The Unknown Daughter (COMPLET...

By Acrominxxt

931K 31.7K 8.9K

Tahimik lang naman ang buhay ni Zamia sa isang malayong probinsya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niy... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

27.4K 1K 356
By Acrominxxt

Zamia Brecken Wringler

Katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Gulat ako sa sinabi niya pero nag-aalala rin ako sa kamay niyang ngayon ay dumudugo.

Nang makaipon ako ng sapat na lakas ay naglakad ako papalapit sa kanya at sinuri ang kanyang kamay. Basag pa sa basag ang basong hawak niya.

Dahan-dahan niya iyong binitawan at hindi na ulit siya nagsalita pa ulit. Nakatingin lang din ako sa kamay niya dahil may kaunting bubog ang naiwan doon, hindi ko alam kung paano ko aalisin.

At mukhang napansin niya 'yon kaya siya na mismo ang nag tanggal ng mga natirang bubog.

Mas lalo tuloy kumalat ang dugo sa kamay niya. Siya naman ang hinila ko papalapit sa may gripo para hugasan ang kamay niya. Mabuti na lang at hindi siya nag matigas.

"Bakit mo naman binasag 'yung baso... kawawa 'yon, napuruhan mo," pinunasan ko ang kamay niya habang nakaawang naman ang kanyang bibig.

"So, you're worried about that glass and not on me?" Iwan ko pero kusa na lang akong ngumiti dahil sa sinabi niya.

Kinuha ko na lang ang first aid kit at nagsimulang gamutin ang sugat niya. Ano 'to? Pagalingan mag gamot ng kamay? Exchange?

"Huwag mo masyadong i-galaw para hindi mabinat 'yung sugat mo." Aniya ko pagkatapos ko itong gamutin.

Hindi siya nagsalita kaya tumitig ako sa kanya.

"Oo nga pala... kanina, anong sabi mo? Bakit hindi na lang ikaw?" Umamba siyang tatalikod sa akin pero mabilis ang galaw ko at pinigilan siya.

"I'm tired Zamia." Hinarap ko siya sa akin.

"Palusot ka lang eh. Akala mo ba hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin n'on!?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ibalik niyo na 'to sa kuwarto niya." Lumingon ako sa may pinto at nakitang pumasok ang dalawang tauhan niya.

"Huy! Ano 'yon ha? May gusto ka ba sa akin Al!? Tama ako 'no!? In love kaba sa akin!?" Sinubukan kong kumawala sa dalawang lalaki pero masyadong malalakas.

"Go sleep Zamia." Patay-malisya niyang sabi.

"Sabihin mo na lang na totoo! Mag gusto ka nga! Alam ko mga ganyang galawan!"

"Masyado kang maingay."

"Aminin mo na lang! Straight backward akong tao! At sa nakikita ko may pag-tingin ka ata sa akin Al! Ang creepy mo! Siguro hindi lang talaga si Brazilla may gusto sa akin pati ikaw rin! Tama ako 'no!" Narinig ko ang mahinang mura niya pero may ngisi rin sa labi niya. "Matikas ka!"

"Ihatid niyo na," utos niya pa ulit at nagsimula na akong kakaladkarin papalabas.

"Hoy Al! Huwag kang ganyan! Malandi ako pero takot ako sa commitment! Huwag kang aamin sa akin! I swear!" Habol-habol ko ang hininga ko nang makarating kami sa kuwarto.

Shit. Ngayon ko lang naalala na tulog na pala si Brazilla. Tapos subrang ingay ko pa.

"Ayos na ako rito. Hindi na ako tatakas, itaga niyo sa mukha ng amo niyo." Nginisian ko ang dalawa bago pumasok sa loob. "Ah... si Robot ba? O-Okay lang siya?"

Nagdalawang-isip silang sumagot pero nagsalita rin kalaunan. "Ayos lang po Ma'am. Bukas ipapahatid na siya sa Manila." Tumango ako at sinara ang pinto.

Aaminin kong nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Kahit pa man naguguluhan ako at nalilito kung sino ang paniniwalaan sa kanilang dalawa, hindi pa rin maipagkakait na may kasalanan rin ako.

Kung nanatili ako dito hindi sana 'yon mangyayari. Dumapo ang tingin ko kay Brazilla na mahimbing ang tulog.

Humakbang ako papalapit sa kama at mahigpit siyang niyakap.

"I'm sorry Braz... h-hindi na mauulit." Paano na lang kaya kung natulog ang pag-alis namin? Siguradong malulungkot ang batang 'to.  Sana nga lang nagsasabi ng totoo si Al. At isa pa 'yong hirit niya sa akin.

May gusto kaya sa akin 'yon?

***

"Hi baby Braz! Breakfast is ready!" Bungad ko sa kanya nang makababa siya mula sa kuwarto. "Kamusta ang tulog mo Brazilla?"

"Good morning Mommy! Okay lang po!" Humalik siya sa pisnge ko bago umupo sa harap ng mesa. Pinilit kong umakto na parang walang nangyari kagabi.

Nagsigurado ko naman na maayos si Robot, gayon nga lang wala na siya dito.

Ayoko nang maapektuhan pa pati si Brazilla kaya mas mabuti kung huwag ko na lang muna isipin ang nangyari kagabi.

"Maganda ang panahon ngayon Braz. Gusto mong maligo?" Nilagyan ko ng kanin ang pinggan niya.

"Yes po. How about you Mommy?" Tinaas-taas ko ang kilay ko.

"Ako rin siyempre! Para tayong dalawa," Pinanood ko siyang kumain nang biglang naagaw nang pansin ko si Al na kakapasok lang dito sa loob.

Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang umiwas. Woah. May tama ata talaga siya sa akin.

"Do you like Daddy po ba?" Bumalik ang tingin ko kay Braz.

"H-Ha? Hindi 'no!"

"You're staring at him po kasi Mommy." Ani Brazilla sabay hagikhik.

"Hindi naman... kumain na lang tayo, para makaligo na," nilagyan ko na rin ng ulam ang plato niya.

***

"Daddy! Let's swim together!" Pinanood ko lang si Brazilla na kinokumbinse ang Daddy niya.

"No. Sa susunod Brazilla, I'm busy." Pati ako ay sumimangot.

"Al! Bakit mas lalong dumami ang bantay ngayon?" Pansin ko kasing nadagdagan ang bantay niya.

"Hulaan mo Zamia. Bakit nga ba?" Umismid ako sabay iwas ng tingin.

"Paano ako maliligo kung maraming bantay?" Kumunot ang noo niya.

"What now? Another trick?"

"Hindi naman! Gusto ko lang maligo ng peaceful! Ayoko nang maraming nakatingin sa akin!" Paliwanag ko.

"Stop that Zamia. Hindi na 'yan gagana sa akin, just swim if you want. Puwede mo namang huwag sila pansinin." Seryosong anunsiyo niya.

Lihim akong umirap. "Okay sabi mo eh." Tinalikuran ko siya at mabilis na hinubad ang sando na suot ko pati na rin ang denim kong short.

Naka two-piece na lang ako ngayon.

"WHAT THE FUCK!?" halos umurong ang paa ko dahil sa malakas na sigaw niya.

"Ano ba nakakagulat ka!" Sigaw ko.

"What the hell is that Zamia!?" Napakamot ako sa batok ko. "Can't you see? Maraming nakatingin sa 'yo!" Dagdag niya pa.

Hilaw akong tumawa. "Kaya nga sabi ko 'di ba? Pero ayaw mo makinig! Kaya bahala ka!"

"Damn! Get off your eyes to her! Kukuhan ko kayo ng mata!" Unti-unti niyang pinaalis ang mga bantay habang nag-aapoy ang mukha sa galit.

Mahina lang akong tumawa.

"LEAVE NOW!" pinanood ko lang siya hanggang sa bumalik siya sa akin. "And you... you're a brat Zamia!"

"Talaga? Talaga? Sabihin mo naakit ka sa katawan ko!" Humalakhak lang ako habang nakatingin sa kanya.

***

"Huwag ka masyadong lumayo Brazilla..." paalala ko sa kanya. Habol-habol ko rin ang hininga ko dahil kanina pa kami naghahabulan dalawa.

Habang nasa gilid naman si Al at busy sa kanyang laptop. Pero ramdam ko pa rin ang nakaw niyang tingin sa akin.

Hinayaan ko na munang maglaro si Brazilla at naglakad papunta sa puwesto ni Al. Tinaasan niya pa ako ng kilay nang makalapit ako sa kanya.

"What do you want? Don't tell me you need pizza again? Ilang box na ang naubos mo Zamia..." umiling ako.

"Hindi! Busog na ako... at tsaka grabi ka ah? Parang anim na box lang naman 'yon Al. Nagdadamot ka ba?" Binalik niya lang ang tingin sa laptop.

"Then, what is it? Anong kailangan mo?" Umayos ako nang upo.

"Totoo bang puwede pa lang sumakay ng barko para makaalis dito?" Bahagya siyang tumagilid para mas makita ako.

"Oh? That's what he said to you, huh? And you believe him. Of course not Zamia, gaya ng sabi ko, chopper lang ang puwede mong sakyan para makaalis ka dito."  Napasimangot ako.

"Pero sabi ni..." hindi ko na siya binanggit pero mukhang alam ni Al kung sino ang ibig kong sabihin.

"I fooled him Zamia. Kinausap ako ni Mang Rems at sinabi niya sa akin ang plano ni Klaus... those people here is under by me Zamia. Alam nila ang mangyayari sa kanila kung sakaling baliktarin nila ako," hindi ako nakasagot.

Klaus... i-iyon ba ang pangalan ni Robot?

"Alam mo na pala simula pa lang ang plano ni Robot, pero bakit hindi mo siya pinigilan agad?" Takang tanong ko.

"Because I am waiting for your decision Zamia. Gusto kong malaman o makita kung kanino ka maniniwala, but you choose to believe on him. Ano bang meron sa kanya at ang dali-dali mong magtiwala?" I don't know if I heard it right, but I can feel the bitterness on his voice.

"A-Ah... hehe." Sagot ko na lang at mabilis na tumayo.

Ayoko nang mas lumayo pa ang usapan namin. Baka magalit nanaman siya o hindi kaya'y uminit nanaman ang ulo niya.

"Brazilla! May barbeque pa doon, kain muna tayo?" Aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Kakain muna kami... kumain ka na rin, nakakapangit 'yong hindi kumakain." I teased him.

Tinapunan niya lang ako nang masamang tingin.

Dumiretso kami sa loob. Hinayaan ko na munang kumain si Brazilla. Pumunta ako sa may likurang bahagi ng rest house para kumuha ng damit ko.

Nilabhan ko kasi noong nakaraan. Kukunin ko sana 'yong isa kong t-shirt pero napansin kong may damit rin si Al na nakasampay rito, 'yon na lang ang kinuha ko.

Umabot ito hanggang hita ko dahil masyadong malaki ang damit niya. Komportable rin, huwag sana siyang magalit na sinuot ko.

Bumalik ako sa labas at nadatnang tumatakbo na pabalik sa dagat si Brazilla. Sumunod na lang ako at binalingan ng tingin si Al na ngayon ay nakatayo na at may hawak-hawak na surfing board.

"Marunong ka niyan? Maliligo ka?" 

"Yeah. Ayaw akong tigilan ni Brazilla." Tumango ako. "That's mine Zamia." Tukoy niya sa t-shirt.

"Oo naman... hindi ko inaangkin." Asar ko sa kanya pero mukhang hindi tinablan.

"That's suits you better." Nawala ang ngiti sa labi ko at naramdaman ang pag-init ng pisnge.

Wew.

"Makaligo na nga lang!" Inilingan ko siya.

"Zamia!" Tawag niya sa akin. "Do... do you want to try this? Marunong  ka bang mag surf?" Nagkibit-balikat ako at naglakad papunta sa direksyon niya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang panginging ng tuhod ko. Kasabay n'on ang pagkawala nang lakas ko dahilan para bumagsak ako sa buhangin.

Sunod na kumirot ang ulo ko habang nag uunahang tumulo ang luha galing sa mata ko.

Sumakit nanaman... andito nanaman!

"Zamia? Zamia?" Hindi ko magawang tumingin kay Al. Nakasabunot lang ako sa ulo ko habang nakatikom ang bibig ko at pinipigilan ang sariling dumaing. "Zamia! What's wrong?"

"B-Bag... Al 'yong bag ko..." kumapit ako sa braso niya para sana makakuha ng lakas at makatayo pero hindi ko talaga kaya.

Ito... ito 'yong naramdaman ko sa ilalim ng tubig.

"Get her bag! Faster!" Sigaw na lang ni Al ang tanging naririnig ko. Habang patuloy pa rin ang kirot sa ulo ko.

"N-Now Al... I need it now..." nanginginig pati ang boses ko.

"Ito na Zamia," inabot ko mula sa kanya ang bag at mabilis itong kinalkal.

Kahit nahihirapan na ako dahil pakiramdam ko anytime puwede akong mawalan ng malay.

Tagumpay kong nakita ang gamot ko at mabilis iyong kinuha.

"Zamia? Are you feeling well now?" Tango lang ang sagot ko. Hindi ko namalayan na subrang higpit na pala ang pagkakahawak ko sa braso niya, at may kaunting sugat na siya doon dahil bumaon ang kuko ko! "It's okay. I'm fine, dadalhin na kita sa taas." Hindi niya na hinintay ang sagot ko at mabilis akong binuhat.

Dahan-dahan niya akong binaba at pinaupo sa kama. 

"What happened? Are you ill Zamia?" Pinunasan ko ang pisnge ko.

"N-Not really..." tipid kong sagot.

"What kind of answer is that? Not really? Kalahating may sakit at kalahating wala?" He sounds sacrastic.

"Hindi ko din alam... ngayon ko lang din ulit naramdaman ang ganoon." Mahinang sabi ko.

"Can you tell it more specific?" Nag-iwas ako ng tingin.

"I hurt my head Al." Bulong ko. "That was 3 years ago when I got into accident... and the truth is..." tumingin ako sa kanya. "I don't remember anything."

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
1.9M 43.2K 37
[PUBLISHED UNDER PaperInk] I killed his wife. I killed the love of his life. Pinakasalan niya ako para maghiganti. He trapped me in this marriage, an...
19K 992 48
TWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niy...
138K 11.3K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...