The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

Chapter 20

382 39 42
By breakerdreamer

(Author note: thank you sa pagparticipate sa aking kalokohan. haha, thank you so much po.)

I dedicated this chapter to RyanSales7  CielLaine4 MaJhustineAdlawan realace009 Quart2020  kasi tama kayo, haha! Balak ko dalawa ang mang aagaw kay aki, haha. Trip ko lang mukha kasing maganda kapag may pinagsisihan si sakuragi. Char lang😂 btw. Enjoy sa 3000 words na pangako ko sainyo sa oras na may makahula sainyo. Hintay hintay lang sa magaganap na eksena for to days update, i hope magustuhan niyo. :)

And oh!

May ilang ugali ng character po ako na binago dito. Kaya kung napapaisip po kayo kung bakit ganon na bigla si ganito, ganiyan. Ay yun po ay dahil INTENSYON ko po talagang baguhin, in a good way naman po. Hope you still like it. Loveyah!

more inspiring comment para araw araw tayo may update. Tho, masakit na sa ulo😅🤧🥺

-

Enjoy reading :)


************

"Sino ka?" Gulat na tanong ni aki na napatayo pa mula sa kinauupuan nito. Pinunasan rin niya ang luha sa kanyang pisngi bago pinakatitigan ang lalaking bumasag sa pag eemote niya.




"Paumanhin miss kung naistorbo kita, ako nga pala si kenji fujima ng shoyo team captain." Pagpapakilala ni fujima kay aki, nang malinaw na ni aking makita ang mukha ni fujima ay pinag mulhan siya ng mukha dahil sa kahihiyan.







"Ikaw pala si fujima, hindi ko akalain na makikita kita dito. Anong ginagawa mo pala dito?" Tanong ni aki na naupo.






"Okay lang ba sayo kung tumabi ako ng upo?" Napaka gentleman naman ng isang to? Ang gwapo gwapo pa at ang bango bango, lahat yata ng babaeng na sa school nito ay hulog na hulog dito. I wonder if my girlfriend na ba ito ngayon?






"Sige, okay lang." Sagot naman ni aki, muli niyang tinignan si fujima na nakangiti habang nakatingin sa  malayo.






"alam kong off limit na ang pagtatanong ko. Pero, pwede ko bang malaman ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Tanong ni fujima, dahilan upang muling bumalik na naman sa alaala niya ang nangyari kanina.





bumuntong hininga ng malalim si aki bago inisip ang nangyari, si sakuragi at haruko? Perfect match kung titignan. Nasaan na kaya sila ngayon? Nag uusap parin ba o napag desisyunan na ni sakuragi na bumalik sa shohoku para lamang kay haruko.






"meron kasi akong iniibig, ngunit iyong iniibig ko meron namang ibang gusto. Masakit makitang magkasama sila ngayon, habang ako ito iniendure ang sakit para lang makasurvive sa sakit ngayon gabi." Saad ni aki, nakikinig naman sakanya si fujima..






"Ito bang iniibig mo may alam ba siya sa nararamdaman mo?" Tanong muli ni fujima kay aki na kinatahimik naman ni aki.





"Hindi. Kasi manhid naman iyon sa bawat pagbibigay motibo ko eh. Actually, itinuturing niya lamang ako na bestfriend at kapatid, mukhang hanggang doon lang talaga ang pagtingin niya sakin." sagot ni aki na may bahid ng pait.






Nagulat si aki ng makita ang kamay ni fujima na may hawak na panyo. Nasa harapan ko na ito habang nakangiti sakin ng malamyos.






"Here. Punasan mo luha mo, ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak." Saad ni fujima bago nito inilagay sakamay ni aki ang panyo niya.




"Salamat. Napakabuti mo fujima, hindi ko akalain na   napaka sweet mo pala." Saad ni aki na nahihiyang tumingin dito.






