UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P3
P4
P5
P6
P7
P8
P9
P10
P11
P12
P13
P14
P15
P16
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P25
P26
P27
P28
P29
P30
P31

P24

8 1 0
By AKDA_NI_MAKATA


#SWP24 

"You kissed!" Gulat na sabi ni Gigi. 

Namula ako at agad tinakpan ang bibig ni Gigi. "Gigi, naman e. 'Yung bibig mo!" Ungot ko. 

Inilibot ko ang aking paningin sa malaking garden namin bago hinarap ang kaibigan ko at masama siyang tiningnan. Mabuti nalang walang tao! 

"E, hindi kasi e. Paano nangyari iyon? Ano, masarap ba?!" 

"Ha, anong masarap!?" Nae-eskandalo ko siyang tiningnan. 

"Yung halik ano ka ba, masarap na siya appearance palang, syempre galing sayo na proven and tested...ano masarap ba?!" 

Hindi na ako nakapagtiis. Hinila ko ang aking kaibigan at sinabunutan ko ang kaniyang buhok. Todo tawa at tili lang siya. Mas lalo lang ako nagalit. 

"Bwesit ka talaga,"I said with a frown while combing his hair that was tangled, dahil sa sabunot ko. 

Tumawa siya. "Yieee, aminin mo. Kinilig vagina mo nuh?" 

"Yaaaaa!" I hissed.

Nag rambol na naman kaming dalawa. Kapag talaga sa kaniya ako nagsasabi ng mga pribadong bagay tungkol sa akin, wala akong ibang nararamdaman kundi pagsisisi. Yung bibig niya kasi parang hindi babae, bully rin masyado! 

"Oh, girls ba't ba kayo nagkakagulo diyan?" Parehas kaming napabitaw sa isa't-isa ni Gigi. 

Napasinghap ako at umayos ng tayo. Inayos ko pa ang buhok kong magulo. "Nandyan kana pala," 

"Natagalan nga ako e, binili ko pa kasi itong paborito mong isaw at iba pang street foods." Nagliwanag ang aking mga mata ng paglapit palang niya sa akin ay amoy na amoy ko na agad ang mabangong amoy ng isaw. 

"Thenk yew," pabebe kong tugon. 

"Ay, ang kaibigan ko nabungi na yata..." rinig kong bulong ni Gigi. Agad ko naman inayos ang sarili. 

"Anong sabi mo?" Masama ko siyang tiningnan. 

"Ha, may sinabi ba ako?" Kunyari siyang nag-isip. "Wala naman akong sinasabi. Akin na nga 'yang mga pagkain at baka langgamin pa. Mamaya mawalan pa ito ng lasa." 

Kinuha niya ang plastic sa aming dalawa ni Phoenix at hinanda ito sa lamesa dito sa garden. Habang pinagmamasdan ang aking kaibigan, naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Phoenix. Bago ko pa man siya mapigilan ay nayakap na niya ako at hinalikan sa ulo. Napapikit ako sa paggaan ng aking pakiramdam dahil sa halik na iyon.

 "Napagod ako sa trabaho," he snorted. 

"Talaga? Kawawa ka naman. Kumain ka ba ng tanghalian?" Tugon ko rin. 

"Oo, kanina sabay kami ni lolo." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. 

"Kayong dalawa," sabay kaming napatingin sa kaibigan. "Kulang nalang pagkamalan kayong magjowa, naku kung hindi ko lang kilala kayong dalawa baka pati kidney ko kiligin." 

Sabay kaming napatawa ni Phoenix. Umirap lang sa amin ang huli at nagsimula nang lumantakan ng isaw kaya lumapit narin kami para kumain. 

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Phoenix. Parang kailan lang matalik na kaibigan ko lang siya ngayon ay manliligaw ko na. 

Time really flies, I can't believe this is going to happen to both of us. With so many problems we've been through, I can't believe we'll get to the point where our hearts will beat for each other.

After that kiss, alam kong may nagbago. Halos araw-araw hindi ko siya malimutan sa puso ko. Kapag malapit siya, 'yung tibok ng puso ko parang nagkakarera sa sobrang bilis. Hindi ko kayang tagalan ang kaniyang presensya dahil nakukuryente ako kapag nagdadampi ang aming mga balat. 

Gusto ko na ba siya? 

Nah, masyado pang mabilis ang lahat. Hindi dapat ako magpadalos-dalos dahil kung magmamahal ka, dapat handa kang maging pagong at kalimutan ang pagiging koneho. Handa kang tiisin ang bagal ng paglalakad mo papunta sa tadhana niyong dalawa. Handa kang sumugal para lang mapatunayan mong karapat-dapat ka sa parangal na iyon. 


Even if your relationship is like a rabbit in speed, you know in yourself that you are a turtle who is willing to endure and gamble just to achieve the life you have been hoping for.

Si Phoenix, alam kong maghihintay siya gaano man katagal ko siyang sagutin. Matagal na siyang naghihintay, alam kong kaya niya pang maghintay. 

Invited kami sa dinner ni Phoenix. Inimbitahan kami ng pinsan niyang si Agathon. Doon kami sa bahay nito mag di-dinner kaya ayos na ayos ako pati si Phoenix. 

"Huling linya ko para sa inyong lahat, para sa lahat ng taong nakikinig o 'yung nalilito pa rin pagdating sa pag-ibig, ito lang ang masasabi ko sa inyo. I hope you find a love worth fighting for and a person who chooses you every single day, dahil hindi lahat ng taong natatagpuan niyo araw-araw ay mananatili..." 

Napangiti ako. 

"You're friends with that famous radio DJ right?" Biglang tanong ni Phoenix kaya nawala ang atensyon ko sa pakikinig. 

"Oo," mas lumawak ang aking ngiti. "Isa siya sa mga sikat na manunula ngayon na naging kaibigan ko simula nung bagohan palang ako sa industriya." 

"Nasabi ko na ba sayo kung gaano ako ka proud sa mga nakamit mo ngayon?" 

"Sus, hindi na mabilang-bilang, Phoenix. Ilang beses na akong nakarinig niyan mula sayo. Simula nung pasukin ko ang pagiging poet artist, ang pagiging manunulat, at ngayong nakikilala na ako ng mga tao. You always saying you're proud of me and I'm happy to hear those things to you, kasi iyon lang ang pinanghahawakan ko. Walang wala ang mga bash nila sa akin, sa dami ng proud message mo sa akin." 

"Huwag mo nga akong paiyakin!" Kumawala ang singhap sa aking bibig ng marinig ang singhot niya. 

"My gosh, Phoenix Wyatt!" Humagalpak ako ng tawa kaya unti-unti na din siyang natatawa sa kabila ng nga singhot niya. 

Nakarating kami sa mansyon ng kanilang pinsan. Late pa kami kaya mas dumoble lang ang kaba ko doon. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga pinsan niya. 

"Agathon!" Bati ni Phoenix. 

"Insan, buti nakarating kayo!" Tugon nito. Nilingon niya ako at nilapitan. "Good evening, Beverly." Nakipagbeso siya sa akin. 

"Good evening, Agathon." I said while smiling. 

"Come," 

Ramdam ko ang masamang tingin ng mga babae nilang pinsan pero hinayaan ko lang ang mga ito. Nandito lang naman ako para kay Phoenix at sa pinsan nilang si Agathon kaya hindi ko na proproblemahin pa kung galit sa akin ang mga pinsan nilang babae. 

Umupo kami sa bandang harapan kung saan malapit kay Agathon na nasa gitnang upuan. Sinerve na ang mga pagkain kaya nagumpisa na kaming kumain habang ang mga lalaki'y nagkwekwentuhan. 

Lahat sila magaganda ang pangangatawan at mga pogi pero wala pa rin makakatalo sa mga Santibastian at Montecarlos. Sila lang ang mga lahing hindi ka makapaniwala kung tao ba ang nabuhay o isang anghel. 

"Anong relasyon niyo ni Kuya Phoenix?" Biglang sabi nung isang babae na malapit lang sa akin. 

Nilingon ko ito. Hawak-hawak niya ang kaniyang baso at inaalog-alog ito. Hindi alam kung tama bang sagutin ko siya o balewalain nalang, pero nakakabastos naman iyon. 

"M—" 

"She's my girlfriend," umawang ang aking bibig ng marinig iyon kay Phoenix. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay kong nasa ilalim ng lamesa. 

"Isn't she Kuya Antonio's ex?" Maarteng humagikhik sila. Hindi ko alam kung anong nakakatawa doon. "Ang cheap mo naman para patulan itong babaeng 'to, kuya. Halata naman kung anong ambag sa pamilya." 

Napayuko ako sa sobrang pagkapahiya. 

"Felis, huwag na huwag mong babastusin ang girlfriend ko sa mismong harapan ko." Hinawakan ko ang braso ni Phoenix ng maramdaman kong galit na ito. Nilingon ko ang mga pinsan niya. 

"Oh, right..."

"Felis, hindi ko sila inimbita dito para lang bastusin mo sila ng ganiyan." singit ni Agathon.

"But..." 

"I'm your brother, you should respect my guest if you want me to respect yours." Malamig na sabi ni Agathon. 

Kapatid pala ni Agathon si Felis, ngayon ko lang nalaman. Akala ko yung mabait na nakilala ko dati 'yung kapatid ni Agathon, si Felis pala. Magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. 

 "Tsked," he muttered and started eating again.

Phoenix talks to me from time to time, while we eat. They are talking about business so I can't join them. The girls talk differently so I just keep quiet.

Phoenix held my hand wrapped around his. He brings it to his lips to kiss the back of my palm. I blush when I see his cousins following his movements.

"You're so whipped, bro." Agathon said shaking his head. My cheeks almost burst from embarrassment.

"That's love," 

Sinusubukan kong kunin ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya ito hinahayaan. Mas hinigpitan niya lang ang kapit doon. 

"Kuya Anton, mabuti nalang nandito kana!" Sigaw ni Felis na nagpawala sa aking ngiti. 

Napatigil ako't unti-unti itong nilingon ng makitang nagsilingunan narin ang iba sa bagong dating. 

"Good evening," tipid siyang ngumiti habang inililibot ang paningin sa mga pinsan. Nagtagpo ang tingin naman sa isa't-isa, ngumiti siya pero hindi ko 'yon magawang ibalik sa kaniya. 

He sat in the seat opposite us. I just moved my eyes to my food and ignored his presence. I don't want to see him anymore but since he's one of Phoenix's cousins, it's inevitable that we'll meet somewhere.

Phoenix was quiet and only answered the cousins' questions when he was asked. His attention is only on me. I like his attitude. I feel that I am important to him.

After dinner, the boys and girls moved to the side of the pool to get some fresh air. I left for a while to help prepare food. 

"Naku, hija. Bisita ka dito baka mapagalitan ako ni Sir." 

"Okay lang po, itong mga plato lang naman e." Nakangiti kong sabi. 

She smiled back. "Totoo nga ang sabi nila Sir Agathon. Talagang mabait at maganda ang nobya ni Sir Phoenix." 

"Naku, hindi naman po..." hinawakan ko ang magkabilang pisngi. "At saka po, hindi po ako nobya ni Phoenix." 

"Nagdedeny ka lang e, halata namang magnobyo't nobya kayo. Huwag mo nang itanggi, bagay naman kayo!" Kinikilig niyang aniya. 

"Hindi po talaga. Actually, nililigawan niya pa po ako." Tugon ko rin. 

"Kabataan nga naman..." umiiling niyang sabi. 

Akmang sasagot pa ako ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Anton. 

"Anton!" Gulat kong sabi. 

