The Unknown Daughter (COMPLET...

By Acrominxxt

932K 31.7K 8.9K

Tahimik lang naman ang buhay ni Zamia sa isang malayong probinsya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niy... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 8

28K 1K 304
By Acrominxxt

Zamia Brecken Wringler

Matagal akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.

"He's here. Umakyat kana sa taas Zamia, kakausapin kita ulit pag maka-tiyempo ako." Tumalikod na siya sa akin.

Gulong-gulo ako pero pinili kong sundin ang sinabi niya. Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kuwarto ko.

"Mommy! Is it okay po ba?" Bumungad si Brazilla sa akin. Sinusukat niya ang isang dress. "Bigay po ni Daddy sa akin..."

Pilit kong pinasigla ang mukha ko. "Oo! Bagay na bagay, Braz... wait kuhanan kita ng litrato," kinuha ko sa ibabaw ng kama ang cellphone ko.

"Let's take a picture together Mommy!" Ngumiti ako at mabilis na tumango. Makailang take kami ng selfie at sa totoo lang nag-eenjoy ako.

Kahit may kaunting lungkot akong nararamdaman. Kung totoo man ang sinabi ni Robot sa akin, at kung sasama nga ako sa kanya, ibig-sabihin maiiwan rito si Brazilla.

Tatlong katok mula sa pinto dahilan para humiwalay kami sa isa't-isa.

"Ako na magbubukas," aniya ko at humakbang para buksan ito.

"Good afternoon Ma'am." Isang babae ang bumungad sa akin. Siguro nasa mga 40's na siya kung titignan sa itsura. Hindi pa ako nakapagsalita nang mapansing papalapit rin dito si Al.

"She's Teressa, she will help you here, habang wala ako." Nanatili akong tahimik. "Teressa, you can stay in the guest room. Nasa baba."

"Sige Sir!" Nag bow pa siya sa akin bago tumalikod. Binaling ko ang tingin kay Al at hindi maiwasang maisip ang mga sinabi ni Robot sa akin.

"5 pm ang alis ko Zamia." Tumango lang ako at pabagsak na sinara ang pinto.

***

"Paano si Brazilla? Iiwan ko siya dito?" Kakaalis lang ni Al at si Teressa naman ang kasalukuyang nagbabantay ngayon kay Brazilla.

"Alam kong naawa ka sa kanya. Hindi naman siya maiiwang mag-isa dito Zam, maraming tauhan pa rin ang nandito. Hindi nila pababayaan si Brazilla dahil paniguradong malalagot sila kay Al." Napasapo ako sa noo ko.

Ang hirap-hirap. Gusto kong umalis pero parang bumibigat ang pakiramdam ko dahil maiiwan si Brazilla, nangako ako sa kanyang hindi ako basta-basta mawawala na lang.

Pero kung hindi ako aalis at totoo ngang ikukulong na ako rito ni Al at hindi ako pakakawalan pagkatapos ng tatlong buwan, ano na lang ang gagawin ko?

I know he's capable of lying! Nagawa niya nga akong dalhin rito nang walang permiso ko!

"Naawa ka sa anak niya, alam ko 'yon... pero sa ngayon kailangan mong kaawan muna ang sarili mo Zamia." Yumuko at dahan-dahang tumango.

"A-Anong oras tayo aalis? At sa pagkakaalam ko... chopper ang kailangan para makaalis dito." Maingat niya akong hinila papalapit sa kanya.

"May iba pa namang daan Zam, nagsinungaling din siya no'ng sinabi niya 'yon." Kinuyom ko ang kamao ko. "Alas diyes. Siguradohin muna nating tulog na ang lahat. Tsaka tayo kikilos."

"Okay... papatuligin ko rin muna si Brazilla." Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa taas.

Nakahiga na si Brazilla sa kama at nang makitang pumasok ako ay mabilis siyang tumayo.

"Brazilla... nandito kana pala. Matulog na tayo?" Sumilay ang ngiti sa labi niya bago tumango.

Nakayakap siya sa akin habang hinahaplos ko naman ang buhok niya. Ilang minuto lang ay ramdam ko na ang malalim niyang pag-hinga hudyat na tulog na ito.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin bago ako tumayo.

Hinagilap ko ang cellphone ko at pati na rin ang bag ko. Kailangan kong dalhin 'to dahil nandito halos lahat ng id's ko at mga importanteng dokumento.

Sumilip ako sa balkonahe at saktong nakita ko sa baba si Robot. Mukhang naghihintay rin siya na magpakita ako.

Sinenyasan niya akong bumaba kaya sumunod na lang ako. Tahimik na ang paligid at wala na rin ang mga bantay sa paligid.

