I CLAIM MY DESTINY

By altheaflorence

1.6K 131 10

Do you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maga... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18.SPG
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28.SPG
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32.SPG
Chapter 33
Chapter 34.SPG
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 9

37 3 0
By altheaflorence

Dahil sa sobrang boring ni Alondra nakinig  nalang ito ng music. Nasa kalagitnaan siya ng pagkanta ng may biglang dumating na siyang nagpatigil dito.

Parang napahiya pa si Alondra dahil sa nagawa baka ano isipin nito. Nginitian niya ng pagkatamis si Manong guard  naalala niya kasi ito ang guard na bumati sa kanya kaninang umaga.

"Yes Manong guard may kailangan kaba sa akin?"tanong nito.

"Meron po kayong delivery Ma'am at tamang tama na ako napagtanungan ng delivery  boy kaya hinatid ko nalang po dito sa opisina niyo,"paliwanag ng guard dito.

"Ha delivery para sa akin baka nagkamali lang kayo Manong wala po akong pinadeliver at sosyal ko naman kung dito ko pa sa opisina iaddress. Baka mali lang pagkabasa mo,"nakakunot noo nitong sabi.

Napakaimposible na siya ang nagpadeliver kung ano man ang laman ng supot na dala ni Manong.  Hindi nga ako nakapagdeliver sa bahay namin dito pa kaya sa opisina. Saan naman ako kukuha ng pambayad wala nga akong pera magpapadeliver pa ako.

Pakamot kamot sa ulo na pinatong ni Manong guard ang supot sa lamesa nito.
"Hindi talaga ako nagkamali Ma'am Alondra tingnan mo may nakasulat na name at address dito. Kaya hindi talaga ako nagkamali Ma'am,"sabi at pangungumbinse ni Manong sa kanya.

"To:Miss Alondra Tiongco,"basa ni Alondra sa labas ng supot. So tama si Manong para nga sa kanya ang delivery na ito. Ngunit saan ito galing hindi naman siya umorder ah. Isa lang ang naisip ni Alondra na alam na may magreregalo sa kanya at alam kung saan siya nagtatrabaho si Don Manuel.

"Okey,thank you po Manong ha pasensiya na naabala tuloy kita dapat tumawag ka nalang para makababa ako para kunin ito?"magalang at nakangiti na sabi ni Alondra sa guard.

"Wala pong ano man iyon Ma'am Alondra. Saka pala Ma'am sabi ng delivery boy bayqd na po iyan.
Mauna na po ako sa baba at maglunch break na din po. Saka Ma'am baka ako pa nga ang nakakadisturbo sa iyo eh,"nakangiting sabi ni Manong.

"Ha,paanong disturbo Manong. Boring na boring na nga ako dito dahil wala akong ginagawa mula pagdating ko kanina ,nakaupo lang ako dito at naghihintay na mag lunch break na.Ganito ba talaga dito sa kompanya niyo Manong akala ko ba masyadong busy mga tao dito,"nagtataka niyang tanong.

"Ang ibig ko sabihin Ma'am baka nakadisturbo ako sa pagkanta mo kanina naputol ata ng dumating ako.Maganda pala boses mo Ma'am.  Pweding pangcontest sa tawag ng tanghalan sa showtime o hindi kaya sa  Philippines Idol Ma'am Alondra,"masaya nitong sabi at akala mo isa siyang magulang na proud na proud ito sa anak niya.

Napahiya man ng kunti dahil naabutan siya
ni Manong guard kung saan siya bumibirit sa pagkanta. Ngumiti si Alondra dito at nagpasalamat.Buti pa ang ibang tao nakikita at naaapreciate ang talents niya samantala ang pamilya niya mismo hindi ito nakikita. Nang sumagi sa isipan ni Alondra ang pamilyan niya nalungkot ito.Naalala kaya siya ng mga ito wala manlang kasi text o tawag sa kanya mula ng umalis siya doon sa kanila kahapon?

"Siguro kung ako ang mga magulang mo Ma'am Alondra isasali kita doon sayang kasi ng talents mo sa pagkanta kung hindi mo maibabahagi sa iba,"proud nitong sabi.

Dahil sa galak at tuwa nito dahil sa sinabi ni Manong guard bigla niya itong niyakap ng pagkahigpit at hinawakan sa mga kamay.
"Super thank you talaga Manong ha," halos naluluha nitong sabi hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Alam mo iyong pakiramdam na kahit paano may naniniwala pala na may isa kang tinatagong talento.

Natigil sa pagyakap si Alondra ng may narinig silang nagriring na cellphone agad niya hinanap kung saan nanggaling ang tunog at nakita niyang namutla si Manong guard habang hawak ang cellphone nito at titig na titig sa screen. Nagtakan si Alondra dahil biglang umiba ang awra ni Manong mukhang takot ito.

"He-hello,"utal utal na sagot ni Manong sa caller.

"I just told you to bring the package on her not to talk at makipagchikahan sa kanya. Now go back to your work at huwag kang magkamali na banggitin pangalan ko," halatang galit na sabi ng nasa kabilang linya.

"O-opo,"nauutal man ay nasabi parin ni Manong sa kausap. Huminga ng malalim si Manong ng marinig na pinatay na ng kabilang linya ang kanyang cellphone.

Nakita niyang nakakunot noo at mukhang nag alala ang mukha ni Alondra. Kaya para hindi ito mag alala sa kanya nginitian niya ito.

