Villaverde Brothers Series 1:...

By adihiraya

1.1M 16.3K 1.5K

Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been des... More

VBS#1: Taming the Ruthless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty-three

20.8K 297 32
By adihiraya

I woke up feeling sick and kinda exhausted even if I have done nothing these past few days. Palagi lang naman akong tulala at wala sa sarili pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Baka dahil siguro nahihirapan akong matulog sa gabi kaya naman paggising ko sa umaga ay masama ang pakiramdam ko at parang ayaw ko nang bumangon mula sa kama.

Maaga akong naligo dahil darating ngayon si Raya at flight na namin bukas ng madaling araw.

Iritang-irita ako habang nagbibihis dahil parang hindi na sakto ang mga bra ko sa dede ko, pakiramdam ko lumalaki na.

May improvements.

Nang matapos akong magbihis ay kinatok ako ng isa sa mga kasambahay at sinabing naroon na raw sa baba si Raya kaya naman bumaba na rin ako.

Seeing her two big luggages really surprised me. She snickered when she saw me. Binitiwan niya ang mga hawak niya at lumapit sa akin upang yakapin ako.

"How have you been, Mil?" she asked, still not removing the humourous smile on her lips.

"We're not going to live there, Raya. Bakit ang dami mong dalang gamit?"

Her brows furrowed and looked at her things. She then shrugged and glanced at me again. "I'm planning to stay a little longer. I really need it."

"How long?"

Napatingin siya sa itaas na para bang nag-iisip. "Perhaps six months? Or a year? I don't know."

I immediately held my forehead. Parang mananakit ang ulo ko sa gusto niya pero mukhang desidido nga siyang magtagal doon.

Ako, even if I want to, I have business I need to take care of kaya hindi ako puwedeng magtagal. Siguro ayos na ang isa o dalawang buwan. Maaasahan ko naman sila Jil. I'm still going to design while I'm away and send it to them.

Bumuntong-hininga ako saka muling tumingin sa kaniya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa since yesterday," sagot niya. "Kaya pala parang may nakakalimutan akong gawin. Hindi pa ako kumakain. What's your available food there?" she asked while walking towards the kitchen.

Umirap ako sa hangin saka ko siya sinundan. Kahit ako naman ay hindi pa kumakain mula kahapon.

Ganito ba talaga kapag brokenhearted? Nakakalimutan kumain o wala talagang gana kumain?

Ganoon ako noong unang linggo but suddenly, parang maya't maya na lang akong gutom kaya kain ako nang kain. Probably stress eating.

"I'll just ask someone to cook," I said, and opened the fridge to look for something to eat.

Nang wala akong makita bukod sa mga prutas ay sinara ko na lang ulit iyon. Wala akong makitang kasambahay at tinatamad akong akyatin o tawagin sila sa taas.

"Kumakain ka ba ng tuyo?" tanong ko kay Raya.

She nodded.

"Ako na lang magluluto. Gusto ko ng tuyo ngayon."

"Tuyo lang?"

"Hmm. Iyon lang gusto ko, e."

Tinabig niya ako paalis sa harap ng pantry at nag-umpisang tingnan ang mga de latang naroon.

"Ako na lang magluluto," aniya habang hawak ang maling.

Tuyo lang talaga ang gusto kong kainin ngayon. Parang ayaw ko nga rin siyang iulam sa kanin. Parang gusto ko siya i-try sa champorado kasi sabi nila masarap daw. I haven't tried it yet. Hindi naman ako marunong magluto no'n at mukhang ganoon din si Raya.

Maybe I'll try to watch some YouTube tutorial how to cook that para masubukan kong iluto at kainin. Sana lang hindi ko malason ang sarili ko.

I'm planning to make myself busy, so I won't have any time to think of him. It's hard but I'm trying. Sawang-sawa at pagod na pagod na akong umiyak. Awang-awa na ako sa sarili ko. Ayaw ko nang lunurin ang sarili ko sa lungkot.

Kahit mahirap, kailangan kong umusad.

There are times that I'll just see myself crying because memories of us kept on coming back. Kahit ayaw kong isipin, sadya silang bumabalik na para bang nananadya talaga.

Ang hirap mag-pretend sa harap ng mga magulang ko na ayos lang ako kahit na sa loob-loob ko'y wasak na wasak na ako.

