Boulevard to Polaris (Virago...

By catarchiv

53.1K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... More

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
each of their past
the bliss ignites
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
just as the unseen
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
intentionally shatters
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
with ours adrift
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

the memories last

797 23 5
By catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER EIGHT
the memories last
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Are you sure none of you have seen him?" I asked again, my eyes dilated here and there to check for his figure around the coast but I saw none of his frame. Saan kaya lumusot 'yun? Did he already change into his swimming trousers?

"Wala po. Wala ring may nagpaalam." Kibit-balikat ng lahat kaya't napakunot ako ng noo. Imposible rin namang aalis siya nang walang paalam. Something must've come up and he has to tend to it? Maybe. But going without telling everyone where will he go first? That's odd of him.

"Boys, bantayan niyo muna 'yung cabin. Girls, samahan niyo nga ako maghanap." Utos ko agad sakanila bago tumayo, hindi ko na inabalang mag-unpack pero nang aalis na kami ng cabin ay biglang naulinigan ko si Gazer na naglalakad patungo rito. Nakayuko siya at walang pang-itaas pero suot-suot niya 'yung swimming trunks niya.

"There he is." I pointed out to them kaya't napatingin naman silang lahat pero daglian kaming natigilan when he neared himself at the cabin at putok ang labi niya. Binalot agad ako ng pag-aalala sa nakita lalo na't sigurado akong maayos ang mukha niya 'nung pumunta siya rito.

"What happened?" I asked him.

"Hala, ano nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong din ng iba. Kakarating lang namin tapos babalik siya rito na putok ang labi. Ano ba nangyari kamo at nawala siya? Nalingat lang ako saglit, ah?

Mas ikinagulat ko pa nang dumeretso siya sa'kin at inilahad ang kamay niya kung nasaan ang cellphone ko. Napakamot siya ng ulo habang ako nama'y nakatanga lang do'n, takang-taka at gulat na gulat bakit biglang nasa kanya cellphone ko.

"Nakita k-ko po kasi na ninakaw 'nung isang teenager na lalaki kanina sa bag mo habang kausap mo 'yung babae, Ma'am. Ako lang 'ata nakakita kaya hinabol ko na lang pero ayon nga po, nadaplisan ako." Nahihiya niyang sambit habang kinakamot ang ulo, halatang nagsisinungaling kasi hindi basta-bastang daplis lang nasa bibig niya. Halata namang sinapak siya ng kung sino man kaya't mas lalo akong nainis dahil do'n.

"Linisan niyo muna siya. Baka may nearby clinic dito or anything that can tape his bruise. May pupuntahan lang ako saglit." I smiled at them once before fetching my phone. Patting Gazer's back, I gestured him to follow them when they motioned him towards the direction of the clinic. Saglit pa siyang napalingon sa'kin, kunot ang noo at bakas ang pagtataka sa mukha pero nginitian ko lang siya.

"Ma'am, saan ka pupunta? Samahan na po kita." Jelo offered which I just retorted with a nod before I went on to the same spot where I eyed Gazer a while ago. Luminga-linga ako sa paligid, sinunod din ni Jelo ang ginagawa ko at parang alam niya na 'ata kung ano gagawin ko base sa mga tingin niya.

We reported the anomaly on the nearby guardhouse at agad naman nilang inaksyunan 'yun pero ayoko makampante sa ganyan lang. Sinamahan ko silang hanapin ang mga bata raw na 'yun na kwento ni manong guard ay magaling daw magtago at magnakaw.

Hindi nga lang nila sila mahuli-huli at mapaalis kasi isang taon ng absent ang talagang nagm-manage ng buong resort, iniwan lang nito ang anak nitong bulag at halos hindi rin daw marunong mag-manage liban na lang kung may kasamang matalinong board member. Kalat daw 'yun sa buong isla.

"Ayun po 'ata sila." He called out for me in a whisper manner when he saw a couple of young teenagers at the bay na may pinagp-pyestahang mga bagay sa lapag tulad ng cellphone, wallet, at kung ano-ano pa.

I have no idea if the managers of the premises allow these kind of activities inside their locale but I won't let that slide lalo na kung sila talaga ang nagnakaw at nanuntok kay Gazer na halos walang kalaban-laban.

