TVD #8: You Missed, Cupid!

By overthinkingpen

6.8K 419 290

The Valentine Diaries #8: Maria Phlegon Linhares Pana Linhares is head over heels in love with Enzo Avillanoz... More

The Valentine Diaries
You Missed, Cupid!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 6

259 26 8
By overthinkingpen

Chapter 6

I can feel my cheeks burning as I stare at Eros.

Itinulak ko ang balikat niya palayo sa ‘kin pero nanatili pa rin ang titig niya.

“Hindi kita magugustuhan!” I say.

Eros chuckles. “You better not.”

Kumunot ang noo ko at naramdaman ang umaapaw na inis para sa kaniya. Para siyang naghahamon.

Nag-isip ako ng pwede kong sabihin sa kaniya pabalik. Kahit ano! Pero wala akong maisip.

Sa huli, tumalikod na lang ako sa kaniya at umamba nang aalis pero natigilan ako nang bigla kong maalala ang emosyon sa mga mata niya kanina.

Ibinalik ko ang tingin kay Eros at naabutan ko ang seryosong titig niya sa ‘kin. His lips twist for another smirk and I immediately feel irritated. I purse my lips before I start stomping away from the devil.

Hanggang sa makauwi ako, hindi ko malimutan ang iritasyon ko para kay Eros. Lalo na ang ngisi niya. Parang sadya niya akong iniinis at hinahamon.

You better not.

Hah! Ano’ng akala niya? Na may posibilidad ngang magustuhan ko siya? Bakit? Ibang-iba naman siya kay Enzo! Hinding-hindi ako maiirita kay Enzo nang ganito. ‘Di tulad niyang si Eros. Parang bawat hininga niya, nagdidilim ang paningin ko sa inis.

Hindi ko rin maalis sa isipan ko ang lungkot na nakita ko sa mga mata niya no’ng gabing ‘yon. Kamukhang-kamukha niya kasi ang kakambal niyang si Enzo kaya naman may kaunting kumukurot sa puso ko kapag naiisip ko ang mga mata niya.

Bakit ba kasi kailangang magkamukhang-magkamukha ang kambal na ‘yon? Ang hirap nilang kilalanin! Kung hindi pa nang-aasar si Eros, hindi ko pa mari-realize na siya ‘yon at hindi ang kakambal niya.

Paano ko ba mas madaling madi-distinguish si Enzo mula kay Eros?

Kaya naman nang pumasok ulit ako sa university, ‘yon ang pinagkaabalahan kong tuklasin. Kapag nakikita ko si Enzo, sinusubukan kong mas obserbahan pa kung paano siya kumilos. Gano’n din kay Eros.

Pero parang wala silang halos na pinagkaiba sa normal na mga pagkakataon. Na-realize ko kasi na malamig din kung tumingin si Eros sa tuwing naglalakad nang mag-isa sa campus. Para bang wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya.

Gano’n din naman si Enzo pero ang kaibahan lang, parating kasama ni Enzo ang banda niya.

I notice that Eros doesn’t have any friends.

Introvert ba siya? Ayaw makipagkaibigan?

Pero kumpara kay Enzo, mas bihira ko kung makasalubong si Eros sa campus. Ngayon ko nga lang siya nabigyang pansin dahil ngayon lang ako nagka-interes na tukuyin kung ano ang pagkakaiba nilang dalawa ni Enzo.

Kung hindi ko pa bahagyang sinasadyang hanapin si Eros, mukhang hindi ko pa siya makikita.

Paminsan, iniisip ko kung dati ba, inakala kong si Enzo ang nakikita ko pero si Eros pala ‘yon? Agad akong kinilabutan. Paano nga kung may mga beses na kilig na kilig ako kay Enzo tapos, si Eros pala ang nakikita ko?!

Agad akong napamura sa naisip at napalingon sa ‘kin si Antonia.

“What’s your problem?” tanong ni Antonia at napatingin ako sa kaniya.

Umiling ako at napatingin sa mga bagong dating sa college cafeteria.

Agad na napaayos ang upo ko nang makita si Alec na papasok kasama ang ilang mga lalaking pamilyar sa ‘kin. Sila ‘yong mga nagpanggap na wedding organizer at nandoon din ang pekeng pari.

I hear Antonia groaning beside me. Mukhang kahit siya, napupundi na rin sa halos araw-araw na paghingi ng tawad ni Alec.

Ang arte niya rin kasi. Kung nauumay na pala siya, sana, patawarin niya na ang tuta niyang si Alec. Kawawa naman!

Nang makalapit si Alec, agad niyang ipinakilala sa akin ang tatlong lalaking kasama niya. Si Yano, Ricky, at Hans.

Napapalingon sa amin ang ibang mga estudyante sa cafeteria lalo na't hindi naman umupo ang apat at nanatili lang na nakatayo sa tapat ng mesa namin ni Antonia.

‘Yong Yano ang nagpanggap na pari. Habang ‘yong Hans at Ricky naman ang naghanap kay Enzo—o Eros no’ng heart’s day.

Nakasimangot ako kaagad nang dumating sila lalo na habang nakatitig ako ro’n sa Ricky at Hans.

“Nandito kami para humingi ng sorry—” Nagsasalita pa lang si Alec, gusto ko nang busalan ang bibig niya para tumigil na siya sa paghingi ng tawad.

Nakita kong hinimas no’ng Ricky ang batok niya. “Pasensya na. Hindi ko naman kasi alam na may kakambal pala si Enzo.”

“Saka, magkamukhang-magkamukha sila!” si Hans. “Picture lang naman ni Enzo ang ipinakita sa ‘min. Akala ko, siya ang nadampot namin ni Rick.”

Nagkamot naman ng kilay ‘yong Yano at mukhang naiinis na ito na kailangan niya pang pumunta rito para magpaliwanag.

“Malay ko bang si Enzo pala ang gusto mong pakasalan? Sinunod ko lang naman ang inutos sa ‘kin. Ang usapan, magkakasal lang.” Nagmura ito pagkatapos bago tinulak nang kaunti ang balikat no’ng Rick. “Dampot kasi kayo agad nang dampot.”

“Bakit ako? Si Hans! Siya ang nagturo sa ‘kin na si Eros daw ang dadamputin. Saka hindi ko nga alam na may kakambal pala ‘yong Enzo!”

Napangiwi ako. Para namang mga kidnapper!

“Tama na,” si Alec.

Antonia hisses and I look at her. I catch her glaring at Alec kaya naman siniko ko siya. Ako naman ang tiningnan niya ng masama.

“Mag-sorry na kayo,” ani Alec.

Bago pa man humingi ng tawad sina Yano, itinaas ko na ang kamay ko para pigilan sila dahil rinding-rindi na rin ako sa salitang sorry.

“It’s fine,” I say.

“Okay lang naman pala,” ani Yano, mukhang lalong nainis dahil napakamot ulit sa kilay at halos umirap na.

Sumama tuloy ang tingin ko sa kaniya. Agad na umiwas ng tingin si Yano nang makita ang sama ng tingin ko sa kaniya at napatikhim.

━━

He doesn’t show up when I need him to.

Kung kailan talagang hinahanap ko si Eros para maobserbahan siya, saka naman siya nawawala. Parating sina Amos at Enzo ang nakikita kong magkasama.

Not that I’m complaining! Pabor pa nga sa ‘kin ‘yon.

It’s just weird that I don’t see him around.

News about the two of us are dying down now. Siguro dahil sa lumipas na ring mga araw.

“Ang gwapo niya talaga,” I say dreamily as I stare at Enzo buying food at one of the stalls of the cafeteria. Kasama niya si Amos at kanina pa sila pinagtitinginan ng mga estudyante.

We see them every day but it just feels surreal. It’s hard to stop ourselves from fangirling everytime we see them. Alam kong nagpipigil lang din ang iba na magwala sa tuwing nakikita sila sa campus dahil kahit papaano ay gusto naming bigyan ang The 96th Point ng privacy at freedom kahit sa loob man lang ng campus.

Nakuha na yata ng Torrero University ang lahat. With the stunt they do for the senior high school department’s school paper and the bands they produce here sure do the job of making the university rise in popularity above other schools.

“Ano ba’ng nagustuhan mo kay Enzo?” takang tanong ni Antonia habang nakikititig din kina Amos at Enzo.

“His cold eyes. The cold personality. Pero alam mo ‘yon? Parang kahit irapan niya ako, mamahalin ko siya,” I say.

Napailing si Antonia sa ‘kin at nagpatuloy sa pagkain ng burger na binili niya kanina. “‘Yon lang? Wala ba ‘yong parang pwedeng ipang-MMK?”

“Meron.”

“Ano?”

“Kasi nakita ko siya almost three years ago,” I say, resting my chin on my palm as I recall the day I first fall for him. “Nakapanood ako ng isa sa mga gigs nila—accidentally. After the gig, naghihintay na ako ng sasakyan pauwi sa gilidng restaurant. Nakita ko siya, lumabas galing doon. Hindi ko naman dapat siya papansinin pero napatitig ako sa kaniya.”

“Then?” Antonia asks.

“Tapos, huminto siya sa tabi ko. Natigilan ako saka umiwas ng tingin kasi hindi ko inasahan na tatabihan niya ako sa gilid ng kalsada.”

“Tabi? As in? Dikit?” gulat na tanong ni Antonia.

“Hindi. Mga isang dipa,” I say.

Napamura si Antonia. “Kung maka-kwento ka, parang tabing-tabi talaga.”

Umirap ako.

“Tapos?” she asks.

“Tapos, ibinalik ko ulit ‘yong tingin ko sa kaniya. Naabutan ko siya, nakatingala sa langit. Ang ganda ng panga niya pero ‘yong mga mata niya ‘yong napansin ko. They look so empty and cold.”

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko at inilahad ko ‘yon.

“Tapos lumingon siya sa ‘kin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi na ako makaiwas ng tingin kasi nahuli niya na ako.”

“Tapos?”

“He asked me.”

“He asked you?” gulantang na ulit ni Antonia sa sinabi ko.

Tumango ako.

“What did he ask you?”

“For my number,” seryoso kong sabi.

Tinitigan ako ni Antonia at tinitigan ko rin siya pabalik. Ilang segundo kaming nagtitigan. Seryoso lang ang mukha niya at gano’n din sa ‘kin.

Unti-unting tumaas ang kilay ni Antonia. “Joke ‘yon?”

Agad akong umiling.

“Gising na, Pana. Baka tulog ka pa,” she says flatly.

“Ito naman!” reklamo ko at halos umirap. “Hindi man lang sinakyan ang ilusyon ko.”

“Hindi kasi kapani-paniwala,” aniya. “Si Enzo Avillanoza? Hihingin ang number mo? E, wala nga ata ‘yong pakialam kahit kanino.”

Nakakababae talaga si Antonia kung minsan. Wala man lang suporta bilang kaibigan!

“Fine! Hindi nga ‘yon ang sinabi niya.”

“Alam ko,” ani Antonia at halos hablutin ko ang buhok niya. “Ano nga kasi?”

“Nagtanong siya. Ang sabi niya, ano raw kaya ang pakiramdam na mapabilang do’n sa mga bituin sa taas,” I say and I sigh. “Hindi ako nakasagot kasi sinundo na siya ni Amos. Tapos umalis na sila. Ilang araw kong inisip ang tanong niya matapos ‘yong gabi na ‘yon.

"Tapos lagi ko nang napapanood ang banda nila. No’ng sumisikat na talaga sila, natuwa ako para kay Enzo kasi siguro ngayon, alam niya na kung ano ang pakiramdam na maging star. Kasi ang kinang na niya—nila. Tinitingala na rin siya ng mga tao kung pa'no niya tiningala 'yong langit no'ng gabing 'yon."

Maybe because Enzo made me more curious about him. I eventually fell because of it.

Sa unang taon, hanggang tingin lang naman talaga ako sa kaniya. Sa sumunod na taon, saka ako nagpadala nang nagpadala ng mga sulat sa kaniya.

Lagi rin akong nanonood ng gigs. Lagi akong nagme-message sa social media niya. Pero talaga yatang hindi na niya ako mapapansin ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...