Ayaw kong maging mahina sa harap nila.

Tinatanong nila ako pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Ayaw ko silang madamay at maipit sa kung ano mang sitwasyon naming dalawa ni Cai. It's just between us. His family is a good friend of us. Sa amin lang ang problema na meron kami, labas sila roon.

But then, no matter how hard I try to keep them away from this, I know that they will still have something to say. May masasabi at masasabi sila dahil pamilya namin sila.

Hinayaan ko na lang magluto si Raya. Pinanood ko lang siya habang naghahalo ng fried rice.

She looks fine but I know that she's just hiding what she truly feels. Kahit ipilit niyang itago at ipakita na ayos lang siya, kitang-kita ko naman sa mga mata niyang nasasaktan siya.

I don't know what happened to them. Hindi ko naman alam kung paano siya tatanungin pati si Kylei. Kapag tinanong ko sila, tiyak na magtatanong din sila tungkol sa amin ni Cai. I still can't say it to them.

I'll just keep it to myself for the meantime and when I already have the courage to say it, sasabihin ko rin sa kanila.

Isa pa, alam kong magagalit sila kay Cai. Baka nga mas galit pa sila kaysa sa akin.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit iniisip ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya sa akin.

Galit ako sa kaniya pero hindi sobra. Hindi ko alam kung bakit. Ganito ba talaga kapag sobra mong mahal 'yong tao?

Niloko niya ako, e. Bakit hindi ko magawang magalit nang sobra sa kaniya?

Hindi naman ako bulag sa red flags.

"Kain na tayo," ani Raya saka dumaan sa harap ko dala ang isang pitsel ng tubig at dalawang baso.

Gaano na ba ako katagal na tulala at hindi ko napansing tapos na pala siya magluto? Nakapaghain na rin siya.

"Tapos ka na palang magluto, hindi ko napansin," sabi ko habang umuupo.

"Masyadong malalim iniisip mo, e. Hirap sisirin. Ano bang iniisip mo?"

Mabilis akong umiling at nagsandok na lang ng sinangag. Hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kahit kanino man ang nangyari.

We just ate in silent. Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na rin ang kinainan saka kami umakyat sa kuwarto ko.

I requested Raya to call Kylei. Hindi ko pa nasasabi na kasama kong pupunta si Raya. Biglaan lang kasi ang lahat. Nakakagulat na bigla siyang tatawag at sasama nang biglaan, wala man lang kaabog-abog.

Parehas kaming nahiga ni Raya sa kama ko saka rumehistro ang mukha ni Kylei sa screen. Nagulat siya nang makita kaming magkasama.

"Why are you together?" she asked, brows furrowed.

"Dalawa na kaming pupunta riyan," tamad kong sabi saka napahikab.

"What? Ano bang nangyayari at bigla-bigla na lang kayong pupunta rito?"

"Vacay," Raya answered immediately.

"Duda ako. Bakit nga?"

Bumuntong-hininga ako saka umiling. "Diyan na lang natin pag-usapan. Flight na namin bukas. We're probably there the other day in early afternoon."

"Fine. Hihintayin ko na lang kayo," aniya saka umirap.

"Okay! See you!" Raya giggled.

Excited ang bruha. Pusta ko hindi naman bakasyon ang mangyayari. Naalala ko sinabi ko noon na kapag na-brokenhearted ako kay Cai, sasamahan nila akong uminom ng gin at shot puno.

Pero paano ko nga kaya sasabihin sa kanila na wala na kami ni Cai at ang dahilan kung bakit kami naghiwalay?

I know it will be really hard confessing. Sa oras na sabihin ko sa kanila ang totoo, hindi ko mapipigilan ang sarili kong ipakita sa kanila ang tunay kong nararamdaman. They'll see how wreck I am.

Pinapakita ko lang naman sa kanilang ayos ako kahit na ang totoo ay hindi talaga.

Sumapit ang gabi at narinig ko ang pagdating nila mommy. Inaya ko na si Raya na bumaba para kumain.

Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kanila at ngayon ko pa lang balak. Magpapaalam ako kung kailan nakaempake na ang mga gamit ko.

"Raya, you're here!" Mommy said.

They hugged each other. After that, nagmano siya kay daddy.

"Where's Kylei?" tanong ni daddy.

"Ah, nasa France po, tito," sagot ni Raya.