"Hey." I called out sweetly nang makalapit kami ni Jelo. Nanatili naman siyang tahimik sa tabi ko habang pinapakiramdaman lang ano ang gagawin ng mga tao sa harap namin. There are two boys and two girls, lahat sila mukhang teenager pa at nakakalat pa sa buhanginan 'yung mga bagay na parang hindi naman sakanila base sa ayos at tatak.

"Ah, hello." Mahinhin na saad ng batang babae, nanatili namang tahimik ang tatlo habang nakatingin sa'kin.

"Ilang taon na kayo?" Tanong ko pa para makasiguro. Naramdaman kong bahagya pang napakamot ng ulo si Jelo dahil sa ginagawa ko.

"Ah! Twelve po ako, si Ate Denise fourteen tapos silang dalawa ni Kuya Yvolai at Kuya Mason ay eighteen po tsaka nineteen." Sagot ulit na bata, sinaway pa siya ng kuya niya raw dahil sa kadaldalan niya.

"May nakakita ba sa inyo ng nanuntok na teenager dito kanina?" Dagdag ko, inobserbahan ko kung saan unang mapapatingin ang batang babae at lumapat naman ang mata niya sa kuya niyang labing-siyam na taong gulang kaya't mabilis ko siyang tinapik sa balikat.

"Ikaw ba 'yung nanuntok?" Mahinahon kong tanong pero sa gulat ko ay malakas niya akong tinulak at akmang tatayo para tumakbo pero mas mabilis ako. Jelo caught me when that man pushed me away pero hindi ko 'yun pinansin at mabilis na hinabol din 'yung lalaki.

Hindi man obvious pero magaling ako tumakbo kaya't sa oras na naabutan ko siya ay hindi na ko nagdalawang-isip na hilahin ang buhok niya bago malakas na sinuntok ang mukha niya. Sinigurado kong putok na putok ang labi niya ro'n.

"Puta!" Galit niyang sigaw at akmang susuntukin pa ako pero mabilis ko na siyang sinipa sa gitna ng hita niya.

Doon ay pinanood ko kung paano siya napaluhod habang napapasigaw, halos mangiyak-ngiyak siya at sa ganoong postura rin kami naabutan ng mga kasama niyang bata, ni Jelo, at ng mga bodyguard.

"Sa susunod, huwag na kayong magnanakaw. Ako pa talaga napili niyong nakawan tapos dinaplisan niyo pa driver ko." Gigil kong saad bago tumalikod at hinayaang ang nga guard na ang umasikaso sakanila. Hindi na nila pinansin kung paano ko sinugod ang gago kasi alam daw nila kung gaano na ako kagigil mula pa kanina.

"Hirap na hirap na kami sa'yo, ijo. Kailangan mo na talagang umalis dito." Napapailing na sabi ng matandang guard.

Hindi na rin nakaalma ang mga bata at ang isang binata na kasama ng gagong 'yun. Takot lang silang nakatingin sa'kin hindi kagaya ng kuya-kuyahan nilang hindi kailanman ay napigtas ang matalin na tingin sa'kin kahit na nilalayo na siya ng mga guard.

"Don't steal." Sabi ko habang nakatalikod sa batang kasama ng gagong 'yun. Hindi ko na rin hinintay pa ano ang mga sasabihin nila at mabilis nang lumisan do'n.

Magsasaya kami dapat dito kaya 'yun ang mangyayari pero hindi ko man lang naisipang may ganitong uri ng gulo na dadaan sa'kin.

Worst is they touched Gazer. Pinadapo pa nila kamao nila sa driver ko at mas lalo akong nairita habang naiisip kung gaano kaliwanag ang ngiti niya kahit na may daplis siya sa labi kanina. Proud siyang nakuha niya cellphone ko kahit kapalit nu'n na masira mukha niya.

"Ang galing niyo po, Ma'am. Napabagsak niyo siya?" Manghang tanong ni Jelo habang pabalik kami sa cabin pero tinawanan ko lang siya.

"Not really. I used a foul move but I guess, he deserves it anyway." Kibit-balikat ko at habang patungo naman kami pabalik sa pwesto namin ay naulinigan na agad kami ng mga kasama namin.

Kinantyaw pa kami ng mga staffs ko kasi bakit daw kami magkasama pero inirapan ko lang ang mga paandar nila bago nilapitan si Gazer na tahimik lang na nakamasid at nakangiti sa may bench. Bahagya kong tinignan ang labi niyang may patch na bago siya nginitian.

