H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.4M 74.9K 32.6K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
15th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
29th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
33rd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
45th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
48th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

4th Haunted

39K 1.2K 521
By Ineryss

Haunted

Distracted

I sipped on my coffee slowly. Nakahalukipkip pa rin si Dreyden, mukhang may ikinakagalit dahil masyadong seryoso.

He's indeed mysterious. Mahirap siyang basahin na lalake. O siguro dahil sa tunog ng pananalita niya, halatang malaki ang agwat ng edad namin.

He's probably eighteen? Nineteen? Twenty? Ang tanda niya naman!

"Ugh. Evan is such an asshole! A fucking playboy!" daldal ko pagkatapos ilapag ang tasa.

"He's just seventeen," ani Dreyden na kinuha ang kutsarita at ginalaw ang sariling kape.

"So what if he's seventeen? Purket bata understandable na kaya playboy?!"

"Hindi bagay sa'yo ang mga kaedaran mo o malapit ang edad sa'yo. Halatang mauuto mo lang sila," ani Dreyden at dinampot ang tasa niya para sumimsim.

"Kaya sino ang bagay sa'kin?"

Nagkibit siya at muling binigyan ng pansin ang kape.

"Ano ba kasing naririnig mo? May kumakalat din bang balita tungkol sa'kin? I think it's fake news. Hindi ako nang-uuto ng lalake."

He sipped on his coffee and eyed me seriously. Inilapag niya iyon at binasa ang pang-ibabang labi.

"I've seen it in my eyes you silly kid. Madalas ka sa gym. Kung hindi swimmer, basketball player."

Nalaglag ang aking panga. I'm offended.

"Kulang ah! Meron din akong crush na tennis player!"

"See? You're a playgirl." Sabay haplos sa kanyang buhok at humilig sa lamesa.

"Bakit ikaw, hindi ka ba mahilig sa babae?" I asked carefully.

He looked at me and slowly shook his head. Kumurap ako at napangiti.

"Good! I hate playboys. Nakaka turn off sila. Look at Evan! That motherfucker is a playboy!" I rolled my eyes dramatically.

"Ayoko rin sa mga badboy. Masama ang ugali nila," I added.

Hindi siya nagsasalita ngunit parang nakikinig naman kaya nagpatuloy ako.

"You don't looked like a badboy. Parang ano ka lang... snob na mysterious. At hindi ka pa mahilig sa babae. Alam mo ba nakaka turn-on 'yang ganyang boys! Ganyan halos ang mga crush ko."

Tamad siyang tumingin ulit sa labas lalo na't transparent lamang ang wall at makikita mo ang kalaliman ng gabi sa kabila ng buhay na buhay na paligid dahil sa mga liwanag sa ibang establisyemento.

"Nakakakulo talaga ng dugo si Evan! I wanna teach him a lesson. I swear to God magsisisi siya! Fucking playboy!" irita kong kinuha ang aking phone at binuksan ang camera.

Tumapat iyon sa coffee at nakuha ng kaonti ang wallet ni Dreyden. I looked at him. Nakahilig siya sa kanyang palad at ang isang kamay ay namamahinga sa lamesa. Inabot ko iyon at hinila ng kaonti para masali sa camera.

Dreyden looked at me, half annoyed. Hindi ko na pinansin ang pagsusungit niya at pinindot ang click.

I smiled confidently. Nakita ang maugat niyang kamay sa table! Obviously it wasn't Evan. Iisipin niya talagang hindi naman siya ang kasama ko ngayong gabi! Hah.

I put it on my story. May kasama iyong text na 'snob' para mas lalong maisip ni Evan na hindi siya iyon! Bakit snob ba siya? Hindi ah!

"Look... we're like dating. Everyone's speculating I have a boyfriend," natatawa kong ipinakita sa kanya ang story.

His brows furrowed while looking at the photo. Nalipat pa ang tingin at mukhang ang views ang tiningnan. Tiningnan ko rin ang screen at nakitang nasa hundreds agad iyon.

Hindi ko naubos ang aking kape noong magyaya na akong gusto ko nang umuwi. Hinatid niya ako palabas at pinasakay lamang ng taxi.

Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Lalo na't kinabukasan, nang magising ako at tawag ni Evan ang bumungad, talagang nagflashback sa akin ang lahat lahat.

Hindi ko iyon sinagot saka bumungad ang kanyang text.

