Akala

By szanlu

383 139 1

Miguel Aiman Kye Sarmiento o mas kilala bilang Mak ay isang binata na ang hangad lamang niya ay mapansin siya... More

AKALA
Ikalawang Banat
Ikatlong Banat
Ika-apat na Banat
Ika-limang Banat
Ika-anim na Banat
Ika-pitong Banat
Ika-walong Banat
Ika-siyam na Banat
Ika-sampung Banat
Ika-labing isang Banat
Ika-labindalawang Banat
Ika-labintatlong Banat
Ika-labing apat na Banat
Huling Banat

Unang Banat

61 11 0
By szanlu

Agosto 10, 2000

Miguel Aiman Kye Sarmiento (Mak)

"SAMPONG dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo," basa ni Ryan sa isang libro na kaniyang hawak.

Umikot ang mata ni Mak nang marinig ito at nagkunwaring hindi siya interesado sa sinabing 'yon ng kaibigan.

Kahit anong gawin ko, hindi niya pa rin ako pinapansin. Ang nasabi ni Mak sa isip. Walang araw nyang hindi binasa ang mga 'yan kaya siya ngayong nagrereklamo.

"Una, ang baho mo." Nang mabasa 'yon ni Ryan, natawa nang malakas si Gino kasabay ng pag-apir nilang dalawa.

Palagi naman akong naliligo. Dalawang beses pa nga, eh. Umaga at saka gabi. Nagiging tatlong beses lang kapag naliligo kami ng dagat. Reklamo pa niya sa sarili.

"Anong pangalawa?" Natatawang sabi ni Gino kay Ryan na tila sabik na sabik itong marinig. Mabilis na nangunot ang noo ni Ryan habang binuklat-buklat niya ang bawat pahina ng libro.

"Puro "ang baho mo" ang nakalagay dito," saad niya 'tsaka nito nagtatakang lumingon sa dalawa. Tumayo si Gino upang punatahan ito at tignan ang libro.

"Wala nga," aniya nang mabasa ang nakasulat sa libro sabay tingin kay Mak. "Hindi ka kasi naliligo kaya hindi ka gusto ng crush mo." Pang-aasar pa niya at sabay pa nga silang tumawa ni Ryan.

Bumaling si Mak sa dalawa at saka nito sinamaan ng tingin at inikot muli ang mata. Masama ang loob niya dahil sa kanyang narinig mula librong binasa ng dalawang kaibigan. Hindi niya maitago ang lungkot kaya sa huli nakanguso lamang ito.

Hanggang sa natigilan ang tatlo dahil sa sigaw ng matanda na galing mula sa kusina. "Oy! Wala kayong balak pumasok?! bakit narito pa rin kayo?"

Sigaw 'yon ni Mang Kanor. Si Mang Kanor ang may ari ng karinderya kung saan ang tatlong magkakaibigan tumatambay palagi.

"Alas-siete na! Wala ba kayong balak magsi-pasok?" Sigaw niya muli.

Agad na napatayo ang tatlo nang makitang kinuha niya ang kanyang baston. Agarang tumayo ang tatlo at dali-daling kinuha ang mga bag nila at lumabas ng karinderya.

"Mang Kolas! Ang gwapo mo!" Pahabol pa ni Gino sa kanya.

Agad na tumakbo si Mak patungo sa kanyang bisikleta nang habulin siya ni Mang Kolas. Isa pa namang runner itong si Mang Kanor.

"Mang Kolas, ay-ayaten ka!" pahabol din ni Gino dahilan upang matawa si Ryan at Mak.

"Mang Kolas! Meryenda mamaya!" Pahabol din ni Mak at saka mabilis na pinedal ang bisikleta. "Hoy! Paunahan!" sigaw pa nito sa dalawang kaibigan.

"Ang matalo siyang manlilibre mamaya!" sigaw ni Gino at mabilis siyang nag-pedal.

