LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Thirty One

139 22 0
By Thaeryzxia


Tatlong araw na hindi kami nakapag usap nina Ashna at Veyra. Kainis! Ako ba yung magso-sorry? Bahala na, bahala sila. Inabala ko na lang ang sarili ko sa likod ng bahay at tinulungan ang mga katulong sa pagkuha ng mga sirang dahon sa bulaklak.

"Mam nadito po sina Mam Ashna, papasukin ko po ba." Gulat na nabitawan ko yung gunting. Really?

"Papasukin mo." Inalis ko yung gloves ko at agad na naghugas ng kamay. Pumasok ako sa bahay at naghintay sa sala.

"Bakit ngayon lang kayo!?" Tanong ko agad. Napasimangot si Ashna at sinabunotan ako ng mahina.

"Gaga ka! Syempre binigyan ka namin ng space at baka galit ka pa! Sorry na sis kasi naman hindi naman kasi halatang edited pinatingnan ko sa isang agents namin at sinabing hindi rin edit, siguro grabeng skills nung nagedit ng picture na yun. Sorry na please bati na tayo." Sabi ni Ashna at napanguso na parang nakakaawa.

"Basta ako wala akong kasalanan huh, nadamay lang ako." Napanguso ako at tumango na lang.

"Kung makapagtanong ka naman kung bakit ngayon lang kami. Akala mo ba hindi namin alam na naka-ban kami sa bahay na to! Demonyita ka ang dami mong arte."

"Kasi ayaw ko rin muna kayong makausap at baka ano pa ang masabi ko." Parang mga tanga kami doon na nagso-sorry sa isa't isa at sa huli na nagtawanan na lang.

"Okay na kayo ni Dyson?" Tanong ko. Napatigil ito sa pagsubo ng ice cream at pabebeng ngumiti. Gaga sarap sabunotan.

"Nga pala nasaan si maldita miss ko na yun eh." Sabi ni Ashna habang nililibot ang paningin sa bahay. Sabado ngayon kaya walang klase si Aera.

"Alam nyu naman kapag walang klase si Aera palaging sinasama iyon ni Karic sa kompanya o kung saan man sya pumunta."

"Really? Tapos palagi kang naiiwan dito hahaha kawawa ka naman inabandona ka ng mag ama mo." Sus.... mamaya andyan na rin naman sila kasi hapon na rin naman.

"Anong gusto mong gawin ko sasama rin doon? Hindi ko alam at bakit hindi maipaghiwalay ang dalawang yun." Nagkatingin silang dalawa na ikinataas ng kilay ko.

"What? Ano na naman!?" Masungit kong tanong.

"Wala kaming sinabi pero kasi 5 years- hindi na nga!" Malakas na sabi ni Ashna ng akmang babatuhin ko ito ng unan.

"Ano na wala pa bang nabubuntis sa inyo? Lagpas 1 week na february na tayo ngayon. Ginawa nyu ba talaga yung parusa nyu?"

"Parusa talaga? Well hindi ko naman kailangan magpills kasi wala akong sex, 2 weeks na." Sabi nito

"Ako rin." Sabi ko. Tumawa ako ng pinagtaasan nila ako ng kilay.

"Bigyan mokong isang milyon maniniwala ako." Sabi ni Veyra.

"Ako kahit bigyan mo pa ako ng house and lot hindi ako maniniwala. Bakit di tayo magpacheck up ngayon para malaman natin. Minsan kasi may mga buntis na hindi nakakaexperience ng morning sickness o paglilihi."

"Wow ang daming alam. Nagresearch ka? So nag eexpect ka rin?"

"No, I told you ayoko talagang magkaanak." Seryosong sabi nito.

"What if mabuntis ka?" Tanong ko.

"I wont. Nag iingat ako Zertyl at alam ko-"

"What if nga eh." Sabat ko. Hindi ito nagsalita at parang nag iisip.

"I don't know. I really don't want to be a mother or maybe hindi pa ako handa. I can't see myself having a baby right now." Umiling ito at simpleng ngumiti.

"Pero gusto mo naman sigurong magkapamilya diba?" Tanong ko.

"I don't know masaya naman ako na mag isa lang. I can do whatever i want walang bawal at walang sakit sa ulo. I want to be free." Sabi nito pero may bahid ng lungkot ang boses.

"Tama na nga yan masyado ng seryoso iniiba mo lang yung usapan Zertyl eh." Napatingin ako kay Veyra at napakunot noo. Anong iniiba? Connect pa rin naman yun tungkol sa pagbubutis.

"So shall we go?" Tanong ni Ashna at biglang sumigla ang mukha. Ang galing talaga nila magbago ng emosyon.

"Saan?" Nagtatakang tanong ko.
"Of course sa doctor! Let's see kung buntis kana or hindi pa." Agad na umiling ako.

"No need. May anak na ako at karanasan so malalaman ko kung buntis ako o hindi. Kapag nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko tatawagan ko kaagad kayo para samahan ako magpacheck up."

"Really? Baka mamaya gusto mo na namang itago tapos mabibigla na lang kami na umalis ka na naman."

Napabuntong hininga ako dahil pinaalala na naman nila ang ginawa kong katangahan noon. "Pwede bang kalimutan na lang natin iyon kasi iba naman noon sa ngayon. Mahirap ng umalis nang basta basta— teka ayokong isipin ang bagay na yun." Sabi ko. Napakagat ako ng labi dahil nakaramdam ako ng kaba kapag naiisip kong maghihiwalay kami ni Karic.

Ngumiti si Veyra at hinawakan ako sa kamay. Nagtatakang tinignan ko ito. "You know na gustong gusto ko ang mga mata ng mga tao." Napakunot ako at hinintay ang sasabihin nito.

"Kahit bulag?" Nawala ang ngiti sa labi ni Veyra at sinamaan ng tingin ang kapatid.

"Why?" Mahinang tanong ko.

"Dahil parang salamin iyon sa emosyon na nararamdaman ng puso natin. Kung ano yung nasa puso natin makikita iyon sa mga mata natin."

"Binaliktad mo lang." Singit ni Ashna. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Napahinga ng malalim si Veyra at kinakalma ang sarili na wag kalmutin ang kapatid.

"Ang seryoso naman kasi lahat naman alam na yun." Hindi na ata napigilan ni Veyra ang inis at hinampas nya ng unan si Ashna.

"I just explain lang naman kung bakit favorite part ko yung eyes! What the hell is wrong with you ikaw ata yung buntis." Inis na sabi ni Veyra.

"Asa! Kasi naman bigla ka na lang nagsabi ng favorite part part na yan. Wala namang q and a na nagaganap." Marahas na napabuntong hininga si Veyra at humingi ng malamig na juice sa kasambahay.

"Lagyan nyu po ng maraming ice at umiinit ang ulo ko sa babaeng kaharap ko ngayon." Sabi ni Veyra. Nakita kong lihim na napangisi si Ashna na parang may na-achieve sya sa buhay nya.

"Ang daling mapikon." Bulong ni Ashna. Naningkit ang mata ni Veyra ng makitang bumulong si Ashna sa akin.

"What-"

"Kaya ito ako ngayon maya't mayang naluha🎶"

"What the hell si maldita ba yun?" Tanong ni Ashna na magkasalubong ang kilay.

"Naluha pa nga." Sambit ni Veyra na natatawa.

"At ang tanging kayakap ko ay ang payat kong pusa."

"WHAT!?" Natawa ako sa reaction nilang dalawa.

"Is that a song?" Tanong ni Veyra. Nagkibit balikat ako dahil minsan naririnig ko iyon sa phone ni Karic kapag hinihiram ni Aera.

"Maldita!" Sigaw ni Ashna. Agad na nakita kong tumatakbo papasok si Aera. Malapad na ngumiti ito ng makita sina Ashna at Veyra.

"Tita!" Tumakbo ito palapit sa amin at umupo sa kandungan ko at saka ako hinalikan sa pisngi.

"Tita yung sinigaw pero sa Mommy lumapit." Ngumiti lang si Aera at ininom ang juice ni Veyra.

"Wag mong ubusin." Banta ni Veyra at pinandilat si Aera. Napanguso ito at binalik ang juice.

"Ano yung kinakanta mo bakit may mga pusa kang payat?" Napahagilgik si Aera at ilang beses na umiling.

"I just saw it on tiktok tita." Napakunot noo si Ashna at tumingin kay Veyra.

"What's tiktok." Nagkibit balikat si Veyra na di rin alam ang apps na yun.

"Where's your dad?" Tanong ko. Napatingin ito sa labas at tinuro iyon.

"Nasa labas po kinakausap si tito Vinzo." Sagot nito.

"Really bakit sa labas pa sila nag uusap?" Napatingin ako kay Veyra ng mabilaunan ito ng juice na iniinom nya.

"Ayaw na ni kuya pumasok sa bahay nyu." Sagot ni Veyra.

"What!?" Inis kong sabi dahil sa kakaibang tingin ni Ashna.

"Nothing." Inirapan ko ito.

"Anak go change your clothes muna." Sabi ko. Tumango naman ito at umalis sa kandungan ko. Tumakbo ito paakyat sa hagdan na sinundan naman agad nin yaya Aren.

"BUTI NA LANG MERON PANG EMPILIGHT SANMIG LIGHT TSAKA MARLBORO LIGHTS..........!" Pagsisigaw ni Aera sa taas.

"Hala gago anak mo ba yun? Bakit may narinig akong empilight!?" Napatingin kaming tatlo sa pumasok sa sala.

"What the hell are you doing here?" Masungit na tanong ni Ashna kay Alius.

"Luh bahay mo Miss?" Natawa ako sa sagot ni Alius.

"Gago talaga." Bulong ni Ashna.

"Nag iinom na ba si Baby girl naks! may lasinggera ka palang anak bro?" Natatawang sambit ni Dyson. Agad naman itong nahampas ni Veyra ng makalapit.

Hindi sila pinansin ni Karic, lumapit ito sa akin na parang bata at sinubsob ang mukha sa leeg ko habang yakap ako.

"Tired?" Malambing na bulong ko habang hinahaplos ang likod nito.

"Gago February na pala ngayon." Sambit ni Alius na nakatingin sa phone nito.

"Oh tapos? Anong meron sa February anniversary nyu ng ex mong di mo kayang kalimutan?" Tanong ni Ashna.

"Anong ex? Ngsb ako bro." Lahat kami napakunot noo sa sinabi ni Alius.

"And weird mo talaga no? Anong Ngsb sakit ba yan?" Tanong ulit ni Ashna.

"Hindi nyu alam yun? Mga bobo pala to eh-aw shit!" Reklamo nito ng hampasin sya ni Ashna sa ulo. Napakamot pa ito at napasimangot na lumayo ng konti kay Ashna.

"No girlfriend since birth kasi iyon. Simpleng words lang eh."

"Words ba yun? Gago." Hindi na sumagot si Alius pero nakita kong may binubulong bulong ito.

"What!? I heard you are mumbling something." Naningkit ang mata ni Ashna at dinuro si Alius sa noo nito.

"Where's kuya?" Tanong ni Veyra.

"Umuwi na parang magkakasakit ng inaya ko syang pumasok eh." Sagot ni Alius.

Kinabukasan inaya kong magsimba si Karic kasama namin si Aera.

"Lolo you should go with us." Napatigil ako sa paglalakad palabas dahil tumigil pa si Aera at inaya si Papa.

"Anak let's go na may trabaho si Papa kaya di sya makakasama." Sabi ko. Napasimangot ito at di gumalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang ng masama kay Papa.

"Anak ng! Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na kailangan ako doon. Bago pa lang yung business ko kailangan nandoon ako araw araw." Paliwanag ni Papa na nakatayo sa pintuan. Ilang distansya lang ang layo nya kay Aera.

"Why are you working during weekends? Si Daddy may work sa sabado but free sya ngayon. Can't you have a day off?"

"Aera male-late na tayo. Kanina pa naghihintay si Daddy sa car." Napanguso ito ng nilingon ako at nagpapadyak ng paa.

"You should go with us para mabawasan yung sins mo." Napatampal ako ng noo at nilapitan ito.

"Aba't ang batang to! Ikaw ang dapat na magsimba at ng mafilter yan ng holy water ang bibig mo napakadaldal mo. Sumama kana kay Mama mo." Sabi ni Papa. Napasimangot ito at sumama na lang sa akin hilahin ko ito.

"Miss mo lang si Papa eh." Bulong ko habang naglalakad kami palabas. Hindi ito sumagot at pinaglaruan ang maliit nitong sling bag.

"He is so busy nagkaroon nga ako ng daddy parang nawalan naman ako ng lolo." Napatigil ako ng nabasag ang tono nito.

"Aera." Sambit ko sa pangalan nito at umupo para magpantay kami.

"Kasi naman Mama eh! Noon nga palagi pa syang nakikipaglaro sa akin after ng work nya tapos ngayon gabi na sya umuuwi tapos palagi pang busy sa room nya. Hindi na nya ako pinupuntahan sa room ko kapag gabi to say goodnight." Napanguso ito at pinalobo ang pisngi para pigilang maluha.

"Kaya nga ako palagi nag aaya sayo pumunta kay lolo pero minsan ka lang pumapayag." Napakagat ako ng labi dahil kasalanan ko pa pala.

"Sorry baby. Don't worry kakausapin ko si Papa na bigyan ka ng isang araw tapos after ng class mo diretso agad tayo kay Papa okay ba yun?" Napangiti ito at agad na tumango. Tumawa ako at pinisil ang pisngi nito.

"What happened?" Tanong ni Karic ng makapasok kami sa kotse. Umiling ako at sinabing magmaneho na para makaalis na kami.

Hindi ko alam kung pagsisihan ko bang inaya ko si Karic na samahan kami dahil nasa kanya lahat ng atensyon ng mga babae.

Mga malandi, nasa simbahan tayo mga tanga!

"Are you okay?" Bulong ni Karic. Tumango lang ako at wala sa sariling hinawakan ang kamay nito. Hindi naman ito nagtaka kaya lihim na napangiti ako.

Pagkatapos naming magsimba nag ayang magmall si Aera kaya doon na kami naglunch.

"Babe marami nang damit si Aera." Bulong ko rito habang pumipili ito ng mga damit na babagay sa anak.

"It's okay she can use the other guest room to have another dressing room." Napanganga ako sa sagot nito at di nakapagsalita.

"Anong gagawin ni Aera doon? Ang dami dami na ng damit nya dahil kay Ashna. Ano kailangan ba nya magpalit ng damit sa umaga sa lunch sa hapon sa gabi at sa madaling araw para magamit nya lahat?" He chuckled and give me a soft kiss and pick a one dress.

"Princess." Tawag ni Karic sa anak na busy sa pagpo-pose sa harap ng salamin. Lumapit naman si Aera at nilagay iyon ni Karic sa harap at tinignan kong babagay ba.

"Ang ganda ho ng anak nyu sir mukhang di naman po kailangan itry kasi bagay naman po lahat sa kanya." Napairap ako ng makitang nagpapa-cute ito.

Hindi sumagot si Karic at tinalikuran yung babae. Napangiti ako at napailing. Anong iniirap mo Zertyl? Pagdating sa mga babae wala akong problema kay Karic.

"I already have a mom and she's really really gorgeous not like the others. Hmp!" Napataas ako ng kilay ng makitang nainis yung saleslady sa inasta ng anak ko.

"Ako ba yung 'not like the others'." Sabi nito at ginaya pa ang boses ni Aera. Naningkit ang mata ko at lumapit sa kanila.

"What are you doing?" Mariin kong tanong. Napatingin ito sa akin at saka umismid.

"Wala po Mam." Bastos nitong sagot at umirap ng palihim.

"She ask me Mama kung kailangan ko po ng Mommy." Sabi ni Aera. Sinamaan ko ito ng tingin pero pinagtaasan lang niya ako ng kilay.

"What? Nagtanong lang naman ako baka kasi hindi naman enough yung Mama."

"Baka kasi pwede ko namang pantayan." Nakangising sabi nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa na parang nang-iinsulto. Napakuyom ako ng kamao at hinawakan ito sa braso. Sinadya kong ibaon ang kuko ko kaya napangiwi ito.

"You know hindi ako nang-iinsulto or nangmamaliit ng tao pero tangina mo! Napakayabang mo eh saleslady ka lang naman. Napakarami ng salamin sa store na to sana naman bigyan mo ng oras tingnan ang sarili mo para malaman mo kung may maipagmamayabang ka ba. Matuto kang lumugar." Mariin kong bulong dito at marahas na binitawan ang braso nya.

"Let's go anak." Hinawakan ko sa kamay si Aera at hinila na palayo roon pero tumigil ako at binalikan yung babae.

"Alam mo bang pwede kitang tanggalan ng trabaho sa ginawa mo pero mabait naman ako kaya hindi ko gagawin iyon and please know your fucking limits kapag alam mong pamilyado na yung tao. Karma is a bitch at wala syang pinapalampas na kahit isang tao." Sabi ko

"What's that?" Nakakunot noong tanong ni Karic ng makabalik may dala na itong paper bag. Umiling ako at hinila na silang dalawa sa labas.

Napatingin ako kay Aera ng kalabitin ako nito. Nagthumbs up ito habang nakangisi. Napangiti ako at nilagay ang daliri ko sa gitna ng labi para iparating na wag sabihin kay Karic. Napahagikgik ito at lumipat sa side ni Karic habang naglalakad kami.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
237K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...