Costiño Series 13: Till the L...

Od Alexxtott

35.9K 1.1K 106

Leyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na... Více

TTLE
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
Notes

Kabanata 10

1.2K 48 12
Od Alexxtott

Kabanata 10

Still

Laman ng news ang nangyari. Lutang na lutang ako habang nabibingi sa walang katapusan na pagbabalita. Yakap-yakap ni Mama ang katawan ko habang manhid na manhid ako. Kusang tumutulo ang luha habang hindi mapigilan na tumigil sa pagsakit ang puso.

"Breaking news... hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap ang ilang katawan ng mga seaman na nawala sa gitna ng Pacific Ocean. Ayon sa huling ulat, nakaranas ng technical problem ang barko habang sinusuong ang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility." Ani ng newscaster.

Bumuhos muli ang napakaraming luha. Si Mama ay walang tigil sa pag-alo sa akin. Ang kirot-kirot ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pamamanhid. Hindi ko alam kung paano aayusin itong nararamdaman ko gayong para akong nawalan ng gana sa lahat.

"Shh, everything will be alright, hija. Tatagan mo lang ang sarili." si Mama sa naiiyak na boses.

Tumayo ako habang wala sa sarili. Hindi ako pinigilan ni Mama dahil alam niyang kailangan kong mapag-isa. Pumasok ako sa kwarto namin. Sobrang lungkot ng kapaligiran. Wala akong ibang marinig kundi ang kirot ng puso ko. Napatingin ako sa cellphone, nanginginig ang kamay na inabot 'yon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to pero nahanap ko nalang ang sarili na tinatawagan ang number ni Leyandrius.

Walang may sumagot. Tanging call operator ang nagsasalita. Kinagat ko ang ibabang labi habang umiiyak ng husto. Muli kong tinawagan ang kanyang number ngunit katulad ng nauna, walang may sumagot. Bumuhos ang pighati. Hindi nakaya ang pangyayaring ito. Blangko ang isipan ko, walang maisip kundi kunin din ang buhay na ito.

Ano pang silbi ng buhay ko? Anong silbi kung mabuhay ako na wala siya!? Ang sabi niya, uuwi siya! Ang sabi niya maghahanap siya ng bahay para sa amin! Ang sabi niya, uuwi siya sa akin! Bakit ito ang nangyari! Bakit iniwan niya kami! Bakit ganito ang nangyari! Hindi ko kaya ang ganito! Para akong mauubusan ng hangin habang pilit na humihinga upang mabuhay lang!

Dulot ng pamamanhid ng katawan, napahiga ako at nakatulugan ang pighati at sakit na nararamdaman. I wish he was here with me. I wish I could hug him tightly. I will I could kiss his lips. I wish I could see him again. How I wish these are all bad dreams. Kasi hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay gayong wala na siya.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Boses ng mga pinsan ni Leyandrius. Dahan-dahan akong bumangon, medyo gumaan ang nararamdaman ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso.

"Nahanap na ang katawan ni Leyandrius! Hindi na makilala ang kanyang mukha!" si Adah.

Mabilis na nanginig ang katawan ko sa narinig. W-what? My husband? Nakita na ang kanyang katawan? At hindi na makilala dahil sa naaagnas nitong mukha? Oh my God! Bakit nangyari 'to? Bakit ang aga mong kinuha sa akin ang asawa ko, Panginoon? Bakit mo siya binawi sa akin ng ganito? Ang sakit-sakit tanggapin na wala na siya. Ang sakit isipin na wala na ang ama ng anak ko!

Anong mangyayari sa akin? Paano ako magsisimula ngayon? Paano ako babangon gayong wala na ang lalaking pinakamamahal ko? All I want is to live with him! All I want is to spend all my time with him. All I want is him. I want my husband. I want my fucking husband! Pero bakit ganito? Bakit binawi niyo siya sa akin?

I don't know what to do now. I don't know where to start. I don't know how to stop this pain I felt. I don't know how to forget him.

I touch my tummy, muling tumulo ang luha habang inaalala ang anak namin. Ang lamig ng hangin ay nagbibigay ng panginginig sa aking katawan. It's been a month and here I am, standing to his grave, crying while remember his name. Pilit kong pinapahid ang luha ngunit sadyang marami ito at sunod-sunod na pagtulo kaya hindi maubos.

"A-ang sabi mo, uuwi ka sa akin. Pero bakit nandito ka!? Umuwi ka nga pero wala namang buhay!" umiiyak kong sabi.

Makulimlim at tila uulan kaya malamig ang hangin. Nasa condo pa rin niya ako umuuwi hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwan ang condo niya gayong pinayuhan ako ni Mama (his mother) na kung gusto kong umalis, I can leave the condo alone. Pero hindi ko magawa. Ayokong umalis kasi nandoon lahat ng alaala namin ni Yandro. Our memories is in there! Ayokong iwan 'yon gaya ng pag-iwan niya sa akin!

"I'm still in your condo, baby. Hindi ko maiwan ang lugar na iyon kasi nandoon ang mga alaala natin. Sa tuwing naiisip kita, napapaluha nalang ako." I said painfully.

I wipe my tears.

"I miss you so much, Leyandrius." punong-puno ng pighati kong sabi.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay na ito. Kailangan kong mabuhay para sa anak natin. Kailangan kong ayusin ang sarili para sa anak natin. Siya nalang ang naiwan mong alaala sa akin. Kaya kahit nahihirapan ako, kahit hindi ko alam kung paano sisimulan, gagawin ko para sa anak natin.

Tinignan ko ang bulaklak na bagong lagay. Binili ko 'yon upang ilagay sa kanyang puntod. Pagkatapos ng ilang oras na pamamalagi, umalis na ako upang magpahinga sa condo. Kailangan kong maging malakas upang maging mabuti ang kalagayan ng anak namin. Sumakay ako sa kanyang kotse na naiwan sa akin. Ang sabi ng kanyang attorney, lahat ng naipundar ni Yandro ay mapupunta sa akin.

His properties and money was name after me. Wala namang tutol si Mama dahil para naman daw 'yon sa akin. Naisip kong ibibigay ko 'yon sa anak namin. Para iyon sa anak namin. Pinaandar ko ang sasakyan at dahan-dahan na umalis. I sighed while driving.

Alam na ng kanyang pamilya na buntis ako. Kaya gusto nilang doon ako tumira sa mansyon nila. Hindi nga lang ako pumayag dahil mas gusto kong tumira sa condo ni Yandro. I park my car in the basement. Sumakay ako ng elevator papunta sa floor namin. Nang bumukas, dumiretso ako sa pinto. I rummage my bag to get the card. When I found it, I swipe it and the door opened.

Pumasok ako at sinarado ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto namin at humiga sa kama. Matutulog ako dahil pagod ang katawan ko. Kulang din ako sa tulog dahil palagi akong dinadalaw ng lungkot sa gabi. Inabot ko ang damit niya na nasa tabi ko, napangiti ako ng malungkot habang pinagmamasdan ang picture niya.

I hug it tightly. I miss him so much. Kulang ang mga bagay na ito para maibsan ang nararamdaman kong lungkot. Kulang ang kanyang damit para lang mawala ang lungkot na nararamdaman ko. I want him. I want my husband here! At hindi ko alam kung paano makakalimutan ang katulad niya.

Tinulog ko nalang ang lungkot sa mga oras na 'yon. Nagising dahil sa lamig na nararamdaman. Napatingin ako sa wall clock, it was already seven in the evening. Napahaba ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon at naupo sa kama. Tinignan ang labas gamit ang glass wall. Madilim na at siguro'y tulog na rin ang ibang tao dito sa building.

Tumayo ako at lumabas upang maghanda ng pagkain ko. Napatigil ako sa sala ng makita ang sofa namin na walang tao. Mabilis kong naramdaman ang kalungkutan ng condo niya. Noon, kapag bumabangon ako mula sa pagtulog at lumalabas, sinasalubong ako ng kanyang presensya sa sofa na ito.

I always caught him, watching TV while laughing. Sometimes watching basketball or movies. Pero ngayon, wala na akong nakikita dito. Ang tahimik at sobrang malamig ang ambiance. Napahinga ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. I need to eat my dinner! May batang kumakain rin sa loob ng tiyan ko.

Nagluto ako ng simpleng pagkain. Gulay, kaunting karne at kanin. Ang sabi ng doctor ko, kailangan kong kumain ng masusustansyang pagkain. Kaya hindi nawawala ang gulay sa ulam ko. Tahimik akong kumain sa dining table. Mag-isa at walang kasama. Sa bawat subo, pinipilit kong malunok dahil kailangan magkaroon ng laman ang tiyan.

Nang maubos ang pagkain, uminom ako ng tubig at gatas. Kumain na rin ako ng saging para sa fruit of the day ko. After my dinner, I wash my plates. After doing it, naisip kong maupo muna sa sofa at magpahinga doon.

Habang nakaupo, sumagi sa isip ko ang mga nakuha sa katawan ni Leyandrius. Ang sabi ng investigator, walang singsing na nakita sa kanyang daliri. Mabilis ko 'yong napuna dahil hindi niya naman tinatanggal ang singsing namin. Kahit anong gawin niya, palagi 'yong suot. Kaya paanong wala ang wedding ring namin sa kanya?

Reason of the investigator, it might be fell from his finger since his body is already decayed. I got the point. Siguro nga pero bakit hindi ako nakukumbinse? Bakit tila kulang ang mga kasagutan ng mga investigator sa akin?

Hindi sa nawalan na ako ng pag-asa pero hindi ko pa rin magawang kalimutan ang nangyari. Sa aming lahat, ako nalang yata ang umaasa na buhay pa si Leyandrius kahit may binigay na silang ebidensya na wala na siya. I still hope for him. I still hope that he is alive. That my husband still alive.



---
© Alexxtott

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

81.4K 2.3K 25
Falling in love was very far from Calvino Costiño mind. He doesn't want to love because for him, it's just a waste of time. Falling is the cheap way...
109K 2.8K 30
Salvacion Dominique Alzarte, ang babaeng ubod ng bilib sa sarili. Hinahangaan ng mga tao, sa ganda man o sa talento niya. Mataray, outspoken at hindi...
402K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.