"Nahuli na 'yun. Ayos na lahat. Dapat nagsasaya tayo pero may gago talaga sa mundo 'e." Saad ko bago sila tinignan lahat, "Kumain na tayong lahat! Gutom na gutom na ko. Letse mga 'yun, dinelay pa kainan at bakasyon natin."

Nagsimula kaming kumain, sobrang ingay pa nga namin kakatawa dahil sa mga paandar ni Jelo at ng mga kaibigan niya pero walang may uminda nu'n kasi nandito kami para magsaya. Malapit naman na gumabi kaya nagpasya na rin kaming maligo lahat. Pansin ko rin na nagtwo-piece kaming lahat ng girls kaya todo tulakan naman ang mga gago sa gilid kasi may kanya-kanya raw silang crush sa mga babae kong staffs.

Napatingin naman ako kay Gazer na kanina pa tahimik sa gilid atsaka siya nilapitan. Tumabi ako ng upo sakanya kahit na pansin kong halos hindi siya makatingin sa'kin. Hindi ba siya makatingin kasi ngayon niya lang akong nakitang naka-two piece? Ang cute niya naman mag-react!

"Makisabay ka sakanila. Hindi ka ba sanay sa ganito?" Pagopen-up ko.

Napakamot naman siya ng ulo atsaka plakda na ngumiti, "Hindi po 'e," bahagya pang umusog dahil sa lapit naming dalawa. Puno kasi ng bag 'yung pwesto niya at wala ng space kaya ayon.

Sekreto naman akong napakagat ng labi para pigilan ang pagngiti sa mga cute niyang reaction pero para maging komportable siya, umusog din ako palayo atsaka tinignan na lang ang mga staffs kong nagkakantyawan pa rin.

"Ayan si Jelo! Crush niyan si Ma'am! Ma'am, ang ganda mo raw po 'o!" Katyaw ng kaibigan ni Jelo na si Gino. Tinawanan ko naman 'yun atsaka tinignan si Jelo na ang sama ng tingin sa kaibigan niya, halatang hindi masaya sa sinabi nito.

"Wala kang pag-asa kay Ma'am! Ayaw ni Ma'am ng aalagain!" Tawa ni Marissa, isa sa mga staff kong babae na mas lalong ikinatawa ng lahat. Napanguso naman si Jelo atsaka nagpunas ng peke niyang luha bago nila sinabing biro lang daw 'yun. Biro lang para sakanila but if I'm honest, that's true.

"Tanungin niyo kaya si Ma'am muna! Ano ba type ni Ma'am?! Anong klaseng lalaki ba ang magpapafall sa isang Astra Ray Madrigal?" Tumingin silang lahat sa'kin. Mga gagong 'to! Kung ano-ano ang paandar lagi pero napaisip din ako sa tanong niya kasi hindi pa talaga ako nagkakarelasyon. I only went for the pleasure once, isang beses lang na pagkakamali na hindi na nasundan pero ano nga ba gusto ko?

Saglit akong nag-isip kasi ang mga gago, talagang halatang naghihintay! Kahit si Gazer sa gilid ko, bahagya ring tumutok!

I cleared my throat, "I actually don't want to indulge myself in such useless feelings. Ayoko magmahal ngayon. There will come a time that I will but I want it to be perfect and smooth, a relationship where we both know our boundaries, where we're both financially stable, where we know our priorities and we're adhering towards that. Alam mo 'yung uri ng relasyon na give and take tapos balanced? Tipong hindi ko na kailangan manghingi ng bare minimum, "Mahaba kong explanation at lahat naman sila napatanga sa'kin. Saglit tuloy akong nagtaka kung may mali ba sa sagot ko kasi preference ko naman 'yun.

"Wala ka nga talagang pag-asa, Jelo." Umiling-iling si Gino habang tinatapik ang balikat ni Jelo na nag-akto namang umiiyak kaya nagtawanan ulit tuloy ang lahat.

"Pero seryosohang usapang, Ma'am, ang mature ng relasyon na gusto niyo. 'Yan ang standard! Untouchable and high! Ayaw niyo ba pababain, Ma'am?" Tanong naman ng isang baguhan na hindi ko kilala kaya ngumiti ako bago umiling.

"I can give him the same thing that I want him to give me. If he can't reach such basic standard then we won't work at all," I shrugged, "It's hard finding that kind of love so I'd rather wait for who'll step in to break my boundary. Or baka nga, ako pa unang mafall, right? Time will tell! Sa ngayon, at mag-swimming muna tayo at mag-inuman! Puro kayo lovelife, magsaya na tayo!"

