababaliw na ako. Pero ano nga bang pakialam ko sa kanya? Bakit ba gusto kong kinakausap niya ako at naiinis ako kapag ganyan siya't hindi ako pinapansin. Bakit ba ang gulo ko? Dapat namang masaya akong di niya ako kinakausap di ba? Pero bakit hindi na ngayon?

"Jia, sunog na yung marshmallow mo oh." Sabi ni Jenny saakin. Napabalik ako sa huwisyo at nanlaki ang mga mata ng makitang kulay itim na nga yung puting marshmallows ko. Shocks!

Agad ko itong tinanggal sa apoy at sumimangot ako. I wasted a food. How great. Tss.

"Lumilipad kasi ata ang utak mo Jia eh. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jenny saakin.

Anim na lang kaming nandito sa bonfire. Natutulog na kasi yung iba habang yung iba ay may ginagawa sa loob. Bale ako, si Blaine, Jenny, Spike, Sheena at Fred nalang ang natira.

"Ah oo. Natulala lang ako." Si Blaine dapat ang tinanong mo. Hay. Ano bang problema niya? May ginawa ba akong kinasama ng loob niya? Why the silent treatment all of the sudden? Teka, ang huli naming pag-uusap na matino ay kagabi...kung matino nga yun. Sinabihan niya lang naman akong cute akong magblush tapos umalis ako kasi nakakahiya na talaga. Tapos yun na. Nainis ba siya dahil dun?

"Oh okay. Punta lang ako doon, magpapakaemo. Haha." Sabi niya sakin sabay turo sa isang gilid kasi katabi ko siya. Tumingin siya kay Spike na nag-iihaw ng damo at dahon. Amoy sunog na nga eh. In fairness sa kanya, nakayanan niyang hindi gumawa ng pranks in a day. Jenny must really be doing him good. Tinutulungan ko na kasi siya with her. So far so good. "Hoy tinik! Sama ka ba o hindi?" Sigaw nito kay Spike. Cute ng tawag niya noh? Haha.

"Tss. Sabing Spike eh. Ang layo naman ng tinik sa Spike noh!"

"Okay. Israel nalang." She said with an evil smirk. Ngumiwi si Spike kaya natawa ako. He hates his second name that much. Nag-iitim ang aura niya kapag tinatawag siya nun. 

"Fine! Tinik it is! Grr!" Sabi niya sabay tayo. "Ano? Uupo ka na lang ba dyan?" Inis na tanong niya kay Jenny. Natatawa naman tumayo si Jenny at nagpaalam na sila saamin. They really are so cute together! How come di ko sila nabuking noon? 

"Jia, Blaine, una na rin kami. Antok na kasi to eh. Sige ah." Paalam ni Fred na kasama si Sheena na medyo pikit na ang mga mata. Tumango nalang kami at umalis na sila.

Kami na lang pala ang nandito. Mga insekto nalang ang naririnig ko sa sobrang katahimikan. Hindi pa rin ba siya magsasalita? Usually kasi siya ang unang magsasalita tapos sasagot lang ako. Pero ngayon, nakatingin lang siya sa apoy habang nakatukod ang mga braso niya sa mga hita niya at nakasalikop ang mga kamay habang malalim ang iniisip.

Hay, the silence is killing me! Kaya naman nagsalita na ako.

"May problema ka ba sakin?"

"I thought you didn't have a boyfriend?"

Nagkatinginan kami at naramdaman ko na naman ang init sa mga pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Ano bang klaseng tanong yun? Of course I don't have a boyfriend!

"I saw you two last night. Hinanap kasi kita pagpasok ko pero wala ka kaya naglibot ako. Akala ko kasi natulog ka na pero nakita ko pa yung bag mo kaya lumabas ako. But then.. I saw you with Spike and you seem having a good time. I even saw him hug and kiss you." He looked at me. Hindi ko alam pero mukhang he looked disappointed. Ewan, basta parang ganon. Pero hindi yun ang naiisip ko now. Nakita niya kami? Oh no. Baka ano ang isipin niya! Tapos kumalat pa sa school tapos si Jenny.. Lagot na tayo dyan!

Nanlaki ang mga mata ko at sinubukang linawin sa kanya ang lahat. Pero anong sasabihin ko? Na magpinsan kami kaya normal lang yun, walang malisya? No! Hindi pwede! Ako naman ang mabubuking nito. Ayoko!

"Ah eh.. Wala lang yun. Kasi naman I will help him with something kaya sa sobrang saya, ayun.. Niyakap niya ako at hinalikan.." I trailed off. Halik.. Oh gahd ang awkward. "Uhm, hinalikan niya ako sa pisngi. Pero magkaibigan lang talaga kami." Sana naman maniwala nalang siya. Ayoko ng mag-isip pa ng idadahilan.

Pero tiningnan niya lang ako na para bang sinusuri. Huminga siya ng malalim pagkatapos at nag-iwas ng tingin.

"Dahil ba dun kaya di mo ako kinausap buong araw?" The question came out of my mouth before I can even stop it. Shame! Ugh.

Napabalik ang tingin niya sakin pero umiwas din ulit ng tingin.

Nagulat ako kasi tumango siya. So dahil dun? Ha? Pero bakit?

"Now you owe me an answer." Sabi niya ng tumingin siya sakin. I shot him a questioning look.
"I said you owe me an answer. I answered your question but you didn't answered mine the last time so you owe me one." Lumapit siya ng konti saakin kasi nasa kabilang parte siya ng bilog palibot ng bonfire. Tiningnan niya ako ng seryoso kaya naman nagsimula na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I repeat Jia.. Am I your first kiss?" Natulala ako sa kanya, not knowing if I'll answer or not. Bakit ba kasi niya gusto pa yung malaman? Pwede bang forget and forget nalang?

NO!

Sino yung nagsabing no? Was that my subconscious? Ugh!

"Well, silence means no." Sabi niya. I looked at him disapprovingly.

"Hey! Silence means yes dapat yun!"

"So yes?"

"No!"

"No?"

"Yes!" I finally said before I even realized what I just said. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko siyang ngumisi. "I-I mean---"

"So I was your first kiss then." He stated. I mentally palmed my forehead. Stupid Jia.

Huminga ako ng malalim bago ko siya tiningnan ulit.

"Okay fine. So you're my first kiss. What's it to you then?" Parang sobrang interisado kasi siya na ewan. "Look, I'm sorry for that, okay? Aksidente lang naman yun di ba? I was in a hurry kasi that time, trying to find a shortcut para makaabot sa deadline of passing of reports namin. Unfortunately, I bumped into you and then---" I trailed off. "That happened." Kaya rin pala siya nasa gym kasi nagtry-out siya sa team at kasama itong community service sa requirements para makapasok.

His face fell.

"Sorry? Why are you sorry for that kiss? Accidental or not, ako? I'm glad it happened." He said frankly while looking straight in my eyes. My mouth slightly hung open in disbelief.

Ansabe niya? I'm glad it happened? Oh gahd. Nananaginip ata ako. This isn't real.

Natawa na lang ako. Joke yun. Tama. What a very nice joke!

"May sense of humor ka rin pala Blaine. Nice one there. You know what? Let's just forget about it okay? I said sorry for it already so I hope we're good? Maaga pa tayo bukas eh. Matulog na nga tayo. " Tumayo na ako pero bago pa man ako makalayo ay hinigit niya ang palapulsuhan ko kaya napaharap ako sa kanya.

Tumayo na rin siya kaya napaangat ako ng tingin. Seryoso niya lang akong tinitingnan. Nakipagtitigan din ako ng hindi kumukurap. His hands on my wrist feels like burning. Hindi ito nakakatulong sa pagpapakalma sakin. What is he doing to me?!

"Tell me.. Wala lang ba talaga sa'yo yung halik na yun ha? Gusto mo ba talagang kalimutan na lang natin yun?" Seryoso niyang tanong saakin. I don't know but I think I saw sadness and hope in those pretty eyes of him. Bakit ka malungkot? Bakit parang nalulungkot din ako sa mga matang yun? Bakit parang gusto kong pasayahin siya at makita yung mga matang yun na kumilinang sa tuwa just like my cousin's?

I closed my eyes and tried to compose myself and clear my thoughts by shaking my head. Jia, get a grip! The answer should be Yes! Yes! Yes! Yes!

But why does my heart says otherwise?

"Jia, tell me." The way he mentioned my name with sincerity gave chills to my spine. How can he do that? How can he affect me like that? Blaine..how?

I opened my eyes at matapang siyang tiningnan.

"What are you talking about Blaine? Of course it doesn't mean anything. It was just an accident nga, nothing else." I faked a smile. "Don't worry, that will never happen again. Uhm, sige ah, mauna na ako kung ayaw mo pang matulog. It's really getting late. Good night." Kinalas ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya and for the first time.. I feel empty. Para bang gusto kong bumalik sa kanya at bawiin ang mga sinabi ko, bumalik sa hawak niya at makita yung mga mata niya.

But my mind says no. She always win.

Pero tama ba ang sinunod ko?

***

"Ang laki!" Sigaw ni Wendy ng makita ang pagkalaki-laking pakwan sa taniman.

Nandito kami ngayon sa malawak na farm. Iba't iba ang prutas na tinatanim dito. Sobra akong naexcite kasi namiss ko ang magtanim. Like always, kasama ko si Blaine. Nakashorts lang akong maong at t-shirt na medyo maluwang at tsinelas na rin para madali ang paglalakad. Si Blaine naman ay mukha pa ring modelo sa suot niyang V-neck shirt at khaki shorts at tsinelas din. Now tell me, mgkakagusto ba talaga saakin ang isang tulad niya? Neh. Magugunaw muna ang mundo bago mangyari yun.

Naalala ko tuloy yung sinabi saakin ni Steph kagabi. Kasi naman, di ako mapakali. Nagrereplay ang bawat salitang sinabi ni Blaine saakin. Kaya naman ngconsult na naman ako sa expert sa mga lalaki.

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Ang sinabi niya after she buffered:
OMG Ji! Wait, that sounded weird. OMG girl! He actually likes you you lucky specimen! Ayiiii! Finally hindi ka na talaga NBSB! Welcome to the club girl!

See? That sounds absurd. How can a guy like him like a girl like me? I'm just plain and a nobody while he's a Greek god and a hottie hoop player. Hays. Si Steph talaga.

"Doon tayo!" Turo ko kay Blaine doon sa kabilang side kung saan may taniman ng talong, kamatis at mga fruit-bearing trees din. Sumunod naman siya sakin at tinungo na naman yung bandang kanan.

Ako at si Blaine? We're fine. Balik na kami sa dati. Maybe we realized how foolish we both acted yesterday and the first day. Nakakatawa lang. Good thing back to normal na kami. Nabawasan nga lang yung kulit niya, but it's better than his quiet self. Ayoko ng ganun.

"Hey, be careful." He shouted over me. Medyo maputik kasi sa ibang part ng tulay na lupa. Pero excited kasi akong makapunta doon eh. Nauna na nga yung ibang kateam mates niya pati sina Sheena andun na rin. Si Spike? I don't know. Baka nagbabangayan na naman sila ni Jenny. Sqna talaga magkabalikan na sila!

"Yeah yeah." I shouted back enthusiastically. I was half-running while he was hot on my trails. "Excited na akong magtanim! Dalian na natin." Sabi ko habang lumulukso-lukso sa tulay na lupa.

But then I made a false move when I hopped near a mud pile. OMG! Naoutbalance ako and I closed my eyes, ready to brace the impact. Pero seconds came at wala akong ibang naramdaman kundi ang mga brasong nakakapit sa bewang ko.

Napadilat ako at mga matang kulay abo ang nakita ko. Two eyes that are very familiar to me.

"Are you okay?" Iyon ang nagpabalik sakin sa huwisyo. Agad akong umayos ng tayo ng marealize kong ang awkward ng posisyon namin. Ano to? Telenobela? At teka, nangyari na 'to nung first day ah. Errr..

"U-Uh. Oo. Salamat. T-Tara na dun?" Sabay turo ko doon bago naglakad na. Hindi na ako muli pang tumakbo o lumukso kasi mahirap ng maulit yung kanina.

That was again awkward.

