I'd Be A Fool Not To Love You...

By skookzky

14.9K 311 7

Dia Remarque got entangled with the Governor's only son when she seeks financial assistance for her dying mot... More

I'd Be A Fool Not To Love You (edited version)
PROLOGUE
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
EPILOGUE
SOON TO BE PUBLISH (PRE ORDER DETAILS)
Author's Note
Published book
UNWRITTEN

Chapter 20

525 11 0
By skookzky

CHAPTER 20

DIA

SABI nga nila, pagkatapos mong magsaya may lungkot na kapalit. Kagaya ng panahon, minsan maganda, minsan naman masama. Dalawang linggo na ang lumipas. Umalis na si Niko papunta sa Canada kahapon. Sinamahan ko siya sa airport and I regretted it. I hate seeing him go away from me. Umiiyak tuloy ako buong byahe pauwi sa bahay. Isang linggo siya sa Toronto para ayusin ang requirements niya para sa pagpasok niya sa school na kaniyang gusto. I feel so sad and empty.

Nandito ako sa school kasi nag-umpisa na ang klase para sa bagong semester. Malapit na ang graduation namin sa senior highschool. Hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na kurso sa college.

My punishment in library has been lifted. Natapos ko na kasi ang twenty hours duty na kailangan kong kumpletuhin. Kasi noon kapag walang klase o walang professor, nag-d-duty ako. Masaya kasing kasama si Niko roon kahit na hindi kami nag-uusap.

Minsan natutulala na lang ako. Puwede naman mag-aral dito si Niko, ah? He's very smart. Alam ko na malayo ang mararating niya kahit na rito siya mag-aral. Bakit gusto niya pang lumayo at papiliin ako? Hindi gano'n kadali ang magdesisyon

Naka-schedule sa susunod na araw ang operation ni Mama para tanggalin ang tumor sa pancreas niya. Kinakabahan ako at ilang araw na rin akong balisa kakaisip doon.

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero, her body is getting weaker each day. Hindi na kaya ng medication niya kaya kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. I'm very worried and anxious.

Kasalukuyan akong nasa student plaza at kausap sila Lara tungkol sa mga ginawa namin noong semestral break. Pumunta raw sila Kelsie sa Universal Studios sa Japan kasama ang kanyang boyfriend. Si Lara naman ay pumunta sa kabundukan at nag-hiking. Kinuwento ko sa kanila ang trip namin ni Niko sa Tagaytay.

Natigil ang tawanan namin nang may lumapit sa gilid. Napatingin ako kay Anya na nakatitig sa akin.

"Let's talk." She said.

"Anong sasabihin mo?" tanong ko.

Tumingin siya sa paligid. "Not here."

Nagpaalam ako kila Kelsie. Nakakunot naman ang mga noo nila kasi hindi nila kilala si Anya.

Sumunod ako sa kanya sa building ng nursing building kung saan kokonti ang mga estudyante. Tumayo kami sa taas ng hagdan sa tapat ng bintana.

"Anong sasabihin mo? Make it quick. Pupunta na ako sa susunod kong klase." Humalukipkip ako.

Hinarap niya ako. "Totoo ba na ikaw ang fiancée ni Niko? I want to confirm it," tanong niya.

"Ako nga." Pag-amin ko. Wala na akong pakialam kung malaman ng lahat na fiancé ko si Niko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Suminghap siya na para bang nakumpirma ko ang kanyang iniisip.

"YOU ARE RUINING HIS FUTURE." She blurted out.

My eyebrows furrowed. "Huh? What are you talking about?"

"My Dad offered him to study abroad! Pero ano ang sabi niya? Hindi siya pupunta kapag hindi sumama ang fiancée niya!"

Natigilan ako. Ang tinutukoy ni Niko na tutulong sa kanya ay ang Daddy ni Anya? Hindi niya 'yon binanggit sa akin.

"What?"

"My Dad own a law firm. The governor asked my father to help his only son. My Dad agreed because he saw his potential and promised to help him to become a successful lawyer. Kuya Niko is very smart and ambitious. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa 'yo kung bakit ayaw niyang umalis dito sa Pilipinas nang hindi ka kasama." Umirap sa akin si Anya. "Narinig ko ang usapan nila ni Daddy bago siya umalis. Nagdadalawang isip siyang pumasok sa Toronto at dito na lang mag-aral sa Pinas. Dahil sa 'yo."

