I CLAIM MY DESTINY

By altheaflorence

1.7K 131 10

Do you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maga... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18.SPG
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28.SPG
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32.SPG
Chapter 33
Chapter 34.SPG
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 20

29 2 0
By altheaflorence

Mabilis tumakbo si Alondra paakyat sa hagdanan para makapunta sa second floor ng bahay at makapasok sa kanyang kwarto. Agad itong nagtalukbong ng kumot sabay lagay ng unan sa mukha nito at sigaw.

"Ano ba Alondra ang rupok mo talaga. Nagpatalo  ka sa tukso ni Zandro. Ano na ngayon ang mukha na ihaharap mo sa iyong boss at saka kay Don Manuel? Bakit kasi ang bilis mo bumigay sa mga halik ni Zandro. Ang tanga tanga mo talaga pa yakap yakap ka pa kanina sa binata. Hindi mo nga napansin na nakaboxer lang ang boss mo at ikaw naman naka t-shirt at short lang at wala ka pang bra. Umiyak ka pa at ikaw pa talaga ang unang nag initiate ng halik sa mga labi niya. Ikaw yata ang umakit sa binata at hindi siya. Ahh kainis talaga,"tili ni Alondra habang pinapagalitan ang sarili.

"Relax lang Alondra breath in,breath out,breath in, breath out, breath in breath out. Ganyan nga pamper yourself. Relax para makapag isip ka ng maayos. Kailangan gumawa ako ng list on how to avoid Zandro. Tama iyan nga una kong gawin," anang isip ni Alondra.

Dahil sa nangyari hindi na nakapag almusal si Alondra nagbihis nalang ito at naghanda na para pumasok sa opisina. Hindi na rin siya nag paalam sa mag ama  kasi nasa loob ito ng home office ng kanyang boss na si Zandro at mukhang seryoso ang pinag uusapan nilang mag ama. Kaya umalis na ito at hindi na inabala ang dalawang lalaki  nag uusap sa loob ng opisina na sina Zandro at Don Manuel.

Nagpahatid si Alondra kay Manong Bitoy sa opisina at tanging kay Manang Berley nalang siya nagpaalam. Pinipigilan pa nga siya kanina para makisabay sa almusal ng mag ama. Ngunit hindi siya nagpapigil gumawa nalang siya ng rason na baka malate siya sa kompanya kung maghintay pa siya. Saka first in the list niya ang iwasan si Zandro. Kapag may kinalaman lang sa opisina o sa trabaho niya kakausapin ang binata.

Nagpasalamat  si Alondra kay Manong Bitoy ng makarating na sila sa kompanya.

"Salamat po ng marami Mang Bitoy sa paghatid. Ingat po kayo sa biyahe pabalik.  Pakisabi na rin po kay Don Manuel na pasensiya kung hindi na ako nakapag paalam sa kanya," habilin nito kay Manong Bitoy.

Nang makababa na si Alondra binati siya ni Mang Dany.

"Good morning po Miss Alondra," masiglang bati nito sa kanya.

"Magandang umaga din Mang Dany. Kumusta po ang araw natin?"nakangiti nitong bati.

"Ayos na ayos po Miss Alondra."

"Mukhang masaya ka yata ngayon Mang Dany ah,"nangingiti nitong sabi. Mukhang maging good vibes yata siya ngayon dahil masisigla ang mga tao na kasama  niya.

Ngumiti lang si Mang Dany sa kanya.

Habang papasok si Alondra sa loob ng building ng mga Del Mundo nakasabay nito si Sasha kaya mas lalong sumaya ang araw niya at nakalimutan na niya ang nangyari kanina sa bahay ni Zandro.

"Good morning my Kayah. How's my bestie?"bati ni Alondra.

"Not so good Alon,"nakasimangot nitong sabi.

"Bakit ang aga aga Nakabusangot ka diyan,"pansin nito sa kaibigan.

"Meron lang masamang bisita na maaga nambwibwisit ng araw ko,"naka ngiwi nitong sabi.

"Mukha ngang masama ang umaga mo nakikita sa mukha mo. Saka parang hindi ka nakatulog. Pagod kaba Kayah mukhang haggard ka ah at saka madami ba lamok sa inyo meron ka kasing pantal sa leeg?"pansin nito sa kaibigan .

"Super pagod, super puyat, at super sakit ng katawan ko,"reklamo  nito sabay hawak sa baywang ni Alondra at sandig ng ulo nito sa balikat ng dalaga habang naglalakad.

Kaya ang pwesto nilang dalawa eh mukhang  inalalayan ni Alondra si Sasha.  Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan.

"Eh bakit ka pa pumasok kung pagod ka pala. Nagpahinga ka nalang sana  kesa magkasakit ka tutal may sick leave naman na pwedi gamitin incase sa mga ganitong sitwasyon  hindi ba?"

"Mas gugustuhin ko na lang pumasok kahit mabigat katawan ko kesa naman manatili sa condo at makasama ang Alex na iyon,"sabi nito at biglang napatakip ng kanyang  bunganga. Mukhang nadulas yata siya at nasabi ang hindi dapat.

"Ohh..kaya pala pagod.  Sabi ko na ba eh may something talaga sa inyong dalawa ni Sir Alex eh. Kwento ka naman diyan habang nag aalmusal tayo. Pero syempre libre mo  muna. Tara gutom na ako eh,"aya nito kay Sasha.

"Wow ha,kapalan lang ng mukha ang labanan dito. Ako na  nga ang magkwekwento tapos ako pa ang manglilibre. Inaabuso mo ata kabaitan ko eh,"kunyari nagtatampo na sabi nito ngunit nakangiti naman.

"Kayah naman remember wala pa akong sahod at saka alanganin pa ang pera ko na baon. Kaya ikaw muna sa ngayon manglibre next time ako naman promise," sabi ni Alondra with peace sign pa.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Sasha sabay iling iling ng ulo. Si Alondra naman nakangiti lang sa kanya at nagpapacute. Kung tingnan mo akala mo matagal na talaga silang magkaibigan samantala kahapon lang sila nagkakilala. May mga ganyan talagang nangyayari minsan sa buhay natin na merong mga taong darating na kahit ilang minuto mo palang nakasama nakapalagayan mo na agad ng loob. Pareho kay Sasha at Alondra na kung makalambitin sa isa't isa at makapagchikahan akala mo taon na nagsama.
Nagpatuloy lang sa paglakad Ang dalawang magkakaibigan hanggang sa dumating na sila sa canteen.

Buti at hindi masyadong madami ang tao sa canteen kaya agad sila nakahanap ng pwesto. Pagkaupo palang nagtanong na agad si Alondra.

"Hoy! Kayah maki marites lang ng kunti ha. Anong meron sa inyo ni Sir Alex? Alam mo bang kinikilig kilig Ako kahapon ng binuhat ka niya. Para akong nanuod ng isang pelikula na romance napapasanaol nga ako eh," tanong nito kay Sasha.

"Grabeh ka naman Alon kakaupo palang tanong agad hindi ba pwedi mag order muna. Kalahating oras nalang natira at time in na natin ohh," sabi ni Sasha habang nakatingin sa relo nito sa bisig.

"Hehehe huo nga pala. Anong masarap na almusal ang tinitinda dito Kayah?"tanong ni Alondra.

"Magcombo breakfast nalang tayo para tipid din,"sagot ni Sasha.