The tree planting was fun! Nagtanim kami ng Mahogany trees at ilang fruit-bearing plants. Okay sana, if not only because of some girls na kung makatingin kay Blaine ay ang lagkit. Tapos kung anu-ano pang sinasabi.. kesyo crush din daw siya nito o kaya sosolohin niya mamaya.

Pwes! Ako ang buddy niya kaya sorry siya at hindi sila magsosolo! Hmp!

"Huy Jia, malulunod na yang tanim oh." Naputol ang pagmomonologue ko at napatingin sa halamang dinidiligan ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinigil ang pagdidilig. "Ow! Sorry plant." Sabi ko while giving the plant a frown. Narinig kong tumawa si Jenny.

"Andito kasi ang katawan, nasa cottage naman ang isip." She teased me. Kumunot ang noo ko.

Cottage? As far as I know, nandoon ang boys, nagsisibak ng kahoy kasi kaming girls ang nandidilig ng mga tinanim namin kanina. Bakit naman nandoon ang utak ko? Nagteleport?

"Hay nako. Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ka lang ba o sadyang LG ka lang. Hay nako, nevermind beks. Magdilig ka na lang." Natatawa niyang sabi.

Eh? Ano ba talagang sinasabi niya? Nasa cottage daw ang utak ko kung nasaan ang mga boys. Then biglang parang umilaw ang bombilya sa utak ko. Wait a minute.. Does she mean..

"Teka Jenny. You mean, naiisip ko si--" Hindi ko pa nga nasasabi kung sino pero nagreact na agad.

"Tumpak ka beks! Finally, akala ko pa naman matalinong LG ka." Sabi niya sabay tawa. Kumunot ang noo ko.

Pano naman kaya niya nasabing si Blaine ang iniisip ko kanina? Psychic? Though tama naman talaga siya, no way will I tell her. Baka kasi kung anong isipin. Pero naalala ko yung mga iniisip ko kanina..

Bakit ba naiinis ako sa mga babaeng yun? Bakit ba ayaw kong masolo nung babae si Blaine? Napatingin tuloy ako sa kanya. Busy siya kasisibak ng kahoy. Nakikita ko nga kung pano tumulo yung pawis niya sa noo. I suddenly wanna wipe off those sweats myself. Hays! Ano ba tong naiisip ko?!

"Billy Crawford ka rin pala eh." Napalingon ako kay Jenny at kumunot ang noo. Billy what? "Eh kasi, I'm comfused ang peg mo beks. Haha!" Ngumuso ako.

"Ano ka ba Jen. Kung anu-anong sinasabi mo. Magdilig na nga lang tayo." Naglibot ako ng tingin. Buti na nga lang at walang nakakarinig sa pinag-uusapan namin.

"Okay, if you say so. Pero I know beks. Kung ang iba naloloko mo, pwes ibahin mo ako. Di mo pa man narerealize, alam ko na. You like him." She smirked. I grimaced.

"Alam mo, tama nga si Spike about you. Kakaiba kang babae." Kumunot ang noo niya. Nag-iba bigla ang aura niya.

"Your cousin? Bakit? Ano bang pinagsasasabi ng tinik na yun tungkol sakin?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Cousin?

"You.. How--"

"Don't worry Jia. He didn't tell me naman. I just know. And I won't tell anyone. Your secret's safe with me." Ngumiti siyang tagumpay sabay kindat sakin. Umiling-iling na lang ako sabay ngumisi.

"You are really differently special. Bagay nga kayo ng pinsan ko. Why don't you get back together already?" I asked teasingly. Umiwas naman siya ng tingin and I saw her blush pero di ko na lang siya kinulit. Baka masipa pa ako eh. Masakit kaya yun. Pero matapang naman niya akong tiningnan ulit.

"Hey, we are not the topic here! Bakit napadpad saamin? Tss."

"We?" I teasingly asked. Kumunot ang noo niya sabay sinabuyan ako ng tubig sa mukha bago pa man ako nakatawa. Instead, nalaglag ang panga ko.

Oh no. She did not just made me wet!

Tiningnan ko siya with my evil grin. Lintik ang walang ganti!

I threw her some water and that pretty much how the water war started. Maya-maya, may nagsalita. It was Spike.

"Hey! Ang daya! I wanna join too! That looks fun!" He said before getting a dipper from a pail. Shocks! Lalo akong nabasa pero tawa ng kami ng tawang tatlo. Para kaming mga bata! But heck, it was really fun lalo na kapag naiinis si Spike kapag tinatapunan ko siya mukha niyang pinakaiingatan. Haha.

"Jia? What the---" At hindi na nakatuloy sa pagsalita si Blaine kasi tinapunan ko na rin siya ng tubig gamit ang tabong hawak ko. Katulad ko, nalaglag din ang panga niya pero pasaway kasi inagaw ba naman sakin yung tabo ko ng makabalik na siya sa huwisyo. Tinapunan din niya ako ng tubig kaya tumakbo ako palayo.

"Blaine! Ibaba mo ako!" Sigaw ko ng buhatin niya ako at pinaikot-ikot. Ginulo ko naman ang basa niyang buhok kasi di pa rin ako binababa. Tawa lang kami ng tawa.

"What's the meaning of this?" Tanong ng baritonong boses. At dahil lang doon kaya napatigil si Blaine sa pagbuhat sakin. Our laughter died down at nanlaki ang mga mata ko. I can also sense the shock in Jenny pero si Spike, parang wala lang. Natural na sa kanya ang mahuli sa kalokohang ginawa.

At ngayon ko lang narealize ang nagawa namin. I mentally face palmed myself. Nakatingin na saamin ibang mga estudyante. Oh no, we're in trouble.

***

"Ano ba yan! Aalis na nga lang tayo, papahirapan pa rin. They are so unfair! Tss." Inis na reklamo ni Spike habang pinupunasan ang platong hinugasan ni Jenny. Natawa na lang ako.

Katatapos lamg ng lunch namin at nandito kami sa kusina, naghuhugas ng mga pinagkainan ng buong participants. This is our punishment for our irresponsible act kanina. Ayos lang naman saamin ni Jenny at surprisingly kay Blaine din. Pero it was another story for my reklamador cousin.

"Ayaw mo nito Spike? Bonding moment na natin to." Sabi ko sabay tawa. Ngumiwi lang siya habang nagpupunas ng baso. First time niya kasing gumawa ng gawaing bahay. Buti nga.

"Puro ka reklamo! Mabuti na rin 'to para kahit papano, alam mo na kung paano maghugas ng pinggan. Ang senyorito mo kasing masyado. Hindi ka mamumuhay ng mag-isa. Tss." Kumunot ang noo ni Spike dahil natamaan sa sinabi ni Jenny.

"H-Hoy! At sinong nagsabing di ako marunong gumawa ng mga gawaing bahay? Marunong kaya akong magluto!" Depensa nito. Nagtaas naman ng kilay si Jenny.

"Oh talaga? O sige nga, anong kaya mong lutuin?" Hamon nito sa kanya. Mukha namang nag-isip agad si Spike.

"Ano.. Hotdog! At saka.. Ano.. Itlog! Ham!" Natawa ako. Sabi na nga ba. Puro simpleng prito lang ang alam nung magaling kong pinsan. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga platong hinuhugasan ko habang nagbabangayan silang dalawa. Para silang aso't pusa.

Nagkalat sa buong center ang ibang mga estudyante. Bale kami lang apat ang nasa kusina. Gusto pa nga sanang tulungan ng mga mahaharot na babae ai Blaine pero buti nalang at pinagbawalan ni ma'am Shiela. Buti nga.

Napatingin ako kay Blaine kasi naramdaman ko ang pagtitig niya. At tama nga ako ng nakita ko siyang nakatitig. Agad naman akong umiwas ng tingin at naglagay ng sabon sa sponge ko.

"Uhm, hindi ka ba sanay maghugas? First time mo?" Tanong ko sa kanya para naman mawala ang awkward atmosphere. O baka ako lang yun?

"Not actually. I'm used to it since we used to live in a condo." I shot him a questioning look at the mention of we. Nagets naman niya. "Oh, I mean my big brother and I." Casual niyang sabi. Tumango ako at binalik ang tingin sa pingan.

"You have a brother?" Nakita ko naman siyang tumango from my peripheral vision.

