South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 8

68.9K 3.1K 1.7K
By JFstories

SELOSO AKO.


Nakaawang ang mga labi ko habang nakatingala kay Isaiah. Seryoso ang mga mata niya na kakulay ng kalangitan tuwing gabi. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil bumalik agad ang boyish at playful niyang aura. 


"First day ko, ah," malambing na sabi niya. "Unang araw pa lang ngayon ng panliligaw ko sa 'yo. Bale iyong mga nakaraan, warm up lang."


Kung ganoon ay hindi pa pala talaga iyong mga ginawa niya para sa akin noon at pagpapadala ng kung anu-ano?


Dumami na ang mga estudyante na umaakyat sa hagdan. Lumayo na ako kay Isaiah. Nauna akong maglakad habang kasunod siya.


"I don't know what it is that you've done to me," narinig ko ang mahina at malamyos na pagkanta niya mula sa likod ko. Ume-echo iyon hallway. "But it's caused me to act in such a crazy way..."


Maliit na napangiti ang mga labi ko. Ang lamig talaga at ang lambing ng boses niya. Bumagal ang mga hakbang ko.


"'Cause my heart starts beating triple time with thoughts of loving you on my mind. I can't figure out just what to do when the cause and cure is you... youu... Oh..."


Ang mga kasabay naming babae sa daan ay napapangiti. Binabati siya ng mga ito. Sumasabay naman ang iba sa pagkanta niya. Hanggang sa ang mga ito na lang ang kumakanta.


Nang nasa tapat na ng room niya ay parang bumigat ang pakiramdam ko. Alam ko na papasok na siya roon. Papasok na rin ako sa room ko na katabi ng room niya. Nang lumingon ako ay kausap niya na ang mga kaibigan niya. Hindi na siya nakatingin sa akin. Nakikipagharutan na siya sa mga ito.


Pumasok na ako sa room ko. Dahil maaga akong pumasok ay matagal-tagal pa bago mag-bell. Naglagay na lang muna ako ng manipis na light eyeshadow sa mata nagsuklay ng buhok. Nagbuklat-buklat na rin ako ng notes kaya lang ay lumilipad ang isip ko. Naiinip ako.


Hanggang sa tumayo na ako. Nasa pinto na ako nang mapaisip kung bakit nga ba ako lalabas? Paglingon ko sa kaliwa ay napasinghap ako dahil kalalabas lang din ni Isaiah ng pinto. Nag-uunat siya ng kanyang braso. 


Aatras na sana agad ako bago niya pa ako makita, kaya lang ay may kaklase ako na lumabas ng pinto. Nabangga ako sa balikat dahilan para mapahakbang ako palabas imbes na papasok. Sakto naman na napalingon na sa gawi ko si Isaiah.


Bumadha ang sandaling gulat sa guwapo niyang mukha na agad ding nabura. Ngumiti siya at kinawayan ako. "Hi, Vi!"


Nag-iinit ang pisngi na agad naman akong napaatras pabalik sa room. Para akong character sa pelikula na ni-rewind ang kilos. Nagtataka naman ang mga kaklase ko napapatingin sa akin.


Yukong-yuko na bumalik ako sa upuan. Ang ingay ng mga estudyante na nasa room dahil hindi pa bell, pero hindi ko sila gaanong nauulinigan. Iisang tunog lang ang malinaw sa akin ngayon, ang tunog ng kabog ng dibdib ko.


Nang mag-bell na at dumating na ang teacher namin ay sinikap ko na mag-focus sa lesson. Sa sobrang focused ko ay parang hindi na yata ako kumukurap. Nang sumapit ang sumapit ang first break ay mahapdi na ang mga mata ko.


First break ay hindi ako tumayo. Itini-text ako ni Eli. Tinatanong kung bakit hindi ko siya hinintay pagpasok kaninang umaga. Hindi ko makuhang mag-reply dahil natotorete ako.


Beep nang beep ang phone ko. Puro si Eli dahil wala namang iba. Tinatanong ako kung saan ako kakain ng lunch at kung may baon ba ako. Binasa ko lang ang mga text niya.


Lunchbreak nang tumayo ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa canteen ba? Naisip ko na magbanyo na lang muna. Gusto ko lang lumabas. Siguro dahil naiinip ako? Ha? Kailan ba ako sumuko sa pagkainip sa buong buhay ko?