"Natural na sa lalaki ang pagiging sweet and gentleman, ganon kasi ako pinalaki ng mga magulang ko. Kasi katulad mo, babae rin ang mama ko at mahal na mahal ko siya." Doon tila nakuha si aki ng mga salita ni fujima. May kung anong tuwa siyang naramdaman habang pinapakinggan ang mga sinabi nito sakanya.






"Napakaswerte ng mga babaeng kapag may lalaking katulad mo mag isip, ganon din kasi ang lalaking gusto ko. Kahit na binago siya ng panlalait ng mga tao, nandoon parin ang pagmamalasakit niya sa mga taong nakapaligid sakanya." Tila proud na saad ni aki ng masagi na naman sakanyang isipan si sakuragi.






"Siguro kung ako ang lalaking iyon at sinabihan mo ako ng ganyan, sobrang matutuwa ako at ipagmamalaki pa kita sa mga tao."





Namula naman ng husto ang mukha ni aki dahil sa sinabi ni fujima sakanya.









"Haha. Grabe kinikilig naman ako sa mga sinasabi mo, don't get me wrong ah! Bilang babae kasi may kanya kanya kaming preferences sa mga lalaki, mabilis para samin na kiligin kasi may soft spot parin naman kami. Tho, iyong iba siguro na babae hirap makuha ang loob nila kasi iniisip nila baka binobola lang sila ng lalaki." Anas ni aki na naintindihan naman ni fujima.








'Hindi ko akalain na may makakausap ako na babaeng honest sa totoong nararamdaman nila at maging ang paniniwala nito sa mga lalaki ay hindi ganon kasama. Di tulad ng ibang babae na makikita lang ang halaga mo kapag may maipagmamalaki ka.' 






Saad ni fujima sa kanyang sarili habang titig na titig kay aki, bawat anggulo sa mukha ni aki ay napakagandang pagmasdan. Tho, napaka inosente ng mukha nito pero mas makikita mo parin ang totoong ugali kapag nakausap mo na ito.






'Hindi siya mahirap pakisamahan at hindi rin siya mahirap magustuhan.'





Muling anas ni fujima na unting unting naappreciate ang presensya ni aki.





"Naiintindihan ko mga sinabi mo, ganon rin naman ang paniniwala naming mga lalaki. Malalaman namin kung may motibo ba ang babae samin sa bawat pinapakitang kilos nito."




Tila natauhan si aki sa sinabi ni fujima hanggang sa maalala niya ang mga ginagawa niyang effort para kay sakuragi nitong nag daang araw.




'Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit tila nahihirapan si sakuragi na iconsider ang nararamdaman niya sakin kasi... masyado akong malapit sakanya?' Anas ni aki sakanyang isipan.




'itanong ko kaya kay fujima kung ano ang nararamdaman nila kapag may babaeng nagbibigay motibo sakanila. Tutal, nandito na rin naman siya might as well na tanungin na rin siya para malaman ko kung ano ang pinaka away ng lalaki sa babae. Tama.'




Saad muli ng isipan ni aki na palihim na tinignan si fujima. Kinabahan kasi siya bigla.


"May itatanong lang sana ako, okay lang ba?" Nakayukong saad ni aki, narinig naman ni aki ang pagtawa nito ng mahina.



"hm. Sure, walang problema." Saad naman ni fujima na nakangiti pa ng iangat niya ang ulo niya.




"hm. Ano ba ang pinaka ayaw niyo sa mga babae? Ayaw niyo ba sa mga babaeng nag bibigay motibo?" Tanong ni aki nakinakabahan pa.






Tila nag isip si fujima habang nakatingin sa taas ng langit, malayang malaya si aki na natitigan ito kaya hindi niya maintindihan kong bakit naappreciate niya ang kagwapuhan nito.





