Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 2

6.4K 180 1
By winglessbee

Naglalakad ako ng makita ko si Yanna.

"Pam! Kamusta date?"

"Tsk! O!"

Inabot ko sa kanya yung iphone ng LWB na yun. Acronym na lang masyado akong tamad para banggitin ng buo ang lalaking walang balls.

"Bayad. Ikaw na lang magbenta kung gusto mo ng pera."

"Ha? You mean, hindi ka sinipot ni Ian?"

"Obvious naman di ba?"

"Sungit! Kanino namang iphone to? Sayo? Bakit? Naubos mo na ba yung allowance mo?"

"Ano ko bale? Bat ko naman ibibigay iphone ko sayo? Dun yan sa Ian na yun!"

She gasped exaggeratedly.

"No way!"

"Yes way"

"How come? Di ba hindi ka niya sinipot?" sinamaan niya ako ng tingin.

At dahil matagal na kaming magkaibigan memorized ko na ang takbo ng utak niya.

"Kung iniisip mo na nagsisinungaling ako, sinasayang mo lang ang pagfunction ng utak mo. Tsk"

"E, kung mali nga ang iniisip ko, ibig sabihin nagkita kayo at hindi ka talo sa pustahan!"

"Fair akong tao Yanna alam mo yan."

She gasped again more exaggeratedly.

"Ibig sabihin--"

Hindi ko na siya pinatapos.

"Oo, sumipot siya pero hindi siya nagpakita sakin. Pero ang tanga niya kasi nagpahuli siya" kalmado kong sinabi.

Ayokong ipakita na naggalit ako. Sobrang stupid magalit para sa walang kwentang tao. Such a waste of time.

Pero lintik. Hindi ko maiwasan hindi magalit. Ikaw ba naman sabihang maton? At pamukhaing tanga sa paghihintay! Nako! Wag lang magpakita ulit yung LWB na yun baka ma headbutt ko pa siya!

"Ge" paalam ko kay Yanna.

"Wait!" hindi ko na siya pinansin at umalis na ko.

Pinuntahan ko lang siya sa bahay niya para ibigay ang bayad ko. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

Naglakad lakad lang ako, ayoko pang umuwi wala din naman gagawin sa bahay.

Nakarating ako sa playground. 1pm palang kaya wala pang tao sa playground kasi tirik pa ang araw.

Naghanap ako ng sisilungan. Naupo ako sa ilalim ng puno kasi doon lang may lilim.

Pero hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa pagupo may lapastangan na agad na nakatayo sa harap ko.

Pagtingala ko, nakita ko si LWB.

"Kapag hindi talaga hinahanap bigla mo na lang makikita. Give me back my phone" nilahad niya ang kamay niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala na sakin. Kung gusto mo, kunin mo dun sa kapustahan ko" sabi ko na cool na cool.

"What the hell?! Are you that poor?"

Sinamaan ko siya ng tingin tapos tumayo na ko.

Sabi nga, intelligent people ignore criticism kaya hindi ko na siya pinansin at nagsimula na kong maglakad.

Pero may lahi siyang aso. Sinundan niya ko. Binilisan ko ang paglalakad ko pero binilisan niya din ang paglalakad niya.

Short tempered ako kaya tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya.

"Mayaman ka naman, bakit hindi ka nalang bumili ng bago?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayoko e. Kung hindi mo mababalik ang phone ko bayaran mo na lang o kung hindi mo kayang bayaran, sundin mo na lang lahat ng gusto ko" Taas noong sabi niya.

Wow ha! Ano siya hari?

"Taas ng confidence chong! Hinay hinay baka liparin ka ng hangin" tinalikuran ko na siya.

"Seryoso ako!"

"Kasalanan mo yan kung bakit ko kinuha ang iphone mo kaya wag kang maghabol sa bagay na wala na. Kung gusto mo talagang mabalik yun kunin mo kay Yanna" yun lang ang sinabi ko tapos iniwan ko na siya.

Ang dami pa niyang sinabi, tinatanong niya kung sino si Yanna, sus. Pakelam ko ba kung di niya kilala.

