Haunted Houses 2

By Sheree_Mi_Amour

6.7K 203 6

The stories you're about to read are not mine. These are all from popular facebook page "Spookify" and other... More

Ang Bahay Namin...
Friday the 13th
Isang Isla ang Lugar namin
Dormitory
M.M. Inn
Compiled Stories 1
Kapitbahay
Compiled Stories 2
House Encounters
Third Eye
Housemate I didn't know about
Ang Creepy sa Boarding House
Black Lady
Compiled Stories 3
The Devil & The Violin (Parts 1 & 2)
Home Creepy Home
Mansion
Babaeng walang mukha
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Compiled Stories 6
Different Tales
Compiled Stories 7
Katok Kilabot!
Compiled Stories 8
Apartment Nos. 1 & 2
Kapitbahay na Japanese
Mga Paramdam sa Bahay
Compiled Stories 9
Bata, Itim na pinto at Doppelganger
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Boarding House Pa Gurl
My Tito's Haunted House
Compiled Stories 12
Ang Lumang Bahay sa Dead End Street
Compiled Stories 13
Compiled Stories 14
Ang Nawawalang Bahay sa Gabi
Bahay sa Tagaytay
Apartment na may bonus
Orihinal na Residente sa Bagong Unit
Compiled Stories 15
Compiled Stories 16
Honeymoon
Gaya-Gaya
Mga Maligno sa Gabi
Pre-nup
Compiled Stories 17
Motel (Parts 1-2)
Batang Pasig
Unit 29-D
Jar
Retreat House (Parts 1-4)
Compiled Stories 18
Bernadette Subdivision
Ang dati kong boarding house chronicles
Compiled Stories 19
AB Boarding House (Parts 1-3)
Ang Bahay ni Mang Gaspar (Parts 1-3)
Haunted House ng Malaybalay (Parts 1-3)
Boarding House (Parts 1 & 2)
Unit D (Parts 1-3)
Unit D (Parts 4 & 5)
The Apartment : Year 2006
Lumang Bahay (Parts 1-6)
Compiled Stories 20
Paranormal Investigation : Old House in Laguna (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
Bahay sa Tagaytay
Room 04
Dormitory (Parts 1 & 2)
Kalachuchi Motel
Compiled Stories 21
Ang Sikreto ng aming tahanan (Parts 1 & 2)
Apartment sa Imus
Apartment & Teacher's Camp
Inuupahan
Dormitory in McKinley
Bagong Bahay
Compiled Stories 23
Ang Dating Bahay ni Kap (Parts 1-6)
Stories by Ye Po Da (Eonnie)
Horror Boarding House (Parts 1 & 2)

Compiled Stories 22

45 0 0
By Sheree_Mi_Amour


Ang Sarili Naming Bahay

Taong 2014, ang aking magulang ay nakabili ng sarili naming lupa't bahay sa isang subdivision sa Imus, Cavite. Nangungupahan lang kasi kami sa isang lugar sa Maynila na kung saan ay talamak ang bentahan ng mga medical supplies.

Simple at maliit lang ang bahay namin sa Cavite ngunit sabi ng karamihan ay nilabag namin ang ilang pamahiin na maaring pasukin ng mga hindi kanais-nais na ligaw na kaluluwa pero hindi namin ito pinansin dahil hindi naman naniniwala ang lolo ko sa mga ganyang pamahiin.

Walang tumatao sa bahay namin kasi lahat kami ay nagtatrabaho sa Maynila, umuuwi lang kami doon kapag may okasyon lang or kapag may pagkakataon kami na makapagbakasyon dun. Sa madaling salita ay isa o dalawang beses sa isang buwan lang nagkakaroon ng tao don.

Pebrero 26, 2021, Biyernes. Ala-sais na ng gabi, palubog na ang araw at pausbong na ang dilim sa paligid habang ang ibang tao ay may saya sa kanilang mga mukha na nagmamadaling umuwi sa kanilang mga tahanan (syempre sahod tapos walang pasok ng Sat and Sun).Kung saan magtatagpo kami ng aking kasintahan sa kahabaan ng Pedro Gil para pumunta sa aming bahay sa Cavite. Lubos na pagtitiwala ng aking magulang samin dalawa ng aking kasintahan lalo na sa pagbabantay at paglilinis ng bahay kaya kami dalawa ang pinapunta muna dun.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kami naglinis para kahit papaano ay mabawasan ang aming Gawain kahit kami ay pagod sa biyahe. Pagkatapos maglinis ay kumain kami at nanood ng TV upang magpaantok ngunit ang Saya na bumalot samin ay pinalitan ng malungkot at nakakatakot na Pangyayari.