"hm. Katulad niyo rin mga babae, may kanya kanya rin kaming nagugustuhan sa mga babae. Hindi naman kasi kami pari parihas kaya siguro sa iba ayaw nila sa mga babaeng nagbibigay motibo kasi iniisip nila na 'easy to get' ito. Pero sa paniniwala ko bilang isang lalaki at nagmamahal din naman, walang masama kung may babaeng nagbibigay motibo sa lalaki, nasa lalaki nalang iyon kung paano niya ihahandle ang ganong bagay, karamihan kasi sakanila iniiwasan na nila ang babae kasi natuturn off na sila. Ayaw kasi nilang may mga babaeng nagpapakababa para lang sakanila. Madami ibig sabihin at madami rin pwedeng ipaliwanag sa tanong mo. Pero iisa lang ang sagot ko sa tanong mo 'base on my opinion' na hindi masamang maglahad ng pagmamahal ang mga babae sa lalaki, kasi... ilang taon, buwan o araw silang umatras at nagdududa para lang maging matibay ang loob nila na sabihin sa nagugustuhan nila ang nararamdaman nila."






"Kaya kung nagbibigay motibo naman ang babae sa lalaki, way niya iyon para express ang nararamdaman niya. Kahit mapasama man ang tingin sakanya ng iba, pero alam kong may sasalungat sa naging opinyon ko dahil dapat ang mga lalaki ang nanliligaw sa mga babae." Kibit balikat na saad ni fujima,




napamaang naman si aki dahil sa narinig nitong paliwanag, totoo ang sinabi niya na may kanya kanya silang opinyon pagdating sa pag ibig. At tama rin naman siya sa bagay na walang masama kung may babaeng mag coconfess ng nararamdaman niya dahil mahirap nga naman para sa mga babae na mag hintay sa wala kung ang lalaki ay torpe. Parihas lang naman kaming tao, mali nga lang ang paniniwala ng karamihan kasi 'iniisip nilang babae' lang kami.




"Napakalawak ng iyong sagot fujima, hindi ko ineexpect na may kagaya mong lalaki na ganyan mag isip sa mga babae. I salute you for being a good person and also being a man." Nakangiting saad ni aki na naka thumbs up pa nakitawa naman ni fujima.



'Mukhang nahuhulog na yata ako sa babaeng to, hay! Ngayon mo lang naman siya nakita fujima, paanong nagustuhan mo na agad siya. You silly.'

Kastigo ni fujima sakanyang sariling isipan.



" Haha no need to praised me, sinasabi ko ito sayo kasi base iyon sa nararamdaman ko. Hindi dahil sa logic ng kung sinong tao." Saad ni fujima na kinangiti lalo ni aki ng malawak.



"Salamat. Medyo naliwagan ako sa bagay bagay. Tho, mahirap parin sa aming mga babae na magbitaw ng nararamdaman sa lalaki kung iyong lalaki wala namang gusto samin."



"Well, sabagay na yan.. na sa lalaki na yan na nagugustuhan mo, hindi ko maipapaliwanag sayo ang bagay na yan dahil hindi naman ako iyong lalaking iyon." Sagot ni fujima na kinalaki ng mata ni aki .



"Ah. H-haha, oo nga naman." Tawang pilit ni aki bago umiwas nang tingin.





'Pambihira, ang dami ko na tuloy na sabi sakanya. Eh ngayon lang naman kami nag kita na dalawa.' Saad ni aki sakanyang isipan.



"Dumidilim na pala, ihahatid na kita sainyo. Gabi na rin, hindi kita pwedeng iwan nalang basta basta, babae ka parin." Namula naman ang mukha ni aki sa sinabi nito at tahimik na tumango.



'napakabait niya.' Anas ni aki sa kanyang sarili


-Meanwhile (3:48 pm)

(a/n: ito po iyong oras na tumakbo si aki paalis. Naiwan si sakuragi at haruko)




"Haruko? Pasensya na pala sa mga nasabi ko nung pumunta ka sa school." Pagbukas ni sakuragi ng usapan.




"Hm. Naku okay lang iyon sakuragi, naiintindihan ko naman. Ako nga dapat humingi ng tawad sayo kasi hindi ko naisip ang nararamdaman mo kundi ang kahihinatnan lang ng shohoku." Pag amin na saad ni haruko, natahimik naman si sakuragi.




biglang sumagi sa isip niya si aki,


'nasaan na kaya si aki sa mga oras na ito?' Tanong ni sakuragi sa kanyang sarili



"hmm. Sakuragi? Iyong babae kanina? Maganda siya ha?" saad bigla ni haruko na kinabigla niya.


Bakit niya bigla inopen ang bagay na ito?



"Ah oo, anak siya ng coach na nagturo sakin." Sagot ni sakuragi na kinatango tango naman ni haruko.



"may gusto ka ba sakanya?" Kumalabog naman ang puso ni sakuragi sa pagkabigla. Napatingin din siya kay haruko ng nakatingin din pala sakanya.




"anong sinasabi mo dyan? Haha." Tawa ni sakuragi pero napaisip din siya sa bagay na iyon, bago umiling iling.




"Eh sakin? May gusto ka ba sakin sakuragi?" Tila nahigop ang lahat ng lakas ni sakuragi ng itanong iyon ni haruko sakanya.



Ano bang nangyayari kay haruko ngayon? Hindi naman siya ganito dati ah? Never siyang nag tanong sa nararamdaman ko. Pero bakit ngayon parang may nag iba sakanya?




"Ayos ka lang ba haruko?" Tanong ni sakuragi dahil kahit siya ay hindi niya masagot ang tanong ni haruko sakanya.



"Hirap bang sagutin ang tanong ko sakuragi? Bakit noong una, sakin ka lumalapit?" Natahimik si sakuragi bago napabuntong hininga.


huminto siya sa paglalakad bago hinarap si haruko at tinignan ito ng deretso.



"haruko? Oo aaminin ko may gusto ako sayo... ngunit noon iyon, noong mga panahong akala ko may chance na magustuhan mo rin ako. Noon kasi si rukawa palagi ang nakikita mo, hanggang sa marealize ko na hindi na tama ang ginagawa ko, tao parin naman ako at may sarili ding desisyon." Sagot ni sakuragi na kinagulat ni haruko ng husto. Hindi niya inaasahan ang isasagot ni sakuragi sakanya.




"Anong rason? Bakit nagbago ka bigla sakuragi?" Tanong muli ni haruko na naluluha na.



"Wala akong rason haruko, sadyang napagod lang ako sa bagay na palagi kong ginagawa kapag may tao akong nagugustuhan. Pakiramdam ko im not worth it para mahalin ng hindi na kailangan mag habol pa sa iba." Sagot ni sakuragi. Hindi naman umimik si haruko at napayuko nalang ito sa kahihiyan dahil sa sinabi niya kanina.





"Sorry kung naitanong ko ang bagay na yon. Ang totoo niyan nag babakasali pa rin ako na baka pag nagustuhan kita ay may chance na akong makumbinsi ka na bumalik sa shohoku."





Pagak na natawa si sakuragi sa naging sagot ni haruko, gaya nga ng inaasahan niya sa mga taong unti unti ng nakikita ang halaga na meron siya. Ngayon lumalapit na sila sakin kasi alam nilang may pakinabang na ako sakanila.





Kailan ko kaya mararanasan iyong pakiramdam na iprioritize at iconsider ang kakayahan ko ng hindi nakabase sa kung anong meron ako noon. Nakakapagod ng tumayo sa dilim na pilit ko ng ibinabaon ngunit may mga tao paring humuhukay non.




"Nakakaawa na ba ako haruko kapag sinabi ko sayo ngayon na nasaktan mo ako sa sinabi mo?" Tila nagulat si haruko sa sinabi ni sakuragi, nanlalaki rin ang mata nito sa pagkabigla.




"S-sakuragi.. h-hindi ko sinasadyang sabihin ang mga bagay na yon. Sorry." Saad ni haruko





"No need to apologize, i guess you're right. nakakaawa na nga ako kasi palagi kitang hinahabol noon pero napipilitan ka lang na pakisamahan ako." Saad ni sakuragi ng nakangiti pa.





