It Takes One Kiss [One Shots...

By misstiaradoll

9.8K 247 9

It takes ONE KISS to.. *♡* ignite a fire in the heart *♡* realize unspoken words *♡* make a make-bel... More

It Takes One Kiss
1 ♡ PROLOGUE
Kiss ♡ 2
Kiss ♡ 3
2 ▶ PROLOGUE
Kiss ▶ 1
Kiss ▶ 2
3 ¤ PROLOGUE
Kiss ¤ 1
Kiss ¤ 2
Kiss ¤ 3
4 ❤ PROLOGUE
Kiss ❤ 1
Kiss ❤ 2
Kiss ❤ 3
Kiss ❤ 4
5 🔹 PROLOGUE
Kiss 🔹 1
6 ☼ PROLOGUE
7 • PROLOGUE

Kiss ♡ 1

1.4K 31 1
By misstiaradoll

    Three minutes! I can't believe this is happening! Patay ako nito kapag hindi ako umabot. No way!

    I ran as fast as I could, trying to find a shortcut so I can dash my way to the faculty room before time's up. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hays. Strikto pa naman yun si Sir Dimaculangan when it comes to reports!

    I'm so dead!

    Nagliwanang ang itsura ko ng makaisip ako ng pwede kong daanan.

    "The gym!" I uttered. Nasabi saakin ni Spike, the ultimate prankster of this school who happened to be my cousin, that there's a small pathway at the side of the gym papunta sa building ng faculty.

     Spike Israel De Leon. Being a pranker and all made him know all the hidden ways and rooms there are in this University. Kaya nga palaging nakakatakas yun sa officers at mga napraprank niya kapag nagkakagulo na.

    My cousin is popular in our school. Hindi lang naman dahil sa mga pranks niyang palagi naman niyang nalulusutan, but also because he has the looks. He's one of the heartthrobs in our school and girls love him and his pranks.

    While me?

    I'm just hidden behind the spotlight. Good thing we have different surnames kasi magkapatid yung mama ko at dad niya. So yes, my middle name is De Leon.

    As much as possible, I don't hang-out with my cousin and I deny to people that we're even related.

    It's not that I'm ashamed of him or something. I just don't like the attention at na-explain ko na rin naman ito sa kanya and he understand. That's what I like about him...he respects my decision and he doesn't pry. Pero minsan ay makulit din siya lalo na kung ako ang usapan. He was just like a brother to me. He's overprotective but he tries his best not to meddle with my life as long as he can sa school. Kaya naman I always make sure also that I don't get into trouble. And that never happened so far, thank god for that.

    Great! Walang tao sa gym kaya malaya akong makakatakbo sa labas.

    Tuwing MWS kasi ang practice ng basketball team dito sa gym. So since it's Thursday today, I won't be worrying for anyone na makabangga ko while I run.

    Dali-dali akong lumiko sa may gilid ng gym. Our gym is huge at may tatlong pinto ito. Mas malapit nga naman kung doon ako dadaan sa maliit na eskinita sa likod ng gym papunta sa target building ko.

    Hindi na dapat ako mag-aksaya ng oras.

    "Ahhh---!" I screeched and I closed my eyes just when I hit something. We fell on the ground and my voice trailed off when my lips touched something soft. My eyes shot open and it widened in shock, meeting a pair of brown orbs that are looking at me with the same expression.

    Oh my gahd.

    I just... I just kissed this guy. On the freaking lips!

    I pulled away from the guy below me as soon as I got back to my senses. Oh my gosh, nasa ibabaw niya pala ako! Tumayo agad ako, still in daze.

    And an idea hit me.

 
    Holy crap! That was my first kiss! My freaking first kiss!

    I looked at him, shocked reaction never leaving my face.

    He look—OMG! One minute!

    Tumakbo na ako ng tumakbo hangga't sa marating ko ang faculty room. Heck, I was panting so hard and sweats are starting to run down my face. I wiped it off using the back of my palm. I feel like I just jogged in a marathon.

    Agad akong pumasok sa faculty room and looked for Sir Dimaculangan's table. It was few meters away from where I was standing which is one, two, three, four, five, six..OMG..seven tables away.

    Papasok na sana ako when someone blocked me. She looked like a staff here. A new one maybe. Hindi kasi siya pamilyar eh. But she looks pretty and a bit young. I'm guessing she's between 22-25.

    "Uhm, miss, sorry. The office is off limits for students." Tinuro niya yung sign sa gilid. I bit my lower lip.

    Oo nga pala! Pano na 'to?!

    "Uhm, miss, can you just give this to Mr. Dimaculangan? As in now na po? Deadline na po kasi please." I begged, giving her a puppy-dog eyes.

   Malapit ng magtime! Oh no.

    "Sure!" She smiled. I sighed in relief and smiled back at her.

    "Thank you so much miss. Eto po." I gave her my folder and she went to my prof's table as fast as she could. Parang nabunutan ako ng malaking tinik. Sana nga lang abot pa ako.