Tumakbo na ko para hindi niya ko masundan, mahirap na, baka malaman pa niya bahay ko. Tss

Tagumpay akong nakauwi ng bahay.

"Anak mabuti nakauwi ka na" ang akong butihing ama ay sinalubong ako ng may ubod lawak ng ngiti.

"Anong binabalak mo?" Sarcastic kong tanong.

"Maligo ka at magbihis ka, nasa kama mo na yung isusuot mo, may pupuntahan tayo"

"Ikaw na lang, tinatamad ako"

"Hindi pwede"

Magsasalita palang ako pero pinutol na niya kung anunang sasabihin ko.

"I dont take no as an answer Pamela"

Great he called me by my real name. He must be serious. Tsk.

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.

Nabato ako pagkakita ko sa damit na nakapatong sa kama ko. Fvck!

"Pa!" sigaw ko.

Ilang segundo lang nasa pintuan na si Papa.

"Pa! Ano to? Yuck! Hindi damit yan!" sigaw ko at tinuro ko yung dress na nasa kama ko.

"Baby Pam, dalaga ka na, you should learn to wear girly dress."

"No way!"

"Pam"

"Hindi ko isusuot yan at hindi na lang ako sasama"

"Pamela"

"Pa. I can't"

I heard him sighed.

Alam niyang hindi ako nagsusuot o let's say hindi ko kayang magsuot ng dress.

"Okay, pero next time hindi na ako papayag na hindi ka sasama sakin" yun lang at umalis na siya.

Just when the door closed my phone rings.

Yanna's calling..

"O?"

["Pam!"]

"Bakit?"

["Nakausap ko si Ian"]

"E ano naman paki ko?"

["Ang sama nito! Kinukuha niya yung iphone niya! What should i do? What should i do?"]

"Wag mo ibigay o kaya sabihin mo bayaran niya muna yung pustahan natin"

["I cant do that!"]

Hindi na ko sumagot at pinatayan ko na siya ng phone.

Ano bang meron sa iphone na yun? Siguro may scandal kaya gusto niyang makuha? Tss.

Paki ko sa scandal niya?

Hindi na natahimik ang phone ko dahil patuloy sa pagtext at pagtawag sakin si Yanna. Ugh! Ang kulit talaga.

Hinintay kong makaalis si Papa bago ako lumabas ng bahay.

Kinuha ko ang susi ng motor sa drawer ni Papa at saka tumakbo papunta sa garahe.

"Pam san ka pupunta?" tanong ni manang sakin nung nakitang nagmamadali ako.

"Dyan lang po sa labas"

"Nakong bata ka! Pinuslit mo na naman ang susi sa drawer ng Papa mo no! Naku! Pag may nangyari lang talaga sayo ako ang malalagot sa Papa mo!"

"Wag kang mag-alala, mag-iingat po ako! Bye!" sabi ko sa mabilis na pinaandar ang motor.

Nakita ko pa si Manang na nagsign of the cross.

Wala pa akong lisensya kaya dito lang ako pwedeng magdrive sa loob ng subdivision.

17 palang kasi ako. Pero may student license na ako ang problema lang tinago yun ni Papa kung saan hindi ko talaga makita kung saan. Psh.

K.J.

Nagstroll lang ako.

Stroll stroll lang. Chill na chill akong magdrive ng may biglang sumulpot na baliw na lalaki sa harap ko.

Adffghjjjkkk!

"Tangina!" sigaw ko.

Muntik ko na siyang masagasaan! Buti na lang nakapagpreno agad ako.

"Hoy lalaki! Kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay sa kabaliwan mo! Lintik na to! Muntik na kong atakihin sa puso! Kung inatake ako sa puso mumultuhin kita!" sigaw ko.

"Hindi ka naman namatay miss atsaka may sakit ka ba sa puso?" tanong niya. Nakaspread pa rin ang dalawang kamay niya at nakaharang pa rin siya sa dadaanan ko.

"Wala!"

"O, edi malabo lang atakihin sa puso" at ang walanghiya tumawa pa.

Dali dali akong bumaba sa motor at tinadyakan siya.

"Ouch!"

