Reaching the Sky

By simpfordoctricia

262K 11.4K 36.2K

A story wherein Y/N, a well known architect finally met the well known Doctora Tricia Robredo personally, who... More

AUTHOR'S NOTE
DISCLAIMER
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
SPECIAL CHAPTER

47

4.5K 313 977
By simpfordoctricia

note: good eveninggg! we're finally down to our last chapter, writing this note is really making me emotional rn HAHAHAHA hindi naging madali isulat 'tong huling chapter, hindi dahil hindi ko alam isusulat, kundi dahil alam kong huli na at hindi ko pa kayang bitawan. pero sabi nga nila, lahat ay may katapusan. but also let us all remember na sa bawat dulo, may panibagong simula. for the last time.. enjoy, readers!

Y/N's POV

2 years later

"Akin na 'yan!" Keith shouted habang hinahabol si Jill. "Akin 'yan!"

"Akin 'to!" sigaw naman ni Jill at patuloy sa pagtakbo para hindi maabutan ni Keith.

"Huy, ano ba 'yan?" Ate Aiks suddenly appeared sa tabi ko at tiningnan 'yong dalawa.

"Nagaagawan sa damit," sagot ko habang natatawa. "Ang dami dami rito, oh." tinuro ko 'yong bagahe ko na puno ng damit.

"Ang dami nga, saan ba 'yan galing?" Ate Aiks asked while checking the shirts.

"From Bicol po," sagot ko. "Pinadala nila para sa inyo,"

"Oh, really?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Aiks habang nakangiti.

I smiled and nodded.

Matapos ng lahat nung nangyari, I decided to go back sa Bicol to fulfill my promise to Cha before she died. I helped those people na nangangailangan ng tulong kagaya ng ginagawa niya nung nandito pa siya.

I tried giving them all the things and services that they need. Nakipagtulungan na rin ako sa SkyArc para ron sa ibang kailangan ng matitirhan, and thankfully, they gladly helped without any hesitations.

Hindi ako ron totally nagstay, minsan ay umuuwi ako rito para magspend naman ng time with Lian and Inay. And of course, with Ate Aiks, Keith, Jill and Tita.

Tuwing uuwi ako, iba iba ang pinapadala nila sa akin para maiuwi ko rito. Madalas ay pagkain, at 'yong iba naman ay mga sariling gawa nila katulad nitong mga damit.

Naputol ang pagiisip ko nang maramdaman kong tinapik ni Ate Aiks ang balikat ko.

"Sigurado akong masaya si Doc Cy sa nakikita niyang ginagawa mo para sa mga tao," she said. "Nawala man s'ya, pero may taong pumalit at nag patuloy sa mga bagay na naiwan niya,"

"Siya sana ang gumagawa nito kung nandito siya.." malungkot kong saad. "Ate Aiks, do you think she's happy up there?"

Agad siyang tumango. "Unexpected nating nakilala si Doc Cy.. unexpected din siyang nawala. But for sure, sa mga oras na nandito siya.. naging masaya siya. At dala dala niya 'yung mga alaala na nabuo niyo together, palagi."

Ngumiti na lang ako bilang sagot dahil pakiramdam ko kapag nagpatuloy pa ang usapan namin tungkol sa kaniya, hindi ko na mapipigilang umiyak, dahil hanggang ngayon.. masakit pa rin.

"Keith!" tawag ko sa kaniya at nang lingunin niya ako ay ibinato ko sa kaniya 'yong damit na sinadya kong ipagawa para sa kaniya.

"Ano po 'to?" tanong niya at binuklat 'yong damit.

"Huwag mo na agawan 'tong isa," inakbayan ko si Jill. "Sayong sayo 'yan,"

Nang tuluyan niyang mabuklat 'yong damit, her jaw dropped.

"Laloves.." bigkas niya.

"Ano?" masungit na sagot ni Ate Aiks.

Oo nga pala, back to bardagulan na sila.

"Laloves ko.."

"Ano nga?"

