I'd Be A Fool Not To Love You...

By skookzky

14.9K 311 7

Dia Remarque got entangled with the Governor's only son when she seeks financial assistance for her dying mot... More

I'd Be A Fool Not To Love You (edited version)
PROLOGUE
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
EPILOGUE
SOON TO BE PUBLISH (PRE ORDER DETAILS)
Author's Note
Published book
UNWRITTEN

Chapter 5

608 12 0
By skookzky

CHAPTER 5

DIA

SUCCESSFUL ang group activity na prenesinta namin sa marketing subject kahapon. Siyempre si Niko ang leader kaya nabuhat kaming mga kagrupo niya. Ang taas din ng grade na binigay ng Prof!

Bukas na ang engagement party namin ni Niko. Sa susunod na linggo naman ang next session ng chemotherapy ni Mama. Nakatulala ako ngayon sa blackboard dahil nakasulat na ang schedule ng school festival at exam para sa semester na ito. Mababaliw na ako! Nakaka-stress! I feel like dying.

Malapit na rin pala akong maging college student. Hindi pa rin ako sure sa kurso na kukunin ko. Hindi ako makapag desisyon kung accountancy ba o tourism. Gusto ni Mama na kumuha ako ng tourism dahil bagay daw sa akin ang kurso na 'yon at saka accountant na si Ate.

Abala si Niko sa mga gawain niya sa school kaya hindi kami nagsasabay na umuwi. Hinahatid lang ako ng driver at butler niya sa bahay. May mga seminar at meetings siyang pinupuntahan. I guess I will marry a very busy man. Kailangan ko ng mahabang pasensya.

Hindi kami masyadong nag-uusap. Kapag magkasama kami sa library ay hindi rin kami masyadong nag uusap kasi nagbabasa siya ng libro. Ayaw ko namang maistorbo siya. Wala naman akong importanteng sasabihin. Pasulyap sulyap lang din kami sa isa''t isa kapag nagkakasalubong kami or nasa klase. Wala din kaming contact number. Hindi pa rin kami friends sa facebook.

Hindi naman na siguro kailangan iyon?

"Okay, class see you on Thursday. Don't forget to review your notes," sabi ng professor sa harap.

Lumabas ako sa room para lumipat sa kabilang building para sa susunod kong subject. Habang nasa corridor, nasalubong ko si Niko. Kakagaling niya lang sa vending machine na tabi ng cafeteria. Siguro papunta na rin siya sa susunod niyang subject.

Syempre hindi ko siya pinansin. Straight ang lakad ko at nakayuko lang ako. He's everywhere. Kahit saan ako magpunta nakikita ko siya. Naglakad siya sa opposite direction ko at nilapit ang kamay niya sa kamay ko. Binigyan niya ako ng banana milk. What? Napatingin ako sa banana milk na nasa palad ko at nilingon siya.

What the hell? I think he's not that bad.

Lutang tuloy ako no'ng pumasok ako sa classroom namin. Kaklase ko si Kelsie at Lara sa subject na ito. Naabutan ko silang nag-uusap at tumatawa. Nilapag ko na ang bag ko sa upuan at umupo na. Wala pa ang professor namin.

"Kilig na kilig talaga ako sa kaniya. Pumunta nga ako sa bahay nila, eh. Buti na lang wala doon 'yong parents niya." Hagikhik ni Kelsie habang nagku-kwento tungkol na naman sa boyfriend niya.

Boyfriend niya ang bumkambibig niya tuwing magkasama kami. Naririndi na ako sa kwento niyang paulit ulit. She won't shut up. Masyado siyang proud sa kanyang boyfriend. Sobra naman na yata. Hindi ako bitter, ah.

"Oh, tapos? Anong ginawa niyo?" Atat na tanong ni Lara.

"Ano pa nga ba? Ang wild niya nga, eh. Nanood muna kami ng netflix tapos 'yon na nga,"

What the heck? Sa tingin ko hindi na 'yan kailangang ikwento. Does she know the word 'privacy'? I shook my head out of disbelief. She's so vulgar.

Binutas ko na 'yong banana milk na binigay ni Niko at saka ko ininom. It's surprisingly sweet. Lasang saging na may evaporated milk. Ganito ba ang gusto niyang inumin? Sa tingin ko ay mahilig siya sa kape.