Huminga ako ng malalim. "If that's your concern, then I'll go with him." I said without thinking. Nanginig ang labi niya sa galit. I'm still unsure but I want her to shut up. Masyado siyang mapapel.

"Kung ako lang sana ang fiancée niya, hindi masisira ang plano niya sa buhay." She gritted her teeth.

"Too bad, you're not." I sneered. Mamatay ka sa inggit.

She sighed and bowed her head. "Bata pa lang kami, pangarap ko na siya. Pinangako ko sa sarili ko na magiging akin siya kapag lumaki kaming dalawal. Inayos ko ang sarili ko. Nag-aral akong mabuti para mapansin niya ako. Matagal ko nang sinusubukan na magkaroon ng parte sa puso niya. Kahit maliit lang. Ginawa ko na ang lahat. Sinundan ko siya kahit saan. Ginamit ko si Daddy para lang ma-engage sa kanya pero huli na pala ang lahat. Dumating ka, sinira mo ang lahat. Ngayon ako na naman ang talunan." She said while sobbing.

"Hindi ko na kasalanan ang nangyari sa pangarap mo. Hindi ko naman siya hinangad. In fact, pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya. I disliked him. I lied to myself. I became a fool not to love him. I don't want one-sided love. Para sa akin masyado siyang mataas para sa isang kagaya ko. Everything happens for a reason kaya huwang kang manisi. Kung ito ang tadhana, tanggapin mo. Hindi mo puwedeng diktahan ang tao kung sino ang dapat niyang mahalin. 'Wag mo ring sisihin ang sarili mo kasi nagmahal ka lang." I said while wiping her tears. Mukha siyang bata na inagawan ng laruan.

"I really like him... no, I really love him." She bawled.

"Don't worry, may dadating din na tao na susuklian ang pagmamahal mo. Mas higit pa." I hugged her. She's a terrible person. She ticks me off. But there's an urge within me wanting to comfort her. Oo, hindi ko siya naiintindihan pero may mga dahilan kung bakit siya ganito. Soon, she will mature and think about her actions carefully.

Kung magsasabi siya sa akin ng problema niya, I'm willing to help her. I'll listen to her. Pero masyadong mataas ang pride niya. She acts unbothered but the truth is she's really weak.

Pumunta na ako sa susunod kong klase pagkatapos kong kausapin si Anya. My chest hurts. Hindi ako makapag-focus sa klase kaya naman ilang beses akong tinawag sa recitation. I need to convince Niko to continue studying abroad. He is really terrible at decision making.

Lutang ako buong hapon. I need to sort my mind. Kailangan kong magdesisyon ng maayos. Kapag sumama ako kay Niko, maiiwan ko ang pamilya ko rito. Gusto ko pa silang makasama pero gusto ko rin makasama si Niko. Mahal ko siya, eh. Gusto ko rin matuloy ang pangarap niya.

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa hospital para puntahan si Mama. I will consult her first before making a decision.

Binuksan ko ang pinto ng room niya. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama. She's getting thinner each day. Hirap na rin siyang makabangon kaya laging nakaalalay ang nurse.

"Uuwi muna ako, Dia. Kukuha ako ng damit ko at maliligo. Ikaw muna ang bahala kay Mama. Babalik din ako mamaya," sabi ni Ate na nakabantay dito. Ang laki na ng eyebags niya dahil siya ang nagbabantay kay mama. Ang alam ko, nag-resign na siya sa kanyang trabaho.

"Sige, Ate. Dito muna ako." Umupo ako sa sofa sa tabi ni Mama. May mga binilin si ate na dapat kong sabihin at gawin kapag may pumasok na nurse or doctor. Tapos umalis na siya.