Tumayo ako sa upuan bago hinawakan si Gazer na bahagya pang nagulat, "Sasama kang uminom! Halika na! Ako bahala sa'yo!"

"Hala, Ma'am! Hindi pa ako nakakainom sa tanang buhay ko!" He panicked but I just smiled at him.

"Ako nga bahala sa'yo! Light liquor lang 'to. Let's go!" Dagdag ko at hindi na siya hinayaan pang humindi. Mabilis kaming nagsiupuan habang nakapalibot sa inumin naming halos 47% 'ata ang alcohol percentage. Matapang siya masyado pero kayang-kaya naman 'ata namin 'to.

"Dare or Drink tayo!" Aya ni Janina, ang gay naming staff, habang winawagayway ang empty bottle niya ng C2, "Ang hihindi mabaho ang bilat at pututoy!"

Tumawa kami nang hinampas siya ni Farrah, ang bestfriend niya, "Bibig mo talaga, bestie! Walang preno at filter! Pero sige, go! Spin the bottle lang!"

At talagang they pushed the game for minutes. Hindi rin basta-basta ang mga dare kasi sinigurado ni baklita na may pares talaga 'yung mga dare niyang halos imposible naming magawa. Mayroong drink two cups or lick a lemon on the collarbone of the person you find attractive, mayroon ding share a drink using your lips with the person you like or drink three cups, 'yung pinakaimposible pa is lick the salt on the abdomen of the person you hate or drink five cups! Gaga talaga 'tong si Janina!

"At heto na nga ang pinakahihintay ko! Tumapat din kay pareng Gazer ang bote! Shuta kaaa! Ang tahimik mo! Silent men have big dicks daw, totoo ba 'yon?!" Lasing na sigaw ni Janina bago humalakhak nang makitang namula si Gazer dahil sa tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin, halatang hindi komportable 'yung tao sa mga ganyan.

"Farrah." Saway ko kaya nag-panic naman si Farrah na pasakan ng lemon bibig ni Janina.

"Joke la-ng," Nahihiya namang sambit ni Janina habang sinisinok pero kapagkuway ay ngumiti rin nang malapad, "At dahil shy type ka, dare ko sa'yo ay lagyan mo ng lemon bibig ng taong inaadmire mo rito tapos halikan mo siya or uminom ka ng dalawang basong liquor nateeeeeen!"

Natigilan si Gazer, halatang hindi inaasahan 'yun pero hinintay namin siya kasi halata namang curious kami kung hindi sino ba inaadmire niya kahit tahimik siya pero sa panghihinayang namin ay nagsalin lang siya ng alak sa baso at deretsong tinungga 'yun, bahagya pang nangunot buong mukha niya sa lasa pero hindi niya 'yun ininda at nagsalin pa ng isa bago ininom ulit nang derekta.

"Ay, ayaw niya. Osige, pagpatuloy!" Sabi ni Janina pero hindi ko na napansin sino pa iba niyang nakalaro kasi bigla akong nag-alala bakit namula agad si Gazer pagkatapos niyang uminom. Maputi kasi siya at mestiso kaya halata talaga 'yung pagpula ng buong mukha't leeg niya.

"Gazer, are you fine?" I asked him kasi magkatabi lang kami, napatingin naman siya sa'kin atsaka napangiti.

"Ang ganda mo po...hehe...hehe..." Sagot niya habang paulit-ulit na kumurap at ngumiti. Tumawa-tawa na rin siya kasama nina Janina at malakas ding humihiyaw kasama ng lahat kapag may gumawa na ng halos erotikang dare ni Janina. Napatampal naman ako ng bibig do'n.

"Gazer..." Mahinang tawag ko ulit sa kalagitnaan ng tawanan nila, "Ayos ka lang ba?"

"Silent...men...have big dicks...daw po. Totoo 'yon!" He giggled and my breathing hitched.

Oh, God.

I think he's drunk.

Continue Reading

You'll Also Like

408K 5.4K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
27.6K 451 32
Lies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Eli...
8.7K 690 44
"Nang dahil sa pagmamahal na naramdaman ko, naramdaman niya at naramdaman naming lahat. Maraming nasira, maraming nagulo." - Naffera Date Started: M...