Nakinig pa ako sa pinag-uusapan ng dalawa kong kaibigan.

"Tapos? Gumamit ba siya ng protection? Malaki ba?" tanong ni Lara. Isa rin ito na game na game sa mga ganyan na usapan.

Tumango tango si Kelsie habang naka-ngiti. Humagalpak silang dalawa sa tawa. Nasamid naman ako sa iniinom ko. Magkakaroon yata ako ng brain cancer dahil sa dalawang 'to! Nakinig lang ako sa walang katuturan nilang pinag uusapan hanggang sa dumating 'yong professor sa Philosophy. Nag-umpisa siya sa boring na discussion.

This subject really feels like hell. Napakatahimik pa ng klase kaya inaantok ako. Panay and titig ko sa aking relo. Kapag maganda ang subject ay napaka-bilis ng oras. Kapag mahirap naman, sobrang bagal ng oras.

"That's all for today. See you again on Tuesday," aniya pagkatapos mag explain at magpa-recitation ng ilang beses Sumakit ang likod ko. Ito na ang huli kong subject sa araw na ito.

Nagpaalam na ako kila Kelsie at Lara tapos dumeretso na ako sa parking lot. Naabutan ko si Niko na may kausap sa cellphone no'ng pumasok ako sa loob ng kotse. Napalingon siya sa 'kin.

"I need that document on Sunday. I'm busy tomorrow I don't think I can finish that on time. Please, send it thru my email. Thank you so much," sabi niya sa kausap.

He sounds like a businessman. Binaba niya ang phone niya at huminga ng malalim. Sumulyap siya sa akin. I'm trembling again. Kanina pa ba siya nag hihintay? Kinabit ko na ang seatbelt.

Hindi siya nakasuot ng hoodie ngayon. Naka-suot siya ng white long sleeve polo. Nakalabas pa ang relo niya. He look so clean kahit uwian na samantlang ako ay haggard ang mukha. I cleared my throat. Pinaandar naman na ng driver ang kotse.

"I'm going to meet your family to formally ask their permission," sabi niya sa gitna ng katahimikan.

MEET MY FAMILY? Ngayon? Magulo ang bahay at hindi ako prepared! Hindi rin ako sigurado kung nandoon si Daddy at Ate. Kapag ganitong oras kasi nasa trabaho pa sila.

"I'm not sure kung nandoon si Daddy at Ate. Usually kasi kapag umuuwi ako walang tao sa bahay," wika ko.

"Don't worry. I already told to your father in advance." Pinakita niya sa akin ang phone niya. He called my father? I see! He's very quick! Papunta pa lang ako siya naman pabalik na.

Sana naghanda si Ate ng dinner o kaya naman naglinis sa bahay! Ever since my Mom was admitted to the hospital, our house turned into chaos. Siyempre busy si Daddy sa negosyo at paghahanap ng pera. Si Ate ay busy sa trabaho at pagbabantay kay Mama. Ako naman busy sa school. Wala rin kaming kasambahay. Ano na lang ang sasabihin ni Niko kapag nakita niya ang bahay naming mukhang dinaanan ng dilubyo?

I can't help myself from fidgeting. Sana sinabi sa akin ni Niko ng mas maaga para naihanda ko ang sarili ko at ang bahay namin. Ano kaya ang sasabihin ni Daddy? Hindi pa ako nagpakilala ng lalaki sa kanya. Magpapakilala ako ngayon fiancé na agad.

Sabay kaming lumabas ni Niko sa van niya no'ng nakarating kami sa parking lot ng bahay . May kinuha ang butler sa likod ng van. Flowers na nasa basket at shopping bags na kulay orange. May nakasulat na Louis Vuitton.

"Hindi mo naman na kailangang magdala ng ganyan," sabi ko kay Niko.

"Those are gift for your father and sister. I don't want to meet them empty handed," sagot niya naman.

"It's too much." Napa-iling na lang ako. Louis Vuitton? Really? Nakikita ko na ang mukha ng Ate kong nakangiti kahit tulog. Binuksan ko na ang pinto ng bahay.

"You think so?"

Naabutan namin si ate na nasa sala pagkapasok namin. Mayroon siyang tinitignan sa cellphone. Day off niya ba ngayon? Ginala ko ang tingin ko sa bahay. Malinis naman ang sala. Wala na 'yong mga damit ko sa sofa na hindi pa natitiklop at mga make up na nakalagay lang sa kung saan. Tuwing weekend lang kasi ako naglilinis.