Nasa pinto na ako ng room nang may maalala. Napahawak ako sa aking mga labi at agad na napabalik sa upuan. Nagkalkal ako sa aking bag at nang makita ang hinahanap ay napangiti. Lip gloss. Pagkatapos mag-lip gloss, kinuha ko rin ang suklay sa pouch ko. Nagsuklay ako kahit nagsuklay na rin ako kanina bago tumayo. Nang makuntento na ay muli kong tinungo ang pinto.


Paglabas ng room ay narinig ko na naman ang pamilyar na kabog sa aking dibdib. Dadaan ako sa room ng 11-Narra na katabi ng hagdan. Nakayuko ako habang naglalakad. Nang nasa tapat na ng room ay pasimple kong hinawi ang aking buhok. Nakalampas na ako pero wala namang humarang sa akin o tumawag man lang.


Sa hagdan ay ibang estudyante ang mga nakatambay at hindi ang aking inaasahan. Hindi ang magto-tropa na nakasanayan ko na roong makita. Kumibot-kibot ang aking bibig at binilisan na lang ang paghakbang hanggang makarating ako sa ibaba.


Nang nasa tapat na ako ng CR ng girls ay pasimple na gumala muna ang aking paningin sa paligid. Tiningnan ko ang mga nagdaraan. Nang wala namang nakita ay bagsak ang balikat na pumasok na ako sa loob ng banyo.


Paglabas ko ay tumingin-tingin ulit ako sa paligid. Wala pa rin. Bagsak ang balikat na umakyat na ako pabalik sa second floor ng building. Pagdaan ko ulit sa unang room ay hindi ko na natiis na hindi roon tumingin.


Habang marahang naglalakad ay gumagala ang paningin ko sa loob ng room ng 11-Narra. Kakaunti lang ang estudyante sa loob at wala siya...


Ito ba iyong sinasabi niyang first day, ha? Nasaan siya? Maski dulo ng mahahabang pilik-mata niya ay hindi ko makita!


Aalisin ko na sana ang aking mga mata sa room nang nang mapansin ko ang babaeng nakatayo sa may pintuan. Matalim ang tingin sa akin. Nakilala ko ang maganda bagamat matapang nitong mukha. Kaibigan ni Isaiah at girlfriend ng katabi kong si Charles. Si Carlyn.


"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.


Napayuko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pagbalik ko sa room ay napabuntonghininga ako. Ano ba itong ginagawa ko? Porket sinabing 'first day', inasahan ko talaga?


Tinapik ko ang aking pisngi. Hindi pa ako nakuntento at tinuktukan ko pa ang aking ulo. Ang sakit pero kulang pa para magising ako. Pumikit ako at akmang tutuktukan ulit ang sarili nang biglang may pumigil sa aking pulso.


"Bakit sinasaktan mo ako?" maaligasgas na boses ang nagsalita sa harapan ko.


Gulat na napatingala ako sa nagsalita na may hawak din sa aking pulso. Napamulagat ako nang makita ang seryosong mukha ni Isaiah. Nandito siya sa room at hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya!


Naupo siya sa bakanteng upuan ng katabi kong si Charles. "Tigil mo 'yan, ang sakit na, ah!"


"Ha?" Kumiling ang ulo ko. Naghahalo ang aking pagkapahiya dahil nahuli niya ako at ang pagtataka dahil ano iyong sinasabi niyang sinasaktan ko siya?


Pagkaupo ni Isaiah sa tabi ko ay hindi pa rin ako binitibitiwan. Napamata ako nang yumuko siya at saka marahang ihinampas ang aking kamay sa kanyang ulo.


"A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko.


Hinampas niya pa ulit muna ng isa pa ang kamay ko sa kanyang ulo bago siya nag-angat ng mukha. Nakangisi siya sa akin. "Mas nasaktan pa rin ako kanina sa pananakit mo sa sarili mo."


Napanganga ako. Ang sinasabi niyang sinasaktan ko siya ay iyong pananakit ko sa sarili ko?!


Nang bitiwan niya ang aking pulso ay nangalumbaba siya sa armchair habang nakatingin sa akin. "Hinanap mo ko kanina, 'no?"


"H-hindi!" Kulang na lang ay mabilaukan ako sa biglang pagsasalita.


"Ows?"


Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako.


"Kung hindi pala e ano iyong paglingon-lingon mo kanina?"


Naumid ang dila ko. Nakita niya ako?


Hindi mapalis ang ngisi sa mapulang mga labi niya. "Sus! Hinanap mo ako. e 'Tapos nang di mo ko nakita, nabadtrip ka."


Ang pagkapahiya ko ay nauwi na sa inis. Tumalim ang mga mata ko. "N-nasaan ka kanina?"


Lalong lumuwag ang ngisi niya. Nakakainis lalo kasi ang ganda ng mga ngipin niya kahit may pangil. Mas nakadagdag pa nga iyon sa malakas niyang dating. Saka iyong dimple niya sa kaliwang pisngi, malalim.


Sumandal siya sa sandalan ng upuan at dumi-quatro ng paa. "Sinamahan ko ang lang tropa sa faculty. Na-confiscate CP e. 'Tapos nag-jingle muna ako. Pagbalik ko, paakyat ka na sa hagdan. Nakita kita palingon-lingon sa paligid. Pagdaan sa room namin, nakita ko na tumingin ka sa upuan ko. Mga 3 seconds na tingin. Nang di mo ako makita, tiningnan mo na lahat ng sulok ng room."


Nakagat ako ang aking ibabang labi. Hindi siya nagkakamali at namumuro na ako sa kahihiyan sa kanya. Huling-huli niya ang lahat!


"Vi, may gagawin ka ba sa weekend? Tanong lang naman."


Sinulyapan ko lang siya. Wala akong ginagawa sa weekend maliban sa magpahinga. Minsan naman ay nagpapa-footspa kami ni mommy kapag may pera.


"Battle of the bands sa plaza. Sa may tapat lang ng munisipyo ng Malabon. Kasali banda ng tropa. Ako vocalista. Baka lang naman makapunta ka."


Kahit pa siguro gustuhin ko na pumunta ay malabong mangyayari. Maski nga sa labas ng gate ay hindi ako nakakapunta, sa plaza ng Malabon pa ba? Hanggang sa bakod lang ng bahay namin ang puwedeng kong puntahan. 


Dinukot ni Isaiah ang kanyang phone sa bulsa ng suot na uniform pants. Itim ang case ng phone. Nag-tap siya sa screen at nang lumiwanag ay nakita ko ang kanyang wallpaper. Photo ng matataas na building. "Di kita nakikitang OL. Di naka-show active status mo?"


Naka-hide nga yata ang active status ko. Hindi ko na matandaan. Baka dati noong nahawakan ni Eli ang phone ko ay inayos nito. Ang dami kasing nag-ch-chat sa akin kapag online ako kaya ginanon ni Eli.


Inabot ni Isaiah sa akin ang phone na hawak. Nandoon iyon sa may 'ADD NEW CONTACT'. "Oks lang ba?"


Nagdalawang isip ako kung ibibigay ang number ko. Apat lang kasi ang nasa contacts ko. Sina Daddy, si Mommy, si Kuya Vien at Eli lang. Wala akong ibang pinagbibigyan.


Ang dali lang tumanggi o kaya ay wag na lang kumibo, pero bakit ang hirap sa akin na i-ignore si Isaiah? Napatitig ako sa nangungusap na mga mata niya, parang ini-expect niya na rin na hindi ko ibibigay ang number ko pero nagbabaka sakali siya.


Nang ibaba niya ang phone ay napakamot siya ng ulo. "Sorry. Bilis ba?"


Wala na iyong angas sa boses. Ang lungkot na ng mga mata. Wala na rin ang mga ngisi na ngayo'y nauwi na sa ngiwi. Mukhang napahiya siya sa sarili. Kakamot-kamot siya ng ulo niya.


Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang phone. "Sorry ang bilis. Okay lang naman. Di naman talaga kailangan na—"


Nahinto siya sa pagsasalita nang biglang iabot ko sa kanya ang phone ko. Namilog ang mga mata niya.


"Number mo na lang..." mahinang sabi ko.


Nakailang balik tingin pa siya sa mukha ko at sa phone bago niya iyon nakuhang tanggapin. Parang mabibitiwan niya pa ang phone ko nang kunin niya iyon. Nagpunas pa siya ng mga palad sa suot na polo dahil baka raw marumihan ang aking phone. Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.