Evan:

Someone saw you last night with Dreyden. What the fuck Cassandra?

Ilang sandali lamang ay sunod sunod na text na ang natanggap ko. It came from my friends in Sports Club. I curiously opened their imessage to see what's up.

Marianne:

Akala ko ba hindi mo type si Dreyden?! You bitch hahaha

Alice:

You're dating Dreyden? That hot swimmer?

Rio:

Galit na galit si Evan! Lagot ka

Terrence:

Angas natin ah? From Hunter to Evan. And now you're dating Dreyden? Iba ka Cassey!

Ang plano kong pahirapan si Evan na manligaw ay hindi pa ata natuloy dahil pakiramdam niya naapakan agad ang kanyang ego pagkatapos niyang malaman na magkasama kami ni Dreyden sa gabing iyon.

It wasn't enough for me but at least alam niyang nalilink ako sa pinaka tinitingala niya. Na kayang kaya ko siyang ipagpalit kaya bumalik siya doon sa kalandian niya!

"So where's Evan?" my father asked on my seventeenth birthday.

"Wala na 'yon, Dad. I saw him kissing someone else!" sumbong sa sobrang iritasyon nang maalala na naman ang gabing iyon.

"Asshole. Find someone else. Move-on," ani Dad.

Talagang magmomove-on ako. Ayoko nang bumalik doon. Bukod sa may panibago akong crush at basketball player sa school, doon na ako magfofocus.

It wasn't a bigdeal. Boys come and go. Kahit walang gumanap na Hercules sa birthday ko ay naging kontento naman ako sa mga nangyari.

Being a Grade Twelve student is such a headache! Bukod sa nai-stress ako sa mga subject ko, pahirapan pa sa research!

Umupo ako sa sahig ng practice room habang ramdam ang pananakit ng aking paa pagkatapos ng ilang steps. Kinalas ko ang suot kong ballet shoes.

"Saan ka magcocollege?" tanong ni Joanne habang nakahawak pa rin sa barre at nags-stretching.

"Family friend's school probably," kibit balikat ko at lumipat sa kabilang paa para muling kalasin ang isang pares ng ballet shoes.

"And what's your course?"

"Fine Arts," sabi ko.

"You're a good painter. Nagpi-paint ka pa rin ba?" she asked.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa malaking salamin sa harapan ng barre. Magulo ang buhok kong naka bun. I licked my lowerlip and noticed my lipgloss aren't there anymore. My neck is sweaty. Ang iilang hibla ng aking buhok ay kumalas na at nalalaglag sa bawat gilid na isinabit ko pa sa gilid ng aking tainga.

"Sometimes. Busy lang ngayon sa school. Ang stressful."

"Makakasali ka naman sa performance this year? You should! Sa malaking theater pa naman. Ang ganda rin ng theme at balita ko manonood ang isa sa CEO ng Ballet Manila," si Joanne.

Nakuha noon ang atensyon ko. One of the biggest company of ballet is gonna be there? Really?

"Ang sabi ni Miss Jasmine magrerecruit daw sila eh," she continued while doing the five basic steps of ballet.

I sighed. Ang hirap pagsabayin ngayon ng mga hilig ko habang nag-aaral. Last summer, abala ako sa music lesson ko. Medyo marunong na ako magpiano nang walang tinitingnan na notes kahit papaaano.

This summer, ang balak ko ay muling bumalik sa pagpipinta. I think I need to review my skills lalo na't malapit doon ang kukunin kong kurso.

"Pangarap mo pa namang maging principal. Out of all the corsp, isa ka sa nalalapit sa rank na 'yon. Plus I think you will also shine as a soloist..."

Principal and soloist is too heavy. S'yempre sa kagaya kong gusto na center of attention ay pinapangarap ko talagang makapag perform na mag-isa o hindi kaya ay ako ang mismong humahawak sa lead role.

But how can I even achieve those rank kung minsan lang ako makapagpractice dahil sa school! Minsan pa nauuna ang kalandian ko at puro crush ang inaatupag kaya tinatamad pumunta sa practice!

"Napanood ko last time 'yung performance ng Philippine Ballet Theatre. Grabe 'yung nakakuha ng lead role sa Swan Lake. She's so graceful," si Joanna na naghuhubad na rin ng kanyang ballet shoes.

Sabay kaming naglakad patungo sa locker room habang topic iyon.