"Good evening po." Bati ni Niko sa kanya

"Ah, please come in," sabi ng ate ko na ang lapad ng ngiti. Tumayo siya at lumapit sa amin.

"Pakilapag na lang po ang mga 'yan sa sofa," sabi ko sa butler. Nilapag niya naman sa sofa 'yong mga paper bag tapos lumabas na siya.

"Naku nag-abala ka pa, Hijo. Pero salamat. Ako nga pala si Riane. Ate ni Dia." Pakilala ng ate ko.

Wala na kaming bunsong kapatid ni Ate. Ayaw na kasing manganak ni Mama. Mahirap daw mag-alaga at magpalaki ng bata. Magkasundo kami ni ate at parang best friend na rin ang turing ko sa kanya. Naiintindihan niya kasi ako. Sa kanya ko unang sinabi ang tungkol sa engagement namin ni Niko.

She was shocked. Tinanong niya lang ako kung sigurado ba ako sa deal. Sinabi ko ang totoo kong nararamdaman na hindi ko gusto. Sinabi niya na gawin ko kung ano ang alam kong tama at hindi ko pagsisisihan.

Nag-aaway kami minsan dahil sa maliit na bagay. Pinapagalitan niya ako kapag hinihiram ko ang mga damit niya. Naiinis siya kapag pinapaalala ko sa kanya ang ex-boyfriend niya. Magkasalungat kami ng ugali. Araw siya ako naman ay buwan.

"I'm Niko Salvatierra. Nice to meet you, Ate Riane." Nag shake hands silang dalawa ni Niko. Ngumiti naman si Ate sa kanya. Ngiti pa lang niya alam ko na agad na gusto niya si Niko para sa akin.

"Maupo ka muna riyan. May pinuntahan lang si Daddy pero pabalik na rin siya."

Umupo kami ni Niko sa kabilang sofa. Si Ate naman ay nasa harap namin. Parang interview lang, ah? Hindi pa ako nagkukwento sa kanya ng tungkol sa amin Niko. Close kaming dalawa kaya nagkakasundo kami sa mga bagay.

"Ehem. Dia, kuha ka ng inumin," utos ni ate.

"Ah, Okay!" Sorry naman! Ayaw ko kasing iwan si Niko kay ate. She will ask weird questions! Nakakahiya kay Niko. He's too serious for dumb questions.

Sinulyapan ko si Niko tapos tumayo na ako para kumuha ng maiinom. Ano kaya ang mga kabalbalan na tatanungin ni ate? Kinakabahan ako. Hindi pa naman kami close ni Niko. Magkaibigan naman na kami ngayon pero hindi pa namin gaanong kilala ang isa't isa.

Bago ako kumuha ng inumin pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit kong pambahay. Kung ano na lang ang makuha ko sa cabinet kasi nagmamadali ako. Pink top at short na puti ang sinuot ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago pumunta sa kusina.

Kumuha ako ng orange juice sa refrigerator at pizza na parang kaka-order lang ni Ate. Prepared, ah? Bumalik na ako sa sala. Naabutan ko silang nagkukwentuhan tungkol sa akin.

"You see, my sister is dumb and stupid but please take care of her. She got some attitude problems but she's actually sweet and understanding." Rinig kong sabi ni ate.

Huh? Who's dumb and stupid? Ang hilig talaga ni Ate na siraan ako sa ibang tao!

"Yes po," mahinang sagot ni Niko at ngumiti ng bahagya. Napatingin sila sa 'kin nung nilapag ko 'yong tray ng juice at pizza sa center table. Umupo ulit ako sa tabi ni Niko.

He smells like a baby. He really smells nice. Hindi nakakasawa ang amoy niya. Pinatong ko ang kamay ko sa legs ko at pinaglaruan ang singsing na binigay ni Niko. Pinaglaruan ko ang singsing na binigay ni Niko sa akin. Kumikinang ang mga diamonds na maliliit. Minsan natatakot ako baka may matanggal. Palagi ko itong tinitignan para hindi mawala. Sigurado akong mahal ito.

Nasaan na ba si Daddy? Umupo lang ako ay naging awkward bigla ang atmosphere.