Inikot ko ang aking paningin at hinanap si Phoenix pero wala ito. 

"Puwede ba kitang makausap?" Tanong niya.  

Hindi ko alam kung ano pa bang gusto niyang pag-usapan namin. Malinaw na ang sinabi ko sa kaniya nung nakaraan. Hindi ko alam na hindi pa pala iyon sapat sa kaniya. 

"We don't have anything else to talk about." I responded coldly.

I'm tired of listening to his lies. I'm fed up.

"Marami. Marami pa," Bumuntong-hininga siya at pagod akong tiningnan. "Please, saglit lang. Marami lang akong gustong sabihin sayo." 

"Then explain, Anton. I only giving you 5 minutes and we're done." Matigas kong sabi. 

Bumuntong-hininga muna siya bago nagumpisang magsalita. "Tulad nga nang sabi ko, mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita. Nagawa ko lang yung bagay na 'yon dahil sa takot ko kay mama. I'm sorry, natakot lang akong pahirapan ka pa niya. I know na napakababaw na rason iyon pero ginawa ko lang ang lahat para protektahan ka. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang ako nagpadala sa takot ko." 

"Nagawa mo lang 'yon dahil takot ka?" Pagak akong tumawa. "Sigurado ka ba? Baka nasisiraan ka lang ng ulo, pa checkup kana! Anton, kung talagang mahal mo ako sa una palang pinaglaban mo na ako. Sa una palang, hindi kana nagpadala sa mga takot mo. At sa una palang hindi mo na ako niloko!" Sigaw ko. Nangiligid ang luha sa aking mga mata. 

"I'm so sorry, bebs..." 

"S-sorry? Sa tingin mo ba lahat ng mga nagawa mo sa akin, mapapalitan iyon ng mga sorry mo? Kahit lumuhod ka pa sa harapan ng simbahan, kahit sumigaw ka pa ng ilang milyon, kahit ilang beses mong sabihin na mahal mo pa rin ako at nagsisisi ka sa mga nagawa mo. Hindi pa rin magbabago na nasaktan mo ako...kahit kailan hindi na maghihilom yung sugat na binaon mo sa puso ko." 

Tiningnan ko ang aking orasan. "Tapos na ang oras mo, aalis na ako." 

Pero bago paman ako makaalis ay nahawakan na niya ako at hinawakan sa braso. Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya nagpumiglas ako. 

"Anton, bitawan mo ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. 

Sa higpit ng hawak niya sa braso ko ay hindi ko man lang magawang makawala dito. Masyado siyang malakas para sa isang tulad ko. Sinubukan niya akong halikan na mas lalong ikinaiyak ko. Sigaw ako ng sigaw na tigilan niya ako pero hindi siya tumigil. 

"Anton!" 

Wala pang isang segundo'y naramdaman ko nalang ang pagbitaw ni Anton sa akin at ang pagbagsak niya sa harapan ko. Pinatungan siya ni Phoenix at paulit-ulit itong pinagsusuntok. 

"Putangina ka! Fuck you, Anton!" Mga mura ni Phoenix at hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng mansyon. 

Sibunukan siyang pigilan ng mga lalake nilang pinsan pero hindi nagpatalo si Phoenix, sunod-sunod pa rin siyang nagpakawala ng suntok. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumuhod para pantayan si Phoenix at yakapin siya sa kaniyang bewang. 

"Please, stop...Phoenix, stop. Okay lang ako—okay lang." Bulong ko rito at humikbi na naman. 

Ramdam ko ang pagkakatigil niya. May sinasabi pa siya kay Anton pero halos hindi ko na marinig sa sobrang panghihina ko. "Try touching my girl again and you will regret it..." 

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at walang pasabing pinangko ako. Humawak ako sa kaniyang leeg para hindi mahulog bago ipinikit ang mga mata. 


"I'm sorry, nahuli ako." Bulong niya habang naglalakad. 

Itutuloy . . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...