    But my hopes got crushed when my prof raised his head after the staff gave him my folder and looked at me with a frown. I really hate seeing him look at me with disapproving look. Iba kasi ang ibig sabihin nun eh. Kinabahan na ako.

    Sweats again started to fall on my face kahit nasa may loob pa rin ako ng office. My heart is racing so fast. Last thing I want to hear right now is—

    "You're late Ms. Severino." Sabi ng prof ko ng makalapit na siya sakin. His brows were furrowed while holding my report na pinagpuyatan ko ng ilang araw and I can't help but look at him in disbelief.

    "But sir, I was just few seconds late—"

    "One hour, one minute o kahit one second pa yan Ms. Severino..late is late. Haven't I told the class about that already? That I don't accept late papers whatever the reason is?" He asked sternly. I gulped. Kung may mas nakakatakot kaysa sa mababang grades, yun ang makitang magalit si sir. Lalo na kung dahil iyon sa'yo. I really messed up this time.

    I looked down in shame.

    "Sorry sir." I heard him sighed.

    First time.. This was my first time to pass anything school-related late. Kung sana hindi ako—

    "Now don't suck up yet Ms. Severino. You can still earn some credits to make up for your lateness." My head snapped up at the mention of credits. Seryoso ba 'to? He's willing to give me some credits? Really? Pumuti na ba ang mga uwak?

     "Now if you are wondering, yes, you're the first student I actually give a chance to earn some extra credits. But it's only because I've known you and your clean record in this university. You're running for Magna Cum Laude, am I right Ms. Severino? And I believe you don't want any stain on your record?" I nodded abruptly.

    "So..you mean sir—"

    "Yes, one chance Ms. Severino. They needed another hand for this week's cause and so I thought that's a good thing I can make you do. Now you don't want to disappoint me again do you, Ms. Severino? I'm giving you a last chance to prove yourself."

    Oh my, kahit ano pa yan gagawin ko wag lang ako magkaroon ng mababang grade sa report ko. I really wanna be a Magna Cum Laude and having a failed grade in our report will cause me to have a B in my report card which means 86-90. No, I don't want that.

    "Sure sir! Thank you so much po! Kahit ano po yan, I'm willing to do it." I eagerly said.

    He nodded. "That settles then. You will be working in a community service by the Athletics Department this weekend. The meeting will be this afternoon at the Athletics Office after dismissal. Now if everything's clear, I have to be in my next class right now. Good luck, Ms. Severino."

    I nodded eagerly. Yes! Community Service lang naman pala eh. Teka, ilang araw ba yun? Pero di bale. Mag-eenjoy naman ako kasi makakatulong ako eh. I think it will be fun as well.

    "Thank you sir!" I smiled at him and he nodded before he made his way out of the faculty room.

***

    "Spike?" I looked at my cousin who just came in the room, looking like a boss as always. Wala namang masyadong tao dito so I guess it's okay to talk to him. Wala namang makakaalam na magpinsan kami eh.

    "Jia Gwyneth Severino!" Sigaw niya ng nakangiti ng makita ako. Nagtinginan ang lahat ng tao saamin kaya umiwas ako ng tingin. Bakit kasi ang ingay ng isang 'to? At buti na lang at hindi niya sinama ang middle name ko sa pagtawag niya!

    Tumabi siya sakin at tiningnan ko siya ng nagtataka.

    "Anong ginagawa mo dito?" I asked. But then I realized something. "Oh, don't tell me may ginagawa ka na namang kalokohan?" I shot him a warning look. He laughed.

    "I think that's not the right question to ask there couz. Ang tamang tanong ay kung naging success ba yung kalokohan na ginawa ko." Sabay taas-baba niya ng kilay.

    "Well hindi na kailangan kasi parang alam ko na kung bakit ka nandito." I said disapprovingly. Hay nako, kailan ba 'to titino?

    "Haha! Ang talino talaga ng insan ko! Sayang lang kasi malapit na ako sa gate kanina eh. Kaso nahabol ako ng guard. Leche kasing g-tec yun. Pahamak!" G-tec? Baka iyon yung ballpen na hinahanap ko? Kasi naman nakalimutan kong isuot yung ID ko pagpasok kaya ayun at nanghalungkat ako sa bag and I think it fell near the gate. Pero pwede namang hindi akin yun, 'di ba? Hindi lang naman ako ang may g-tec sa eskwelahang 'to, right? Kaya tahimik na lang ako. Tama.

    "Ano na naman bang ginawa mo?" I asked after I sighed. Kung ako running for Magna Cum Laude at PL as in President's Lister, siya naman PL...as in Puro Laro. Parang bata lang inside a 18-year-old body.

    We are both in third year college. Isang taon na lang and finally I will graduate already! I can't wait to have my diploma and walk down the aisle with my toga. I can't wait for my mom to hang me my medal and be proud of me. Kaya naman hindi ko hahayaan na dahil lang sa isang late submission ay mawala ang pagiging Magna Cum Laude ko.

    "Well, let's just say na niresbakan ko yung tatlong ugok na mga freshmen. Kung makaasta eh akala mo kung sino eh kebago-bago lang naman nila dito. They should learn some lesson." He said with a grin.

