Into the Realm of Fiction (Pu...

De wintertelle

112K 6.1K 474

PAPERINK FANTASY COLLABORATION A cursed magician. A soul's wish. And a cyclic fictional reality. After getti... Mais

Into the Realm of Fiction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 9

3.4K 240 24
De wintertelle

HINILA ni Eziyah ang kaniyang alaga nang mag-akma itong kagatin ang mansanas na nakalagay sa tindahan.

“Do you want to eat that?”

Atlanta let out a tiny noise.

Bumili siya ng sampung piraso ng mansanas bago maglakad ulit papunta sa magic tower. Doon siya namamalagi at doon din siya lumaki. Ang duke ang kumupkop sa kaniya matapos siyang makatakas sa mga maharlika ng katabing bansa. Ibinenta siya ng kaniyang mga magulang bilang alipin dahil wala na itong mapakain pa sa kaniya no’ng bata pa siya.

He wasn’t blessed with wealth and honor, for he was only born as a son of a peasant, the lowest class in their society. If he could be thankful for something despite not having a good background, it would be his light element magic. He was poor, yet he was still gifted by overwhelming mana.

It was one of the reasons why the duke didn’t hesitate to raise him in the magic tower.

“You seem extra cheerful these days.” He chuckled while giving his pet another apple.

Atlanta was a 5-month old baby. Lalaki pa ito kagaya ng isang dragon kapag umabot na ito ng dalawang taon.

Handa na siyang gamitin ang kaniyang light magic upang mapabilis ang pagdating niya sa tore nang may babaeng lumapit sa kaniya.

“Lady Gisela,” bati niya rito.

Ngumiti naman ito sa kaniya. May hawak itong basket habang ang isang kamay ay nakahawak sa hat upang ‘di malipad ng hangin.

The noon was hot yet breezy.

Biglang sumagi sa isipan niya si Yophiel. The wind reminded him of her.

“Sir Eziyah, how have you been? Ilang araw rin tayong hindi nagkita,” saad ni Lady Gisela. Sinabayan nito ang kaniyang paglalakad.

“I’m fine.” Bahagyang napakunot ang noo niya nang biglang magtago si Atlanta sa kaliwa niyang braso at ginamit ang kakayahan nitong maging invisible.

“Aw. He doesn’t really like me,” nakasimangot na sabi ng babae habang nakatingin sa nagtatagong Atlanta.

“Atlanta is not really friendly,” he replied.

Napaisip din siya dahil kahit isang beses hindi lumapit si Atlanta kay Lady Gisela. Kahit ilang beses na nitong nakita ang babae, ayaw pa rin nitong lumapit. Pero pagdating kay Yophiel, dumidikit kaagad ito.

“Are you going home?” she asked.

Tumango naman siya. Alam nito na nakatira siya sa magic tower dahil nag-aral din ang babae ro’n. Doon niya nakilala si Lady Gisela. He couldn’t understand why he always find himself looking at the woman. His eyes had been locked up to her the moment she saw her.

Was he in love with her? The question had been running in his head for some time. He couldn’t feel anything towards the woman, yet he was drawn to her as if someone was telling him to set his heart only for her.

Binalik na lang niya ang atensyon sa daan. Nahagip ng kaniyang mga mata ang isang flower shop at nakita niya roon ang bulaklak na binigay niya kay Yophiel kagabi.

The ends of his lips curved as he was reminded of how she was so bold. Although sometimes he couldn’t comprehend her words, he couldn’t deny the fact that he admired the way she carried herself.

What a woman.

Marami na siyang narinig tungkol kay Yophiel bago pa man niya ito nakita dahil palaging nagkukuwento ang duke sa kaniya. He always described his daughter as a competent and honorable woman. At first, he thought that the duke might just be exaggerating, but for the weeks he was with Yophiel, he could say it was indeed true.

“Sir Eziyah?”

“Huh? Did you say something?” He glanced at the lady.

“You seem to be distracted today. I said I’ll be heading over there.” Turo nito sa kanang daan.

Wala naman siya sa sariling tumango habang nasa isipan pa rin ang babaeng nagmamay-ari ng asul na mga mata.

He just shook his head before heading to the magic tower while using his light magic. It was located east from the mansion. Kung sasakay ng karwahe, aabutin pa ng ilang oras bago makarating sa magic tower. But in his case, he just needed to increase his speed to reach the tower in less than two minutes.

Paakyat na siya sa hagdan na gawa sa bato. Papunta na siya sa kaniyang kuwarto subalit napatigil nang makasalubong ang duke.

Yumukod siya bilang paggalang. “Your Grace.”

Nag-ingay rin si Atlanta sa kaniyang tabi at tinungo ang direksyon ng duke. Bahagya siyang napangiti nang niyakap ng duke ang kaniyang alaga.

“Sigurado ka ba na wala na ‘tong ibang kapatid? I want to give my daughter a Felis Drahika too.”

“Will she like it, Your Grace?”

Mabilis namang tumango ang duke. “Of course. It may not be obvious but that daughter of mine fancies animals.”

Napaisip naman siya at inalala ang lugar kung saan niya nakuha si Atlanta. He might find another Felis Drahika if he would return to that place.

“Anyway, the hunting festival will be next week,” saad ng duke habang pinaglalaruan pa rin si Atlanta. “I do want to root for your win like always, but I have another participant to cheer for this year.”

Held every year, the hunting festival became one of the awaited events in the dukedom. While most of the country used it as a pastime, the duke made it different. He used the hunting festival as a sport to showcase the talent of those who wanted to excel in hunting using different weapons, including magic. The participant with the most acquired harvest would be given land as a reward.

The duke allowed everyone to participate regardless of their status and gender, but most of the time, men always dominated the hunt.

Since he won three times in a row, he was also rewarded with properties. But despite having his own land, he still preferred to live in the magic tower.

“May I know who it is, Your Grace?”

Instead of answering, the duke smiled. “You’ll see.”

Naglakad na ito pababa pero napatigil ito at nilingon siya. His eyes were serious this time. “Oh, make sure to be in my office after the festival. We are going to talk about something important.”

Tuluyan na itong naglakad pababa. Sumunod si Atlanta sa duke kaya siya na lang mag-isa ang naiwan.

He sighed. Pagdating sa mga Demancrius, palagi talaga siyang iniiwan ni Atlanta at bumubuntot sa kanila.

Tuluyan na siyang umakyat. Hanggang makarating siya sa kaniyang kuwarto, hindi nawala sa isipan niya ang sinabi ng duke.

He knew what he was pertaining. Dati pa lang, plinano na ito ng duke. Alam na niya dati pa kung ano ang binabalak nito.

The revolt.

“SABI nang lubayan mo ‘ko!” sigaw ni Yophiel habang tinatali ang buhok.

“Sigurado ka bang sasali ka talaga sa hunting festival?” tanong ni Eziyah sa kaniya habang nakasakay na sa kabayo.

He wasn’t wearing his usual get-up with metal armors in the corners of his body, but a black Houppelande and a baldric to carry his sword.

Araw na ng hunting festival at papunta na sila ngayon sa Layuna Forest, ang pinakamalaking kagubatan sa Chloronosos. Doon gaganapin ang hunting festival at tatagal ito ng buong araw.

Pinasok na niya ang lahat ng palaso sa quiver at sinukbit sa katawan. Tinaas niya ang gown ng dress bago inapakan ang stirrup, hinawakan ang saddle at hinila ang sarili paakyat sa likod ng kabayo.

Pagkatapos niyang umangkas saka siya lumingon kay Eziyah. “Oo. Sigurado ako. I will hunt today!”

“While wearing a gown?”

Napaiwas naman siya ng tingin. “Bakit? Wala namang may sabing bawal magsuot ng gown, ah.”

Hindi talaga siya dapat magsusuot ng gown dahil sino ba naman kasi ang mag-hu-hunting tapos gown ang susuotin? May tinatago kasi siyang libro sa ilalim ng kaniyang gown. Ang makapal na libro ni Inferio.

Isa sa mga patakaran ng hunting festival ang pagbabawal sa pagdala ng kahit na ano bukod sa armas na gagamitin. Pero dahil may balak siyang subukan ulit na portal na maaari niya lang gawin sa loob ng kagubatan, kailangan niyang dalhin ang libro upang ‘di siya magkamali sa mahabang proseso.

At wala siyang ibang maisip maliban sa pagsusuot ng gown upang maikubli ito.

“Mahihirapan kang gumalaw niyan, my lady.”

“Ikaw nga naka-houppelande, e,” sagot niya naman.

“I’m used to it. And besides, my magic is a light element. I can still move fast with the help of the light.”

“I am also used to wearing gowns. Everyday kaya ako nagsusuot ng ganito. And besides,” ginaya niya ang pagkakasabi nito. “My magic is a wind element. I can still move fast with the help of the wind.”