"Buti nga! Tabi!"

"Hindi pwede" kahit namimilipit sa sakit inextend niya ulit ang mga kamay niya at humarang pa rin sa dadaanan ko.

"Pag hindi ka tumabi dyan sasagasaan kita!"

"Hindi pwede"

"Ugh!" inistart ko na ang motor at akma ng papatakbuhin ng biglang tumakbo sa likuran ko yung baliw na lalaki tapos sumakay.

Kingina!

"HOY! SINO MAY SABI SAYONG PWEDE KANG SUMAKAY DITO! ALIS!"

"Hindi pwede" sagot niya tapos yumakap siya sa bewang ko.

Napastraight ako ng upo ng ginawa niya yun at ilang segundo naginit na talaga ang ulo ko.

Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko pero lalo lang niyang hinihigpitan ang yakap.

"Miss tulungan mo ko!" sigaw niya malapit sa tenga ko kaya nabingi ako.

"Sino ka para tulungan ko? Alis na sabi!"

"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka na oo"

"Isa!" pananakot ko.

Madali sana siyang baligwasin kung hindi lang siya kapit tuko sa bewang ko pero lintik hindi ako makagalaw dahil sa yakap niya.

"Sige na please!"

"Dalawa!"

"Ihahatid mo lang naman ako, kasi naliligaw ako"

"Paki ko kung naliligaw ka? Wala ka bang sense of direction?" naiinis na tanong ko.

"Ang laki kaya ng subdivision na to! Hindi ko matawagan yung pinsan ko kasi nacarnap ang kotse ko"

"Lokohin mo lelang mo! Mamaya ikaw pa yung carnapper dyan! Kunin mo pa tong motorbike. Baba!"

"Miss nagsasabi ako ng totoo! Wala ka bang puso?"

"Wala kaya bitawan mo na ko at bumaba ka na dyan bago pa kita balian ng buto!"

"Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ko tinutulungan" kung posible pa lalo nyang hinigpitan yung yakap sa bewang ko.

Naisip ko walang mangyayari kung makikipagtalo ako, mukhang hindi susuko tong baliw na to.

Kaya naman..

"Anong address?"

"Tutulungan mo na ko?"

"Anong address?"

"Teka! Patawag muna"

"Ano?! Ihahatid na nga kita makikitawag ka pa!"

"E, hindi ko alam yung address nasa wallet ko yun na nakalagay sa kotse ko"

I sighed. Jusko! Bakit ba puro kamalasan ang araw ko ngayon? Sana pala hindi na ko lumabas! Ugh!

Pinaandar ko ang motor ng mabilis. Kung hindi siya kapit tuko sakin malamang sa malamang nalaglag na siya.

"Hindi pa natin alam ang address!" sigaw niya.

Hindi ko siya sinagot.

Dinala ko siya sa bahay kasi hindi ko naman dala yung phone ko.

"Manang!" sigaw ko.

Lumabas naman siya at pinagbuksan kami ng gate.

"Pam! Bata ka talaga!"

"Manang may kasama ako, makikitawag lang po. Pagkatapos po niyang tumawag palayasin niyo na po" sabi ko na lang at pinark na yung motor.

"Bitaw!" sabi ko. Bumitaw naman sita tapos bumaba na ng motor.

Tuluy tuloy lang ako sa kwarto ko. Naligo ako kasi sobrang init.

As usual, oversized shirt at basketball short na lagpas luhod ang suot ko.

Hinayaan ko lang nakalugay yung basa kong buhok saka lumabas ng kwarto at bumaba para magmirienda.

May narinig akong nagtatawanan at hindi naman ako nagulat ng makitang nandito pa rin yung baliw na lalaki at hindi na nahiya nakikain pa!

"Pam kumain ka na" sabi ni manang.

Tumingin sakin yung baliw na lalaki at bigla nalang nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw! Si miss men-doesn't-have-balls!"

Continue Reading

You'll Also Like

207K 7.5K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
725 59 17
They were childhood best friends. Their parents hope they could end up together. Except they don't even like each other.
4.8M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
25K 2.5K 42
May bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapa...