Lunatic Series 1: WYATT JAMES...

By erosscrivener

205K 5.8K 204

COMPLETED STORY DESCRIPTION: Who would think that someone will search for the owner of the panty that just le... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
WYATT JAMES LACSON
KABANATA 18
KABANATA 19
ALOHA GOMEZ
AUTHOR'S NOTE
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
HULING KABANATA
WAKAS

KABANATA 7

5.5K 188 4
By erosscrivener

UMAGANG-UMAGA bumungad kaagad kay Wyatt ang kaniyang kaibigan na si Travis. Hindi pa nga siya nakakapagmumog at nakakapaghilamos, nasa bahay niya na kaagad ang kutungero niyang kaibigan. Hindi niya yata na-lock ang pinto ng bahay niya, kasi pagbaba niya ng hagdan nakita niya kaagad ito na naka-dik’watro ang upo.

“Ano na naman ang kailangan mo, Trav?” medyo antok pang tanong ni Wyatt sa kaibigan. “Hindi ka man lang nag-door bell. Kasuhan kaya kita ng trespassing?” dagdag niya.

“Makikikain sana ako, kaso tulog ka pa nang dumating ako kaya umupo na lang ako para hintayin ka na gumising at magluto,” wala man lang pagdadalawang isip na sabi ni Travis.

Lumiit ang mata ni Wyatt dahil sa pinagsasabi ng kaibigan.

“Putangina mo, Trav! Ang kapal talaga ng mukha mong kutungero ka! Lumayas ka nga rito sa bahay! Ang aga-aga binib’wesit mo kaagad ako!” umiigting ang pangang sabi ni Wyatt.

Magsasalita na rin sana si Travis pero umalis na si Wyatt, naglakad ito papunta sa kusina para maghilamos at magmumug. Ubos na kasi ang pang-mouth wash nito kaya mag-ti-tiyaga na lang muna siya sa pagmumug ng tubig.

Pumunta sa lababo si Wyatt saka binuhay ang gripo. Naghilamos at nagmumug siya.

“Pupunta ako ngayon sa coffee shop ni Henry. Sigurado akong nandoon na si Aloha,” ani Wyatt. Naglakad siya pupunta sa refrigerator para kumuha nang malamig na tubig. Nararamdaman niya kasi na nanunuyo ang kaniyang lalamunan.

Wala siyang hangover kaya hindi naman sumasakit ang kaniyang ulo.

“Kagagaling mo lang doon Kahapon ahh. Pero sabagay gusto mo ngang maging sa ‘yo siya. Goodluck, buddy. Dahil binibigyan kita ng moral support, baka naman p’wedeng makahingi ng one hundred thousand?” Tumataas-taas pa ang kilay ni Travis habang sinasabi iyon.

“Putangina ka talaga! Mauubos sa ‘yo ang ipon ko eh.  Baka magamit ko ang pamana ng mga namayapa kong magulang. Mag-asawa ka na kasi para mabawi mo na ang mana mo sa tatay mo, nang hindi ako ang kinukutungan mo,” sabi ni Wyatt pagkatapos niyang uminom, saka ibinalik na ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa refrigerator.

“Edi bigyan mo na ako ng 200 thousand para makapag-simula na ako sa paghahanap ng magiging asawa ko.” Ngumisi ito.

“Gago! Para namang may tinatae akong pera. Saka bakit ba ako ang palaging kinukutungan mo? Kay Alexander ka naman kaya mangutong.”

“Bakit narinig ko ang pangalan ko?”

A man wearing a plain black t-shirt and ripped jeans entered in the kitchen. That was Alexander Breiven.

“Bud, makikain ka rin ba?” tanong ni Travis sa bagong dating na si Alexander.

“Oo sana. Naka-day off mga maids ko kaya walang nagluto.” Pumunta siya sa island counter then sat on the stool. “Bakit pala nabanggit niyo ang pangalan ko kanina?” turan nito na ginagalaw-galaw ang kaniyang paa.

“Makikikain!? Mga putangina niyo! Magsilayas na nga kayo sa pamamahay ko! Kagigising ko lang kaya walang pagkain. Doon kayo sa bahay niyo magluto, hindi ‘yong nanggugulo kayo dito sa akin.” Bumaling ang tingin ni Wyatt kay Travis na nakatayo pa rin saka niya ito dinuro. “At ikaw Trav, diyan ka naman kay Alexander mangutong. Mamumulubi ako sa ‘yo eh.”

“Putangina ka, bud! Ang damot-damot niyang Breiven na ‘yan. Kahit pesong duling wala pa ‘yang naibibigay sa akin!” ani Travis.

“Tangina ka, Trav! Paano kita bibigyan kung ang hinihingi mo ay mababa na ang isang daang libo. Ginawa mo na kaming bangko. Buti na lang mabait ako kaya hindi kita binibigyan.” Ngumisi lamang si Alexander.

Why do I have a lunatic friends? Sa isip ni Wyatt.

Umupo na rin si Travis sa stool malapit sa katabi ni Alexander.

“Sexy pala talaga ‘yong may-ari ng panty na ‘yon. Kahit may suot na damit, pansin pa rin ang kurba ng bewang nito. Galing ako roon, nag-coffee. Tinatamad kasi ako magtimpla kaya pumunta na lang ako roon.”

Dahil sa sinabi ng kaibigan nagpanting ang tainga ni Wyatt. “Damn you, bud! She’s mine. Exclusively mine. So back off, bud!” nangingitngit ang ngipin ni Wyatt habang sinasabi ang mga ‘yon.

“Walang aagaw, bud. I’m just appreciating your girl. Saka mayroon na akong batang binabakuran.” Ngumiti si Alexander.

“Bata? Tirador ka na ngayon ng bata, Breiven?” ani Travis na nakatingin sa kaibigan.

“Kasalanan ni kupido. Hindi naman na siya ganoon kabata. I’m just 10 years older than her. She’s already 18 years old and a second year college. Nursing ang course. Damn! I’m so whipped to that girl!” maaliwalas ang mukha na sabi ni Alexander. “I already marked her as mine. Kaya kapag may lumalapit sa kaniya na lalaki, tinatakot ko kaagad. Ang akin ay akin lamang.”

“Bata pa rin. Nice. May kaibigan na ako na baliw dahil sa paghanap sa may ari ng panty, tapos may kaibigan na rin akong tirador ng bata. Alam niyo mga bud, putangina niyo!” saad ni Travis saka tumawa na parang baliw.

“Mas putangina ka, kutungero!” magkasabay na singhal ni Wyatt at Alexander.

Travis pouted. “Hindi niyo na ba ako love? Inaaway niyo na ako,” malungkot na sabi ni Travis.

“Ang sagwa mo mag-pout, Trav. Mukha kang baliw.” At humalahak ang tanginang si Alexander.

“Kung gusto niyong kumain, magluto kayo. Pupunta ako sa coffee shop ni Henry,” ani Wyatt.

“Bilisan mo, bud. Baka maunahan ka. May gusto raw ang gagong Henry na ‘yon kay Aloha mo.” Ngumisi si Travis.

Umigting ang panga ni Wyatt. Kaya walang sali-salitang umalis ito sa kusina at mabibigat ang bawat hakbang na umakyat sa kaniyang k’warto para maligo.










AT HENRY’S coffee shop. Aligaga si Aloha dahil sa dami ng kostumer. Natataranta siya kapag sabay-sabay na dumarating ang mga kostumer at nag-oorder ng gusto nilang coffee.

Nang kumunti ang kostumer lumapit si Henry kay Aloha.

“Aloha, can we talk?” tanong nito.

“Tungkol saan, Henry?” Kinunutan ng dalaga ng noo ang binata.

“Let’s go outside. Kaunti lang naman na ang kostumer, kaya na ‘yan ng mga kasama mo,” ani binata saka naglakad na palabas ng coffee shop na kaagad namang sinundan ni Aloha.

Umupo sila sa pandalawahang upuan sa labas ng coffee shop.

“Aloha, I still like you and I think my feelings for you went far.” Panimula ni Henry.

“Napag-usapan na natin ito, Henry. Kung ano ang sagot ko noon ay ganoon pa rin ngayon,” mahinang sabi ni Aloha.

“You don’t have to pressure yourself. Just let me to prove you my intension. I think... I love you.”

“Sorry, Henry. Wala talaga akong nararamdaman para sa ‘yo. Kung mayroon man, ‘yon ay bilang pagkakaibigan lamang. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo. Kung kailangan kong umalis dito para mawala ‘yang nararamdaman mo para sa akin, gagawin ko. Ayaw kong makasakit,” senserong ani Aloha.

“You don’t have to do that. I know how this job meant to you.”

“Pero kailangan, Henry. Kapag araw-araw mo akong nakikita, hindi mawawala ‘yang nararamdaman mo sa akin. Marami pa namang ibang trabaho riyan na p’wede kong pasukin. Kaysa masaktan ka pa dahil sa presence ko.” Bakas ang kaseryosohan sa boses ni Aloha.

“No. Lalo akong masasaktan kapag nawalan ka ng trabaho at baka sa’n ka pa mapunta. Ngayon malinaw na sa akin na hindi mo talaga kayang suklian ang nararamdaman ko sa ‘yo, baka ito na rin ang oras para alisin ang nararamdaman kong ‘to. Starting tomorrow, hindi na ako mag-stay dito sa coffee shop. Baka roon na lang sa branch nito sa Manila. Mas malaki na kasi ‘yon,” mahabang ani Henry.

“Maayos ‘yan. Maraming babae sa mundo, Henry. May tamang babae para sa ‘yo,” sabi ni Aloha.

“Tama ka. May lalaki rin na para sa ‘yo. Masakit isipin na hindi ako iyon. Pero magkaibigan pa naman tayo ‘di ba?” Ani Henry.

“Oo naman,” masayang tugon ni Aloha.

“Payakap nga.”

Pagkasabi niyon ni Henry, kaagad silang nagyakapan. Hindi man lang nila napansin na may nakamasid sa kanila na ilang metro lang ang layo. Madilim ang mukha, umiigting ang panga, at nangingitngit ang ngipin ng taong nakamasid na lulan ng kulay pulang BMW. Walang iba kung hindi si Wyatt. Kaya imbis na bumaba siya sa kaniyang kotse ay pinaikot niya na lang ito, saka matulin na pinaandar pabalik sa kaniyang bahay.

“Ganito pala ang pakiramdam kapag nagseselos. Parang gusto kong patayin ang tanginang Henry na ‘yan!” mariing usal niya saka umiling nang umiling.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
958K 22.3K 55
UNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya a...
209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...