Si Ginoelle Lariosa, isa siya sa matalik na kaibigan ni Mak Sarmiento. Silang tatlo ni Ryan, siya lamang ang magaling sa Science. Masasabi rin ng lahat na siya ang pinaka-makulit, siya rin ang pinaka matakaw, siya rin ang pasaway sa kanilang tatlo.

"Ang bagal mo, Ry!" sigaw ni Mak dahil siya ang nahuhuli.

Siya si Ryan Jasper Garcia. Alam ng lahat na siya ang mas matino sa kanilang tatlo. Kung si Gino ay magaling sa Science, siya naman ay sa English. Magaling si Gino sa pagbuo o pag-eksperimento ng kung ano-ano, at si Ryan ay magaling sa pagsulat ng tula o kwento. Samantala, si Mak ay magaling sa pag-solve ng Math problem. Kaya kung may assignment ang bawat paksa, palagi silang nagtutulungan.

"Mukha mo!" sigaw nito noong nakapantayan niya si Mak. Nanatiling nangunguna pa rin si Gino.

Ang tatlong magkakaibigan na 'to ay may iba't-ibang talento sa lahat ng bagay-bagay. Si Mak din ay marunong
gumamit ng gitara. Marami ring nagsasabing maganda ang boses nito, totoo naman dahil isang singer ang kanyang magulang sa Amerika.

Halos sabay na lumaki ang tatlo, kaya't marami ang nag-aakala na magkakapatid sila.

"Gwapo!" sigaw pabalik ni Mak sa kaibigan 'tsaka ito mabilis na pinaharurot ang bisikleta niya.

Hanggang sa makarating sila ng eskwelahan na si Gino ang nanalo, pumapangalawa si Mak at nahuli si Ryan.

"Ang kukupad niyo naman," may pahid na pag-mamayabang sa boses at itsura ni Gino nang makita niyang siya ang nanalo sa pustahan ng magkakaibigan.

Natawa si Mak at isinandal niya ang kanyang bisikleta sa pader kung saan doon ang paradahan ng mga sasakyan 'tsaka nito tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Si Ry ang nahuli, ikaw ang manlilibre mamaya," komento niya.

"Ano pa ba?" Walang magawang wika ni Ryan sa dalawang kaibigan.

Natawa nang malakas si Mak dahil sa tagumpay, dahil na rin sa makaka-libre na siya at makakaipon na naman. Ang halakhak niyang 'yon ay napatigil nang tumunog ang kampana, hudyat na flag ceremony na. Dali-dali tumakbo ang tatlo sa field ng eskwelahan.

Maraming estudyanteng kasabay nila sa pagtakbo dahil sa ayaw din nilang ma-late tuwing Lunes.

Nagpalinga-linga sa paligid paligid si Mak, baka sakaling makita niya ang matagal niyang napupusuan, ngunit napapa-buntong-hininga na lang siya dahil kahit anino ay hindi niya mahagilap.

"Mak! Dito!" sigaw ni Gino sa kanya dahil hindi niya namalayan na nakapila na pala siya sa ibang section. Nakanguso siyang sumunod sa kanyang kaibigan.

"Kaklase naman natin siya, kaya kumalma ka riyan at magsisimula na ang lupang hinirang," ani Ryan sa kanya.

Wala siyang magawa kundi ang tumango dahil nagsimula nang kumanta ang isang estudyante sa entablado. Pasimple pa siyang tumingin sa pila ng kababaihan sa harap nila. Ngunit dismayado lang siyang tumungo.

Nang matapos ang seremonyas, agarang lumingon si Mak sa likod. At gano'n na lang ang pag-ngiti niya nang makita ang kanyang hinahanap, kausap niya ang kaibigan na si Gab.

Hindi man ikaw ang unang nakita ko sa umaga, ikaw naman ang nagpapaganda ng aking umaga.

Agad siyang inakbayan ni Ry. "Tara," anyaya nito.