Binuklat na nila ang menu na nakapatong sa taas ng table nila. Biglang naalala ni Alondra ang nangyari sa kitchen counter ni Zandro ng mapunta siya sa combo section ng alalaall menu. Paano lahat ng pagkain doon ay sinangag at pinares lang sa iba't ibang klase ng ulam. Katulad ng Tapsilog (tapa,sinangag at itlog), hotsilog (hotdog,sinangag at itlog) Tosilog (tocino,sinangag at itlog),Bangsilog(bangus, sinangag at itlog) Longsilog(longganisa, sinangag at itlog). Nakita din ni Alondra na merong mga silog na nakacombo sa mga iba't ibang ulam ng mayayaman tulad ng Chosilog ( chorizo sausage, sinangag at itlog) Daing Silog (Daing na bangus, sinangag at itlog) Chicksilog (Fried chicken, sinangag at itlog) Spamsilog(spam, sinangag at itlog) Cornsilog(corned beef, sinangag at itlog). Halos naglalaway na si Alondra sa mga nababasa niya sa menu saka hindi pa natatapos doon dahil sa kabilang pahina meron pang ibang menu tulad ng Bagnet Silog (crispy Bagnet, sunny side up egg and garlic fried rice) Breaded pork Silog(breaded pork,egg, and garlic fried rice) Marinated pork Silog(marinated pork chops and garlic fried rice with egg) Sisig Silog(Sisig,egg and garlic fried rice) Fish Silog(Fried fish fillet,eggs and garlic fried rice).

"Ang daming Silog naman nito Kayah. Tingnan mo meron pang dumplings Silog,Shanghai Silog,Siomai Silog at chicken inasal silog. Tapos meron pang Ham and vegetables omelette. May fish fillet ala king and chicken ala king at saka Saucy chicken with rice. Isa din sa mga paborito ko kapag napunta ako sa Chowking ay ang Chao pan nila meron din dito. May pork Chao pan, dumplings Chao pan,Shoimai Chao pan at saka Shanghai Chao pan. Sigurado ka bang pang breakfast lang talaga ito Kayah? Grabe naman super social naman ng canteen na ito," sabi nito na hindi makapaniwala sa mga pagkain na nababasa niya.

"Hahaha sabi ko sa'yo di ba ibang klase ang canteen ng kompanya natin,"natatawa sabi ni Sasha.
"Ohh..ano na order mo?"

"Sa dami ng binasa ko parang wala na akong naisip tuloy lalo akong nagutom at sumakit pa ulo ko ngayon dahil sa kakaisip ng kakainin. Halos lahat ay paborito ko kasi eh. Pero sige stick muna ako sa isa lang. Ehem,Longsilog nalang sa akin at saka coffee cappuccino," sabi ni Alondra.

"Okey,copy sa akin cornsilog nalang with coffee machiatto. Ang weird ng mga combination ng pagkain natin ano?" sabi ni Sasha na natatawa.

Nagtawanan lang sila dalawa. Mabilis naman dumating Ang order nila kaya habang kumakain sinasabay din nila Ang chikahan.

"So ano kwento na Kayah ano nangyari sa iyo kahapon ng  pinasan ka ni Sir Alex paalis dito?"

"Naku girl Alon kung alam mo lang ang walanghiyang Alex na sinungaling na iyon. Ikinulong ako sa sariling condo ko ang lakas ng loob akala mo siya may ari,"umpisang kwento nito na akala mo nagsusumbong.

"Ha! Bakit daw ano kasalanan mo at saka paano niya nalaman ang condo mo?"takang tanong nito.

"Ahh..ahh..iwan ko doon pinapasundan ata Ako kasi kung saan ako pumupunta alam niya lagi. Saka nagselos ang luko dahil kay Knight Velasquez. Kaya kapag nakita mo si Alex huwag mong mabanggit ang pangalan ni Knight Velasquez our love dahil siguradong kulong na naman ako at baka hindi na ako makakalakad kinabukasan dahil sa parusa niya.  Parang hindi pa naman napapagod Ang lukong iyon. Buti nga nakatulog ng umaga kaya natakasan ko,"walang prenong kuwento nito.
Napataas ang sulok ng labi ni Alondra dahil sa kwento ni Kayah Hindi naman siya pinanganak kahapon para hindi magets kung ano Ang ibig sabihin ng kaibigan niya na parusa. Saka wattpader siya kaya malawak Ang pananaw niya sa ganyang mga bagay saka lagi sila advance mag isip  sa dami ba namang nababasa nilang libro.