"Huh? What is she doing there?" takang tanong ni mommy.

We both shrugged as we made our way to the dining table. Sine-serve na ng mga kasambahay ang mga pagkain. Kinumusta nila si Raya habang ako ay abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Napansin yata ni daddy na ang dami ko nang inilalagay kaya sinita niya ako.

"Kaya mo bang ubusin 'yan, Mil?" tanong niya.

Tumango lang ako. Tumingin ako sa kaniya saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Dad, we're also going to France. Flight na namin ni Raya mamaya," paalam ko. "Is it fine?"

Nagkatinginan sila ni mommy. Hindi sila nagsasalita pero para bang nag-uusap sila sa pamamagitan lamang ng kanilang mga mata.

Ibinalik nila sa akin ang tingin nila. Bumuntong-hininga si daddy saka dahan-dahang tumango.

"That's okay, anak," aniya. "Do what you want to do. Go where you want to go. Just make sure that you're safe. Hmm?"

"Yes, dad. I'll keep you updated everyday once I'm already there," I said, and smiled a little just to assure them that I'm going to be fine.

Hindi na sila nagtanong kung bakit ako pupunta roon. Hinayaan na lang nila ako at hindi na nag-usisa pa.

I'm sure they just want me to be okay kaya hinahayaan nila ako. Alam nila kung ano ang nangyayari pero hindi nila ako pinilit sabihin kung ano.

Nang matapos kaming kumain, nauna nang umakyat si Raya sa taas.

Mahigpit akong niyakap ni daddy at nang gawin niya iyon ay bigla na lang akong naiyak. Mommy rubbed my back which made me burst out crying more.

Walang nagsasalita sa amin pero alam kong nandiyan sila para sa akin. Their touch is already enough to comfort me. They're not saying anything but I know that they're just here for me whenever I need them.

They are my shoulder to cry on. Handa silang damayan ako at makinig sa lahat ng gusto kong sabihin.

"We're just here for you, anak, ha? Lagi mong tatandaan na nandito kami palagi para sa 'yo," sabi ni mommy. "Huwag mong iisipin na mag-isa ka lang. Sabihin mo kapag hindi mo na kaya, aakayin ka namin ng daddy mo at tutulungan ka."

"T-thank you, m-mommy . . . daddy. I love you both, always," I sobbed.

Hinayaan lang nila akong umiyak hanggang sa tumahan ako. Bago kami maghiwalay ay niyakap pa nila ako ng huling beses at mahigpit na mahigpit.

"Mahal na mahal ka namin ng mommy mo, anak," si daddy. "You are our greatest treasure and we can't lose you."

Hinalikan ko sila sa pisngi bago ako pumasok sa kuwarto ko. Tulog na si Raya nang datnan ko. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya upang hindi siya magising.

Agad din akong nakatulog dahil siguro sa pagod sa pag-iyak.

Nagising na lamang ako sa marahang pag-alog sa akin ni Raya.

"We need to prepare na," aniya sa boses na inaantok pa. "It's already 3:00 am."

Tumango ako saka bumangon. Kinuskos ko ang mga mata ko saka tumayo at kinuha sa closet ang hinanda kong susuotin kahapon pa.

"Mauna ka nang maligo," sabi ko sa kaniya.

Tumango lang siya saka pumasok sa banyo. Naiwan akong tulala sa harap ng bintana. Ang daming gumugulo sa isip ko pero isa lang ang sigurado ako, gusto ko munang makalayo.

Gusto kong makalimot kahit na saglit lang.

Iisipin ko na muna ang sarili ko.

Bata pa naman ako. Hindi lang naman si Cai ang lalaki sa mundo. Marami pa akong makikilala. 'Yong ako lang at hindi susubuking maghanap ng iba.

'Yong hindi ipaparamdam sa akin na hindi ako sapat at hindi hahayaang kuwestiyonin ang halaga ko bilang babae.

I'm worth it. Always was, and always will be.

Nagmadali na kami sa pag-aayos. Hindi na ako nakapagpaalam kina mommy at ibinilin ko na lang sa isang kasambahay na gising na.

Hinatid kami ni Kuya Eric sa airport.

"This is it," Raya whispered.

I just smiled. Hindi na rin kami nagtagal sa paghihintay at ngayon ay nakasakay na kami sa eroplano. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang dahan-dahan kaming umaangat.