    "Freshmen?"

    "Yup!" He said, popping the 'p.' "Yung batang tinuro ko kahapon sa may SC Room—"

    "Ano?!" Sigaw kong pabulong. Ayokong tumingin na naman saamin yung mga tao. "Yun ang ginawan mo ng prank? Nababaliw ka na ba Spike? Eh kapatid yun ni Gray eh, 'yung captain ng basketball team!" Knowing Gray, walang inuurungan yun. Gulo 'to kung nagkataon.

    "So? Ano bang kinakatakot mo dun? Bakla yun." My forehead creased.

    "Bakla? May bakla bang chickboy at magaling sa sports?" Nonsense naman ang sinasabi nito oh. 'Di magandang biro 'yun.

    Si Gray yun bang tipong hunk. Oo, with all the muscles, charm, handsome face and a long line of girls wanting to date him. It's that hard to believe he's gay. Baliw na nga 'tong pinsan ko.

    He smirked.

    "Believe me couz. A guy knows a guy and a guy can smell gay even from from miles away." Sabay tawa niya.

    Umiling-iling na lang ako at natahimik lang si Spike when three basketball players came. Anong ginagawa rin nila dito? Magcocommunity service din ba sila?

    I looked at Spike and he looked pissed. Hay, lahat nalang ng basketball players ay ayaw niya. Ano ba kasing meron?

    Hindi na ako umimik dahil sa naglalabang mga tingin nina Spike at mga players. Pati ba sila ay galit din kay Spike? Hay nako, mga sakit sila sa ulo.

    Napansin ko yung mga pumasok. Mga tropa sila ni Gray. Yung dalawa ay third year din at yung isa ay senior kagaya ni Gray. I know kasi sikat sila at nakikita ko silang magkasama sa campus. The tallest one, one of the juniors, has a clean cut hairstyle. Ang gwapo nilang tatlo pero siya ang boy-next-door ang peg. Yung isang junior naman ay may The Modified Skrillex hairstyle. Yun bang shaved sa may sides habang makapal sa gitna. The senior I think is the quiet type. Halata naman kasi nagkwekwentuhan yung dalawa habang siya ay nakatingin lang sa harap. Mukha siyang Amerikano.

    Naging kaklase ko din yung dalawang kabatch ko sa ilang minor subjects. Mga pasaway din sila--sina Oliver at Yun. Yung senior lang ang di ko alam ang pangalan pero alam kong kaibigan siya ni Gray.

    Pero bakit din sila magcocomunity service?

***

    "Ji! How was your report? Napass mo ba?" I looked at her and frowned.

     "Oh." Parang nagbuffer siya and her eyes widened as it sink in to her. "What?! Di ka umabot?" She asked in disbelief. I sighed and shook my head.

     "So close yet so far." I sighed before biting my french fries. Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan may mga pumapasok na customers.

     Nasa McDo kami for lunch because she is craving for fries. Stephanie Serrano is my best friend since first year college. Siya lang ang nakakaalam na pinsan ko si Spike kasi ang gaga ay may crush sa pinsan ko. Connect? She was like a stalker. Eventually nakita niya kaming magkasama sa mall one time ng sinundan niya si Spike at inakusahan niya akong sulotera at mang-aagaw. I was like.. What the heck? Eww! Incest girl! Kaya ayun, inamin ko na sa kanya. Mas mabuti na rin nga yung ganon kasi ang hirap magtago ng isang bagay na importante sa kanya. Kasi naman, baliw talaga siya sa pinsan ko tapos malalaman niyang pinsan ko pala.

     That explains your similar surname and middle name! I love you girl! Sabi niya pa ng marealize niya sabay yakap pa sakin.

     "Nakakaiyak naman yan girl. Pano yan? Bye Magna chuchu na?"

     Kumunot ang noo niya ng umiling ako. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

     "Sir gave me a chance. He'll give me extra credits." Bumilog ang singkit niyang mga mata. Posible pala yun? Haha.

     "Weh? Ji naman, baka nag-iimagine ka lang sa pagkadisappointed mo. Don't worry girl, I'm here for you." Hinawakan niya ang kamay ko and shot me an apologetic look.

     I laughed.

     "I'm serious Steph. I need to attend this week's Community Service to earn credits. Believe it or yes.. gumana ang charms ko kay sir D." Biro ko sabay kindat sa kanya.

     "Woah. Walang himala!" She quoted Nora Aunor's line from a movie. Natawa ulit ako. Napadpad ulit ang tingin ko sa pinto at may pumasok na magboyfriend at ang sweet sa isa't isa. They went to the counter and ordered something. Bigla na lang ngumiti yung babae at hinalikan yung lalaki sa pisngi.

     Bigla akong may naalala.

     "Ji? Hello? Earth to Ji?" Steph waved her hand infront of my face. That made me snapped at my thoughts.

     Napatingin ako kay Steph with horror struck on my face.

     "Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? May nakita ka bang multo? Wah girl, wag namang ganyan. Alam mo namang I'm scared of ghosts!" She said in panic. Ano bang pinagsasasabi nito?

     "Girl, someone.. I... My... Yesterday--" Ugh, bakit ang hirap sabihin?

     "Someone.. You.. Yours.. What ba kasi? Anyare sa dila mo girl? Nagkabuhol-buhol ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

     I forced my eyes shut as I remembered what happened yesterday. It was still so crystal clear to me. I just lost my first kiss to someone. To someone I don't even know.

     I opened my eyes at tiningnan siya sa mata with trouble. "Steph, I just had my first kiss."

     As expected, natulala na naman siya sakin as she tried to sink in what I just said. Unti-unting nalaglag ang panga niya at namilog ulit ang mga mata niyang singkit.

     "What the golly heck Ji?! You.. Him.. Kiss.. OMG!" Ayun at nagkabuhol-buhol na rin ang dila niya.
    
     Hay, I don't blame her reaction. Kasi naman, I don't really mingle with boys. I don't like the idea of being in a relationship. Besides, my studies is more important. Love? I think that will just come into view when I graduate. For now, no thanks. Sobra nga ang hinayang ng best friend kong 'to sakin lalo na ng gusto akong ligawan ng kaibigan ni Spike.

     "Girl hibang ka na nga! How could you just shove Radge away?! Kamukha yun ni Rayver Cruz! Kung ayaw mo, akin na lang siya!" Sabi pa niya.

     "Now sino naman ang parang alien magsalita?"

     "Eh ikaw naman kasi eh! Nakakabigla ka! Wala ka kayang boylet! How come---OMG naunahan mo pa ako!" She retorted. Tapos bigla nalang nagbago ang ekspresyon niya as she looked at me in amusement. "Pero girl, gwapo ba? Hot? Kilala ko? And..." Lumapit pa siya sa mukha ko at pabulong na tinanong. "How was the kiss? Is he a good kisser?"

     I felt my cheeks burning. Oh my, anong klaseng tanong ba naman yun? Naalala ko na naman tuloy!
     I shook my head to erase that memory that is slowly creeping in my mind. Erase!

     "Hoy! Wag ganyan girl. Wag mong sarilihin ang flashback mo. You share it!" Sinamaan ko siya ng tingin.

     "It was just a smack Steph. Ang green ng utak mo. Tss. And.. I don't know who he is." I bit my lower lip. But I know his face. Besides, hindi nga mawala sa utak ko yung itsura niya. Ang sarap iuntog ang ulo ko para magkaamnesia ako.

     "Ohhh.. So a mystery kisser he is then. Mas exciting!" She excitedly claimed at pumalakpak pa. "Pero describe him nga! Gwapo ba ha?"

     Gwapo? Well kaya nga siguro hindi maalis ang mala-model niyang mukha sa utak ko. He really looks captivating. Pero he's not familiar. Siguro he's from other colleges. Hindi pa naman ako pamilyar doon except sa college ko at sa mga populars. Pero.. With a face like his? I doubt na hindi siya sikat sa buong uni. Pero.. Bakit di ko siya kilala if that's the case? I admit I am not that active in school affairs but having Steph as a friend, para na rin akong ganon dahil sa mga kwento niya.

     "Sobra.." I said absentmindedly. Hala! Sobra talaga, Jia?

     "OMG! Yiiiiii! Jackpot ka pala girl!" Kinikilig niyang sabi. Tapos bigla siyang may naisip. "Pero sino naman kaya yun? Sabi mo gwapo eh. Edi kilala ko yun."

     "That's actually what I thought."

     She shrugged. "Well, we will find that out! I bet makikita mo ulit siya. You know, I think you two are soulmates. Yiii!! I'm so happy for you girl. Finally hindi ka na NBSB!"

     I rolled my eyes. Hay nako, here we go again. Ano bang mali sa nineteen and NBSB? It's not a big deal naman di ba?

     "Ano bang pinagsasasabi mo Steph? Soulmate ka dyan. Nagkiss lang tapos soulmate na agad?" I made a face.

     "Malay mo Ji. And besides, he's your first kiss! And oh! I wanna know the details! Pano kayo nagkiss?" Kinikilig niyang tanong.

     Sa totoo? Ayoko na sanang ikwento at balikan pa yung nangyari kahapon pero I know her. She won't stop nagging me about that at sa huli ay bibigay din ako kaya why prolong the agony? Hay.

     Sorry burger, mukhang mamaya pa kita makakain. 

     
* * *

     "Girl! You won't believe who I just saw!" Excited na sabi ni Steph when we met at the school's cafeteria later that afternoon. Katatapos lang ng last subject ko at wala na akong panggabing klase samantalang si Steph ay meron pa.

     "What?" Parang wala lang na tanong ko habang nakatingin sa planner ko. Bukas na pala ang community service namin at three days, two nights kami doon. Sa isang bayan kami, tatlong oras na byahe, at may dalawang faculty member na kasama plus si coach Henry na coach ng basketball varsity.