Alas-Dose nang Hatinggabi ay nagpahinga na kami sa isang kwarto sa ikalawang palapag, Naunang natulog ang aking kasintahan habang ako ay gising pa na tinitignan matulog ang aking kasintahan. Pumapatak ang oras ay bigla nalang ako inantok at di ko namalayan na ako ay nakatulog.

Walang ingay ako naririnig tila ba nakakabingi ang tahimik na kapaligiran kung saan biglang lumitaw sa aking harapan ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakakatakot na mukha (Kamukha ni Lucia Joaquin). Ang ngiti niya na dapat ay Masaya ay nagbigay sakin ng nakakatakot na pakiramdam (Killer Smile). Lima hanggang sampung Segundo siya nakapatong at nakalutang sa harapan ko.

Hindi ko alam kung panaginip, bangungot o totoo ang nakita ko dahil pagkasigaw ko ay bigla nalang siya naglaho at tumingin ako sa orasan ay 12:30 am pa lang ng hatinggabi, halos sigaw ako ng sigaw sa takot habang nagising ang kasintahan ko na nakita niya nakatulala ako sa takot, nanginginig, nanlalamig at di mapakali.

Sinubukan naming magdasal ngunit di ko makumpleto ang aking dasal para ba may pumipigil samin lalo na yung bibigkasin ko yung dasal na AMA NAMIN. Hindi kami natulog dalawa dahil iniisip ko baka mangyari ulit at sapian na isa samin.

Ginawa namin ay nagpatugtog kami ng WORSHIP SONGS hanggang 6am ng umaga at bumaba kami para buksan ang ilaw. Nanood din kami ng BIBLE EXPOSITION ngunit habang ako ay nanonood ay naririnig ko may gumagawang ingay sa ikalawang palapag na kung saan kami natulog. Pagsulyap ng umaga ay agad kami nagayos para umuwi na sa Maynila.Ang dapat na bakasyon at pahinga namin ay nauwi sa takot na naging trauma sa amin sa bahay na yun ngunit kahit may ganon pa pangyayari ay babalik pa din kami dahil sarili naming bahay yun.

Mr. Tender

Hotel in Makati

Hi I'm an avid reader here on spookify I just wanna share my story about what happened last year October 2020.

Bata palang po ako nakakakita na ako ng mga multo, naamoy ko rin sila at napapanaginipan kaso lately hindi na I think it's because of what I did bago pumunta ng manila.

Naalala ko summer noon sa amin Mainit ang paligid at masarap ang simoy ng hangin. Kabado ako kase papalapit na ang pasukan at baka madala ko yung kakayahan ko sa pag punta ko sa Manila. Natatakot na kase college student na ako ayoko na dumagdag pa iyon sa stress ko. Ayoko na makakita andon, natatakot ako sa itsura nila, minsan nag sleep walking nako, minsan binibulungan ako ng ghost na nasa bahay namin ng latin which is infestation, tapos nakakaamoy ako ng mabaho pag andyan Sila. Natatakot narin ako sa mga panaginip ko. I Google how to make it stop but the google brought me to God. I pray and then after one week parang magic na nawala lahat ng kakayahan ko makakita at makaamoy ng multo. So here's one of the story na gumana ulit ang kakayahan habang nasa Manila na ako.

October noon busy na busy ako sa midterm pero dahil anniversary namin ng partner ko isiningit namin na mag stay cation sa isang hotel sa makati. Uhm uhm uhm mali iniisip niyo kasama namin ang tita niya. Dahil puno na ang mga hotel nung araw na yun nagpabook kami sa isang hotel na classical ang design and very simple lang. Pinili namin ang Two beds and yung may bathub. Medyo gahol na kase kami sa oras Kaya iyon nalang din ang pinili namin. I pack my things but I forget my rosary sa sobrang pagmamadali. Nauna umalis ang partner ko at ang tita niya sinundo nila ako sa may condo namin sa bgc at after 18 mins lang siguro nakarating na kami sa hotel na iyon. Medyo malapit lang pala iyon sa amin. Pagkarating namin ay May napansin na agad ako ang Luma na tignan ng hotel pagkapasok namin binati agad kami ng clero sa lobby. Mababait naman sila and tinuro nila sa amin ang room namin. Pagkarating sa room namin 2*** ay agad ko napansin ang salamin. Minsan kase sa tagal mo na nakakaramdam o nakakakita. Alam mo na ang mga bagay na hunted. Pinagsawalang bahala ko iyon at mag ayos kami ng kwarto nagkabit ng decoration then nagpicture picture kaming tatlo. After that bumili kami food sa labas malapit lang kase Lahat sa hotel na ito. Pagtapos namin kumain nanuod kami movie, nagkwentuhan, naligo kami ng partner ko sa bathub and then nagpasya kaming matulog na. Si tita niya sa May kama bandang aparador at ref kami naman ay malapit sa May salamin. Pagkahiga namin nagkwentuhan kami ng partner ko habang nagkwkwentuhan kami May napansin akong nakatayo sa harap ng salamin pero blurry babae siya nakawhite binaliwala ko iyon ganun kase pag sanay kana . Sinabi ko sa partner ko iyon at ayun napagpasyahan namin matulog na and things get worst.

Nagising ako at tinignan ko ang orasan sa harap ng aparador it was 2am in the morning. So nagpasya ako matulog ulit. Biglang dumidilim yung paligid namatay yung ikaw tinignan ko partner ko pero Wala na yung partner ko sa tabi ko tinignan ko yung kama ng tita niya Wala narin ang tita niya ang tanging naka open lamp shades. Nagulat ako ng may babaeng nasa harapan ko nakaputi, mahaba ang buhok, hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin. Tinignan niya yung dinding malapit sa aparador at unti unti May tumutulong dugo sa ding ding Halos nanginginig na ako sa takot ng tignan ko ito May namumuo na mga salita dito binasa ko ito unti unti " Kung gaano ka kabilis Mabuhay ganon ka rin kabilis mamatay nung tanong 2016" hindi ko na kaya maiiyak na ako sa takot pinikit ko ang mga mata ko pagtapos nun ay May bigla ulit sumulat gamit dugo sa pader mukhang May ipapahiwatig ulit siya kaya binasa ko ulit ito " EHELPMEHELPMEHELPMEH"Dikit dikit na letra. Hindi kona kaya takot na takot na ako.

Isang malalim na paghinga at Nagising ako "anong nangyari sayo" tanong ng partner ko hawak niya ang cellphone niya at mukhang naglalaro siya ng Cod. Nag alala siya. Niyakap ko siya ng mahigpit "love may napanaginipan ulit ako love" halos ayaw ko na siya bitawan sa pag kakayakap ko. "Bakit? Bakit ? Ano nangyari sayo?" May sinabi sakin yung multo yung babae na andito love. " EHELPME tatlong ulit" pagkabaggit ng ko sa partner ko niyon. "HELP ME YON AH ! " halos mapasigaw siya at matapon niya ang cellphone niya. Ako naman ay maiiyak na sa takot. Sa lakas ng Sigaw niya nagising din ang tita niya na noon at tinatanong kung ano nangyari. Kami naman ay tumahimik nalang. Kinabukasan ay umuwi nalang kami agad pero bago yun ay nagalay muna ako ng dasal sakanya.

EyeTurnsLove

P.s. Feeling ko siya ay isa sa mga babae na nabiktima ng panggagahasa sa motel. Minsan ang mga kaluluwa ay di matahimik kung nasaan sila kase dun sila pinatay ay nakakulong na ang kaluluwa nila doon. May kutob din ako na andon parin ang katawan niya sa loob ng kwarto na iyon.

Haunted house

Hi Admin, this is my real account. Please hide my identity. Silent reader ako since 2016 pa. Ngayon lang nagka-time mag share ng story kaya sana ma-post.

Itong kwento na ishi-share ko is based sa experience ko. Hindi open ang 3rd eye ko and bihira lang din ako makaramdam, ilan 'to sa mga 'di ko makakalimutan na creepy experience ko.

So ayun, tinulungan ko maghanap yung boyfriend ko ng mauupahang bahay, may nakita kami na for rent malapit samin kaya tinawagan agad namin yung may-ari para makita namin. Within the day nakipag-kita agad sya, kahit sa kabilang city pa sya nakatira eh sinadya kami puntahan agad-agad.

