The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]

[Wedding Day 2nd Chance]

251 8 0
By AteLunax

*THIRD PERSON’s POV*

______

Maagang nagising si sue para tignan ang pag aayos ng venus ng kasal nila kys sila jacob ang inutusan niyang mag ayos doon.

"Okay na ang lahat sue" Nakangiti na salubong ni jacob sa kanya.

"Wala na bang kulang?" Tanong niya kay jacob.

"Wala na sue wala ka na dapat ipag alala maayos na ang lahat papunta na din dito ang mag aayos kay kys maya maya pa ay nandito na sila" Tumango naman ang binata habang gina gala ang paningin niya paligid.

“Gusto kung maging memorable ang kasal naming ito jacob” Seryoso na sabi nito.

“Anong meron dito?” Seryoso na tanong ng ama ni sue na kakauwi lang, Tumingin siya sa paligid.

“Ikaw alaric saan ka nanggaling at ngayon ka lang nagpakita alam mo bang ikakasal na ulit ang anak mo sa anak ni filtiarn may digmaan din na naganap pero ni anino mo hindi ko nakita!” Sermon ni jean ng  makita ang asawa niyang nawala ng ilang  buwan.

“May inaasikaso ako abala ako sa negosyo kong kakabukas lang ikaw sue ang mag mamanage ng kompanya kong yon” Binatokan naman siya ng asawa niyang si jean.

“Tsaka muna ibigay sa kanya pag balik nila dito pupunta sila ng london kaya umayos ka yong mga apo mo tignan mo sa loob alagaan mo ng may silbi ka!” Napakunot naman ng noo si alaric dahil sa nalaman niya.

“Apo? Bakit may anak na ba to?” Tiro niya kay sue.

“Meron kambal nag ka anak sila ng anak ni filtiarn nasa sala sila kagigising lang puntahan muna!” Sagot ni jean sabay tulak sa asawa walang nagawa ang ginong kundi ang pumunta sa bahay nila nakasunod naman si sue sa kanya.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay ang kambal agad ang bumungad sa kanya na masayang naghahabulan.

“Ulycon” Tawag ni sue sa anak niya napatingin naman ang kambal sa kanya agad silang tumakbo palapit sa kanilang ama.

“Mga apo ko ba talaga ang dalawang batang to?” Hindi makapaniwala na tanong ni alaric sa kanyang anak habang nakatingin sa dalawang bata na nasa harapan niya.

“Buti umuwi ka na papa hindi mo ba yayakapin ang dalawang apo mo kundi galit ka kasi magala kami ni mama mas magala ka kapa pala” Taas kilay na sabi ni drusilla habang naglalakad palapit sa kanila.

Hindi niya pinansin ng kanyang ama naupo ito para mapantayan ang dalawang bata.

“Hello babies ako ang lolo alaric niyo” Pagpapakilala nito nakatingin lang ang dalawang bata sa kanya.

“Akin na ang kambal papaliguan ko na sila ikaw papa mag ayos ka na ikakasal ang natauhan niyong anak” Mataray na sabi ni drusilla bago binuhat ang dalawang bata.

“Gisingin muna si kys seung dahil nandito na maya maya ang mag aayos sa kanya” Utos ng kapatid nito bago tuluyang umakyat sa hagdan.

“Kong anak ni filtiarn ang mapapangasawa mo nasaan siya?” Tanong ni alaric kay sue.

“Patay na si filtiarn noong araw ng labanan papunta na si mama ulrica dito mamaya” Sagot ni sue sa kanyang ama.

Nag paalam na si sue sa kanyang ama umakyat na ito papunta sa pangalawang palapag ng bahay niya pag karating niya sa silid nilang mag asawa ay agad niyang nilapitan si kys na mahimbing pa ring natutulog.

Humiga siya sa tabi ng asawa niyakap niya ito naalimpungatan naman si kys.

“Good morning sweetheart” Malambing na bati ni sue kay kys tumingin naman siya kay sue ngumiti siya dito.

“Good morning too” Paos na bati nito ngumiti naman si sue at hinalikan ang mukha nito napatawa na lang ang dalaga.

“Mag ready ka na si drusilla na ang bahala sa kambal nandito na mamaya ang mag aayos sayo hindi na makapag hintay na ikasal ulit tayo pero ngayon wala ng mang gugulo tahimik at maayos na ang lahat” Nakangiting sabi ni sue sa dalaga hindi naman maiwasang hindi mapangiti ni kys dahil sa sayang nararamdaman niya ngayon.

“Ito na ang simula ng panibagong buhay natin sue sana wala ng kalaban na lumitaw gusto kong mamuhay ng tahimik at walang gulong nangyayari” Humigpit ang yakap ni sue sa dalaga humarap naman si kys sa kanya hinamlos nito ang mukha nito.

“Pagkatapos ng kasal natin pupunta tayong london doon tayo hanggang lumaki ang mga bata gusto ko ako ang mag aalaga sa inyo yung walang tulong ng kahit sino sa kanila” Tumango naman si kys habang nakatingin sa mga mata ni sue.

“I love you sue” Ngumiti si sue at hinalikan sa labi si kys tumugon naman agad siya sa halik nito.

“Sue kys nandito na ang mag aayos” Sigaw ni mavi habang kinatok ang pintuan ng silid nila kita sa mukha ni sue ang pag kainis kaya natawa si kys.

“Kahit kailan lagi nalang panira si mavi!” Inis niyang sabi kumalas na siya sa pag kakayakap kay kys bumangon na sila sa kama.

“See you later sweetheart” Sabi ni sue sabay kindat sa kanya tinaasan naman siya ng kilay ni kys lumabas na ng silid nila ang binata habang si kys naman ay nagtungo na sa banyo para maligo.

Abala na ang lahat sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita nila yung iba nag sisidatingan na rin habang sila ford ay sinabihan ang mga kasamahan nilang manatiling magbantay sa mga paligid mas okay na yong nakakasiguro silang wala na talagang mangugulo.

Pagkarating naman nila ulrica sa bahay ng binata ay agad silang sinalubong ni jacob.

“Pumasok muna kayo sa loob ulrica mamaya nasa guestroom na si kys para sayosan na siya” Nakangiting sabi ni jacob sa kanya.

“Kailangan mo ng mag retouch jacob masyado ka ng stress sa itsura mo” Nakangisi na sabi ni ulva sa kanya natawa naman si louve at tala napangiti na lang si jacob dahil alam na naman niyang pinag tritripan na naman siya ng mga dalaga.

“Magbabantay na kami sa paligid” Paalam ni fenris sa kanila tumango naman sila lumakad na papasok ng bahay sila ulrica.

Agad silang nag tungo sa guestroom para makita ang kanyang anak pero pag pasok nila doon ay ang mag aayos palang kay kys ang nandon kaya naupo nalang sila sa may sofa.

Pag labas ni kys sa silid nilang mag asawa ay sakto namang lumabas ang ama ni sue sa silid nila ng asawa nyang si jean.

Ngumiti ang dalaga sa kanya ng makita niya ito seryoso naman na nakatingin lang si alaric sa kanya.

“Pwede ko bang hiramin ang apo ko mamaya?” Tanong ng ginong sa kanya.

“Pwede naman po wala pong problema” Agad ng sagot ng dalaga tsaka ulit ngumiti.

“Kys nasa guest room na ang mag aayos sayo pumunta ka na don” Sigaw ni jacob mula sa ibaba ng makita niya na ang dalaga.

“Mauuna na po ako” Paalam ng dalaga sa ama ni sue tumango naman ang ginong lumakad na si kys pababa ng hagdan nakatingin lang si alaric sa kanya habang pababa ito.

“Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ang panganay ko sa kanya” Umiling iling na sabi ni alaric.

Pagpasok ni kys sa guest room ay napangiti siya ng makita ang kanyang ina agad siyang lumapit kay ulrica at niyakap ng mahigpit.

“Kamusta mama?” Tanong ni kys sa kanyang ina ng maghiwalay sila sa pag yayakapan.