I need to move forward even if it's hard. Mahirap maiwan sa lugar na ikaw na lang mag-isa at ikaw na lang ang nananatili.

Si Cai . . . kahit mahirap, kailangan kong tanggapin na magkakapamilya na siya at hindi sa akin.

Kailangan ko nang tanggapin na hindi siya ang makakasama ko hanggang sa tumanda ako.

Raya and I just had some conversation. Parehas yata kaming wala sa mood magsalita kaya mas pinili naming manahimik na lang.

Bukod sa kain ako nang kain ay tayo rin ako nang tayo para umihi. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang pumunta sa comort room at nandito na naman ako.

We had one layover. Kumain lang kami ni Raya tapos natulog na lang ulit. Nang magising ako ulit ay nasa Paris na kami.

Kagigising lang din ni Raya at nag-aayos na ng sarili. Bumaba na kami saka namin in-inform si Kylei na nandito na kami at ang sabi niya’y susunduin niya na lang kami.

I know that they really have a house here in France. Ano kaya ang dahilan bakit nandito si Kylei? Saka ang sabi niya ay siya lang daw ang nandito. Her parents and her younger brother Reneil was left in Philippines.

Baka gusto niya lang din makalayo muna kaya siya pumunta rito.

Almost an hour of waiting, dumating na rin siya. We just hugged for a while tapos sumakay na rin sa kotse niya at doon na nagkumustahan.

“How’s your trip?” she asked while driving.

Nasa shotgun seat ako habang nasa likod naman si Raya at nakatingin lang sa labas ng bintana.

“Kinda exhausting. Natulog lang kami at kumain nang kumain,” sagot ko.

“At umihi nang umihi,” dagdag ni Raya. “You spet half of the trip going to comfort room, Mil.”

“Parang hindi naman,” natatawa kong sagot.

Kalahating oras din ang inabot bago kami nakarating sa bahay nila. Their house is huge and has a lot of details but it’s not exaggerated. In fact, it looks extravagant.

Kaya lang, ang boring naman kung mag-isa ka lang nakatira sa ganito kalaking bahay.

She doesn’t have any maids. Pero ayos lang naman kay Kylei ‘yon, kaya niya namang mabuhay mag-isa.

“Hindi ka ba nalulungkot mag-isa rito?” tanong ko saka humiga sa malaking sofa.

Raya also did what I did on the other sofa. Taka kaming tiningnan ni Kylei na para bang ang weird ng ginagawa namin.

Nagtinginan kaming tatlo saka sabay-sabay ring bumuntong-hininga.

“Samahan ba ‘to ng mga brokenhearted?” tanong ni Kylei.

Umupo ako saka nagkibit ng balikat. “Maybe,” I answered. “Bakit? Sawi rin ba kayo?”

“Tara, shot puno,” aya ni Raya saka umupo na rin.

“This will be a long painful vacation,” Kylei emphasized.

Nagpahinga lang kami saglit ni Raya pero maya-maya lang ay nakita naming naghahanda ng inumin si Kylei sa mesa. Kunot-noo namin siyang pinanood sa ginagawa niya.

Inilapag niya ang ilang chips saka iminuwestra sa amin ang inihanda niya.

"Shot na!" sigaw niya saka salin ng alak sa shot glass.

"Gago, seryoso ba?" tanong ko.

"Let's talk about what happened to us," she said. "The last time I checked, masasaya pa tayong tatlo, e. Anong nangyari?"

"Kami lang 'yong 16 hours ang itinagal ng biyahe tapos pagkarating, iinom agad," sabi ni Raya. "Hindi ba puwedeng magpahinga muna kami?"

"Okay lang 'yan. Para next na gising n'yo, sa isang araw na." Tumawa si Kylei kahit na kita naman sa mata niyang hindi talaga siya masaya. "Let's . . . talk about what we really feel. Nakakapagod mag-pretend na okay lang kahit hindi naman talaga. Nakakapagod ngumiti."

"Puwede bang . . . kayo muna?" pakiusap ko. "Hindi ko pa kayang sabihin. Hayaan n'yo muna akong malasing, baka sakaling magkalakas ako ng loob."

"Okay," sabay nilang sabi.

"Ikaw muna, Ky," si Raya. "Bakit ka umalis bigla?"

