UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P3
P4
P5
P6
P7
P8
P9
P10
P11
P12
P13
P14
P15
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P24
P25
P26
P27
P28
P29
P30
P31

P16

7 1 0
By AKDA_NI_MAKATA


#SWP16 

"Dad, Phoenix is busy. Siguro sa ibang araw nalang pwede natin siyang makasama." ani ko ng makabalik sa dining.

Hindi ko alam kung nawala na ba ang pamumula ng aking pisngi. Grabe, hindi pa ako graduated ng high school pero alam ko ang tungkol sa mga ganun. May mga kuya ako na playboy at mga pinsan kaya hindi na ako inosente pagdating doon. Tapos ngayon, si Phoenix! Ang landi talaga ng lalaking iyon! Kaya pala hindi na magawang bumisita dito sa mansyon dahil may iba ng binibisita! 

Wala daw babae pero babae naman yung sumagot sa tawag niya! Napaka talaga! 

"Hmm, sayang naman." Tumango-tango sny aking ama. 

"Phoenix is just a busy guy, tulad ko, siya rin ang nagpapatakbo ng bagong restobar ni lolo." 

"That's good then. Mas mabuting, mga bata palang kayo'y alam niyo na ang kalagahan ng pagkakaroon ng negosyo." 

Nagpasalamat akong natapos rin ang breakfast. Sawa na akong marinig ang mga sinasabi ni Daddy na kasinungalingan; na mahal niya ako't ayaw pabayaan. It's lie. Kahit gaano ko man sabihin sa sariling katotohanan lahat ng iyon ay hindi ko kayang paniwalaan. 

Nakanguso na ako ng ihatid ko si Anton sa kaniyang sasakyan. Kailangan niya nang umuwi para asikasuhin muna ang pinagagawa sa kaniya ni lolo sa planta. 

"Babalik ako agad, after lunch. Alam kong hindi ka komportable kapag nariyan ang ama mo kaya sa akin ka sasakay, okay?" Sunod-sunod akong tumango at lumawak na ang ngiti sa labi. 

"Arasso..." tugon ko. 

Humagalpak siya ng tawa. "Korean ka na yooo~

Natawa na rin ako ng gayahin niya ang heart sign ng mga koreano. Ginawa ko rin ito at pinagdikit ang aming mga daliri. "Korean na akooo~" 

Dumating ang hapon at tuluyan na nga kaming bumyahe papuntang Purok Santiago. Suminghot ako at agad ko naman naamoy ang panlalakeng amoy ni Anton. 

"Ang bango!" Hindi ko mapigilang sambitin iyon. 

Ngumisi siya. "Perfect combination nuh, gwapo na plus mabango pa...equals Antonio Villanueva."

Unti-unting nawala ang aking ngiti. "Oo nga, mabango ka't gwapo pa pero mahangin ka! Mabaog ka sana!" Ani ko. 

Tumawa siya. "Oh, huwag naman ganiyan bestfriend... yung future anak-anakan mo!" 

Umirap ako. O 'di ba, bestfriend na nga naging instant Ninang pa! The best bestfriend award goes to Beverly Garcia! 

Nasa iyo na lahat, bevs. Salong-salo mo na!

Dumating kami sa Purok Santiago at isa lang ang masasabi ko. Sobrang ganda nito. May mga lokal na pagkain sa bawat tahanan. Makikita ito mula sa kalsada sapagkat sng kanilang mga handaan ay nasa labas lamang ng kanilang bahay upang mabigyan ang kanilang mga bisita't kapitbahay. 

"Mamaya daw mayroong parada, titingnan natin." Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Tama nga siya, hindi rin masamang ideya na pumunta dito. 

Mabubusog ako sa dami ng mga pagkaing inaalok sa amin kahit hindi pa naman kami nakakarating sa mismong event sa plaza'y puputok na siguro ang aking tiyan sa dami ng nakain. 

Hindi ako sigurado pero parang ginaganap ang Pista sa Nayon bilang pasasalamat sa mabuting ani na natanggap nila ngayong taon at anibersaryo ng ninuno nilang si Santiago na isa sa mga unang nanirahan sa bayang ito. 

May mga makukulay na banderitas, kawayan, at dahon nang saging na nagsisilbing dekorasyon. Makikita mo ang kanilang pagkamalikhain sa naging resulta ng kanilang dekorasyon. 

Nang makarating kami sa mismong plaza nila'y doon ako mas naging mapagmatyag. Namangha ako sa kanilang mga pakulo para mas maging kaakit-akit ito sa mga toristang dumayo. Ang kanilang mga kasuotan ay hindi tulad ng mga suot namin ngayon, mga tradisyonal ito. Angat na angat ang kanilang mga maliliit na bahay kubo na may iba't-ibang disenyo at mga pagkaing nakahanda. May isang bahay kubo na ang mga nakahanda'y litson. May isang bahay kubo naman na tanging mga gulay lang ang nakahanda, at mayroon namang bahay kubo na puros traditional na gamit ang nakalagay. 

Ang paborito kong natikman na pagkain sa paglilibot namin ay ang sorbetes. While scooping some ice cream for myself, it brings me in my mind those nostlagic memories me and Anton shared. Yung mga memorya na hindi ko talaga makakalimutan kasama siya. 

"I love the ice cream..." bulong ko sa kaniya habang naglalakad na kami paupo sa mga upuan sa harapan ng stage. Magsisimula na daw ang sayawan. 

"Talaga?" Masuyo niyang hinawakan ang aking kamay at tinulungan ako sa pagupo ng maayos. "Hihingi tayo ulit mamaya." 

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Parehas kaming napatingin ng dumating si daddy kasama ang isang matanda na tingin kong kapitan ng Purok Santiago. Napatayo kami ni Anton. 

"By the way, this is my daughter. Beverly Garcia." I smiled. 

"Good afternoon, sir." 

"What a beautiful girl you have, manang-mana sa ina. Sigurado akong may posisyon karin sa pagiging artista katulad ng mga ate mo." 

Napasinghap ako at naglalakihan ang aking mga matang napatingin kay Daddy. Sumeryoso na siya pero hindi pa rin niya winawala ang ngiti sa kaniyang labi. 

"Of course, mana rin sila sa akin! Lalo na si Jasmine." 

Tumango ang kausap ni Daddy. "Oo nga, narinig ko ang anak kong iniidolo si Jasmine. Magaling daw umarte't ang ganda-ganda pa." 

Jasmine Garcia, ang ate kong artista. Maganda't matalino. Ang kaniyang mukha'y kuhang-kuha halos lahat ng mayroon kay Daddy. Manang-mana iyon sa kaniya kaya't sa aming lahat siya ang mas paborito ni Daddy. 

Kahit ngayong wala na sila sa bahay ay siya pa rin ang laging Bukang-bibig ng aking ama. Kaya minsan nasasabi ko nalang sa sariling sana siya nalang ako. Sana ako nalang ang ate ko. Nasa kaniya na ang lahat. I envy her more for being a favorite daughter of my father. 

Nagsimula ang event, kaya mas dumami ang mga tao dito sa plaza. Sumayaw ang mga performers ng mga traditional na sayaw, mayroon din nagpasiklaban sa pagsayaw ng tinikling. Lahat sila magagaling at halos hindi ako makapili kung kanino ako mas papanig. 

Pagod na pagod na ako ng dumating ang alas-otso ng gabi. Ilang oras din kaming tumitingin ng mga sayawan, maganda rin ang kanilang parada. Nag enjoy ako't hindi ko na mabilang kung nakailang palakpak na ako sa bawat nakikita ko. 

Kinaumagahan ay balik eskuwelahan na naman ako. Hindi pa nakakabawi ang pagod ko na naubos kahapon kaya todo inat pa rin ako sa katawan ko hanggang ngayon. 

"Beverly!" Biglang sigaw ng kung sinong tipaklong na panget na gago.

"Ay, Beverly!" Sigaw ko rin sa sobrang gulat. Bahagya rin akong napatalon. 

Sinaman ko ito ng tingin. "Phoenix Wyatt Montecarlos Villanueva ha!" Bulyaw ko sa tipaklong na panget na gago. 

"Kompletong-kompleto, gusto mo ako nuh?" Tumawa siya. Inirapan ko lang siya't pinagsasapak sa binti. 

"Asa ka!" Ani ko. 

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko. Sumunod si Phoenix ng magsimula na akong maglakad sa hallway. 

"Hey, are you going somewhere?" Biglang sabi niya. Umakbay pa sa akin. 

"No. Busy si Anton ngayon kaya wala akong ibang pupuntahan." 

"Ah, Sa Poet House?" tanong niya ulit.

"Walang activity ngayong month kaya wala rin. Ang boring nga pero sige lang, pagod ako kahapon kaya may pagkakataon pa ako para magpahinga ngayon." tugon ko rin.

Naiimagine ko na nga ang pag-uwi ko ngayon sa bahay at matulog hanggang umaga.

"Mabuti naman kung ganun pero alam mo naman Bev—" 

"Alam ko ang?" 

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil narin ako. Kunot-noo ko siyang tiningnan at nataranta nung unti-unting lumaki ang kaniyang mga mata. 

"Bev!" 

"Ano?! Bakit mas lumalaki pa ang mga mata mo!? Masakit na naman ba tiyan mo?? Ano, nakita mo ba yung babae mong may kasamang lalake?! Ano!" Sigaw ko. 

"Wah!" Sigaw niya rin. 

"Phoenix Wyatt!" 

"B-beverly Garcia!" 

Tinuro niya ang bulletin board. Natataranta ko itong nilingon at ganun nalang ang gulat ko ng makita kung ano iyon. 

Para akong binagsakan ng sakong-sako na mga biyaya at nakuha ko lahat ng grasyang bigay ni God. Omo, ngayon palang maiihi na ako sa sobrang excited sa nakita. Hindi ko mapirmi ang aking mga paa at kamay at para akong kabuti kung gumalaw ngayon. 

Bahala na kung may makakakita sa akin ngayon sa itsura ko basta alam kong mahal na mahal ako ng panginoon.

"Spoken word poetry contest." Ani ko at tumili. 

"Sumali ka, Beverly! Patutulogin kita sa sofa kapag hindi ka sumali diyan!" 

"Talagang sasali ako. Mamamatay ka muna bago ako hindi sumali sa patimpalak na iyan." Ani ko at humagalpak ng tawa. 

"Ikaw, kapag lawyer na ako... kakasuhan kita!" nakasimangot na niyang ani. Wala na yung nang-aasar na Phoenix Wyatt.

"O, talaga ba... sige nga, anong ikakaso mo sa akin?" agap ko.

"Multiple charges. Mapanakit, mang-aasar, at higit sa lahat manhid!" 

Ngumiwi ako sa huling narinig. Manhid? Ako, manhid daw? Kailan pa? 

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...