Nasa loob ng compound yung unit, meron 5 na bahay dun sa compound pero hindi sila magkaka-mag-anak. Kada bahay may sari-sariling maliit na gate (mga hanggang balikat lang yung mga gate) tas yung pinaka main gate papasok yun yung pinakamalaki. Yung mismong bahay nasa pinaka-dulo (para mas ma-visualize nyo, 3 bahay sa kaliwa 2 naman sa kanan) dead end na yung gilid ng unit tas pader, mababa lang yung pader mga 5'5 yung height ng pader kaya matatanaw mo yung kabila, parang bakanteng lote na puro puno. Pag-pasok namin ng bahay, ang dilim at ang lungkot ng ambiance kahit na puro ilaw at ang tingkad ng pagka dilaw nung pintura ng bahay, iba yung mafi-feel mo.

Maluwag yung sala, meron kusina, tas mag-katabi yung cr at dirty kitchen. Bale yung cr katapat hagdanan paakyat sa 2nd floor. Pag umakyat ka ng 2nd floor may 2 rooms dun, sobrang laki (sa isang room kasya yung 3 double deck na malaki yung size, tas kada kwarto may sobrang laking built-in na cabinet, maluwag talaga yung bahay para sa 4 na tao lang). Yung mga bintana malalaki at may harang parang net na green, pero kahit may mga bintana yung kwarto at yung sala, hindi sya direktang nasisinagan ng araw kasi mababa yung bahay compare sa mga katabi nya, sapat na yung bintana para may hangin lang na pumasok.

Natuwa sila tita kasi malaki and spacious yung bahay, tas tinanong namin kung magkano yung upa and sabi samin 5k lang, medyo nagulat kami kasi ang laki nya mga nasa 90-100sqm yung floor area tas 5k lang. Kaya kinuha na nila agad, nag-bayad na sila that day ng downpayment and nag-pirmahan na ng contract para makalipat na agad. Napansin ko na nakalagay sa contract na hindi sila pwedeng umalis within 1year after the signing.

Marami kaming na-experience na creepy pero ito yung mga 'di ko makakalimutan.Una, nag groupings kami ng mga kaklase namin dun sa bahay nila. Bale 8 kami, ako, bf ko, yung 5 na ka-grupo namin tas kapatid ng bf ko. Habang gumagawa kami sa lamesa nila ng lulutuin namin (marketing kasi yun, yung napili namin na product na ibenta is pagkain) so ayun na nga, katabi ko sa kanan ko yung weird namin na kaklase, ayaw sya ng mga iba namin kagrupo kasi nga weird sya pero mabait naman. Nasa kanto ako ng mesa tas katabi ko sya sa kanan (kaliwa ko yung bf ko)biglang may dumaan na itim sa gilid ko mabagal yung lakad, lahat ng kaklase namin nakapalibot sa mesa, yung kapatid ng bf ko nasa kwarto kaya imposible na may dadaan dun, alam ko sinundan ng tingin ni Jem yung dumaan pero ako dinedma ko lang.

Tas pabulong nyang tinanong sakin (non-verbatim)

Classmate: nakita mo yun?

Ako: oo, pero sa peripheral ko lang 'di ko talaga tinignan, natakot ako (tas nag fake smile)

Classmate: ano yang labas nyan pag-kumaliwa ka galing pinto?Ako: pader na yan diba? (alam ko na alam nyang pader yan kasi makikita mo yun bago ka pumasok ng pinto) dead end, tas parang bakanteng loteClassmate: dyan pumunta, yung babaeng nakaitim.

'Di ko na inusisa, pinatay ko na agad yung topic kasi nga natatakot na 'ko. Edi nag-uwian na kami. Kinabukasan sa school, dun kami nagkwentuhan, sabi nya "laging tahimik dun noh?" Sabi ko, "oo, kasi apat lang naman silang tao dun tas 'di pa sila mahilig mag-patugtog ng malakas" sabi niya, "mag-ingay ingay sila kahit pano, saka buksan lagi ilaw" tas sabi ko, "ano ba nakita mo? Nakita ko sinundan mo ng tingin eh" Sabi nya, "tumagos dun sa pader mag-ina, babae may kasamang bata, nakalutang sila parehas" dun ko nalaman na may 3rd eye pala sya. Kaya pala 'di sya mapakali nung andun sya inikot-ikot nya mata nya na parang may titigan sya sa hangin.

Ito pangalawang creepy na experience, nung mga time na to alam na namin na may something dun sa bahay kasi lagi kami may naririnig na naglalaro ng bola sa taas kahit walang tao, naglalakad, minsan pababa ng hagdan pero pag-tingin mo wala naman, nagkakalabugan ng mga kung ano-ano, pero dinededma na lang nila kasi may contract sila na di pwede umalis at may penalty na 50k.

Sinundo namin ng kaibigan ko yung bf ko kasi may pupuntahan kami, pagdating namin mag aayos palang bf ko sabi nya, "akyat muna ako bihis lang ako" naiwan kami ng kaibigan ko sa baba. Pag-akyat nya narinig ko nagbukas yung gripo sa cr akala ko sya nagbukas, hanggang sa narinig ko na umaapaw na. Tumayo na ko para sana patayin, pababa na bf ko nun tapos parang inis sya, sabi nya sakin "bakit binuksan mo yung gripo tapos 'di mo pinatay, umaapaw na yung tubig" sabi ko,"papunta palang ako sa cr papatayin ko sana, hindi ako nagbukas nyan kala ko nga ikaw" akala ko pinagtitripan nya lang ako, ganun din pala sya akala nya pinagtitripan ko lang sya. Nagulat kami biglang namatay yung gripo, nagkatitigan kaming dalawa. Parang nanigas kami parehas, bigla kami may narinig na naglalakad sa taas tas sabi ko "sinong tao sa taas?" Sabi nya "ako lang tao dito diba? Umalis sila" nararamdaman namin parang papunta sa hagdan yung yabag, eh katapat namin halos yung hagdan. Bigla rin nag-galawan yung mga nakasabit na gamit sa dirty kitchen, imposibleng hangin yun kasi hindi naman open yun at walang hangin na pumapasok dun. Kaya nga mainit dun kapag nagluluto minsan. Tumakbo kaming dalawa papuntang sala, tatakbo na sana kaming tatlo palabas tas hinatak ako ng bf ko sabi nya "wag natin pakitang natatakot tayo" so pinilit namin kumalma. Ang hirap kumalma mga dzai!!!! Hahahahahaha. Inisip ko na lang na hindi namin masasara yung pinto ng bahay kung sakali na magtatakbuhan kami palabas baka manakawan pa. So ayun, nilock nya ng maayos yung pinto, saka kami nagtakbuhan palabas ng gate.

Sobrang dami pang nangyare dun, natiis nila yun ng 1 year. After ng contract lumipat na rin sila. Di nasagot tanong namin kung bakit may something sa bahay na yun, kung anong background nun. Pero pagkalipat nila, bumabalik balik pa rin kami dun kasi naniningil kami ng utang (mahilig mangutang yung mga nasa compound and ang laki ng utang nila sa parents ng bf ko, mga 1 yr din kami nagpabalik balik dun every Sunday para maningil ng utang) ang tagal bago natirahan ulit yung bahay, lagi namin tinatanong kung may umupa na ba na bago kasi laging patay ilaw, wala pa daw. Huling balik namin may nakita kaming babaeng naka-uniform na pumasok dun, mga 1 yr and 2mos siguro bago may tumira ulit na bago. Yun na rin yung huling punta namin kasi tapos na sila magbayad ng utang.

So ayun lang. Di naman ganun nakakatakot pero pag naaalala ko tumatayo pa rin balahibo ko.

-A.

Condo

I was a 2nd year college that time and nag dorm ako sa isang condo sa Paco. Me and my dormmate Celine (not her real name btw) sa 8th floor kami and sa isang unit merong 2 floors bali 3 double deck sa baba with their own cr and same din sa amin sa taas.

That freaking night, nag decide kami ni Celine bumaba and mag hanap ng makakainan or pagtetake outan for our dinner. Magfafast food talaga kami pero since tinamad na kami maglakad sa 7/11 nalang kami pumunta and tawid lang siya sa building namin. Habang naglalakad kami papuntang 7/11 nag chichikahan kami about sa nakakatakot na naencounter namin. To make the long story short, nakabalik na kami sa unit and nag dinner na kami. Ang gawain namin ni Celine after namin mag dinner magkakanya kanya na kaming sarado ng curtain sa bed namin and mag pophone lang kami hanggat sa makasleep. I was watching vlog that night and 2 lang kami sa taas nang bigla nalang talaga ako kinilabutan as in out of nowhere nagsitaasan balahibo ko nilalamig na pinagpapawisan and grabe yung kaba ko pero ok lang hinayaan ko lang iniisip ko sa aircon lang yun. Pagkadiretso ko ng higa ko inilawan ko yung nasa paahan ko dahil merong white eh nasa isip ko nung kung towel ko yun dapat yellow yung color. So ayun na nga inilawan ko then I saw not just one but 2 white freaking lady, mother and daughter sila yun yung nasa isip ko pero hinayaan ko lang sabi ko ok dyan lang kayo tas nanuod na ako ule ng vlog na parang wala lang kasi hindi ako matatakutin eh, nung tumagilid na ako ay grabe na yung kaba sa dibdib ko, sobra yung pawis ko tas yung tibok ng puso ko and nahihirapan ako huminga hindi ako natatakot pero parang nanginginig ako. Kaya lahat ng families and friends ko na online that time chinat ko sinabe ko sakanila na nahihirapan na ako makahinga and tumawag si Kuya Ads (not his real name too and he's my cousin) sabi niya sakin gisingin ko daw si Celine sabi ko ayoko kuya may work yun mamayang 7 am then sinabe niya sakin turn on the lights now, nag iisip pako kung bubuksan ko paba or wag na pero nung naramdaman ko yung lamig from my feet na pataas na ay tumakbo na talaga ako sa cr para buksan yung ilaw. So inend ko na yung call kay kuya Ads and nahilo ako ng sobra and sumuka ako, after ko ilabas yung hilo ko nawalan na talaga ako ng pake sa nangyare at tinulog ko na.