"Laloves, ikaw 'to!" Keith exclaimed. "Look look, laloves!"

Natawa ako nang makita kung gaano siya kaexcited ipakita kay Ate Aiks 'yong damit.

'Yong pinagaagawan nila na damit ay may tatak na something related sa Bicol pero 'yong sinadya kong ipagawa ay may mukha ni Ate Aiks.

Sabi ko na, e. Magugustuhan nito.

"Ang ganda mo rito!" Keith said while smiling and looking at the shirt.

"D'yan lang?" biro ni Ate Aiks.

"Syempre.. hindi," sagot naman ni Keith. "Palagi kang maganda no,"

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood silang tatlo mag kulitan.

Sa kabila ng lahat nung nangyari, palaging may pagmamahal at kasiyahan na sasakop sa amin.

Wala kaming magagawa kung magfofocus kami sa bagay na tapos na. Instead, we moved forward at iniwan na sa past ang lahat ng mabibigat na dalahin sa buhay.

"Mga anak, tama na 'yan," Tita suddenly appeared, galing siya sa kitchen. "Ayusin na natin 'to para makaalis na tayo,"

"Kami na po bahala rito, Tita," I said. "Kaya na po namin 'to, saka may niluluto pa po kayo, diba?"

I assured Tita na kami na ang bahala rito sa mga pinadala for them para makapagfocus siya sa ginagawa niya.

Weekends na kaya ron kami lahat magsstay sa bahay. Nang maging maayos ang lahat, we decided na tuwing weekends, it's our family time. Doon kami magsstay sa bahay lahat para makapagbonding.

And ever since, walang nakamiss sa family time namin. Except for Tita of course, pero madalang lang 'yon at naiintindihan naman namin.

Despite of our busy schedules, kapag weekends, it's our time for each other.

"You all ready to go?" I asked them nang matapos kaming lahat magayos ng condo at ng mga sarili namin.

They all excitedly nodded at sabay sabay na kaming bumaba papunta sa parking lot.

Hindi gasinong malala ang traffic ngayon kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay.

The moment we entered the house, as usual, si Toffee ang sumalubong. Binuhat ko siya at dumiretso kami ni Ate Aiks sa kusina kung saan nandoon si Inay. Si Tita, Jill at Keith naman ay kay Lian dumiretso.

"Oh, mga anak, nandito na pala kayo," Inay greeted and hugged both of us ni Ate Aiks. "Kumusta? Kumusta 'yong pamilya ni Doc Cy?"

"Okay naman po," sagot ko, kinuha ko sa kaniya 'yong box na buhat niya. "Gragraduate na po ng college 'yong kapatid niya,"

Napangiti ako with the thought na despite of what happened, nagpatuloy sa pagabot ng pangarap niya 'yong kapatid ni Cha.

Pero at the same time, every time nakikita at nakakasama ko sila.. the guilt is still hunting me.

(flashback)

"Are you sure you can do this on your own?" Ate Aiks asked, worried.

I told them na gusto kong ako mismo ang magsabi sa pamilya ni Cha tungkol sa nangyari. Gusto kong sa akin manggaling mismo kung bakit umalis si Cha ron na alam nilang babalik pa ito, pero dahil sa'kin.. wala nang Cha na uuwi sa kanila.

Ate Aiks wants to come with me but I said no. Buti na lang ay matapos nang konti pang pag tanggi ay pumayag na siya.

Imbes na mag kotse, I decided to take a flight to Bicol para mas mabilis at makaabot sila sa burol ni Cha.

When I reached their front door, napayuko ako. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na kanina pang gustong kumawala.

"Arki?" nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses ng isang babae sa likod ko.

Nang lingunin ko siya, I saw Cha's sister.

