LIVING WITH MY EX

Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... Еще

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Seventeen

183 32 0
Thaeryzxia


"Mama are you going to cook ginataang langka? May nakita po kasi akong coconut doon yung bigay ni Aling Merang." Tumango ako at lumabas ng tent.

"Ayan na ayan na! Magluluto na si bossing. Handa na ako sa utos. Alius gawin mo to, Alius pakihugasan nito please. Alius pwede ba ng ganito, ganyan." Napairap ako at parang gusto kong hampasin ito ng kaserola.

"Please don't call him Alius, maybe he doesn't like his name. Call him Aloy!" Napangisi ako ng maalala na yun pala ang binigay nyang pangalan sa mag asawa.

"Seriously? Ang baduy." Maarteng sabi ni Veyra

"Nye nye baduy? Boyfriend mo baduy."

"Luh, papansin si Aloy." Nakangising attack ni Dyson.

Napailing ako ng magsimula na silang magbangayan at nakisali pa nga si Aera. Hindi ko alam kung saan sya kampi dahil halos lahat inaattack nya.

"Damn these immature idiots." Napatingin kay Karic nung tumabi ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Kasama ba dun si Aera?" Tanong ko. Tumawa ito at umiling.

"Are you okay doing this? I know that you love cooking but—" nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig nito para tumigil na ito.

"Wala naman akong choice diba? Kapag di ako gumalaw at tutunganga lang sa gilid may makakakain ba tayo? Ano puro prutas na lang?" Hindi ito sumagot at tinulungan na lang ako.

"I receive an email from my assistant." Napatingin ako rito habang hinihintay na maluto yung ulam.

"Binuksan na ba ni papa yung business nya, grabe hindi man lang tayong hinintay na makauwi."

"How did you know?" Napangiti ako at nagpeace sign. "Binasa ko eh." Umiling ito at inakbayan ako.

"I love you." Bulong nito at marahan na hinalikan ako sa labi. Napatitig ako dito habang pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Do i........ love you too? Paano ko malalaman Karic. I've been like this since i clean your wounds for the first time. Can i already say that this is love?

PAGKATAPOS kumain naghalf bath ulit kami sa ilog.

"Anong oras na?" Tanong ko. Natagalan kasi kanina sa pagluto kaya ginabi na kami sa paghapunan.

"It's already 8:46." Sagot ni Ashna na hindi pa lumulusong sa tubig. Nakaupo lang ito doon at parang nag iisip ng malalim. Nakatingin lang ito sa reflection ng buwan sa tubig.

"How do you know when you're inlove?" Tanong ko. Napatingin ang dalawa sa akin. Kahit madilim kitang kita ko ang ngisi ni Veyra.

"When you care for that person, you're always thinking of him. You feel comfortable and safe. Kapag masaya ka kung kasama mo sya, nagseselos ka sa ibang tao na malapit sa kanya." Seryosong sabi ni Ashna. Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata nito.

"You can go back first. Magpapahangin lang muna ako dito." Nagkatinginan kami ni Veyra. Tumango ito at saka umahon na sa tubig.

"Where's Ash?" Tanong ni Alius ng makalapit kami sa kanila.

Lumapit sa akin si Karic at sinuot sa akin ang jacket nito. "Mauuna na raw tayo, magpapahangin lang sya." Sagot ko.

"Magpapahangin?" Nakakunot noong tanong ni Alius. Matagal itong napatingin sa amin bago tumalikod.

"Saan yun?" Tanong ko.
"Let's go." Bulong ni Karic at hinila na ako paalis.

Nang makabalik kami nakita kong nag uusap si Rius at Aera. Ngayon ko lang nakita ang ngiti nito ulit. Malakas na tumawa ito ng may sinabi si Aera. Nakipag apir pa ito sa anak ko na para bang matagal na silang magkakilala.

Tumikhim ito at nawala ang ngiti ng makalapit kami.

"Marshmallow again." Napanguso ito at tinago sa likuran ang plastic ng marshmallow. Natawa si Karic at binuhat ang anak.

"It's time to sleep." Sabi nito
"What? Daddy it's still 8 o'clock, it's early to sleep." Reklamo nito at pilit na bumababa.

Napabuntong hininga ito at binaba si Aera. Hayss.... kailan ba ito magiging strikto sa anak.

"Aera tulog na." Napatigil ito sa pagtakbo at napatingin sa akin. Tumingin ito sa ama. Tinaasan ko ng kilay si Karic, napaiwas ito ng tingin at binuhat ulit si Aera.

