Sand of the Past (Isla de Vis...

Od dalndan

1.8M 37K 12.4K

Isla de Vista Series #3 Amara is an innocent village teen who is an admirer of a well-known and prestigious y... Více

Sand of the Past
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 4

43.4K 1K 459
Od dalndan

Chapter 4: Okay or not


"Kaibigan mo pala ang anak ko, hijo." narinig kong sambit ni Papa mula sa sala namin.

Paalis pa lang si Papa nang dumating si Ruhan para sa lakad namin ngayon. Hindi pa nga alas nuwebe, mga quarter to nine pa lang, nandito na si Ruhan. Tapos na akong naligo at kumain ng almusal ngunit nahihirapan akong maghanap ng damit na maisuot.

Akala ko umalis na si Papa patungo sa PBMC, umalis na talaga siya pero may nakalimutan siya kaya bumalik at eksaktong paalis na muli siya nang dumating si Ruhan. Si Papa na mismo ang bumabati kay Ruhan at nagpapasok sa kanya sa bahay.

"Hija, matagal ka pa ba diyan?" si Mama sa labas ng aking kwarto.

Sinuklay ako ang aking mahabang buhok gamit ang mga daliri bago lumabas ng kwarto. Pinili ko nalang na suotin ang aking sunday dress na kulay soft peach at puting flat sandals na binili namin ni Mama sa tianggehan noong Recognition Rites ko last year.

Nginitian ako ng malapad ni Mama at sumabay sa akin pababa. Hindi naman ganoon ka haba ang hagdanan namin dito sa bahay. Gawa sa limang hakbang lang ito. Naabutan ko sa sala si Ruhan kasama si Papa, nag-uusap sila.

I smiled at Ruhan when he looked at me. Nakasuot siya ng olive green polo shirt at puting slacks at puting adidas shoes. Pinasadahan ako ng tingin ni Ruhan mula ulo hanggang paa bago bumalik sa aking mga mata at ngumiti pabalik.

"Walang maghahatid sa akin ngayon ng tanghalian," si Papa.

Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya. "Sabi ni Mama siya raw maghahatid,"

Humalakhak si Papa. "Ayos lang, anak. Mag-ingat ka, ha?"

"Kasama ko naman po si Ruhan." nakangiti kong sabi.

Hinatid kami ni Papa at Mama sa labas. Aalis din si Papa at nais ni Ruhan na sumabay sa amin para ihatid muna sa PBMC pero tumanggi si Papa.

"Sa Farm ulit tayo?" masigla kong tanong.

Tumango siya. "Yep. How about we'll go horse riding too?"

Parang kumislap ang aking mga mata sa narinig.

"Can we?"

Ruhan chuckled and nodded. "Sure,"

"Pero hindi pa gumaling si Angus, 'di ba? Anong sasakyan mo?"

"Kabayo ni Eren ang gagamitin natin. Hindi ka pwedeng ikaw lang mag-isa sa kabayo," aniya.

Tumango ako at tumingin sa daan na aming tinatahak. Ibig sabihin isang kabayo lang kami ni Ruhan? Napangiti ako. Sobrang bait ni Ruhan sa akin na parang panaginip lang ang lahat sa akin.

"Good morning, Sir!"

"Magandang umaga, Sir Ruhan."

"Magandang umaga rin sa inyo," pormal na bati ni Ruhan sa mga nagtatrabaho sa farm.

Ngumiti ako ng magalang sa kanila habang dumadaan kami. "Magandang umaga po,"

Patungo kami sa kabalyerisa at abalang abala ang lahat dahil may dinidiskarga sila mula sa mga truck. The men workers were carrying crate, box made by wood filled with goods, and some were pushing a push cart with bigger crates.

'Di agad ako nakasunod kay Ruhan dahil pinauna ko silang makadaan, mabibigat kasi ang dinadala nila. Lalo na ang mga matatanda ay nakasuot ng salakot at long sleeves na jacket panangga sa init. Ang iba pa nila ay may hibilya sa baywang na kadalasan ay manipis na lubid at doon tinatali ang kanilang bolo o karit.

"Salamat, Miss." ani ng isang matandang trabahante.

Magalang akong ngumiti sa kanila bago tumingin sa malayo. Medyo nakalayo na si Ruhan at may lumapit sa kanya na isang trabahante at kinakausap siya. Hinintay ko matapos ang huling crate na binubuhat nila.

I accidentally caught Ruhan looking around like he was looking for me. Nagtagpo ang aming mga mata kaya napangiti ako ng tipid. Iniwan niya ang kausap niya at binalikan ako. Mas lalong seryoso ang kanyang paningin. Natapos na ang huling bumubuhat ng crate kaya lumapit na ako sa kanya, sinalubong siya.

Humalakhak ako ng mahina. "Pinauna ko muna sila,"

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Ruhan ang aking palapulsuhan ng marahan at hinila patungo sa kanya. He sighed a deep sigh afterwards without looking anywhere but at me.

"I thought I lost you somewhere," bulong niya sa sarili.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. "Susunod naman talaga ako sa'yo, pinauna ko lang sila dahil mabigat ang dinadala nila."

"Stick next to me, Amara, stay close."

Tumango ako. "Okay,"

Hindi niya binitawan ang aking palapulsuhan at patuloy niya akong hinahawakan habang naglalakad kami patungo sa kabalyerisa nila. Nang nakarating kami tsaka pa lang niya ako binitawan.

"We'll ride Buck today," aniya.

Nakita ko ang tinutukoy ni Ruhan na kabayo. Kulay puti ito, sobrang puti at tanging sa may ilong pataas hanggang sa mga mata niya at ang kanyang tainga lamang ang itim ang kulay. Ruhan petted him gently before guiding him out of his stable.

Lumapit ako at hinaplos si Buck. Ito ang kabayo na pagmamay-ari ni Eren Buenavista, pinsan ni Ruhan. Naglahad ng kamay si Ruhan sa akin pagkatapos inayos ang silya ng kabayo.

"I'll put you up first," he gently said to me.

Inapakan ko ang stirrup at humawak sa saddle. Naramdaman ko ang mga kamay ni Ruhan sa aking baywang at walang kahirap hirap akong inangat paupo. Napahawak ako ng mabuti sa dulo nito tsaka siya umakyat na rin at umupo sa aking likod.

Umusog ako pero wala namang pinagbago, halos nakasandal pa rin ako sa dibdib ni Ruhan lalo na noong inabot niya ang lubid upang maigiya si Buck. Bahagyang gumalaw kami at napahawak ako sa mga braso ni Ruhan.

"Are you comfortable sitting there?" marahan niyang tanong.

"Yeah..."

Biglang naramdaman ko ang braso ni Ruhan na pumulupot sa aking katawan at pabuhat na hinila niya ako palikod. Mas lalong dumikit tuloy ako sa kanya dahil doon.

"You'll fall, I told you earlier to stick close to me." bulong niya. "I thought we agreed on it?"

Ngumuso ako. "Hindi naman ako mahuhulog dahil nasa magkabilang gilid ang kamay mo,"

Humalakhak siya ng mahina. "Yeah, can't let you fall..."

Tinatahak namin ang sementadong daan patungo sa nakahilerang pine trees. Kahit tirik ang araw, hindi ko nararamdaman na sobrang init dahil sa sariwang hangin na humahaplos sa aking balat. Hinawakan ko ang aking buhok at inilagay sa kaliwang balikat baka naging sagabal iyon kay Ruhan tuwing hinihipan ng hangin.

After the pine trees area, we reached the hills. The place where they have the sheeps freely roaming around the big fence, all healthy, fat, and white. Napatingin ako sa unahan nang nilagpasan na namin ang mga tupa at bumaba na sa bukid. Nakita ko ang taniman nila ng mga bulaklak at napasinghap.

"They are so beautiful," bulong ko sa pagkamangha.

Bumaba kami ng tuluyan sa bukid bago huminto sa isang malaking punong mangga. Unang bumaba si Ruhan at inaalalayan niya ako pababa kay Buck.

"Itatali ko muna si Buck," paalam niya bago hinila si Buck patungo sa punong mangga.

Isang malakas na ihip ng hangin ang nagsasayaw sa aking buhok habang nakatingin ako sa mga bulaklak. May kulay na pula, may dilaw, kulay rosas, lila, at may puti. Malulusog din ang kanilang tangkay at dahon kahit nasa malayo akong nakatingin.

"Let's go, Amara..." marahan na aya ni Ruhan.