Kumuha ako ng pizza para tikman ito. Paborito ko pa naman ang pizza kapag maraming cheese. Gusto rin ba ni Niko ang pizza?

"Bagay kayong dalawa." Walang pansitabi na sabi ni ate. Muntik na akong mabilaukan sa kinakain kong pizza. Tumingin ako sa gilid. Gano'n din si Niko. Awkwardness got worse. Sasakalin ko talaga si Ate mamaya!

"Hindi nga? Ang cute n'yo. Kung pwede lang sana maging teenager ulit! I suddenly miss my youth." Inggit niyang sabi.

"Mag-asawa ka na kasi, Old hag," sabi ko.

She's 26 years old. Single. Wala na yata siyang balak mag-asawa. Hindi kasi siya maka-move on doon sa walong taon niyang naka-relasyon. Her ex-boyfriend cheated on her. Na-fall out of love raw kasi 'yong lalaki. Grabe ang stress na naidulot no'n kay Ate. Ilang buwan siyang umiyak at ayaw lumabas ng bahay. Nag-resign pa siya sa kanyang trabaho. Dumating pa sa punto na kailangan na niyang magpakonsulta sa psychiatrist.

Iba talaga ang epekto kapag napamahal ka sa isang tao. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa kanya. I don't want to invest all of my love on someone. Love can make you happy at the same time destroy you entirely.

"Old hag? Ang Bastos talaga ang bibig nito. Gusto mo sabihin ko sa fiancé mo lahat ng baho mo?" She snapped. I glared at her.

"Please don't mind her," sabi ko kay Niko. Uminom ako ng juice.

Tahimik lang si Niko na nakikinig sa mga sinasabi ni Ate. I wonder what's going on in his mind right now. Buti na lang hindi siya tinatanong ni Ate sa mga personal na bagay. Napakadaldal niya kasi talaga. Her mouth won't shut up.

"Anyway, what do you think about my sister?" tanong ni Ate kay Niko. Ang daming tanong 'yan pa! Nakakahiya! Pero gusto ko rin malaman kung ano ang tingin ni Niko sa akin.

"She's—" tinignan ako ni Niko mula ulo hanggang paa. Na-conscious ako bigla!

What do you think about me? Maganda ba ako? Mabait? Compliment me.

"She's different. She's like a rananculus flower on a top of a hill," aniya pero halata na maraming siyang nasa isip na dapat sabihin.

"Huh?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya naintindihan.

"Iyon lang? Sa tingin ko ay fit naman kayo sa isa't isa. Matalino ka ang kapatid ko naman, may pagka-shunga. Pero kahit ganyan si Dia marami siyang suitor. Parang laging December sa labas ng bahay namin kasi akala ko may mga nangangarolling 'yon pala naghaharana. Aakalain mo rin na may lamay dito kapag valentines kasi ang daming bulaklak." Ngumisi si ate.

This is so embarassing. Nahagip naman ng mata ko si Niko na nakangiti. 'Yon ata ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti nang hindi pilit.

"Kaya lang, na-depress din siya kasi may mga stalker at balak mag harass sa kanya. Ilang lalaki na ang naisumbong namin sa police station."

Totoo ang sinabi ni ate. Dumating sa point na ayaw ko nang lumabas sa bahay dahil sa trauma. Mayroon akong stalker noon na sinusundan ako tuwing uwian. Lagi rin siyang tumatawag sa number ko at nagsesend sa akin ng mga litrato. Pinagkakalat niya rin sa school na may relasyon kaming dalawa. He's disgusting. Suminghap ako nang maalala 'yon.

"Hindi na po ulit mangyayari 'yon. I'll make sure of that," sabi ni Niko. Napalingon ako sa kanya. My face suddenly feels hot.

"Good to know." Ngumiti si Ate.

Nagkwento pa ng walang katuturang bagay si Ate hanggang sa dumating si Daddy. Napatayo si Niko sa sofa at nag mano kay Daddy. "Good evening, Tito," bati niya.

Pumasok na sa loob ng bahay si Daddy. He looks so tired. Parang nadagdagan ang edad niya dahil sa nangyari kay Mama. Buti na lang at hindi siya naglalasing. Wala kasi siyang bisyo. Ang negosyo lang namin na hardware annd cement supply ang inaatupag niya.

