CTBC: Carrying The Billionair...

By Summer_Alli

3.4M 77.3K 4.4K

Siya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturi... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
CTBC: Prologo
CTBC: Kabanata 1
CTBC: Kabanata 2
CTBC: Kabanata 3
CTBC: Kabanata 4
CTBC: Kabanata 5
CTBC: Kabanata 6
CTBC: Kabanata 7
CTBC: Kabanata 8
CTBC: Kabanata 9
CTBC: Kabanata 10
CTBC: Kabanata 11
CTBC: Kabanata 12
CTBC: Kabanata 13
CTBC: Kabanata 14
CTBC: Kabanata 15
CTBC: Kabanata 16
CTBC: Kabanata 17
CTBC: Kabanata 18
CTBC: Kabanata 19
CTBC: Kabanata 20
CTBC: Kabanata 21
CTBC: Kabanata 22
CTBC: Kabanata 23
CTBC: Kabanata 24
CTBC: Kabanata 26
CTBC: Kabanata 27
CTBC: Kabanata 28
CTBC: Kabanata 29
CTBC: Kabanata 30
CTBC: Kabanata 31
CTBC: Kabanata 32
CTBC: Kabanata 33
CTBC: Kabanata 34
CTBC: Kabanata 35
CTBC: Kabanata 36
CTBC: Kabanata 37
CTBC: Kabanata 38
CTBC: Kabanata 39
CTBC: Kabanata 40
CTBC: Kabanata 41
CTBC: Kabanata 42
CTBC: Kabanata 43
CTBC: Kabanata 44
CTBC: Huling Kabanata
CTBC: Epilogo
PASASALAMAT!

CTBC: Kabanata 25

64.2K 1.5K 74
By Summer_Alli

Precious Gem

NAGISING ako kinabukasan dahil sa ingay na naririnig ko sa kung saang parte ng bahay. Nakaramdam ako bigla ng pagkalam ng sikmura. Napangiwi ako dahil doon. Pagkatapos kasi akong mahuli ni kuya guard kagabi ay tumuloy ako sa aking kwarto dahil sa sama ng loob at hindi na lumabas pa dahilan para hindi ako makakain ng gabihan.

Pakiramdam ko ay walang gana ang buo kong katawan na bumangon pero gayon pa man ay kailangan ko pa ring pilitin ang aking sarili dahil hindi ko maaaring gutumin ang magiging anak ko. Lihim nalang akong nagpapasalamat dahil hindi ko na ulit nararanasan ang pagduduwal hindi katulad no'ng tatlong buwan pa lamang ang aking tiyan.

"Mabuti't lumabas kana, anak. Pumunta ako rito para sana gisingin ka" Bungad sa akin ni inay Besilda no'ng buksan ko ang pinto.

"G-gutom na rin po kasi ako, inay" May alanganing ngiti na wika ko habang nakahawak sa aking tiyan. Natawa naman ng mahina si inay Besilda.

"Ay malamang kang bata ka, hindi ka ba naman kasi kumain kagabi. Hay nako! Pero tamang-tama, may iniluluto nang pagkain sa ibaba" Masayang wika ni inay. Pakiramdam ko tuloy ay biglang lumiwanag ang buong paligid.

"Talaga po? Kung gano'n po, tara na po sa ibaba, inay" sabik na turan ko na nauna pang maglakad kay inay pababa ng hagdan.

Narinig ko pang muli ang mahinang tawa ni inay Besilda bago ang mga yabag nito pasunod sa akin.

Nang makababa kami ng hagdanan ay dumiretso ako papuntang kusina dahil doon ko naririnig ang mga ingay. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo habang naglalakad patungo roon.

Malapit na ako sa pinto ng kusina no'ng matigilan naman ako dahil lumabas mula roon ang isang lalaki na ngayon ay may nakasuot na makapal na face mask, hindi ko alam kung ilang patong ng face masks ang suot nito ngayon dahil sa kapal.

"Maiwan ko po muna kayo, señorito" Narinig ko pang wika ni inay na nasa likod ko. Naramdaman ko ang mga yabag nito papalayo sa amin.

"Can't you welcome me?" Tanong ni Dior na halatang nakangiti dahil sa mga mata nitong bigla nalang sumingkit. "Tsk!" Asik pa nito no'ng hindi ko magawang sagutin ang tanong nito dahil sa pagkakatulala ko dito.

Napangiti ako pagkatapos. Nakaramdam ako bigla ng pagkasabik sa kaalamang nakauwi na si Dior. Tumakbo ako palapit dito at akmang yayakapin na sana ito sa tuwa no'ng bigla ko namang mapagtanto ang naging reaksiyon ko. Anong ginagawa ko?