“Maayos lang ako wag mo akong alalahanin” Sagot ng ginang tsaka ngumiti.

“Miss Kys halika na po kayo kailangan mo ng ayosan wala na tayong oras” Singit ni ariel na mag aayos sa kanya napatingin naman si kys kay ariel napangiti ito ng makilala niya kong sino ang mag aayos ulit sa kanya walang iba kundi ang baklang kaibigan ni mavi.

“Long time no see baks” Masayang sabi ni kys sabay lapit sa pwesto niya at niyakap ito yumakap din balalik si ariel.

“Ikakasal ka na naman ulit baka may kasunod pa ito” Natatawa na sabi ni ariel ng naghiwalay sila napatawa naman si kys.

“Hayaan mo ikaw ulit ang mag aayos sa akin kung may susunod pa” Sagot naman ni kys nag tawanan silang dalawa.

“Hindi ko tatangihan yan kailangan ko ng pera” Nag tawanan na lang ulit sila pinaupo niya na si kys sa upuan at hinarap sa salamin.

Inumpisahan na ni ariel ang pag aayos kay kys tahimik lang ang ina ng dalaga at sila ulva habang nakatingin kay kys.

Nag sisidatingan na din ang mga bisita nila nasa harden na silang lahat hinihintay ang paglabas ni kys.

Habang ang kambal naman ay dala dala ni alaric may mga dala itong basket na may lamang petals ng pulang rosas hinayaan lang ni drusilla na ang kanyang ama ang magbantay sa kambal dahil abala ito sa pag aayos sa bulaklak na hahawakan ni kys.

Napatingin si ulrica ng bumukas ang pintuan ng guest room ngumiti si jean sa kanya.

“Tara na sa labas ulva doon na natin hintayin si kys” Aya nito sa mga pinsan ni kys ng makalapit siya sa kinauupan ni ulrica ay niyakap niya ang kanyang kaibigan.

“Ikakasal na ulit ang anak natin na meron tayong dalawa masaya ako para sa kanila” Masayang sabi ni jean sa kanya.

“Ako din jean masaya ako dahil nagkaayos na sila” Sagot ni ulrica.

“Paano ba yan lalabas na kami” Paalam nito ng maghiwalay sila sa pag kakayakap bago tuluyang makalabas si jean ay tumingin muna siya kay kys na sinusuot na ang tinahi niyang wedding dress niya napangiti na lamang ito.

“Alaric ang kambal palabas na mamaya si kys” Hindi maiwasang hindi mapangiti ni jean dahil sa sayang nararamdaman niya at bagay na bagay kay kys ang ginawa niyang wedding gown sigurado siyang magiging matunog ang pangalan nito dahil may mga medya ding pumunta.

“Ang ganda ng gown mo miss kys sino ang gumawa nito?” Manghang mangha na tanong ni ariel habang tinitignan ang suot ng dalagang gown.

“Si mama jean halatang pinaghanda niya ito” Nakangiti ng sagot ni kys.

“Wala pa rin talagang kupas ang ginang na iyon mahusay pa rin siyang tumahi ng mga gown sigurado akong magiging usap usapan na naman siya” Sabi ni ariel hindi naman makapaniwala si kys sa narinig.

“Ibig sabihin sikat si mama?” Tanong nito tumango naman si ariel.

“Sikat na sikat marami yang client na artista noon pero ng mamatay ito ay wala na ding pumupunta sa shop niya mukhang mag babalik loob na ulit siya” Napa-tango tango na lang si kys 

Nang maayos na ang lahat ay napahinga ng malalim si kys habang nakatingin sa salamin halos hindi niya na makilala ang sarili niya dahil sa husay mag ayos ni ariel idagdag niya pa ang puting wedding dress niya na may mga kumikinang kinang kapag natatapat sa araw.

“Ready ka na ba anak?” Tanong ng kanyang ina napatango naman si kys tsaka ngumiti kumapit na siya sa braso ng kanyang ina bago sila lumabas ng guest room.