Inakbayan din ni Mak si Gino na nasa katabi niya at sabay na naglakad ang tatlong magkakaibigan. Habang si Mak ay nakangiti pinagmasdan ang crush niya mula sa likod, na nangungunang naglalakad. Kasabay niya ang mga kaibigan niya na nagtatawanan.

"Mga klasmeyt! Nakaka-umay na talaga ang mga pag-mumukha ninyo! Kaklase ko kayo noon, hanggang ngayon ba naman?!" sigaw ni Gino, mismo sa harap ng klase nang nakapasok sila.

"Umalis ka, kung gano'n!" pilosopo ring sigaw nang isa nilang kaklase.

Ang tawa ni Mak ay mabilis na naudlot dahil nakita niyang pumasok na ang kanilang guro. Kaya naman pasimple niyang hinila si Ryan at naupo sa dulo kung saan ang kanilang pwesto, hindi nila pinansin si Gino. Nanatiling nasa harapan siya na nagsisigaw-sigaw. Habang ang mga kaklase nila ay natahimik dahil sa biglaang pagpasok ng guro nila.

"Anong umalis?! Ako ang presidente n'yo!" Sigaw nito.

"Mukha mo presidente! Ikaw nga ang una sa listahan ng mga maiingay," ungot na bulonh ni Mak kay Ryan.

"Ano? Hindi kayo sasagot—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Gino ang dahil sa biglaang pagsabat ang guro nila sa Ingles na si ma'am Jennifer.

"Ikaw, hindi ka uupo?" Nag-angat ng isang kilay si ma'am Jen na gaya ng dati niyang ginagawa sa mga estudyanteng pasaway.

Kitang-kita ang pag-estatwa ni Gino. Ang mga kaklase niya ay hindi maitago ang tawa dahil sa nakikita. Lalong-lalo na ang dalawa niyang kaibigan. Tila nakakita kasi ng multo si Gino. Dahan-dahan pa niyang nilingon si Ma'am Jen.

"G-good m-morning, Ma'am." uutal-utal niyang saad.

"Presidente? O baka naman presidente sa kalokohan?" Mataray na sabi ni Ma'am Jen sa kaniya. Hindi sumagot si Gino at nanatiling nagbaba ng tingin. "Sit down," utos niya kaya dali-dali siyang naupo sa katabing upuan ni Ryan, sa kanan.

"Baliw ka," natatawang bulong ni Ryan sa kanya.

Napailing-iling na natatawa si Mak sa kaibigan na noo'y nakanguso itong napahiya at saka tumingin sa kanyang crush na ngayo'y nakikinig kay Ma'am Jen.

Keilly Aila Flores, 16 years old. Magaling siya sa English. Isang taon na siyang may gusto sa kanya, ngunit iniisip ni Mak na bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapansin.

Maganda si Keilly, pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya nito nagustuhan. Kundi dahil sa mahinhin at simple niyang tao, simple lang kung manamit, maalaga, lalong-lalo na sa mga hayop.

Sa loob ng isang taon, hindi mawari ni Mak kung bakit hindi pa napapansin ni Keilly ang nararamdaman niya, kahit na lagi niya naman itong pinaparamdam. Magaling naman ako sa Matematika, masunurin din akong bata, na sa akin na ang lahat, maganda ang boses, maganda ang katawan at higit sa lahat, gwapo. Ngunit isa lang pala ang wala sa akin. Hindi ako mayaman.

'Yong gwapo ka nga, hindi ka naman mayaman. 'Yong magaling ka kumanta pero hindi ka mayaman. 'Yong Makisig ka, pero kung wala kang pera, wala talaga. Taob tayong mga gwapo at utak lang ang mayroon. Iyan ang mga salitang palagi niyang sinasabi.

Nang makalabas ang kanilang guro ay agad na nagtungo sa harap ni Keilly, nakangiti itong lumapit sa kanila.