     Kaya pala kasi may mga varsitarian na kasama sa community service kasi part din sila ng project na yun ng Athletics. Piling mga miyembro lang nila ang sasama kaya hindi naman buong team ang kasali. Good thing wala si Gray kundi riot sila ni Spike niyan. Wala pa naman sila sa school premises, not that Spike really cares kung nasaan siya, pero mas wala silang restraint kung nagkataon.

     "Hay nako. Ang KJ as usual." Sabay irap niya sakin ng makaupo siya sa harap ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.

     "I know you're not listening! Dapat who ang tinanong mo at hindi what!" I sighed exasperatedly at sinara yung planner ko.

     "Fine. Who?" Tanong ko at sinubukan kong lagyan ng excitement ang boses ko.

     "Yiiiii! Guess what--I mean who!" Tumigil siya ng mapansing nakatingin na sakanya ang mga tao na nasa loob din ng caf. Hays. "Oops!" Sabay peace sign niya. Nagsibalikan naman sa pagkain at pagsasalita yung mga tumingin. Buti naman. I really hate attention. Kung pwede lang iplaster ang bunganga nito eh ginawa ko na.

     "Ano ba kasi ang kinapuputok ng butchi mo dyan Steph?" Biglang bumalik ang excitement sa mukha niya.

     "Eh kasi naman. Nakita ko kanina yung bagong transfer sa college namin. And they're all so right! Ang gwaaaapo niya girl!" At kinilig na naman ang lola. Hindi ko na naiwasang umirap. Basta talaga gwapo hindi papahuli sa balita 'to.

     "Wow, ang haba nun ah. Kasing gwapo ba yan ni Mario Maurer? Ang OA mo kasi eh."

     "Now that you mention it...Oo girl! Mukha siyang foreigner! Ang gwapo niya! My golly! And his name? Gosh! Ang gwapo katulad niya. So bagay! He is----"

     Bumuntong hininga ulit ako at binalik na lang ang atensyon sa planner ko. Bukas maaga kami sa pag-alis eh. Parang outreach na rin nga siya actually since doon kami magsstay. Tapos diretso kami sa pagserve when we arrive after lang ng ilang minuto na pagsettle down. I had all the necessary things we need listed on my planner already. Mag-iimpake ako mamaya pag-uwi ko.

     "Ji! Nakikinig ka ba? Kanina pa ako putak ng putak dito, hindi ka naman pala nakikinig." Sabi niya tapos ngumiwi.

     Oops!

     "Sorry, alam mo naman kasing wala akong interes dyan sa kinekwento mo. You know.."

     "Yeah yeah right. Kaya wala ka pang love life eh! Payag payag din kasi pag may time girl! Sige ka, kapag graduate na tayo, lahat ng mga gwapo taken na yan! Matitira sa'yo yung pandak,  panot, balyena, nerd---"

   Natawa ako. "Hoy grabe ka! Kung makalait naman 'to. At anong sinasabi mong taken? Eh bakit ang kuya ko single pa rin? Aber?" Hamon ko sa kanya. Eh ang gwapo kaya ng kuya ko. Kaso ayun at workaholic! Hinahanapan nga namin ng makakadate yun eh kaso wala pa rin. Tsk tsk. Pero di ako susuko. Sayang ng lahi namin eh. Haha.

     Ngumuso si Steph. "Well your brother's a different case."

     "No he's not. He's a living proof na di lahat ng gwapo ay taken na after college. Not that I'm only after someone with the looks. I'm just proving your hasty generalization wrong, okay?" Hindi naman kasi dahil sa itsura ako nagkakagusto sa isang tao eh. What  matter to me is that he should have a heart. Looks is just a plus point. Bonus kumbaga.

     "Fine, Ms. Know-It-All! Anyway, ready ka na ba sa community service niyo? Di ba bukas na yun?" I nodded.

     "Yup. I got it all under control. Sana pati si Spike macontrol ko rin without the people knowing.. you know.. our real relationship." Sana lang talaga.

     "Ay oo nga pala! Si Spiky kasama din noh? Ang tigas kasi ng bungo nun. Haha. Pero okay lang, ang gwapo naman. Yiii! Sana pala nagpasaway din ako para kasama ako sa CS!"

     "Che! Umayos kang babae ka. Kamuntik ka ng bumagsak sa College Algebra kaya bawal na ang magpasaway! B.I. yung pinsan kong yun sa'yo kaya wag kang lalapit palagi dun." Inirapan niya ako.

     "O siya siya, alis na me girl. Gotta go to my boyfie na. Ingat na lang sa byahe ha? Pasalubong ko! Ayos na sakin ang chanel bag." Sabag kindat niya. Natawa ako. Baliw talaga. At boyfie? Yung imaginary boyfriend niya? Haha.

     "Sira! Bayan ang pupuntahan namin hindi mall." Natawa din siya. "Thanks girl. I'll keep in touch."

     "Dapat lang noh! Three days! Itsura mo! Mamimiss kitang bruha ka!"

     "Mamimiss din kita bessy."

     "Awww! Pwera luha. Sayang ng mascara, di pa naman waterproof." I chuckled.

     "Baliw. Halika nga." And I pulled her into a hug.

     Yes, I will definitely miss this crazy girl. Pero three days lang naman di ba? Hindi naman one month for Pete's Sake. Pero ganito talaga kami eh. Di na nagsawa sa mukha ng isa't isa.

***

     I see the other students forming a line in the registration area. More than fifty ata kami. Any minute now, aalis na ang bus na sasakyan namin. Ewan ko ba pero may kakaiba akong nararamdaman sa mga mangyayari. Praning lang ba ako?

     Isang malaking hand bag ang dala ko at isa ring malaking shoulder bag. Nasa hand bag yung mga damit ko while nasa shoulder bag naman yung necessities ko, wallet, phone and whatsoever. Tatlong araw lang naman eh so I don't need a big luggage bag na para bang sa Bicol kami pupunta.

     Pumila na ako at saka nakareceive ng text galing kay Spike. Oh right, magkasama nga pala kami.

     Spike: Couz! Hir na me. Wer na u?

     Natawa ako sa text niya. Jejemon lang? Haha. Nagreply agad ako at sinabing nakapila na ako sa registration.

     Luminga-linga ako sa paligid pero di ko siya makita. Siguro kapapasok niya lang sa gate. Nasa back part pa naman kami since nandito nakapark yung mga bus. Dalawang bus kasi ang kinuha since di kami kasya sa isa lang.

     Natapos na akong magsulat at lahat pero wala pa ring Spike akong nakita. Baka hindi pa naman talaga siya nakakaalis sa bahay nila. Baka yung translation talaga nun ay:

     Bahay pa me, school na you?

     Haha. Baka ganun nga.

     Pero nagulat ako ng may umakbay sakin, causing me to jump.

     "Spike! Wag ka ngang manggulat!" Inis kong sabi dito sabay alis ng braso niya sa balikat ko. Ang bigat ah.

     "At pwede ba? Wag mo akong aakbayan. People are watching. Baka ano pang isipin nila satin. Tss." Natawa lang ang mokong.

     "Your wish is my command my princess. Now shall we?" Sabay lahad niya ng mga kamay papunta sa bus namin.

     "Tss." Inirapan ko siya. Kahit kailan talaga, prinsesa ang turing sakin nito. Palibhasa ako lang ang pinsan niyang babae at wala rin kasi siyang kapatid na babae. Well, not anymore. I shook that sad thought away. Hahakbang na sana ako papunta doon sa bus pero inagaw niya sa kamay ko yung malaking hand bag ko.

     "Kawawa ka naman kasi eh. Baka lalo kang pumayat." Sabay ngisi niya. Ang kulit talaga! Kung hindi ko 'to pinsan nasikmura ko na 'to. Mamaya mabatukan nga.

     I stuck my tongue out at him and walked towards the bus. Pero pinigilan na naman ako but this time by the faculty member I don't recognize.

     "Name?" She asked me.

     "Jia Gwyneth Severino po." Agad niyang tiningnan ang listahan niya at tumango.

     "So, I believe you are Blaine?" Tanong niya kay Spike.

     Huh? At kailan pa naging Blaine ang pangalan ni Spike?

     Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Spike.

     "Uhm, sorry ma'am but his name is not Blaine but Spike. Spike Israel De Leon po." Naguluhan si ma'am someone at chineck ulit yung listahan. Hindi ko kasi siya kilala.

     "Oh. Di mo ba alam? You are all going to sit with your buddy. And your buddy is Mr. Blaine Jericson Adams and not Mr. De Leon." Sabi nito saakin.

     Oh shocks. Ito ata ang nakaligtaan ko during the orientation nung isang araw. Si Spike kasi eh, kung anu-anong joke ang sinasabi. Buti nalang nga at nasa pinakalikod kami kaya walang nakakapansin. Pero eto tuloy, pareho kaming walang alam sa seating assignment. Hay.

     "Ow. Sorry ma'am. Sige po."

     "No worries. Anyway, sa kabilang bus si Mr. De Leon while you Ms. Severino will sit here. You may now go inside." She instructed us.

     "Thank you ma'am." Humarap ako kay Spike at kinuha yung bag kong hawak niya.

     "Pano yan, mamimiss mo ako." Ngumuso niya. Napangiti naman ako. 

     "Asa ka naman. Wag ka ngang assuming. I think mas mabuti nga 'to para walang makapansin. Alam mo na. At saka Spike.. Favor?"

     "Hm?" Nakapamulsa na siya.

     "Dati lang naman. Wag kang lalapit sakin ha? Please?" I begged. Nagkasalubong ulit ang mga kilay niya bago nagpakawala ng buntong hininga.

     "Hay. Fine. Ano pa nga bang magagawa ko?" He frowned. Pero bigla nalang siyang ngumising parang demonyo. "The more I can pull some pranks! Haha! Sige couz, sakay na ako. Ingat ha? Miss you!" Sabay kindat niya sakin.

     Tss. Tingnan mo 'to. Mas sumaya pa kasi wala siyang aalagan kaya malaya siya sa kapilyuhan niya. Arrgg! Kaya nga siya pinasama dito para naman mabawasan ang sungay. Pero ano? Hanggang doon ba naman magiging pasaway siya? Tsk.

     Jusko. Hindi ko alam kung ano na lang ng magiging reksyon ng mga tao doon sa kanya. Mananalangin na lang ko na walang may masaktan doon.

     Sumakay na ako sa bus at hinanap ang upuan ko. Ng mahanap ko ito, wala pang nakaupo. Hm.. Maybe he's late. I shrugged.

     Umupo ako by the window. Gusto ko rin kasi talaga na sa may bintana umuupo kasi gusto kong nakikita ang tanawin. At isa pa, mahihirapan yung kabuddy ko kapag sa bintana siya dahil dadaan pa siya saakin bago makaupo. Hassle masyado.

   May sinet kasing buddy system for this community service. Yun bang kapartner mo na kasama sa bawat gagawin, titingin sa'yo, magchecheck, basta mga ganon. Kailangan daw opposite sex kasi may buhatan ng mga sako, etc. na magaganap. Syempre mas malakas ang mga lalaki kaya ganon na lang ang set-up.

     Blaine Jericson Adams? Hay, hindi ko kilala. Sana naman mabait siya. Sana rin magkasundo kami agad kasi syempre siya ang makakasama ko for the next three days. Kasi kung hindi, ewan ko na lang kung maging okay ang lahat. Sana lang talaga.

     "Guys, five minutes 'til we go. Kung may kakilala kayong wala pa, kinda inform them na aalis na tayo. Dalian na nila because we won't wait for late comers." Sabi ni Ma'am Shiela. Alam ko na ang pangalan niya dahil sinuot na yung nametag niya. May binigay kasi saaming nametag. Mamaya ko na lang ilalagay sa venue.

     Napalibot ako ng tingin. Halos puno na yung bus. Girl and boy nga yung magkakatabi. Hay, sana si Spike nalang pala ang katabi ko. That way, hindi awkward. Parang nakakailang pala kasi di ko siya kilala. Hay bahala na nga.

     May mga taga basketball varsity akong nakita. Isa na doon si Oliver---yung boy next door na nakasabay ko sa orientation. At shocks, pati si Jun din pala ay dito din kasi kararating niya lang. Naghighfive sila ni Oliver at umupo na. Parang natakot yung babaeng kabuddy ni Jun. Para kasi siyang siga sa kanto eh. Buti nalang at may pagkamaamo ang mukha niya.

    
     Five minutes is almost up at nag-announce na si ma'am na aalis na kami at isasara na ang pinto ng bus.

     Wow, edi solo ko na ang upuan? Nice! At hindi ko na kailangang mag-worry pa kung makakasundo ko ba ang kabuddy ko o hindi. Ilalagay ko na sana yung bag ko sa upuan sa tabi ko ng biglang may pumasok sa bus. Kinukuha ko yung bag kong mabigat kaya di ako makatingin sa harap pero naririnig ko ang mga nagsasalita.

     "Oh, Mr. Adams buti nakahabol ka pa." Sabi ni ma'am Shiela. Adams? Oh, it looks like my buddy came after all. Hays, sayang. Haha.

     Napaangat ako ng tingin ng maibaba ko na ulit yung bag ko at nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

     Shocks! Siya?!

* * *

     "You won't believe who my buddy is." I said with worry dripping from every word.

     The moment we set foot to the ground, agad akong umalis at naghanap ng CR. Eh sa hindi ako makahinga eh! Him beside me..tapos..ugh! Naghuhuramentado ang sistema ko! At hindi ko alam kung bakit ba ganon ang reaksyon ko sa kanya. Halos buksan ko na yung bintana para makahinga ako kasi I feel suffocated! Imagine, three hours yung byahe. Huhu.

     Tapos pagpasok ko naman sa CR na nasa may barangay hall na binabaan namin, agad kong tinawagan si Steph. Nagising ko nga ata eh. Kasi alas otso palang ng umaga. Masama pa naman ang timpla nito kapag naiistorbo ang tulog. Pero wala eh, I'm in panic mode right now!

     "Mmm... Ano ba yan Ji?! Ang sarap ng tulog ng prinsesa eh. Tss." Hay, sabi ko nga.

     "Eh kasi naman. Yung buddy ko nga...ehhh."

     "Sasabihin mo ba o ibaba ko na 'tong telepono? Gosh Ji, isa kang malaking ISTORBO!" Napatakip ako ng tenga sa lakas ng pakakasabi niya. Tss.

     "Eh kasi po yung first kiss ko ang kabuddy ko!" Ayan, napasigaw na tuloy ako. Eh kasi naman eh. Sigawan daw ba ako eh hello? Nasa telepono kaya kami ng-uusap. Tss. Halos mabingi na ako dun ah.

     Walang nagsalita sa kabilang linya like expected. Alam kong nagbubuffer pa yan. 3..2..1..

     "OMGGGGGGG!" Inilayo ko na naman ang phone ko sa tenga ko. This girl seriously needs to tone down her voice! Arrgg.

     "Steph, wala akong balak mabingi!"

     "Eh ikaw naman kasi eh, biglain daw ba? Yiiii! OMG sana pala talaga sumama ako dyan para makita ko na siya! Yiiii!"

     "Teka, last time I check, ako yung nahalikan eh. Bakit parang ikaw pa yung kinikilig kesa ako?" Ngumiwi ako. At bakit naman pala ako kikiligin? Not that I like this guy. Ugh.

     "Kasi po.. Manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam.." Kanta niya. I rolled my eyes as if she can see me. Natawa naman siya pagkatapos.

    "Gee, thanks for that best friend." Sarkastiko kong sabi.

    "Haha! Ito naman, di mabiro. Pero seryoso ka talaga? As in siya?!" Excited niyang tanong.

     "Oo nga kasi. Kaya nga medyo praning ako ngayon. Medyo lang naman." I lied.

    "Haha. Mukha nga. Slight lang naman kaya ka nga napatawag noh?" Sabay tawa niya ulit. Bumuntong hininga ako.

     "So now what will I do? Ikaw ang magaling dito eh. I need your help!" As in SOS! I'm not really good with guys eh. Lalo na kapag ganitong first kiss mo yung...Errr.

     "Don't worry sis. Chill lang. I'll tell you what to do. Teka, ano bang pangalan ni lucky guy? I bet alam mo na."

     Actually memorize ko talaga yung pangalan niya. Yun bang hindi na siya umalis sa utak ko at tumatak na pagkasabi ni Ma'am Shiela. Oh gahd, this is getting weirder and weirder.

      "Blaine Jericson Adams." Sabi ko agad. I heard Steph gasped. Ano bang nangyari dun?

     Natagalan siya bago ulit magsalita. Anyare ba dun? Sa totoo lang bagay nga sa yung pangalan niya sa kanya. Blaine..

     "Tell me you're kidding Ji. Di kasi matanggap ng tenga at puso ko. Labas agad sa kabila tapos pinump-out naman sa kabilang vessel. You're kidding right? Baka Blaize Jemerson Adam yun or anything close? But not Blaine Jericson Adams?" Parang hopeful yung boses niya.

     "Uhm, as weird as that new name is.. No. I'm a hundred percent sure it's Blaine Jericson Adams. Why?" Nagtataka na ako. Kakaiba kasi ang tono ng boses niya. Kilala niya ba yun?

      "Ahhhh!!!! Girl you're so nakakainis talaga! Huhu!" She whinned. Kumunot ang noo ko at napatingin sa pinto. May pumasok kasing dalawang babae. Humarap ako sa dingding.

     "Ano na naman bang nangyari sa'yo?" May paiyak-iyak pa kasing nalalaman eh. So overdramatic.

     "Eh kashi.. *hik* You.. Kissed.. My uber crush! Uwah!"

     "Hay, what are you talking about?" Ang gulo ng babaeng 'to.

     "Girl you're unfair. Dati si Radge tapos ngayon.. Uwah! Girl, si Blaine yung sinasabi ko sa'yong transferee sa college namin. The hottie Aussie!"

     I nodded absentmindedly. So kaya pala di siya sakin familiar. He's a transferee at new recruit sa basketball team din since iyon ang narinig ko sa usapan nila doon sa bus. Di ko kasi siya kinausap since I feel awkward. Hindi din siya nagsalita eh. Para tuloy kaming tuod kanina kasi dapat nga we are getting to know each other since kami ang magkabuddy. Pero ano? Nganga.

     Hay, bahala na nga.

     "Ang haba ng hair mo girl. Pahingi naman kahit konti oh, para mapansin naman ako ng pinsan mo." I chuckled.

     "Akala ko ba team Blaine ka? Tapos ngayon naging team Spike. Weird mo girl." Sabi kong iiling-iling.

     "Ay syempre kung sino ang available doon ako! Eh kinuha mo na si Blaine eh! Hmp. Pero since bff kita, magpaparaya na ako. Kay Spike nalang talaga ako." Kinikilig na naman niyang sabi. Haha. Baliw talaga 'tong babaeng 'to.

     "Pero ano bang pinagsasasabi mong kinuha ko? It was just.." Tiningnan ko yung mga babaeng naglalagay ng lipstick. Bakit ba sila naglalagay nun eh nandito nga kami para magcommunity service at hindi magpaparty. Hay, nagpapaganda siguro sa mga basketball players na kasama namin. Tsk tsk.

     "It was just what?"

     "Uhm, it was just a kiss. Yun lang, walang ibig sabihin yun." Pabulong kong sabi. Pero bakit parang ayaw tanggapin ng sistema ko?

     "Yeah right." Sabi niya na lang. "Oh so?"

     "So? Ano ng gagawin ko? Tutulungan mo ako di ba? Bilis." I tapped my fingers nervously on the marble top. Ang tagal ko na dito. Baka hinahanap na kami.

     "Fine ganito.."

*-*-*-*

What will she do next? Face him or pretend like nothing happened? Hope you like the first half of the story. On with the next soon! :)

Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
70.5K 134 49
Enjoy
26.5K 67 7
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
46K 197 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...