Hindi naman maiwasan ni kys na hindi makaramdam ng kaba at saya malawak ang ngiti nito habang naglalakad sinalubong naman siya ni drusilla at inabot ang bulaklak niyakap siya ng dalaga.

“Congrats kys” Masayang bati ng dalaga sa kanya hindi naman maiwasang hindi mapaluha ni kys.

“Wag kang umiyak masasayang ang make up mo” Nakangiti na sabi ni drusilla bago siya umalis nag patuloy na sa paglalakad si kys ng makalabas na siya sa bahay ay nakatingin lahat sa kanya nagsimula na din na kuhanan ng litrato si kys lalo na ang medya.

Lahat sila ay namangha sa suot niyang gown hindi na maiwasan ni kys ang hindi maiyak ng makita ang kambal na may hawak hawak na basket habang nakatayo sa may parang pinto papasok sa harden nila sue masaya ang dalawa habang sinasaboy ang pulang rosas lumuhod si kys ng nasa tapat niya ang anak niya.

Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi hindi naman maiwasang hindi mapaluha ni sue dahil sa sayang nararamdaman niya nakatingin lang siya sa kaisa isang babaeng minahal niya ng sobra.

Hindi inalis ni sue ang tingin niya kys habang naglalakad ito palapit sa kanya ng makalapit ito ay inabot na ni ulrica ang anak niya kay sue.

“Alagaan mong mabuti ang anak ko sue” Nakangiti na sabi ni ulrica tumango naman si sue at niyakap muna ang ginang hinaplos naman ni ulrica ang likod ng binata.

“Makakaasa po kayo aalagaan ko po ang mag ina ko” Sagot nito kumalakas na ang binata sa pag kakayakap kay ulrica.

Tumingin siya kay kys ngumiti naman ang dalaga sa kanya kahit umiiyak ito laking pasasalamat niya kay ariel dahil waterproof ang ginamit niyang make up sa kanya.

Hinalikan ng binata ang kamay ni kys bago niya pinulupot sa braso niya at naglakad palapit sa pari.

“Welcome, loved ones. We are gathered here today to join Sue and Kys in holy matrimony” Masigla na sabi ng pari na kaibigan ng ama ni sue.

“Miss kys sigurado ka bang pakakasalan mo si sue?” Natatawa na tanong nito sa dalaga.

“Parang gusto ko na pong umatras” Sagot ni kys na ikinatawa ng lahat.

“Bilisan mo dyan ang dami mo pang tanong exchange ring na agad tayo” Pagsusungit ni sue natawa nalang ang pari.

“Nagmamadali ka basue sige kong yan ang gusto mo masunurin naman ako” Muling nag tawanan ang lahat.

“Sue, place the ring on Kys’s finger and repeat after me:” Seryosong sabi ng pari.

‘Kys, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.’

“Kys, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” Pag uulit ni sue habang nakatingin sa mga mata ni kys tsaka isinuot ang singsing sa kanya nakangiti ang dalaga habang titig na titig din kay sue.

“And now...Kys, place the ring on Sue’s finger and repeat after me:” Sabi ulit ng pari “Pwede ka bang umatras habang may oras pa” Pang aasar nito natawa nalang ulit ang mga bisita nila.

“Dami mong arti bilisan mo dyan kung alam ko lang na ikaw ang kukunin ni jacob pinalitan na agad kita” Masungit na sabi ni sue sa kanya natawa na lang ito.

‘Sue, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.’

“Sue, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” Sabi ni kys sa kanya habang malawak ang ngiti kinuha niya ang singsing at isinuot kay sue.

“Those whom God has joined together, let no man put asunder. In so much as Sue and Kys have consented together in holy wedlock, and have witnessed the same before God and this company, having given and pledged their faith, each to the other, and having declared same by the giving and receiving of rings, I pronounce that you are husband and wife. I ask you now to seal the promises you have made with each other this day with a kiss” Mahabang sabi ng pari nag palakpakan naman ang lahat at si tayuan.

