CTBC: Carrying The Billionair...

By Summer_Alli

3.4M 77K 4.4K

Siya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturi... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
CTBC: Prologo
CTBC: Kabanata 1
CTBC: Kabanata 2
CTBC: Kabanata 3
CTBC: Kabanata 4
CTBC: Kabanata 5
CTBC: Kabanata 6
CTBC: Kabanata 7
CTBC: Kabanata 8
CTBC: Kabanata 9
CTBC: Kabanata 10
CTBC: Kabanata 11
CTBC: Kabanata 12
CTBC: Kabanata 13
CTBC: Kabanata 14
CTBC: Kabanata 15
CTBC: Kabanata 16
CTBC: Kabanata 17
CTBC: Kabanata 18
CTBC: Kabanata 19
CTBC: Kabanata 20
CTBC: Kabanata 21
CTBC: Kabanata 22
CTBC: Kabanata 23
CTBC: Kabanata 24
CTBC: Kabanata 25
CTBC: Kabanata 26
CTBC: Kabanata 27
CTBC: Kabanata 28
CTBC: Kabanata 29
CTBC: Kabanata 30
CTBC: Kabanata 31
CTBC: Kabanata 32
CTBC: Kabanata 33
CTBC: Kabanata 34
CTBC: Kabanata 35
CTBC: Kabanata 36
CTBC: Kabanata 38
CTBC: Kabanata 39
CTBC: Kabanata 40
CTBC: Kabanata 41
CTBC: Kabanata 42
CTBC: Kabanata 43
CTBC: Kabanata 44
CTBC: Huling Kabanata
CTBC: Epilogo
PASASALAMAT!

CTBC: Kabanata 37

53.7K 1.2K 153
By Summer_Alli


TINUPAD ni Dior ang sinabi nito na pupunta kaming hospital para sa checkup. Hanggang ngayon nga ay nakangiti pa rin ito habang pinagmamasdan ang ultrasound picture ng anak namin. Kalalabas lang namin ng ospital at patungo na kami ngayon sa kotse nito.

"My first picture of my son. He looks handsome like me" wika pa nito habang nakataas ang ultrasound picture.

Napailing nalang ako. "Paano mo naman nasabi na gwapo? E ultrasound pictures lang 'yan?" Hindi na nakatiis na tanong ko dito. Pakiramdam ko kasi ay nawawala na ito sa sarili nito. Napabuntong-hininga pa ako.

Natawa naman ito ng mahina. Bahagya pa akong napa-igtad no'ng akbayan ako nito. "It is obvious, sweetheart. I'm handsome and you are beautiful, so when we collided---- that's equal to a perfect creature----our son" wika nito na nagdulot ng init sa magkabila kong pisngi. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nitong sabihin ang salitang we collided.

"Son? Sa isang linggo pa malalaman ang kasarian ng anak natin" Paalala ko dito dahil sa paulit-ulit nitong pagsasabi na lalaki ang magiging anak namin.

"I already know that our child is he, not she" Pagdidiin na naman nito kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang ito sa gusto nitong paniwalaan. Ayoko na rin sirain ang kasiyahan nito.

"B-bakit ba gustong-gusto mo ng anak na lalaki?" Nahihiwagaan na tanong ko dito habang patuloy na naglalakad.

Hindi naman agad sumagot si Dior dahil sakto kaming tumapat sa kotse nito kung kaya't pinagbuksan muna ako nito ng pinto. "For me to have partner in girls hunting"

"Ano? Ahh!" Agad akong napadaing no'ng tumama ang ulo ko sa pinto ng kotse dahil sa pagkagulat.

"Damn! I'm sorry, sweetheart" Nag-aalala naman na wika ni Dior bago ito mabilis na lumapit sa akin para haplusin at halikan ang bahagi ng aking ulo na tumama sa pinto ng kotse.

Agad ko naman itong itinulak palayo sa akin. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na samaan ito ng tingin. Sobrang naiinis ako sa naging sagot nito. "Anong sabi mo?"

"I love you?" May nakakalokong ngiti na wika nito. Hindi ko alam kung bakit bigla ko itong nasuntok sa tiyan.  "What the fuck?" Gulat na reaksiyon nito habang nakahawak sa tiyan nito.