"Bumisita rito kanina ang mga Salvatierra. Binigyan nila ako ng bulaklak na galing daw sa garden ni Sir Arthur." Napatingin ako sa bulaklak na nasa lamesa. Iba't ibang klase ng fresh na bulaklak. "Ngayon ko lang din ulit nakita si Greg. Ibang iba na ang itsura niya. Nahihiya ako kasi naabutan niya ako sa ganitong estado," sambit ni Mama.

"'Wag mong sabihin 'yan, Mama. 'Wag kang mag-alala, ma, gagaling ka na. Babalik ka na ulit sa dati." Hinaplos ko ang kanyang kamay.

"Sana nga, anak. Miss ko na ang mga ginagawa natin noon." She smiled faintly. I can't imagine the world without her.

"Mayroon po akong tanong," sabi ko.

"Ano 'yon?"

"Mama, mahal mo po talaga si Daddy?" tanong ko. It's a stupid question kasi alam ko naman ang sagot. Gusto kong isunod na topic ang tungkol sa past nila ng Daddy ni Niko. Matagal ko nang gustong malaman ang tungkol sa kanilang dalawa at kung paano sila nagkahiwalay:

"Oo naman, Anak.. Tinanggap ako ng Daddy mo ng buong buo. Ang dami niyang sakripisyo para sa atin," sagot ni Mama. Ang alam ko, apat na buwan nang buntis si Mama kay ate noong kinasal sila ni Daddy. Engineer si Daddy at si Mama naman nagtatrabaho na sa puder nila Niko.

"Minahal n'yo rin po ba ang daddy ni Niko?" Natigilan siya sa tanong ko. "Sinabi po ni Niko sa akin ang tungkol sa inyong dalawa," dugtong ko.

"Ibang kuwento na 'yan, Anak. Oo minahal ko rin ang Daddy ni Niko pero hindi kami para sa isa't isa."

"Ano pong nangyari?" I adjusted my seat.

"Highschool pa lang magkarelasyon na kami ni Greg. Nagkahiwalay kami ng eskwelahan noong college kasi mahirap lang ang pamilya namin at may kaya naman ang pamilya nila. Pumasok siya sa mas malaking unibersidad. Namasukan akong kasambahay sa kanila para lagi kaming magkasama at may pangtustos ako sa tuition. Pero nagkahiwalay kami noong pinag patuloy niya ang pag-aaral ng abogasya sa ibang bansa. Mahirap kasi ang komunikasyon noon kaya hindi kami nakakapag-usap palagi. Bigla na lang tumigil ang pagbibigay sa akin ng sulat ni Greg. Wala na akong naging balita sa kanya. Pagkabalik niya rito, may asawa na ako at may asawa na rin siya. Nalaman ko na siniraan ako asawa niya sa kanya para magkatuluyan silang dalawa. Napamahal sa akin ang mga magulang niya kaya hindi ako umalis sa bahay nila hanggang noong pinanganak kita." Kwento ni Mama.

Ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ay dahil sa lack of communication. Mag-aaral din si Niko sa ibang bansa gaya ng Daddy niya. Kung sasama ako, hindi kami magagaya kila Mama. Kapag hindi naman ako sumama, malaki ang chance na magaya kami dahil masyado pa kaming bata at marami pa kaming gustong gawin. Pero kahit nasaan man kaming dalawa, kung para kami sa isa't isa, hindi kami maghihiwalay.

"Ganon talaga, anak. Hindi lahat ng mahal mo para sa 'yo. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ang lahat. Ngayon, heto ka, ikakasal sa anak ni Greg. Ngayon heto ako, masayang masaya na nagkaroon ako ng anak na gaya mo at ng ate mo. Wala akong pag-sisisi. Mahal na mahal ko kayo ng ate mo." Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Mama.

"Salamat, Ma." I teared up.

"Pipilitin kong gumaling para makasama ko pa kayo ng matagal ng ate mo." Hinaplos niya ang buhok ko.

NO'NG sumapit ang Myerkules, isinagawa ang operation ni Mama. Naging successful ang operation niya pero sinabi ng doctor na kumalat na ang cancer sa kanyang liver at lungs. Sinabihan kami ng doctor na ihanda ang sarili sa posibleng mangyari.

Sinabi ko kay Niko ang mga nangyayari. Malaki ang agwat ng oras namin kaya nakakausap ko lamang siya tuwing gabi. Masyado rin siyang abala sa mga ginagawa niya roon. Hindi ko siya makausap ng maayos dahil iniisip ko ang kalagayan ni Mama. Lagi akong natutulala at hindi makatulog. Hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi ng doctor na kumalat na ang cancer sa ibang organs niya at baka hindi na niya kayanin.

Gusto kong gumaling si mama. Gusto ko pa siyang makasama. Anong saysay ng lahat ng ginawa ko kung mawawala siya? Nanghihina ang katawan ko.

One week after the operation, my mom died.

I cried all day and night. Nagkulong lang ako sa madilim na kwarto at hindi lumabas. Hindi na kinaya ng katawan ni Mama na makarecover. Ayaw kong aminin sa sarili ko na wala na si Mama. Kasi hindi pwede na mawala siya. Hindi ko pa natutupad ang mga pangako ko sa kanya. Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya. Marami pa akong gustong gawin na kasama siya.

Nakahiga lang ako sa malamig na sahig at tulala. Hindi ako makatulog at makakain. Ayaw kong kumilos. Ayaw kong marinig na wala na si Mama. Ayaw kong marinig ang boses ni Ate o ni Daddy. Ayaw kong makaisip ng kahit anong bagay na tungkol kay Mama. Napakasakit. Napka-hirap tanggapin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko bukas. Ayaw kong gumising at makita na wala siya.

Hindi ko alam kung ilang araw na ako rito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko rin alam kung ano na ang oras. Malamig ang sahig pero para bang wala akong pakialam. Sobrang dilim ng paligid. Wala na rin lakas ang katawan ko. Ang tanging naririnig ko lang ay tunog galing sa orasan.

Paano kaya kung sundan ko si Mama?

"Mama!" I screamed. Mahigpit ko hinawakan ang kanyang picture frame habang umiiyak. Paano na ako? Paano na si ate at daddy? Akala ko ba gagaling siya? Akala ko ba gagawin pa namin ang mga plano namin pagka-galing niya? Sino na ang magpapayo sa akin? Paano ang paborito kong luto niyang adobo? Hindi ko na ulit matitikman 'yon. Kapag umaga, sino ang sisigaw at sasabihing huli na ako sa klase?

Wala na ang mama ko. Hindi na siya babalik. Hindi ko na maririnig ang boses niya. Kahit kailan. Marami namang tao pero bakit kinuha pa ang mama ko!

"Dia..." Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang boses ni Niko. Naramdaman ko na binuhat niya ako sa sahig at pinaupo sa kama. Naramdaman ko ang yakap niya sa akin. I sobbed harder.

"I'm sorry," sambit niya habang hinahagod ang likod ko.

"Mom is... gone," sabi ko habang patuloy ang paghikbi.

"She's not gone. She's somewhere with no pain and suffering. I'm sure she's watching us."

"No, she's gone. Hindi ko na siya muling makikita..." Ulit ko. Hinigpitan ni Niko ang yakap niya sa akin. Hindi na siya muling nagsalita pa. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang masilaw ang mata ko sa ilaw ng kwarto. Ang hapdi ng mata ko at ang sakit ng ulo ko. My mouth feels so dry. Nakita ko sa orasan na alas dose na ng madaling araw. Naka-upo si Niko sa upuan ng study table ko. Kanina pa niya yata ako hinihintay na magising. Mayroong pagkain na nakapatong sa study table. Wala akong ganang kumain.

"You should go home," sabi ko kay Niko. Hindi ko alam kung kailan siya nakauwi rito sa Pinas dahil abala ako sa sitwasyon ni Mama. Hindi ako humahawak ng cellphone.

"They are worried sick about you. Dalawang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto. I understand that you're grieving but please, 'wag mong hayaan ang sarili mo," sabi niya.

Umupo ako sa dulo ng kama. "Hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko. My mom is gone. She's gone forever. I'm going insane. Hindi ko kayang harapin ang kinabukasan nang wala ang mama ko. Can you understand that?" I grumbled.

"I clearly understand your situation." Lumapit siya sa akin at sinubuan ako ng soup. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil ayaw kong kumain.

"Just leave me alone. I want to be alone," utas ko. Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko ng kausap. Ayaw kong makakita ng sino man. "Wala na si mama kaya wala na ring silbi ang kontrata natin. Hindi mo ba alam ang nakasulat doon?" I asked him.

"Alam ko." Nakayuko niyang sabi.

"Nakasulat doon na mawawalan ng bisa ang kontrata natin kapag nawala na si Mama. Kapag kinasal tayo, pwede kang magfile ng divorce dahil Canadian citizen ka. Ngayon, tapos na kaya puwede mo na akong iwan." I blabbered.

"Bakit ko naman 'yon gagawin? Mahal kita. Gusto kitang isama roon, bakit ganito ang sinasabi mo ngayon? Wala akong pakialam sa kontrata na sinasabi mo. It's just a paper. I already burned it." He rebutted.

"Sinabi sa akin ni Anya na Daddy niya ang tutulong sa 'yo. Hindi ka tutuloy kapag hindi ako sasama. Wala naman akong planong sumama sa 'yo eh. Ginagamit lang kasi kita. Ngayong tapos na ang kontrata, malaya ka na. Wala na rin akong kailangan sa 'yo!" Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi. Gusto ko lang na umalis siya at tuparin ang mga pangarap niya. Magdesisyon siya ng maayos.

"Alam mo ba ang mga sinasabi mo ngayon?" He asked.

"Oo! Gusto ko iwanan mo na ako! Tutal masunurin ka naman sa desisyon ng ibang tao 'di ba? Hindi ako sasama sa 'yo. Hindi ko iiwan ang natitirang pamilya ko rito."

Namula ang kanyang mga mata sa mga binibitawan kong salita.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Wala ka sa sarili mo ngayon kaya nasasabi mo ang mga 'yan."

Tinitigan ko siya. "Alam ko ang sinasabi ko. Nasa katinuan ako, Niko." Hinugot ko sa daliri ang singsing na binigay niya sa akin. Nilagay ko 'yon sa palad niya. "Napag-isip-isip ko na masyado pa tayong mga bata. Kapag nakabalik ka sa Canada, may mahahanap ka mas better sa akin. 'Yong mas matinong babae. Kasi ako? Hindi ko na alam." Tinuro ko ang sarili ko at natawa.

"Bakit ako maghahanap? The hell I care with other girls? I don't care if you're better or not. Para sa akin ka lang, Dia. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo ngayon. Simula no'ng sinabi mo na mahal mo ako, akin ka na. No'ng oras na inamin ko sa sarili ko na mahal kita, binigay ko na ang sarili ko sa 'yo. Hindi kita maintindihan but I'll try to understand you. 'Wag mo akong ipagtabuyan. Kasi hindi ko rin kaya." He muttered. "Para saan pa ang pangarap kong mga bagay kung hindi naman kita makakasama. Ikaw lang ang gusto ko." Tinignan niya ako sa aking mga mata. I really love him but my mind is so messed up right now.

"Selfish ka, Niko. Hindi mo naman kayang magdesisyon ng para sa sarili mo. Just leave me alone. Go anywhere you want. Marry whoever you want! I don't care with your dreams or plans with me... just leave me alone." My words stabbed my chest like a knife. I'm just so angry and sad right now. Nagdadalamhati ako pero ang ibang bansa pa rin ang sinasabi niya. He is so selfish. He only thinks about his feelings.

He sighed. "If that's what you want, then I'll respect your words and decision. After graduation, I'll fly to Toronto. I'll wait for you. Kung hindi ka dumating, babalikan kita. Kahit anong mangyari babalik ako sa 'yo." Nilapag niya sa study table ang soup at saka siya lumabas sa kwarto.

Sumalampak ako sa kama pagkasarado niya ng pinto. Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
9.6K 141 12
Tony married for money. She thought she would live comfortably if she had money. And that no problem is greater than financial problems. But she marr...
299K 18.5K 75
⌗𝐊𝐈𝐌 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐎 ━ ❝ Ikaw pala yung gwapong barbie na sumigaw sa horror house. ❞ 엔하이픈 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡...