The Unknown Daughter (COMPLET...

By Acrominxxt

931K 31.7K 8.9K

Tahimik lang naman ang buhay ni Zamia sa isang malayong probinsya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niy... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Epilogue

Chapter 29

21.9K 732 172
By Acrominxxt

Zamia Brecken Wringler

"Bakit mo nasasabing umalis ng bansa ang daddy mo?" Nagsimula kaming tanungin si Gizem.

"Matagal ko nang napapansin ang kakaibang kilos ni Daddy, simula pa man noong nalaman namin na nasa hospital si Zamia, 3 years ago." Panimula niya.

"He's terrified but I didn't pay attention to it. Hindi ako nagtanong o kung ano pa, at noong nalaman naming bumalik na nga si Zamia, mas lalong nag-iba ang kilos ni Daddy. Palaging balisa, hindi mapakali, the other day nakita kong nagliligpit siya ng mga gamit niya. Lahat ng damit nilagay niya sa maleta, at iba pa... kaninang umaga hindi ko na siya mahagilap sa bahay. So I think he's already out of the country, nalaman ko rin kasi sa secretary niya na, nagpapahanda siya ng passport." Seryoso lang kaming nakikinig sa kanya.

Napasinghap ako ng may naalala. Marahan kong hinawakan ang kamay ni Gizem, at nakita ang tatto doon.

"May nakita akong ganitong tatto Gizem... kaya noong una akala ko ikaw talaga ang nagpahirap sa akin," pinunasan niya ang luha sa pisnge niya.

"My dad also had this tatto, noong nag-18 ako, sabay namin 'tong pina-tatto. That's why I had this, and also daddy... ang sabi niya simbolo ito ng pagmamahal niya sa akin."

Ngayon mas naintindihan ko na. Gizem... is not the culprit, ang daddy niya ang totoong may kasalanan.

"I may hate you Zamia pero hindi umabot sa puntong gusto kong mawala ka. Nalason ako ng pagmamahal ko, kaya nasabi ko at nabitawan ko ang mga salitang 'yon noon." Umangat ang tingin ko kay Al.

She loves him so much that she turned into desperate woman. I can't blame her, ganoon talaga siguro pag subra-subra kang nagmahal.

"Nasaktan ako at umasa ako... pero hanggang doon lang naman talaga ang lahat... pinili ko na lang ayusin ang sarili ko noon. Not until, I heard about your disappearance, kinabigla ko rin 'yon. At nang araw na malaman ko 'yon may sinabi rin sa akin si Daddy... 'It's your time to shine, hija. Wala ka nang dapat ikabahala.' 'Yun ang sinabi niya sa akin."

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.

"Sa tingin mo saang bansa kaya naroon ang daddy mo?" Biglang nagtanong si Analiz. Hindi pa rin maalis ang pagdududa sa kanyang boses.

"I don't know... marami naman siyang pinupuntahan noon, so I don't really know where he is. At isa pa hindi naman ako sigurado kong umalis ba talaga ng bansa si daddy." Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil do'n.

Kung wala pang kompermasyon ibig-sabihin may posibilidad na nandito pa rin siya sa Pilipinas.

"My dad has been so angry to your family Zamia... simula pa man noon. I knew about his true gender, that he's a gay... siya nga ang unang nagturo sa akin about makeup's, dresses, and everything. Hanggang sa magkwento siya sa akin nang tungkol sa pamilya niyo... he said that he hate your mother because she stole everything from him." Umiling ako.

Kabaliktaran ang kwento ng daddy niya!

"Palagi niya ring sinasabi sa akin na dapat talunin raw kita sa lahat... na dapat ako ang mas una kaysa sa 'yo. At sinabi niya rin sa akin na dapat protektahan ko ang dapat na akin dahil darating ang araw na aagawin mo lahat... and before, I thought he's right, kasi nakuha mo sa akin si Al... kaya tuloyan akong nagalit. Inisip ko na tama si Daddy, na kukuhanin mo ang lahat ng sa akin."

"That's not true Gizem... ni hindi ko alam noong una that you're his ex-girlfriend. At kahit kailan hindi ako nakipag-kompetensya sa 'yo." Natahimik kaming pareho.

"The police is now doing their job, at nalaman din nila na walang trace na umalis ng bansa ang daddy mo Gizem. That means, he's still here in the Philippines." Si Klaus na ngayon ay hawak-hawak ang cellphone niya.

"That's a good news... mas madaling mahuli kung ganoon," si Roxan nasa gilid ko lang siya.

Halatang naguguluhan pero mukhang iniintindi niya ang sitwasyon.

"My agents is now moving Zam, you don't need to worry too much." Al whisphered on me.

Tipid akong ngumiti.

"Thank you sa inyo..." isa-isa lang silang tumango.

Except Exeriel na walang imik sa gilid at nakatitig lang kay Analiz. I'm not sure kung nakatitig nga ba, pero parang sa banda ni Analiz siya nakatingin.

Wala namang pake si Analiz na ngayon ay busy sa kanyang cellphone.

I really hope that everything will end. That this problems will be solve. Because I'm tired... I want to rest... I want to spend time with Brazilla... with Al... with family... with friends.

"Gizem, huwag ka na munang umalis rito. Ayos lang naman kung manatili ka muna hanggang sa matapos ang kaso." Pagod siyang tumango.

"Can I have a favor Zamia..." napatigil ako pero dahan-dahang tumango. "D-Don't kill my dad... d-don't kill him."

"We're not sure about that Gizem, lalo na pag nanlaban ang daddy mo." Si Al ang sumagot.

"Al..." pag-tawag ko sa kanya. Alam kong galit na galit si Al dahil sa nalaman niya.

Noon pa man sinabi na niya sa akin na mananagot ang kung sino man ang nagpahirap sa akin noon.

"My dad has been so great to me... minahal niya ako at alam ko 'yon. He's my everything, mawala ang lahat sa akin pero sana huwag... huwag ang daddy ko. Ayos lang sa akin kung makulong siya at pagbayaran ang ginawa niya... pero ang mamatay siya... h-hindi ko ata kaya. I know his a bad person, but he's a great parent to me."

"We will try our best Gizem. Sana nga sumuko agad ang daddy mo, para walang trahedya pa ang mangyari ulit." Mahina siyang tumango.

Akmang aalis na kami ng sala nang tumunog ang isang cellphone.

It was from Gizem. Nanlaki ang mata niya nang makita ang cellphone.

"I-It's my dad... he's calling..."

Natahimik kaming lahat, bumalik rin si Gizem at pumunta sa gitna namin bago niya sagutin ang tawag.

"D-Daddy..." pinindot niya rin ang speaker para marinig namin ang pag-uusap nilang dalawa.

["Hija, how are you? I'm sorry if I suddenly vanished... may ginagawa lang ako, hija."] Tumingin ako kay Gizem.

Halatang nagpipigil siya sa paghikbi. "Where are you daddy? At bakit ka nawala bigla?"

["You know hija, marami akong ginawa. But don't worry aayusin ko rin lahat, where do you wanna go hija pag balik ko? New york? France?"]

"It's up to you daddy... h-how are you?"

["I'm fine hija. But I really need a money right now, can you lend me one of your credits card? Pag nakabalik ako papalitan ko, hija."] Kusang umangat ang kamay ko para hagurin ang likod ni Gizem.

"Y-Yes s-sure daddy... but can I visit you? Tell me, daddy, where are you?" Nagkatinginan kami.

Naghihintay na sana sabihin nito ang lokasyon niya.

["Can you keep it a secret hija? I mean don't share it to your friends... nandito ako ngayon sa rest house natin, sa Tagaytay."] Naalarma kami nang banggitin niya ang lugar.

Kanya-kanyang naging busy si Al at si Klaus sa kanilang mga cellphone. Maging si Analiz ay lumayo muna sa sala para tawagan ang parents niya.

"O-Okay daddy... bibisitahin kita." Tumango lang ako kay Gizem. "I will end this call now."

