Fight to Stay

By perieaus

6.5K 361 3

Fight to Stay Genre: Young Adult Romance Status: COMPLETE Thyra Luane Beramonte Zandiave thought that her hap... More

Paalala
Simula
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas
Pasasalamat

Chapter 05

123 7 0
By perieaus

Chapter 05

Araw ng Sabado. Masaya akong bumangon. I did some stretching before I went outside my room. Dumiretso ako sa kusina dahil balak kong mag bake ngayon ng chocolate chips cookies.

Nang makababa ako ay tahimik pa ang buong kapaligiran. Mukhang hindi pa nagigising si mama at ang kasama namin sa bahay na si ate Cenna. Siya ang katu-katulong ni mama sa gawaing bahay.

Hindi mapaghiwalay ang dalawang iyon lalo na kasi at magkasing edaran sila. Mas matanda lang ng ilang buwan si mama kay ate Cenna.

Ate Cenna ang tawag ko sa kaniya dahil ayaw niyang tawagin ko siyang manang. Pang matanda na raw iyon. At hindi raw babagay sa beauty niya na pang bata ang awrahan.

I wear the apron then prepare all the things that I'll be needing for my baking.

Hindi naman ako mahilig sa baking pero dahil tinuruan ako ni mama noong 8 years old ako ay natuto akong mag bake. Sabi pa niya na kung gusto ko raw kumain ng cookies ay dapat alam ko rin kung paano ang proseso ng paggawa nito.

Kaya simula niyon ay inaral ko ng mabuti ang pagbebake para may maibigay ako kila Rai at Lyne sa tuwing may okasyon. O kaya kapag nagtitipid ako at hindi ko gustong bumili ng pang-regalo.

Hindi naman sila naiinis sa akin dahil paborito nila ang nagagawa kong cookies. Madalas pa nga silang mag request niyon.

Abala ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang boses ni papa.

"Good morning, 'nak. Anong ginagawa mo rito sa kusina? Hindi ba dapat ay natutulog ka pa dahil anong oras pa lang ah. Sabado ngayon, 'diba?" Saad nito at tumingin sa relos nito bago muling ibinalik ang kaniyang buong atensyon sa akin.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko upang bigyan ng munting halik ang tuktok ng aking ulo.

"Hi, pa! Kakauwi mo pa lang po?" Nakasuot pa kasi ito ng polo na bukas ang dalawang butones sa taas. Nakatupi rin ang dalawang mahabang manggas nito.

He looks weary and sleepy.

"Yes, anak. Marami kasi akong inaasikaso sa trabaho," nakangiting saad nito ngunit mababatidan ito ng lungkot at pagkabahala.

"Ganun ba, papa? Matulog ka muna. Tulog pa ata si mama eh. Paniguradong ipagluluto ka niya ng masasarap na putaheng paborito mo, mamaya."

"Oh siya! Sige, 'nak. Matutulog muna ako. Pahingi rin niyang binibake mo ha." Humalik muli ito sa tuktok ng ulo ko. Itinuro rin ang aking pinagkakaabalahang gawain.

"Opo, papa. Ipagtatabi kita nito."

Umalis na si papa sa kusina. Ako naman ay nagpatuloy sa aking ginagawa. Makalipas ang dalawang oras ay tapos ko na ang ginagawa ko.

Nagliligpit na ako ng mga kalat ng marinig ko ang dalawang boses. Si mama at ate Cenna.

"Oh, Thyra! Ang aga mo naman, anak. Sabado ngayon ah. Bakit gising ka na agad? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa?" Sunod-sunod na katanungan ni mama sa akin.

Humalik muna ako sa pisngi niya bago itinuloy ang ginagawang paglilinis.

"Nag bake kasi ako, mama. Ayy, si papa pala, ma. Umuwi siya kanina. Sabi ko ay matulog muna siya."

Nakita ko ang namumuong ngiti at kasiyahan sa nanay ko. "Oo, 'nak. Naroon nga siya sa kuwarto at natutulog. Hindi naman niya ako ginising. Basta pagmulat ko ay nasa tabi ko na siya."

Sa tuwing nakikita ko ang kasiyahang nakapaskil sa mukha ng nanay ko ay nawawala ang pangamba ko. Nawawala rin ang takot na baka may iba ang tatay ko kaya lagi siyang hindi umuuwi sa amin.

"Sana'y hindi na maging busy si papa para magkaroon kayo ng oras sa isa't isa, mama. Ayy, papanhik po muna pala ako, ma. Magtutungo rin pala ako sa bookstore mamaya. May bibilhin akong libro. May ipapasabay ba kayo, ma?"

Umiling si mama. "Wala naman, anak. Kailangan mo ba ng pera?"

Umiling ako. "Hindi, ma. May pera ako sa wallet. Hindi naman ako masiyadong gumagastos kasi diba sabi mo. Kahit namumuhay tayo ng marangya ay kailangan pa rin magtipid dahil hindi natin masasabi kung hanggang kailan ang karangyaan na nakakamit natin ngayon."

"Tama ka, 'nak. Natutuwa akong malaman na isinasapuso mo ang mga habilin ko sa iyo. I'm so proud of you, my sweet angel love. You are mama's greatest blessing. You've change my life and gave me a reason to live in this lifetime."

"I love you, mama. I'm always and forever be your little girl. Your sweet angel love." I hug her. So tight.

Hindi lang sila Lyne ang matalik kong kaibigan. Pati na rin si mama. She's my always bestfriend.

Mama kissed me on my forehead. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako para pumanhik sa kuwarto ko.

Muli akong bumaba pagkaligo ko. Nakabihis na ako ngayon ng off-shoulder white dress. Naka-bun din ang hanggang bewang kong buhok. May kwintas na nakasabit sa aking leeg na regalo sa akin ni mama noong bata pa lamang ako.

Ang sabi niya na ang kwintas na iyon ay regalo pa sa kaniya ng aking lola. Kaya ibinigay niya sa akin iyon dahil isa iyon sa mga importanteng gamit na mayroon siya.

Inihabilin niya rin sa akin na alagaan ko ang kwintas na iyon. Naka-engrave roon ang mga salitang "Mama's Treasure".

Nagsuot ako ng flat shoes dahil hindi ko naman kailangan mag high heels. May nakasabit na sling bag sa aking kaliwang braso. Naroon lahat ng mga kailangan ko.

Mag-isa akong gagala ngayon sa parke dahil gusto kong sarilihin ang sarili ko. Kumbaga ay magkaroon ako ng oras upang makapag-isip. Matimbang ang sariling damdamin at upang hindi rin ako makaramdam ng isang pakiramdam na hindi makakaganda sa aking sarili.

"Hindi ka na ba kakain ng almusal, anak? Maaga pa naman. Kumain ka muna," anyaya ni mama na ngayon ay pababa rin sa hagdan.

Maybe, she went to their room to check for my father.

"Kakain, mama. Nagtitipid ako ngayon. Joke! Ano pong almusal?" pagbibiro ko pagkatapos ay nagtanong kung ano ang almusal na inihanda ni mama.

"Fried rice, anak. Tapos longganisa at ham. Hindi mo ba kasama sila Lyne? Mag-isa ka lang gagala?"

Inakbayan ako ni mama ng maabutan na niya ako. Tumigil kasi ako sa pinakadulo ng hagdan upang hintayin siya.

"Opo. Gawain ko naman ito noon pa man, mama. Hindi ba? Nakalimutan mo po agad?"

Napatawa ng bahagya si mama. "Oo nga pala. Pasensya na, anak. Ang mama mo'y masyadong paranoid. Basta, mag-iingat ka, okay?"

I made a thumbs up to assure her that I'm going to be safe.

Mama's not paranoid. I know that she's only thinking about me. Nag-iisa niya akong anak kaya naiintindihan ko na minsan ay nagiging mahigpit siya.

Naalala ko pa noon na isang linggo akong hindi pinayagan ni mama na sumama kina Lyne dahil nga masiyadong takaw gulo si Lyne.

Minsan na rin kasi kaming muntikang mapahamak dahil sa gulo ni Lyne. Kung hindi lamang dumating ang mga magulang namin ay paniguradong napukpok na kaming tatlo ng tubo na nakuha ng kaaway ni Lyne noon.

Masagana akong kumain ng almusal habang si mama at ate Cenna ay nag kuwentuhan sa may island table kung saan dalawang metro ang layo sa dining table. Tapos na akong kumain ng bumaba naman si papa.

"Good morning, papa. How's your sleep po?" I kissed his cheek. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"Okay naman, anak. Aalis ka? Do you have money?"

I shook my head. "I have money, papa. Pakilagay na lang po ang perang ibibigay niyo sa akin sa savings account ko. HAHAHA."

Napailing-iling si papa. "Ikaw talaga, anak. Pero maganda ang ideya mo. I'll just put it on your savings so if ever you want to buy something. You can buy it. Pero alam ko namang hindi ka magastos, anak. At masaya ako sa ugali mong iyon. I'm so proud of you, anak!" Papa hugs me. I hug him back.

"Thanks, papa! Oh, I need to go. Baka hindi na ako makagala eh. Bye, parents! Ate Cenna! Enjoy the house. Mwuah!"

I gave them a flying kiss. At tuluyan nang umalis sa kanilang harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 4.6K 39
(COMPLETED, 2022) [formerly Callous Indifference] Did you really think what you believed is the truth? Highest rank: #1 on #highschoollife Β© aDuressa...
5.6K 842 49
Ang mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. P...
1.5M 18.3K 33
(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang ap...
2M 52.2K 53
Kaya mo bang i-organize ang kasal ng ex-husband mo sa ibang babae? Hanggang saan ang kaya mong tiisin para pagbayaran ang nakaraan? "Alam kong mali...