Tumango ako at malapad na ngumiti. Sabay kaming naglakad patungo sa plantation ng mga bulaklak. Sobrang lawak ng lupang tinataniman ng mga bulaklak kaya pala maraming nag-pa part time job tuwing panahon ng ani ng mga Buenavista.

Mas lalong natutuwa ako nang pumasok kami sa mismong row ng plantation. Nakasunod sa akin si Ruhan habang aliw na aliw ako sa paligid. I let my hands touch the flowers softly as I walked through the aisle.

"You like flowers so much, hmm?"

Ngumuso ako at huminto sa harap ng mga peony.

"Di lang naman ang bulaklak ang gusto ko."

"Ano pa?"

Tumingin ako kay Ruhan at ngumiti. "Buong Isla de Vista. I love it here, all of it."

Medyo kumunot ang kanyang noo kaya natawa akong tumingin muli sa bulaklak, nilalaro ng aking mga daliri ang talulot. Pasimpleng napasinghap ako ng sariwang hangin bago tumingin muli kay Ruhan.

"Ito lang kasi ang lugar na alam ko, buong buhay ko nandito. Sabi ng Kuya ko maganda raw ang Maynila. Sobrang dami ng pwedeng mapapasyalan at maraming pwedeng maging kaibigan. Pero hindi ako maka-relate sa mga iyon dahil ito lang ang alam ko, ang Isla de Vista."

"Gusto mong pumunta ng Maynila?"

Umiling ako. "Kahit maraming magagandang tanawin doon, ang Isla de Vista pa rin ang pipiliin ko. Ito ang babalikan ko. Magagandang tanawin, mga bukid, sariwang hangin, at ito mga bulaklak... tsaka ang Nayon."

"Wala kang kaibigan sa paaralan, baka magkaroon ka na ng kaibigan kung nasa Maynila ka." mahinang sambit ni Ruhan.

Napailing ulit ako. "Dito lang ako sa Isla de Vista, dito kita naging kaibigan, e."

Ruhan chuckled in a low tone. "I am your first ever friend then."

"Hindi. Pangalawa ka. Si Ate Grace ang una, pamangkin nina Manong Dante at Tiya Flordeliza,"

"I'm only second?"

Tumingin ako kay Ruhan, may konti kunot ang kanyang noo.

"Pero ikaw ng unang kaibigan ko na lalaki." nakangiti kong sabi.

He smiled too, making me chuckle and look at the flowers again. Lahat ng mga bulaklak ay pinuntahan ko, naiwan ko si Ruhan sa nakahilerang mga lavender dahil may lumapit na trabahador sa kanya. Nag-uusap sila tungkol sa nalalapit na ani ng mga tubo kaya naglalakad lang ako mag-isa hanggang na nasuyod ko na ang buong plantation.

Ruhan let me get some flowers. Kaya tig-isa sa iba't ibang klase ng bulaklak ang kinuha ko. I found a thin thread-like rope so I used it to bind the flowers together, making it easier for me to hold them all.

"Amara?"

Nilingon ko si Ruhan at pinakita sa kanya ang mga bulaklak. "Aren't they pretty?"

Sandaling tumingin lamang siya sa bulaklak at binalik sa akin ang tingin. He gave a nod and a small smile. I brought the flowers to my nose to smell them. Klase klase ng bango ngunit bumuo ito ng napaka halimuyak na amoy tila perfume.

"Magpahinga muna tayo, may pinadala akong pagkain," si Ruhan.

Sumunod ako sa kanya pabalik kung saan namin iniwan si Buck. Under the shade of the mango tree, there is a white picnic blanket and a basket. Si Buck ay nakaupo na rin sa ilalim ng punong kahoy.

"Ikaw nag-utos nito?" tanong ko kay Ruhan nang nakalapit na kami.

"Oo. Galing sa Manor ito. Are you fine with pork?"

Tumango ako at umupo sa banig upang tanggalin ang strap ng sandalyas bago umupo ng maayos. Ganoon ang ang ginawa ni Ruhan. Mabilis niyang nahubad ang sapatos niya at siya na ang naglabas ng pagkain na nasa loob ng malaking basket.

May pork cutlet, pork menudo, chicken salad, pitcher ng apple juice at may kasamang dalawang baso. May burgers din tsaka sweets na nasa box, chips, at prutas. Napanguso ako sa dami ng pagkain mula roon. Hindi ko maiwasan na natatakam sa nakita. Nilapit ni Ruhan sa akin ang isang puting plato na may gold na kulay sa bawat gilid at kutsara't tinidor.

"Let's eat, Amara. You say the prayers," aniya.

I crossed my legs, same as Ruhan, then closed my eyes, saying my silent prayers. Nahihiya akong marinig niya ang dalangin ko na mabilis lang.

"Amen," I whispered.

Ruhan smiled and placed the big pork cutlet on my plate tapos kanin. He even put all the dishes on the big plate and I pouted.

"Baka hindi ko ito maubos,"

"Ayos lang, kumain ka ng marami." halakhak niya. "Can you tell me your favorite dish?"

Tinusok ko ang maliit na piraso mula sa pork cutlet habang napaisip kung ano nga ba ang paborito kong pagkain.

"Hmm, marami? Ang iba hindi ko pa natikman, e." nahihiya kong banggit.

"Really? Ano ang mga iyon?"

Kumakain na rin si Ruhan tinapos ko ang pagnguya sa pagkain bago sumagot sa tanong niya.

"Yung beef steak with mushrooms and white onions, sushi, at... uh, bulalo. Natikman ko na ang bulalo. 'Yung iba nabasa ko lang at masarap daw kaya gusto ko iyon."

Tumango si Ruhan. "I'll cook us beef steak tonight for dinner."

Umawang ang aking labi at naudlot ang pag nguya ng menudo. "Marunong ka mag luto?"

"Tinuturuan naman kaming magluto kahit may mga kasambahay, Amara." natatawa niyang pahayag. "Plus I told you that I live alone in my condo so all chores are mine,"

"Wala kang girlfriend na kasama?" kuryoso kong tanong.

Umiling siya. "Wala akong girlfriend, Amara."

Ngumuso ako. "Ikaw lang ang nagluluto palagi kapag nasa Maynila ka?"

"Oo, wala akong kasama sa condo. May sariling condo rin sila Kuya Dox at Zeke,"

"Ipagluluto mo ako mamaya kung ganoon?" natutuwa kong tanong.

Tumango siya. "Yes. Dadalhin kita sa mansyon pagkatapos natin sa ibang plantation. Doon naman tayo,"

Ngumiti ako ng malapad. Vista Manor. Pupunta kami roon mamaya at magluluto si Ruhan. Napukaw ang aking atensyon nang dinagdagan ni Ruhan ng ulam ang aking pinggan. Patuloy akong kumain at kumuha ako paminsan ng chicken salad at sumisimsim sa juice.

"How about your favorite desserts and drinks?" tanong niya.

"Kahit ano lang, masarap naman lahat, e. Lalo na 'yung parang cake na dinala mo tsaka iyan," turo ko sa nasa loob ng box.

"Vanilla-chocolate pudding and sweet macaroons,"

"Ganoong pala ang tawag nila?" mangha kong tanong.

He nods. "Si Mama ang gumawa ng pudding na iyon at dinala ni Rocco ang macaroons mula sa Maynila."

"Ikaw, anong paborito mong pagkain?"

"Hmm," nag-iisip siya. "Nothing in particular really. But, uhm, I like bulalo and steak too."

"Pareho tayo!" halakhak ko.

Humalakhak din siya. "Yeah, we have the same taste. Pero hindi ako mahilig sa sweets."

Napatango ako. Halata naman dahil kaonti lang ang kinakain niyang cookies o ano pa 'yung naroon na matamis na pagkain.

"Pero mahilig ka sa kape, 'di ba?"

"Oo,"

Suminghap ako ng nakitang walang laman ang aking plato. Dahil naaliw ako sa pag-uusap namin, naubos ko iyon.

"Naubos ko," natatawa kong sambit.

"Very good. You still have burgers, fruits, and chips to enjoy though,"

Ngumuso ako. "Pwede sa lakad ko lang iyan kakainin?"

"Of course," tawa niya. "Can't let your tummy burst open,"

"Yeah, that's not good."

Ngumisi ako at sumisimsim sa apple juice. Nagliligpit kami ng pinagkainan pagkatapos ni Ruhan. Binalik ang lahat ng iyon sa basket, si Ruhan na ang nag-arrange noon. Nasa ilalim ang ginagamit na pinggan at walang laman na tupperware tsaka nasa ibabaw ang may natira pa. Hindi niya nilagay sa loob ang burgers at chips, hinawakan ko lang iyon dahil kakainin naman mamaya pag-alis namin. He transferred all the remaining apple juice into a stainless bottle and gave it to me.

"Para mamaya kapag kinakain mo na ang merienda mo," aniya.

"E, paano ka kung nauuhaw ka rin?"

He caresses my hair gently. "I'm good, Amara. Don't worry about me,"

Dumating ang isang trabahador nila at may dalang paper bag kaya nilagay ko roon ang chips at tatlong burger. Ang juice ay nasa tumbler naman kaya hinahawakan ko nalang. Kinuha muli ng taong iyon ang basket pati na rin ang nakatupi na picnic blanket at nagpaalam na upang umalis.

Sunod naming pinuntahan ni Ruhan ay ang plantation prutas at gulay. Unang pinuntahan namin ang plantation ng mga strawberry, tapos ang mangosteen, dragonfruit, lanzones, saging, kalabasa, ampalaya, cabbage, kamote, tamatis, at talong. Some may think this is just normal but for me to see these plantations is a wonder. Na-aamaze talaga ako ng sobra lalo na sa isang araw lang, lahat nakita ko at nalapitan ko talaga. Nadaan namin ang corn plantation at basakan. Huling tinatahak namin ang daan kung saan naroroon ang plantation ng mga niyog at mangga.

After roaming around in the very big land of the Buenavistas, I realized that they have a lot of workers. Hindi lang pala maraming nagtatrabaho sa kanila roon sa PBMC kundi mas marami ang nagtatrabaho rito sa farm at rancho nila.

Sa Isla de Vista ang buhay ko ngunit hindi lahat ng sulok nito ay napuntahan ko o alam ko. Ang iba ay naririnig ko lang at sa utak ko lang na-i-i-imagine kung gaano ito kaganda. To be around the Buenavista lands whole day is like finally achieving my long lost dream of travel.

"Ayos lang ba talaga kung papasok ako sa inyo, Ruhan?"

He squeezed my hands and chuckled a bit. "You asked me that for the fourth time now,"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Hinila niya ako papasok sa Vista Manor. Kanina pa ako kinakabahan habang papunta pa kami rito. Pagkatapos namin sa plantation ng mga bulaklak, bumalik muna kami sa kabalyerisa upang maiuwi si Buck at ang kotse na ni Eren ang dinadala namin sa iba pang pinuntahan hanggang dito na mismo sa pamamahay nila.

Kahit ilang beses ko mang makita ang kaloob-looban ng Vista Manor, parang hindi nagbabago kung gaano ako ka excited. Ngayon naibsan ng konti dahil kabado ako, baka kasi mapapagalitan ako nila, natatakot ako na makita ang iba pang Buenavista dahil nahihiya ako. Narinig ko kanina sa isa nilang drayber na nakauwi na ang mga magulang ni Ruhan.

"Sa taas muna tayo," hinila niya ako patungo sa malaki nilang hagdanan.

Namilog ang aking mga mata nang nakasalubong namin ang pinsan niya. Nagtago agad ako sa likod ni Ruhan.

"Oh, who's she?"

Kumapit ako ng mahigpit sa damit ni Ruhan. Nasa likod niya ako at nasa hagdanan pa rin kami, naudlot dahil nagtatanong ang pinsan niya. Si Rocco Buenavista iyon at nahimigan ko ang panunukso sa tawa niya.

"Come here, don't hide," masuyo bulong ni Ruhan sa akin.

Nagpatianod ako sa kanyang giya hanggang magkatabi na kami ngunit nakahawak pa rin ako sa damit niya. Kumaway sa akin si Rocco Buenavista. Nahihiya akong nag-angat ng kamay at tipid na kumaway pabalik.

"Hi, I'm Amara," mahina kong banggit.

"Oh, hi, Amara. If this brute hasn't told you about me, I am Rocco," nakangiti niyang pakilala.

"Kuya Rocco,"

Lumunok ako at tumango kay Ruhan nang siningit niya iyon.

"Well, see you again later, Amara," si Kuya Rocco.

Tumango ako at magalang nga ngumiti. Bumaba na siya sa hagdanan at nagpatuloy kami ni Ruhan paakyat. Alas singko pa naman ng hapon kaya sa malaking bintana nila, nakita ko ang araw na malapit ng lulubog.

Binuksan ni Ruhan ang isang silid at pumasok kami roon. Sobrang laki ng espasyo nito at nang nakapasok na kami ng tuluyan doon ko napansin na isa itong kwarto dahil nakita ko ang malapad na higaan. Sa kaliwa nito ang mahabang kurtina sa kulay na gray. Kulay itim ang pintura ng silid at may mga kagamitan katulad ng mga kabinet, aparador, telebisyon sa harap ng higaan, at may bahagi ng kwarto na may upuan na sofa.

"Matulog ka muna dahil alam kong pagod ka sa lakad natin. Gigisingin lang kita kapag hapunan na," banayad na sambit ni Ruhan kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaninong silid ito?" tanong ko bigla.

"Akin,"

Umawang ang aking labi at muling napatingin sa paligid. Kwarto pa lang ni Ruhan buong bahay na namin. Napanguso ako nang naaalala noong araw na pumasok siya sa bahay namin, tila kay liit lang talaga nito para sa kanya.

"Dito ka sa kama, Amara."

Giniya niya ako patungo roon, hinawakan ang aking siko.

"E, ikaw? Paano ka makapagpahinga kung dito ako matutulog?"

"Pupunta muna ako saglit sa PBMC, babalik ako rito dahil ako ang magluluto ng hapunan natin,"

Mahina akong tumango. "Gisingin mo lang ako pagdating mo. Manonood ako habang nagluluto ka,"

"Okay, I will," aniya.

Umupo ako sa higaan niya. Sobrang lambot nito at bango niya ang naaamoy ko. Inabot ni Ruhan ang aking ulo at hinagod ng banayad. Napahikab ako at hindi ko mapigilan na pumikit dahil talagang napagod ako ngayon.

"Take a rest, I'll be right back,"

"Mag-ingat ka, Ruhan."

He nodded. "I will..."

Humiga ako at saka pa siya tumayo at umalis ng silid.

Iyon ang huli kong natandaan. Nagising ako at may kumot na na nakatakip sa akin. Hinila ko ito at mas lalong tinatakpan ang sarili dahil maginaw na dahil sa aircon. Napalinga ang aking tingin sa buong silid, wala akong nakita na Ruhan. Mukhang gumabi na talaga dahil dumidilim na ang silid. Ang kulay dilaw na ilaw sa maganda nitong kisame ang nagbibigay liwanag.

Tumayo na ako mula sa pagkahiga. Inayos ko ang hinigaan at kumot bago naisipan na lumabas na ng kwarto. Sobrang tahimik ng pasilyo nila tila ako lang mag-isa ang narito. Alam ko naman kung anong direksyon ng hagdanan nila kaya roon ang patutunguhan ko.

Nakita ko na madilim na talaga sa labas at nakasindi na ang mga ilaw mula pa kanina sa pasilyo hanggang sa nakababa na ako. Nakita ko ang beachfront nila, walang tao roon ngunit nakasindi rin ang mga ilaw. Nakakapagtaka kaya dumaan ako sa kuridor patungo sa labasan ng bahay, roon may narinig na akong mga boses.

Lumabas ako at nakitang may mga taong nasa labas din. Kumunot ang aking noo dahil halos lahat ng sasakyan ng mga Buenavista ay nasa labas na. Ang ibang drayber nila ay mabilis na nagpatunog ng kotse at umalis.

"Naku! Sana ayos lang sila Monsieur!"

"E, paano ba kasi ito nangyari! Malaki ba ang sunog sa bodega?"

"Pauwi na po sila, Madame!"

Kinakabahan ako sa klase klaseng naririnig. Si Ruhan...

"Amara?"

Mabilis akong lumingon ngunit dismayado ako na hindi ito si Ruhan. "R-Ryu..."

"Bakit ka nandito?" gulat niyang tanong.

"Di-Dinala ako rito. Teka, anong nangyari?"

"May sunod sa bodega ng PBMC. Mukhang hanggang ngayon hindi pa natupok ang apoy,"

Napasinghap ako sa gulat. "May nasugatan? Si Ruhan? Si Papa?"

"Malayo naman ang bodega sa opisina ng Papa mo, ayos lang siya. May mga taong nasugatan daw dahil nandoon sa mismong pangyayari ng sunog."

"May Buenavistang nasugatan?" takot kong tanong.

Nagkibit ng balikat si Ryu. "Hindi ako sigurado diyan, Amara. Nandoon sila Monsieur Caerus at Sir Ruhan, hindi pa nakalabas."

"Ryu, tara na!"

"Aalis muna ako, Amara..." aniya at tumakbo patungo sa tumatawag sa kanya.

Parang nanghihina ang aking tuhod. Pinanood ko na umaalis ang mga sasakyan. Gusto kong pumunta roon. Sa palagay ko malaki talaga ang sunog dahil hindi pa raw nakakalabas si Ruhan at ang kanyang ama.

"Hija?

Lumingon ako, doon ko nararamdaman na may luha na dumaloy sa aking mata. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay at humarap ng maayos kay Madama Kathryne. Yumuko ako at bahagyang pumagilid.

"Magandang gabi po, Madame," mahina kong bati.

"Ikaw ang kaibigan na dinala ni Ruhan ngayon, 'di ba?'

Mahina akong tumango. "Opo, Madame..."

Hinigpitan ko ang paghawak ko sa aking mga kamay. "Mawalang galang nalang po, hindi pa po ba nakalabas sila Ruhan sa bodega?"

Nakita ko na bahagyang nawalan ng sigla ang mukha ni Madame Kathryne kaya mas lalo akong kinakabahan at napahawak ako sa aking dibdib. Umiwas ako ng tingin dahil naiiyak na lang ulit ako.

"Walang mangyaring masama sa kaibigan mo, hija."

"Tita," rinig kong tawag mula sa malayo. "Oh, Amara,"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Kuya Rocco iyon. Mabilis siyang naglakad papalapit sa amin mula sa isang sasakyan. Tiningnan ko ang likod niya at ang kotse baka sakaling lalabas din mula roon si Ruhan ngunit bigo akong napayuko dahil wala.

"Rocco, kasama mo si Caerus? Anong nangyari sa bodega? Bakit may sunog?" sunod sunod na tanong ni Madame Kathryne. "Sila Caerus, nasaan na?"

"May naiwan na naka-plug sa outlet, Tita, pumutok dahil nag-overheat. Iyon ang sanhi ng sunod. May limang sugatan, may iba pang nasa loob dahil lumaki pa ang apoy. Nakalabas naman agad si Tito pero nandoon pa siya, may inaasikaso."

"Si Ru-Ruhan?" naiiyak kong tanong.

Umangat ang aking tingin nang hindi agad sumagot si Kuya Rocco. He sighed heavily and shook his head.

"Kawawa si Ruhan, Amara, napuruhan siya. Hinahanap pa ngayon ng mga bombero."

Umawang ang aking labi at kusang dumaloy ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kamay at balikat.

"Rocco! Now she's crying!" pagalit na singhal ni Madame Kathryne.

"D-Dahil ba sa akin kaya nangyari ito kay Ruhan? Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin alam na malas talaga ang darating kung kinakaibigan ako." nangingiyak kong sinabi.

"Oh, I'm dead if he hears this."

"Hija, Ruhan's fine. Rocco is just joking,"

"Why is she crying?"

Umangat ang aking tingin sa pamilyar na boses na iyon. Umawang ang aking labi at mas lalong dumaloy ang luha sa aking mata nang nakita ko si Ruhan, walang galos at nakakunot ang noo habang lumapit sa amin.

"Hijo, I'm so glad you're okay." si Madame Kathryne at niyakap ang anak. "Where's your father?"

"Can someone tell me why she cried so much?" malamig na tanong ni Ruhan.

Umalis si Madame Kathryne dahil dumating din si Monsieur Caerus. Lumunok ako at pinunasan ang luha. Sinubukan kong ngumiti kay Ruhan dahil masaya ako na hindi siya napaano ngunit naging hikbi iyon kahit pinipigilan ko.

"Binibiro ko lang na napuruhan ka at pinaghahanap pa," si Kuya Rocco.

"You son of a--"

"She's listening," natatawang putol ni Kuya Rocco kay Ruhan.

"Ruhan, are you okay?" nag-aalala kong tanong. "Kaya pala hindi mo ako ginising dahil may nangyaring masama sa'yo."

"What the fuck? You are older than me, Ruhan, pero bakit pina-Kuya mo siya sa akin?"

Hindi siya pinansin ni Ruhan at lumapit sa akin. Niyakap ko siya, mahigpit. Kusang gumalaw lang ang aking katawan at niyakap ko siya. Ruhan hugged me back, tightly.