"hindi sa ganon sakuragi, totoo ang ipinapakita ko sayo noon. Lahat ng ginagawa ko ay totoo, walang peke doon." Pilit na pagpapaliwanag ni haruko




"Naiintindihan ko. Ihahatid na kita pauwi sainyo, hindi ko rin naman kayang pabayaan ka ng mag isa." Saad ni sakuragi bago nagpatiuna sa paglalakad .





-Sa kabilang dako naman kung saan nag lalakad sila aki at fujima patungo sa bahay nila aki, nakita nila ang team ryonan na nagkakatuwaan, mukhang kakatapos lang nilang kumain dahil may ilang ryonan basketball team ang lumalabas sa restaurant ni Jun ouzumi.



NAng makita sila ng ilang member ay agad na tinuro  nila kami kay sendoh. Nagulat pa siya ng makita ako  at si fujima na magkasama.




"Aki? Anong ginagawa mo dito? Bakit magkasama kayo ni fujima?" takang tanong ni sendoh kay aki.



"Ah. Nagkakwentuhan lang kanina sa park, hindi namalayan ang oras kaya ito late ng makakauwi sa bahay." Sagot ni aki




"Ganon ba? Gusto mo ihatid na kita, sa ibang way kasi ang daan ni fujima. Baka hassle pa sakanya kung mapapalayo pa siya." Saad ni sendoh na tumingin pa kay fujima na biglang dumilim ang aura.




" Ako na ang maghahatid sa kanya." Malamig ang boses na saad ni fujima na kinakunot noo naman ni aki sa biglaang pagbabago ng mood nito



" Haha. Pare, same way lang din ang uuwian namin. Kaya ako na bahala sakanya." Pag pepresentar ni sendoh



"Paano mo naman nasabi na parihas tayo ng way sendoh? Alam mo ba kung saan ako nakatira?" Tanong ni aki dahilan para mapakamot si sendoh sa ulo.




" a-ah. Haha, hindi nga e. Pero ihahatid kita para alam ko na diba?" Rason naman ni sendoh na kinailing naman ni fujima.




"Pare, wala saking problema kahit malayo pa ang bahay ni aki, ihahatid ko parin siya. Kaya kung pwede, tumabi ka sa dinadaanan namin, nakaharang ka." Matalim na tingin na saad ni fujima na kinakamot ng ulo ni aki.


Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit may tension na nagaganap?



"Ganito nalang.. parihas natin siyang ihatid sa kanila.."



Hanggang sa maputol ang sasabihin pa sana ni sendoh ng....




"Ako ang maghahatid kay hanna, tapos ang usapan."



napatingin sila sa pinanggalingan ng boses.



"SAKURAGI?!"

napatingin din si aki sa katabi ni sakuragi na si haruko. Nakayuko ito at tahimik lang na nakamasid.




'magkasama parin pala sila, ha?' Saad ni aki sa sarili




"Si fujima nalang ang maghahatid sakin, tara na fujima." Gulat ang lahat sa narinig ng sabihin iyon ni aki. Napairap din siya kay sakuragi dala ng selos na nararamdaman.




'Amp. ihahatid daw pero kasama parin si haruko? Ano ako third wheel nila. No way.' Anas ng isipan ni aki bago nagmartsa ng mabilis habang hila hila parin si fujima.


while si fujima naman ay nakatingin sa kamay nilang mag kahawak kamay.






*******
(a/n: HELLO!! Mahabang update for today.. para sainyo po talaga ito at maging sa mga sumubok sa pag hula. Nakakatuwa po kasi sinagot niyo parin po ang tanong ko. Thank you so much po.)

Continue Reading

You'll Also Like

182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
897 282 7
Lists of all the wattpad stories that I have read and still reading on wattpad. . . .
18K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
3.3K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...