"Arki, kayo po pala," aniya. "Tara, pasok po kayo,"

Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

"Ma! Si Arki po nandito!" rinig kong sigaw niya at nilingon akong muli. "Halika na, Arki pasok po kayo,"

"Arki," Tita greeted me pagkababa niya, mukhang galing siya sa tulog. "Ba't ka ba nand'yan sa labas? Halika rito,"

Tita grabbed my hand at hinila ako papasok sa bahay nila. They offered me a seat at wala sa sarili akong naupo.

"Bumili ako ng burger, Arki sa'yo na po 'tong isa," Cha's sister offered me the burger na binili niya.

Nakangiti niya 'yong iniabot sa akin. And I saw Tita smiling at me too.

How.. how am I supposed to tell them that Cha is gone kung ganitong ngiti 'yong ipagkakait ko sa kanila?

"Oo nga pala," napaangat ako ng tingin kay Tita. "Hindi ba't pinuntahan ka ni Cy sa Manila?"

"Nasaan siya? Hindi mo ba siya kasama?"

Napatigil ako sa pag nguya nang marinig 'yon. Nanlamig ang kamay ko at dahan dahan kong inilapag sa plato 'yong pagkain.

"Kailan daw s'ya uuwi, Arki?" Cha's sister asked. "Sabihin niyo po miss ko na pajollibee niya sa'kin," she said at natawa.

I suddenly remembered those days na magugulat na lang ako magoorder si Cha ng jollibee and whenever I will ask kung bakit, ang isasagot niya ay naglalambing ang kapatid niya and she can't say no.

"Cha.." napapikit ako nang hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

I felt a tear escaped my eyes.

"Arki, bakit ka umiiyak?" Tita asked at hinawakan ang kamay ko.

"Cha is g-gone," I said. "She.. was shot," I felt Tita's hand na unti unting nanlalambot at lumuluwag ang pagkakahawak sa kamay ko.

I closed my eyes, I need to do this.

"She stayed with me until my birthday.." I continued, kahit sobrang bigat non sabihin. "And then the doctor announced her as.. brain d-dead,"

"Arki.. ano ba 'yan?" nanginginig na tanong ni Tita. "Hindi magandang b-biro 'yan,"

"Sana nga po.. sana nga biro lang," umiiyak na sagot ko.

"Si Ate Cy, Arki nasaan po s'ya?" tanong ng kapatid niya.

Her sister is a college student kaya alam kong kahit papano ay naiintindihan niya ang sinabi ko at ang nangyayari.

Kinuha ko 'yong bag ko at inilabas doon 'yong sapatos ni Cha na suot suot niya nung oras na nangyari lahat.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Lumuhod ako nang bahagya para mapantayan siya dahil nakaupo siya sa upuan.

"Ito 'yong huling sapatos na suot ng ate mo bago siya.. namatay," I said and handed her the shoes. "Keep it,"

She slowly hugged it and cried hard. When I looked down, I saw her wearing the same shoes.

Matching shoes with her Ate Cy.

When I looked at Tita, wala sa sarili siyang nakatitig sa sahig habang umiiyak, pilit na tinatanggap lahat ng sinabi ko.

"Tita.." umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niyang nanlalamig. "I'm s-sorry po,"

Dahan dahan kong inilabas sa bulsa ko 'yong bagay na alam kong sobrang importante kay Cha.

Her necklace, with a sun pendant that symbolizes her name.

Ibinuka ko ang palad ni Tita at inilagay 'yon doon.

"T-That thing is really important to Cha.." I said. "You should keep it, T-Tita for her,"

She slowly looked at the necklace na inilagay ko sa kamay niya. Nang makita niya 'yon ay mas lalo siyang umiyak.

"A-Anak ko.." she whispered. "'Yong anak ko, Arki.. a-anong nagawa niyang m-mali para mangyari sa kaniya 't-to?"

Wala akong masabi kung hindi sorry sa kaniya. I slowly hugged her.

"Ibalik n-niyo ang anak ko.." she said at hinampas hampas ang dibdib ko. "C-Charhy.."