"Why did you stop? You can hug me if you want, if you missed me" wika nito na nasa boses ang panunukso. Napayuko nalang ako. "Tss!" Narinig ko pang asik nito bago ako napamulaga no'ng maramdaman ko ang yakap nito. "You can hug me anytime. You don't need to ask permission. You are the only woman that I will allow to do that. Only you, sweetheart" Bulong nito sa may tainga ko na naghatid ng kakaibang kiliti sa akin. Pakiramdam ko ay parang musika ang boses nito sa aking pandinig. Bigla ay bumilis ang tibok ng aking puso.

"Only you, sweetheart"

"Only you, sweetheart"

"Only you, sweetheart"

Anong nangyayari sa akin?

Bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin si Dior pero nanatili pa rin akong nakatulala dito. Inalis nito ang suot na face masks. Lalo akong natulala dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Literal na nanlaki ang mga mata ko no'ng bigyan ako nito ng isang mabilis na halik sa labi. "I missed you" Nakangiting wika pa nito.

"A-anong g-ginawa mo?" Sa wakas ay nagawa ko na ring makapagsalita. Tumawa ito ng mahina.

"I just gave you smack kiss as welcome kiss, sweetheart. By the way, you can also kiss me anytime" wika pa nito na nagawa pang kumindat sa akin. Napamaang naman ako. "I'll go upstairs to have some sleep. Enjoy your meal" Dagdag nito bago ako iniwan.

Nang makabawi ako mula sa pagkakatulala ko ay agad akong napasigaw. "Wahhhh a-ano na namang ginawa mo sa akin?"

"You are just hypnotized by my handsome face, sweetheart" sagot pa ni Dior habang nakapamulsa at umaakyat ng hagdan. Napapadyak nalang ako dahil sa inis.

"Good morning, ma'am" Pukaw sa akin ng isang boses mula sa aking likuran dahilan para mawala ang atensiyon ko kay Dior na ngayon ay nasa dulo na rin naman ng hagdan.

Napakunot-noo ako no'ng malingunan ko ang isang babae na nakasuot ng puting uniform na madalas ko noong nakikita sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko dati. Base sa suot nito ngayon, masasabi ko na isa itong chef.

"M-magandang umaga po. H-huwag niyo na po a-akong tawaging ma'am" Balik-bati ko na may alanganing ngiti dahil naiilang ako sa pagtawag nito sa aking ma'am.

"I can't do that, ma'am. By the way, we are done preparing your meal, ma'am. Please follow me" wika pa nito na nagpangiwi sa akin. Naglakad na ito pabalik ng kusina. Hindi ko matanggap na ma'am pa rin ang itinawag nito sa akin.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago sumunod dito patungong kusina. Nang makapasok kami sa kusina ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga honey garlic shrimps na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Agad akong napalunok-laway dahil sa pagkatakam.

Nawala lamang ang atensiyon ko sa mga nakahaing pagkain sa lamesa no'ng mapansin ko ang mga nakatayong chef sa gilid ng lamesa. Napakunot-noo ako. "We are from HM restaurant, ma'am. And our new boss, Mr. Montemayor ordered us to make some honey garlic shrimps just for you, ma'am" wika ng isa na sa tingin ko ay tumatayong lider ng lima pang chef na naroon.

"Please take your seat, ma'am" wika naman ng isa pa na nagawa pang umikot sa may gawi ko para lang ipaghigit ako ng upuan.

Naiilang na umupo na lamang ako. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na mapabuntong-hininga. Pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng ganang kumain. "Enjoy your meal, ma'am" wika pa ng chef na humigit ng bangko para sa akin. Pilit akong ngumiti.

"A-ako nalang po" Agad na pigil ko sa isa pang chef na akmang lalapit na sa akin para sana salinan ng tubig ang aking baso. Mabilis akong nagsalin. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari.

"Please tell us ma'am if there's another foods that you want to eat. We can serve you, ma'am"

Tumango nalang ako sa mga ito. Tumingin ako sa mga pagkain na nasa aking harapan. Pilit kong kinain ang mga iyon kahit pa pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana. Kailangan kong kumain para sa anak ko.

Habang kumakain ay bigla kong naalala ang sinabi noon ng isa sa mga guwardiya na hindi ako pwedeng lumabas hangga't hindi pa nakakauwi si Dior. Nakauwi na ito ngayon. Napangiti ako bigla.

"Salamat po sa pagkain" wika ko sa mga chef pagkatapos kong kumain at uminom ng tubig.

Hindi ko na hinintay pang sumagot ang mga ito dahil naglakad na agad ako palabas ng kusina at tumungo sa kwarto ni Dior.

No'ng makailang katok na ako at wala pa ring akong nakuhang anumang reaksiyon sa loob ay kusa na akong pumasok roon. Naabutan ko pang basta nalang nakadapa sa kama nito si Dior na para bang hindi na nito nakayanan pang labanan ang antok.

"Magpapaalam pa naman sana ako"

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago lumapit dito. Inalis ko ang suot nitong sapatos at medyas na nakaligtaan na rin nitong hubarin dahil sa pagod.

Napansin ko na suot pa rin nito ang kurbata. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nahihirapan sa pagtulog nito. Bumuntong-hininga ako bago gumapang sa kama para mapalapit dito. Sinimulan kong alisin ang suot nitong kurbata.

Akmang aalisin ko na sana sa pagkakabutones ang suot nitong long sleeves nang bigla naman akong matigilan dahil may pumigil sa aking kamay. "Do you want to sleep with me, sweetheart?" Antok ang boses na tanong sa akin ni Dior na hindi ko inasahan na magigising ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Huh? H-hindi po, s-sir. Nandito lang----ahhh!" Hiyaw ko dahil sa gulat no'ng bigla nalang akong higitin ni Dior. Mabilis itong yumakap sa akin at isinubsob ang mukha sa aking dibdib. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi..

"Tsk! Call me Dior" Awtoridad na utos nito sa akin. Sinubukan kong alisin ang pagkakayakap nito pero mas lalo lamang iyong humihigpit.

"B-Bitiwan niyo ako, s-sir"

"Hardheaded" wika nito bago mabilis na nag-angat ng tingin para bigyan ako ng marahas na halik sa labi. Napamulaga ako sa ginawa nito.

Itinulak ko ang dibdib nito palayo sa akin pero mas naging masigasid itong halikan ako. "A-ano ba----" Bago pa matapos ang sinasabi ko ay muli nitong sinakop ang labi ko. Malambot ang labi nito at may kakaibang dulot iyon sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Paulit-ulit ko itong itinutulak palayo pero sadyang malakas ito dahil hindi ko kayang kumawala dito.

Unti-unting nanghiya ang mga kamao ko, unti-unti ko na rin nagugustuhan ang paraan ng paghalik nito. Kung kanina ay marahas iyon, ngayon ay maingat at masuyo na ako nitong hinahalikan. Hindi ko namalayan na napapikit na pala ako at sinisimulan ko na ring tugunan ang halik nito.

"Ahh---" Naputol ang ungol na gustong kumawala sa aking bibig dahil ang pagbuka ng aking labi ang ginawang pagkakataon ni Dior para ipasok nito ang dila nito sa bibig ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng dila nito sa loob niyon. Pakiramdam ko ay bigla akong nagising mula sa panaginip ng dahil doon.

"A-anong n-nangyari?" Agad na tanong ko no'ng bumitaw ako sa halik nito. Lihim nalang akong nagpasalamat dahil hindi na ito nagmatigas pa, pero nanatili pa rin akong yakap nito. Nararamdaman ko ngayon ang sobrang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kahihiyan.

Tumawa ng mahina si Dior. "We kissed, babe. And I enjoyed it. I also heard you moaned, sweetheart" Balewalang sagot nito. Lalo naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa huli nitong sinabi.

Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya dahil sa sobrang kahihiyan. "A-alis na ako, s-sir" Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga nang muli naman akong pinigilan ni Dior. "A-ano na naman ba, s-sir?" Pilit pinapakalma ang sarili na tanong ko dito. Natawa naman ito ng mahina. Hindi ako makapaniwala na wala lang dito ang nangyari at parang hindi ito apektado.

"Call me Dior"

"P-pero ba-----"

"Or else, I'll kiss you again or------more than that. You choose. It's been a long time since we made love and I'm missing it now. Can we-----"

"O-ok, Dior" Kinakabahan at nag-iinit ang pisngi na wika ko bago nagmamadaling umalis sa higaan nito. Nagsisisi na ako ngayon na pumasok pa ako sa kwarto nito. Hindi ko na alam ngayon kung paano ko pakakalmahin ang nagwawala kong puso.

🌞 Ang flirt and clingy ng papa Dior niyo. Haha kakainis! Charot. 😁 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

979K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.4K 355 41
#Plagiarism is a Crime My poem collection, Is my way showing my imperfection, That can be your inspiration, To unlock the light of your vision... #2n...