       "He's in States. He's already married now that's why I'm here with my dad and step mom. Sa kanya kasi ako nakikitira in States when he isn't married yet but when he settled down two months ago, I decided it's time to move out." Tumango na lang ako. Ayoko na rin namang magtanong pa sa buhay niya. I will seem like a prying girl which I'm not. Pero I'm interested with his life all of a sudden. Parang I wanna know all about him. Like I said, there's something wrong with me! And it's freaking me out!

       "How about you? Do you have any sibling?" Umiling ako.

       "No, I'm an only child."

       "Oh." Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

       "I bet it's fun having a brother huh? You know what? Nung bata pa ako, I always want to have a little brother or sister. Yun bang makakalaro mo, aalagaan mo, magiging kakampi mo.. I always ask my parents about that. But sadly..." Tumigil ako sa paghiga ng maalala ko yung time na sinabi nila itong linya saakin..

       I'm sorry sweetie but we can't give you a little sis or brother. Your mom's sick.

       "You can stop telling me if you're not comfortable sharing it with me Jia. It's okay." Nag-aalalang sabi ni Blaine sakin ng napatingin sko sa kanya. Ngumiti ako ng pilit.

      "No, it's okay. Naalala ko lang naman. My mom was sick that time that it was impossible for her to bear another child or it will cause her her life. As young as I was that time, I didn't really understand what dad meant by that. Kaya naman lumaki talaga akong naiingit sa may mga kapatid. My mind were full of questions. Puro naman why. Kids, right?" Sabi ko sabay tumawa ng pilit.

       "Now I understand why. And I regret feeling like that before. I mean my mom's life is more important than anything in the world. So yeah, I was fine being an only child. It has its perks though! I can look absolutely ugly and ridiculous and my parents won't even tell me that I am because I'm their only daughter." Sabay tawa ko. Natawa rin siya pero napatigil ako sa sinabi niya.

       "But I don't need to be your dad to see that you're beautiful even if you try to be ugly." Napatanga ako sa kanya. "You are beautiful Jia. Inside and out, you are. And I knew you are someone special." Seryoso niyang sabi saakin habang nakatitig sa mga mata ko.

       Once again, I feel my heart racing and I feel this weird feeling in my tummy. Blood came rushing in my cheeks and I can feel it heat up! Oh my gahd, how can he affect me like this? What is this feeling?

      Naalala ko bigla yung sinabi saakin ni Jenny kanina.

       You like him.

       Well do I really? Pero.. It was only barely four days na nagkikita kami and five days since we met. Is it really possible? I never did liked anyone before except from the little crush I had with some celebrities. Pero in real life? Never. So this was all new to me. That's why I don't know what I was actually feeling. Do I really like this handsome man?

       And what is this that I'm seeing in his eyes? Kakaiba ito compare sa mga tingin ng ibang lalaking nakakasalamuha ko. It was like he was looking at a treasure. It was full of awe and care. And what does he mean with what he said? I don't really know what to think anymore but with him beside me is something I really like. Ang weird talaga ng feeling. Para bang I feel safe and contented. Ugh. He's messing up with my system! Does all these lead to one thing called....attraction?

     I think I know the answer to my own question..

     YES. You do like Blaine, Jia.

     Our gaze broke when Spike cleared his throat. Aish! Istorbo! Haha. Hindi. Agad akong umiwas ng tingin at napatingin kina Jenny na nakangisi saakin. Si Spike naman ang asim ng mukha. Oh no. Masama pala ang timpla nito sa mga basketball varsitarians.

     "Dadating na anytime si Ma'am Shiela kaya pwede bang unahin niyo na muna ang paghugas?" Inis na sabi nito saamin. Sinamaan niya ng tingin si Blaine pero di ko na nakita reaksyon nito kasi nagpatuloy na ako sa paghugas. Ugh, nakakahiya yun! Gano katagal ba kami nagtitigan? Nahuli pa kami ni Spike.

     Lagot na talaga. Hindi na ako tatantanan nung pinsan kong yun.

*-*-*-*

And there goes the realization and asungot. What's up ahead? Enjoy the last chapter!

Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

440K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
846K 40.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
95.8K 4.1K 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
159K 9.2K 49
Porcia Era Hart x Chrisen