"I'm sorry, Tita," paghingi ko ng tawag. "I promise to give her the justice na deserve niya.. I promise, Tita,"

Mahigit isang oras din bago ko sila napakalma pareho. Tumigil man sila sa pagiyak ay ramdam na ramdam ang lungkot sa mga mata nila.

Si Cha 'yong tumutulong sa nanay niya para mapagaral 'yong kapatid niya. But now that she's gone.. I promised Tita na ako ang tutulong sa kaniya hanggang sa makagraduate ng college 'yong bunso nila.

This is the least that I can do for her.. for them.

When I was about to go out, Tita called me.

"Arki,"

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin.

Kahit na sobrang lapit na niya ay hindi siya tumigil hanggang sa maabot niya ang leeg ko.

Kahit hindi ko alam ang ginagawa niya ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at hinayaan lang siya.

"There," she said and tapped my chest. "Pakialagaan 'yan,"

When I looked down, I saw the necklace that I gave her kanina.

"Tita.. this is your—"

"Sa'yo 'yan," putol niya. "Alam kong mas gugustuhin niyang ikaw ang mag tago n'yan,"

Tita hugged me at sumunod naman 'yong kapatid ni Cha.

"Salamat, Arki," she said. "Sa konting panahon na nagkasama kayo ng anak ko.. doon ko lang siya nakitang totoong masaya," dugtong niya.

"Dios mabalos sa pagmamahal kay Ate Cy, Arki.. kahit bilang kaibigan."

Naputol ang pagiisip ko habang hawak hawak at nilalaro ang pendant ng kwintas na suot ko nang biglang nag ring ang cellphone ni Ate Aiks.

"I'll take this call lang po," paalam niya kay Inay at tumingin sa akin bago ngumiti nang bahagya.

Paglabas niya ay nagulat ako nang may maramdaman ako sa may bandaang paanan ko.

When I looked down, I saw Rocco.

"Rocco, baby.." gigil na saad ko at umupo para maabot ko siya.

Ngayon ay dala dalawang aso na ang buhat ko, at ang bigat nila pareho. Para na akong may dala dalang anak nito.

"I missed you both!" paglalambing ko at pinanggigilan silang dalawa.

"Nako, 'yang anak mong si Toffee napakachoosy sa pagkain ha," Inay said. "Gusto lagi ay manok,"

"Edi ibigay ang gusto ng anak," sagot ko at hinalikan si Toffee. "Right right right, baby?"

"Ayan, kaya nasspoiled ang bata,"

Natawa ako nang bahagya. Literal na parang totoong tao ang pinaguusapan namin ni Inay.

"How about this baby?" tanong ko, pertaining to Rocco. "Kumusta naman po si Rocco?"

"Ilang araw na 'yang tamlayin," aniya at hinaplos nang bahagya si Rocco. "Sa sobrang pagalala ko ay dinala na namin si vet pero wala naman daw problema," dagdag niya.

"What's happening to you, big baby? Why tamlay?" I talked to Rocco.

"Malungkot siguro iyan at alam mo naman, ang tagal nang hindi nakikita ang nanay,"

Napatigil ako nang marinig ang sagot ni Inay.

I was about to answer nang biglang sumulpot si Ate Aiks and patted Rocco's head.

"Don't worry," she said. "Makikita mo na ulit ang nanay mo,"

Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

"You mean.."

Ate Aiks looked at me and gave me a smile before caressing my cheeks using one of her hand.

"Yes, Tricia's going home."

—•—

Tricia's POV

"Ate Aiks, it's me!"

The moment Ate Aiks answered the phone, hindi ko maiwasang maging excited.

"Of course, I know this is you," aniya. "Mukha bang hindi nakasave sa'kin number mo, Trish?"

Natawa ako sa sagot niya. "Making sure lang,"

"Oh, bakit ka pala napatawag? Hindi ka ba busy?" tanong niya. "I thought may mga inaayos kang papeles para makauwi na rito,"

"I'm not busy," I smiled as I look at the view in front of me, airplanes. "I'll actually ask you for some help, Ate Aiks,"

"Sure, ano 'yon?"

