The Mafia Boss' Only Princess

By Kuya_Soju

12K 500 62

[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when... More

Introduction
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Published Book
PUBLISHED BOOK

CHAPTER 05

515 34 4
By Kuya_Soju




PUNUNG-PUNO ng galit at poot ang dibdib ni Grizelda nang malaman niya ang katotohanan sa pagkamatay ng kaniyang mama at papa. Galit na galit siya sa mga taong responsable sa pagkawala ng mga ito dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit naging ulilang lubos siya. Marami pa sana silang oras na magkakasama pero ninakaw ng mga ito sa kaniya. Walang ibang nasa utak niya kundi paghihiganti. Gusto niyang pagsisihan ng mga taong iyon ang pagpatay nito sa mga magulang niya!

Agad siyang nagsimula sa training sa private gym ni Ninong August. Meron siyang iba't ibang trainor sa iba't ibang martial arts. Pati street fighting at hand-to-hand combat ay pinag-aralan niya rin.

One week siya na papalit-palit ng pinag-aaralan hanggang sa sinabihan siya ni Ninong August na kailangan nang masubukan kung gaano na ang natutunan niya sa pakikipaglaban nang walang ginagamit na armas. Anito, magkakaroon ng isang underground cage fighting at naipalista na nito ang pangalan niya.

"Lalaban ka na bukas ng gabi kaya may kaunting oras ka pa para magsanay. Walang rules ang match na iyon. Ang kailangan mong gawin ay mapatulog o mapasuko ang iyong kalaban," turan ni Ninong August.

"P-pero, ninong, one week pa lang akong nagte-training. Is that enough para sumabak agad ako sa isang match?" Medyo kinakabahan niyang tanong.

"Ready or not, kailangan mong lumaban. Kaya sanayin mo na ang sarili mong maging handa sa lahat ng bagay at laban. Ganiyan ang mundong ginagalawan ng papa mo noong siya ay nabubuhay pa. Hindi ka na pwedeng magback out para bukas, ha. Magsanay ka pa kung kinakailangan. Isipin mo na palaging nasa likuran mo ang papa at mama mo sa lahat ng iyong ginagawa, Grizelda."

Tumango siya nang makuha ang ibig nitong sabihin. "Okay, ninong. Lalaban ako bukas."

"Very good, Grizelda. By the way, inutusan din ako ng papa mo na ibigay sa iyo ang bracelet na ito. Sinabi niya sa akin ilang linggo bago siya pinatay ng mga Falco Mafia."

Isang gold bracelet na katawan ng dragon ang design ang ibinigay ni Ninong August sa kaniya. Isinuot niya iyon at talagang sakto sa kaniyang braso. Mahigpit niya iyong hinawakan at naramdaman niya ang presensiya ng kaniyang namayapang ama.

"Good luck bukas, Grizelda!" Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.


-----ooo-----


SA totoo lang, kinakabahan si Grizelda. Isang linggo pa lang siyang nagsasanay sa pakikipaglaban at alam niya sa sarili na hindi pa siya ganoon kalakas at kagaling para humarap sa isang totoong laban o away. Hindi niya alam kung kaya niyang ipanalo iyon pero dahil sa kailangang humarap siya sa ganoong sitwasyon upang masanay siya ay gagawin na lang niya.

Magdamag siyang nagsanay. Nakipag-sparring pa siya sa tatlo niyang trainor para meron na siyang idea kung paano ba kapag meron talagang kalaban. Kahit ang mga trainor niya ay sinabing hindi pa siya handa pero wala na siyang magagawa. Hindi na siya pwedeng umatras kagaya ng sinabi ni Ninong August.

Sobrang sakit ng buong katawan ni Grizelda nang umuwi siya sa bahay kung saan siya pansamantalang tumutuloy. Hindi na kasi siya pwedeng umuwi sa bahay kung saan siya lumaki dahil alam na ng mga kalaban ng papa niya kung saan siya nakatira. Kahit ang mga kasambahay nila ay inalis na roon. Abandoned house na tuloy ang kanilang bahay. Ayaw niya sanang umalis doon kasi lahat ng memories niya simula pagkabata ay nandoon. Pero kailangan niyang umalis kundi mapapahamak siya. Paano pa siya makakapaghiganti kung pati siya mawawala, 'di ba?

Sinabi sa kaniya ni Ninong August na matagal nang nakatayo ang bahay na iyon dahil alam ng papa niya na mangyayari na malalaman ng mga kalaban kung sino ang mga taong pinoprotektahan nito.

Nang sumunod na araw ay hapon na siya nagising. Pagod na pagod siya sa mga ginawa niya no'ng isang gabi kaya sobrang late na siyang nagising. Nang kunin niya ang kaniyang phone ay may miscalls siya mula kay Franz. May chat din ito at ang sabi nito ay magparamdam naman siya.

Ngayon niya lang narealize na simula nang mag-training siya ay hindi na siya nakipag-communicate sa kahit na sino kahit pa sa nag-iisa niyang bestfriend. Masyado kasi siyang nag-focus sa mga bagay na dapat niyang gawin para sa kaniyang paghihiganti. For sure, sobra nang nagtatampo at nag-aalala si Franz sa kaniya. OA pa naman ang baklang 'yon. Baka nga inakala nitong patay na siya, e. Ngayon lang kasi talaga siya nakapag-check ng phone.

Kahit magulo pa ang buhok ay nakipag-video call na agad si Grizelda kay Franz.

"My God! Grizelda! What happened to you?! After a week, nagparamdam ka rin sa akin! Para kang 'yong crush ko after kong umamin na crush ko siya—hindi na rin nagparamdam! Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa iyo! I went to your house pero wala nang nakatira roon! Where are you?! Pupuntahan kita—"

"Franz, I am okay. You have nothing to worry."

Pinutol niya ang pagsasalita nito dahil talagang parang manghihimatay na ito kasi ang bilis nitong magsalita. Malapit na itong magkulay violet dahil halos hindi na humihinga. Kagaya ng sinabi niya, OA talaga si Franz pagdating sa maraming bagay.

"Okay. I thought... you we're dead!"

"I am not. At hindi pa ako mamamatay. By the way, I am sorry kung hindi ko nasabi sa iyo na lumipat na kami ng bahay. Biglaan ang lahat. Everything happened so fast. Kahit ako, sobrang shocked sa mga nangyayari."

"Ha? Hindi kita maintindihan."

"Choppy ba ang line?"

"No. What I mean, hindi ko ma-gets mga sinasabi mo. Ano bang nangyayari?"

"How I wish I can tell you, Franz. But, I can't. Sorry."

Franz' eyes widened. "Hoy, Grizelda Russo! May I remind you lang na nag-promise tayo dati na wala tayong secrets sa isa't isa. Kaya ano 'yang drama mo na how I wish I can tell you. Sabihin mo sa akin. Bilis na!"

"This is different. I am sorry."

"Ay, grabe na iyan, ha. Tampo na ako!" Umarte siya na parang nalulungkot at umirap pa. Pero maya maya ay sumeryoso na. "Teka nga. Saan ka na nga pala nakatira? New house?"

"Yes."

"Wow! Nakapag-house warming na ba kayo? Baka pwedeng pumunta?"

Umiling siya. "Sorry again pero hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan ako, Franz. Hindi na rin pala ako papasok sa school dahil may mga bagay akong dapat na gawin for my papa." Malungkot niyang wika.

Napasabunot na si Franz sariling buhok. "Wait, wait, wait! Nakakaloka na! Para naman akong nanonood ng mystery movie at hindi ko talaga ma-gets mga sinasabi mong babae ka. Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira at pupunta ako. We need to talk nang harapan!"

"Sorry, Franz... Basta, I'm okay. Don't worry about me. Kapag may time ay ako na lang ang pupunta sa house ninyo. Bye, friend!" Nag-flying kiss siya sa kaibigan at in-end na niya ang video call.

In-off muna niya ang phone niya kasi sigurado siya na kukulitin siya ni Franz hanggang sa sabihin niya rito ang lahat. Natatakot siya na baka mapilit siya nito. Mas okay na wala munang alam si Franz sa totoong nangyayari sa kaniyang buhay. Baka kasi kapag nalaman nito ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay niya ay pati buhay ni Franz ay manganib na rin. Kailangan niyang ilayo ang sarili sa mga taong importante sa kaniya para protektahan ang mga ito. Nakakalungkot at masakit pero kailangan.


-----ooo-----


HELL FIGHTING MATCH. Iyon ang agad na nakita ni Grizelda na nakasulat sa malaking banner sa ilalim ng malaking cage na nakapaligid sa isang boxing ring. Nasa labas na siya ng cage at anumang oras ay tatawagin na ang pangalan niya para pumasok sa cage at makipaglaban. May bondage na nakalagay sa mga kamay niya. Black shorts and black fitted shirt ang kaniyang suot. Doon na siya sa kumportable siyang makakagalaw. Naka-ponytail ang kaniyang mahabang buhok. Wala siyang suot na kahit na anong protective gear. Pero meron siyang suot na mask kung saan natatakpan ang kaniyang mga mata. Nag-iingat din sila ni Ninong August na baka may makakilala sa kaniya mula sa mga naroon.

Nasa basement ng isang kilalang 5-star hotel ang lugar na iyon kung saan halos lahat ng mga nanonood ay naka-gown, dress o kaya ay tuxedo and suit. Halatang mayayaman ang karamihan. Hindi basta-basta na underground fighting match ang sasalihan niya kung ganoon.

Si Ninong August at ang trainor niya sa taekwando ang nasa likuran niya. Sinasabi ng dalawa ang mga bagay na kailangan niyang gawin para manalo. Kagaya nang lakasan niya ang kaniyang depensa. Kahit isang kagaya niyang newbie ang kaniyang makakalaban ay hindi pa rin daw siya dapat maging kampante.

Papa, I know you're here watching. Guide me, please. This fight is for you... bulong ni Grizelda.

Mula sa kung saan ay may nagsalitang lalaki. Sa bawat speaker na nasa lugar na iyon ay maririnig ang malaki at mababang boses nito. "Good evening, everyone. Tonight is newbie versus newbie. Let's all welcome... Zelda!"

Zelda. Oo. Siya iyon. Mula sa real name niya. Masyado kasing pambabae ang "Grizelda" kaya ginawa niyang "Zelda" upang magtunog malakas ang kaniyang pangalan. Parang isang mandirigma. Nalaman niya rin sa internet na ang ibig sabihin ng pangalan na "Zelda" ay "strong woman" at ganoon ang nais niyang ipakita sa lahat ng naroon.

Pumasok na siya sa cage at umakyat sa boxing ring. Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa kaniya. Napakarami ng mga ito. Halos nagsisiksikan ang ilan sa itaas ng stadium.

'Yong totoo? Kinakabahan siya. Simula nang isilang siya ay hindi siya nakipag-away ng pisikalan sa kahit na sino. Kahit na may ilang nambu-bully sa kaniya sa school noon ay hindi niya naisipan na sabunutan o suntukin ang mga iyon. Kaya ang paglaban niyang iyon ay talagang bago. Napakabilis talaga ng mga pangyayari matapos ng 18th birthday niya.

"And now, meet Zelda's opponent... Black Lily!"

Umugong ang malakas na sigawan at palakpakan sa buong stadium habang umaakyat sa ring ang isang matangkad na babae na medyo may muscles. Morena at matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya na para bang meron siyang nagawang malaking kasalanan dito.

OMG. Bakit ang lakas ng palakpakan sa kaniya? Kilala na ba siya ng mga tao na nandito? Kinakabahang turan niya sa sarili.

Ang alam ni Grizelda ay merong pustahan sa laban na mangyayari. Siguro bago ang mismong laban ay nakita na ng mga pupusta kung sino ang maglalaban. Siyempre, mas marami siguro ang pumusta na si Black Lily ang mananalo kasi sa katawan pa lamang ay talo na siya. Baka nga walang pumusta sa kaniya kahit isa, e. Kaya siguro ganoon kalakas ang sigawan nang tawagin ang kalaban niya ay dahil lahat ng naroon ay ito ang bet.

Mas lalo siyang kinabahan kasi nakikita niya na agad kung ano ang mangyayari sa kaniya. Panigurado, uuwi siyang puno ng pasa ang katawan at baka one week din siyang magpapahinga dahil sa bugbog-sarado siya.

Papa, ikaw na bahala sa akin, ha! Bulong niya ulit.

Pumunta na sila ni Black Lily sa gitna. Titig na titig ito sa kaniya. Hindi nawawala ang matalim nitong tingin at hindi niya alam kung galit ba talaga si Black Lily o paraan lamang nito iyon para sindakin siya.

OMG. Hindi pa pala ako handa for this! Sana, pwede pang magback out! Ninong, help!!! Malakas na sigaw ng utak ni Grizelda. Biglang nanginig ang mga tuhod niya sa takot.

"Dudurugin kita, Zelda!" Matiim na sabi ni Black Lily.

"Sports lang tayo, please..." sabi niya sabay peace sign.

Muling nagsalita iyong lalaki na hindi namin nakikita. "Ready? First round... Fight!"

Hindi naging handa si Grizelda nang isang malakas na sapak ang agad na ibinigay ni Black Lily sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay nakalas ang panga niya. Ilang hakbang din siyang napaatras hanggang sa napasandal siya sa matatabang lubid na pumigil sa kaniyang pagbagsak.

Nagkagulo sa pagsigaw ang mga taong nanonood na parang tuwang-tuwa pa ang mga ito na nasapak siya sa mukha.

Nang nakita niya si Black Lily na pasugod sa kaniya ay mabilis siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan. Pumunta siya sa kaliwa at sinuntok niya si Black Lily sa braso nito. Hindi man lang ito natinag kahit pa para sa kaniya ay sobrang lakas na ng suntok niya na iyon. Tila sumuntok siya sa pader dahil ang kamay pa niya ang nasaktan.

Marahang tumingin si Black Lily sa kaniya. Para itong isang higante nang magtama ang mata nila na parang pwedeng-pwede siya nitong tapakan at yupiin.

"S-sorry—" Nasuntok siya ulit ni Black Lily na diretso sa mukha. Napaupo siya at tuluyang napahiga. Wala pang tatlong segundo ay nawalan na agad siya ng malay at wala na siyang natandaan pa sa mga kasunod na nangyari.


------ooo-----


NAGISING si Grizelda sa sarili niyang kwarto. Ramdam niya ang pamamaga ng buong mukha niya. May nakalagay na toasted bread, ham, cheese at orange juice sa side table. Dahil sa gutom na gutom na siya ay bumangon agad siya at kinain ang mga pagkain na naroon.

Habang abala siya sa pagkain ay may kumatok sa pinto. "Come in!" sigaw ni Grizelda.

Pumasok si Ninong August. Nang makita niya ito ay bigla siyang nahiya sa nangyari sa fighting match. Dalawang beses lang kasi siyang tinamaan ay nakatulog na agad siya. Napakahina niya pala kung ganoon. Hindi tuloy siya makatingin sa kaniyang ninong.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Tiningnan ka na ng personal doctor natin at wala ka namang damage sa brain mo. Talagang may pasa ka na magtatagal ng ilang araw." Mahinahong wika ni Ninong August.

"Ninong August, sorry. Natalo ako. I am a failure..."

"You're not a failure, Grizelda, because you tried. Ang failure ay 'yong hindi man lang sinubukan."

"Siguro, disappointed si papa sa akin."

"I disagree. Alam kong sobrang proud siya sa iyo ngayon kasi iyong Grizelda na sweet at hindi makabasag pinggan ay unti-unti nang nagbabago. Nagbabago ka para maipagtanggol mo ang iyong sarili at magkaroon ka ng kakayahan na patakbuhin ang pamilya na iniwan ng papa mo sa iyo."

"Hindi kaya nagsisisi na si papa na isang malambot na kagaya ko ang naging anak niya? Mas okay pa siguro kung naging lalaki na lang ako." Bigla siyang nag-self pity kahit hindi niya ugaling kaawaan ang sarili.

Umupo ang ninong niya sa tabi niya. "Grizelda, 'wag kang harsh sa sarili mo. Normal lang na ganoon ang nangyari kasi first time mo iyon at hindi ka naman namulat sa ganoong mundo. Hindi lahat ay magaling agad. You need more practice. At huwag kang mag-alala kasi hindi lang si papa mo ang proud sa iyo kundi pati ako!"

Nang tingan niya ito ay nakangiti ito sa kaniya. Hindi niya nakikita na ikinahihiya nito ang nangyari sa kaniya doon sa fighting match.

"Thank you, ninong." Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ni Grizelda. "Don't worry, magte-training pa ako nang mas matindi at sa susunod ay hindi na ako makakatulog sa dalawang suntok. Sa pangatlo na lang." Dugtong niyang biro.

Natawa si Ninong August. "Ikaw talaga. Para kang si Stefano—your papa. Palaging nagbibiro. Balak ko rin na this week ay hindi na lang martial arts and hand-to-hand combat ang ipapagawa ko sa iyo. Hahawak ka na ng baril," turan nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "R-really?" Ang totoo ay sa paggamit ng baril siya pinaka excited. Dati ay takot siya sa mga ganoong bagay pero simula nang magkaroon siya ng galit sa puso ay naisip niya na dapat ay iyon ang pinaka matutunan niya.

"Yes. Kaya ihanda mo na ang sarili mo kasi mas magiging intense na ang training mo simula ngayong linggo. Bibigyan lang kita ng isang araw para makapagpahinga. May iiwanan pala akong ointment para sa mabilis na paggaling ng mga bruises mo."

Sa wakas, makakahawak na rin siya ng baril. Nang malaman niya kay Ninong August na iyon na ang kasunod niyang pag-aaralan ay parang ayaw na niyang magpahinga. Gusto na niya ulit bumalik sa training. Gusto na niyang matapos ang three months para makaharap na niya ang mga taong may malaking kasalanan sa pamilya niya. Hindi na siya makapaghintay na makaharap ang mga taong dapat managot sa kamatayan ng mama at papa niya!

Continue Reading

You'll Also Like

369K 9.4K 47
Kahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA...
4.6K 224 25
Welcome To Terror University [Date Started: Feb.07,2017] To Be Published Highest Rank Achieved: #2 in Horror Other ranking includes: #2 in Plot a...
108K 2.5K 83
Love comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perf...
1.2M 17.8K 62
[Highest Ranking Achieved:#13 in Teen Fiction] Paano kung ang isang babaeng nagmahal ng tapat ay ginamit lang. Paano kung ang tanga ay matuto. Paano...