Boulevard to Polaris (Virago...

By catarchiv

53.1K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... More

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
each of their past
the memories last
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
just as the unseen
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
intentionally shatters
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
with ours adrift
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

the bliss ignites

885 24 11
By catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER SEVEN
the bliss ignites
━━━━━━━━━━━━━━━━

Days passed quietly and fast. Me and Gazer got along well amidst those days at hindi ko na rin namalayan na halos magt-tatlong buwan na pala siyang nagt-trabaho sa'kin.

Tatlong buwan na rin kaming magkasama kada Biyernes sa mga restaurant sa palibot ng Quezon tapos binibisita rin namin lagi ang Local Plaza kung saan nakapirmi 'yung mga bata.

Parang naging habit na naming gawin 'yun at 'yun din ang dahilan bakit mas naging komportable kami sa isa't-isa.

If people see us, they might think of us as someone who's in a relationship because of our gestures but they're not one to judge. I care less either although, I don't know if it's the same to Gazer who cares more about his surroundings rather than himself. Bawal na ba makipagkaibigan ang mga babae sa lalaki? Hindi naman kaya bahala sila.

"Tuwang-tuwa po talaga kapatid ko sa mga pinadala niyo sakanya, Ma'am. Pero nahihiya rin po raw siya kasi hindi niya pa kayo nakikita tapos ang dami niyo ng pinamigay sakanya." Napapakamot ng ulo si Gazer habang nagd-drive kami papunta sa terminal.

May nag-issue kasi ng trip because anniversary na ng kompanya ko so sinakyan ko na lang kasi kinuntsaba rin nila si Gazer para raw pumayag ako. And I did because a little windup beside the sea won't gonna be that bad anyways, right? Kailangan din nila ng refresh from work.

"It's fine. I'll book a visit to him once in a month din to see how he'll recover. I promise that. Mostly sa sweldo mo is napupunta sakanya 'di ba?" Tanong ko habang chinecheck din ang mga gamit na dinala ko kasi baka may nakalimutan pa ko gawa ng kakamadali ko kanina.

"Opo. Iniipon ko po para sa operasyon niya." Sagot naman niya, nasa daan pa rin ang tingin.

Tumango ako, "I'll help you with that then."

Napasinghap ako ng biglang pumreno 'yung sasakyan. If I'm not wearing a seatbelt ay muntikan pa akong dumeretso paharap kaya inis akong napabaling kay Gazer na katulad ko ay gulat na gulat rin. Nilingon niya pa ako at agad na humingi ng patawad pero hindi nu'n naibsan ang inis na nararamdaman ko.

"Sorry po, Ma'am! Hala! Nagulat lang po ako. Sorry po!" Sunod-sunod niyang hingi ng tawad bago tinanggal seatbelt niya't lumusot sa gitnang parte ng mga upuan para siguro i-check kung ayos lang ako. Nahigit ko naman ang hininga ko dahil sa biglaan niyang paglapit, hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko habang iginigiya ako sa kaliwa at sa kanan. Sobrang lapit niya naman!

"Sorry po talaga." Halos naiiyak niyang sambit, kaliwa't kanan niya pa ring tinitignan kung may nangyari ba sa'kin at oras na humarap siya't pumirmi ay halos nawalan ako ng hininga ng maramdaman ang tungki ng ilong niya na bahagyang pumisil din sa bridge ng ilong ko.

"Ah." Gulat naming sambit, nanlalaki ang mata at halos pigilan ko ang pagtawa ng magkulay kamatis ang buong mukha ni Gazer habang mabilis na nilalayo ang sarili sa'kin.

Pansin ko ring kinakabahan siya at hindi mapakali kasi ilang minuto pa siyang nakatingin lang sa harap ng sasakyan. Natuod na rin siya sa kinatatayuan at hindi na talaga gumagalaw.

"Gazer."

"Ma'am, please don't fire me. Kailangan ko pa po 'yung pera." Seryoso niyang sambit, halata pa rin ang kaba sa boses at hindi ko na talaga napigilang tumawa dahil first time niya umingles at 'yun pa talaga ang sinabi niya.

Maluha-luha ko siyang tinignan, naiiyak ako kakatawa habang umiiling.

"Loko. Bakit naman kita if-fire?" Tanong ko, kumuha pa ko ng bimpo para hindi mag-smudge makeup ko dahil sa walang-hanggan kong pagtawa sa reaksyon niya. He never really cease to amaze me with those gestures.

"Kasi po... muntikan na po tayo mag-ano..." Napapakamot ang ulo niyang sabi, namula pa nang tuluyan ang tenga niya.

"Ano?" I teased.

"Kiss po." Dagdag niya kaya't mas napahagalpak ako ng tawa. Why does he look so innocent while saying those?! I'm guessing he's a virgin but well, I'm not so I basically know some things about it. It's just that his innocence is so cute, I want to pinch him.

"It didn't happen anyways. It's not a big deal atsaka pasensya na rin kung nagulat kita but I meant my words truthfully. I'll help you with the hospital expenses so you can be at ease. Huwag ka mag-alala, you don't have to pay me back." I smiled, "Mag-drive ka na kamo kasi mal-late na tayo. We can't have them waiting there now, can we?"

Kahit nahihiya, tumango siya at nagsimulang mag-drive ulit. Tahimik na rin ang biyahe, pinapakiramdaman na lang namin ang isa't-isa but on the other hand, I can still feel my heart racing especially with the memory of how close his face is towards me but it's just a normal reaction anyways. It won't matter enough on the next days.

"Ma'am!" Bungad ng mga staffs and co-workers ko pagkarating na pagkarating namin sa may daungan.

We're planning to go to Boracay kahit na nag-offer ako na mas maganda sa Palawan or Baguio. I also offered a trip to Dumaguete or Siquijor kasi mas malapit siya in Western Visayas where my hometown lies but ayaw daw nila kasi mas maganda raw kung sa beach.

They denied my invitation kahit na kaming lahat naman gagastos kasi baka raw maubusan ako ng pera. And I'm just there saying to myself that that will never happen, not in my name.

"Ang ganda niyo po, Ma'am!" Bati ng isa ko pang co-worker na si Jelo, abot-langit ang ngiti at nagkakantyawan pa sila ng mga kaibigan niya.

"Gusto mo ba ng raise sa sweldo?" Natatawa kong tanong kaya naghiyawan naman silang lahat at kanya-kanyang sabi na ang ganda ko raw habang papaakyat kami sa barko. Winagli ko naman 'yun gaya pa rin ng dati kasi hindi ako sanay sa mga ganyang komplimento.

"Ingat po kayo." Bulong ni Gazer sa gilid ko habang tinutulungan ako umakyat. Ano ba kasi naisip ko at naisipan kong mag-heels kahit na dagat pupuntahan namin?

"Nag-iingat ak - ay!" Hiyaw ko at ng mga kasama ko nang umusli 'yung heels ko at muntikan na kong matapilok. Saglit pa akong napapikit sa gulat pero buti na lang at may humila sa bewang ko pabalik sa pwesto. Daglian pa kong nawalan ng hininga dahil ro'n.

"Sabi ko kasi mag-ingat." Napapakamot sa ulo na sabi ni Gazer habang hawak-hawak ang bewang ko. Hindi ko man siya makita ay alam kong siya 'yung nag-guide sa'kin kaya nilingon ko siya at pinaningkitan ng mata bago tumungo na lang sa maliit na barko na hindi ko alam anong tawag kasi tinawanan lang ako ng gago. Gunggong na 'to!

"Kapit po tayo mahigpit, bantayan niyo rin po mga gamit niyo kasi baka lumipad at hindi na kami sisisid para makuha 'yun sakaling mapunta sa tubig. Baka may shokoy." Biro ng kargo na tinawanan naming lahat.

"Kamukha ko po ba?" Biro naman ni Jelo na tinanguan ng mandadadagat kaya't mas lalo kaming nagtawanan.

Hindi na rin naman kami nagtagal pa't bumiyahe na. Tumagal pa siya ng halos oras at kinailangan pa naming mag-ferry ulit pero worth it naman kasi sa oras na dumating kami sa front ng Caticlan ay parang narefresh din mga isip nila, malapit na sa Boracay 'e.

Mind lang nila because I'm too busy looking at that specific short brown-haired girl na may hawak na batang kumakain ng ice cream sa may daungan. Tantya ko ay three years old ang bata pero dahil nakatalikod pa 'yung babae ay hindi ko pa masyadong makita 'yung mukha niya.

Saglit naman akong nagpaalam sa mga kasama ko at nilapitan siya. Halos lumuwa rin ang mata ko sa gulat when I saw her. It's been almost four of five years ever since I saw her! My bestfriend!

"Avelle!" I called out, her head diverted towards me and her eyes widened the instant she recognized me.

May kausap siyang lalaki na hindi ko kilala but baka ama siya ng bata kasi bukod sa medyo magkamukha sila sa malayo ay parang may resemblance rin sila lalo na sa mata at labi. Hindi naman ako bulag pero ang tanong ay bakit parang nagtatalo silang dalawa? Away mag-asawa ba 'yan?

May guhit pa ng ice cream sa paa ng lalaki. Baka pinahid ng bata kaya sila nagtalo? Ang babaw naman nila kung gano'n!

"A-Aster!" Masayang bungad ni Avelle bago iginiya ang bata na tumakbo papunta sa'kin. Hindi nila ininda 'yung buhanginan at tumakbo papunta sa'kin. Pansin ko pang nagtagpo ang kilay ng lalaki pero hindi ko siya kilala kaya bahala siya riyan.

"Get us out of here. Get us out of here, please." Mahina niyang bulong habang nakangiti na parang kinakabahan, nakahawak pa siya nang mahigpit sa kamay ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapakunot-noo pero iginiya ko rin naman siya paalis.

Saglit ko pang nilingon ang lalaki pero nakatingin na lang siya na parang hinahayaan na lang ang dalawang bulinggit na 'to. Sumunod na lang din ako kasi it's not like I have something to do about it. Besides, Avelle said to get them out of there.

"Bakit hindi niyo muna ayusin 'yung away niyo mag-asawa?" Tanong ko, gulat pa rin na may kasama siyang bata na halos kaedad lang ng mga taon kung kailan siya nawala sa mga billboard at commercials.

"I miss you so much. Ang tagal nating hindi nagkita tapos may anak ka na pala! Hindi ko na rin nahagilap pa sina Vienna, Solace, at Paris! Saan na ba kayo nagpupupunta?!" I added.

They are my group of friends ever since I was on my Junior High School, though I'm already friends with them back when I was in the province. Bata pa lang kami nu'n and I don't know what people call it but maybe "childhood friends".

Avelle works in a modeling agency before and her career bloomed the instant she started it lang as a hobby. Vienna traveled around the world as a food or traveling connoisseur and I don't have any idea where is she now besides Spain kasi she's half.

Solace is now a successful psychotherapist while Paris is maybe out there in Los Angeles to work as a stripper or a freelancer manager. They have sidelines I know nothing about because privacy matters for us. The rest of the group is inactive but I know they're busy with their own careers. They're all going at it.

"I miss you, too. Pero anong asawa?! Hindi ko 'yun asawa but her, she's my daughter. Her name's Alleia. Baby, say hi to Tita Aster." Malambing nitong saad sa anak pero inirapan lang siya nito. Nagulat naman ako kasi 'yung paraan niya ng pag-irap ay katulad na katulad kay Avelle. Like mother, like daughter nga.

"Ayoko." Matigas at mataray na sabi ng bata bago dumila sa ice cream niya, "I want to go to that Mister. He treated me ice cream but you dragged me away from him!"

"You can't just accept foods from strangers, baby! They will kidnap you away from me at ayaw 'yun ni Mama mangyari, okay? Mamatay na si Mama, huwag ka lang mawala sa'kin." Nag-aalalang sambit naman ni Avella, pinunasan niya pa 'yung ice cream sa gilid ng labi ng anak gamit mismo ang hintuturo niya.

One thing I noticed is... Avelle changed a lot. Avelle used to be maarte and maldita, campus bully din siya noon at isa pa ako sa mga binully niya but now that her daughter is here, I can sense no more of her past self in her. She's grown and changed all throughout the years, tamang seguridad na sa'king makita rin na masaya siya. But those three, I need to see them, too.

"Avelle, tapatin mo nga ako. Where is her Dad?" Tanong ko habang nagsisimulang lumilinga-linga kasi hindi ko na makita nasaan sina Gazer. Baka nasa cabin na sila't nagu-unpack tapos wala pa ko ro'n kahit na ako 'yung boss nila but I guess they can wait for a little while.

"Her Dad..." Avelle contemplated, ngumingiwi rin siya na parang ayaw sabihin sa'kin, "Her Dad is... gone. I mean, I'm a single Mom. I don't need him at all."

Nalaglag ang panga ko. Mabilis ko pa siyang binatukan dahil sa sinabi niya pero ang gaga gumanti lang!

"Avelle, you dumbass! You might not need him but your daughter does! She's growing and she will ask you about that someday. I know it's hard but I'll help you find for her Dad. Aba, hindi mo man lang ako inimbita sa binyag niya para maging ninang ako!" Gulat kong sambit, namataan ko rin sina Gazer sa isa sa mga malalaking shelter kaya iginiya ko si Avelle ro'n habang nag-uusap.

Totoo rin lahat ng sinabi ko. Avelle just disappeared and now that I found her, may anak na siya!

"Actually, hindi pa siya nabibinyagan," Nakanguso niyang saad, "I don't have the money. I'm saving up for our house kaya kailangan niya muna magtiis. I promise myself that I'll do anything para mabinyagan siya though." She added sincerely, "I mean, I lack a stable work now and I'm finding for a modeling agency ulit so that's that. Even with a tarnished image, I'll swallow it para sa anak ko. Hehe."

Napatingin ako kay Alleia. She still looks so much like the big guy that Avelle left in the middle of the coast kaya ako nagulat when she said that she's a single Mom after her disappearance for almost four or five years. Hindi ko 'to inexpect especially from her ever since we split up and focused on our careers more.

"Hey," I pat her shoulder, I also smiled at her, "If you need help, I'm here. Don't hesitate to ask."

Napangiti siya, "It's okay, Ast. You've done enough for me for years now. Time na 'to para ako naman mag-repent and gumalaw."

We laughed and hugged each other after that. Naputol lang kaligayahan namin when her daughter tugged her sundress, gusto raw nitong kumain ulit ng isa pang ice cream pero mabilis na umiling si Avelle at iginiya na lang ang anak papunta sa cabin nila.

Iniwanan niya lang ako ng number niya bago nagpaalam at nagpasalamat. Nakangiti siyang umalis, doon din ay napanatag ako na ayos lang siya at ng anak niya.

Still, I didn't expect this and I wondered what the other three are doing. I should probably gather the group once I'm free from my schedule because it's been so long ever since we saw each other.

Napabuntong-hininga ako bago tinungo ang cabin namin. Malapad pa akong napangiti kasi nag-sizzling na agad sila ng skewers and inasal kahit ang usapan ay mamayang gabi pa 'yun kakainin. Hindi naman halatang excited silang lahat.

"Hey, sorry for the delay. I just met a friend on the way here." Paghingi ko ng paumanhin bago umupo sa tabi ng lahat.

"Opo! Nakita ka po namin. Ang cute rin ng bata na kasama ng kaibigan niyo, napadasal pa nga ako na dalhin niyo siya rito," Ani Riley habang humahagikhik, "Naaalala ko anak ko sakanya."

"For some other time, I might allow all of you to go in a vacation for two weeks. Spend time well with your families and friends kasi tapos naman na 'yung launching ng isa natin project,  right? Everyone did well. Congratulations!" I smiled widely, kinuha ko pa 'yung wine na nakapatong lang sa lamesa bago 'to tinaas at nagtawanan kaming lahat kasi they raised an empty plastic cup to match my fun, too.

"But I just noticed now, where did Gazer go?" I blinked, "He's just here a while ago, right?"

Gaya ko, napakunot din sila ng noo at napalinga-linga. Mukhang doon din nila napansing wala na 'yung lagi kong kasama sa gilid ko. Nandito pa naman kasi siya kanina tapos bigla na lang siyang nawala. Saan 'yun pumunta? Nandito lang naman siya kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
539K 19.8K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
54K 1K 35
Published under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer to being finally free but then sorrow is...
411K 5.5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...