"May problema po ba Manong,"nagtataka na tanong ni Alondra.

"Wala po Ma'am Alondra nakalimutan ko kasi na may gagawin pala ako. Kaya alis na po ako,"nagmamadali nitong sabi sabay talikod hindi na niya nahintay na sumagot ang babae.

"Salamat uli Manong,"pasigaw na sabi ni Alondra bago  makapasok ng pinto si Manong.

Samantala habang pababa ng hagdan naisip ni Manong ang kanyang boss.Minsan lang siya  matawagan at mukhang galit pa ang kanyang boss. Dati pa naman kapag may darating na package siya na ang umaakyat sa opisina nito para maghatid. Kaya nagtaka siya kung bakit ito nagalit sa kanya. Hindi kaya dahil kay Ma'am Alondra? Sa tono ng boses ng boss niya mukha itong boyfriend na nagseselos na may kinakausap ang girlfriend niya. Mas lalong napailing si Manong sa mga naiisip niya. Pero kung totoo man na inlove nga ang boss niya ikakatuwa niya ito. Matagal na siya nagtatrabaho sa mga Del Mundo at nawitness na niya halos lahat ng mga nangyari sa buhay ng  boss niya at ng pamilya nito. Kaya nga isa siya sa mga labis na nasaktan ng naghiwalay si Don Manuel at si Donya Clara ang ina ni Boss Z. Nakita niya din kung paano naapektuhan noon si Zandro dahil siya ang tagasundo nito sa iba't ibang bar kapag nalalasing ito. Kapag nagkapagtrouble ito sa mga kainuman sa bar siya na din ang umaayos. Hindi ganito ang Zandro noon palangiti ito dati hindi tulad sa ngayon na kinakatakutan na siya ng kanyang mga tauhan sa kompanya. Kahit siya ay takot din dito kasi kapag sinabi ni Boss Z na your fired wala kang magawa aalis ka talaga. Naging super strict ito lalo na kung usapan ay trabaho. Kaya isa siya sa magiging masaya kung may babae itong mahanap at makapag alaga sa kanya at maibalik ang dating Zandro na kilala nila.

Hindi maintindihan ni Zandro ang sarili kung bakit  bigla siyang nagalit kay Manong  Danny kanina ng makita sa monitor na nakayakap si Alondra  dito.

"Seriously Zandro pati ba naman kay Mang Danny  nagselos ka?Si Mang Danny na halos ama mo na at lagi mong kasama pinagseselosan mo pa,"saway nito sa sarili.

Kaya siya nakabantay sa monitor kanina pa para sana makita ang reaksiyon ni Alondra kapag nakita ang laman ng supot na pinadeliver niya para dito. Naiinis siya kanina pa habang pinapanood kung paano ngumiti si Alondra kay Manong guard dahil hindi iyon nagawa ng babae kanina sa kanya. Mas lalo siyang nainis ng yakapin ito ni Alondra. Naiisip niya dapat sa kanya lang iyon ginagawa ng babae.

"Ahh..Zandro naging possessive ka ata sa isang bagay na hindi naman sa iyo. Nababaliw ka na din ba? Bakit ka magseselos eh wala naman kayong label,"sabi nito sabay lamukos ng kamay sa kanyang mukha.

Samantala nagtaka man kung kanino galing ang pinadeliver sa kanya binuksan ni Alondra ang supot at tumambad sa kanya ang  isang itim na slock,at long-sleeved na white blouse at may 1 pack of panty na may  3 piraso. Nangunot ang noo ni Alondra ng may napansin siyang card sa loob ng supot. Agad niya ito kinuha at binasa.

Dear Miss A.,

Please, from now on wear this kind of uniform.Your dress is so revealing. I order also a pack of panty for you.

                                              From,
                                                       Your Z.

Agad nangunot ang noo ni Alondra dahil sa nabasa. So hindi pala kay Don Manuel nanggaling ang package. Mukhang alam na niya kung kanino galing dahil sa message na nkapaloob sa card.
"Walang hiya ka talagang Zandro ka pati damit ko  ininsulto mo. Kaganda nito at paano naging revealing ito eh lampas nga sa tuhod ang haba  nito,"naiiling niyang sabi sa sarili.

Akmang tatayo na sana siya para katukin ang pinto ng opisina ni Zandro ng may dumating.

"Hello Miss Alondra musta na ang unang kalahating araw mo sa trabaho? "nakangiti nitong sabi.

"Miss Sasha,ano ginagawa mo dito,"takang tanong ni Alondra.

"Naku nakalimutan mo ba sabi ko sa iyo kanina na sabay tayo kumain ng lunch, 'di ba? Kaya ngayon sinusundo kita at baka maligaw kapa papunta sa kantina."

"Ayy,sorry Miss Sasha nakalimutan ko talaga,"hinging paumanhin nito.

Akmang hahatakin na sana ni Sasha si Alondra para umalis ng may napansin na may hawak itong supot.

"Sa iyo pala iyang package na  inakyat ni Mang Danny?Sanaol nalang ako eh hahaha. By the way kanino galing? Pasensiya na medyo Marites lang ng kunti hehehe,"sabi nito habang nakangiti.

Biglang natikom ni Alondra ang mga labi.

"Wala ito may nagpadala lang.Hindi ko nga din alam kanino galing eh,"pagsisinungaling niya sa kausap. Nakakahiya kasi kapag malaman nito kung kanino galing ang packages at mas lalo na kapag malaman kung ano ang laman nito.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.5M 98.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.