Agad namang hinalikan ni sue si kys lalong naging maingay kinuha ng mga kaibigan nila ang bulaklak na nasa lamesa at ibinato kay sue.

Nang naghiwalay ang labi nilang dalawa ay niyakap ng mahigpit ni sue si kys.

“I love you so much wife” Bulong ni sue sa kanya.

“I love you more hubby” Malambing na bulong ni kys sa kanya.

Lumapit ang kambal sa kanilang dalawa kaya nag hiwalay na sila binuhat ni sue si conwenna at si ulysses naman si kys.

“Picture” Sigaw ni drusilla na may dala dalang camera. Hinapit naman ni sue ang bewang ni kys para mag dikit sila ngumiti ng malawak si kys ganun din si sue habang sila ayame at mavi ay pinapatawa ang kambal saktang mag patawa nila ay sunod sunod na pinindot ni drusilla ang camera.

“Congratulations” Sigaw ng mga kaibigan nila tsaka sila dinumog hindi na makaangal ang mag asawa ng yakapin sila.

Masaya ang lahat sa pag iisang dibdib muli nilang dalawa marami pang pumunta na mga kaibigan at kakilala sa kasal nila napuno ang harden ng tawanan at hiyawan.

Nakisaya din sila kys kahit nababagot na si sue at gusto ng masolo ang asawa ay wala siyang magawa kundi ang makipag halubilo sa mga bisita nila.

“Wifey tara na gusto na kitang masolo” Bulong ni sue sa kanya.

“Anong binubulong bulong mo dyan sue mamaya na yan ang kj talaga nito” Sita ni mavi sa kanya sabay hila kay kys papunta sa gitna para sumayaw natawa nalang si kys ng makitang sumimangot ang asawa niya.

Madaling araw na natapos ang wedding party nilang mag asawa ngayon lang nakaramdam ng pagod si kys napaupo siya sa sofa dito sa may sala habang nakatingin sa kisame.

“Tired?” Bulong ni sue ng tumabi ito sa kanya tumango naman si kys.

“Sobrang saya ko hubby ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kasaya yung walang mga iniisip na problema” Nakangiti na sabi ni kys sabay tingin sa asawa niyang nakatingin din sa kanya.

“Mee too wife masaya ako dahil maayos na tayo buo na ulit tayo ito na ang umpisa ng pagbabagong buhay natin bilang mag asawa wala nang  makakapag hiwalay sa ating dalawa I love so much wife mahal na mahal ko kayo nila kambal” Malambing na sabi ni sue sa kanya tsaka siya nito niyakap ng sobrang higpit.

Umakyat na ang pag asawa sa silid nila wala ang kambal nasa silid ng ina ni sue kinuha nila ito dahil gustong makatabi sa pag tulog ni alaric ang kanyang apo wala naman silang nagawa kundi ang pumayag na lang.

Pag labas ni kys sa banyo ay nakita niya na mahimbing ng natutulog ang asawa niya napangiti na lang siya habang tinitignan ang asawa alam niyang pagod din ito tulad nila hinaplos niya ang mukha niya at hinagkan sa noo.

‘Maraming salamat sue dahil kahit marami ng nangyaring hindi maganda sa ating dalawa hito pa rin tayo buo na at masaya ng nag sasama hindi ako nag dalawang isip na bigyan ulit kita ng isa pang pagkakataon dahil nakikita ko ang pagsisikap na kunin ulit ang loob ko mahal na mahal kita sue hindi ako magsasawang araw araw na sabihin yon sayo handa akong patawarin ka ng paulit ulit at patawarin ng maraming beses mabuo lang tayo’

[WAKAS]









Author's Note:

M

araming salamat po sa sumuporta simula umpisa sa story kong ito ang mga saksi sa mga pangbabash sa story ko noon maraming maraming salamat po sa pagpapalakas ng loob sa akin kong hindi po dahil sainyo baka hindi ko natapos ang kwento kong ito sana sa susunod kong kwento suportahan niyo parin ako 💜 Maraming maraming salamat po ulit 😘

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
82.3K 1.9K 38
Its just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully h...
11.4M 571K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...