Chapter 6

521 12 0
                                    

CHAPTER 6

DIA

KINABUKASAN pagkatapos ng klase, dumeretso kaming dalawala ni Niko sa hospital kung saan naka-admit si Mama. Ngayong araw na ang nakatakdang araw para sa engagement party namin. Hindi ko maiwasan ang kabahan. Gaganapin ang party sa bahay ni Niko. I feel anxious. I'm going to meet his relatives.

Gising si Mama no'ng naabutan namin at kausap niya ang tita ko na nagbabantay sa kanya. She's laughing but I know she's in pain inside. Sana gumaling na agad si Mama kasi hindi ko kaya na makita siyang ganito. Nangako sa akin ang Daddy ni Niko na ilalabas siya rito sa hospital at bibigyan ng private doctor at nurse.

May dala ang butler ni Niko na chrysanthemum flowers at maraming fruits. Ako naman may dalang ube bread na laging request ni Mama. She always ask, "Bumili ka ba ng ube bread doon sa paborito kong bakeshop? Mas gusto ko doon kasi masarap." Kaya bumili ako ng marami.

Lumapit kami kay Mama at hinalikan ko siya sa noo.

"Mama, may kasama po ako ngayon," sabi ko. Napatingin naman si Mama kay Niko at ngumiti.

"I'm Niko Salvatierra. Nice to meet you po." Nagmano si Niko kay Mama.

"Kilala kita, Hijo. Anak ka ni Sir Greg Salvatierra," sabi ni Mama sabay ngiti.

"Opo. Nakwento rin po kayo ni Daddy sa akin. Lagi rin pong binabanggit ni Lola ang pangalan n'yo."

Oh! So alam pala ni Niko ang tungkol sa pagiging kasambahay ni Mama noon sa pamilya nila. Hindi niya 'yon binabanggit sa akin. Umupo kami sa sofa sa tabi ng higaan ni Mama. Walang alam si Mama tungkol sa pakay namin dito. Sana hindi siya magulat.

"Kumusta na pala ang lola mo, Hijo? Kilala niya pa kaya ako?" Tanong ni Mama. Natigilan naman si Niko.

"Sadly, lola passed away two years ago po." He said.

"Ganon ba? Ikinalulungkot ko ang pagkawala niya. Hindi ko man lang siya nadalaw ulit. Matagal ko rin kasing nakasama ang lola mo." Malungkot na sabi ni Mama. Nalaman ko na may sakit daw na alzheimer ang lola ni Niko at si Mama ang nag-alaga sa kanya noon.

"Tuwing inaalagaan po siya ng nurse noon ay ayaw niya. Kayo po ang binabanggit niya."

"Kapag gumaling ako ay dadalawin ko ang puntod ng lola mo." Mom showed a faint smile.

"Salamat po."

"Ang laki mo na. Parang dati lang no'ng nakikita kita ang liit mo pa. Sigurado ngayon ay may girlfriend ka na. Kamukha mo ang tatay mo." Napangiti si Niko sa sinabi ni Mama. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

He smiled.

Sangayon ako sa sinabi ni Mama na kamukha ni Niko ang Daddy niya. 'Yon nga lang laging nakangiti ang Daddy niya. Himala na lang kapag nakita mo si Niko na ngumiti. Natahimik kami. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I cleared my throat to get rid of awkward atmosphere.

"Ma, fiancé ko po si Niko," I revealed.

"FIANCÉ?" Sa gulat ni Mama, napabangon siya sa higaan. Napatayo naman kaming dalawa ni Niko.

"Oh, oh!" Pinahiga agad siya ng auntie ko at sinabihan na kumalma.

Expected ko na ganito ang reaction niya. Syempre never akong nagpakilala ng boyfriend tapos ngayon ay magpapakilala ako fiancé pa. I have never been into a serious relationship before.

"Matagal ko na pong boyfriend si Niko, Ma. G—gusto na raw po niya akong pakasalan." Pinakita ko kay mama ang singsing sa daliri ko. I lied. Sana ay maniwala siya. Kailangan kong sabihin na boyfriend ko si Niko para hindi malaman ni Mama na deal lang namin 'to ng governor. Hindi siya papayag kapag nalaman niya ang totoo. Minsan kailangan talaga nating magsinungaling para sa ikabubuti.

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Where stories live. Discover now