6

4.9K 199 279
                                    

note: posting this a lil bit early because i have recit later, ayokong pag hintayin kayo matagal pa. hindi ko rin alam kung buhay pa ako after nun. mabaliw tayong lahat sa kanilang tatlo, isama na rin natin si mamhie leni. hihi pakilig for today's video, kaya ipagdasal n'yo recit ko, amen. thank you so much and happy 3k views/reads. you have no idea how much it means to me. i appreciate u all a lot. wag pabayaan ang sarili and enjoy, readers! <3

Y/N's POV

Nang makabalik kami ni Jillian sa unit, bumalik din siya sa dati niyang energy. Makulit na ulit, parang wala lang sa kaniya 'yong nangyari.

Habang ako, hindi mapakali. Ayoko nang mag isip, pero wala akong sagot na nakuha mula sa kaniya. Jill is my bestfriend, I don't want to hurt her in any way possible.

I tried brushing off the thought at nakinood na lang sa pinapanood nila. Si Ate Aiks ang nasa gitna naming dalawa dahil siya ang may hawak ng ipad.

"Teka," bigla siyang nag salita at pinause 'yong movie. "Mukha akong third wheel dito, ah?"

Natawa naman kami dahil akala namin ay seryoso 'yong sasabihin niya. Mang aasar lang pala.

"Sus, bakit 'di kayo lumabas ni—"

Naputol ang sasabihin ni Jill nang biglang takpan ni Ate Aiks ang bibig niya. "Wala, walang lalabas,"

"No need to keep it a secret," I said while laughing dahil akala n'ya yata ay hindi ko alam. "Sa daldal ni Jill, Ate Aiks nabanggit na n'ya."

Hinampas niya si Jillian. "Ano ba! Sabi ko secret, ah?"

"Ang secret natin," lumipat s'ya ng pwesto at tumabi sa akin. Inakbayan n'ya ako. "Secret din namin ni Y/N, safe naman sayo, diba?"

Tumango ako at natawa kami dahil napagtutulungan namin si Ate Aiks.

"Nag kampihan pa kayo, ah."

Para siyang batang nag susumbong.

E, nasaan ba kasi bebe nito? Paki claim naman, emz.

"Sagana love life, sino ka naman d'yan, Ate Aiks?" asar ko.

"Anong sagana rito? Puro trabaho," reklamo niya. "Ikaw? Kamusta love life mo?"

Natahimik kami.

Kamusta nga ba?

"There's a lot of things na I need to prioritize first before that, pero kung may dadating, why not?"

"Kailan pa dadating?"

"What if dumating na?" Jill said.

"What if dumating nga pero umalis din naman?"

"Umalis pero bumalik naman,"

Ate Aiks raised her hands. "Oh, tama na. Grabeng linyahan, ah? May pinaghuhugutan?"

"Sa The Hows of Us, Ate Aiks," Jill answered.

I remained silent hanggang sa matapos ang movie. Nang magawi ang tingin ko kay Jill, nakatulog na rin s'ya.

Ayoko sana abalahin ang tulog n'ya but it's already 3pm. I need to go back sa house at mag ayos para sa meeting ko. I can't be late. I don't want to be late.

"Ate Aiks," I said calling her attention. "I need to go," I whispered.

Nang makita niya si Jill na natutulog ay agad niyang inayos ang sofa at nag lagay ng unan. Dahan dahan naming inihiga si Jill at kinumutan s'ya ni Ate Aiks.

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now