Sinalubong ako ni Robot at inalalayan akong makalabas ng rest house.

"Halika na Zam." Saglit kong nilingon ang direksyon ng kuwarto ko bago nagpatuloy sa paglalakad. "Sa may dulo naghihintay sa atin ang barko. Ihahatid niya tayo sa kabilang isla."

"Paano nangyaring nakapasok siya rito?" Takang tanong ko.

"Tagapangalaga 'yon ni Al, kinausap ko siya na tulongan tayo. Kabisado niya ang lugar na 'to kaya pinagkatiwala ko sa kanya ang gagawin nating pagtakas." Hindi na ulit ako nagsalita at sumunod lang sa kanya.

Tumigil kami sa may dulo. Yakap-yakap ko rin ang sarili ko dahil sa malamig na hangin na dumampi sa katawan ko.

"Nandito na Zamia..." hinawakan niya ang kamay ko. Tanaw na tanaw na rin namin mula dito ang barkong sasakyan namin. "Tara."

"Let go of her."

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko man lingonin pero alam ko kung sino! Mabilis akong tinago ni Robot sa likuran niya.

"Bitawan mo siya." Mariin akong napapikit habang nakayuko pa rin.

"Zamia... tumakbo ka, magtago ka." Bulong ni Robot sa akin.

"Run Zamia and I swear that would be the end of you." Pakiramdam ko'y hinahampas niya ako sa bawat salita niya.

Bakit siya nandito? Hindi ba umalis na siya?

"Stop this already Al. Hindi ko hahayaang makuha mo siya." Inangat ko ang tingin ko pero hindi ko pa rin maaninag si Al. May kalakihan rin kasi itong si Robot.

"Zamia, I'll give you a chance. Bumalik tayo doon." Mahigpit kong hinawakan ang bag na dala ko.

"Zam, tumakbo ka na. Huwag kang mag-alala hahanapin kita."

"Shut up." Si Al. Dahan-dahan ko siyang hinarap. "So this was your plan, huh?" Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak siyang baril at nakatutok iyon kay Robot.

"A-Al..."

Nanlalabo na ang mata ko.

"A-Al! I-Ibaba mo 'yan! Paano kong maiputok mo 'yan!" Kinakabahan kong saad.

Pero parang may sarili silang mundo at hindi nila ako pinapansin!

"Sasama siya sa akin, hindi makabubuti sa kanya ang manatili dito!" Ngayon ay ramdam ko na rin ang galit sa boses ni Robot. Ibang-iba sa seryoso niyang mukha.

"Sa tingin mo makakabuti ka para sa kanya? Asshole. Zamia, don't try me," bumaling siya sa akin pero nakatutok pa rin ang baril kay Robot.

"Tigilan mo na 'to Al... hindi mo ako pag-aari para i-kulong ako sa lugar na 'to! Hayaan mo na lang kami..." ang galit niyang mukha ay mas lalong lumala.

Kung tignan niya ako ngayon ay parang napapaso pati kaluluwa ko! He's dangerous gaze is burning me, parang isang maling salita ko pa ay malalagot na talaga ako.

"Narinig mo? Gusto niyang sumama sa akin. Let her be." Mabilis akong humarang sa harapan ni Robot nang biglang kalabitin niya ang baril.

"Anong ginagawa mo!?" Subrang lakas nang kabog ng puso ko.

"Zamia," tawag ni Robot sa akin at pilit akong inaalis sa harapan niya pero hindi ako nagpatinag. Humarang pa rin ako, kaya ngayon ay sa akin na nakatutok ang baril.

"You kept making me angry Zamia. At ngayon, pinoprotektahan mo ang lalaking 'yan!? Why? Do you think I can't pull the trigger?" Napaayos ako nang tayo dahil tinutok niya mismo sa may dibdib ko ang baril.

"Stop that Al." Mariing usal ni Robot mula sa likuran ko.

Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na butil ng luha na tumulo sa pisnge ko. Subrang bigat rin nang pakiramdam ko.

"Tangina." He cursed.

Inalis niya ang baril na nakatutok sa akin at kasabay n'on ang paglabas ng mga tauhan niya at diretsong hinawakan si Robot.

"Robot!" Sigaw ko nang makitang kinaladkad siya ng mga lalaki papalayo sa akin.

Hindi ko magawang tumakbo o tulungan siya dahil may dalawang lalaki ring nakahawak sa braso ko.

"Anong gagawin mo!? Al! Pakawalan mo siya!"

Imbes na pakinggan ako'y nauna pa siyang maglakad sa akin. Kinaladkad na rin ako ng dalawang lalaki pabalik sa rest house. At wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Dumiretso kami sa opisina ni Al at doon nila ako binitawan. Gusto kong lumabas pero mabilis nilang sinara ang pinto kaya kaming dalawa na lang ang natira sa loob.

"You really think you can fool me? At sumama ka pa talaga sa lalaking 'yon?" Malalim na boses galing sa kanya.

Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang diretso ang tingin sa akin, hindi lang pala diretso dahil tagos na tagos hanggang kaluluwa ko.

"Dahil sinabi niya sa akin ang totoo! Akala mo hindi ko alam? Nagsinungaling ka lang naman 'di ba no'ng sinabi mong hahayaan mo ako pagkatapos ng tatlong buwan!?" Hindi ko na mapigilang ilabas ang inis ko.

"At naniwala ka sa kanya?" Pinahid ko ang luhang nagkalat sa aking pisnge.

"Bakit? Hindi ba totoo ang sinabi niya ha!?"

"Hindi. Kung sinabi ko sayong hahayaan kita pagkatapos ng tatlong buwan, gagawin ko 'yon. That's my principle Zamia. And you didn't believe me? Mas pinaniwalaan mo siya?" Lumapit ako sa kanya.

"Malay ko ba? Baka nga kasinungalingan na naman 'yang sinasabi mo sa akin ngayon? Kung talagang may balak kang pakawalan ako, dapat wala ako rito ngayon! Dapat hindi mo ako kinukulong sa lugar na 'to!" Malakas kong hinampas ang lamesa sa harapan niya.

Pero wala siyang reaksyon. Nakatitig lang siya sa kamay kong ngayon ay namumula.

"You're judgemental. Kung 'yan ang kinababahala mo puwes bukas na bukas aalis tayo dito Zamia. If that's the only way for you to believe me!" Tumayo siya at lumapit sa akin.

Dalawang beses pa akong umatras pero hinila niya ang braso ko.

"A-Ano ba..." hindi siya sumagot. Madilim ang mukha niya habang nakatingin sa kamay ko.

Namumula pa rin kasi hanggang ngayon, at sa totoo lang ramdam na ramdam ko 'yong hapdi.

"Don't trust me Zamia... I just want you to believe me. I only have one word. Now if you're still suspicious, then I'll prove you wrong." Mahinahon na ang boses niya pero kabado pa rin ako. "And look what you did to your hands. Nasiraan kana ba ng ulo?"

Hinila niya ako papalabas sa opisina niya at dumiretso sa kusina. Pinagmasdan ko lang siyang kumuha ng yelo sa ref at nilagay iyon sa isang handcherchief.

"Give me your hand." Matamlay ko itong inabot sa kanya.

Maingat niyang dinampi iyon sa kamay ko, mukhang seryoso pa siya sa ginagawa niya.

"Hindi ka ba talaga nagsinungaling sa akin?" tanong ko. Sa pagkakataong 'to ay mahinahon na rin ang boses ko.

"I didn't."

"Ano palang nangyari? Akala ko umalis ka na..." nag-angat siya ng tingin sa akin pero binalik niya rin ang pansin sa kamay ko.

"Muntikan na Zamia. But I'm not that easy to fool. Alam ko kung may ginagawa ka o pinaplano kang kakaiba. I've been observing you for a while." Bumagsak ang tingin ko sa sahig.

"G-Galit ka?" Bumitiw siya sa kamay ko.

Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nasa baba ang tingin ko.

"Yes I am." Bumuntong-hininga ako at tumango. "Look at me Zamia." Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya.

I can see sadness on his eyes.

"Don't... do this again." Banta 'yon.

"Si Robot? Nasaan siya? Anong ginawa mo sa kanya?" Umiwas siya ng tingin sa akin. Alam kong hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

"Why are you asking about him? I already fired him Zamia. Hindi mo na siya makikita pa." I bit my lower lip.

Parang kasalanan ko rin kung bakit siya napahamak. Kung sana hindi na lang ako pumayag.

"Wala na siya rito? Hindi ko naman narinig na umalis ang chopper--- Ah!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagka-basag ng basong hawak ni Al.

"Bakit ba palagi mo siyang hinahanap? Zamia..." gusto kong lumapit sa kanya dahil dumudugo 'yong kamay niya! Pero ayaw sumunod ng mga paa ko.

"Al... 'yong kamay mo,"

"Ako 'yong nandito Zamia..." natigilan ako. "Bakit hindi ako?"

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
1.9M 43.2K 37
[PUBLISHED UNDER PaperInk] I killed his wife. I killed the love of his life. Pinakasalan niya ako para maghiganti. He trapped me in this marriage, an...
486K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
19.1K 992 48
TWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niy...