Chapter 10

36 3 0
                                    

Natikom ni Alondra ang kanyang mga labi ng marinig ang tanong ni Sasha. Talagang pinapahamak siya ni Zandro. Nakakahiya talaga kung malaman ni Sasha na ang boss nila ang nagpadala ng mga gamit plus pa na pati panty ay inorder ng binata sa kanya.

"May nagpadala dito sa opisina para daw sa akin. Hindi ko nga alam kung sino eh,"pagsisinungaling ni Alondra sa kausap. Kahit meron na siyang idea kung sino ang nagpadala.

"Baka merong card na nakatago hanapin mo para alam natin kung sino nagpadala,"makulit nitong sabi.

"Wala ngang nakalagay  eh. Hayaan mo na mamaya ko nalang alamin kung sino nagpadala,"tanging nasabi ni Alondra.

"Ano ba kasi laman niyan?Pasensiya na feeling close ako sa iyo,"nakatingin sa supot na sabi ni Sasha.

"Uniform ata dito sa kompanya eh. Naiisip ko nga  kanina na baka galing kay Don Manuel at pinadala dito,"nakakunot noo na sabi ni Alondra.  Totoo naman kasi akala niya talaga kanina galing kay Don Manuel ang package. Kung hindi niya lang nakita ang card at nabasa ang mensahe dito wala siyang ibang naisip na magpadala sa kanya kundi ang Don.

"Eh 'di sana all nalang ako para sa iyo. Halika ka na at baka maubusan tayo ng pagkain sa canteen,"sabi ni Sasha dito.

"Ahh..ah..Miss Sasha may tanong sana ako sa iyo kung okey lang. Huwag kang magsinungaling ha I need an honest answer,"sabi nito habang nilalapirot ang mga daliri sa kamay nito dahil nahihiya talaga siya.

"Okey,ano ba iyon?Huwag kang mahiya sa akin. Ako lang ito ohh..si Sasha ang maging kaibigan mo mula sa araw na ito at kasama mo sa trabaho dito sa kompanya. Kaya speak huwag kang mahiya magtanong. Libre kung sasagutin lahat ng mga tanong mo basta ba alam ko ang sagot eh,"mahaba nitong nasabi.

Nangingiti na tumingin si Alondra kay Sasha. Ngayong araw nga lang sila nagkakilala pero panatag na ang loob niya duti. Pakiramdam niya tama ang babae mukhang maging magkaibigan nga sila. Sobrang kwela ito at madaldal. Saka mukhang mabait din ito mabilis mapalagayan ng loob.

Naalala niya kasi ang sabi sa sulat na sobrang revealing daw ng suot niya kaya gusto niya kunin ang opinyon ni Sasha.

"Hindi ba angkop ang suot ko na damit para dito sa kompanya. So revealing ba?"sabi nito habang nakatayo at paikot ikot para makita nito ang suot niyang damit.

Napahawak ito ng kamay sa ilalim ng kanyang baba na kunyari nag iisip talaga. "Hindi naman siya revealing napakaformal nga eh. Plus pa na maganda ang kulay nito at bagay talaga sa iyo,"nakatingin sa kay Alondra na sabi nito.

"Hay salamat kung ganun Miss Sasha ,"nakangiti nitong sabi. Kita mo na tama talaga ako eh hindi naman revealing ang suot ko sadyang wala lang taste sa fashion ang Zandro na iyon.

"Maganda at bagay sa iyo kung interview ang pupuntahan mo kasi napakapresentable nito. Pero kung pangtrabaho mo dito sa opisina maiilang ako na kasama ka kasi nagmukha kang social sa suot mo,"dagdag pa nitong sabi na nagpalaki sa mata ni Alondra.

"So hindi siya revealing pero hindi lang angkop dito sa opisina? Thanks Miss Sasha ha sa honest na sagot mo,"sabi ni Alondra.

"Your welcome  I just give my honest opinion. I just hope that I don't offend you okey,"sabi pa nito.

Napatanga si Alondra sa kausap ito nga ba ang kinakatakutan niya eh. Ang pag ienglish na fluent ng mga katrabaho niya.Kasi siya marunong din mag English pero hindi nga lang tuloy tuloy kung magsalita.

"Ohh bakit nakatanga ka na naman diyan,"untag ni Sasha kay Alondra kaya napabalik ito sa sarili.

"Ang galing niyo kasi mag English na nosebleed yata ako,"pagbibiro sabi ni Alondra dito.

I CLAIM MY DESTINY Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin