The Mafia Boss' Only Princess

Bởi Kuya_Soju

12.1K 500 62

[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when... Xem Thêm

Introduction
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Published Book
PUBLISHED BOOK

CHAPTER 04

508 41 4
Bởi Kuya_Soju




WHERE am I? Iyon ang agad na tanong ni Grizelda nang bumalik ang kaniyang ulirat.

Hindi niya alam kung nasaang lugar siya pero mukhang isang warehouse ang kaniyang kinaroroonan. Medyo madilim ang paligid at nakahiga siya sa isang malambot na kama. Napakalawak ng lugar na iyon. Walang ibang tao kundi siya lang. Sinubukan niyang bumangon pero parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya sa sobrang sakit.

What happened? Tanong niya sa sarili.

Makalipas ang ilang sandali ay naalala na niya ang lahat. May delivery boy na pumunta sa bahay tapos siya ang nag-receive no'ng dineliver nito. Pagpindot niya sa ballpen no'ng delivery boy ay may tumusok sa daliri niya at pagkatapos... nahilo siya. Tapos nawalan na siya ng malay. Wala na siyang natatandaan pa pagkatapos no'n. Nagising na lang siya sa lugar na kinaroroonan niya ngayon na hindi niya alam kung saang parte ng Pilipinas. O baka naman wala na siya sa Pilipinas?

Wait. Nakidnap ba ako? Is this kidnap for ransom?! Pero nasaan na ang mga kidnappers? Natatarantang tanong niya sa sarili.

Ngunit nawala agad ang takot sa dibdib ni Grizelda nang maisip niya na baka kinontak na ng mga kidnappers si Ninong August niya para sa ransom money. Siguro okay na ang negotiation at anumang oras ay papalayain na siya. Kilala niya ang kaniyang ninong. Hindi siya nito papabayaan. Hindi ito papayag na may mangyaring masama sa kaniya. Isa iyon sa ipinangako nito bago ilibing ang kaniyang papa.

Pero kung nakidnap siya, bakit hindi nakatali ang mga kamay at paa niya? Wala siyang blindfold o busal sa bibig. Tapos, iyong kama na hinihigaan niya, malinis at mukhang bago. Para lang siyang si Sleeping Beauty na nagising mula sa mahabang pagkakatulog. May budget ba ang mga kumidnap sa kaniya?

OMG. What if, dumating na 'yong mga kidnappers. Ano ang gagawin ko? Paano kung hindi pala sila kidnappers? What if grupo sila ng organ for sale tapos ang internal organs ko ang gusto nila sa akin. Kung ganoon, kailangan kong lumaban. But... how? I don't know any martial arts. Bakit kasi noong time na buhay pa si papa at sinabi niya sa akin na mag-aral ako ng self-defense ay hindi ako pumayag! Biglang nataranta si Grizelda sa naisip niyang iyon.

Lord, Ikaw na po muna ang bahala sa akin, ha. Please, don't let me die. Ayoko pang sumunod kina mama at papa. Marami pa akong gustong gawin sa life ko. Gusto ko pang ma-experience ang ma-in love, magkaroon ng boyfriend, dinner dates and of course ang maikasal at bumuo ng sarili kong family! Mataimtim pa niyang dasal.

Talagang sa prayers na lang siya kumapit. Iyon na lang ang kaya niyang gawin kasi hindi siya marunong sumipa o sumuntok para ipagtanggol ang sarili.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto. Isang lalaking nakasuot ng white long sleeves polo at maong pants ang pumasok. Nanlaki ang mga mata niya nang nakilala niya ang lalaki. Si Ninong August! Ligtas na siya!

"N-ninong!" Hindi makapaniwala si Grizelda na nasa harapan niya ng sandaling iyon si Ninong August. Mukhang tama ang una niyang hinala na okay na ang negotiation ng mga kidnappers at ni Ninong August.

Naglakad ito palapit sa at nagkaroon siya ng lakas para salubungin ito. Sobrang seryoso ng mukha ng kaniyang ninong. Patakbo siyang lumapit dito at sa sobrang saya niya ay napayakap siya nang mahigpit dito. "Ninong! I am so happy that you are here! Umalis na tayo rito bago pa dumating ang mga kidnappers!" sabi niya matapos niya itong yakapin.

"No, Grizelda. Hindi tayo aalis dito. Ako ang nag-utos sa mga taong iyon para dalhin ka sa lugar na 'to," anito.

Nanlamig si Grizelda nang sobra. Napahakbang siya paatras. "I-ikaw ang nagpakidnap sa akin? W-why? Is it because of money?" Hindi siya makapaniwala.

Matagal na bang plano ng Ninong August niya ang lahat ng iyon? Kaya ba super close ito sa kaniyang papa at sa kaniya ay dahil meron itong hidden agenda? O baka naman papatayin siy nito para mapupunta na rito ang lahat ng kayamanan ng pamilya niya?

Napakarami na agad tumakbo sa utak ni Grizelda ng sandaling iyon dahil sa wala siyang maintindihan sa nangyayari.

Nanatiling nakatitig si Ninong August sa kaniya.

"Bakit hindi ka magsalita, ninong? Aminin mo ang totoo! You did this for what? Money?! Papa will not be happy sa ginagawa mong ito. Itinuring ka niyang parang tunay na kapatid tapos ganito ang gagawin mo? How dare you!"

Ninong August smirked. Hanggang sa malakas itong tumawa.

"What's funny?!" Naiinsulto niyang tanong.

"Ikaw, Grizelda!" Itinuro siya nito habang pilit na pinipigilan ang pagtawa. "Iniisip mo talaga na kinidnap kita? Alam mong hindi ko iyan magagawa. Hindi kita kinidnap para kamkamin ang kayaman ng mga Russo kung iyan ang iniisip mo."

"Anong hindi kinidnap? E, may lalaking nagpanggap na delivery boy na nagpunta sa house tapos pinatulog ako gamit ang isang ballpen—"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit walang nakabantay na security guard sa bahay ninyo kanina? Because that is planned. Sa paraan na ganoon kita dinala rito sa warehouse ng papa mo para alam mo na agad ang magiging buhay mo simula sa araw na ito."

Ano bang pinagsasabi ni Ninong August? Tagalog naman ang salita niya pero bakit hindi ko maintindihan? Naguguluhang tanong niya sa sarili.

"I don't get it." Umiling pa si Grizelda.

"Okay. Sumama ka sa akin."

Inilahad ng ninong niya ang isa nitong kamay pero tiningnan niya lang iyon.

"Duda ka pa rin ba sa akin, Grizelda? I am not the bad person here. Wala sa warehouse na ito ang mananakit sa iyo. Kaya sumama ka sa akin para maintindihan mo na ang lahat."

Diretso niya itong tiningnan sa mata. Wala naman akong nakikita na may gagawin itong masama sa kaniya. Charming at katiwa-tiwala pa rin ang tingin niya rito. Ito pa rin iyong Ninong August niya na mabait, caring at maaalahanin. Iyong palaging nasa tabi niya at parang naging pangalawang tatay na niya.

Hinawakan na niya ang kamay nito at lumabas na sila sa malaking kwarto na iyon. Nagulat siya nang paglabas nila sa pintuan ay may mga lalaking nakahanay sa right and left side nila. Lahat ay nakasuot ng black suit, pants and shoes. Para siyang ga-graduate ulit sa high school. Ang nakakagulat pa ay nang sabay-sabay na nag-bow ang mga lalaki nang nakita sila ni Ninong August.

"Who are they?" Nagtataka niyang tanong kay Ninong August.

"They are our soldiers."

"Soldiers? As in, sundalo? Bakit ganiyan ang suot nila? Para silang mga gangster sa Korean series!"

"Hindi ang sundalo na iniisip mo. Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya."

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Patingin-tingin siya sa mga lalaki sa kaliwa at kanan nila. Hindi umaalis sa pagkakayuko ang mga ito na para bang isa siyang prinsesa o reyna. Parang napakataas ng respeto ng mga ito sa kaniya at damang-dama niya iyon. Medyo nagugulahan na talaga siya kaya kailangan na talaga niya ng explanation ng kaniyang ninong.

Dinala siya ni Ninong August sa isang mas maliit na silid. Para iyong office. May table na may desktop computer. May shelves na may nakalagay na malalaking aklat. Big sofa, center table and chairs. May malaking charcoal painting ng papa niya sa likod ng table kung saan naroon ang computer. Medyo nalungkot siya nang makita ang painting na iyon ng namayapa niyang ama.

"Ito ang office ni papa mo sa warehouse na ito, Grizelda," panimula ni Ninong August.

Pinaupo siya nito sa office chair at in-open nito ang desktop computer sa harapan niya.

"Ito ba ang business ni papa? Para saan ang warehouse na ito?" tanong niya.

"Hindi ako ang sasagot niyan kundi si Stefano."

"Si papa? But he's dead, ninong. Paanong si papa?"

Hindi sumagot si Ninong August. Hinawakan nito ang mouse at may in-open itong folder sa computer kung saan merong laman na isang video file na ang file name ay "Papa's message to Grizelda (18)".

"Matagal nang ni-record ni Stefano ang video na ito dahil alam niya na desidido na ang kalaban niya na patayin siya. Inihanda na niya ang lahat para sa iyo, Grizelda. At ang sabi niya, kapag nawala siya bago ka mag-18 years old ay ipapanood ko sa iyo ang video na ito after mong mag-debut," sabi ni Ninong August.

"M-may gustong pumatay kay papa?" Lumakas ang kabog ng dibdib ni Grizelda.

"Mamaya ko sasagutin lahat ng tanong mo after mong mapanood ang video ng papa mo."

Binuksan ng ninong niya ang video file. Agad na nag-flash sa monitor ang mukha ng kaniyang ama. Nakangiti ito nang malaki. Masaya ang mata nito. Buhay na buhay pa ito. Hindi niya napigilan na maging emotional. Naging sunud-sunod ang pagpatak ng kaniyang luha.

"Papa..." Tinawag niya ito na para bang maririnig siya nito.

Kinuhaan ang video ng papa niya sa mismong office kung nasaan siya ng sandaling iyon. Nakikita niya kasi sa background nito iyong malaking charcoal painting nito.

Nagsimula nang magsalita si Stefano sa video. "Hello, my princess. Alam ko, kapag pinapanood mo na ang video na ito ay wala na ako. I am sorry kung hindi mo na ako makakasama. God knows how much I want to be with you forever pero masyadong malakas ang kalaban ng grupo namin. Gusto kong aminin sa iyo ang lahat-lahat, my princess. And sorry again kung hindi ko sinabi sa iyo kung sino talaga ang papa mo. I just want to protect you. I am the boss sa isang mafia group. Russo Mafia. Originally, we're from Italy. We're a criminal organization. But we're not just doing illegal things just to get money. Pamilya ang turing ko sa grupo na ito. Si Ninong August mo, he's the underboss. He's the second in command. Sa madaling salita, kaliwang kamay ko siya. You can trust him one hundred percent..."

Nag-pause saglit ang ama niya na parang nag-iisip pa ito ng sasabihin.

"To be honest, ayoko na sanang ipaalam ito sa iyo pero naisip kong kailangan. Ayokong habangbuhay na ilihim sa iyo kung sino talaga ang papa mo. Yes, I did bad things, my princess. We got our money sa paraan na hindi mo kayang isipin. Pero we give back sa mga charities at mga taong tunay na nangangailangan. Alam mo naman ang kwento ni Robinhood, right? Ganoon ang grupong ito, my princess. I decided na sabihin ito sa iyo dahil nalaman ko na alam na ng mga kalaban na anak kita. They killed me and now they are after you. Hindi 24/7 na kaya kang protektahan ng mga soldiers natin. You have to learn to fight. Dapat alam mo kung paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili. Kailangan mong malaman ang lahat para mamuno sa ating mafia group."

Nag-smile ang papa niya na para bang nakikita siya nito.

"Yes, my princess. Gusto kong maging fighter ka. Iyong kahit wala na ako sa tabi mo ay kaya mo pa ring lumaban sa mga taong may balak na masama sa iyo. At sa video na ito, gusto kong sabihin na ikaw—GRIZELADA RUSSO. My only princess ay ang magiging pinuno o tinatawag na boss ng Russo Mafia. Sa iyo ko inaatang ang aking posisyon sa pamilyang ito. Hinihiling ko rin sa aking underboss na si August Romano na gawin ang lahat ng pagsasanay at pagbibigay ng kaalaman sa aking anak upang maging karapat-dapat siya na maging BOSS ng Russo Mafia."

Para masisiraan si Grizelda ng katinuan sa mga nalalaman niya ng sandaling iyon. Naiintindihan niya naman ang mga sinasabi ng papa niya pero talagang gulat na gulat siya sa mga nalaman niya. Hindi niya naisip sa buong buhay niya na leader ng isang mafia group ang kaniyang papa na nakilala niya bilang mabait at sobrang sweet na tatay.

"My princess, I am doing this hindi para ilagay ka sa kapahamakan. Natatakot lang ako na baka hindi mo kayang ipagtanggol ang iyong sarili kapag kinakailangan. And I also believe that this is your destiny. To be the boss of this family. But always remember that, you'll be my one and only princess kahit na ikaw na ang boss. Palagi lang akong nasa tabi mo. And always remember that, I love you so much, my princess. Nothing can change that. Bye, my princess..." Kumaway ang papa niya at doon na natapos ang video.

"I love you too, papa! I miss you so much!" Hindi na namalayan ni Grizelda na tigam na siya sa luha. Halos hindi na siya makahinga nang maayos.

Hinayaan lang muna siya ni Ninong August na umiyak nang umiyak hanggang sa medyo kumalma na siya. Kumuha ito ng isang baso ng tubig at ibinigay iyon sa kaniya. Inubos niya iyon at medyo lumuwag ang kaniyang dibdib. Binigyan din siya nito ng panyo upang pamunas sa kaniyang luha.

"Mafia boss si papa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Grizelda habang nagpupunas ng luha.

"Yes. That's your father real identity. Boss na siya bago pa niya nakilala ang mama mo. Inilihim niya sa iyo ang lahat para protektahan ka pero nalaman na ng mga kalaban ng grupo kung sino ang anak ni Stefano."

"Sino ba ang mga kalaban ni papa?"

"Another mafia group. Gusto nila na sila lang ang nag-iisang mafia group dito sa Pilipinas. Gusto nilang burahin ang Russo Mafia. Gusto nilang patayin ang lahat ng miyembro nito at wala silang ititira kahit isa. Kaya gusto ni Stefano na matuto kang lumaban. Sasailalim ka sa tatlong buwan na training at pagkatapos no'n ay ipapakilala na kita sa buong grupo bilang bagong boss."

"Ang sabi mo, m-may kalaban si papa. Be honest, ninong. Totoo bang aksidente ang ikinamatay ni papa?"

"No, Grizelda. Ang totoo niyan ay in-ambush ang sasakyan ng papa mo nang papunta na siya sa airport. In-ambush siya ng mga kalaban natin—ng Falco Mafia. Isa sa hiniling ni Stefano sa akin bago siya mawala ay ipa-cremate ang katawan niya kapag namatay siya sa kamay ng mga kalaban. Ayaw niyang makita mo ang hitsura niya na tadtad ng bala." Mapait na sagot ni Ninong August.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil nahirapan siyang makahinga sa nalaman. "How about mama?"

"Pinatay din siya ng mga kalaban."

"Oh my, God!" She cried.

Makalipas ang ilang sandali ay nawala ang lambot sa kaniyang maamong mukha. Napalitan iyon ng galit. Galit para sa mga taong pumatay sa mga magulang niya. Kung hindi dahil sa mga taong iyon ay kasama pa sana niya ang mama at papa niya ngayon. Inalisan siya ng mga ito ng kasiyahan! Kung nasa harapan niya lang siguro ngayon ang mga taong iyon ay baka pinatay niya na itong lahat!

Tumiim ang bagang ni Grizelda. "I want to avenge my mama and papa's death, ninong. Gusto kong ako mismo ang maniningil sa mga taong responsible sa pagkamatay nilang dalawa! Gusto nila tayong ubusin? Uunahan natin sila!" Puno ng poot na sigaw niya. Naikuyom niya nang mariin ang kaniyang mga kamay sa sobrang galit.

Unang beses sa buhay niya ay noon lang siya nakaramdam ng ganoong katindi na galit. Sa buong buhay niya, hindi niya naisip na makakaramdam siya ng ganoong emosyon. Parang sa sobrang galit niya ay kayang-kaya niyang pumatay ng tao!

"Gagawin natin iyan pero—"

"No, ninong! Dalhin mo ako sa kanila. Now! Gusto kong gumanti na ngayon!"

Inikot ng ninong niya ang upuan niya paharap dito at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay niya. "Hindi ka pa handa, Grizelda. Kaya gusto ng papa mo na sumailalim ka sa isang pagsasanay para kapag dumating na ang araw na kailangan mo na silang harapan ay kaya mo nang ipaghiganti ang mama at papa mo. Sa ngayon, hindi mo pa kaya. Trust me. After three months of training ay ibang Grizelda na ang makikilala nating lahat." Paliwanag nito.

Huminga siya nang malalim. Pinipilit niyang pakalmahin kahit kaunti ang sarili pero hirap na hirap siyang gawin. Namamayani sa katauhan niya ang galit at kagustuhan na maghiganti. Para siyang gutom na leon na biglang pinakawalan at handang kainin nang buo ang lahat ng buhay na makikita niya. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit.

"K-kung ganoon, simulan na agad natin ang training, ninong!" Matalim ang matang sabi ni Grizelda.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.3M 35.5K 54
[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may pa...
1.6M 8.1K 12
Second book of His Gangster Girl. 'The heart remembers what the mind forgets' The rest of the story is on dreame! :)
967K 33.3K 76
I'm a self-confessed bully. Hindi ako kagaya ng mga ibang bullies na nagbabait-baitan pag may teacher o kahit sinong nakakatanda pag andyan. Hindi ak...
23.5K 396 62
2020 checklist: Kill the cheating bastard. Kill the traitor friends. Kill the mistress.