Pag gising ko tumawag agad si mommy sakin and pinapunta niya ako sa Mandaluyong kasi nandun mga relatives namin para daw maasikaso ako dahil nga sa nangyare that night. Bumyahe ako na para bang walang nangyare, ok ako malakas ako wala ako nararamdaman na bigat then nung nakarating nako sa bahay ng tita ko biglang bumagsak yung katawan ko sobrang taas ng lagnat ko kaya pina albularyo nila ako sabi ko ayaw ko gusto ko hospital pero dun padin nila ako dinala kaya habang nakapila kami nakasimangot ako kasi hospital talaga gusto ko, so ayun turn ko na nakalimutan ko na ginawa niya sakin nung una basta bigla nya ako kinurot ata tas ang sakit sobra sabi niya may naistorbo daw ako ganun tas meron siyang nilabas na tubig na nasa bowl at candle tas pinapatak nya then pinakita niya sakin yung nag shape na 2 babae yung isa bata as in same na same sa nakita ko then may pinahid na siya sakin and may hinampas after ko ipaalbularyo nahimasmasan ako.

Hindi muna ako bumalik sa condo and I remember tinawagan ako ni Celine, sabi niya uwi na daw ako dahil natatakot siya dahil may nag open daw ng gripo sa cr sa baba tas narinig daw niya na tumutulo na so puno na kaya sumigaw daw siya sa baba na pakipatay yung gripo dahil puno na nga tas di daw siya pinansin kaya nagdabog daw siya pababa ng hagdan tas pag check niya walang tao at di naka open yung gripo and tumakbo daw siya papuntang bed nya tas ayun na nga tinawagan ako para pauwiin and sabi ko ayoko bahala ka dyan hahahahaha (loveyouuu hahaha)

So thats the end of our nakakatakot na experience sa unit na yun dahil umalis kami agad agad nung naulit ule yung sa gripo nung nandun nadin ako.Kaya wag na kayo magkwentuhan baka marinig kayo sundan kayo hahahaha

Thank you for your time

- Ting

Sinaunang Bahay ni Lolo

Dito sa aming baranggay noong unang panahon (di ako magaling umalala ng eksaktong taon, kaya pagpasensyahan nyo na agad) ang pamilya ng lolo ko (father side) ay ang mga naunang naninirahan dito. Sabi samin, walong pamilya palang dito noon dati, sa laki nito layo layo sila. Walang kuryente, ang tubig ay sa malinis na ilog kumukuha, ang pang inumin naman ay sa bukal (madaming bukal noon dito, nung kabataan ko may naabutan rin ako. Ang iba ay ginawan ng poso pang mamamayan, ang iba ay pang personal na poso ng mga taong naninirahan ngayon) Wala parin kalsada noon.

Tuwing may bagyo na darating, ang mga tao dito sa brgy namin noon ay lumilikas sa bahay ng lolo ko dahil ito ang pinakamalaki at matibay na bahay. (Hanggang ngayon buong buo ito, matibay ang mga kahoy sa itaas, hollowblocks sa ibaba, yung hollowblocks na pino na hindi basta basta nadudurog, unlike sa hollowblocks natin ngayon.) Pero ang bahay ay hinati sa dalawa ngayon. Nakatira ang tiyahin ko sa isa, sa kabila naman pinsan ko na may asawa pero walang anak)

Note: itong kwento ay hindi lang sa personal kong experience, pati narin sa mga pinsan ko.

