LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Twenty Two

151 28 0
By Thaeryzxia


Masama ang tingin kong pinapanood si Karic na magbihis para sa trabaho nito. Nakangisi lang ito habang inaayos ang neck tie nya.

"Don't let my princess play with that dog again. I'll go now, I love you." Sabi nito at hinalikan ako sa labi bago lumabas ng kwarto. Inis na humiga ako ulit dahil ang sakit ng katawan ko.

"Breakfast in bed!" Napatingin ako sa pintuan ng pumasok si Veyra at Ashna sa kwarto. Alam ko na agad ang nasa utak nila dahil sa ngising binibigay nila sa akin.

"Kamusta ang ating flower di ba namaga?"
"Gago." Mura ko rito. Inayos ni Veyra ang tray na dala ni Ashna sa harap ko para makakain ako.

"I can go down and eat my breakfast. Di nyu ko kailangang dalhan ng pagkain dito. Nagpapahinga lang ako ng konti." Nakangising tumango ang dalawa. Napairap na lang ako at kumain.

"Nakapagtoothbrush ka na ba?" Sinamaan ko ng tingin si Ashna pero tumango pa rin.
Nakapaghilamos na rin ako kanina.

"Ang laki ng ngisi ni Karic kanina eh mukhang nakaperfect score sa quiz ni Mam Zertyl." Inambahan ko ng tinidor si Ashna na natawa lang.

"Si Aera?" Tanong ko.
"Nagkaklase na kanina pa. Incase na di mo alam kung anong oras na, 10 na po ng umaga." Sabi ni Veyra.

"Really?" Sabi ko at napatingin sa orasan na nasa bedside table.

"Sobrang late nyu na nagising. Anong oras kayo nakatapos?"

"Tang– lumabas ka ng kwarto Ash at baka di ko mapigilang mapatay kita rito." Natawa ito pero hindi pa rin lumabas ang gaga.

"Language language nasa harap ka ng pagkain." Napairap ako at binilisan na ubusin ang pagkain ko.

"Mall tayo?" Aya ni Ashna ng makatapos akong kumain.

"Seriously?"

"What!? 2 weeks! 2 weeks akong di nakapagshopping at saka magpapanails ako at hair treatment. Don't you want that too?" Agad na umiling ako at tumayo para maligo.

"Well kapag sasama si Zertyl sasama rin ako." Naningkit ang mga mata ni Ashna at tinignan si Veyra.

"Sino bang kapatid mo huh! Si Zertyl?" Ngumiti lang si Veyra at di sumagot.

"Please kayo na lang. Ang daming ganap kapag pumupunta ako ng mall eh." Sabi ko bago pumasok ng banyo.

Nang makatapos ako paglabas ko ng banyo nandun pa rin silang dalawa. Oh gosh!

Tahimik na sumunod ako sa dalawa na dire-diretsong pumasok ng mall. Wala rin akong nagawa dahil hindi ako tinigilan ni Ashna.

"Kailangan makauwi na tayo bago matapos ang klase ni Aera." Paalala ko sa dalawa. Ilang ulit ko ng nasabi iyon pero minu-minuto pinapaalala ko dahil kilala ko ang dalawang to.

"Pang sampu mo na yan." Sabi ni Veyra.
"Why are you so paranoid. Nasa bahay si maldita at wala kang dapat na ipag alala dun at hellooo... may personal syang yaya at marami ring katulong dun. She can eat, she can play, and most of all she can breath normally kahit wala ka."

"Shut up! Hindi ka ina kaya wag kang magsalita dyan." Sabi ni Veyra dito.

"Ina lang ba ang pwedeng makapagsalita?"
"I mean..." napahilot ako ng sentido ko ng magsimula na naman silang magsagutan.

Tumigil lang sila ng mamimili na sila ng mga dress at bags.

"Bili kayo ng bili hindi nyu naman nasusuot lahat pati yung mga bags nakastock na lang doon sa bahay nyu hindi nyu naman ginagamit."

"Eh ikaw sa dinadami dami ng binili kong mga damit sayo ganyan pa rin yang sinusuot mo. Seriously shirt and jeans? Hindi na ba ma-upgrade yang suot mo?" Balik ni Ashna sa akin.

"Hindi." Sagot ko.

"Bitch." Naningkit ang mga mata ko at nilingon si Ashna pero hindi ito nakatingin sa akin kundi sa babaeng nakared fitted dress.

"Oh gosh... I didn't know na pwede pala ang monkey-snake sa loob ng mall." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Veyra habang nanunuyang nakatingin doon sa babaeng may sinusukat na sapatos.

"Oh! Hi my cousins in law!" Nakangiting bati ng babae. Sabay namang napangiwi ang dalawa at sarcastic na tumawa si Ashna.

"Excuse me, what?" Malditang tanong ni Ashna at tinaasan ng kilay ang babae. What the hell is going on?

Matamis na ngumiti ang babae at lumapit sa amin pero napatigil ito ng makita ako.

"Your......friend or....maid?" Napakuyom ako ng kamao ng tignan ako nito mula ulo hanggang paa at tumawa na parang nangiinsulto.

"She's Karic WIFE." malakas na natawa yung babae at pabirong hinampas pa si Veyra.

"That's the funniest joke I've ever heard." Napailing ito at napatakip pa ng bibig habang tumatawa. She should be cover her mouth dahil kitang kita yung gilagid nya.

"Please don't laugh baka mapasukan ng langaw yang mabahong bibig mo and please wag masyadong mapagmataas kasi aside from your branded clothes you are nothing compared to Zertyl." Kalmadong sabi ni Veyra. Nawala ang ngiti nung babae at nanlisik ang mga mata nito sa akin.

"Why comparing sis? Kung wala namang maipagkukumpara. A monkey and a beauty?" Sabi ni Ashna at nang aasar na ngumisi.

"Sino yan?" Bulong ko kay Veyra na mukhang narinig nung tikbalang.

"I am Karic's girlfriend and soon to be wife." Proud nitong sabi. Sabay na natawa ang magkapatid at napapalakpak pa si Ashna.

"You're sick." Nawala ang ngiti nito sa sinabi ni Ashna.

"Why telling me that Ash? Sa ating tatlo ikaw ang mas nakakaalam kung gaano ako kamahal ni Karic." Agad na tinignan ko si Ashna pero umiling ito sa akin na parang hindi dapat ako maniwala sa sinasabi ng babae.

"Kitang kita ng dalawang mata mo kung paano ako niligtas ni Karic ng gabing yun. He even risk his life just to save me."

"Hindi lang naman ikaw ang niligtas ni Karic ng gabing yun pero ikaw lang yung nag assume kasi nga you're sick!" Tumalim ang mga mata ng babae.

"No! He likes me and he loves me! I am sure of that and you..!" Tinuro ako nito at tinignan mula ulo hanggang paa.

"You should be ready. Look at yourself and start thinking if Karic will still choose you over me." Sabi nito at naglakad sa gitna namin at binangga ang balikat ko.

"The audacity!" Inis na sambit ni Veyra. Napakuyom ako ng kamay habang matalim ang tingin sa dinanan ng babaeng pangit na yun.

"You know i admit na hindi naman ako kagandahan talaga but you see her face? I don't even know kung matatawag bang mukha yun. Punong puno lang naman ng mamahaling bagay ang damit nya but her face, attitude, manner and behaviour is a fucking trash." Inis na sabi ni Ashna.

"Anong hindi kagandahan, you're pretty pero kasi sobrang ganda ko lang talaga kaya yang ganda mo normal na lang kung tignan." Napangiti ako ng batukan ni Ashna si Veyra na gumanti naman ang isa.

"You know what you should change na talaga!" Napakagat ako ng labi at wala sa sariling napaharap ako sa salamin na nasa tabi lang namin.

"Zertyl is so pretty yun nga lang panghighschool pa lang yung ganda nya. So simple and plain parang di nag glow up." Wala akong reaction sa mga sinasabi nila at nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin.

"True and i really love her curly wavy hair. It looks seductive kapag marunong lang sya mag-alaga." Pag uusap ng dalawa na para bang wala ako sa tabi nila.

"Zertyl let's have a deal."

"I don't like that word." Agad na sabi ko. Napairap si Ashna at hinila ako sa isang side. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga damit na yun pero lahat sleeveless. Meron pang sobrang liit at parang bra na lang.

"Magsusuot ka ng ganito at magde-date si Alius at Ashna."

"What the fuck bitch!" Agad na sigaw ni Ashna. Natawa naman si Veyra at napailing.

"Okay deal." Sagot ko ng nakangisi.

"That's not even the real deal." Inis na sabi ni Ashna.

Hindi namin pinansin si Ashna at namili kami ng mga damit doon at binili.

"Seryoso ba 50k to?" Di makapaniwalang tanong ko at tinaas yung isang croptop. Napakunot noo yung dalawa.

"What? Why? Mura na nga eh." Napanganga ako at di na lang nagsalita at hinintay sila sa labas.

Hapon na ng makauwi kaming tatlo dahil tatlong mall lang naman ang pinuntahan namin at pinagheels pa ako ng dalawa. Ang sabi nila para daw masanay ako, mga putangina! Namamaga na yung paa ko pagkarating ko sa bahay.

"Oh andyan na pa— wow! Sino yan? Asawa ba yan ni Karic bro ko?" Oa na tanong ni Alius. Inirapan ko ito at pagod na umupo sa tabi ni Karic. Napakunot noo ako dahil parang naestatwa na ito.

"Are you okay?" Worried kong tanong. Napakurap ito at napatikhim.

"Gandang ganda kayo? Wala pang make up yan, kasi ayaw nya."

"What did you do to her?" Parang nainis ako sa tanong ni Karic dahil sa tono ng pagkakasabi nito.

Inis na hinubad ko yung heels at nakapaa na naglakad papunta sa taas. Muntik na kong mapasigaw ng may biglang bumuhat sa akin.

"Ibaba mo ko." Utos ko pero di ito nagsalita at umakyat na sa hagdan.

"You shouldn't walk around wearing nothing, Im sure na naglakad kayo buong araw sa mall with that heels." Sabi nito at napatingin sa bitbit kong heels.

Nang makapasok sa kwarto maingat ako nitong binaba sa kama.

"You don't like my new look?" Tanong ko.
"You're what?" Nakangising tanong nito na parang natatawa pa. Inis na inirapan ko ito at naghubad sa harapan nya para mag bihis.

Lihim na napangisi ako ng mawala ang ngisi nito sa labi at umiwas ng tingin. Nakita ko pang napalunok ito.

"Can you get me a dress?" I ask him with my seductive tone. Walang imik na naghanap ito ng dress at binigay sa akin.

Kukunin ko na sana iyon ng bitawan nito at hinapit ako sa bewang. "Are you teasing me?" Ngumiti ako di sumagot. Tinulak ko ito at sinuot yung dress.

"You're wearing a dress now?"
"Your cleavage is showing." Paos nitong sabi at trinace yung strap ng dress ko papunta sa dibdib ko. Bumigat ang paghinga ko sa ginagawa nito. Hinawi nito ang buhok ko at binigyan ako ng magagaang halik sa leeg.

"K-karic masakit pa." Wala sa sariling sambit ko. Natawa ito at hinalikan ako ng matagal sa labi.

"I know babe." Hinalikan ako nito sa noo at tinitigan ako ng matagal. "Beautiful." Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na ako ngayon.

"Mama?" Inalis ko ang kamay ni Karic sa bewang ko at pinagbuksan ng pinto si Aera.

Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig.

"Wow you're so pretty mama!" Natawa ako at pinisil ang pisngi nito.

"Sorry di nakauwi si Mama nang lunch
Anong ginawa mo pagkatapos ng klase?" Tanong ko at pinapasok ito sa kwarto. Agad na lumapit ito kay na nakaupo na ngayon sa kama.

"Wala po nagdrawing lang po ako since di ako pinayagan ni Daddy na makipaglaro sa mga pets ko." Sabi nito at napanguso. Hinalikan ito ni Karic sa noo at may binulong sa anak.

Iniwan ko na silang mag ama doon at inayos ang damit na pinangbili namin.

"Aalisin ko na ba to?" Bulong ko at kinuha ang mga lumang damit ko. Ibibigay ko na lang siguro sa yaya ni Aera.

Ilang oras akong nagtagal sa pag aayos ng damit ko since inalis ko talaga lahat para mapili ko yung mga damit na di ko na masusuot.

Hindi ko na rin naririnig si Aera at Karic mukhang lumabas na yung dalawa.

"Babe." Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at inis na nilingon si Karic.

"Why you look so startled?" Natatawang tanong nito at lumapit sa akin. Niyakap ako nito mula sa likuran.

"Aera wants to eat dinner outside."
"Edi doon mo sya pakainin sa labas at ng pagpyestahan sya ng mga lamok." Natawa ito at hinalikan ako sa pisngi.

"She said she wants to eat in k-karenderya?" Natawa ako ng mautal ito sa karenderya.

"Okay, tapusin ko lang to." Sabi ko. Napatigil ako ng may maalala.

"You know someone name Valusa?"
"V-valusa what? Is that a name?" Natatawang tanong nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala kilala ni Karic tapos kung makaasta akala  mo kung sino.

"Pwede mo bang tawagin si Veyra at Ashna at papuntahin rito? Wait nandyan pa ba sila?" Tanong ko.

"Yes, they want to tag along to eat dinner with us, as usual." Sabi nito at napailing. Hinalikan muna ako nito bago umalis.

"Wife of Karic where are you?" Napairap ako at lumabas ng walk in closet.

"Im not his wife okay?" Sabi ko at umupo sa sofa sumunod naman silang dalawa sa akin.

"Sus.... pero kanina hindi nagreklamo." Pang aasar ni Veyra.

"So what's the tea at pinatawag mo po kami principal?"

"Gago! Sabihin nyu sa akin kung anong nangyare ng gabing yun?" Tanong ko.

"Anong gabi— joke lang! Eto naman kung makatingin ng masama parang anytime malalagutan ako ng hininga eh. Chill lang okay? You know naman na busy kami nung last two weeks sa mission diba? Well that night hindi naman kasama si Karic sa mission ko at may kabusiness meeting lang sya sa hotel ng gabing yun."

"Hotel!?" Gulat kong tanong at napataas ng kilay.

"Gaga don't overthink kasi matandang lalaki yung kameeting nya, hindi ko na ikekwento ng buo basta may nangyaring barilan doon at tumulong si Karic sa pagsagip ng mga tao na naroroon."

"So paano nya nalaman yung pangalan ni Karic?" Tanong ko

"Hindi ko rin alam sa kanya but Karic is a famous businessman mabilis lang sya makilala kung nasa business world rin ang pamilya mo." Napatango ako.

"Pero hindi naman sya kilala ni Karic." Sabi ko.

"At sino sya para kilalanin ni Karic?" Malditang tanong ni Ashna. Nakahinga ako ng maluwag at sumandal sa armrest ng sofa.

"Oh god! Don't tell me nathreatened ka sa kanya?" Di makapaniwalang tanong ni Veyra.

"No, kung maganda siguro sya, oo pero pangit naman." Wala sa sariling sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

"True!"



"Saan tayo?" Tanong ko dahil kanina pa nagda-drive si Alius.

"Wala naman po akong nakikitang karenderya." Nakasimangot na sabi ni Aera. Kanina pa ito nakatingin sa bintana at binabantayan kung may madadaanan kaming karenderya.

"Bakit pa kasi sa karenderya baby? Sa restaurant na lang tayo." Sabi ni Veyra.

"Wala na atang bukas na karenderya sa ganitong oras anak." Sabi ko

"Sa asalan na lang po. Ayun po! Stop tito Alius!" Napangiwi ako sa malakas na sigaw ni Aera na parang mamatay ito kapag di huminto si Alius.

"Alius stop." Utos ni Karic at pinaayos si Aera sa upuan nito.

"Oh may beer sila." Agad na sabi ni Ashna ng makitang may nag iinuman sa ibang table. Maliit lang ang kainan pero hindi naman messy tignan at malinis ang mga pagkain. Yun nga lang mausok doon sa isang parte kung saan nag aasal.

"Susko po Magandang gabi po sa inyo. Kakain po kayo?" Tanong ng matandang babae na mukhang may ari ng kainan.

"Yes available pa ba ang ibang table?" Tanong ko. Agad na um-oo ang matanda at inasikaso yung mga mesa.

"Tumulong kayo." Utos ko. Napatingin silang tatlo sa akin at si Karic ang unang gumalaw at tinulungan yung mga batang lalaki na ipagtabi tabi yung mga mesa.

"Naku nakakahiya kaya na mga anak ko yan Sir." Pigil ng matanda kay Karic.

"That's okay para na rin po mabilis, gutom na po kasi kami." Sabi ni Veyra at siniko si Dyson. Napakamot ito ng batok at tumulong sa pagkuha ng mga upuan.

"Naku po unang beses na magkaroon kami ng kustomer na bigtime, salamat po at napadaan kayo sa kainan namin." Nginitian ko lang ang matanda at sinabi rito at oorderin namin.

"Pagpasensyahan nyu na at  baka matagalan ng konti." Sabi nung matanda na natataranta sa pag ayos ng mga lulutuin nito.

Tumayo ako para tumulong kaya hiyang hiya yung matanda pero sinabihan ko itong okay lang.

"Gosh worth it yung paghihintay." Sabi ni Veyra habang kumakain. Tuwang tuwa naman ang matanda at nag asal pa ng marami.

"Daddy coke!" Umiling si Karic at binigay kay Aera ang ice tea. Napanguso ito pero hindi naman nagreklamo.

"Konti lang." Sabi ko ng makitang nag order sila ng beer. Tumango ang mga ito at nagthumbs up pa.

Hindi talaga sila uuwi hanggang di pa nauubos yung mga asal.

"Pang ilan mo na yan?" Tanong ko kay Aera dahil marami ng stick sa tabi ng pinggan nito. Ngumiti lang ito at uminom ng ice tea.

Naawa na ako dun sa matanda dahil walang tigil ito sa pag aasal kaya minsan tinutulungan ko ito.

Sobrang gabi na ata kami makakauwi kami dahil nga nag inuman pa sila doon.

"Lasing na ba ako?" Parang tangang tanong ni Ashna sa akin. Napakunot noo ako dahil may tinuturo ito sa likuran ko.

Napalingon naman ako at wala akong nakita.

"Gago tinatakot mo ba ako?" Kinakabahang tanong ko dahil may nakikita itong hindi ko nakikita. Sobrang gabi na rin kasi.

"Yung matnfaa" huh?
"Yung matanda." Ulit nito.

Napalingon ulit ako at napaawang ang labi ko ng makita yung matandang lalaki na nanliligaw sa akin.

"Pfft.... may asawa na pala ang pota tapos kung makalandi sa iba." Napailing si Veyra. Nakita kong sinigawan nito ang matandang babae at kinuha ang mga pera.

"What the fuck!" Napakuyom ako ng kamao at tumayo.

"H-hi!" Gulat nitong sabi at pilit na ngumiti. Napatingin ito sa asawa nya at sa akin.

"Ibalik mo yung pera." Seryosong sabi ko.
"W-what?" Kinuha ko ang pera sa kamay nito at binalik doon sa asawa nya.

"Pinaghirapan yan ng asawa mo tapos kukunin mo lang?"

"S-she's not my w-wife."

"Anong sabi mo!?"

"Babe let's go home." Napalingon ako kay Karic na nakakunot noong lumapit sa amin.

"May boyfriend kana!?" Napataas ako ng kilay dahil parang galit ito.

"No." Sabi ko, nakahinga ito ng maluwag at ngumiti.

"He's my husband." Sabi ko at kinuha ang wallet ni Karic, kumuha ako ng ilang libo doon at inabot sa matandang babae.

"Makipaghiwalay ka na po sa kanya. Binibigay nya lang po yung pera nya sa mga babaeng mas bata sa kanya. And please wag na wag nyu pong ibibigay sa kanya ito." Sabi ko. Nakatulala lang iyong matanda kaya inabot ko ang pera sa anak nitong babae.

Hinila ko na si Karic para makaalis na kami roon.

"Z-zertyl!" Napatigil ako ng hinabol ako nito at hinawakan sa braso. Nagulat ako at hindi agad nakareact ng bigla na lang na nakahandusay sa lupa yung lalaki.

"K-karic!" Nagpapanic kong sigaw at pilit na hinila ito.

Agad namang lumapit sa amin yung iba at inawat si Karic.

"So you are the one who's sending flowers to my house!?" Napatakip ako ng bibig sa gulat. Shit! Alam nya yun?

Hindi nakapagsalita yung matanda at duguan na rin ang mga mata nito.

"Shit! Nakakatakot talaga si Karic kapag may lalaking umaaligid sayo." Sabi ni Veyra.

"D-daddy...s-stop na po." Napatingin kami kay Aera na umiiyak habang hinahatak ang kamay ng ama paalis.

"Be a fucking man and stop following my wife." Malamig nitong sabi at may binulong doon sa matanda.

Hindi ako nakapagsalita ng buhatin nito si Aera at umalis doon. Tahimik na umuwi kami ng bahay.

"Hindi na nakakatuwa." Napatingin ako kay Veyra. "I mean understandable naman na nagalit sya pero yung halos pataying yung tao?"

"You should talk to him about this Zertyl. Parang obsess na sya sayo, nakita mo ba yung eyes nya kanina ng hawakan ka ng matanda? He's so scary." Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa dalawa

"Go to sleep na." Tulak ni Ashna sa amin ni Veyra palabas ng kwarto nya.

Dahan dahang pumasok ako ng kwarto at halos mapatalon ako sa gulat na makitang nakaupo sya sa kama habang may hawak na wine. Wala itong damit pantaas at nakakatakot ang mga mata nito.

"K-karic." Agad na nag iba ang expression ng mukha nito ng mapatingin sa akin.

"Magha-halfbath lang ako." Sabi ko at dali daling pumasok ng banyo. Sinadya kong bagalan ang kilos ko para paglabas ko tulog na sya. Hindi nga ako magkamali dahil tulog na ito ng makalabas ako.

"Good night." Bulong ko at hinalikan ito sa labi.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 174 20
Damien ❤️ Kyrene Story 02/22 - 06/22
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
121K 2K 44
By virtue of love she became a martyr wife. She will endure any hardship just to be loved back by his beloved spouse. illechii