["Sure hija, see you here."]

Nang tuloyang ibaba ang linya ay tsaka lamang humagulhol si Gizem.

I can't help it but to hug her, kahit hindi naging maganda ang tungon namin sa isa't-isa, hindi maipagkakaila na tinutulungan niya kami ngayon.

Mahirap sa akin na makita siyang nahihirapan ngayon lalo na't daddy niya ang pinag-uusapan namin rito.

"You need to rest Gizem..." pinadala ko siya sa isang maid. Maging sila Analiz ay dito rin mananatili.

Wala namang problema iyon dahil marami ang guest room namin sa bahay.

"The police is now locating him, sinabihan ko na rin na siguraduhing  hindi makakatunog si Mr. Choi," tumango ako kay Klaus.

"You need to rest now Zam, ihahatid na kita sa kwarto mo." Lumipat ang tingin ko kay Al na ngayon ay inaabot ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako.

"Marami pang guest room Klaus, you can stay here." Ngiti lang ang sagot niya.

"Kami na ang pupunta bukas sa Tagaytay Zam, you will stay here---"

"Sasama ako Al." Putol ko sa kanya.

Mariin siyang huminga at umiling.

"No, hindi ako makakapayag. Dito ka lang Zamia, I can't afford to lose you again..."

"At mas lalong hindi ako matatahimik Al, kung maiiwan ako. Kaya please, sasama ako bukas..." he sighed.

Tumingin siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mata.

"Damn... fine, but you need to stay by my side. Kahit anong mangyari." I nodded.

"Pupunta muna ako sa kwarto nila Mommy, hintayin mo na lang ako sa kwarto ko." Paalam ko sa kanya at dumiretso sa kwarto nila Mommy.

Dalawang beses akong kumatok bago bumukas ang pinto.

"How is it Zam? Gustohin ko mang lumabas kanina pero talagang nahihilo ako," mahigpit kong niyakap si Mommy. Dumapo rin ang tingin ko kay Daddy na ngayon ay nakatingin sa akin.

"We already knew where he is Mommy... bukas na bukas po ay kikilos na kami pati ang mga pulis... at ang mga tauhan natin."

"That's kind of a relief, but can't you stay here? I'm afraid, something might happen to you..." mabilis akong umiling.

"Wala pong mangyayari... pinapangako ko po..."

Lumapit rin ako kay Daddy at mahigpit itong niyakap.

"Z... a..."

"Daddy... I hope all of this will be solve, so I can spend my time with the both of you. I'm sorry for the 3 years, tatlong taon na wala ako sa tabi niyo." Hinarap ko ito.

Kahit hindi siya makagalaw ay kusang tumulo ang luha sa kanyang mata.

"Be fine Daddy... pagbalik ko, maayos na ang lahat. Promise me that you'll be fine. Also you Mom." Marahang tumango si Mommy at hinalikan ako sa noo.

"We will wait for you, Zamia."

* * *

"Please take care of Brazilla..." kausap ko ngayon si Roxan.

"Oo naman... makakaasa ka, basta siguraduhin mong babalik ka! Kayo! Huwag mong alalahanin si Brazilla." Yumakap rin ako sa kanya.

Silang dalawa ni Darth ang maiiwan, kasama rin nila sina Mommy at Daddy rito sa bahay. Panatag naman ang loob ko dahil alam kong may mga bantay sa buong bahay.

"We're going now. Darth, I'm leaning on you." Si Al na kausap ang kapatid niya. Tumango lang ito.

Klaus, Analiz, Gizem, Exeriel and Al. Sila ang mga kasama ko papuntang tagaytay. Pati na rin ang mga pulis at mga tauhan namin... tauhan ni Al... at tauhan ng pamilya ni Analiz.

"Gizem, are you alright?" I asked her.

Simple lang siyang tumango.

"Let's go."

Dalawang van ang nakalaan sa amin. Sa isang van ay ako, si Al, Klaus at Gizem. Sa kabilang Van naman ay naroon si Exeriel at Analiz kasama ang mga pulis.

"Tumawag ba ulit ang daddy mo?" Tanong ni Klaus sa kanya.

"No, but he texted me about the exact location." Natahimik kami pagkatapos n'on.

Wala ni isang nagsalita. Aabutin pa kami ng ilang oras bago makarating sa eksaktong lugar.

Nakapwesto na ang iilang pulis, at mukhang hindi naman natunugan ni Mr. Choi ang nangyayari.

Huminga ako nang malalim ng sabihin ni Al na nakarating na kami. Unang bumaba si Gizem at naglakad papasok.

Sinenyasan rin namin ang mga pulis na huwag gumawa nang hakbang hanggat hindi namin sasabihin.

Sumunod kami kay Gizem, at pasimple ring nagtatago.

"Daddy!" Boses ni Gizem. Nang sumilip ako'y nakita kong nakayakap na siya sa Ama.

"Hija, I'm glad you visit. Nasaan na pala ang pabor na hinihingi ko?" Dahan-dahang umatras si Gizem.

"Daddy... can you please stop all of this..." halatang natigilan si Mr. Choi dahil sa sinabi ng anak.

"What are you talking about hija?"

"Daddy, please stop! Kahit para sa akin na lang tumigil ka na!" Seconds ago, humagulhol na si Gizem.

"I don't know what are you talking about hija," may halong riin na rin ang boses ng lalaki.

"Alam ko na lahat Daddy! Nagtatago ngayon 'di ba dahil alam mong pinapahanap ka na sa mga pulis?"

"Gizem... stop talking. Ibigay mo na lang sa akin ang hinihingi ko! And you can leave, tatawag ako pag maayos na ang lahat---"

"Daddy... sumuko ka na, parang-awa mo na. Kahit para sa akin na lang? Please, Daddy! Sumuko ka na---" nanlaki ang mata ko dahil biglang sinampal nito si Gizem!

"H-Hija... I'm sorry it's not my intention, just leave! Hayaan mo na lang muna ako, okay? At anong susuko? Hindi ako susuko!" Gusto ko nang lumabas pero hinawakan ni Al ang kamay ko.

"Pwede bang tigilan mo na lang lahat ng 'to Daddy? Hindi pa ba sapat na muntikan nang mamatay si Zamia noon? Ano pa bang gusto mo!?" Lumakas na rin ang boses ni Gizem.

"Ano bang sinasabi mo!? Nalason na ba 'yang isipan mo!? I told you, their family is one of a kind monster! Hindi mo dapat kinakampihan ang mga 'yon!"

"Stop! Stop! Tama na Daddy... sumuko ka na lang! Nasa labas na ang mga pulis at huhulihin kana!" Nanlaki ang mata ni Mr. Choi dahil sa sinabi nito.

Sinenyasan na rin ni Klaus ang mga pulis na magsimula na sa hakbang nila.

"A-Anong sinabi m-mo..." hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Choi.

Lahat rin kami ay napayuko dahil sa sunod-sunod na putok ng baril.

"May mga tauhan si Mr. Choi sa labas!" Si Klaus na ngayon ay nilabas ang baril mula sa kanyang likuran.

"Fuck, this is why I don't want you here..." bulong ni Al nangangamba na rin ang boses. Mas lalo ring humigpit ang hawak niya sa akin.

Hindi pa kami nakatayo muli nang tumunog ulit ang mga baril at nagpakawala ng sunod-sunod na putok.

"Gizem..." bulong ko nang makitang nakaupo ito sa sahig habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang ulo.

Gusto kong takbuhin ang pwesto niya, ngunit naunahan na ako ni Klaus. Mabilis siyang tumakbo papunta sa pwesto ni Gizem at hinila ito pabalik sa kung nasaan kami.

"Gizem... are you okay?" Sabay-sabay naming tanong sa kanya.

Tumango lang siya, may iilang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata.

"How dare you betrayed me Gizem!?" Boses ni Mr. Choi. Nang tumingin kami sa kanya ay may hawak na siyang baril. Lumabas kami sa pinagtataguan namin at hinarap ang lalaki.

"Daddy... I'm sorry, pero mali na ang ginagawa mo!"

"How dare you! After everything? At nakipag-kampihan ka sa babaeng 'yan? Hindi mo ba naalala? Inagaw niya sa 'yo ang dapat ay iyo Gizem!" Mabilis akong umiling.

"Stop that Mr. Choi! Alam kong galit ka sa Mommy ko noon pa man! Tigilan niyo na po ang pag-lason sa utak ng anak niyo!" Sigaw ko.

Humalakhak ito. "Ang lakas mo rin ano? Akalain mong nabuhay ka pa rin pagkatapos ng lahat..." uminit ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

"I will fucing sue him Zam..." pinigilan ko si Al.

Naalala ko ang pabor ni Gizem sa akin, at hanggang may pagkakataon gusto ko siyang pagbigyan.

"Isipin mo ang anak mo Mr. Choi! Kung susuko ka sa mga pulis walang mangyayaring masama sa iyo! Kung talagang mahal mo si Gizem, susuko ka para sa kapakanan niya!" Napaatras kami ng itutok niya ang baril sa direksyon namin.

Mabilis kaming hinarangan ni Gizem.

Kung sakaling ipuputok ni Mr. Choi ang baril ay si Gizem ang matatamaan.

"Sumuko ka na please Daddy..." nagsusumamo na si Gizem.

"Klaus, please order the police to hold their fire. Wala munang magpapaputok." Alin-langan siyang tumango.

"Sa lahat ng tao sa paligid ko Gizem, ikaw ang pinagkatiwalaan ko! Because you're my daughter! But how could you do this? I trusted you!" Umiling lamang si Gizem.

"Ginawa ko 'to dahil ito ang mas makakabuti Daddy! Please, alisin niyo na po ang galit sa puso niyo! Sumuko ka na Daddy! Ayokong mawala ka sa akin... kaya please... please sumuko ka na Daddy... please..."

"Sa puntong tinraydor mo ako Gizem, ay tuloyan na akong nawala sa 'yo!" Napalunok ako ng kalabitin nito ang baril.

Mabilis kaming bumalik sa pagtatago.

Sunod-sunod na putok ulit ang narinig namin, sabayan pa nang pag-iyak ni Gizem.

At ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig. "S-Shoot him..." hindi ako nakasagot. "S-Shoot my dad... wala na akong magagwa pa, j-just shoot him!"

"Pero Gizem... ang sabi mo---"

"Ayaw niyang makinig sa akin Zamia, ano pang magagawa ko? He's not my father anymore... masyado na siyang nilamon nang kanyang galit."

"Gizem..."

"Alam kong humingi ako ng pabor, pero may magagawa pa ba tayo? Mahirap sa akin... subra... but we don't have a choice. It's either, tayo ang mamamatay... o hindi kaya... just, just shoot him!"

Pati ako ay napaiyak na rin.

"Now, fire." Boses ni Klaus.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mas lalong lumakas ang putok ng mga baril. Wala kaming nagawa kundi ang magtago habang hindi ko rin mapigilang humagulhol.

Nang tumigil ang putok ng baril ay tsaka lang kami lumabas mula sa pagtatago.

Bumungad agad sa amin ang nakahandusay na katawan ni Mr. Choi. Mabilis na lumapit si Gizem dito at mahigpit itong niyakap.

Mahigpit na niyakap ang bangkay ng kanyang Ama.

"It's... it's over now..."

***

Continue Reading

You'll Also Like

114K 2.8K 64
Wincess Jane Alcantara is an college student who's always getting an attention from boys, because of her angelic face, but being a kuya's girl she ne...
75.3K 1.9K 30
THREE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH - C O M P L E T E D - At 25, he had never been in a relationship, his heart guarded by the pain of his mother's aband...
147K 4.2K 83
At the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's...
45.7K 1.5K 26
Suffering from amnesia for too long. Crystal or better known as C, Change her life into something unexpected that she couldn't imagine, As the world...