Sa tingin ko ay nasaktan talaga ito sa pagsuntok ko pero wala akong pakialam. "Ba-bahala ka diyan. Playboy!" wika ko bago padabog na pumasok sa kotse nito.

Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa sa labas kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis para dito. Hindi ko nalang ito pinansin.

"Hey lady?" Narinig kong wika ni Dior kaya kunot ang noo na napatingin ako dito.

Lalong sumama ang timpla ko no'ng mayroong maganda at sexy'ng babae ang lumapit kay Dior. At ang hinayupak namang lalaki ay nakangiti at para bang nagpipigil ng kilig.

"I'm giving you 50,000, miss" Narinig ko pang wika ni Dior bago kumuha ng tseke sa wallet nito at ibinigay iyon doon sa babae.

Napansin ko pa na namula ang mga pisngi ng babae at halatang kinikilig sa presensiya ni Dior. Lalong umapaw ang inis ko para dito. Inis na nag-iwas nalang ako ng tingin sa mga ito.

"O my g! Sa----"

"I don't need your words, miss. We have to go" Putol ni Dior sa iba pang sinasabi ng babae.

Nang maramdaman ko na pumasok na sa kotse si Dior ay agad akong bumaling sa bintana upang iwasan ito. At no'ng magtangka ito na ikakabit ang aking seatbelt ay inunahan ko na ito. Nakakainis!

"Hey! Are you jealous, sweetheart? I'm just kidding when I said I need partner for girls hunting. I'm just teasing you" wika nito na halata naman sa boses na tuwang-tuwa itong asarin ako.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil hindi naman ako nagseselos at wala namang tayo" walang emosiyon ang boses na wika ko.

Napansin ko na unti-unting nawala ang ngiti nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Wala na ngayong emosiyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako bigla ng konsensiya kaya naman iniiwas ko nalang ang tingin ko dito at muling bumaling sa labas ng bintana. Lihim kong kinurot ang sarili ko dahil sa binitawan kong salita dito. Ramdam ko na nasaktan ko ito.

"Ok, I'm sorry" Narinig kong wika ni Dior bago nito pinaandar ang kotse nito.

Walang imikan na nakarating kami sa bahay nito. Nang makababa kami ng kotse ay isang babae ang agad na sumalubong kay Dior. Napaiwas nalang ako ng tingin no'ng mabilis na lumingkis ang mga braso ng babae sa leeg ni Dior.

"I miss you, my man?"

Jade Gomer.

"What the hell are you doing here?" May diin sa boses na tanong dito ni Dior habang pilit na inaalis ang pagkakalingkis ng babae.

"To pick you up. My dad want to see you, my man" sagot nito habang pilit inaabot ang labi ni Dior para halikan.

Nakakaramdam na ako ng inis para sa Jade Gomer na ito. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon ng mga ito. Nagtagumpay naman ako dahil inis na lumingon sa akin 'yung babae. Hindi ito nagtagumpay na halikan si Dior.

"Sino ka ba huh? Epal" Nakataas ang isang kilay na tanong nito sa akin. "Sino ba siya, my man?" Malambing naman ang boses na baling nito kay Dior.

"She is----" Tumingin sa akin si Dior na para bang nasa akin ang sagot. Napansin ko ang pag-asam sa mukha nito.

Napalunok-laway naman ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isagot ko. "K-kaibigan niya ako" wala sa sarili na usal ko. Muli kong nakita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Dior.

"Ah ok, kaibigan lang naman pala" Nakangiting wika no'ng babae bago bumaling kay Dior. "Let's go na" Mataray na akit pa nito bago pinulupot ang mga kamay sa braso ni Dior.

"Ok" Walang emosiyon ang mukha na sagot naman ni Dior. Inalis na rin nito ang tingin sa akin.

Sinundan ko nalang ng tingin ang mga ito habang papunta ang mga ito sa kotse. Hindi na ako muling nilingon ni Dior. Bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil doon.

Nasasaktan ako.

Nang mawala na sa paningin ko sina Dior at 'yung babae ay bumuntong-hininga muna ako bago naglakad papasok ng bahay.

Mabilis na lumipas ang oras, hatinggabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Dior. Kanina pa ako nakatanaw sa gate mula dito sa terrace ng aking kwarto para hintayin ang pagdating nito pero wala pa rin.

Tumingin ako sa orasan na nakadikit sa dingding. Napabuntong-hininga na naman ako no'ng malaman ko na alas dose na ng gabi. Nasaan na ba ang lalaking 'yun?

Napakagat ako sa kuko ko sa daliri para pakalmahin ang sarili. "Saan ba sila pumunta ng babaeng 'yun?" Hindi ko napigilan itanong sa aking sarili.

"Bakit hindi mo pa sagutin si señorito, anak? E halata namang gusto niyo ang isa't-isa. Bagay na bagay kayo, anak" Pukaw sa akin ni inay Besilda na noon ko lang napansin na naroon na pala sa aking kwarto. Inilapag nito ang dalang pagkain sa mesa na nasa gilid ng aking higaan.

Napabuntong-hininga ako sa tanong ni inay. Lumapit ako dito at umupo sa gilid ng kama. "N-nakakatakot po k-kasi inay, m-masyado pong malayo ang agwat namin ni Dior"

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni inay.
"May requirements ba pagdating sa pag-ibig, iha?" Tanong nito na ikinatingin ko dito.

"Po?"

"Wala naman requirements pagdating sa pag-ibig, diba? Ang mahalaga lang naman ay masaya kayo sa piling ng isa't-isa. Hindi niyo na dapat pahirapan pa ang mga sarili niyo, iha" Tumingin ito sa akin para ngitian ako. "Pinapahirapan na nga kayo ng mga taong nasa paligid niyo, pati ba naman sarili niyo pahihirapan niyo pa rin? Hindi dapat gano'n, iha. Kung tanggap ka niya, dapat tanggap mo rin siya" Dagdag pa nito.

Napaisip naman ako ng malalim sa sinabi ni inay. "Salamat po-----"  Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil nakarinig ako ng busina ng sasakyan. "Nandiyan na siya, inay"

"Ang saya mo, anak" Narinig kong wika ni inay Besilda kaya napagtanto ko na nakangiti na nga ako.

Napapahiyang bumaling ako kay inay. "Ha-ha, pasensiya na po inay" Napapakamot sa batok na wika ko pa dito.

Ngumiti naman sa akin si inay Besilda. "Masaya ako para sa inyo, anak. Sige, matutulog na rin ako, maiwan na kita dito" wika ni inay bago tumungo sa pinto.

"Salamat po, inay" Pahabol ko pa kay inay.

Bumalik ako sa terrace para tanawin ang gate. Napasimangot ako no'ng wala akong Dior na nakita doon.

Nawala lang ang atensiyon ko sa gate no'ng makarinig ako ng mga katok mula sa pinto ng aking kwarto. Mabilis akong tumungo roon.

"B-bakit po kayo bumalik i----" Natulala ako sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Flowers for you, sweetheart" wika ni Dior habang may bahagyang ngiti sa labi.

Walang imik na tinanggap ko ang malaking bungkos ng rosas na inaabot nito sa akin. Napatingin ako sa mga mata nito pagkatapos.

"I'm sorry for what I've said earlier, sweetheart. I'm just really teasing you. Actually, I like he to be our first child for me to have partner in protecting the woman I love. I want my son and me to protect you"

"Huh? Diba dapat 'yung anak natin ang dapat na protektahan natin?" Naguguluhan na tanong ko dito.

Napakamot ito sa batok at ngumiti ng alanganin. Nasira ko yata ang moment nito. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa itsura nito ngayon.

"Yes. We will protect our son first, then if he grows up, me together with him will protect you. We will protect each other" sagot nito dahilan para matunaw ang nararamdaman kong inis para dito. "Goodnight, sweetheart. Take your rest now" wika nito bago ko naramdaman ang paglapat ng labi nito sa noo ko. Naglakad na rin ito patungong kwarto nito pagkatapos.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko no'ng mawala ito sa aking paningin.

🌞 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

932K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
351K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...