Habang nag-ta-type si Isaiah ng number niya ay nakatingin ako sa kanyang mahahabang mga daliri. Ang graceful ng mga iyon habang nakapatong sa screen ng phone ko. Napansin ko rin na bukod sa malilinis ay magaganda ang hubog ng kanyang mga kuko.


Natuon ang aking mga mata sa hinlilit niya sa kaliwa na bukod tanging mahaba ang kuko. Malinis din naman iyon kaya lang ay takaw tingin talaga kasi nga mahaba. Hindi ko napigilan ang pagsaboses ng tanong, "Para saan ang mahabang kuko mo?"


"Pangulangot."


"Ha?"


Napahinto siya sa pag-ta-type. Parang nabigla rin sa sariling sagot. Napatingin siya sa akin. Bumungisngis siya. "Joke lang! Porma lang. Uso e."


Parang gusto ko ulit ihampas sa ulo niya ang kamay ko.


Sumulyap siya ulit sa akin. "Ayaw mo ba ng me ganto? Ge, wala na 'to bukas. Gupitin ko na maya."


Bakit naman niya gugupitin porket ayaw ko? Napalabi na lang ako.


Nagbalik siya sa ng tingin sa screen ng phone. Inilang ulit pa niyang pinakatitigan ang sariling number dahil baka nagkamali siya. Nang sigurado na siya ay saka niya lang ibinalik sa akin ang phone ko.


"Tumatanggap ako kahit wrong send."


Pagkuha ng phone ay nangunot ang aking noo. Nandito ang number niya pero walang naka-save na pangalan. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.


"'Kaw na bahala kung anong pangalan isi-save mo."


Mula sa bintana ng room ay may sumigaw. "Landi mo, Isaiah!"


Dalawang lalaki ang dumaan sa hallway. Mga kaibigan niya. Mapang-asar ang ngisi ng mga ito. Pagbalik ng tingin ko kay kay Isaiah ay nakasimangot siya, pero agad ding nagbago ang ekspresyon nang makitang nakatingin na ulit ako sa kanya. Ngumiti siya nang matamis.


Ang inilagay kong pangalan sa phone niya ay 'Isaiah Gideon'. Inilagay ko na bulsa ng aking palda ang phone.


"Kumain ka na ba?"


"Bibili pa lang ako ng sandwich—"


Hinugot niya ang kanyang phone sa bulsa para i-check ang oras. "May forty minutes pa bago mag-bell. Di pa rin ako nakain. Tara bili tayo sa canteen."


Nabibiglang napatanga na lang ako sa kanya nang tumayo siya. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako kumilos sa kinauupuan.


"Mamaya na ako bibili..."


"Sumabay ka na sa akin. Sayang pamasahe."


Pamasahe? Nag-aalangan pa ako kung tatayo o tatanga lang dito. Nakapamewang si Isaiah sa harapan ko at hinihintay ako kaya napilitan akong tumayo. Hindi siya kumikilos hanggat hindi ako mauuna na pumunta sa pinto. Sabi niya ladies first daw.


Yukong-yuko ako habang naglalakad kami sa hallway. May mga tumitingin na naman sa amin. Kabaliktaran naman ng pagiging tensiyonado ko ang pagiging kalmado ni Isaiah. Kulang na lang ay sumipol siya habang naglalakad kaming dalawa.


Pagdating sa canteen ay nauna siyang pumasok. "Ano gusto mo?"


"Egg sandwich," nagulat na naman ako sa sarili dahil sa aking aktibong pagsagot kay Isaiah. Ngayon lang din nag-sink in sa akin na talagang sumama pala ako sa kanya rito sa canteen.


Nilingon niya ako nang mapansing tumigil ako sa paglalakad. Nangunot ang makinis niyang noo. "Bakit? Bakit ang ganda mo?"


Ang pag-iisip ko, pag-aalinlangan, at pagkailang ay parang mga bula na naglaho. Nag-init na naman ang pisngi ko kasabay ng pagkibot ng aking mga labi dahil sa pagpipigil ng ngiti. "Baliw," mahinang sambit ko.