"I'm sorry I made you worried. I'm okay, Amara..." he softly whispered.

Marahan akong tumango. Ayos na ang lahat sa akin basta okay lang siya. Kumalas kami sa yakap at napatingin ako kay Kuya Rocco na ngumiti sa tabi.

"Sorry, Amara. It was just a joke,"

Ruhan growled. "Scare her again and I'll scare you for life."

Tumawa si Kuya Rocco sa banta na iyon at tinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. Pinasadahan ko uli ng tingin si Ruhan. May dumi ang kanyang damit at pantalon ngunit wala naman siyang sugat kahit sa kamay.

Ruhan sighed as he looked at me. Hinaplos niya ang aking ulo bago pinunasan ang aking namamasang pisngi.

"Your eyes are puffy. You've cried a lot," bulong niya.

"Sabi kasi nila hindi ka pa nakalabas sa bodega kaya natakot ako."

Kinuha niya ang aking kamay habang tumango.

"You're cold too. Come on, let's go back inside."

Nagpatianod ako sa hila niya papasok sa mansyon nila.

"Anak, ipapaakyat ko ba ang hapunan ninyo?" si Madame Kathryne.

"Wag na, Mama. I'll cook dinner for me and Amara. Just eat without us,"

"Oh, okay." si Madame Kathryne bago tumingin sa akin at ngumiti.

Ngumiti rin ako pabalik. Nilagpasan namin ang Mama niya at umakyat ng hagdanan.

"Magbibihis muna ako," aniya.

Nang nakarating na kami sa kanyang kwarto, doon niya lang binitawan ang aking kamay. Umupo ako sa kama niya habang nagpunta siya sa kanyang banyo. Lumabas siya ng naka tuwalya lang kaya agad akong umiwas. Hindi ako nakatingin ng maayos dahil agad akong tumingin sa ibang direksyon bago niya pa ako mahuli.

Ilang minuto ang nakalipas, nararamdaman ko ang paglapit niya. Pabango pa lang, alam ko na malapit lang si Ruhan sa akin kaya tumingin na ako sa kanya. He wore a fresh white tight shirt and black cotton pants.

"Tara na, magluluto ako ng hapunan natin,"

Dumiretso kami sa kusina nila. Malaki iyon, ma-espasyo at mag counter sila na may mataas na upuan. Pinaupo ako ni Ruhan doon bago siya nagsuot ng apron. Kumuha siya ng mga sangkap para sa lulutuin mula sa kanilang pantry at fridge na parang kabinet, pumasok siya roon.

Ibang iba talaga ang buhay nila kumpara sa mga taong ordinaryo katulad namin. Sa aking harapan siya naghihiwa ng mga rekados. Hindi ko mapigilan na maaliw sa sobrang husay ni Ruhan gumamit ng kutsilyo sa paghihiwa ng bawang, sibuyas, at iba pang sangkap.

Nang sinindihan na niya ang apoy sa kalan, umigtad ako bigla. Nakita iyon ni Ruhan kaya pinatay niya agad bago lumapit sa akin.

"Hey, what's wrong?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Naalala ko lang ang nangyari kanina. Nandoon ka sa sunog,"

"Amara, I'm okay. Nothing bad happened."

Napalunok ako at tumango. "Yeah, I know..."

Binuksan niya ang kanyang bisig at napakunot ng konti ang aking noo.

"Hug me and see if I am okay or not,"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Yumuko siya kaya nasa kanyang dibdib ang aking mukha. Niyakap niya rin ako pabalik at hinagod ang aking likod.

"Am I okay or not?" masuyo niyang tanong.

"You are okay..." bulong ko.

"Ayos ka na? Hindi ka na takot?"

Kumalas ako sa yakap. "I'm okay too..."

"Good. Magluluto muna ako ng hapunan natin bago pa ako mapapagalitan ng magulang mo dahil gabing gabi na kita inuwi,"

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

59.1K 1.1K 52
A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university...
198K 5.4K 43
Status: Completed Step, a stone-cold playgirl, had finally met her match when she intended to stomp her feet on the notorious playboy of St. Joseph...
1.1M 21.1K 43
A Series #3 She is the walking heart, beloved by everyone. A highest paid supermodel who got everything she wanted. Her parents supports her in ever...
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...