Kylei sighed and smiled bitterly. Ininom niya muna ang alak na hawak niya saka muling inilapag ang baso sa mesa. Sandali pa siyang natulala roon bago ibinalik sa amin ang tingin niya.

"Dad and Jairus had a fight," she whispered. "Galit na galit si daddy. Ang daming nangyari. Ang dami kong nalaman na . . . hindi ko alam kung paano ipa-process ng utak ko. Ang hirap maniwala, e. Sa tingin ko, sa akin na lang muna kung ano iyon. Medyo . . . confidential at . . . baka masira ang image ni Jai at ng family niya. I don't want that to happen."

She still tried to flash a smile pero nagsisimula na ring mamasa ang kaniyang mga mata. "Hindi ko kayang tanggapin. M-mahal na mahal ko siya, e."

Naiintindihan ko siya. Ganiyan din naman ako ngayon kay Cai. Hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat. Ang hirap gumising sa umaga na hindi na kaming dalawa ang magkasama. Na mananatili na lang na alaala ang lahat ng pinagsamahan namin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagsalin ng alak sa baso ko saka diretsong ininom iyon. Ito ang unang beses ba iinom ako pagkatapos no'ng araw na iyon. Hindi naman kasi ako naniniwala na kapag uminom ka, makakalimutan mo ang lahat.

Nanuot ang pait sa lalamunan ko. Gumuhit iyon at nag-init ang pakiramdam ko.

"Ikaw, Raya? What happened to you and Zai?" tanong ni Kylei matapos magpunas ng luha.

Nanatiling tahimik si Raya. Mas piniling uminom na lang muna. She shut her eyes off after drinking. Para bang inaalala niya kung ano nga ba ang nangyari sa kanila.

I noticed that she rubbed her ring finger using her right thumb. May singsing doon kaya nangunot ang noo ko.

Engaged ba sila?

"He already got back to his ex-girlfriend. The one that he told me broke his heart into pieces." She opened her eyes again. "Binuo ko ulit siya pero bumalik lang siya sa taong nanakit at sumira sa kaniya."

"Ang gago naman pala nilang magkakapatid," natatawa kong sabi.

"Ibahin n'yo si Jai," ani Kylei. "Hindi ako sinaktan ni Jai kaya iba siya sa mga kapatid niya."

"Pero ano 'yang suot mong singsing, Raya?" tanong ko.

Napatingin siya roon saka ngumiti nang mapait. "Tanga ko, 'no? Tinanggap ko 'to kahit hindi naman talaga 'to para sa 'kin." Hinawakan niya iyon saka dahan-dahang inalis at inilapag sa mesa.

Suminghap siya saka tumingin sa itaas para pigilan ang mga luha niyang nagbabadya sa pagtulo. Tumawa siya saka tumingin sa akin. "Sabihin mo na kung ano'ng nangyari sa inyo bago pa ako maiyak dito."

Nagkamot ako ng kilay saka pinilit tumawa. Hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan sabihin sa kanila.

Iniisip ko pa lang kung ano ang nangyari, naiiyak na ako. Hindi ko na napigilan at nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Mabilis nila akong dinaluhan.

"H-he's going to be a father," I confessed.

"What?!" gulat na tanong ni Kylei. "Buntis ka? Anong nangyari? Dapat masaya kayo!"

Umiling ako at mas lalong naiyak. "H-hindi . . . hindi naman sa akin. N-nakabuntis siya ng iba."

"What the fuck, Mil? Paano? Bakit? He loves you so much!"

"That's what I also thought, Ky," I sobbed. "Wala, e. Akala ko lang pala 'yon."

They both hugged me. Pare-parehas na kaming umiiyak na parang mga baliw. Samahan nga yata ito ng mga brokenhearted.

'Yong inuman session namin ay nauwi sa iyakan session.

Halos ayaw na nilang kumalas sa yakap sa akin. Nagkakaintindihan kami ng nararamdaman dahil pare-parehas kaming mga wasak at sawi sa pag-ibig.

Parang kailan lang, ang sasaya pa namin mag-usap tungkol sa lovelife namin tapos ngayon ganito na kami.

Tangina, nabudol ng mga Villaverde!

Continue Reading

You'll Also Like

965 60 12
WARNING: Read at your own risk. Some parts of this story are not intended for everyone. R-18
618K 22.8K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
389K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...