Fight to Stay

By perieaus

6.6K 361 3

Fight to Stay Genre: Young Adult Romance Status: COMPLETE Thyra Luane Beramonte Zandiave thought that her hap... More

Paalala
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas
Pasasalamat

Simula

587 15 2
By perieaus

Simula

Ang bawat maling desisyon na iyong gagawin ay makakaapekto sa iyo at maaari nitong masira ang buhay mo.

Iniunat ko ang aking kanang braso upang ang mga patak ng ulan ay dumampi sa aking palad.

Sa bawat patak, ramdam ko ang bigat na dalahin ng mga ulap sa kalangitan. Kaya sigurado akong kaniyang inilabas ang hapdi at pighati sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga ulan.

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng institusyon na ito. Hinihintay ko ang pagdating ng taong susundo sa akin.

Ngunit sa lakas ng ulan, tingin ko ay matatagalan pa ang kaniyang pagdating.

Tatlong taon ang namalagi sa institusyong ito. Ito ang nagsilbing pansamantalang tahanan ko. Dito ako nanirahan dahil sa nagdaang mga pangyayari sa buhay ko.

“Thyra?” Agad na napabaling ang mga mata ko sa taong nagsalita.

Isang tunay na ngiti ang namuo sa labi ko dahil sa taong iyon.

At ang taong iyon ay walang iba kung hindi si doktora Gretelhien, ang doktorang maganda at mabait na isa sa mga taong nakaintindi sa kalagayan ko.

“Maupo ka muna, Thyra. Tumawag ang mama mo sa akin. Baka raw matagalan sila. At baka mangawit ka rin sa pagtayo riyan.”

Ang kaniyang maamong mukha at mahinahong boses ang dahilan kung bakit ako lubos na nagtiwala sa kaniya.

“Ayos lang po ako, dok. I am too excited to see the outside world, again.” May halong bungisngis ang aking pagsasalita.

Muli kong ibinalik ang aking buong atensyon sa ulan na patuloy ang pagbuhos. Kasabay niyon ay nanumbalik sa aking alaala ang isang tagpo.

“Thyra...” pabulong na pagtawag ng aking kaharap sa aking pangalan.

“May sasabihin ka ba?” Nakangiting tanong ko. Kasabay niyon ay inilapat ko sa kaniyang mga braso ang dalawang kamay ko.

May pangambang namumuo sa aking dibdib ngunit kaagad ko rin iyong isinantabi.

Dapat akong maging masaya sa araw na ito dahil espesyal para sa amin ang araw na ito. Hindi dapat mabahiran ng kahit anong kalungkutan.

“I'm... I'm sorry...” nahihirapan niyang saad. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus ang kaniyang paningin ay nasa kalupaan. Hindi rin mapakali ang mga iyon.

Nangunot ang aking noo. Ang pangambang pinipigilan ko kani-kanina lang ay siya na ang namamayani sa akin ngayon.

“Huh? Para saan? Bakit ka humihingi ng tawad?” Nagugulumihang tanong ko.

Ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang mga braso ay humigpit. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya humihingi sa akin ng tawad.

At tila ba may pahiwatig din sa akin na sa araw ring ito ay ang huling araw na masisilayan ko siya.

“Qiev, please! Speak! Tell me, why are you saying sorry?” Frustration is all over me, now.

Niyugyog ko ang mga braso niya. “Magsalita ka, pakiusap!” Pagmamakaawa ko sa kaharap.

“Bakit? Bakit ka humihingi sa akin ng tawad?” Patuloy na pagtatanong ko habang patuloy pa rin ang ginawa kong pagyugyog sa kaniyang mga braso.

"Thyra, stop! Masakit na ang pagyugyog mo sa akin."

Marahas niyang inalis ang mga  kamay ko na nakakapit sa kaniyang braso. Dalawang hakbang ang ginawa niyang paglayo sa akin. "Listen, Thyra. You and I. We... aren't meant to be. Kaya pinapakawalan na kita. Pinapaalis na kita sa buhay ko at ayaw ko nang muling magkaroon ng kaugnayan sa isang katulad mo."

Sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila mga punyal iyon na tumatarak sa aking puso.

"Hindi kita maintindihan, Qiev. Mahal natin ang isa't isa, hindi ba? 'Diba malakas tayo? Na kahit anong mangyari tayo ang pa rin hanggang sa huli. Nasaan na ang pangako mo, Qiev? Pinanghawakan ko ang mga salita mo. Pero... Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"

Umiling siya't muling nagsalita. Dahan-dahan ang bawat pagbigkas niya sa bawat letra. "All that had happened to us isn't worth it to me, Thyra. Goodbye!"

Nagsisinungaling siya. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi totoo ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Nakikita ko ang sakit.

"Salamat sa lahat, Thyra pero hindi naging sapat sa akin ang pinagsamahan natin upang ipaglaban ka pa at ang tayo. Hiling ko ang kasiyahan mo." Tumalikod na siya sa akin.

Tatlong hakbang pa lamang ang ginagawa niya ng biglang kumulog. Nagbabadya ang kalangitan na may babagsak na kalungkutan.

Tumakbo ako at hinawakan ang kaniyang isang braso. "Huwag mo akong iwan, Qiev. Please! Sabihin mo sa akin ang dapat kong gawin para lang hindi mo ako iwan. Gagawin ko lahat, Qiev. Huwag ka lang mawala sa akin."

Ang langit ay tuluyan nang sumabay sa aking nararamdaman dahil bumagsak na ang kaniyang mga luha.

"Hindi na kita kailangan," walang emosyong saad niya't tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang mga braso. At muling humakbang. Sa paghakbang na iyon ay tuluyan na nga siyang kumawala. Walang lingon siyang patuloy na naglakad. Papalayo sa akin.

Nawalan ako ng lakas. Pasalampak akong naupo sa kalupaan at hinayaang umagos ang mga luha sa aking mga mata. Sa bawat patak ng luha sa aking mga mata ay siya ring patuloy na pag-iyak ng langit at galit na bumabagsak sa lupa.

"Ginawa... ko naman... ang lahat. Pero... bakit? Bakit lagi na lang akong naiiwan? Hindi ba ako sapat para ipaglaban? Bakit!?" humihikbi ng sambit ko sa kawalan. Kasabay nito ay ang pag sigaw ko.

"Ate Thyra!" Ang matinis na sigaw ang siyang nag balik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

Gumuhit sa aking mga labi ang isang ngiti nang masilayan ko kung sino ang tumawag sa akin. "Fioena Keyla."

Nakatayo ngayon sa aking harapan ang dalagitang nagbigay sa akin ng pag-asa at nagbukas sa aking isipan.

Nakakabighaning titigan ang nangungusap nitong mga mata. Ang kaniyang labing pulam-pula. Ilong na hindi gaanong katangusan ngunit nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya. May highlight ang kaniyang buhok na kulay pula.

Yumakap ito sa akin. Mahigpit.

"I'm going to miss seeing you here, ate. But I'm happy that you're already going back to where you really belong."

"Thank you, Fioena. You mean a lot to me."

I'm going to miss her, too. I kissed her forehead and hugged her more.

"Ate, huwag kang malungkot. Magkikita pa rin tayo. Remember, you are my ate. My forever and always ate. I love you, ate!"

"I love you too, Fioena."

"Nakakagaan talaga ng loob na makita kang nakangiting muli, Thyra. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya para sa iyo," wika ni doktora Gretelhien. Siya ang ina ni Fioena.

Silang dalawa ang dahilan kung bakit nais ko muling ituloy ang naudlot kong kasiyahan. Binigyan nila ako ng dahilan. Binigyan din nila ng kaliwanagan ang isip ko.

"I don't know how many thank you's I'll say to the both of you. I don't know how I can repay all of your kindness to me. But all I knew is that you both mean a lot to me. You're both precious to me. Thank you, really, dok. For everything. Having both of you, it becomes easy for me to cope up."

"You don't have to say many thank you's to me, Thyra. Seeing your smile. Means I did a great job. All I want for you, Thyra is to become happy. Truly happy."

"Group hug?" Fioena asked. I nod and her mom chuckled. We hug each other. Ilang minuto ang tinagal niyon.

Nang kumalas kaming tatlo sa yakap ay siya rin namang pagdating ng taong hinihintay ko.

"Thyra, anak!" Ang malambing na boses ni mama ang nagpalingon sa akin sa kinaroroonan niya.

I miss her voice. Simula kasi ng dumating ako rito ay nawalan ako ng komunikasyon sa kaniya dahil iyon din ang hiniling ko.

Ngayon ko lamang siyang muling nakita. Pati ang kaniyang napakagandang mukha.

"Mama." Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Nang maramdaman ko ang yakap niya ay hindi ko na napigilan ang aking damdamin.

Just like the falls that flow freely, the tears in my eyes flow freely too.

Her hug makes me feel like home. She's home. And I'm finally home. Again.

"I love you, mama. I'm sorry, too." I whisper those words while I'm still hugging her.

Masuyo niyang hinaplos ang aking likod. "Shh! Hindi mo kailangan humingi sa akin ng tawad, anak. Mahal na mahal kita. Higit pa sa pagmamahal na ibibigay sa iyo ng ibang tao. Sana'y maging sapat na ako para sa iyo, anak ko." Dinampian niya ng masuyong halik ang aking noo.

Sa sinabing iyon ni mama ay bumigat ang aking pakiramdam. I just realized just now that I forgot about her. I forgot about my mother.

Now that I'm with her, again. Babawi ako sa kaniya. Babawiin ko ang mga oras na wala ako sa kaniyang tabi.

From this day forward, I'll be a new version of my old self. I'll be better than her. No, I'll be the best version.

Because I know now that I have people around me who love me with my flaws and all.

Babawi ako…

Babawiin ko ang mga oras na nawala.

Continue Reading

You'll Also Like

341K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
5.7K 842 49
Ang mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. P...
38.4K 1.1K 44
Scars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything t...