"Let's go to sleep." Bulong nito sa anak. Napasimangot ito at tinago ang mukha sa leeg ni Karic. Nilinis ko muna ang naiwang kalat sa labas. Napatingin ako kay Rius ng makitang nag iisa ito na umiinom sa cottage.

Ngayon ko lang naisip, baka sinama ni Dyson si Rius dito para makapagpahinga sya sa kakahanap kay Hira. Nalaman kong hindi na ito nagta-trabaho, kumukuha ng missions at nakafocus lang ito sa paghahanap kay Hira. Mas mabuti na sigurong nandito sya at ng ma-divert naman yung atensyon nya sa ibang bagay.

I know he's still in pain. Hindi ko alam kung makakaya ko bang mawala si Aera sa akin. Sobrang sakit sa isang magulang ang mawalan ng anak. Hindi lang isa ang nawala sa kanya, kundi tatlo. I can't imagine the pain that they are carrying right now, especially Hira. I wonder where she is.

"Zertyl." Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat dahil sa malamig na boses ni Karic. Masama ang tingin nito sa akin. Napakuyom ito ng kamay ng napatingin ito kay Rius.

"K-karic." Tawag ko rito ng umalis ito. Napatingin ako sa tent at nagdadalawang isip kong susundan ko ba ito dahil walang magbabantay kay Aera. Sandali lang naman siguro.

Hindi ko ito makita dahil ang tataas ng halaman sa part na to

"Do you like him?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at napalingon.

"What?" Naguguluhang tanong ko. Ano bang pinagsasabi nito— fuck! Nagseselos ba sya kay Rius?

"Dahil na naman ba sa pagtitig ko? Are you serious? Nakita mo ba yung emotion sa mga mata ko habang nakatitig ako kay Rius? Nakita mo ba?" Inis kong sabi.

"Selos ka ng selos dyan, sayo rin naman ako uuwi." Napaawang ang labi nito hanggang sa naging ngiti iyon.

"What do you mean, babe?" Nakangising sabi nito at hinapit ako sa bewang.

"Totoo naman, sa bahay mo kami nakatira diba. Malamang doon talaga ako uuwi." Natawa ito. Ang bilis magbago ng mood parang si Aera lang.

Napakagat ako ng labi ng mahigpit ako nitong niyakap. "K-karic." Banta ko rito

Fuck! Di ba sya nahihiya sa ginagawa nya? Or is it normal? Okay lang ba to? Okay lang ba na iparamdam nya sa akin yung little junior nya.

"K-karic anong g-ginagawa mo?" Napatingala ako ng simulan nitong bigyan ng maliliit na halik ang leeg ko.

"Oh god!" Nagulat ako ng buhatin ako nito at sinandal sa puno. Napakapit ako sa balikat nito para di ako mahulog.

Shit di ba kasalanan to? We're not married.
Lahat na tanong na nasa isipan ko biglang nawala ng halikan ako nito kasabay ng pagpapasok ng kamay nya sa gitna ko.

Kinabukasan prutas lang kinain nila dahil di ako makakilos ng maayos. Nagui-guilty ako sa anak ko dahil ayaw nitong umalis sa tabi ko. Akala nya may sakit ako or ano.

"Mama is alright, she can still even open her le—" hinampas ko ng unan si Karic at pinandilatan ito ng mata.

"Gago ka, akala mo makakaulit ka pa." Naniniwala akong naengkanto lang ako kagabi kaya may nangyari. Hindi ko nga alam kung bakit kami napunta sa ganung sitwasyon.

"Are you still hurt Mama? Daddy let's go home po para macheck up ng doctor si Mama." Napangiti ako at hinatak ang anak ko palapit sa akin.

"Mama is okay baby, medyo na pagod lang ako kahapon dahil nga ang layo ng nilakad natin tapos ang dami pang ginawa ni mama sa pagluluto. Need ko lang ng sandaling rest tapos okay na ulit ako." Paliwanag ko rito. Kinagabihan naging okay na yung pakiramdam ko kaya nakapagluto na ako ng ulam. Simpleng tinolang manok lang ang niluto ko since manok lang naman ang dinala nila.

"Weak." Napatingin ako kay Ashna ng tumabi ito sa akin at binulong iyon.

"What?" Nagtatakang tanong ko. Gusto ba nila akong tulungan sa paghuhugas ng pinggan. Nakangising lumapit rin si Veyra at tumabi rin sa akin.

"Nakailang rounds kayo?" Nanlaki ang mata ko ng agad kong maintindihan ang ibig sabihin nito.

"Gago." Natawa ito at tinulungan ako sa pagsasabon ng mga plato.