Napailing naman ito pero pansin niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito.

Did he just . . . smile?

“Are you really sure, my lady?”

“Are you still doubting my capability?” tanong niya habang hinahawakan ang rein na nakakabit sa kabayo.

“No. I am just worried. Can you hunt with that gown of yours?”

Ngumiti naman siya. “Of course. Regardless of what we, women, wear, we can still fight like how men in armors can do.” She squeezed the body of the horse with her legs and clicked her tongue, signaling it to start moving.

Mabilis na nakinig ang puting kabayo na sinasakyan niya at tumakbo palabas ng stable.

Kaagad na sumunod si Eziyah at sabay silang nagtungo papuntang Layuna Forest.

Ilang minuto rin bago sila nakadating. Nakikita na nila ang mga nagkukumpulang tao. Marami ring mga babae na nakaupo sa upuan sa ilalim ng puno habang ang kanilang mga katulong ay pinapayongan sila upang hindi maarawan.

Nauna na ang ibang kalahok na pumasok sa kagubatan. At ang mga naiwan ay ang mga maghihintay at sasalubong sa kanilang pagbalik.

“Huh?” Habang papalapit sila, napansin ni Yophiel ang disenyo sa buhok ng kababaihan.

Katulad ito sa hairstyle na ginawa niya no’ng coming-of-age ceremony.

“If you are wondering, your hairstyle has been a trend for quite some time now, my lady.”

Napalingon siya kay Eziyah habang napapangiti sa sinabi nito. “Talaga?”

Nang mahagip ng kaniyang tingin ang ama na nakaupo rin sa upuan at nasa ilalim ng puno, kumaway siya. “Papa!”

“Best of luck, my daughter!”

No’ng nakaraang araw pa siya chine-cheer ng ama at walang tigil ito sa pagbibigay ng payo sa pangangaso. Kulang na lang magsuot ng cheer leading outfit ang kaniyang ama dahil tumatalon-talon pa ito habang nakataas ang mga kamay na kumakaway sa kaniya.

Handa na siyang suotin ang kagubutan nang mapansing nawala ang katabi niya. Nilingon niya si Eziyah na kausap si Lady Gisela. Malayo ang dalawa sa kaniya kaya hindi niya narinig ang pinag-uusapan nila.

Kaagad niyang iniwas ang tingin dahil bigla siyang nakaramdam ng inis. Sesenyasan na niya sana ang kabayo na tumakbo pero napahila siya sa rein upang patigilin ito.

Napalingon siya sa likuran nang may tumawag sa kaniya gamit ang isang mabantot na pangalan.

“Yoyo!”

Pinaningkitan niya ang prinsipe na kumakaway rin sa kaniya. Mukhang kararating lang nito.

Tumakbo ito papalapit sa kaniya.

“Ang ingay mo. Sabi nang huwag mo ‘kong tawagin ng gano’n,” saad niya.

“Maingay naman ang paligid kaya hindi nila ‘yon napansin. Malabo tayong machichismis.”

Napatawa naman siya dahil sa paggamit nito ng salitang ‘chismis’.

Tinuruan niya ito sa mga salitang palaging ginagamit sa mundo niya kaya naman hindi niya mapigilang matawa dahil tamang-tama ang pagkakagamit ng lalaki sa salita.

“Bring me a head of a dragon, okay?” biro pa nito.

“Sige. Kung may makita ako,” pabiro niya ring sagot.

Hinalikan nito ang likod ng kaniyang palad. “Best of luck, my lady.”

Umalis na ito at siya naman ay sinuot na ang kagubatan. Bukod sa kaniyang pakay na gumawa ulit ng isa pang portal magic, balak niya ring manalo sa hunting festival.

She would not fail her father.

“What is your relationship with the crown prince, my lady?”

“Ay, buwisit!” Napaigtad siya sa gulat at muntikan nang mahulog sa kabayo nang biglang may magsalita.

Nilingon niya ang katabi na nakatingin din sa kaniya. Mabilis ang kanilang takbo kaya hindi niya masyadong maaninag ang eskpresyon ng mukha ni Eziyah pero ramdam niya kung gaano kaseryoso ang boses nito.

Continue lendo

Você também vai gostar

126K 7.5K 87
(On-Going)
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
6.1K 410 27
Magnolia... Such a beautiful white flower. What would happen if this white, calm, and pretty flower would go for a disaster? Maybe this white flower...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...