I CLAIM MY DESTINY

By altheaflorence

1.6K 131 10

Do you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maga... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18.SPG
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28.SPG
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32.SPG
Chapter 33
Chapter 34.SPG
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 14

27 3 0
By altheaflorence

Lahat ng mga nakasaksi sa nangyari sa loob ng canteen kanina ay hindi makapaniwala. Una pa lang nagtaka na sila kung bakit andun ang boss nila na si Zandro. Sa halos ilang taong nilang pagtatrabaho iyon palang ang kauna unahang beses na nakita nila na pumasok ang boss nila sa kantina ng building at umupo pa doon.

Mas lalo nilang kinagulat ang ginawa ng kaibigan ng kanilang boss na si Sir Alexander kay Miss Sasha. Nagtataka man sila kung anong relasyon meron sa kanilang dalawa. Siguradong walang magtatanong dahil wala silang magawa kundi ang manuod nalang at manahimik dahil isa sa pinakaayaw ng kanilang boss ay ang pagkakalat ng stismis.

"Sumama ka ng mahinahon or I will kiss you again in front of all this people. Choose cleverly honey," mga katagang nagpatahimik kay Alondra at nagpahinahon sa kanya nang marinig ang sinabi ni Zandro.

Nakanguso ito at parang bata na naglakad pauna kay Zandro paalis ng canteen. Papasok na siya ng elevator ng biglang hinablot ni Zandro ang kanyang kamay.

"Ano na naman ang problema mo boss? Ito na nga oh sasakay na ako ng elevator pabalik sa floor natin."

"Your not going to ride in that elevator!"sagot ni Zandro.

"Eh saan ako dadaan? Don't tell me boss sa hagdan mo ako padadaanin. Ang layo ng floor natin galing dito sa canteen,"pagsusuplada at pagrereklamo niya dito.

"If I remind you Miss Alondra I am your boss her you don't have a right to argue with me. Huwag mo din ako daanin diyan sa pagsusuplada mo at panguso nguso at baka, at baka makaround 3 na naman tayo. Remember the rules."

"Ngayon ba na araw naging opisyal ang rules na 'no pouting ',agad agad walang evaluation na naganap. Sobrang baliw talaga ng boss niya na ito,"anang isip ni Alondra.

"Eh saan ako sasakay?" tanong nito sa boss niya.

"Pwedi din sa akin kung gusto mo," nakakaluko nitong ngisi sabay bulong sa tainga ni Alondra.

"Alam mo boss ang bastos mo talaga. Akala ko magnanakaw ka lang,a little bit na baliw,mahangin, pervert ka din pala boss?"walang prenong sabi nito pero namumula na siya dahil sa sinabi ni Zandro.

"Sige dagdagan mo pa ang pang iinsulto mo sa akin at nililista ko iyan sa utak ko. Every curse, you need to pay me. Kaya sige lang murahin mo lang ako ng murahin basta kapag ako naningil lagot ka,"sabi nito sabay kindat kay Alondra.

Natameme si Alondra dahil sa sinabi ng boss niya. "Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak nito."

"Come we need to use this elevator,"sabi nito at naglakad papunta sa kabilang elevator.

"Okay po boss, "tanging sagot nito ayaw na niya makipagbangayan sa boss niya.

Napatigil saglit si Zandro mukhang naging masunurin yata si Alondra ah. Nagpatiuna ito para sumunod ang dalaga sa kanya. "This elevator is connected to our office floor. Kaya mula ngayon pwedi mo na ito gamitin. No need to use stairs in the other floor."

"Okey boss thanks, "nakanguso nitong sabi.

Nang nasa loob na sila ng elevator biglang namayani ang sobrang katahimikan. Pakiramdam ni Alondra at Zandro kahit sarili nilang hininga ay naririnig nila dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Naging awkward tuloy ang pakiramdam ni Alondra kaya napa urong ito sa bandang likod. Hindi mapakali si Alondra dahil amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki lalo pa kanina ng katabi niya ito.

"Ohh,tukso layuan mo ako,"sambit nito sa sarili.

Tumikhim si Zandro para makuha ang atensiyon ni Alondra. Kahit siya din naman na awkward sa sitwasyon nila. Dati kahit ilang babae pa ang kasama niya sa elevator wala siyang pakialam. Pero bakit ngayon na si Alondra lang kasama niya hindi siya mapalagay parang anytime gusto niya halikan ang babae.

"Sino si Knight Velasquez? Curious lang narinig ko nabanggit niyo ni Miss Sasha kanina,"mukhang galit na sabi nito.

Hindi lang pala magnanakaw,baliw minsan, at mahangin ang boss niya may pagka marites din pala.

"Boss hindi kaba naturuan na masama ang nakikinig sa mga usapan ng may usapan, "nakanguso nitong sabi.

"Huwag mo akong sisihin kung narinig ng lahat ang usapan niyo ni Miss Sasha sa lakas ng boses niyong dalawa kanina. Akala niyo kayo lang dalawa ang tao na nag exist sa mundo. Sinisigaw mo pa na my love Knight,"mukhang inis nitong sabi.

Biglang napatawa si Alondra ng malakas na siyang dahilan ng mas lalong kinainis ni Zandro.

"Stop laughing Alondra,"irita niyang sabi.

"Hahaha,paano kasi nakakatuwa ka talaga boss," halos namumula na ang mukha nito sa kakatawa. Napapahawak na siya sa tiyan nito dahil hindi na niya talaga mapigilan ang pagbungusngis nito.

"Sino ba kasi iyang Knight Velasquez na iyan? Kunsabagay kahit hindi mo naman sasabihin mahanap parin iyan ni Alex. Tinawagan na niya si Jack isa sa pinakamatinik niyang agent kaya siguradong hindi matatapos ang araw na ito mahanap at malaman na namin kung sino ang lalaking iyan,"seryoso nitong sabi.

Mas lalong lumakas ang halakhak ni Alondra dahil sa sinabi ni Zandro. Imagine pinahanap nila ang isang tao na hindi naman nag eexist sa mundo mga baliw nga naman.

Dahil sa sobrang inis ni Zandro nilapitan nito si Alondra.
Dahil sa kakatawa halos nakapikit na ang mata ni Alondra  hindi na niya namalayan na nakalapit na pala Ang binata sa kanya. Kinabigla nito ang biglaang pag angat ng lalaki sa mukha niya sabay halik sa mga labi nito. Ngayon hindi lang dampi ang ginawa ng binata kundi mas malalim na halik. Dahil sa pagkabigla ni Alondra napaawang ang mga labi nito na  siyang sinamantala ni Zandro at mas lalong diniin ang mga labi nito at ipinasok ang dila sa loob ng bunganga ng dalaga. Dahil unang beses na nangyari ito kay Alondra hindi niya tuloy alam kung ano ang maging reaksiyon niya kaya nagpaubaya nalang siya kung ano man ang ginagawa ng binata sa kanya at isa pa nililinlang na naman siya ng kanyang sarili dahil habang tumatagal mas nagugustuhan niya ang ginawa ng binata.

Hanggang sa bumitaw  si Zandro sa halikan nilang dalawa. Halos habol nila ang paghinga ng dahil sa halikan na nangyari.

"Ohh ayan natahimik ka na naman. I told you to stop laughing pero hindi ka nakikinig. Dapat pala lagi kang magpasaway para lagi kang nakakatikim ng halik galing sa akin. Kung alam ko lang na ganyan pala Ang magpatahimik sa iyo dapat kanina ko pa ginawa,"sabi nito na nakangiti.

Naningkit ang mga mata nito dahil sa sinabi ni Zandro at handa na siyang sugurin  Ang lalaki sa pagnakaw uli ng halik sa kanya. Ngunit biglang nagbukas ang elevator at nakarating na sila sa kanilang floor. Bago pa man lumabas si Zandro ay muli itong bumaling kay Alondra at sabay nakaw uli ng halik sa mga labi nito na siyang nagpatulala uli kay Alondra.

Mabilis na lumabas si Alondra bago pa man siya masarhan ng elevator at susundan sana ang boss niya na pakanta kanta habang mabilis lumalakad papunta sa kanyang opisina.

'sweet like cola, Sweet sweet sugar cola.
When I took a sip from her lips,she send me on a trip.
She keeps me up at night and that's all because of her kiss'

Rinig ni Alondra na kanta ng kanyang boss.
"Infairness ha magaling pala kumanta ang magnanakaw na iyon,"sabi nito sa sarili .

Hindi makapaniwala si Alondra na sa isang araw lang nakatatlong kiss na sa kanya ang magnanakaw niyang boss na si  Zandro.

"Kunyari galit ka pa diyan eh halatadong gustong gusto mo naman. Lagi ka naman nadadala sa mga halik ni Zandro. Sige deny pa more Alondra," kutya ng konsensiya nito sa kanya.

Nasa ganun siyang pag iisip ng biglang nagring Ang phone nito. Nang tiningnan ni Alondra si Don Manuel Ang tumatawag. Kaya agad niya itong sinagot.

"Hello po Don Manuel kumusta po kayo,"magalang nitong sagot sa matanda.

"Okey lang ako iha. Ikaw kumusta  ka naman diyan? Okey ka lang ba? Hindi naman siguro nagpasaway agad si Zandro sa iyo di ba? Basta kung may problema diyan sabihin mo agad sa akin ha,"sabi ng Don sa kabilang linya .

"Okey po Don Manuel huwag kayong mag alala ok lang ako dito. Ako na bahala kay Sir Zandro."

"Saka pala iha pinadala ko na ang mga gamit mo sa condo na titirhan mo sa ngayon malapit lang diyan sa kompanya para hindi ka mahirapan sa byahe. Pagpasensiyahan mo na kung nakialam ako sa mga gamit mo iha. Susunduin ka nalang mamaya diyan ni Bitoy para ihatid sa bago mong titirhan,"dagdag pa na sabi ng Don.

"Maraming salamat po Don Manuel.  Sobrang swerte ko talaga na nakilala kita. Mag ingat po kayo palagi,"masayang sabi ni Alondra.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
37.5K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?