"Sunduin mo ako sa airport,"

"Of course, Trish susunduin kita. Kailan ba? This month na ba?"

"No.."

"So, when? Hindi pa rin keri this month?" nanghihinayang na tanong niya. "We miss you so much, lalo na si Jill,"

"Sunduin mo ako mamaya," I said.

"Oh? Mamaya? Anong ora—WHAT!?"

Hindi ko mapigilan matawa nang marinig kung paano siyang nagulat nang marealize niya ang sinabi ko.

"Teka, what do you mean mamaya?"

I decided to surprise them sa paguwi ko, ang sabi ko sa kanila ay may mga kailangan pa akong ayusin na papeles sa school para tuluyang makauwi but the truth is.. flight ko na today.

"So, you're going home?" she asked after I explained everything.

"Yes, Ate Aiks uuwi na ako," sagot ko.

"Uuwi na ako sa kaniya."

Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay agad na hinanap ng mata ko sina Ate Aiks.

Nang makita ako ni Jill, she quickly ran towards me and hugged me.

"Ate!" sigaw niya. "Welcome back!"

"Hindi ako makahinga," I joked and tapped her back.

Nang pakawalan niya ako, I saw her tearing up. I cupped her face and made her look at me.

"Why are you crying?" tanong ko at natawa nang bahagya.

She wiped her tears away. "I missed you so much,"

"This lil sister of mine talaga," natatawang saad ko at muli siyang niyakap nang mahigpit. "Ate's here na,"

"Trish," Ate Aiks greeted me at siya ang sunod na niyakap ko. "Namiss ka namin sobra,"

When I looked at Mama, she's taking a video of us.

"Mama, nandito na ako't lahat sa harap mo, nagvivideo ka pa rin," pabirong reklamo ko.

"Ang tanong, ikaw ba ang vinivideohan o ang paboritong anak?" Ate Aiks whispered at natawa.

"Ayan na naman kayo ah," Mama said and gave me a hug. "How are you, anak?"

Nang matapos ang maikling kamustahan at kwentuhan namin, naalala ko siya.

Bakit wala siya rito?

Patago kong inilibot ang paningin ko while we're walking papunta sa sasakyan.

But suddenly, naramdaman kong siniko ako ni Ate Aiks. "Looking for someone?"

"H-Huh?"

"Don't you dare deny in front of me ha," aniya at natawa. "He/she's there,"

I looked at Ate Aiks, confused.

"At Doc Cy's grave," she said. "We'll take you there,"

Mabilis lang 'yong byahe namin and si Ate Aiks 'yong nagdridrive. Buong byahe ay nakapikit lang ako at nagpapahinga, napagod ako sa haba ng byahe ko kanina.

But when I felt the car stopped, I slowly opened my eyes.

"We're here, Trish," Mama said and rubbed my knee a bit habang nakangiti. "Are you ready to see him/her again?"

"More than ready, Ma," sagot ko.

"Kilala kita, kabado ka, no?" sabi ni Ate Aiks. "Don't be, ang tagal ka niyang hinintay,"

When I looked at Jill, she's looking sa labas ng bintana sa tabi niya.

"Y/N's there," she said and looked at me.

Tinignan ko kung saan 'yong tinuturo niya and there..

I saw Y/N sitting sa inilatag niyang tela sa tabi ng puntod ni Doc Cy.

Nakaramdam akong muli ng matinding kaba.

"You got this, Trish," Ate Aiks said at tumango sa akin. "We'll be just right here,"

I smiled at her at tuluyan nang bumaba ng sasakyan after kong kuhanin 'yong papel sa bag ko.

I slowly walked towards Y/N.

Kada hakbang ko, ay mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

I haven't seen him/her for years, and yet.. napapatibok niya pa rin nang ganito ang puso ko.

Now that I am slowly getting near to him/her, I realized something.

There are a lot of emotions I feel throughout every single day, but there is always that one distinct feeling that’s always present.