*Bisita

Elementary ako noon, grade 5. Kami ng mga pinsan ko ay nasa kalsada nakatambay sa tindahan ni ate Rhain at ate Cel, padaan non crush ko kaya bumaba ako para magtago hahaha. Dun sa pag baba kasi, andon ang bahay ng lolo ko.

Bale isang compound kami dito, 8 ang anak ng lolo namin, lahat dito nakatira maliban sa isang lalaki, sila ay taga cavite.

Pagbaba ko sumilip ako sa bintana na maliit, para silipin narin ang lolo ko dahil ito ay nakahiga nalang , di na nakakatayo pero nakakausap naman. Sa pagsilip ko nakita ko lolo ko nakahiga sa kama, hindi kita ang ulo kasi natatakpan ng tumba tumba (upuan to ng matatanda) na may nakaupong lalaki, sinilip ko kung sino yun. 'ah ang tiyo Ben pala' sabe ko sa isip ko. Bumalik na ako sa taas, may dumating na tao hinahanap ang tiyo Ben, sabi ng tiya ko 'wala e nasa bayan pumasok sa trabaho'

Ako: andon po tiya sa baba bantay sa lolo

Tiya: pangken baka hindi ang tiyo ben yun, pumasok yun dipa nauwi mamaya pa yunGel (pinsan ko pa): Nasa amin pati ang lolo kagabi pa doon natulog

Kinabahan na ako, natakot rin sila. Alam naman kasi ng lahat na nakakatakot doon sa bahay.

Sama sama kaming bumaba lahat. Hahaha. Madami kami nito may dalawang lalaki at limang babae including yung sila ate Rhain at ate Cel , ang tiya naiwan dahil may tindahan din sya. Nasa liko nila kami, mga bata pa kami nito e.

Pagpasok sa pinto may malawak na sala dun, tambakan ng na harvest na gulay o palay

Tas papasok ulit pinto andon na ang isa pang sala kung saan andon ang papag ng lolo namin. Charaaan! Wala ang lolo, maayos ang papag halatang walang natulog kagabi. Pero ang tumba tumba nandon malapit sa papag.

Agad kaming tumungo sa bahay ng isa pa naming tiya para tanungin kung hindi dinadala ang lolo sa bahay kanina.

After magtanungan, pina describe nila sakin kung sino ang kausap ng lolo na nakita ko

Ako: Likod lang po kasi ang kita ko, di payat di rin mataba. Pero panot po sya kaya akala ko ang tiyo Ben pero hindi ubanin e. Yung sideview nakita ko pero malabo, akala ko tiyo Ben talaga kaya diko na sinilip ng sobra. Sabe ko

Tiya ko: may pinakitang pic na kinuha sa drawer, tignan mo ito.

Ako: parang sya nga po. Sino po yan?

Tiya: paboritong pamangkin ng lolo nyo, kamamatay lang mag iisang buwan na. Baka dinalaw ang lolo nyo kasi hindi kami nakapunta at nasa ibang bansa.

*Babae sa may hagdan

1st year HS ako nito, dahil may sakit na nga si lolo dapat palaging may natingin tingin sa kanya at hahatiran ng pagkain at meryenda.

Hinatiran ko sya ng meryenda, tinulungan ko umupo. Nakain po sya mag isa)

Habang nakain sya, nagsasalamin naman ako. Yung salamin ay nakadikit sa cabinet. Yung cabinet naka pwesto lang naman sa gitna ng dalawang papag. Dalawang papag na, kasi mga pinsan ko natutulog sa kabila, at lolo ko dun sa isa.

Lolo: sino yung babae na nasa hagdan, tawagin mo at pakainin

Ako: (napapikit sa takot dahil ang hagdan kita ko sa salamin kung iisod ako konti) Lo, tayo lang po tao dito.

Lolo: may babae talaga, naka puti.

Ako: malabo po mata nyo e. Tinatakot nyo lang po ako

Binuksan ko na mata ko para sana tumakbo palabas kasi naiyak nako nito haha. Akma na sana akong lalabas ng may biglang anino ang dumaan sa harap ko, nasa may pa kusina na ako nito (sa likod kasi ako dadaan sana, kasi kung sa harap, madadaanan ko ang hagdan) Napa takbo ako sa lolo ko. Iyakan talaga ako. Bigla pang umulan, so maingay ang bubong lalo akong natakot, ang dilim na nga ng bahay ang ingay pa ng ulan. Legit yung takot! (Kahit ngayon na nag tatype ako)

Diko na kaya! Sumigaw na ako ng sobrang lakas para marinig sa tindahan ng tiyahin ko pang isa. Masyado maingay ang ulan kaya siguro walang makarinig. Nasa tabing kalsada pati.