"Ano na naman iyan?" iritang tanong ni Michelle sa kanya, isa sa kaibigan ni Keilly.

"Alam kong mahilig ka sa pag-add ng numbers..." nakangiting usal ni Mak kay Keilly, hindi pinansin si Michelle. "kung gano'n, pwede ko bang i-add sa contact ko ang number mo?"

"Baliw ka!" Si Gab, isang lalaki na may pusong babae na matalik na kaibigan din ni Keilly. "Wala kang cellphone!"

"Gab, palagi ka na lang panira," komento ni Gino.

"Alam niyo bang may kasabihan na, kung hindi ka crush ng crush mo, aba'y tumigil ka na at huwag ng maghangad pa!" singhal ni Gab kay Mak na tila pinagmumukha talaga sa kanya.

Napanguso lang ulit si Mak dahil sa sinabi. Kahit palagi siyang inaasar ng mga kaibigan ni Keilly, alam niyang biro lamang ito at nakasanayan niya na.

"Crush," muling tawag ni Mak kay Keilly na noo'y nakatungo lang ito at nagsimulang namula ang kanyang tenga. "Alam mo bang ikaw ang solution sa mga equations ko."

"Oohh!" umugong ang kantyaw ng lahat na dahilan kung bakit mas lalong namula si Keilly dahil sa hiya.

"Dilim ka ba?" ngiting tanong niya ulit sa kanya, tila nabuhayan sa mga kantyaw ng mga kaklase niya.

"B-bakit?" nauutal-utal na sabi ni Keilly dahil sa nararamdamang hiya.

"Kasi nang dumating ka, wala na akong makitang iba." Bakas sa mukha at tono ni Make ang pag-mamayabang.

Dahil sa sinabing 'yon ni Mak ay umungol ng husto ang buong silid nila. Lalo na ang dalawa niyang kaibigan na grabe ang suporta sa kanya. Habang ang dalawang kaibigan ni Keilly ay nagbibirong tila nasusuka.

"Oohh! Si Mak lang naman 'yan!" hiyaw ni Gino kaya nakipag-apir ito sa kanya, nagkibit-balikat dahil nag-mamayabang.

"Ang korni mo!" asik ni Michelle sa kanya. "Ang tagal na 'yang banat na 'yan!"

"Hindi naman kasi para sa'yo 'yan!" Giit din ni Ry dahilan para maghiyawan sila ni Gino, kasama si Gab.

"Wala ka pala, eh!" ani Mak. Umirap si Michelle sa kanila. Palibhasa'y, palagi silang nagaaway ni Ryan. Na akala mo'y mga aso't pusa.

Tumawa lamang si Mak at tumingin kay Keilly. "Ayos ba?" Ngiting tanong nito sa kanya.

Hindi siya umimik ngunit bakas sa kanyang ekspresyon na naiilang ito. Kahit gano'n ang pinapakita ni Keilly sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti.

"Alam kong kinikilig ka. Ayos lang naman sa akin." Pag-mamayabang pa ni Mak.

"Ayos lang sa'yo kasi ikaw 'tong bumanat." Basag muli ni Gab sa kanyang banat kaya napangiwi ito.

"Alam niyo! Kayo!" turo niya kina Gab at Michelle. "Lagi na lang kayo basag trip sa akin!" asik niya na ikina-halakhak lang ng dalawa.

Alam ni Mak na kahit hindi sabihin ni Keilly ang nararamdaman niya sa kanya, kahit kaunti, may nararamdaman siyang kinikilig siya. Sa gano'ng paraan ay kinikilig din si Mak.

Continue Reading

You'll Also Like

711 100 18
[ONGOING] TAMING THE AÑONUEVO SERIES #2 Disobedience is the most common trait of one of the Añonuevo heiress, Alissa Añonuevo. From taking Nursing wh...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
82.1K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
2.7K 263 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...