The one feeling that I have whenever I think of Y/N.

Despite the chaos and different emotions running through me, I always feel calm and relaxed dahil siya ang laging laman ng isip ko.

Naging tahanan ko siya nang hindi niya alam.

My home where I can be at my most comfortable self.

My resting place, and most especially, my happiness.

When I was one step away from him/her, I stopped.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

I gulped. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang kaba.

"Y/N.." that almost came out as a whisper.

With his/her hair being gently blown by the wind, Y/N slowly looked at me.

Nang mag tama ang paningin namin, nakita ko kung paanong nagsimulang mag tubig ang mga mata niya.

"Trish.." he/she uttered at dahan dahang tumayo. "You came back.."

"Uhuh, I did," sagot ko habang tumatango. "I came back.. I came back home to you, just like what I promised you,"

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya.

"Ngayon na puwede na, puwede pa ba?"

Naupo kaming dalawa sa tabi ng puntod ni Doc Cy. After what happened, ngayon ko lang nadalaw si Doc Cy. And to be honest, I miss her also.

Tahimik lang kaming nakaangat ang tingin at pinagmamasdan ang kalangitan.

"Mukhang nag hehello sa atin si Doc Cy," biro ko matapos i-tweet 'yong ulap.

"She's happy that you're back.." he/she looked at me. "That you came back,"

I smiled at him/her at nang madako ang tingin ko sa may bandang dibdib niya, I saw a familiar necklace.

"That's Doc Cy's necklace, right?" I asked.

Napatingin din s'ya ron at hinawakan 'yong pendant bago tumango.

"Since that day, I always keep this with me. Walang oras na hindi ko 'to sinuot," sagot niya. "Until Cha's last breath, ang gusto niya lang ay maging parte ng buhay ko.. at gusto kong tuparin 'yon with this necklace," dugtong niya. "With this.. Cha's always with us,"

I smiled. "Wala man siya rito physically with us, pero hinding hindi siya mawawala sa puso natin,"

Natahimik kaming muli at ninamnam lang ang hangin na tumatama sa amin.

"Miguel's grave is here also," he/she said out of nowhere. "Gusto mong pumunta?"

"Okay lang ba sa'yo?"

"Of course," sagot niya at naunang tumayo.

Inialok niya ang kamay niya para makatayo ako and I gladly accepted it.

Tahimik kaming naglakad papunta sa kung saan ang puntod ni Miguel. Hindi 'yon gasinong malayo kay Doc Cy.

"Despite of what happened, he's still my brother," Y/N said the moment we reached Miguel's grave. "Hindi na nagparamdam 'yong tatay niya ever since. So, I decided to help Keith sa pagaayos ng burol at libingan niya. I did this not for him, but for Keith,"

"And I admire you for that," I said. "You're so brave para kayanin lahat at gumawa pa rin ng mabuti katulad nito kahit na wala siyang ginawa kung hindi pahirapan ka at idamay 'yong taong mahalaga sa'yo na walang kasalanan,"

"At some point, I realized na may kasalanan din ako. Napabayaan ko kayo dahil sa pagpili ko sa sarili ko but I know, sa kabilang banda tama rin naman ang naging desisyon ko. Kaya sino ako para hindi magpatawad?"

"This world has been so cruel to you, but you know what? Nand'yan pa naman sina Lian and Inay,"

"Yup, sa kanila ako kumukuha ng lakas para magpatuloy. Sila 'yong dahilan kung bakit natuto akong magpatawad," he/she said. "At isa ka sa dahilan kung bakit naniniwala pa rin ako sa pagmamahal,"

"Y/N.."

He/she held my hand. "Kasi ikaw 'yong pinipili kong mahalin araw araw,"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. He/she hugged me back, real tight.

Ang sakit isipin na alam ko sa sarili kong may mali rin ako, kung hindi ko itinago na ex ko Miguel, sana mas naging maingat kami sa kaniya.

But I did that just because ganoon niya rin ako trinato noon. Miguel and I had a healthy relationship before. But, after the accident, Miguel suddenly broke up with me and acted as if hindi niya ako kilala at wala kaming pinagsamahan.

I was hurt, a lot. And there I decided na alisin na rin siya bilang parte ng buhay ko at umakto na parang hindi naman talaga siya naging parte nito.

I slowly handed Y/N the letter that I wrote for him/her.

"What's this?" tanong niya habang binubuklat 'yon.

"A letter, for you," sagot ko. "Read it out loud for me, please."

"Trish.."

"Go on," I said and smiled.

He/she took a deep breath before reading.

"To my Arki who showed me what I truly deserve," napatingin siya sa akin at tinanguan ko lang siya, signaling him/her to continue.

"I missed you. I missed you a lot. A strong start for a letter, I know. But I hope you're smiling while reading this, don't scam me," natawa siya nang mabasa 'yon. "Anyway, kidding aside. How are you? The past few years has been so chaotic pero I know how much you tried your best to stand strong even sa weakest point mo."

"And let me just say that I am proud of what you've become, Arki."

He/she started tearing up, hinawakan ko ang kamay niya.

"That two years really helped us, didn't it? We both got the rest we deserved and need. We had the chance to think about things. And you know what, I realized something.."

"Gusto kong magkasama nating harapin lahat ng hamon ng buhay, at tanggapin o salubungin ang kaligayahang ipinahihintulot ng pagkakataon na ating maramdaman at maranasan.." he/she stopped to sniff a bit. "Dahil sa tuwing tinatanong puso ko, kung saan ba ang hantong, laging ikaw ang tinuturo. Ikaw dahil sa mundo kong puro pero, ikaw ang aking bukod tanging sigurado."

I wiped his/her tears away using my thumb.

"You know how much I like the sky, including the moon, sun, stars, and the clouds. Pero ngayon mas gusto ko na siya kasi every time I look at the sky, ikaw ang naiisip ko."

"As corny and cliche as it may sound," he/she chuckled bago itinuloy ang pagbabasa. "But thank you for being my sky; my moon that gives light to my dark days, my sun that makes me smile and look forward to every single day, my star that will guide me and support me in all my endeavors, and my cloud that will always cushion my emotions."

"Ikaw ang langit at ang mga nakapaloob dito."

Nag angat siya ng tingin sa akin nang sabay naming banggitin 'yong mga katagang nanggaling sa letter.

Ako ang nag tuloy sa nakasulat sa letter while looking directly sa mata niya.

"And I always tell myself, that no matter how hard or chaotic it may be.."

I smiled at him/her.

"I will continue Reaching the Sky."

"And now.." a tear escaped my eyes. "I think I finally reached it,"

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa at pareho kaming pumikit habang dinadama ang presensiya ng isa't isa.

"I finally reached you.." I said. "My Sky."

And in the blink of an eye..

Y/N's lips crashed into mine.

Nang maghiwalay ay agad niya akong niyakap, hinayaan niyang magrest ang ulo ko sa bandang dibdib niya and he/she's slowly combing my hair.

"This.." I said and closed my eyes. "This is home. You will always be what home feels like, lovie."

I felt Y/N kissed the top of my head.

"Don't go anywhere with out me again, hmm?" he/she said. "Isama mo na ako kahit saan," biro niya.

Natawa kami pareho. "Hindi na ako aalis ulit na hindi ka kasama. Because you're not just a mere person in my life, lovie.." nag angat ako ng tingin sa kaniya. "You're a part of me now,"

"Mananatili ka?"

"Mananatili, palagi."

And at that very moment, I realized..

Loving Y/N is like jumping off a magnificent cliff.

Against the wrath of the tidal waves and the violent gale winds.

But..

Finding home at the end of the fall.

Continue Reading

You'll Also Like

935K 21.5K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
12.2K 184 22
Season two of Let Me Go AU with Bada Lee
576K 8.8K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
639K 32.3K 60
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...