A Chance At Love ⚥

By HikariBlue15

11K 247 22

It was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka... More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

1

1.2K 11 0
By HikariBlue15



Kakalabas ko lang ng furniture shop ng maabutan ako ng gutom. I was having a hard time looking for some place to eat.

Ang laki naman kasi masyado ng mall na 'to! Di ko tuloy alam anong pipiliin kong kainan.

I just really wanna eat!

"Garcia?"

Hm?

Napalingon ako sa may stante ng McDo only to find a familiar face na gulat rin atang makita ako dito.

"Oy, Em!" Ang lapad ng ngiti ko at mabilis na nilakad ang kinaroroonan nya.

"Anong trip mo at nakatayo ka dun?" Natatawang usisa nito.

Kamot ko tuloy ang sentido ko at nahihiyang ngumiti.

"Wala." Nagtaas ito ng kilay.

"Mildred!"

Sabay pa kaming napalingon sa loob ng fastfood, nakita kong may babaeng kumakaway sa kanya.

"May nahanap na kaming table natin."

"Ah, sige sunod ako."

Humarap ulit si Mildred sakin na may ngiti. "Kumain ka na ba?" Bigla lumiwanag iyong mata ko sa tanong nya.

Actually wala talaga sa plano kong kumain ngayon ng McDo pero...

"Sa totoo nyan ay pakain na rin sana ako. Di lang ako makadecide kung san." Pertaining to all the store that was lined up. Narinig ko siyang napatawa. "Sige, baka inaantay ka na ng mga kasama mo."

Gusto ko sana tanongin kung pwede ba ako sumama sa kanila, para naman di ako ganun ka lungkot kumain ng lunch. Kaso nahiya ako.

"Ganun? Uhm, gusto mo sama ka na samin kumain?" Halatang nag-aalangan ito. Gusto ko sana sumigaw ng oo pero pinigilan ko talaga ang sariling mapahiya.

"Okay lang ba? Di ba nakakahiya sa mga kasama mo?"

"Kasama ko lang naman mga workmates ko eh."

Nagdalawang isip pa ako. Pero ng mahagip ko iyong pagkagat nya sa kanyang labi ay parang nabuhayan iyong bituka ko. Bakit ba!

"Sigurado ka ah?" Tumango ito.

"Tara, pakilala kita." Sabay hablot pa nya ng braso ko kaya para tuloy nagbaga iyong aking pisngi.

Napansin ko iyong apat na babaeng masayang nag-uusap sa isang table, tsaka ko lang din napuna na pareho iyong mga suot nila. Uniporme pala nila sa work.

Ang talino ko talaga.

"Nauna na kaming umorder." Bungad nong kaninang tumawag sa kanya.

"Okay." Sabay baba ni Mildred ng bag sa upoan. "Ay girls! Kaibigan ko nga pala, Janelle." Sabay pa yung apat na bumaling sakin at may ngiti sa mga labi. "Garcia, mga kasama ko sa work. Si ate Roxanne, Lyka, Rona at Maya."

Isa-isa akong nag hello sa kanila habang may ngiti din silang bumati sakin.

"Sige order muna kami." Tatango-tango lang ako at sumabay na sa kanyang magpunta ng counter.

"Uhm..." hindi ako masyadong makapag concentrate dahil hawak pa nya yung kamay ko.

Halos limang taon na rin siguro magmula noong nakita ko siya, pero wala parin syang pinagbago. Maliban siguro sa fact na mas lalo pa syang gumanda at sumeksi- ehem! Kaya di mapermi itong dibdib ko eh, dahil sa masyado syang nakakaattract!

"Ano gusto mo?" Hm?

"Ikaw." Kamuntikan ko nang sampalin itong bibig ko pagkalingon nya sakin. Halatang natatawa ito kaya tinutokan ko iyong board. "Ah yung 2 piece chicken at bff fries po, tas isang extra rice din miss." Sabay ngiti dun sa kahera.

"Ano po yung drinks nyo?" Antamis naman ng ngiti ng mga staff dito.

"McFloat na lang miss." Napalingon naman ako sa katabi ko. "Ikaw, ano gusto mo?"

Habang umoorder sya kinuha ko agad yung wallet ko.

"Ito po bayad."

"Em ako na." Pigil ko sa kamay nya.

"Huh? wag na."

"No please, let me." Sabay abot ng card kay ate.

Napaigik ako ng maramdaman kong tinusok nya iyong tagiliran ko.

Nubayan!

"Kaw hah! Pag ako di mo nilibre sa susunod, sasapatosin kita!" Biro pa nya sakin kaya pareho kaming napatawa.

"Yun lang pala eh, bigay mo sakin number mo at ililibre kita ulit!" Cross fingers!

Nakataas na yung kilay nya sakin. Akala nya ata binibiro ko sya.

"Em, matanong ko lang,"

"Hm?" Inaantay lang namin yung pagkain.

"San ka na pala nagtatrabaho ngayon?" Curious lang.

"Ah, jan lang sa Malayan." Napakagat pa siya sa ibabang labi tila ba pinipigilang sumilay ang kanyang ngiti.

Bat ganyan sya makangiti? Oo ang ganda nya pero, please lang! Let me live!

"Malapit lang, kaya pala dito kayo maglalunch." Hehe! Lapit lang din pala sakin.

"Ikaw, bakit ka nga pala napadpad dito ng mag-isa?"

"Hehe. May binili lang."

Kinailangan ko kasi ng mga gamit sa condo kaya ako andito.

Kinuha ko iyong card ko at binuhat ang tray na maraming laman habang hinayaan ko naman syang dalhin yung maliit na tray.

Sabay-sabay na kaming kumain. Panay ang chika ng mga friends niya habang ako ay pawang tagakinig lang.

Nakakatuwa dahil may pagka jologs pala tong mga 'to. Medyo nahiya nga ako ng mapagdiskitahan nila iyong dami daw ng pagkain ko.

Dyahe!

"Ay Janelle, matanong lang. Pano nga pala kayo nagkakilala nito?" Si Lyka sabay turo sa katabi ko.

Napalingon ako kay Mildred, nakatingin na din pala sya sakin.

"Actually, magkaklase kami nong high-school." Tatango-tango naman itong huli.

"Talaga?! Eh nong college?" Tanong nung Rona.

"Ah hindi na. Lumipat kasi ako ng school pagtungtong ko ng 3rd year at dito na sa city nag-aral."

"Mahilig kasi mang iwan ng buhay 'to." Napamaang ako sa sinabi niya. "Oh bakit, di ba totoo?" Hamon naman nya ngayon.

Kainis! "Di ko naman kasi choice na lumipat. Grabe, ilang taon na yun ah di ka parin nakakamove-on dyan?"

Kasi naman, kahit nong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Pag nagkaka usap ay yan ang lagi nyang hirit sakin.

Tsk! Irapan daw ba ako?

Mukhang natutuwa pang nanunuod itong mga kasama nya.

"Ano pala course mo?" Tanong nong ate Roxanne niya.

"Uhm, BS Psychology po." Narinig ko iyong pag wow nila kaya para namang may kung anong galak sa loob ko.

Proud lang!

"Nuks! Sosyalin!"

"Hahaha di naman."

Panay tanong nila sakin ng kung anu-ano. Nasakin na nga ata lahat ng attention nila eh! Sa dami ng tanong nila hindi ko matapos-tapos iyong pagkain ko. Mukhang si Mildred na nga ata nakaubos nong fries ko eh. Langya, mas nabusog ata ako sa chika kesa sa kinakain ko.

"Sige Janelle ah, una na kami sayo at patapos na din iyong break namin." Paalam ni Rona na sinang-ayunan nong iba.

"Ay, sige! Salamat nga pala sa company!"

Nauna na silang maglakad ng humarap ako kay Mildred. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko at inilahad yun sa kanya na ikinataas naman ng kanyang kilay.

"Penge ako number mo." Tinawanan pa ako.

"Bakit? Pwede mo naman ako e message sa FB or IG ah." Napangiwi ako.

"Eyy, malay ko ba kung magrereply ka. Tsaka may mga message pa nga ata ako sayo na di mo nababasa eh!" Tignan mo 'to, tawa na naman.

"Wag ka ngang malisyoso! Nagrereply kaya ako!"

"Oh, talaga?! Halikan kita ngayon pag nakita kong may message ako na di mo binasa?" Akma ko sanang tignan yung messenger ko. Kaso ambilis naman niya nakuha sakin yung phone.

"Oo na! Ibibigay na nga, diba!"

"Kita mo 'to! Alam mo ngang may di ka binasa!" Inirapan pa'ko! "Pag ako nagtext at di mo nireplyan pupuntahan kita sa workplace mo!"

"Impakto ka! Masisante pa ako dahil sa kakulitan mo!" Tawang-tawa naman sya! "Oh, yan na! Pasok na ako."

Malapad ang ngiti kong edinial agad yung number. Baka kasi ma scam pa ako ng babaeng to.

Narinig naming nagring yung phone nya kaya napacheck ito agad.

"Aba, matindi! Ano akala mo, maglalagay ako ng ibang number?"

"Malay ko ba naman! Kilala kita!" Muntik pa ako masapak kung di ako nakailag. "Hahaha! Sige na, duty ka muna!"

Halatang gigil pa ito pero wala din sya nagawa kundi umirap at tumalikod.

Habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok ng building ay tila ba nililipad iyong katawan ko sa tuwa. Wala pa man din pero kinikilig na ako sa isiping makakausap ko siya mamaya.

Ang totoo nyan ay magmula nong high-school, si Mildred talaga iyong ultimate crush ko. Kaya nga dati rati ay halos kahit ano ata ipagawa nya ay pinagbibigyan ko kaagad.

Minsan nga sa klase ay bigla siyang sinipon at timing nun wala sya dalang panyo kaya ipinahiram ko sa kanya yung bimpong dala ko. Mga tatlong araw din siguro bago nya yun sinauli.

Sa kilig ko dati ay halos araw-araw yun na iyong ginagamit ko, ni hindi ko iyon pinapahiram sa iba.

Ganun ako ka baliw sa kanya dati.

Until now, i still wonder- kung hindi ba ako lumipat ng school ay may pag-asa kaya? Although may isiping nagsusumiksik sa utak ko, the fact na she's straight ay di mawala-wala sakin.

Pero sa limang taong di kami nagkita ay may pag-asang umusbong sa puso ko. Maybe this is the sign to finally take the chance.

...

Kakatapos ko lang mag ayos sa lahat ng pinamili ko at naisaayos na rin iyong mga gamit ko. This time ay grocery na lang iyong kulang. Kakatapos ko lang din makipag-usap kay mama tungkol sa kalagayan ko dito. Sulit na sakin ang unit na ito.

Paglabas ko ng shower ay agad kong kinuha iyong phone ko.

Out ka na?

Sinend ko tsaka nagbihis.

Mag-aalasais na din kasi.

Natapos na ako't lahat pero ni reply ay wala parin akong natanggap. Sabi na eh! Ang lakas talaga mang indian ng babaeng yun!

Nagmamadali kong kinuha iyong wallet tsaka hoodie ko at mabilis na bumaba ng unit. Lakad-takbo ako, panay pa nga hiling ko na sana hindi pa sya nakakauwi.

Mamaya talaga sakin ang babaeng yun.

Hm? Mukhang kakatapos lang ng work nila. May grupo na kasi ng kababaehan na pareho ang suot na unìform, papalabas pa lang ng building. Pero hindi ko naman kita kahit anino nya. But i got excited ng tumunog ang phone ko kaya tumalikod ako agad sa building nila.

Pa-out pa lang. Bakit? Lumapad na ngiti ko.

-

Gusto sana kita imbitahin kumain sa labas. Sana umoo!

-

Kain na naman? Kakalibre mo lang sakin ah!

-

Nood na lang pala tayo ng sine. Kung ayaw mo kumain

Pasimple akong napapasulyap sa building nila, tsinicheck ko lang kung nakalabas na ba sya.

Kaso nakita ko nga siyang papalabas pero may kasama namang lalaki. Nagtatawanan pa silang dalawa kaya agad akong lumingon sa ibang direksyon at nagbaba ng tingin sa cellphone ko. Walang reply.

Shet! Oo nga pala.

Di ko natanong kanina kung wala o meron ba itong kasintahan ngayon.

What the hell did i even expect! Sa ganda ni Mildred, impossibleng walang magkakagusto sa kanya! At sa limang taong hindi kami nagkakausap ay impossible ding wala itong kasintahan.

Ang tanga Jan!

Napasandal na lang ako dito sa poste. Para namang dinaganan iyong pakiramdam ko!

Inantay ko lang na makaalis sila kaya pinilit kong magtingin-tingin sa mga sasakyang dumadaan. Mga ilang jeep na din siguro iyong balak akong isakay, panay iling na lang ako bago ito lumalarga ulit.

"Garcia?"

Di ako agad nakareact. Pero pag lingon ko sa gilid ko ay nanlaki naman ang aking mata. Di rin ito makapaniwalang makita ako rito.

"Anong ginagawa mo dito?" Maang akong napaayos ng tayo. Sasagot na sana ako kaso napansin ko rin yung kasama nya.

"Ah, may inaantay lang ako." Nangunot yung noo nya kaya tipid akong ngumiti.

"Sino?" Parang nataranta naman ako.

Isip... isip! "K-kaibigan ko."

May pang-uusisa iyong tinginan niya. Akma pa sana itong magsasalita ng may sasakyan na namang pumarada sa harapan namin.

"Jananaks! Lintik! Kelan ka pa naging tambay dito?"

Cielo? Shet! Tamang timing talaga!

Thank heavens!

Langya! Tatawa-tawa pa itong kumakaway sa'kin kaya napahakbang ako palapit sa sasakyan at tsaka ko naman nakita yung driver na ang lapad ng ngiti sakin.

"Mommy?"

"Hi nak! Kamusta?" Di ko sure kung anong nakakatawa pero nabuhayan talaga ako ng loob.

"Tara na! Kikitain namin ngayon sina Jaz, siguradong matutuwa yun pagnakita ka!" Yaya pa ni Cielo.

Actually, mga college friends ko sila. Ilang buwan kaming di nagkikita dahil na rin sa busy sa Kanya-kanyang buhay. Himala at napadpad sila dito!

Maalala ko. Napalingon ako sa likod ko. Nakatingin na pala sakin si Mildred kaya nginitian ko lang siya at nauna nang magpaalam.

"Sige, ingat kayo." Gusto ko pa sanang kiligin pero ginantihan ko na lang siya.

"Kayo din." At sumakay na sa likod.




"Uy! Sino yun? Kakilala mo?" Nakapihit itong humarap sakin.

Pinilit kong ibalewala iyong nakita ko at ngumiti ng konti.

"Ah, kaklase ko nong high-school."

"Talaga?" Tumango na lang ako. "Bat parang ang tamlay mo?"

"Wala naman."

"Ehem!" Eksaheradang tikhim ni Rizza. "Parang alam ko na."

"Ano yun?" Sabay baling ni Cielo sa kanya.

Pati tuloy ako na intriga. Nakita kong napasulyap si Rizza sakin mula sa salamin.

"Crush mo yun noh?" May halong panunudyo pa yung tawa nya.

Biglang napabunghalit ng tawa iyong katabi nya. "Lintik! Kaya pala ang haggard mo tignan!"

"Peste! Tumahimik ka Marites ah!" Langya, pinagtawanan na talaga nila ako.

"Mommy naman eh! Ba't ka ganyan?"

"Kasi yang mukha mo. Halata masyado, bitter ka dun sa kasama." Peste!

Rinding-rindi na talaga ako sa tawa nitong si Cielo.

"Hindi kaya!" Parang gusto kong tumalon.

Kainis naman oh! Basted na nga ako napagtawanan pa feelings ko! Letse!

Nagmukmok na lang ako dito sa gilid. Natigil din iyong pagtawa ni Cielo.

"Oy tyanak! Wag ka na malungkot. Marami pa namang iba dyan eh!"

Ayoko syang kausapin!

Pagka-park ng sasakyan ni Rizza ay diretso akong bumaba at naunang pumasok sa restobar. Pero bigla namang pumulupot iyong braso ni Cielo sa leeg ko. Ang kulit!

"Hoy! Sorry na! Wag ka na magmukmok dyan, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita eh!" Wala din akong nagawa kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Tara na nga sa loob. Ikaw Cielo, pag yan umuwi bigla. Ikaw talaga bahalang mag explain dun sa iba." Natatawang turan ni Rizza at nagpatiunang pumasok.

"Hay naku! Yaan mo na chakababes, inom mo na lang yan." Ano pa nga ba!

Pagdating sa loob ay andun na nga sina Jaz Adrian Sean at Joy. Kanina pa umanong nag-aantay samin kaya panay reklamo. Naatasan pala talaga iyong dalawang sundoin ako. Alam kasi nila na kakalipat ko lang at tamang-tama nakatambay ako di kalayoan sa building na tinitirhan ko.

Ang iingay at kukulit nila. Kung hindi lang din siguro bungisngis tong isa ay hindi din sana ako ang naging pulotan! Ang sasarap talaga nilang balibagin eh!

Umorder sila ng dalawang tower ng beer kaya naman nagsaya na ang mga lasingera! Update dito chika doon. Pati nga malantud na lovelife nitong si Cielo ay nahalungkat! Di din naman ako makarelate sa topic dahil sa circle na ito ay parang ako na lang ata iyong single samin.

Di nagtagal ay nag-uusap na sila sa mga career nila kaya hinalungkat ko na lang muna iyong phone ko. Updated naman kasi ako sa mga career nila eh! Ako lang naman kasi yung matyagang nakikinig sa mga rants and whatsoever nila.

Napansin ko yung last text ko kanina kay Mildred, only to feel down once again. Ano na kaya ginagawa non...

Hi, nakauwi ka na? Inantay ko iyong reply. Mga ilang minuto din siguro bago siya nagtext.

Grabe antagal, tulog na kaya sya? Mag-aalas nuebe na din pala!

Oo, kaw?

-

Di pa. Ano gawa mo? Habang inaantay reply nya ay nag fb naman ako at andami na palang ipinopost ng mga kasama ko.

Peste! May tinag pa si Cielo na ikinaikot ng mata ko. Naka-caption kasi ito ng 'to ease you broken heart' at yung picture ay yung time na seryoso kaming nag-uusap nina Adrian at Sean. Andaming comments, di ko man lang alam na pinagtsitsismisan na pala ako ng mga mokong sa social media! Pag basa ko ng comment section ay andun pa yung ibang college mates namin, nagmamarites lang!

Mga walangya! Naibenta pa ako!

Kukurotin ko na sana tong katabi ko kaso nagbeep yung phone ko.

Patulog na. Tinatapos ko lung yung pinapanood ko.

-

Ah, sige. Happy watching

Letse! Naalala ko, inaya ko nga pala siya kanina manuod ng sine. Baka kung di nya kasama kanina boyfriend nya ay sabay kaming nanunuod ngayon.

Magkasama kaya silang nanunuod ngayon?

Shet! Ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Dapat pala di ko na lang inalala.

Di pa ba kayo tapos? Nagtaas ang kilay ko.

-

Alin? Nakita kaya nya mga pics na nakatag sakin?

Peste! Baka nabasa nya yung nakapost dun!

Agad kong sinamaan ng tingin si Cielo na ngayon ay nakatingin na pala sakin at may malisyosang ngiti. Tsaka ko lang din napansin na sakin na pala ang attention ng lahat.

"Oy!!! Magkatext sila! Hahaha" bruha talaga ang babaeng to!

"Ehem ehem! Effective kaya pambibenta natin?" Tatawa-tawang baling ni Adrian kay Sean kaya lalong tumirik ang mata ko.

"Mga walangya talaga kayo! Sinisira nyo buhay ko!" Peste pinagtawanan lang ako ng mga loko!

"Tanungin mo kung nakita ba nya yung post ko."

"Ikaw Cielo, kanina ka pa ah!" Banta ko sa kanya.

"Ikaw na nga tong tinutulongan eh!" Ang sarap nya balibagin!

Nakita ko yung mga post ng kaibigan mo. Wala kayong pasok bukas?

"Oy! Nakita nya raw!" Anak ng!

"Lumayo ka nga! Napaka mo, grabe!" Kainis!

Ah, baka maya-maya matapos na din kami. Tsaka chismis lang naman trabaho ng mga yun.

"Ay grabe! Ang harsh mo naman magsalita! May career din naman kami kahit papano!" Sasabunotan ko na sana sya kung di pa nya nahawakan yung kamay ko.

"Mommy si Cielo napaka! Nangbabasa ng text!" Kainis!

"Oy Cielo, tigilan mo na nga yan baka mamaya maiyak na yan." Tatawa-tawang puna pa ni Sean kaya lalo akong napasimangot.

Kaya hindi ko sila namimiss eh! Ako na lang lagi pinagtutulongan!

Tahimik ko na lang ininom yung shot ko habang ilang minuto pa akong nag-aantay ng reply. Pero ni isa, wala!

Tulog na kaya yun?

Kasama nya kaya jowa nya?

Parang pinagsindihan ng kandila iyong damdamin ko. Hindi ako makahinga. Hindi ko maiwaglit ang isiping kasama niya yung tao mahal nya ngayon.

Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko. Binulsa ko na lang yung cellphone ko at panay tagay na lang. Pansin din ata nila iyong pagkaboryo ko kaya ng mag aalas dyes na ay nag aya na silang umuwi. Hinatid naman ako ni Rizza sa condo kahit na sinabi kong magtataxi na lang ako dahil malayo-layo pa byahe nya pauwi. Pagkapasok ko ay diretso ako agad sa couch. Antok na ako at medyo nahihilo pa.

Di ko na sana papansinin pa yung pagring ng phone ko ng maalala na baka isa sa mga kaibigan ko yun, inaalam kung nakauwi na ba ako. Kaya naman sinagot ko ito agad habang salampak ang mukha sa throw pillow.

"Hm.."

"Nakauwi ka na?" Hm? Ambilis kong napatingin sa caller ID bago umayos ng upo.

"Em?" Shet! Nahilo ako bigla! Masyadong napabilis pagbangon ko.

Napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Nakauwi ka na ba?"

"Ah, o-oo! Kakarating ko lang." Natatanta naman ako bigla! "Ikaw, bat di ka pa natutulog?"

"Tsk! Di ako inantok."

"Ganun?" Inaantay kaya nyang makauwi ako? Impossible!

Wag kang shunga, Janelle!

"Sige night na. Antok na'ko. Bye."

Ano daw?!

"Oy, te-ka!" Akala ko binaba na nya ng marinig ko siyang sumagot.

"Ano?" Tsk! Ang sungit naman.

"May gusto lang sana akong malaman."

"Di ba pwedeng ipagpabukas yan?"

"Then will you meet me at lunch para maitanong ko sayo?"



"Okay. Goodnight na."

Hah? Pumayag nga sya?

"Talaga?! Sige bukas ah! G-Goodnight din!" At nag end nga yung tawag.

Walang mapaglagyan iyong saya at excitement ko. Para pa akong tangang tinungo ang kwarto while skipping.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 424 50
If it happens that new readers found this, meron po itong book 1, at ang title po ay Formidable Confide, if you're interested, kindly finished the fi...
28K 145 7
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...
341K 494 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
66.2K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...