THE RED GOWN AND THE MASK
PRINCESS REENROZE pov
"Mahal na prinsesa" Queen called me
"Mahal na Reyna"nilingon ko ito and I gave her a fake smile
"Napakaganda mo Mahal na Prinsesa" The queen looked at the red long gown I was wearing
"Salamat Mahal na Reyna" I smiled and bowed
"Nasasabik kana bang Makita ang Mahal na Prinsipe, My dear princess?" Queen asked
Tumango lamang ako at ngumiti. Muli Kong binaling ang aking mga mata sa salamin na nasa aking harapan. Tinignan ang suot Kong pulang magarbong damit na hapit sa aking katawan
This is not me...
"Mahal na Prinsesa kung matapos kana sa iyong pagaayos, ang karwahe Lincole ay hinihintay ka sa kwadra sentral, dadalhin ka niyon sa palasyo ng Forviente" Queen said
Kotse na ang uso ngayon, bakit napakatraditional naman ng Royal family. Hayy!
"Maraming salamat Mahal na Reyna. Mauuna na ho ba kayo sa palasyo Forviente?"
"Kailangan naming Mauna, ayon sa tradition ang Reyna at Hari ang sasalubong sa mga dadalo. Ang prinsesa ang sasalubong sa prinsipe"
"Ah ganoon ho ba, magiingat ho kayo Mahal na Reyna" I bowed
"Magiingat ka, Mahal na prinsesa" I nodded
"Bago ko malimutan, Ang maskara ang mahalaga sa lahat. Huwag na huwag mong kakalimutan"
"Pangako Mahal na Reyna, Hindi ko makakalimutan ang maskara" nag-iwan muna ito ng ngiti bago lumabas ng silid
Marahan kong niluwagan ang pagkakatali ng aking suot na gown. This red gown is too tight!
"Hay sa wakas nakahinga rin" naupo ako sa Sofa upang sandaling magpahinga
Nakakapagod tumayo lalo na't mataas itong suot kong sapatos, it's looks like a Disney princess shoes! Gross!
"Mahal na prinsesa, Fix your gown , you look like a victim of raped" pamilyar ang boses na iyon
"Cyntia! What are you doing here?" Masaya kong ginawaran ng yakap ang kaibigan
"The queen sent me this" ipinakita sa akin ang Isang maliit na puting envelope, it's my engagement invitation
"Nakakahiya naman sa kaibigan ko kung hindi ako dadalo sa engagement party nya" may mapaglarong ngiti sa mga labi nito
"Oh god, buti naman inimbitahan ka ni mommy. Akala ko magisa akong makikipagplastikan sa mga bisita, Aww thank you Cyntia!" I hug her again
"Iww, stop it Roze. Hindi ikaw Yan! The real roze is brave and doesn't hug" parang nandidiri itong tinulak ako
"Whatever, sasabay kaba sa akin sa karwahe?" Tanong ko sa kaibigan
"No, carriage is not my thing" si Cyntia
"Yeah, you're right. Sasabay nalang ako sa kotse mo, Ayoko rin magkarwahe"
"Oh god! Speaking of that carriage. Ako lang ang nakakotse, tila pinamukha sa akin ng pamilya mo kung gaano kahampas lupa ang pula Kong Porsche!" Cyntia shows an unbelievably tone
"Edi sumabay kana sa akin sa karwahe"
"Mahal na prinsesa, Hindi ho maaaring sumama ang kaibigan nyo sa loob ng karwahe. Ang karwaheng asul ay para lamang sa prinsesang nalalapit na ang kasal. Pribado ho ang asul na karwahe" tikhim ng Isa sa royal maid. It's Lucy!
"Pano ba iyan my friend, Kita nalang tayo sa palasyo Forviente! Btw you look stunning" pinaikot ikot pa nito ang susi sa kanyang kamay na tila nangaasar bago umalis
Crazy Cyntia..
"You look stunning too!" Sigaw ko sa papalayong likod ni Cyntia, she just waved at me
Ang mahabang buhok ni Cyntia ay umaalon habang sya ay naglalakad papalayo sa silid, Her curvy body is amazing. She was wearing a tight silver dress, the diamonds on it glowed when hit by light.
I just smile at my crazy but sexy and hot friend.
"Mahal na prinsesa, handa na ho ang karwahe. Kanina pa ho kayo hinihintay ng tagapaghatid" tikhim ng Royal maid saka itinuro ng dalawang nitong palad ang daan palabas sa Royal Closet
"Okay" I walk smoothly, straight and modestly. I'm just like a real princess! It disgust me
Inalalayan ako ng Isa sa royal guards papasok sa loob ng karwahe.
"Mahal na Prinsesa, huwag nyo ho kalilimutan ang maskara" paalala ni Cristoper, my dad's personal Royal Guard
"Thanks!" Kunot noong isinara ni Cristoper ang karwahe
I took a deep breath as I put the mask on my face
"Here we go, princess time" kausap ko sa aking sarili, at sya namang nagsimula na ang pagpapatakbo sa karwahe
Tunog ng mga paa ng kabayo ang naririnig ko habang nilalandas namin Ang daan patungo sa Palasyo Ng Forviente
Dumikit sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin galing sa labas ng bintana nitong karwahe.
Papadilim na.. nagaagaw na ang liwanag at dilim...
Nalalapit na ang responsibilidad ko.
Nalalapit na ang kasunduan.
Nalalapit na ang kalungkutan ko...
Magiging masaya ba ako?
Hinawakan ko ang suot na maskara
Magtiwala ka sa maskara. Iyon ang sabi ng Reyna. Kaya't magtitiwala ako..
"Mahal na Prinsesa" tawag sa akin ng royal guard, Hindi ko namalayan na pinagbuksan nya na pala ako ng pinto
"Salamat" nginitian ko ito, saka marahang bumaba sa karwahe.
Mabilis kong ipinalibot ang mga mata sa kabuoan ng palasyo. Napalaki nito kung ihahalintulad sa Palasyo ng Lincole. Mas marangya ang itsura ng palasyo. Ang mga Agilang bakal na nasa tamang pwesto ng bawat tore ay kamangha mangha, ang ibat ibang kulay ng mga bulaklak ay nakakabighani. Ang estilo ng palasyo ay moderno ngunit makikita mo ang kalumaan sa bawat bahid ng lumot sa pader nito na lalong nagbigay ganda.
This place is amazing!
"Mahal na prinsesa" Ang Reyna
"Mahal na Reyna" I bowed
"Sumunod ka sa akin" iginiya ako ng Reyna patungo sa Royal Entrance ng palasyo, ngunit bago kami tumungo Hindi ko maiwasang purihin ang napakagandang red carpet na hinatag sa daraanan ng mga bisita na mayroong desensyong mga bulaklak
Halos Hindi Kona marinig ang tinig ng Reyna, dahil masyado akong nalilibang sa kagandahan ng palasyo. Kung sa labas ay napakaganda na. Mas lalo siguro sa loob nito!
Maganda naman ang palasyo namin, ngunit mas maganda ang Forviente Palace.
"Congratulations Mahal na prinsesa" Isa iyong ginoo, Isa rin ata itong prinsipe. magalang nitong hinalikan ang likod ng aking kamay. Sayang Hindi ko Makita ang kabuuang mukha ng prinsipe dahil natatakpan ng maskara.
"Prince Otsori, nasaan na ang Prinsipe Neigo?" Tanong ng Reyna sa ginoo
Oh? He's the younger prince. Otsori...
"Mahal na Reyna" he bowed first, and he continue talking
"Paparating na ang Prinsipe Neigo, kaunting sandali nalang ho Mahal na Reyna" Prince Otsori genuinely Smiled at queen
"Mauna na tayo sa loob Prince Otsori. Ang prinsesa lamang ang maaaring sumalubong sa Prinsipe" prince Otsori nodded nagsalita muna ito bago sumunod sa Reyna
"Ikinagagalak kitang makilala Mahal na Prinsesa" and he left
Para akong Isang uod na naasinan habang binabati pabalik ang mga bisita na tutungo papasok sa loob ng palasyo.
Samantalang ako? Naiwan dito sa maragang pinto na ito, para hintayin lamang ang feeling importanteng prinsipe!
My patience is running out!
Bukod sa pagod na ang paa ko kakatayo, pagod narin ang panga ko kakangiti Halatang plastic naman ang mga ngiti ng bisita, tsk!
"Maghanda! Ang prinsipe ay Paparating na!" Sigaw iyon ng Isa sa Royal Guards, mabilis namang nagsi-ayos ng tayo ang mga guards sa kabilaan nito entrance ng palasyo. At inangat ang hawak na mga sandata bilang tanda ng respeto
Tunog ng paa ng kabayo ang naririnig ko na nagsasabing Paparating na ang karwahe ng prinsipe.
Hindi ko malaman kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko, Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Hindi ko iyon malaman! Kailan man Hindi ako nakaramdan ng takot. What's happening to me?
Damn it!
Umayos ako ng tayo nang makita ang Prinsipe na bumaba galing sa karwahe. Nakamaskara ito kaya hindi mo makikita ang kabuuan ng kanyang mukha, ngunit mayroon itong magandang hubog ng katawan, ang kasuotan nito ay isang tuxedo na mayroong naglalabang kulay ginto at itim. Ang mga labi nito ay napaka pula. Nakakapanghina, Ang mga mata nya ay nanghihipnotismo. He has a fucking sapphire eyes!.
I swallowed hard, When I realized that the prince was already in front of me.
He stared at me intently from head to toe, it seem he examining my whole sexy body.
May panghuhusga sa mga mata nito. Why? Sexy naman ako ah!
"Tititigan mo na lamang ba ako"It shows the seriousness
I swallowed hard again, Napakurap kurap pako bago tuluyang nagsalita
"I-Ikinagagalak kitang makilala Mahal na prinsipe" I bowed
"You done?" Yun lamang ang tugon nya sa akin
"Y-Yes" fuck! Bakit nauutal ako sa lalaking to?
"Well I'm not happy to meet you" he said in a super serious way
Intimidating huh
Pumikit ako ng mariin para pigilan ang inis na nararamdaman ko, konti nalang maeelbow strike Kona ang Prinsipe nato kahit pa gwapo sya!
"Paumanhin Mahal na Prinsipe" I bowed
"May magagawa ba iyang sorry mo para itigil ang engagement?" He asked sarcastically
I bit my lower lip to stop my mouth because I might say something bad to this fucking prince who standing in front of me.
"Let's go" seryoso ang tono nito habang iniharap sa akin ang kanyang braso
"Mahal na prinsipe?" I frowned as I asked him while looking at his arm
"Kumapit ka sa braso ko" There is a command in his tone
Tsk! Bossy Akala mo naman kung sino, e parehas lang naman kaming prinsesa at prinsipe.
Sinunod ko na lamang ang utos nito at marahang kinapit ang aking kamay sa kanyang braso
Wow, matigas huh. Nag-gygym Kaya to?
Arrghh whatever, focus Reenroze!
"Smile, when we get inside" utos nito sa akin
Akala ata nya royal maid ako, kung makautos e... Fyi! I'm a fucking princess!
"Okay" sagot ko rito
"Good" matapos nya sabihin iyon, iginiya nya na kami papasok sa loob
Rinig ko kaagad ang masigabong palakpakan ng mga bisita, nakangiti ko silang lahat na tinugunan. Nang marinig ko ang bulong ng prinsipe sa akin.
"Hey" binalingan ko ng tingin ang Prinsipe
"I'm a prince, but I'm not the prince charming type. Get ready because you will never experience being treated like a princess in my hands"matapos sabihin iyon, nakangiti na itong bumaling sa mga bisita at tila walang banta na sinabi
What does he mean?
______________________________________________
If you like this part, You can vote, thank you!<3