"Good evening din, Hijo. Pasensya na at dumaan pa ako sa hospital kaya natagalan pa ako," ngumiti sa Daddy. May dala siyang paper bag. Umupo silang dalawa ni Niko sa sofa. Nanatili naman akong nakatayo. Susundan ko ba si Ate?

"Ah, ayos lang po. Walang problema." Ngumiti rin si Niko kay Daddy. He is so polite.

"Punta muna ako sa kusina kasi maghahanda pa ako ng dinner." Paalam naman ni Ate. Wait! Ano ang gagawin ko? Hindi ko naman boyfriend si Niko pero kinakabahan ako.

"Salamat sa pamilya mo, Hijo. Malaking tulong talaga sa amin ang inaabot ng Governor," sabi ni Daddy.

"Wala pong anuman. Nandito po ako ngayon para po hingin ang basbas niyo sa aming dalawa ni Dia." slightly bowed his head. Ang lakas ng loob niya, ah? Sanay ba siya sa mga ganitong bagay? Gusto kong magpalamon sa semento ngayon. My heart is beating so fast and loud.

"Walang problema sa akin. Panatag ako na mapupunta sa pamilyang may dignidad ang anak ko. Bata pa kayong dalawa kaya 'wag niyong papabayaan ang pag-aaral niyo kahit mag-asawa na kayo." Ngumiti si Daddy.

"Maraming salamat po." Niko slightly bowed his head again.

"T—thank you, Dad." Ginaya ko siya sa pagyuko.

"Alagaan mo at ingatan ang anak ko," dugtong ni Daddy.

"Makakaasa po kayo."

I admired him for doing this. Hindi kasi lahat ng lalaki malakas ang loob na humarap sa magulang ng babae. Ang iba takot o walang pakialam. Kahit pumayag na si Daddy sa deal ay hiningi pa rin ni Niko ang permission niya. Napangiti na lang ako.

Nag-usap pa si Niko at si Daddy tungkol sa ibang bagay. Parehas silang may hobby sa paglalaro ng golf kaya 'yon ang pinag-uusapan nila. Pumunta naman ako sa kusina para tulungan si ate na maghanda ng dinner. Nagugutom na rin ako.

"Anong sabi ni Daddy? Anong pinag uusapan nila?" Curious na tanong ni Ate habang binabantayan ang niluluto. Sinilip ko naman ang niluluto niyang adobong baboy. Ito ang specialty niya. Alam ko ring magluto at sinigang ang specialty ko.

"Ayos lang naman kay daddy, Ate. Nag uusap sila tungkol sa hobby. Hindi ako makarelate kaya umalis ako." I shrugged.

"In fairness, ah. Ang gwapo ng fiancé mo. Mukha siyang korean actor! Ang galing mo!" Kinurot niya ako sa singit.

"Aray ko!" I glared at her.

"Ang cute niyo! Nakakagigil kayong dalawa!"

Inayos na namin ang lamesa ni Ate tapos kumain na kami ng dinner. Sayang wala rito si Mama. Kapag nandito siya paniguradong ipagtutulakan niya na ako kay Niko. Sinasabi niya kasi sa akin noon na dapat piliin ko ang lalaking makakasama ko. Dapat 'yong may respeto at may pinag-aralan. Niko perfectly fits on her standard.

Kung ano-ano ang pinag uusapan ni Niko at ate. Magaan ang loob nila sa kanya. I'm relieved. Worth it ang unang beses kong pagpapakilala sa kanila ng lalaki.

"Ang sarap po nitong adobo," komento ni Niko sa luto ni ate.

"Naku, kumain ka lang ng marami. Sa susunod kaldereta naman ang iluluto ko." Ngisi ni Ate. Flattered? Hindi kasi siya nasasabihan na masarap ang luto niya.

Inayos ko na ang mga plato no'ng natapos kaming kumain. Pinigilan naman ako ni ate. "Ako na ang bahala sa hugasin. Pumunta muna kayo sa balkonahe sa taas," sabi niya.

May balcony kami sa second floor ng bahay. Madalas akong tumambay doon kasi may mga upuan. Favorite spot ko roon kapag gusto kong mag muni-muni. Hindi rin masyadong madilim doon kasi may poste ng ilaw.

"Uhm, okay." Binitawan ko ang mga plato. Niyaya ko si Niko roon para makausap bago siya umuwi. Sumunod naman siya sa akin. Teka, anong sasabihin ko sa kanya?

"You're gonna catch a cold," aniya nang nakarating na kami sa balcony. Sleeveless kasi ang suot kong damit. Ganito talaga ang mga pambahay ko. Minsan lang ako magsuot ng T-shirt.

"Palagi ako rito kapag gabi. Doon ang kwarto ko." Tinuro ko ang daan papunta sa aking kwarto. Tumingin naman siya.

"Ah." Humawak kami sa railings ng balcony. Ang lamig ng hangin ngayong gabi. Maulap rin ang langit kaya walang makitang bituin. Hindi rin masyadong makita ang buwan. Naririnig ko ang huni ng mga kuliglig sa paligid. Alas-nuebe na kaya lumalalim na ang gabi.

"My sister is so annoying. Pasensya na. Kung ano-ano ang mga sinasabi niya sa 'yo." I said.

"She's actually nice. Ngayon lang ulit ako nakipag kwentuhan nang matagal sa isang tao. I don't usually talk much If I am uncomfortable with someone." He said. Ah, kung gan'on pili lang ang kinakausap niya.

"Gusto rin kitang ipakilala kay Mama. Pero ayos lang kung busy ka." sabi ko.

Ayaw ko namang isekreto ang lahat ng 'to kay Mama. Sasama ang loob niya. Siyempre hindi ko sasabihin ang totoong dahilan kung bakit kami magpapakasal ni Niko. Hindi siya papayag na magpapakasal ako para sa pera. Hindi 'yon kakayanin ng pride niya.

"Let's meet her tomorrow. I want to ask her permission too," sagot ni Niko. Tumingin siya sa akin.

"Are you sure? Maraming kang ginagawa. May party pa bukas."

"Wala akong masyadong gagawin bukas. Let's meet her before the party."

"Uhm, okay." I nodded my head.

Biglang nag ring ang phone niya na nasa bulsa. Actually, kanina pa nagriring no'ng kumakain kami. Naka-silent lang. Akala niya hindi ko napapansin na binababaan niya ng tawag ang mga tumatawag.

"Excuse me," sabi niya sakin tapos sinagot na ang tawag. Narinig ko na pinapauwi na siya dahil may ipapagawa raw ang Daddy niya. Ganon ba talaga siya ka-busy? Paano kapag mag-asawa na kami? Feeling ko wala siyang oras para sa akin.

Humarap siya sa 'kin pagkapatay ng tawag. "My Dad is looking for me. I have something to do. See you tomorrow at library." Binulsa niya ang kanyang cellphone.

"Y—yeah. Kung gano'n tara na sa baba. " Tumango siya. Gusto ko pa siyang makausap pero hindi na puwede. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa ibang bagay. Sa susunod na lang siguro?

Nagpaalam muna siya kay Daddy at Ate. "Thank you so much po for the dinner. I'll get going."

"Ay, aalis ka na?" tanong ni Ate na kasalukuyang nagliligpit ng plato. Nakadungaw siya sa hamba ng pinto. Nasa labas na kasi kami ni Niko.

"Mag ingat ka, Hijo. Salamat din sa mga dala mo. Pakamusta na lang ako sa Daddy mo," sabi ni Daddy.

Tumango si Niko at nagpasalamat ulit. Sinamahan ko siya palabas sa gate. Nagmamadali siya dahil ang laki ng mga hakbang niya. Tinitignan ko lang ang kanyang likod. He's really tall and a bit slender.

"Uhm, mag-ingat ka." Awkward kong sabi no'ng huminto na kami sa harap ng van niya. I don't know what to say. Should I thank him? Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. I can't even look at him in the eyes.

"'Yon lang? No kiss or hug?" tanong niya. K—kiss or hug? Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? I can't believe he said that with straight face! Napalunok ako.

"Just kidding." Binuksan na niya 'yong pinto sa backseat ng kotse bago pa ako magsalita.

"Asa ka!"

Little by little I'll get closer to him

Continue Reading

You'll Also Like

264K 4.6K 18
Aira didn't expect that her boyfriend, Arjay, will cheat on her. Never did she imagine that he can cheat on her. She thought Arjay loves her. Did he...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
38.2K 1K 148
❝will play back to make you mine.❞ morpheus series 5: a step behind nct donghyuck lee ff english-tagalog date started: August 16, 2020 date ended: S...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...