"Imagine if you're part of them. Their company has traveled in national and international tours which means it's really a bigdeal," sabi ko habang kinukuha ang aking pamalit para makapagshower.

"Exactly. Kahit 'yung Giselle na performance nila nakakapanindig balahibo," aniya.

We took a shower. Noong matapos at medyo natagalan pa dahil sa kaartehan ko, ay sabay din kaming lumabas ni Joanne para kumain sa malapit na cafe.

I took a photo of our food first and posted it on my instagram story. Nagreply ako saglit sa text ni Paul at muling nakipagdaldalan kay Joanne.

"Cassey!" ang pamilyar na tinig ng kung sino ang narinig ko.

I saw Rio. Mag-isa ito at naka jersey pa habang nakasabit sa gilid ng kanyang balikat ang dala dalang gym bag.

Kuryosong napatingin si Joanne sa kanya. I smiled at Rio.

"Hey! Why are you here?" nangingiti kong tanong.

Rio licked his lowerlip and pointed the counter.

"Coffee..."

Tumango ako habang nagriring ang phone ni Joanne. Kapwa namin siya tiningnan ni Rio. Sumenyas siya sa aking sasagutin muna habang tumatayo. I nodded.

Pinanood ko pansamantala ang paglabas ni Joanne at muling bumaling kay Rio nang inukupa niya ang upuan nito.

"Hindi kana bumabalik sa Sports Club ah?" natatawang si Rio at humilig sa mesa.

"Busy rin sa school," I reasoned.

"Busy? O break na kayo ni Dreyden?" he laughed.

Drey...den? Oh... That swimmer. May sasabihin pa sana nang muling magsalita si Rio.

"Nagkainitan sila ni Evan. Mukhang nagseselos dahil pinagpalit mo kay Dreyden. B-in-asted mo raw eh."

I want to roll my eyes because that's not really what happened. Ngunit dahil may atraso sa akin si Evan ay gusto kong hayaan na isipin niyang ganoon.

"Mainitin pa naman ang ulo noong si Dreyden. Kaya nga wala masyadong nangangahas pumansin doon dahil parang bomba..."

My eyes drifted to the entrance when someone came in. I saw some of the students in La Salle dahil na rin sa lace ng kanilang suot na mga ID. Matatangkad na mga lalake ang pumasok at may dalang laptop pa ang iilan sa kanila.

Sa apat na naroon, mabilis kong nahanap ang pamilyar na mga mata ng lalakeng halos ilang buwan ko atang hindi nakita.

My eyes slowly widened when I realized who it was. Mabilis ang aking pagbaling kay Rio at nagkunwaring walang nakita, nagkunwaring walang namumukhaan.

"So, galing ka sa practice?" mabilis kong iba ng topic lalo na't ayokong mabanggit niya ang pangalang kakapasok lamang.

Rio nodded and smiled.

"Yup! Bakit? Pawisan ba ako?" wala sa sariling inamoy ni Rio ang kanyang suot.

"Uh no. Mabango ka naman," I smiled.

Tumingin si Rio sa akin at napangisi. The students who's with Dreyden are a bit loud. Umaabot sa aking tainga ang pag-uusap nila at mukhang tungkol sa isang school work.

They occupied the table behind Rio. I saw how Dreyden dragged the chair roughly and looked at me coldly after taking a seat.

"Edi pwede kanang ligawan ulit ngayon? Wala nang nakapila eh," si Rio na medyo distracted kakatingin sa akin suot ang kanyang matamis na ngiti.

I feel so uncomfortable lalo na't paharap na nakaupo si Dreyden at deritso ang malalim na paninitig sa akin, na para bang may atraso ako sa kanya at ngayong nakita ako ay galit agad siya.

Halos hindi ko na maalala ang rason kung bakit ganiyan siya ngunit baka dahil pa rin iyon sa butanding?

"Patulan mo kasi 'yon, Dreyden! Ang snob mo kasi sa babae! She obviously likes you, dude..." I heard one of his friend said.

Nakahilig lamang si Dreyden sa upuan at nakabulsa ang magkabilang kamay habang nakabukaka lalo na't ang isang paa ay lumabas na sa table. He looked so pissed when he's serious. O baka dahil... alam kong may atraso ako sa kanya?

"Let's go somewhere?" I said out of nowhere when I looked at Rio again.

I saw how Dreyden's eyes drifted to Rio. He slowly licked the side of his lips and brushed his hair backwards while his jaw was clenching.

Why is he so pissed?! Ako ba ang sinisisi niya dahil nagkainitan sila ni Evan?

Tumayo ako at niligpit agad ang aking gamit like purse, phone and hand sanitizer. Taka pa ng kaonti si Rio ngunit wala sa sarili ring tumayo at pinanood ang nagmamadali kong kilos.

Umikot ako agad paalis sa table at deritso na ang lakad para sumabay kay Rio. Sumabay siya sa akin, nasa akin lamang ang tingin habang ako ay kinakabahan ng kaonti.

I didn't do wrong! At hindi naman ako tumatakas dahil guilty ako. Naaalibadbaran lang ako sa paraan ng paninitig niya.

Wala sa sarili akong napakapit sa kamay ni Rio nang dumaan kami sa kanilang table. Maybe because I am too nervous at baka matisod ako bigla?

Natatawa akong inakbayan ni Rio. I glanced at him and smiled to cover my nervousness.

"You should stop being snob and date these girls who likes you," malinaw ko pang narinig ang tinig ng kaibigan niya.

"That girl is wellknown as a playgirl. Ayoko sa mga ganoong babae. Turn off," I heard Dreyden's husky voice.

"Oh wow... So you have a preference now? Akala ko ba ayaw mo muna sa babae kaya wala kang kalandian?" one of his friends.

"Ayaw mo 'yon? Some playgirls are hot! Maraming experience. Hindi na mahirap turuan," tawa ulit ng isa pang lalake sa kanila.

"Not worth my time. I'd rather pull a nice girl. 'Yung hindi papalit palit ng lalake," si Dreyden.

"Sakit sa ulo nga naman ang mga slutty girls," ang isa pa.

I felt like I swallowed a rock because of the sickening feeling in my stomach. The lump in my throat made it more hard more me to swallow.

Ayoko nang marinig pa ang sagot ni Dreyden sa bagay na iyon. The guard opened the door for us. Halos hilain ko si Rio palabas. Nakasalubong namin si Joanne na mukhang nag-aambang babalik na sa loob. She looked confuse and curious kaya sabi ko na lumipat kami sa ibang cafe.

"Hatid ko na kayo," alok ni Rio nang buksan ang back seat at ipinasok doon ang kanyang gym bag.

Joanne and I nodded. Pinagbuksan pa ako ni Rio sa front seat habang si Joanne ay nauuna nang pumasok sa back seat.

Wala ako sa sarili habang nasa byahe. Naunang ihatid ni Rio si Joanne sa kanilang subdivision. Binuksan ko ang bintana para makapagbeso beso kaming dalawa. Kumaway ako habang papasok na siya sa gate ng kanilang bahay. Noong mawala sa aking paningin at nagsisimula na ring umandar ang kotse ni Rio ay natangay ulit ang aking isipan sa nangyari sa cafe.

As what I said to myself, it wasn't my fault. Tama lamang na si Evan ang pag-initan niya ngunit sa paraan ng tingin niya kanina sa akin, parang ang laki ng kasalanan ko!

Binalikan ko pa sa isip ko ang huli naming pag-uusap. Parang... wala naman? But the way he said his last words awhile ago feels like a threat. Parang sinadya niyang ibato iyon para matamaan ako sa playgirl.

Edi hindi niya gusto! That's not my main concern anymore kung hindi niya tipo ang playgirl! At bakit playgirl ba ako? Hindi naman! Kaya bakit ako matatamaan!

At bakit masyadong naka highlight 'yung nice girl? I am nice! Well... he doesn't know about my troubles in school. Kaso noon 'yon ah? At purket hindi ako humingi ng tawad sa kanya maldita na agad? Hindi ba pwedeng matapang lamang ang loob ko na hindi akuin ang kasalanang hindi naman talaga akin?

"Cassey?" haplos ni Rio sa aking braso kaya halos mapatalon ako sa gulat.

Mabilis akong bumaling sa kanya. Natawa siya nang makita ang aking reaksyon.

"Are you okay?"

I nodded and smiled. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na pala kami ng gate.

Kinalas ko ang seatbelt. Naunang lumabas si Rio sa driver's seat at umikot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan palabas.

"Thanks Rio..." I smiled.

"Basta ikaw," ngisi niya at hinaplos ang batok.

Hindi ko na nasundan ang pamamaalam at kung paano ako nakarating sa kuwarto. Nakita ko nalang ang sarili na nakalublob sa bathtub at tulala habang iniisip ang tinging iyon.

Kakaisip ko, doon ko lang napagtanto na college student na pala siya. Ano kayang year? First? Second? Ang malinaw lang sa akin ay sa La Salle siya nag-aaral.

Pilit kong kinalimutan ang pagtatagpong iyon sa mga lumipas na araw ngunit ang ibinalita ni Rio sa akin ang muling nagpabalik sa aking memorya tungkol sa kanya.

Rio:

Wala na si Dreyden sa Sports Club. Nag quit. Nagkainitan ulit sila ni Evan hahaha

What?! I mean... labas na ako roon sa away nila lalo na't hindi naman na ako pumupunta roon at busy pa sa school ngunit hindi ko maiwasang ma konsensya.

But why did he quit? Baka wala nang pambayad? Ang babaw niya naman kung dahil lang kay Evan? Compared to Evan, he's way more skilled than him!

Ako:

Idc hahaha

Iyon ang reply ko coz it doesn't really concern me!

Rio:

Mga lalake mo yon Cassey :)

Ako:

Walang kami ni Dreyden

Rio:

Really? Bakit galit na galit kay Evan? Huwag mo nang itanggi! May mga nakakita sa inyo sa gabing yon! You even put him on your story

That escalated real quick?! I mean I know my power as an elite. I can spread rumors like a virus. Mabilis pa sa mabilis kung sa akin mismo nanggaling.

Ngunit ang kumalat iyon sa maling paraan at nadadamay pa ang pangalan ko sa away ni Evan at Dreyden ay labas na dapat ako! Kung mainit ang ulo ni Dreyden at ganoon din si Evan sa kanya then it must be because they're both swimmer!

Why am I stressing over this problem while turning eighteen?! Ako 'to? Babaunin ko ang problemang ito sa mismong birthday ko? I need a beauty rest!

"You're stiff today, Cassandra. Are you alright?" ang aming ballet master na si Miss Jasmine pagkatapos ng practice.

Masakit na ang paa ko. I am trying to participate in my ballet lessons para makasali sa malaking performance ngunit distracted ako. Worst, maling araw pa.

"The CEO of Manila Ballet is here to recruit a talented ballerina. I am hoping you will join their company, Cassandra..."

Tiningnan ako ng iilang ka grupo ko. Joanna looked worried and concerned with my performance. I know she's rooting for me but I can't focus!

"I want you to practice more as your punishment. Repeat the steps one more time," si Miss Jasmine sa estriktong tinig.

I nodded obediently. Wala na sa akin kung hindi man ako ang matipuhan na kunin at ipasok sa Ballet Manila. It's the Philippines leading classical dance company. Sino bang ayaw na makapasok sa ganoon ka prestihiyosong kompanya ng ballet?

They travel internationally to perform as a group. It was my dream. I want to be part of their company ngunit ang pangarap na iyon ay hindi kasing laki sa mismong iniisip ko.

I am fine with my simple ballet lessons. O siguro hindi rin naman ako pini-pressure ni Mommy at hinahayaang mag-explore sa mga hilig ko kaya hindi ganoon ka laki ang pagnanasa kong manatili at mapunta sa pinaka tuktok ng ballet.

"Bakit ka ba kasi distracted?" Joanne asked after my vigorous practice.

Bakit nga ba bumabagabag sa isip ko ang nangyari? Dreyden and I aren't close. Kung pinili niyang huminto edi nasa kanya na iyon. Sa tono kasi ni Rio, parang ako ang ugat ng pinagmulan ng away nila ni Evan at dahil din sa akin kaya nag quit.

O baka naman kasi busy na sa babae? That's what I heard. Magpapaka abala na siguro sa nice girl na tinutukoy niya.

I don't understand him. Kung makatitig, parang may tinakasan akong utang sa kanya. Kahit wala naman!

Wait... galit ba 'yon dahil hindi ko sinauli ang t-shirt at jersey shorts niya?!

"Cassandra," Joanne snapped her fingers infront of my face.

"Do you have a boyfriend? Nag-away kayo?" she insinuated.

Marahas akong umiling lalo na't wala ako niyan.

"Masyadong dry 'yung lovelife ko ngayon," I complained dramatically.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 267 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
5.2M 130K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
74.1K 4.3K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.