"Saka ginawa niya akong katatawanan at umpulan ng usapan dito sa kompanya dahil sa ginawa niya kahapon. Mas lalo tuloy Ako nainis sa kanya," tila inis pa nitong sabi.

" Huwag kang mag alala Kayah hindi lang Ikaw Ang pinag uusapan Dito kahapon. Pakiramdam ko pati din ako dahil sa boss natin. Iwan ko kung ano meron kahapon at nauso Ang hilaan ng kamay," sabi ni Alondra.

"Napapansin ko nga iba Ang tingin ng boss natin sa iyo nakita ko kahapon na parang naiinis ito. May something din ba sa inyo?"tanong ni Sasha dito.

"Wala ah,iwan ko kung ano pumasok sa utak ng tupakin na iyon bigla nalang nanghila at pinaaamin Ako kung sino daw si Knight Velasquez. Tapos ng Hindi ko siya sinagot sabi Hindi balai daw at pinahanap daw ni Sir Alex kay Jack daw isa sa mga agent niya. Tinawanan ko nga eh kaya mas lalong nainis naparusahan tuloy ako."

"Naparusahan ka din? Hahaha pareho din ba sa parusang nangyari sa akin?"panunukso nitong sabi.

"Umayos ka hindi kami aabot diyan sa kulungan ng kwarto. Muntik lang ngayong umaga sana,"dagdag pa nitong sabi.

"Anong kaninang umaga. Don't tell me natutulog kayo sa isang bahay? Omg talaga ba.."

Biglang tinakpan ni Alondra ang bunganga ni Sasha.
"Kayah naman eh ang ingay mo. Baka pagpiyestahan ako dito ngayon ng mga katrabaho natin. Maging big issues pa,"pabulong nitong sabi.

"Sorry pero totoo nga?"pangngulit nito.

"Huo nga! Kaya nga ako hindi naka almusal kasi muntik na may nangyari. Buti at dumating si Don Manuel. Pero Kayah Ang problema ko ngayon paano ako haharap kay sir Zandro at Don Manuel na hindi nahihiya. "

"Saan ba kayo naabutan ha!"tanong ni Kayah.

"Sa kusina sa counter habang ginagamot ni Sir Zandro ang kamay ko na kasalanan din niya kung bakit napaso."

"Omg hindi na ako mag dududa na talagang totoo silang magkaibigan ni Alex mga walang pinipili na lugar. Kung saan lang sila gumagawa ng milagro kapag inaatake ng kamanyakan," pailing iling nitong sabi.

"Oyy.. Kayah Ang bunganga mo grabe wala talagang preno,"saway ni Alondra.
Baka mamaya may nakarinig kung ano pa ang iisipin ng mga ito.

"Totoo naman kasi subok ko na yan. Kaya ikaw humanda ka na lalo na kapag sinabi na paparusahan ka niya. Expect mo na Alon kinabukasan hindi kana makakalakad,"tila pananakot nitong sabi.

"Heh..hindi ako aabot sa mga ganyang bagay Kayah kaya huwag kang manakot diyan."

"Totoo nga hindi kita tinatakot kilala ko Ang ugali ng magkakaibigan na iyan eh. Kaya Alon huwag  magpasaway kung ayaw mo maparusahan lalo na ang pangalan ni Knight Velasquez. Sabi ni Alex malaki daw binayad nila kay Jack half million ata para lang maibigay ang information sa kanila kahapon agad agad,"dagdag nitong sabi na nagpamulagat sa mata ni Alondra.

"Half million,"napalakas na sabi nito.

Continue Reading

You'll Also Like

876K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 47.7K 77
Galit at puno ng hinanakit si Joy nang malaman niyang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang estrangherong lalaki. Hindi niya maunawaan ang dahilan...
60.1K 2.4K 46
There has a lot of secrets that need to hide, but what if you knew everything by yourself? can you accept the truth behind everything? can you stay b...
8.2K 402 34
Rich, tall and handsome, iyan si Cyrus, perpekto sa paningin ng mga tao, habulin ng mga babae, dating casanova na ngayon ay nagbago na dahil sa babae...