"Siguradong memorable na para kay Karic ang camping na to" sabi ni Veyra at nagtawanan silang dalawa.

Inis na tinapos ko yung hugasin at iniwan yung dalawa.

"Zertyl shot ka isa lang." Napailing ako at lalagpasan na sana sila ng hatakin ako ni Karic. Hindi pa maayos ang paghatak nito kaya na-out balance ako at napaupo sa kandungan nya.

Napairap ako ng sumipol yung mga gago dahil sa nangyare.

"Hoy ano yan live show?" Nakangising tanong ni Ashna ng makalapit ito kasunod nya si Veyra na nanunuksong nakatingin sa amin. Tumikhim ako at umayos ng upo sa tabi ni Karic.

"Maganda ba yung location bro? Tibay ng mga puno no?" Namula ako sa sinabi ni Dyson. Nakita ba nila? Tangina ang layo namin ah at impossibleng makita kami.

"Yeah, i wonder why your tent looks like that?" Napatawa ng malakas si Alius.

"Damn, can't relate." Napatingin ako kay Rius ng magsalita ito. Napairap ako ng tumikhim si Karic at tinignan ako.

"The falls are okay too. You want to go there tomorrow?" Tanong ni Karic, agad na nasamid si Ashna at napainom ng diretsahan.

"What falls?" Tanong ni Veyra at napatingin sa kapatid. "Meron dito? Bakit di kayo nagsabi, let's go there tomorrow."

Kinabukasan pumunta nga kaming lahat sa falls except Rius as always nagpaiwan na naman ito. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa nya dun. Hindi ba sya nabobore?

Tuwang tuwa ang matanda ng makita kami. Dahil sa madadaanan namin yung bahay nila bago kami makapunta ng falls nakipakwentuhan muna sila doon at nagdesisyong sa tanghali na maliligo. Ang mga walang hiya doon pa nagbreakfast. Nagpanic tuloy si Aling Merang sa pagluto. Tumulong na ako para hindi na ito mahirapan. Wala ang asawa nito at nanghuli daw ng isda, mamayang hapon pa ang balik.

"Im sorry to ask this po, pero wala po ba kayong mga anak?" Tanong ni Veyra habang kumakain.

"Ay meron nasa city ang mga iyon. Mas ginusto ko lang manirahan dito dahil tahimik. Magulo doon sa kanila at palaging may away." Napatango ako

"Minalas po ata kayo sa mga manugang nyu. Sigurado naman pong mababait ang mga anak nyu kaya sa kabila siguro ang may problema." Ngumiti lang ang matanda at di sumagot.

Pagkatapos naming kumain nagvolunteer ako na maghuhugas ng pinggan para naman makabawi sa pagpapakain niya sa amin.

Tanghali dapat ang pagpunta namin sa falls pero hapon na kami nakarating doon. Nalibang kami sa pagtatanim ng mga gulay. Nanguha kami ng patatas at ginawang fries. Ang hirap magbalat pero masaya naman dahil lahat naman kami nagtulungan.

"Ang sarap pala ng pagkain kapag nag effort kang gawin yun no?" Sabi ni Veyra habang naglalakad kami papuntang falls.

"Malamang fries yun eh masarap talaga. Ang pinakamaganda doon pinagtakbo nyu pa talaga ako pabalik para lang makuha yung iodized salt nyu kasi walang lasa yung fries nyu."

"Ideya yun ni Zertyl. Infairness masarap sya di na kailangan ng Cheese or any flavors at saka anong walang lasa. Meron kaya, lasang patatas." Natawa ako sa sinabi nito.

"Namula talaga yung kamay ko sa pagbabalat. Mas matalim pa yung kuko ko kesa sa kutsilyo nila." Reklamo ni Ashna

"Oh my god ang linis!" Masayang sabi ni Veyra ng makarating kami roon.

"Yan ba yung iniyakan mo eh mas maganda pa pwet mo dyan eh."

"Gago sinong umiyak?" Badtrip na sabi ni Ashna at tinalikuran si Alius.

Ano raw?

Lahat napatingin sa amin ng makalapit na kami. Nakita ko pa yung mga babae na gustong landiin si Karic.

"Hi Aloy bumalik ka, gaya ng sabi mo." Napataas ng kilay si Ashna at sarkastikong tumawa. Napatingin ako doon sa babae at nakabra at panty lang ito. Hindi pa iyon terno. Napangiwi ako ng makita ang maitim nitong singit.

"Aloy pa nga..." natatawang sabi ni Dyson at inakbayan si Veyra. Nakita ko kung paano sumimangot yung mga babae sa ginawa ni Dyson.

"Don't be like them when you grow up." Napangiti ako sa sinabi ni Karic kay Aera.

"I won't Daddy. Look at their tummy ang lalaki tapos di naman maganda katawan nila."

"Baby take it back. How many times i told you na bad ang manglait. That's body shaming." Napanguso ito.

"Im not insulting them. Im just describing their body." Anak ng! Sumagot pa nga.

"I don't like your manner Thaeryxia Kane Gomez." Galit kong sabi rito.

"Its williams babe."

"Sorry Mama i won't do it again." Malungkot nitong sabi. Nakatingin lang sa amin si Karic. Isa pa to eh, masyado kasing spino-spoiled.

Nagulat ako ng biglang maghubad ng damit si Ashna at saka shorts.

She's wearing a white swimsuit so maybe it's okay. "Hindi to beach sis, pwede namang maligo ng nakadamit lang." Ano raw? Pwede rin namang maligo sa beach ng nakadamit anong pinagkaiba?

Umupo kami ni Karic sa malapad na bato, ayaw na ni Aera na maligo at wala rin akong plano na maligo kaya dito na lang kami sa gilid.

"Hi! Sester mo?" Napatingin ako sa babae na kumausap rin kanina kay Alius. Sinong tinutukoy nito si Aera o ako? May lumapit ring dalawang babae at ngumiti pa ito na parang nahihiya. Nagtulakan pa nga. Hindi ba nila nakikita si Aera sa kandungan ni Karic.

Hindi ako umimik at pinapanood lang sila na kausapin si Karic na wala namang pakialam sa kanila.

Lihim na napangiti ako ng makitang kumunot ang noo ni Aera habang nakatingin doon sa mga babae. Mahinhin na tumatawa ang mga ito na parang may sayad sa utak. Kinakausap nila si Karic na di naman nagsasalita tapos panay pa tawa nila.

"Why are you laughing po?" Tanong ni Aera. Napatigil sa pagtawa yung mga babae at nagbulungan.

Ano raw?
Englis ba yun?

Seryoso ba? Di nila naiintindihan yun.

"Ilang taon kana bebegurl?" Tanong ng isa sa kanila.

"5 po, how about you po?" Nagkatinginan ulit sila at di sumagot. Tumawa lang ulit ang mga ito at may pahampas pa sa braso ni Karic. Tumalim ang tingin ko sa kanila pero di naman nila ako pinapansin o tinitingnan man lang. Para akong  invinsible sa paningin nila.

"You're wet po don't touch my Daddy." Inis na sabi ni Aera at pinunasan ang braso ni Karic.

"Daddy?" Tanong ng mga ito at parang yun lang naintindihan ng mga ito.

"Yes po, Daddy, Ama, Tatay, Papa, Father." Natawa ako na ikinatingin nilang tatlo sa akin.

"Sino ka?" Tanong nito. Tinaasan ko ito ng kilay at hindi sinagot. Ang barumbado nyang magtanong ha.

"She's my Mama!" Napatikhim si Karic ng makitang galit na si Aera. Pinisil nito ang pisngi ng anak at hinalikan sa sentido.

"Don't mind them princess. Just let them talk like a crazy woman in mental." Biro ni Karic. Hindi ata naintindihan ang sinabi ni Karic at tuwang tuwa ang mga ito ng nagsalita si Karic

"Babe?" Tawag ni Karic sa akin ng tumayo at aalis sana nang mahawakan nito ang kamay ko.

"Maliligo." Sabi ko at lumapit kina Veyra.

"Ako rin po! Daddy let me go." Sabi nito at kinalas ang yakap ni Karic.

"Si Ashna?" Tanong ko kay Veyra.

"Di ko alam. Ang sabi nya doon lang sya tapos maya maya wala na sya." Tinuro nito.

"Tangina baka nasa likod na naman Hahaha....." napakunot ako. Anong nakakatawa doon. Napaigtad ako ng may yumakap sa likuran ko.

"Gago akala ko kung sino!" Kinabahan kong sabi. Ang dami pa namang lalaki dito.

"Im glad you didn't take off your clothes." Napairap ako at lumangoy palayo sa kanya pero nahuli nito ang paa ko kaya nahila ulit ako palapit. Sinamaan ko ito ng tingin. Ngumisi lang ito at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

"Uyy bold!"
"Ulol." Sagot ko

"Daddy....!" Napatingin ako kay Aera ng makitang tumatakbo ito papalapit sa amin. Nanlalaki ang mata nito na parang takot na takot. Agad na tumalon ito sa tubig na agad namang sinalo ni Karic.

"Baby what's wrong? Tanong ko. Kanina nasa tabi ko lang sya ah. Ang likot talaga ng bata na to bigla na lang nawawala.

Sobrang higpit ng kapit nito sa ama. Kinabahan ako ng makitang namumutla ito. Agad na umahon kami ng tubig at pinakalma si Aera. Hindi ito umiiyak pero walang tigil ito sa kakasabi ng Daddy.

"What happened?" Tanong ni Ashna na kakarating lang kasama si Alius.

Nakabaon ang mukha nito sa leeg ni Karic at ayaw humarap sa amin.

"Excuse me, nakita nyu po ba kung nasaan nanggaling ang batang yun?" Napatingin ako kay Veyra ng magtanong ito sa sa matandang lalaki sa gilid at tinuro si Aera.

"Ah iyong magandang bata ba? Nakita kong kumukuha sya ng mga bayabas doon! Tapos may lumapit na tatlong lalaki sa kanya di ko alam kung anong sinabi pero bigla na lang nagtatakbo yung bata." Napatayo ng agad na sumugod sina Ashna doon.

Napakuyom ako ng kamay ng makitang nagtatawanan sila doon kasama yung ibang babae.

Napasinghap ako ng bigla na lang hinila ni Ashna sa t-shirt yung lalaki.

"Anong ginawa nyu sa pamangkin ko?" Galit nitong tanong. Nagulat pa yung lalaki at di agad nakareact. Unti unting napangisi ito.

"Oh tignan nyu! Chiks na yung lumalapit sa akin. Maganda p—" hindi nito natapos ang sasabihin ng suntukin ito ni Ashna.

"Putangina! Anong problema mo!?"

"Anong ginawa nyu sa bata?" Tanong ni Dyson na nagtitimpi.

"Ang aangas ng mga to eh hindi naman sila taga rito." Nabwisit ako sa sinabi nito na wala namang sense. Gago ano naman kung hindi kami taga rito.

Napalapit na sa amin yung iba dahil sa lakas ng boses nung lalaki.

"Anong pinuputak nyu dyan! Tinulungan lang namin yung bata. Ang sabi ko kung gusto nya ng maraming bayabas marami kami sa bahay. Inaya ko lang naman sya. Anong problema doon?"

"You grab me! You force me to go with you!" Muntik na kong matumba ng biglang binigay ni Karic sa akin si Aera at sinugod yung lalaki.

Nalaglag ito sa tubig ng suntukin ito ni Karic. Agad na naalarma ang mga kasamahan nito at sinugod rin si Karic.

"Oh god." Tinakpan ko ang mga mata ni Aera ng nagkagulo na sila doon.

They are agents kaya walang laban yung mga lalaki sa kanila. Isama mo pa si Ashna at Veyra na mas malakas pa dun sa mga gunggong na mga lalaki.

May lumapit na mga matandang lalaki at inawat ang away.

"Karic stop it." Pigil ko rito dahil halos di na makakita ang sinusuntok nito.

Pinatawag pa kami ng namumuno sa lugar na iyon. Di ko alam kung kapitan ba o mayor nila. Binagsakan lang sila ng maraming pera ni Karic at wala ng salitang lumabas sa bibig nila.

"Baby Are you okay?" Tanong ko rito ng makabalik kami.

"Shit kasalanan ko talaga to. Kung hindi ako nag aya hindi naman mangyayari to." Halos maiyak na rin si Veyra sa kakahingi ng tawad. Tahimik lang si Aera at di nagsasalita.

"Ako yung huling kasama ni Aera ng makuha sya ng mga sindikato. Inaya rin sya ng mga ito na sumama sa kanila dahil mag uumpisa na yung party. It's my biggest mistake kasi akala ko staff yung babae, yun pala binayaran. Maybe bumalik sa alaala nya yung nangyare." Malungkot na paliwanag ni Veyra.

"Are we going to leave na ba?" Malungkot na tanong ni Ashna. Hindi sumagot si Karic pero patuloy ito sa pagligpit ng gamit.

"Hayss..... babalik na nga tayo. Ilang araw lang tayo dito."

Bago kami umalis nagpaalam at nagpasalamat kami doon sa matanda na nagbigay sa amin ng mga pagkain. Nag iwan pa ng pera si Karic sa loob ng bahay nito ng hindi nya sinasabi dahil alam naming di nila iyon tatanggapin.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Illicit Affair (GxG) k.

Любовные романы

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
The God Has Fallen Jamille Fumah

Любовные романы

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
300 Days with you (SephLex) Shadowhunter31

Художественная проза

8.7K 208 22
How can you love someone in a small amount of time?
256K 9.4K 28
Five W Series 3