Bumili si Isaiah ng dalawang sandwich. Tig-isa kami. Mineral water ang drinks ko at sa kanya ay Coke in can. Binabayaran ko siya kaya lang ayaw naman niyang tanggapin. Nag-aalala lang naman ako dahil pabaon pa rin siya ng magulang niya. Ang sabi niya, may sarili naman daw siyang pera at labas pa roon ang pabaon sa kanya.


Sa bench kami nagpunta. Para na naman akong namamahika na sumusunod sa kanya. Pinagpagan niya ng kamay ang bench bago ako pinaupo.


Nang maupo ako ay maliit ang mahinang boses na aking sinabi ang sinasaloob, "Paano kung hindi kita sagutin? Masasayang ang mga ginastos mo sa akin..."


Pabukaka siyang naupo sa bench. "Bakit? Babastedin mo ko?"


Hindi ako sumagot.


Napabuga siya ng hangin. "Kung babastedin mo ako, wala naman akong magagawa."


"Okay lang sa 'yo?"


Nanulis ang nguso niya. "Syempre, hindi."


Inilapag niya ang Coke in can sa bench at kinuha ang hawak kong mineral water. Binuksan niya at inalis ang takip bago ibinigay sa akin.


"Manghihinayang ka sa ginatos mo?" tanong ko habang pasulyap-sulyap sa kanya. Nakaharang siya sa may sinag ng araw kaya kitang-kita ko ngayon ang kanyang mukha. Ang linaw ng repleksyon ng mga mata niya sa liwanag. Pantay na pantay ang kulay ng makinis na balat niya. Hindi rin masyadong halata ang pores niya.


Siya naman ang hindi kumibo. Hindi naman siguro problema sa kanya ang pera. Alam sa buong school na may kaya sila. Nasa abroad ang papa niya at isang anak lang siya. Napansin ko kanina ang wallet niya nang dumukot siya ng pangbayad sa sandwich. Bukod sa hundred bills ay parang may nakita pa akong 1 thousand pesos na buo.


"Malaki siguro ang allowance mo..."


"Aw, di ah. Kuripot magpabaon mama ko."


Sa malayo na nakatingin si Isaiah. Hawak ng kaliwang kamay niya ang Coke in can at patungga-tungga siya roon. Kada lagok ay umaalon ang lalamunan niya.


"Pero kahit kuripot iyon, astig iyon. Biruin mo, saglit pa lang si Papa sa abroad, nakapundar na agad kami ng van. Fully paid. Kumikita pa dahil pinapaupahan kapag may excursion. Di naman kami mayaman. Chismis lang."


Habang kumakain ako ng sandwich ay nakikinig ako sa kanya. Nagkukuwento siya sa magaang paraan. Iyong cool lang. Ito ang unang beses na may nakausap akong iba maliban sa pamilya ko at kay Eli. Naninibago ako pero at the same time ay nalilibang.


"Iyong mga kaperahan ko, mga diniskarte ko lang. Nabibigyan naman ako ni Papa ng luho ko. Cellphone ko, mga sapatos, at mga damit, puro padala niya. Pero hindi ko ugali na mag-demand maya't maya. Alam ko naman kasi na may mas importanteng pinaglalaanan ng pera. Iyong gitara ko nga ay ako ang bumili. Pinag-ipunan ko."


Habang nasa bench ay parang unti-unti kong nakikita ang ibang side ni Isaiah. Mukha lang siyang maloko dahil sa mga ngisi niya pero hindi maikakaila sa kilos at pananalita ang respeto at pagmamahal niya sa kanyang mga magulang.


"Nagbibigay-bigay rin naman sa akin ang mama ko. Pero makunat maglabas kapag alam niyang hindi naman sa school gagamitin ang pera. Kailangan ko pang magbunot ng buhok sa kili-kili niya, 'tapos babayaran niya ako ng twenty-pesos. Ang saya lang kapag nasa mood siya, minsan natatampal ako ng buong five-hundred."


Mahina akong natawa. Na-i-imagine ko kasi.


Naaaliw ako sa kuwento ng pamilya ni Isaiah. Para bang ang saya nila. Sa amin kasi ay malabo iyong mangyari. Hinding-hindi mauutusan ni Mommy ng ganoon si Kuya Vien. Kahit may bayad pa. Saka ayaw rin ni daddy ng may ibang lalaki na nadidikit kay mommy. Walang exception kahit si Kuya Vien pa.


"Mapagtabi rin ako ng pera just in case maisipan ni Mama na palayasin ako. Mabuti nang boy scout, laging handa. Pero kahit anong highblood ni Mama ay di naman niya siguro ako palalayasin talaga. Alam naman kasi niya na may budget ako at matagal-tagal akong di uuwi. Syempre takot lang niya na wala ako. Wala siyang kaaway at utusan sa bahay."


Nabanggit din ni Isaiah na kumanta siya last Sunday sa kasal ng kakilala kaya may pera siya. Binayaran daw siya roon ng seven-hundred para sa tatlong kanta. 'Tapos once a week ay suma-sideline sila ng pinsan niya sa talyer ng tito nila sa PK2. Five-hundred daw ang bayad na pinaghahatian nila ng pinsan niya. 


Kapag pinagka-carwash naman daw siya ng mama niya sa van nila ay binabayaran din siya. Minsan one-hundred o pag good mood ang mama niya ay two-hundred ang bayad. May pagkakataon din na lumalaban sila ng mga tropa niya sa mga game tournament o pustahan sa internet shop malapit sa kanila. Madalas daw silang manalo. Mahina na raw ang two-hundred-fifty na panalo.


"Hindi ka gugutumin sa akin," masuyo ang pagkakangisi niya nang sabihin iyon.


Hindi nga siguro. Kakapakinig kasi sa kanya ay hindi ko namalayan na naubos ko na ang sandwich.


Dumating sa bench ang mga kaibigan niya. Sina Miko at Asher. May nakasunod na babae sa mga ito. Grade 12 na ang babae at kilala ko dahil aking nakalaban sa pagka-muse last Intrams. Zandra Asuncion ang pangalan. Nakatirintas nang magkahiwalay ang buhok nito.


Nakasimangot si Zandra nang lumapit kay Isaiah. "Hoy, Isaiah! Nasaan ba ang pinsan mong si Arkanghel? Ang sabi ko, sabay kami mag-la-lunch ngayon e!"


Naupo sa katapat naming bench sina Asher at Miko. May pinagtatawanan ang mga ito na kung ano.


Gigil na lumingon naman si Zandra sa mga ito. "Guys, you're so noisy! Nagsasalita ako e!"


"Hoy, pag-aari mo ba itong lugar na ito para pagbawalan mo kaming mag-ingay?!" maangas na tanong ni Miko sa babae.


"Feeling siya pinagtatawanan," bubulong-bulong naman si Asher.


Si Miko naman ay nakasimangot na hinarap si Isaiah. "Hoy, ilabas mo na nga si Arkanghel nang manahimik na itong si Zanchai!"


Muli ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Naalala ko ang pagkakatirintas ng buhok ni Zandra sa pang-aasar ni Miko. Parang iyong palabas sa TV na may Taiwanese version. Isang babae at apat na lalaki, kaya nga lang ay tatlo lang sila ngayong lalaki.


Ngising-ngisi si Miko. "Oo nga. Tatlo lang tayong boylet dito, di kompleto ang 'Premature Garden' ni Zanchai."


Hindi ko na napigilan ang paghagikhik. Napatingin si Isaiah sa akin. Agad naman akong nanahimik at napayuko.


"Hoy, Isaiah! Tinatawanan ng bebe mo si Zandra o!" ani Miko. "Zandra, payag ka nun? Papatalo ka? Hawakan mo nga sa tainga!"


Si Zandra naman ay tila nabuwiset. Sinabunutan si Miko. "Kanina ka pa! Siguro may gusto ka talaga sa 'kin, no? Tigil mo na ngayon pa lang dahil ayoko sa mama's boy! Duh!"


"Hoy, kabahan ka, baka ako pala talaga ang para sa 'yo!"


"Yuck! Papakamatay na lang ako kung ganoon!" Pa-martsang umalis na si Zandra. Napikon na talaga.


Di naman mukhang affected si Miko. Masaya pa. Napapasipol pa dahil may dumaang babae na mukhang type nito. Mayamaya lang ay sinusundan na nito iyon. Umalis na rin si Asher dahil bibili raw ng chewing gum sa canteen.


Nang kami na lang ulit ni Isaiah ay nag-init na naman ang aking pisngi dahil sa kanyang mga ngiti. "Ngayon lang kita nakitang masaya."


Sumulyap ako sa kanya. Maaliwalas na maaliwalas ang kanyang mukha. Para pa nga siyang umiilaw sa ilalim ng sikat ng araw.


Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ako na nakamasid sa kanya. Kung paano humagod ang aking paningin sa kabuuhan niya. Mula sa makakapal na kilay, magagandang mga mata na kakulay ng gabi, sa matangos na ilong, sa mapulang mga labi. Maging ang pagtulo ng pawis sa kanyang makinis na pisngi.


Bumuka ang mga labi niya. "Vi, sa tingin ko hindi naman ako nanenelikado..."


"Ha?" Tila hibang na napakurap ako nang magsalita siya. 


Naging masuyo ang kanyang mga tingin. "May pag-asa ako, di ba?"


Napapaso sa kanyang mga mata na napatayo ako mula sa pagkakaupo sa bench. Pakiramdam ko ngayon ay pati ang aking magkaibilang tainga ay namumula. Si Isaiah naman ay nakayuko sa bench. Ilang segundo rin siyang ganoon. Nang subukan kong silipin ang kanyang mukha ay lalo siyang yumuko. Nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig.


"Isaiah..." tawag ko.


Itinaas niya ang isang kamay na parang sinasabi na 'sandali lang'.


Mga isang minuto rin yata bago siya tumayo. Ngiting-ngiti siya sa akin na parang tanga. Maliksi na dinampot niya ang paperbag na pinaglagyan ng sandwich namin kanina. Itinapon niya iyon sa trashcan saka nagpagpag ng kamay bago lumapit ulit sa akin. "Tara na?"


Tahimik kami na lumakad pabalik sa building ng Grade 11. Dahil mainit ang katanghaliang tapat at naparaan pa kami sa walang silong ay pinagpawisan ako. Nauna si Isaiah sa paglalakad. Pumuwesto siya sa aking unahan para matakpan ako sa araw.


Nakakailang hakbang pa lang siya nang umabot ang aking kamay sa laylayan ng suot niyang polo. Napahinto siya at napalingon sa akin.


"S-sabay na tayo..."


Napatitig siya sa akin muna bago napangiti. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Humakbang na ako hanggang sa pumantay sa kanya. Sabay kaming sumalubong sa init ng kalangitan hanggang sa makarating na sa may masisilungan.


Pawisan kami pareho pagpasok sa building. Paanong hindi? Imbes na magmadali sa paglalakad kanina ay parang slow motion pa ang nangyari. Balewala ang init sa aming marahang paghakbang. Nang magkatinginan kami ni Isaiah ay pareho kaming pigil ang ngisi.


"Nakakauhaw," paungol na sabi niya.


Napatingin ako sa hawak kong bote ng mineral water. Bukod sa nainuman ko na ay kalahati na lang din ang laman.


"Uminom ka," utos niya sa akin. "Iyong tira, akin."


Napalunok ako. Nang ibaling niya sa iba ang mga mata ay ibig sabihin na pinapainom niya na ako. Dahil nauuhaw ang uminom nga ako. Uubusin ko sana para hindi siya makainom dahil nakakahiya na painumin siya rito sa ininuman ko, kaya lang naawa ako nang makitang pawisan ang leeg niya sa bandang lalamunan.


May natira akong kaunti sa mineral water. Pinunasan ko ng panyo ang bibig ng bote ng mineral bago alinlangang inabot sa kanya. Pagkuha niya niyon kabado pa ako kung paano dadampi ang mga labi niya sa bandang inuman ko. Pero namangha ako nang hindi niya idampi ang bote. Ibinuhos niya lang ang tubig sa kanyang bibig hanggang sa maubos.


"Thanks." Nakangiti siya pagkainom. "Ako na magtatapon nito."


Ibinigay ko na rin ang takip ng bote ng mineral kay Isaiah. Nakangiti ako dahil hindi ko mapigilan. Naaaliw ako sa maraming dahilan. Isa siguro na na-appreciate ko ang ginawa niya.


Napawi lang ang aking pagkakangiti nang maramdaman ang mga titig sa gilid ng aming kinatatayuan. Nagitla ako nang sa aking paglingon ay isang lalaki ang namataan. Malamig ang ekspresyon nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Isaiah.


"Eli..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

851K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
10.1M 132K 52
β€œYou chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine β€œRayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora CariΓ±o has her heart. And he c...