(Sa anak ni lolo tatlo po silang may tindahan)

Tila na ang ulan, ako naiyak parin. Finally narinig ako ng ate ko.

Pinapunta ko para sunduin ako dahil di nako makaalis sa tabi ng lolo ko.

Tapos kinwento ko lahat. (until now po na may anak na ako at asawa tuwing uulan po at nag iisa ako sa bahay ay takot parin po ako) alam po ng mister ko yan, kaya tuwing naulan at tulog na ako tinatakpan nya tenga ko at niyayakap ako

*Clarify ko lang po. Hindi po ako mismo sa ingay ng ulan takot ah? Dun po sa patak ng ulan sa bubong. Yung mismong ingay ng bubong na gawa ng ulan. Sana po maintindihan nyo. Wala po kaming kisame e. Kaya sobrang rinig ang ingay ng bubong. Kahit sa bahay nila ganon rin. At sa babay ni lolo wala rin kisame po.

*Sundo ni Lolo

Ate Cel experience

6pm non, naghatid ako pagkain sa lolo namin para pakainin narin. Ginising ko at nilapag ang pagkain sa bangko na nilagay ko. Tinulungan ko sya umupo. Habang nakain ang lolo, naupo ako sa kabilang papag na tulugan namin. Nang biglang

Lolo: apo kumain kana din, sumabay kana sakin

Ate cel: busog pa po ako, kaen lang po kayo dyan

Lolo: Tawagin mo yung nasa may pintuan, pakainin mo rin

Ate cel: Wala naman pong tao Lo.

Lolo: Nakikita ko na naman sya, sinusundo na ako.

Ate Cel: Sino po ba iyon?

Lolo: Diko kilala, babae nakaputi. Hindi naman ang lola nyo. Sige na apo, iwan mo na ako. Kaya ko na dito

Hindi na ako nagsalita at dali daling tumakbo palabas sa sobrang takot. Nagtawag ako sa mga pinsan namin at tiyahin para sabihin.

*Madalas po makita ng lolo namin ang babae, minsan gusto pang sundan. Kahit daling araw nang gigising si lolo para magpa alalay dahil susundan daw ang babae kasi tinatawag na raw sya at isasama daw sya.

*Nawawala si Lolo

12am, ginising ng mga pinsan ko ang lahat ng anak ni lolo upang ipabatid at ibang pinsan na lalaki na nasa hustong edad na. Lahat sila naghahanap kung saan saan. Ang iba nag iiyakan na. Ang ibang may motor at traysikel pumunta sa kalapit brgy, at sa mga looban. Ff, mag gagabi na ng nakita, ang lolo namin ay nasa ilalim ng bahay parteng kusina. Naka taas kasi ang kusina ang ilalim nun ay maputik at sobrang dilim tsaka mababa lang. Kumbaga, susuot talaga tsaka malawak. Bago makapunta dun dadaan sa bakanteng parang pool, tsaka puro halaman.

Nang makuha ng mga pinsan kong lalaki at mga tiyuhin ko ang lolo namin agad itong pinainom, pinaliguan, binihisan at pinakain.

Ff. Kalmado na ang lahat, dahil nagpapahinga na ang lolo.

Sabe ng lolo tumalon daw po sya sa bintana ng labahan, kalapit ng cr kaya sya bumagsak dun. Nakarating daw po sya dun kasi ginising sya nung babae at saka sya pinasunod.

'nagtataka po kaming lahat paano nakalakad mag isa, at paano nakatalon kasi mababalian yun ng buto dahil sa taas, pero walang bali, di namin alam kung totoo ba na tumalon nga sya. Kas matanda na nga po. Pero may sugat po sya sa noo malapit sa mata at meron din sa tuhod braso at binti. Di namin alam kung saan at paano nasugatan. Naka sando laging puti ang lolo namin at medyo maluwag na short at diaper.

Btw, nung nakuha po sya sa ilalim non naluha po si lolo sabe nila.

Ang lola ko po na asawa ng lolo ko ay matagal ng patay, siguro 7 or 8 years old ako noon nung namatay sya.

Putulin ko na po dito dahil mahaba na. Kwento ko ulit yung ibang part kapag na post ito. Thank you admins.

God bless everyone!

Chichay ∆

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 53.1K 40
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
587K 25K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
106K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
933K 45.5K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...